"Uhh, ano ba 'yan, siksikan na. Dito tayo, Ara," hila sa akin ni Reizzan, nasa gitna na kami ng mga tao pero malapit na sa harapan. At habang naglalakad kami, mas rinig ko ang papalapit na dating ng mga sasakyan.Grabe. Ang dami rin tao. Ganito ba palagi dito?When my eyes looked around, people's hands were raised while holding their phones, mukhang nakahanda na agad para kumuha ng mga larawan at videos sa mga sasakyan na darating. The cars are maybe that famous. Or the owners."Reiz, dito kayo."When I heard someone called Reiz, napalingon ako sa kaliwa at doon ko nakita yung si Orion. May hawak rin itong bottled water. "Oh, thank you!" Sumunod kami dito at hindi naman na kami naipit para makausad. Hindi na rin kami nahirapan na makakuha ng magandang pwesto sa harapan dahil nang makalabas kami sa kulumpon ng mga tao ay doon kami mismo sa mga organizers pinasunod ni Orion.And we're standing right in front of the road, dito mismo sa hihintuan ng mga sasakyan.Medyo nasisilaw ako sa
Leonariz is back, and he's really in front of me. When did this happen? When did he return to the Philippines? A-Akala ko magtatagal talaga siya sa London dahil sa mga sinagot noon ni Lander sa dad. Or maybe he came back because of his businesses? I also heard from dad that Leonariz was very hands-on with his company. But whatever the reason is... I'm glad that he's here. Pero hindi ko rin maiwasan na mag-isip kung ano ang mga susunod na mangyayari ngayong nandito na siya. Lalo na sa mga salitang nabasa ko sa mga labi niya kanina. I-If that is real... maybe he came back not because of his business but because-- Stop assuming things, Ara! "Mr. Jimenez, kayo po pala ang nagdala mismo ng VXT34!" Napaatras ako nang marinig ang boses ni Hya at nang lumapit ito sa amin. Naibaba ko na rin ang tingin ko at nakagat ang pang-ibabang labi ko nang mapagtanto ko na nandito nga pala kami sa maraming tao. Sandali kong nakalimutan nang makita ko ulit si Leonariz, tapos... t-tapos nakipagtiti
"Ahh. Sabagay po dahil sobrang busy ninyo rin. Pero kung si Jarvis po ang gagamit ng VXT, baka naman po sa susunod ay makita namin ulit kayong mag-build ng sasakyan dito o makipag-race?"The next question sounded like it had been a long time since Leonariz last did what the man mentioned. Binalikan ko naman ang mga nasabi ng kuya dati nang mag-dinner kami sa bahay ni Lander. Kuya said that Leonariz was also into car racing, ibig sabihin rin ba non na tulad ng kuya ay madalas rin itong makipagkarera dati? CEO na rin ba siya non ng kumpanya niya o nagsisimula pa lang?"I'm really busy at the moment. Marami rin akong tinatapos na trabaho ngayon, and I'm just here to visit and support the event. Nothing else.""Oh. Naiintindihan namin, Mr. Jimenez.""Magri-release po ba ulit ng bagong sportscar this year ang Vallano?"Sunod-sunod na ang mga tanong at isa-isa naman niya 'yon na sinasagot. At habang nakatingin ako sa kaniya at nakikinig ay hindi ko naman maiwasan na hindi humanga. Alam na al
Leonariz was the type who could get any woman with just a smirk, someone who played his games so effortlessly that it was almost impossible to resist. For him, women were just fleeting desires, objects of amusement that he could discard whenever he pleased. Iyon ang mga pinakadahilan kung bakit ayaw ko noon sa kaniya at kung bakit ko siya iniiwasan.But then we always crossed paths in unexpected places. And with each of those encounters before, I realized more and more how dangerous he was for me. Leonariz is an asshole, a womanizer who never hid what he wanted from me—my body. Alam ko noon ang mangyayari sa akin sa oras na pumatol ako sa kaniya na gagamitin niya ako hanggang sa magsawa na siya. Alam ko na dapat ko siyang iwasan pero kabaligtaran pa talaga non ang nangyari.At nakasakit pa ako ng tao... ng isang mabuting tao na walang ibang ginawa at ipinaramdam sa akin kung hindi pagmamahal. My feelings for Lander changed without me realizing it right away. I made a huge mistake by a
