ATASHIADahil pinayuhan ako ni Jaspher na ayusin ang relasyon ko sa ama ni Lance, pumayag akong umalis muna ng La Aurora. Kahit paano ay kampante ako dahil binigyan ako ng assurance ng aking kapatid na magiging ligtas kami ng anak ko. "Magtiwala ka sa asawa mo, Athasia," sabi sa akin ni Liza habang yakap niya ako. "Tiyak na hindi ka pababayaan ni Sir Lance. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa inyong mag-ina." "Sana nga maging maayos ang lakad naming ito, Liza. Gusto ko rin bumisita kay Loida. Parang siya na ang may-ari ng restaurant ko," biro ko pa. "Naku kung alam ko lang na magiging magaling kang negosyante, sumipsip na dapat ako sa iyo noon pa," wika naman ni Gemma. "Siguro kung ginawa ko iyon, baka isa na rin ako sa manager ng isa sa mga restaurant mo." "Pwede ka pa rin namang maging manager ng restaurant ko," saad ko kay Gemma. "Magpagaling ka na para matupad mo ang gusto mo." "Malapit na. Gagawin kong posible ang imposible. Makikita mo iyon, Atashia," mayabang na
OLIVIAI’m so happy dahil sumunod si Belle sa mga utos ko. Lalong naging happy ako dahil may nakapag balita sa akin na uuwi raw ng farm sa Cavite ang aking anak. Iyon nga lang, hindi ako masaya na kasama niya ang kaniyang hilaw na asawa at anak. Gosh, hindi lahat umaayon sa akin ang mga pangyayari. “Mark, may balita ka ba kung binawi na ng mga Regalado ang kaso nila laban sa akin? I am so excited nang maging malayang muli.” Masigla ang boses ko habang nagtatanong ako sa aking karelasyon. “Wala pa. Palpak yata ang plano mo,” sagot naman niya sa akin. No way! Hindi ko matatanggap na palpak ang naging desisyon ko. Aba, kapag nagkataon ay patong-patong na kaso na ito at tuluyan na akong hindi magkakaroon ng pagkakataon na maging malaya pa. I don’t want to sound being pathetic kaya hanggang kaya, lalaban ako. “Hindi palpak ang plano ko!” Mataas na agad ang boses ko at nanlilisik ang eyes ko. “Saka mo iyan sabihin kapag hindi tayo nakulong dahil sa pagkidnap mo sa mga Friol,” galit din
ATAHSIAMahigpit ang kapit ko kay Lance. Grabe din ang yakap ko sa aking anak. Sunod-sunod kasi ang putok na narinig namin mula sa likuran. Tumawag sa radyo ang isa sa mga bodyguards na kasama namin at iniulat niya na pinaputukan sila ng mga kasama ni Ma'am Olivia. Daig ko pa ang nakainom ng isang drum na kape dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit hindi ako madasalin ay natawag ko na naman ang mga anghel sa langit. Bakas ang galit sa mukha ng asawa ko. Galit na hindi para sa akin kung hindi para sa kaniyang mommy. "I will never let her hurt you again. Never!" sigaw ni Lance. "Lance, huwag kang sumigaw. Natatakot si Charlene," saway ko sa kaniya. "Kontrolin mo nga ang emosyon mo." Hinawakan ni Lance ang ulo ni Charlene. Ginulo niya ang buhok nito. "Sweetheart, don't be afraid. Daddy is just mad with your lola. I am now okay because of you.""Really?" tanong naman ni Charlene. "Yes. I will not raise my voice again," sabi ni Lance. "Yehey." Sinabayan ni Charlene ng pala
LANCEI was walking towards Jaspher, Atashia, and Belle when I heard them talking about a certain kidnapping. I was on denial at first ngunit malinaw ang mga kwento nila. Nahihiya na lumapit ako sa tatlo to confirm what I overheard. Nang nakalapit na ako sa kanila, nagtatanong ang mga mata ni Atashia. I did not know what to say. Basta ang alam ko, ayaw ko na husgahan ako ng asawa ko, katulad ng ginawa ko sa kaniya dati. “Is it true that Mommy kidnapped Mister and Misis Friol?” I asked. “Wala ka bang alam, Lance?” Atashia’s voice was unsure. Batid ko na nagdududa siya sa akin. "We were together at La Aurora. Twenty-four seven tayong magkasama, hon. Impossible na may maitago ako sa iyo," I told her. Tumaas ang kilay niya pero hindi na siya nagsalita. I felt nervous so I reached for her hand and held it tight. "Tell me everything," I begged everyone. Kailangan kong malaman ang lahat kahit nakakahiya na sa part ko ang makihalubilo sa mga taong sinaktan ng aking ina. Nagsimulang umiy
