Leonariz is back na talagaaa. Thank you so much po for reading!
Leonariz is back, and he's really in front of me. When did this happen? When did he return to the Philippines? A-Akala ko magtatagal talaga siya sa London dahil sa mga sinagot noon ni Lander sa dad. Or maybe he came back because of his businesses? I also heard from dad that Leonariz was very hands-on with his company. But whatever the reason is... I'm glad that he's here. Pero hindi ko rin maiwasan na mag-isip kung ano ang mga susunod na mangyayari ngayong nandito na siya. Lalo na sa mga salitang nabasa ko sa mga labi niya kanina. I-If that is real... maybe he came back not because of his business but because-- Stop assuming things, Ara! "Mr. Jimenez, kayo po pala ang nagdala mismo ng VXT34!" Napaatras ako nang marinig ang boses ni Hya at nang lumapit ito sa amin. Naibaba ko na rin ang tingin ko at nakagat ang pang-ibabang labi ko nang mapagtanto ko na nandito nga pala kami sa maraming tao. Sandali kong nakalimutan nang makita ko ulit si Leonariz, tapos... t-tapos nakipagtiti
"Ahh. Sabagay po dahil sobrang busy ninyo rin. Pero kung si Jarvis po ang gagamit ng VXT, baka naman po sa susunod ay makita namin ulit kayong mag-build ng sasakyan dito o makipag-race?"The next question sounded like it had been a long time since Leonariz last did what the man mentioned. Binalikan ko naman ang mga nasabi ng kuya dati nang mag-dinner kami sa bahay ni Lander. Kuya said that Leonariz was also into car racing, ibig sabihin rin ba non na tulad ng kuya ay madalas rin itong makipagkarera dati? CEO na rin ba siya non ng kumpanya niya o nagsisimula pa lang?"I'm really busy at the moment. Marami rin akong tinatapos na trabaho ngayon, and I'm just here to visit and support the event. Nothing else.""Oh. Naiintindihan namin, Mr. Jimenez.""Magri-release po ba ulit ng bagong sportscar this year ang Vallano?"Sunod-sunod na ang mga tanong at isa-isa naman niya 'yon na sinasagot. At habang nakatingin ako sa kaniya at nakikinig ay hindi ko naman maiwasan na hindi humanga. Alam na al
Leonariz was the type who could get any woman with just a smirk, someone who played his games so effortlessly that it was almost impossible to resist. For him, women were just fleeting desires, objects of amusement that he could discard whenever he pleased. Iyon ang mga pinakadahilan kung bakit ayaw ko noon sa kaniya at kung bakit ko siya iniiwasan.But then we always crossed paths in unexpected places. And with each of those encounters before, I realized more and more how dangerous he was for me. Leonariz is an asshole, a womanizer who never hid what he wanted from me—my body. Alam ko noon ang mangyayari sa akin sa oras na pumatol ako sa kaniya na gagamitin niya ako hanggang sa magsawa na siya. Alam ko na dapat ko siyang iwasan pero kabaligtaran pa talaga non ang nangyari.At nakasakit pa ako ng tao... ng isang mabuting tao na walang ibang ginawa at ipinaramdam sa akin kung hindi pagmamahal. My feelings for Lander changed without me realizing it right away. I made a huge mistake by a
How am I not supposed to assume Leonariz's actions if he's acting like this?! Ilang beses na niyang hinahawakan ang kamay ko ngayon possessively! The way he looks at me, speaks, and even touches me with care was like telling me and making me feel the difference of how he treated me before. Malayong-malayo! At ang nakakainis pa, talagang hindi rin nagbabago ang kabog ng dibdib ko simula kanina. I can't also hide it from myself how I wanted to be this close to him, na kahit may kaba ay masaya ako na makita siya ngayon at kasama ko.But...I still need to know his real intention. Jusko naman, Arazella, hindi porke hindi mo na pipigilan ang sarili mo ay go with the flow ka na lang sa gusto ni Leonariz. At least alamin mo muna kung saan talaga papunta ang mga ginagawa niya, kung totoo ba na nagbago na talaga ang intensyon niya sa 'yo o tulad pa rin ng dati!I wonder what's he thinking right now? Iyong pagngisi-ngisi niya na 'yon?My heart may be telling me one thing, but my mind is screami