How am I not supposed to assume Leonariz's actions if he's acting like this?! Ilang beses na niyang hinahawakan ang kamay ko ngayon possessively! The way he looks at me, speaks, and even touches me with care was like telling me and making me feel the difference of how he treated me before. Malayong-malayo! At ang nakakainis pa, talagang hindi rin nagbabago ang kabog ng dibdib ko simula kanina. I can't also hide it from myself how I wanted to be this close to him, na kahit may kaba ay masaya ako na makita siya ngayon at kasama ko.But...I still need to know his real intention. Jusko naman, Arazella, hindi porke hindi mo na pipigilan ang sarili mo ay go with the flow ka na lang sa gusto ni Leonariz. At least alamin mo muna kung saan talaga papunta ang mga ginagawa niya, kung totoo ba na nagbago na talaga ang intensyon niya sa 'yo o tulad pa rin ng dati!I wonder what's he thinking right now? Iyong pagngisi-ngisi niya na 'yon?My heart may be telling me one thing, but my mind is screami
Hindi ko magawang itulak si Leonariz kahit na gusto ko pa, at ang mga kamay ko na nakakapit sa kaniya ay imbis na ilayo siya, ito at parang mas inilapit ko pa siya sa akin. Malalalim rin ang paghinga ko habang nakayakap pa rin siya ng mahigpit sa 'kin. His presence was overwhelming, but somehow, it felt like I couldn’t escape it, like... I didn't want to. "What..." halos walang boses nang sambitin ko 'yon, "are your intentions with me now, Leonariz?" And I managed to say those words without stuttering. Naramdaman ko naman na natigilan siya at pagkatapos ay unti-unting lumayo siya sa akin. When I met his gaze again, I thought he was about to let me go, na pakakawalan na ako ng mga kamay niya, sa higpit ng hawak niya ngunit hindi. Nagulat pa ako nang dumiin lalo ang dibdib ko sa kaniya nang lumapat ang kamay niya sa likod ko at mas ilapit pa ako. T-There's no more distance between us, yet I felt like he still wanted me close! His grip tightened, as if he was really no intention o
Napaawang muli ang mga labi ko at nang dumako ang mga mata ni Leonariz doon ay mabilis ko rin na itinikom 'yon. "No. No... L-Let's just go back to the piano!" At talagang nag-uusap kami, kumprontahan sa mga nangyari at sa intensyon niya habang yakap niya ako ng mahigpit at sobrang lapit pa rin namin sa isa't-isa! "Ang mahal-mahal nun, Leonariz! Nagkaroon na tayo ng usapan nun na hindi na ako magpapakita sa 'yo, pero bakit mo ako binigyan pa non?" I asked him, noticing the side of his lip curve. "Why... you ask?" balik tanong niya sa akin. And when he moved his face closer... so damn close I took a step back. Pakiramdam ko ay nauubusan siya ng pasensiya sa tuwing lalayo ako kaya humahabol rin siya. "L-Leo--" "Because I knew that would make my baby happy..." at pagkasabi niya non ay malawak siyang ngumiti sa akin. And it was enough for me to catch my breath. Lalo pa at ang isang kamay niya ay umangat at ngayon ay nasa batok ko na. I gritted my teeth and swallowing hard when his
Leonariz kissed me…No.He's kissing me.My eyes were closed as I felt his lips pressed against mine. It was fast, and I didn’t see it coming. I was too stunned to speak and too caught off guard to notice that Leonariz was about to kiss me after his confession. Ngayon ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko, at kahit ilang segundo pa lang pagkalapat ng mga labi niya sa akin ay parang kinakapos na agad ako sa hinga.There’s no urge to pull him away; instead, a strange warmth spread through me, making my chest tighten even more. When Leonariz's lips moved slowly, with care, I swallowed hard. My hands, which were pressed against his chest, clenched tightly in his shirt.Pero sandali lang rin ang itinagal ng halik niya dahil nang unti-unting lumayo ang mga labi niya ay naramdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko.Leonariz stayed close, his forehead almost touching mine. Ang mukha niya ay ilang pulgada lang rin ang layo sa akin. And... h-he's smiling at me. Kitang-kita ko 'yon
Hello po. Aabsent po muna ako ng 2 days sa three stories na daily update po, ha? (Luther and Thes, Leonariz and Arazella, Elijah at Pristine) Naaapektuhan na rin po ako ng mga nababasa ko na comments at Ako rin naman po napifeel ko talaga na parang ‘di ko naibibigay best ko po sa bawat update ng tatlong story everyday. Laging andon yung doubt and lagi ko ineedit kahit after update nirerevise ko. (Hi po sa mga nakukulit ko sa pm pra hingin feedback nila sa tuwing may update ako haha.) Lalo na po nasa part na ako na medyo malapit na sa mga ending mas need ko maayos ang pgsusulat ko and lately kasi siguro sa dami rin ng ginagawa ko, sa pagod at puyat eh naaapektuhan yung flow ng mga story na sinusulat ko araw-araw. Naiinis na rin ako kasi feeling ko namamadali ko yung story tas yung iba naman napapatagal ko pa. Kaya pasensya na po, ha? Pasensya na rin po sa mga nadidisappoint sa flow ng story at sa mga hindi na natutuwa. Pero tulad po ng dati, babawiin ko ulit yung mga araw na na-abs
