LANCEI am trying my best to protect my marriage. Hindi ako papayag na tuluyang sirain ni Mommy ang mga binuo namin na pangarap ni Atashia. I even asked help from Daddy. I already told him about my Mom’s affair with other men. I had no choice kung hindi ang magsabi na ng totoo at para makita ni Dad kung ano talaga ang mga ginagawa ni Mommy. Paraan ko rin iyon para hindi na gamitin ni Mommy si Daddy sa mga masasamang balak niya. Maaga pa lang ay nasa bahay na ako nina Atashia. Ipinagtabuyan ako ng katulong nila dahil utos daw iyon ng asawa ko. Yet I never left the area. Umulan o uminit ay nakatayo ako roon. Hanggang sa lumabas si Jaspher at dumating naman si Nathan. “Lance, please don’t do this. You are just giving her more stress. Atashia is not yet ready to talk to you,” pakiusap sa akin ni Jaspher. “Can you at least tell her what I feel about our situation?” tanong ko kay Jaspher. Nathan and Atashia’s brother tapped my shoulders. “Lance, huwag mo si Atashia madaliin. Alam niya
ATASHIAHindi ko alam kung maaawa o magagalit pa rin ba ako kay Lance. Ang magaling kong asawa, ayaw makinig sa akin na tigilan niya na ako at ang anak namin. Nakakainis siya. Dati ipinagtutulakan niya kami ng anak niya pero ngayon, akala mo kung sino na habol nang habol. Hindi lang iyon ang problema ko. Natatakot akong baka mabuntis ako ulit. Simula nang may nangyari sa amin ni Lance ay hindi na ako mapakali. Sa sobrang pag-aalala ko ay nasabi ko kay Loida ang mga saloobin ko. “Tanga ka talaga. Bakit hindi mo pinigilan ang puso mo?” tanong sa akin ni Loida. Nasa restaurant kami at kasalukuyan na magkaharap sa opisina ko. “Eh, nilasing mo kasi ako,” sabi ko naman. “Hindi ko magagawa iyon kung nasa tamang pag-iisip ako.” “Gaga! Kasalanan ko pa ngayon na basta ka na lang bumukaka sa harapan ng dati mong asawa?” Alam mo naman ang sitwasyon ninyo, ‘di ba?” Tumango ako at kinuha ang tasa ng kape na nasa harapan ko. “Ano ang gagawin ko?” tanong ko sa aking kaibigan. “Magdasal ka ng n
ATASHIAKahit naka-wheelchair pa si Nanay ay nagsisimula na ulit gumana ang bibig niya. Muntik pa siyang mapatayo nang nalaman niyang inilabas namin ni Jaspher ang apo niya. Mabuti na lang talaga dahil simula nang nakilala niya si Charlene ay hindi na masyadong matalas ang mga salitang binibitawan niya. Hindi na rin siya nagmumura at kung minsan man na madulas siya, agad niyang pinipigilan ang sarili niya. “Bakit hindi kayo mapirmi sa loob ng bahay?” tanong ni Nanay sa amin ni Jaspher. “Mommy, namasyal lang kaming magkapatid,” katwiran ng kuya ko.Siniko ko siya. Mali kasi ang diskarte niya. Dapat hindi na siya nagdahilan para tapos na agad ang usapan. “Ngayon pa talaga ninyo naisip na mamasyal kung kailan marami kayong dapat iwasan. Isinama pa ninyo ang apo ko. Alam naman ninyong may mga banta sa buhay ninyo.”Hindi ako umimik. Mali kung sasagot pa ako. “Saglit lang naman po kami ni Atahsia at may mga kasama rin po kaming bodyguards,” depensa pa ng kapatid ko. Lintek talaga! Gus
ATASHIA“Jaspher! Kuya, gumising ka!” Halos maputol ang aking mga ugat sa leeg dahil sa lakas ng sigaw ko. Nasa hospita la kami at nakahiga ang kapatid ko sa stretcher. Puro dugo ang katawan niya at wala rin siyang malay. Sa tabi ko ay nakatayo si Nathan na puro dugo rin ang damit at mga palad. Hindi siya halos nagsasalita dahil sa sobrang pagkagulat niya sa naganap. “Miss, ano ang nangyari kay Sir? Sino po ang kamag-anak ng pasyente?” tanong ng nars. “Ako po,” mahina kong tugon. “Ano po ang nangyari?” ulit niya. “Binaril po kami ng hindi pa nakikilala na mga kalalakihan. Ako dapat po ang target nila pero niyakap ako ni Kuya kaya siya ang napuruhan,” kwento ko. Habang nasa emergency room si Jaspher ay may dumating na mga pulis. Si Dad na noon ay nasa Cebu para sa isang mahalagang business conference ay agad na nagsabi na luluwas siya anytime. Si Nanay ay hinimatay nang nalaman niya ang nangyari. Hindi rin siya pumayag na hindi makapunta ng hospital kaya pinakiusapan ko si Loida