Hindi ko magawang itulak si Leonariz kahit na gusto ko pa, at ang mga kamay ko na nakakapit sa kaniya ay imbis na ilayo siya, ito at parang mas inilapit ko pa siya sa akin. Malalalim rin ang paghinga ko habang nakayakap pa rin siya ng mahigpit sa 'kin. His presence was overwhelming, but somehow, it felt like I couldn’t escape it, like... I didn't want to. "What..." halos walang boses nang sambitin ko 'yon, "are your intentions with me now, Leonariz?" And I managed to say those words without stuttering. Naramdaman ko naman na natigilan siya at pagkatapos ay unti-unting lumayo siya sa akin. When I met his gaze again, I thought he was about to let me go, na pakakawalan na ako ng mga kamay niya, sa higpit ng hawak niya ngunit hindi. Nagulat pa ako nang dumiin lalo ang dibdib ko sa kaniya nang lumapat ang kamay niya sa likod ko at mas ilapit pa ako. T-There's no more distance between us, yet I felt like he still wanted me close! His grip tightened, as if he was really no intention o
Napaawang muli ang mga labi ko at nang dumako ang mga mata ni Leonariz doon ay mabilis ko rin na itinikom 'yon. "No. No... L-Let's just go back to the piano!" At talagang nag-uusap kami, kumprontahan sa mga nangyari at sa intensyon niya habang yakap niya ako ng mahigpit at sobrang lapit pa rin namin sa isa't-isa! "Ang mahal-mahal nun, Leonariz! Nagkaroon na tayo ng usapan nun na hindi na ako magpapakita sa 'yo, pero bakit mo ako binigyan pa non?" I asked him, noticing the side of his lip curve. "Why... you ask?" balik tanong niya sa akin. And when he moved his face closer... so damn close I took a step back. Pakiramdam ko ay nauubusan siya ng pasensiya sa tuwing lalayo ako kaya humahabol rin siya. "L-Leo--" "Because I knew that would make my baby happy..." at pagkasabi niya non ay malawak siyang ngumiti sa akin. And it was enough for me to catch my breath. Lalo pa at ang isang kamay niya ay umangat at ngayon ay nasa batok ko na. I gritted my teeth and swallowing hard when his
Leonariz kissed me…No.He's kissing me.My eyes were closed as I felt his lips pressed against mine. It was fast, and I didn’t see it coming. I was too stunned to speak and too caught off guard to notice that Leonariz was about to kiss me after his confession. Ngayon ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko, at kahit ilang segundo pa lang pagkalapat ng mga labi niya sa akin ay parang kinakapos na agad ako sa hinga.There’s no urge to pull him away; instead, a strange warmth spread through me, making my chest tighten even more. When Leonariz's lips moved slowly, with care, I swallowed hard. My hands, which were pressed against his chest, clenched tightly in his shirt.Pero sandali lang rin ang itinagal ng halik niya dahil nang unti-unting lumayo ang mga labi niya ay naramdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko.Leonariz stayed close, his forehead almost touching mine. Ang mukha niya ay ilang pulgada lang rin ang layo sa akin. And... h-he's smiling at me. Kitang-kita ko 'yon
Leonariz's voice, asking me to kiss him back, sent shivers down my spine. He was still staring at my lips at halos nagkakadikit pa rin ang mga labi namin pagkatapos niyang makiusap. I was breathing hard and my chest pressed against his. And honestly, this is not what’s supposed to happen after he confessed. Hindi ang halikan niya ako—dahil syempre, gusto ko na mapag-usapan muna namin ang tungkol sa aming dalawa at tungkol kay Lander. But in his eyes right now, he’s silently begging for it.He’s drowning me again with his pleading gaze."Arazella..." he whispered faintly, dahan-dahan na dumausdos ang kamay ko sa tapat ng dibdib niya, I clenched in his shirt again ay lowered my head a little."Please..." and in that moment, despite my doubts, I knew I would give him what he wanted.Because deep down... it’s what I want, too.Hindi na siya nag-aksaya ng oras dahil nang magtama ang mga mata namin ay muli niyang sinakop ang mga labi ko. And when he pressed it hard, feeling his soft and wet