ATASHIAMalakas na sigaw ni Daddy ang nagpakabog aking dibdib. Nasa corridor ako kaya rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa ikalimang palapag ng mansion. Mula sa ikatlong palapag ay tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ng aking mga magulang. "Tawagin mo si Kuya Jaspher. Dali!" Utos ko sa isa sa mga katulong na nakita ko. Nasa hagdanan pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang boses ni Nanay. "Lumayas ka rito," sigaw ni Nanay kay Lance. Dinuro niya pa ang asawa ko. "Ano ang problema?" tanong ko. "Iyang asawa mo, sampid na nga lang, gusto pang sirain ang pamilyang ito. Kung anu-ano ba naman ang sinasabi sa daddy mo," sumbong ni Nanay. "Stop, Patricia. Let us talk privately," galit na sabi ni Daddy. "Walang private-private sa akin. Dito tayo mag-usap, Thomas." "Kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga gwardya, you will do as I say, Patricia." Nakakatakot na ang boses ni Daddy. Biglang nawala ang tapang ni Nanay. Parang maamong tupa na sumunod siya kina Daddy. Nang nawala sila,
ATAHSIA "Hon, have you watched the news?" Nagmamadali na tanong sa akin ni Lance. Tumango ako at bahagyang ngumiti. Hindi ako makapaniwala na iuurong ng pamilya ko ang mga kaso laban kay ma’am Olivia. "Kakausapin ko muna sina Daddy at Jaspher tungkol sa bagay na ito. Umuwi na tayo," saad ko. Sa loob ng sasakyan ay hindi kami nagkikibuan ni Lance. Daig pa namin ang hindi mag-asawa at hindi magkakilala. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Subalit ako, para akong sinasaniban ng demonyo. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi man lang sinabi sa akin ang aking pamilya ang naging desisyon nila. Wala ba silang tiwala sa akin? Sa mansion, nadatnan kong maraming mga reporter ang nagkalat sa may pool area. Nagpapa-interview sa kanila si Daddy. May mga pagkain at inumin din ang makikita sa buong paligid. "Ano ito, party?" Pagalit na tanong ko sa isa sa mga katulong. "Ma'am, normal po talaga ito rito sa mansion," sagot naman sa akin ng kinausap ko. "Normal? Normal
ATASHIASa katahimikan ng gabi, binulabog ko sina Daddy at Kuya Jaspher. Nakasuot ng pajama nila, pupungas-pungas na nagtatanong ang mga mata nila. Si Kuya Jaspher ay humihikab pa na umakbay sa akin. "What is your problem, bunso?" tanong sa akin ng kapatid ko. Nakakakilig ang pagiging malambing niya. Aba at may ilalambing pa pala ang kuya ko. Dapat pala ay palagi ko siyang ginigising ng alanganin para maging mabait siya sa akin. Ilang beses akong napalunok ng laway. Alam ko kung gaano kamahal ni Kuya si Belle. I don't want to hurt him, but I have to protect the entire family. Napatingin ako kay Daddy. He was silently waiting for whatever I was about to say. "Dad, Kuya, kasabwat ni Ma'am Olivia si Belle. Lahat ng ito ay drama lang. Hindi totoo ang kidnapping. Plinano nila ito." Nagpalakad-lakad ako sa harap nila. "How sure are you, Atashia?" tanong ni Kuya Jaspher. Bakas sa kaniyang mukha ang kaniyang nararamdaman. "I can't believe it. Belle borrowed a big amount of money dahil ba
LANCEI tried to call Belle several times but she was not answering her phone. As I drove into my father's farm, my heart was beating so fast. I was in range and wanted to punch anyone who would cross my lane. While having a trash talk with one motorist, Atashia was on the phone screaming her heart out. She was so nervous and begged me to calm down. "I am okay, hon. Don't worry. Everything is fine now," I told my wife after I had a small fight with an anonymous driver. "Huwag mong pairalin ang init ng ulo mo, Lance. May anak tayo na kailangan ng ama. Please relax," Atashia told me. "Yeah. Stop crying now. Kailangan ko lang makausap si Daddy. Sobrang laki kasi ng kahihiyan na ginawa nina Mommy at Belle. Hindi ko tuloy ngayon alam how I will face your father and brother." I took a deep breath. "I was used to be an arrogant person. I condemned Jaspher for having a stepmom who was trying to be socialite. Dämn! Mas malala pa pala ang aking ina." Sa farm ni Daddy, naabutan ko siyang nag
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. “Have you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,” biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. “Bakit biglaan?”"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
ATASHIAPanay ang iyak ko habang inaasikaso ko si Mrs. Friol. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siyang kailangan naming makaalis ng La Aurora at dapat pareho kaming buhay kapag nangyari iyon. Nilinis ko ang mga sugat niya sa katawan. Pinakain ko rin siya ng iniwang pagkain ng mga tauhan ni Ma’am Olivia. Dahil puno ng pagkain ang lamesa sa silid ko, marami siyang pagpipilian. Isang rason kung bakit hindi iyon nagagalaw ay dahil natatakot ako na baka matulad ako kay Lance. Kung may kemikal man na nilagay doon ang mga tauhan ni Ma’am Olivia, malalaman ko sa pamamagitan ni Mrs. Friol.Habang nakahiga siya sa kama na hinihigaan ko, unti-unti ko siyang tinatanong tungkol kay Belle. “We adopted her from a children foundation na tinutulungan namin dati ng aking asawa,” kwento ni Mrs. Friol. “We have no idea who her parents were. Why are you asking me these questions now?” “May nagsabi po kasi sa akin na ang tunay na ina ni Belle ay si Ma'am Olivia,” saad ko.Kahit labis ang panghihina ay p