Napailing na lang ako at ibinaba ko na rin pagkatapos non. Alam ko kasing hindi rin siya magpapatalo. And after I ended that call, I heard Reizzan's voice."Nakikipagkita ulit?" tanong niya. "Hmm..." I nodded. "Kaso, kailangan ko munang ayusin ang mga dapat kong ayusin. Kausapin ang mga dapat kausapin."I was talking about dad and Lander. "Yeah..."Ngayon pa lang sobra na ang kaba sa dibdib ko. May takot rin sa akin. Kaso kung talagang gusto ko na magtuloy-tuloy ang sa amin ni Leonariz, kailangan kong sabihin ang totoo sa kanila."Pero curious lang ako, Ara, hindi ba kilala na magkapatid si Lander at Leonariz sa university ninyo? Hindi ba at sponsor rin si Leo doon? Tapos ilang beses pa na nagpupunta.""I really don't know, Reiz. Pero parang hindi nga..." Pati tuloy ako ay napaisip. Kaso ang alam ko talaga ay hindi. The surname Jimenez was very common, at hindi rin ganoon na magkamukha si Leonariz at si Lander tapos magkaiba pa ang linya ng business. Hindi rin nabanggit sa akin non
Muntik na akong matawa. Wala naman kasi sa personalidad ni Leonariz ang mag-pick up lines, eh. Tapos yung pagkakasabi niya pa talaga seryosong-seryoso. Napailing na lang ako at bumangon na sa kama. Nasa tainga ko pa ang cellphone ko nang lumabas rin ako ng silid ko. "Mukhang kailangan mo na lalo na matulog," sagot ko naman sa kaniya. Narinig ko rin kasi ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Feeling ko parang napilitan rin siyang sabihin 'yon? Who taught him this? "Mukhang hindi ka naman natuwa. I was expecting that you would be happy since you are the reason why I couldn't fall asleep."Paano naman kasi ay halatang bumabanat siya! Saka, hello? Gasgas na kaya 'yon! Kahit nang pababa ako ng hagdan ay hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Napapatingin rin ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin. Ang kuya o si Reiz, pero masyado pa rin maaga, ang kuya ay paniguradong mamaya pa ang gising at kung si Reizzan naman baka nasa kitchen."Hindi ko ikatutuwa kung nagpupuyat ka
Leonariz: Good morning, Arazella Fhatima.Napangiti ako nang mabasa ko ang bagong pasok na mensahe na 'yon.Hindi naman natuloy na sa amin matulog si Leonariz kagabi, at kung ako rin naman ang tatanungin niya ay hindi rin ako papayag—oo, hindi talaga! Naalala ko ang mga nangyari. Inasar pa nga ako ni Leonariz na sa kwarto na daw niya ako tutuloy pero alam kong hindi 'yon totoo. He even said that he's drunk but he wasn't! Saka halatang hindi siya lasing, eh, diretso pa yung pagsasalita niya at feeling ko ang kuya lang ang uminom ng uminom sa kanilang dalawa kagabi. Bagsak ang Kuya Ariston at habang inaalalayan ito ni Reiz kagabi paakyat ay minumura niya pa si Leonariz na ikinangi ko. But the latter was just smiiling while shaking his head. Sa isip ko non, mukhang naging maayos naman ang pag-uusap nila. Napatanong pa nga ako pero sinagot lang sa akin ni Leonariz ay kung ano man daw ang napag-usapan nila ng kuya, sa kanila na daw 'yon.Then after that, he left. Inihatid ko naman siya sa
Hiyang-hiya talaga ako. Nung tinanong kasi ako ni Leonairz kung pwede niya akong halikan ay syempre sinabi ko na hindi kailangan niyang mag-behave muna dahil nandito siya sa amin. And because he was also near me, and I was holding his hand kasi nga ginagamot ko ang sugat sa kamay niya ay inaasar niya ako non. Nakakuha na nga siya non ng mabilis na halik!"Your face! Sobrang pula!" natatawang sambit naman sa akin ni Reiz habang napapailing siya. Tutop rin niya ang bibig at ako ay mas napanguso."Reiz naman, eh."Umiling siya sa akin at saka niya itinaas ang kamay niya. "But I do undertstand you, Ara. Siguro nga na-miss mo lang talaga si Leo? Kaso huwag mo lang kalimutan na dapat may liwanagan kayo sa mga nangyari, ha? Kahit hindi siya magtanong, you should tell him what really happeneed between you and Lander."Tumango ako sa kaniya. Wala rin naman akong balak na ilihim 'yon o patagalin dahil gusto ko na bago rin siya magsimula na manligaw ay alam niya ang mga nangyari pagkatapos niyang