BELLE Atashia's eyes are blazing with fire. Her strong personality intimidated me. Although wala siyang sinabi na kahit ano, alam kong she knows my secret. "What are you doing here?" Lance asked me. Honestly, I was not expecting to see him sa ospital na iyon dahil ang alam ko ay hindi na sila in good terms ni Atashia. Katatawag lang kasi ni Tita Oliva at iyon ang sinabi niya sa akin. “I would like to ask the same question,” I said. Nang nakita kong tumaas ang kilay ni Atashia, I felt numb. Gosh, I was afraid of her. She might say something that may destroy me at ayaw kong mangyari iyon. Now na alam ko nang isa siyang Regalado, kayang-kaya niyang sirain ang modeling career ko using his name. Kahit ang parents ko ay halos sambahin ang father nina Jaspher at Atashia dahil sa napakalaking utang ng pamilya namin sa kanila. Actually, it was my parents who decided first na huwag ko nang ituloy ang kasal namin ni Lance dahil nalaman nilang karelasyon ko si Jaspher. At dahil isa rin na
ATASHIAHabang nakaupo sa harapan ko si Belle ay parang hindi ko siya matantiya. Alam kong ginagawa niya ang sa tingin n'ya ngayon ay tama pero hindi ko magawang makipag-ngitian sa kaniya lalo at hindi pa stable ang lagay ng kapatid ko. "I am willing to testify against Tita Olivia. I will tell everything I know," sabi ni Belle. Tumingin ako sa buong paligid. Nasa restaurant kami malapit sa hospital. Ang bawat galaw ko ay de numero dahil tulad ng dati, ayaw kong mapahiya. Ayaw ko rin na mapagalitan ni Daddy. "Sigurado ka ba, Belle? Baka naman kapag nasa bakbakan na, iwan mo kami," dakdak ni Loida. "No. I am willing to help you, guys," sabi naman ni Belle. Nakinig lang ako sa diskusyon ng dalawa. Hindi ako nakisali kasi feeling ko ay mawawalan ako ng control sa emosyon ko. Iniiwasan ko iyon lalo pa at nasa isang lugar kami na maraming tao. “Wala akong tiwala sa iyo,” prangka na sabi ni Loida kay Belle. “Ang mga tulad mo iyong bait-baitan kunwari tapos ayun, hayop naman pala talag
ATASHIADaig pa namin ni Lance ang nananaginip nang pumasok siya sa loob ng bahay namin. Halos hindi niya bitawan ang kamay ko. "Dito ka matutulog sa guest room," sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ang malaking silid. Wari bang sinukat niya ang laki ng kama. Maging ang maayos na arrangement ay para bang sinisiyasat niya. Subalit muli niyang isinara ang pintuan at lumakad palayo sa silid. "Hon, can I sleep in Charlene's room? I know na hindi ka papayag na sa room mo ako matulog kaya kung pwede, sa room na lang ng anak natin ako matutulog," he said. Ano daw? Ang kapal ng mukha ng bisita ko. Abusado! Nagmagandang loob na nga ako, demanding pa. Wow. Just wow! Nagkamali yata ako na pinapasok ko siya. "No! Umalis ka na lang kung ayaw mong matulog sa guest room ng bahay na ito." Hindi ko napigilan ang mamaywang at tumaas ang kilay. "Okay. I'll sleep kahit saan mo ako patulugin," mahinang turan ni Lance. "Huwag ka nang magalit.""Daddy!" Napapikit na lang ako nang narinig ko ang boses
ATASHIADahil hindi ako makatulog sa takot na may parang multo na laging nakatingin sa akin, isang umaga ay kinausap ko na si Daddy. Medyo nagtaka pa siya nang sinabi ko na palagi kong nakikita ang dati niyang asawa o live-in partner dahil legally, si Nanay pa rin ang asawa niya. "Are you sure, hija. Salvie is not living here. How come you see her?" Biglang naibaba ni Daddy ang maliit na knife na gamit niya sa paglagay ng palaman. "Sigurado po ako. Hindi ko alam kung imagination ko lang ang lahat. Nag-iingat lmyg po ako kaya sinabi ko na rin sa inyo. Baka sakali lang po na mawala ang mga nakikita ko kapag nalaman ninyo," paliwanag ko. "What is it, Mommy?" Bulong sa akin ni Charlene na nasa tabi ko lang."Never mind about it, my princess. It's not for kids. At dapat hindi nakikisali ang bata sa usapan ng mga matatanda," saway ko sa aking anak. "Okay po," sabi naman niya. Si Daddy ay nilaro-laro ang baba niya. Hindi ako masyadong komportable lalo at alam ko na malalim ang iniisip n
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. “Have you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,” biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. “Bakit biglaan?”"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
ATASHIAPanay ang iyak ko habang inaasikaso ko si Mrs. Friol. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siyang kailangan naming makaalis ng La Aurora at dapat pareho kaming buhay kapag nangyari iyon. Nilinis ko ang mga sugat niya sa katawan. Pinakain ko rin siya ng iniwang pagkain ng mga tauhan ni Ma’am Olivia. Dahil puno ng pagkain ang lamesa sa silid ko, marami siyang pagpipilian. Isang rason kung bakit hindi iyon nagagalaw ay dahil natatakot ako na baka matulad ako kay Lance. Kung may kemikal man na nilagay doon ang mga tauhan ni Ma’am Olivia, malalaman ko sa pamamagitan ni Mrs. Friol.Habang nakahiga siya sa kama na hinihigaan ko, unti-unti ko siyang tinatanong tungkol kay Belle. “We adopted her from a children foundation na tinutulungan namin dati ng aking asawa,” kwento ni Mrs. Friol. “We have no idea who her parents were. Why are you asking me these questions now?” “May nagsabi po kasi sa akin na ang tunay na ina ni Belle ay si Ma'am Olivia,” saad ko.Kahit labis ang panghihina ay p