ATASHIA Kinabukasan, parang bomba na ibinandera ni Belle sa harapan ko ang mga larawan nila ni Lance. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. The bed is familiar. Kahit ilang beses lang akong natulog doon ay kabisado ko ang silid kung saan kinuha ang mga litrato. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko isa-isa ang mga larawan. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. "Hindi totoo ito," usal ko. Ngumiti si Belle na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. Kitang-kita ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay habang parang awang-awa siya sa akin. "Don't be so stupid. Atashia, nasa harapan mo na ang katotohanan. Kakampi talaga namin si Lance. Pinaiikot ka lang ng nobyo ko. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay alam niya. Nandito siya sa La Aurora hindi para iligtas ka kung hindi para tulungan kami na patayin ka. Hindi ako kasing sama nila ng mommy niya. Although karelasyon ko ang asawa mo, napipilitan lang talaga akong gawin ang mali dahil hawak
LANCE"Welcome home, Lance!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa muli naming pagkikita ni Mommy. Tuwang-tuwa na niyakap niya ako at hinalikan sa aking pisngi subalit hindi ko maramdaman ang pananabik sa isang ina. My heart was full of anger. All I wanted was to punch her, but I know I shouldn't do that. I should retain my respect to my mother despite all the pain she brought in the family. "Alisin mo na ang baril na nakatutok sa anak ko. Duh, if you make him patay, I'm gonna kill you also," banta ni Mommy sa lalaking nasa likuran ko. "Marami ka na palang mga tauhan, mommy." Hindi naiwasan na bulalas ko."Yeah, I need them. You know naman na hindi ko gustong matalo sa kahit na anong kompetisyon, lalo na kung ang makakalaban ko ay ang pamilya ng asawa mo at lalong-lalo na ang asawa mo. I hate them. Kahit si Matty ay ‘di ko na crush. Kinamumuhian ko na siya, Lance." Iginala ko ang aking paningin sa buong living room ng mansion ng aking lolo at lola. Napakatahimik talaga at
LANCENabalitaan kong tumawag ang kidnaper ni Atashia sa biyanan ko. I thought it was mom pero boses matandang lalaki raw ang nakausap ni Sir Matty. The police were trying to locate the location of the caller but according to Jaspher, hindi nila nakuha iyon. Maraming tao na ang tinawagan ko para lang malaman kung nasaan ang asawa ko, pero puro negative ang result. Nawawalan na ako ng pag-asa lalo pa at halos isang linggo nang nawawala si Atahsia. Mabuti na lamang at laging pinapaalala sa akin ni Daddy na ako ang lakas ng anak ko. Charlene was crying all night. She's waiting for her mom. Dahil sa mansion ng mga Regalado pa rin ako nakatira kaya kahit paano ay natutulungan ako ni Jaspher magpatahan sa aking anak. Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang kalansay na natagpuan sa basement ng aming mansion. Even Dad could not identify the corpse. Naging isang malaking palaisipan iyon sa aming pamilya. Nang tinanong din kasi ang aming mga kamag-anak, wala
OLIVIA I make kulong si Atashia sa isang silid kung saan hindi siya pwedeng lumabas. When I visited her sa kinaroroonan niya, tuwang-tuwa ako sa nakita ko. She's so pathetic. Although hindi siya umiiyak, alam kong takot na takot siya. Habang tinitingnan ko siya, tuwang-tuwa ako. At last, nagawa ko rin makuha ang babaeng naging reason why my unico hijo distanced himself to me. Gosh, kapag naiisip ko ang mga nangyari ay parang gusto ko na siyang patayin ora mismo. "Tita, bakit hindi natin siya pahirapan habang nasa atin siya? Makaganti man lang tayo sa mga kasalanan niya sa atin," Belle suggested. Nagliwanag ang mukha ko. Bakit nga ba hindi, di ba? Habang nakataas ang kilay ko ay pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang magandang gawin para mahirapan si Atashia. "Ma'am, saka n'yo na pahirapan ang babaeng iyan 'pag nasa atin na ang pera," sabad ni Rey— isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Tama si Rey," segunda ni Mark. "Kapag nalaman ng mga Regalado na sinaktan n'yo siya, bak