I took a deep breath while smiling, typing a reply. Nang mapansin ko naman ang tingin ng mga kasama ko ay inikutan ko sila ng mga mata.“I’m talking to my brother, guys.”“Wala pa nga kaming sinasabi, eh!”“Oh, siya, guys! Lunch muna tayo. Sa food court ba? O sa Avliez Restaurant?” tanong ni Crissa.“Libre mo daw ba?”Nagsipagtayuan na sila at ako naman ay naiwan at nagta-type ng mensahe.Me: Just talk about cars, kuya. Baka kung ano-ano pa ang sabihin mo sa kaniya.Mukhang kadarating lang rin kasi ng kuya doon. At hindi niya talaga binanggit sa akin na pupunta siya kay Leonariz. Nagkausap naman kami kanina. Ang sinabi niya lang ay yung tungkol kay dad.Kaya naman pala.“Ikaw, Ara? Huwag ka nang tumanggi, ha!”Napatingin naman ako kay Crissa. Naglalakad na kami palabas ng library.“Libre ko na! Minsan lang ako manlibre,” she said.Nakatanggap na rin ako ng message kay Leonariz and he said that my brother was in his house right now oo at siya nga daw ang nag-invite. Ayaw daw talagang ip
Akala ko rin talaga iilan lang yung sasang-ayon dito sa outreach, kasi syempre mas gusto ng iba na mag-party, kaya nakakatuwa kasi halos lahat sa department naman ay supportive at excited.“That’s nice,” sagot ko pa sa kanila."True! Akalain mo rin ang laki ng budget, 'no? Saka for sure, may mga magbibigay pa niyan sa last minute," sabi ni Via."Kaya nga, asahan mo na talaga. Generous ang mga nasa department, lalo na ang mga parents. Yung mom ko nga, nung malaman, sinabi niya na ipaalala ko daw bukas para makapag-prepare siya ng food," sabi ni Trina, may catering services kasi ang mommy niya."Yay! Nakakatuwa naman!"At habang pinag-uusapan pa rin namin ang schedule, tinanong nila kung ayos lang ba sa akin ang mga proposed dates. Mamaya raw, pagkatapos mabigyan ng approval ng mga ‘yon ni Dean at ni Prof. Nolaso—ang CE prof namin na isa sa mga kausap dito—ay ipo-post na ito sa FB group ng department para sa official announcement at ise-send rin sa group chat para malaman ng lahat. Haha
“Ara, nagagandahan ka ba sa akin? Ang tagal ng titig mo!”I was back to reality when I heard Faye say that.“A-Ah, sorry.”She chuckled and shook her head. Inilapat rin niya ang mga braso sa table at nag-bend habang nakatingin pa rin sa akin.“Tinitingnan ka na ng mga kaklase mo, kanina ka pa ata nila inaantay. Iyang pag-uusapan ninyo siguro ‘yong outreach program, ‘no? Narinig ko rin kasi kanina si Ma’am Laprosa na wala na nga daw graduation night ang BSBA department.”Nang marinig ko ‘yon, napatingin ako sa loob ng library at nakita kong nakatingin nga sila sa akin. I stood straight and raised my hand. I even mouthed, "Wait lang."Pagbalik ng tingin ko kay Faye, ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.“May planning nga ulit kami,” medyo natatawa kong sagot.“Actually, nakaplano na noon ang pagkain, mga magpe-perform, at iba pang activities para sa grad night pero nung nabanggit ni Anafe ang tungkol sa mga katutubong Aeta na umaahon para mamalimos, naawa kami. Hindi naman niya’ yon b
Pagkababa ay tinawagan ko naman agad si dad. Actually, kung hindi rin sinabi sa akin ng kuya ang mga napansin niya kay dad, hindi ko rin naman mabibigyan ng atensyon ‘yon, eh. Now that he told me about it, saka ko isa-isang inalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo.“Is he dating a woman? Ang tagal na rin nung huli… Malakas naman ang kutob ko na babae ang dahilan. Kasi knowing dad, bahay at trabaho lang talaga siya. Unless he’s really dating someone, kaso parang ang dalas naman ata nilang mag-date kung may girlfriend ulit siya?”Nagsalubong ang mga kilay ko nang pagkatapos kong magsalita ay cannot be reached na ang line ng daddy. I tried to call again, and now it’s off. Mas nagsalubong ang mga kilay ko.Kanina, nagri-ring pa!“Pinatay niya kaya?”Napailing ako at ibinaba na lang ang cellphone ko. I will message kuya later—mukhang in-off ni Dad ang cellphone niya at ayaw maabala!I smiled and took another deep breath. Pinaandar ko na rin ang sasakyan ko at nilisan ang atrium.