"Sure ka ba na okay lang iwan natin yung dalawa na magkasama sa baba?"Kapapasok lang namin ni Reizzan sa kwarto ko, dala naming dalawa ang pagkain na niluto nila ng kuya. Sabi ko, pwede naman na kumain rin kami ng sama-sama, pero sinamaan ako ng tingin ng Kuya Ariston at sinabi na umakyat na nga ako. Mukhang nainis siya kasi parang ayaw kong iwan sa kaniya si Leonariz.And when I looked at the latter, he was calm, and he only nodded at me. Parang sinasabi rin naman ng tingin niya sa akin na ayos lang siya. Kaso ako ay kinakabahan pa rin talaga dahil nga alam ko ang posibleng gawin ng kuya."Don't worry, Ara. Pinagsabihan ko naman si Ariston, alam mo rin naman ang takot non sa akin pag sinuway ako. Saka, ramdam ko naman na mag-uusap lang talaga sila ni Leo."Sana nga ay ganoon na lang, pero kung may gagawin ang kuya, tiwala rin naman ako kay Reizzan, kasi nakikinig talaga sa kaniya ang kapatid ko at isang salita at tingin lang nitong si Reiz ay napapatigil na ang kuya.Pagkababa ko ng
Pagkatapos ng nangyari ay hindi na rin kami nagtagal pa pero bago kami makaalis sa Batangas ay may dumating na rin na mga pulis. Kinabahan nga ako noon kaagad dahil sa isipan ko ay baka hulihin nila si Leonariz dahil talagang bugbog sarado yung Kiano at nawalan ng malay, pero kanina rin mismo ay nalaman ko na si Joey--ang secretary niya ang tumawag. Ikinagulat ko nga 'yon at si Reizzan ay hindi naman napigilan na matawa kasi nga, talagang ito pa ang tumawag ng pulis gayong ang amo niya ang halos makapatay!Kahit ngayon, naroon pa rin si Joey at inaasikaso ang nangyari. Sabi ko nga kay Kuya, hindi ba kako kami kakailanganin doon? Kasi siya naman ang nakaharap kay Kiano, at pwede naman siyang tumestigo na ito ang nagsimula at gumanti lang si Leonariz para sa akin.But then, Kuya Ariston told me that we don’t need to stay there to talk to the police. Kahit na daw si Kiano ang halos mamatay, alam niyang ito pa rin ang makukulong. He even looked at Leonariz, who was at my side that time, na
"Fck you! Mali ka ng binatos, Lozada! Tangina mo!"Leonariz was in rage, refusing to let go of the man as he kept punching him. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakakubabaw sa kalaban ng kuya at kahit na hindi na ito makaganti ay talagang patuloy pa rin niya itong sinusuntok. "M-Mr Jimenez!""Boss! Boss, wala nang malay!""Sht. Tumawag kayo ng ambulansya!""Huwag na, tama lang 'yan kay Kiano."apakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napatingin sa paligid. Some of the people nearby were calling for help, and some were worried, but no one really had the guts to get near. Even the security guards hesitated to stop Leonariz. Hindi naman ako makalapit; no matter how hard I tried to move closer to make him stop, my fear kept me rooted in my place.Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. A-And if the reason was because of what he heard earlier, kung ano ang sinabi ng Kiano na 'to sa akin ay hindi ko ma-imagine na paano pala kung nahawakan pa ako nito?"A-Ara..."And all
I tried to ignore Leonariz’s teasing. Nasa likod ko lang siya at sobrang lapit talaga, kaya ramdam na ramdam ko siya. And even though I was distracted by him, sinubukan ko na mag-focus na lang sa harap dahil dumating na rin naman ngayon-ngayon lang ang kalaban ng kuya. Mas nag-ingay rin ang mga nanonood lalo nang lumabas na 'yung lalaki sa sasakyan nito. Sikat rin. Iyon ang pumasok sa isipan ko kasi ang lakas ng hiyawan, eh. Naririnig ko rin ang pangalan na binabanggit ng mga tao. Kiano? Kumaway ito sa mga nanonood, partikulay sa isang banda kung nasaan ang karamihan sa mga sumusuporta dito. At nang lumapit naman ang lalake sa kotse ng kuya at kinatok ang bintana non ay napatingin ako kay Reiz. "Hindi pa ba magsisimula ang laban? Bakit lumapit pa siya sa Kuya Ariston?" tanong ko. Nang makita ko naman ang ekspresyon sa mukha ni Reizzan, na halatang iritado ay mas nagtaka ako. "Baka magyayabang muna? Kilala rin kasi iyang si Kiano na pinoprovoke muna ang kalaban, eh. Alam mo