ATASHIA Kinabukasan, parang bomba na ibinandera ni Belle sa harapan ko ang mga larawan nila ni Lance. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. The bed is familiar. Kahit ilang beses lang akong natulog doon ay kabisado ko ang silid kung saan kinuha ang mga litrato. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko isa-isa ang mga larawan. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. "Hindi totoo ito," usal ko. Ngumiti si Belle na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. Kitang-kita ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay habang parang awang-awa siya sa akin. "Don't be so stupid. Atashia, nasa harapan mo na ang katotohanan. Kakampi talaga namin si Lance. Pinaiikot ka lang ng nobyo ko. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay alam niya. Nandito siya sa La Aurora hindi para iligtas ka kung hindi para tulungan kami na patayin ka. Hindi ako kasing sama nila ng mommy niya. Although karelasyon ko ang asawa mo, napipilitan lang talaga akong gawin ang mali dahil hawak
LANCE"Welcome home, Lance!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa muli naming pagkikita ni Mommy. Tuwang-tuwa na niyakap niya ako at hinalikan sa aking pisngi subalit hindi ko maramdaman ang pananabik sa isang ina. My heart was full of anger. All I wanted was to punch her, but I know I shouldn't do that. I should retain my respect to my mother despite all the pain she brought in the family. "Alisin mo na ang baril na nakatutok sa anak ko. Duh, if you make him patay, I'm gonna kill you also," banta ni Mommy sa lalaking nasa likuran ko. "Marami ka na palang mga tauhan, mommy." Hindi naiwasan na bulalas ko."Yeah, I need them. You know naman na hindi ko gustong matalo sa kahit na anong kompetisyon, lalo na kung ang makakalaban ko ay ang pamilya ng asawa mo at lalong-lalo na ang asawa mo. I hate them. Kahit si Matty ay ‘di ko na crush. Kinamumuhian ko na siya, Lance." Iginala ko ang aking paningin sa buong living room ng mansion ng aking lolo at lola. Napakatahimik talaga at
LANCENabalitaan kong tumawag ang kidnaper ni Atashia sa biyanan ko. I thought it was mom pero boses matandang lalaki raw ang nakausap ni Sir Matty. The police were trying to locate the location of the caller but according to Jaspher, hindi nila nakuha iyon. Maraming tao na ang tinawagan ko para lang malaman kung nasaan ang asawa ko, pero puro negative ang result. Nawawalan na ako ng pag-asa lalo pa at halos isang linggo nang nawawala si Atahsia. Mabuti na lamang at laging pinapaalala sa akin ni Daddy na ako ang lakas ng anak ko. Charlene was crying all night. She's waiting for her mom. Dahil sa mansion ng mga Regalado pa rin ako nakatira kaya kahit paano ay natutulungan ako ni Jaspher magpatahan sa aking anak. Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang kalansay na natagpuan sa basement ng aming mansion. Even Dad could not identify the corpse. Naging isang malaking palaisipan iyon sa aming pamilya. Nang tinanong din kasi ang aming mga kamag-anak, wala
OLIVIA I make kulong si Atashia sa isang silid kung saan hindi siya pwedeng lumabas. When I visited her sa kinaroroonan niya, tuwang-tuwa ako sa nakita ko. She's so pathetic. Although hindi siya umiiyak, alam kong takot na takot siya. Habang tinitingnan ko siya, tuwang-tuwa ako. At last, nagawa ko rin makuha ang babaeng naging reason why my unico hijo distanced himself to me. Gosh, kapag naiisip ko ang mga nangyari ay parang gusto ko na siyang patayin ora mismo. "Tita, bakit hindi natin siya pahirapan habang nasa atin siya? Makaganti man lang tayo sa mga kasalanan niya sa atin," Belle suggested. Nagliwanag ang mukha ko. Bakit nga ba hindi, di ba? Habang nakataas ang kilay ko ay pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang magandang gawin para mahirapan si Atashia. "Ma'am, saka n'yo na pahirapan ang babaeng iyan 'pag nasa atin na ang pera," sabad ni Rey— isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Tama si Rey," segunda ni Mark. "Kapag nalaman ng mga Regalado na sinaktan n'yo siya, bak