Kasalanan ko naman ‘to. Hindi talaga magiging madali para kay Lander na tanggapin ang nangyari sa relasyon namin. Pero isa sa mga inisip ko talaga dati, magagalit siya ng sobra which is nangyari naman… pero hindi ko akalain na sandaling galit lang tapos ito at pipilitin niya pa ring ayusin at ibalik ang nararamdaman ko para sa kaniya.Wala naman akong magagawa talaga, hindi madaling mag-move on o makalimot dahil kahit ako sa sarili ko ay bigo ako nagawa ‘yon, nauunawaan ko pa rin siya. He is also acting this way because I made him feel that I’m deeply in love with him.Pero ito nga… umalis na siya. Sana hinintay niya muna akong magsabi ng lahat. Hindi, eh. Parang sa tuwing magkikita kami, ang gusto lang niyang sabihin ay saloobin niya, hindi niya ako pinagsasalita ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa kaniya.At hindi mo nga siya masisisi doon, Ara.“Ma’am, binayaran na po ni sir yung order ninyo.”Napaangat ang tingin ko sa waiter nang marinig ang sinabi nito. I was asking for t
"Hindi naman sa ganoon, Lander. I'm sorry, ako dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo."Naibaba ko sandali ang tingin ko."Ara...""I'm sorry, I'm really sorry. I don't know if I made you feel enough how much I regret everything."Ganoon naman kasi dapat—ako yung nanakit, at hindi naman sa ayaw ko siyang makasama ng matagal. It's just that, every time I saw him, I was reminded of all the mistakes I made. It made me face how I hurt a good person.But even with all that, I was selfish. Dahil gusto mo na makausap rin si Lander para tuluyan ka nang maging masaya kasama si Leonariz.Ang makasarili mo pa rin, Arazella. "Maybe I was too confident that you love me, Ara. Siguro nga... baka nagkulang ako sa ibang bagay dahil rin sa pagiging busy ko--"Nag-isang linya ang mga kilay ko doon at umiling ako sa kaniya."No. You were not always busy before, Lander. Inihahatid at sundo mo nga ako sa bahay kahit galing kang university at pagod sa maghapon na pagtuturo. Hindi... wala sa 'yo ang problema
Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagsasabi ng totoo kay Lander, hindi magiging madali pero tatanggapin ko lahat ng kung ano man ang maririnig ko sa kaniya. Pero sa totoo lang, habang narito ako at nakaupo Atrium, naghihintay sa kaniya ay tinatambol ng kaba ang dibdib ko. Naalala ko ang galit na galit na si Lander na nakaharap ko sa bahay noon, na pumipilit rin sa akin sabihin kung sino ang lalaking nagustuhan ko.I don't want to see that side of him anymore, pero sino ako para pigilan rin siya sa magiging galit niya pag nalaman niya ang totoo?Napalalim ang paghinga ko at kinuha ko ang aking cellphone nang maramdaman ko na nag-vibrate 'yon. Nakita ko ang mensahe sa akin ng kuya.Kuya Ariston: Nasaan ka? Bawal muna kayong lumabas ni Leo. Sinasabi ko sa 'yo, Ara. Ipaliwanag mo muna kay dad ang lahat.Ang kuya talaga, sinabihan ko na nga siya na hindi talaga muna, aayusin ko muna ang lahat hindi ko rin naman kaya na habang magkasama kami ni Leonariz, nasa isipan ko na maaari kaming mahu
Hello po. Aabsent po muna ako ng 2 days sa three stories na daily update po, ha? (Luther and Thes, Leonariz and Arazella, Elijah at Pristine) Naaapektuhan na rin po ako ng mga nababasa ko na comments at Ako rin naman po napifeel ko talaga na parang ‘di ko naibibigay best ko po sa bawat update ng tatlong story everyday. Laging andon yung doubt and lagi ko ineedit kahit after update nirerevise ko. (Hi po sa mga nakukulit ko sa pm pra hingin feedback nila sa tuwing may update ako haha.) Lalo na po nasa part na ako na medyo malapit na sa mga ending mas need ko maayos ang pgsusulat ko and lately kasi siguro sa dami rin ng ginagawa ko, sa pagod at puyat eh naaapektuhan yung flow ng mga story na sinusulat ko araw-araw. Naiinis na rin ako kasi feeling ko namamadali ko yung story tas yung iba naman napapatagal ko pa. Kaya pasensya na po, ha? Pasensya na rin po sa mga nadidisappoint sa flow ng story at sa mga hindi na natutuwa. Pero tulad po ng dati, babawiin ko ulit yung mga araw na na-
Napailing na lang ako at ibinaba ko na rin pagkatapos non. Alam ko kasing hindi rin siya magpapatalo. And after I ended that call, I heard Reizzan's voice."Nakikipagkita ulit?" tanong niya. "Hmm..." I nodded. "Kaso, kailangan ko munang ayusin ang mga dapat kong ayusin. Kausapin ang mga dapat kausapin."I was talking about dad and Lander. "Yeah..."Ngayon pa lang sobra na ang kaba sa dibdib ko. May takot rin sa akin. Kaso kung talagang gusto ko na magtuloy-tuloy ang sa amin ni Leonariz, kailangan kong sabihin ang totoo sa kanila."Pero curious lang ako, Ara, hindi ba kilala na magkapatid si Lander at Leonariz sa university ninyo? Hindi ba at sponsor rin si Leo doon? Tapos ilang beses pa na nagpupunta.""I really don't know, Reiz. Pero parang hindi nga..." Pati tuloy ako ay napaisip. Kaso ang alam ko talaga ay hindi. The surname Jimenez was very common, at hindi rin ganoon na magkamukha si Leonariz at si Lander tapos magkaiba pa ang linya ng business. Hindi rin nabanggit sa akin non