Home / Other / Devouring Beauty / Chapter 2 - Ends of Suspicion

Share

Chapter 2 - Ends of Suspicion

Author: Rain-angel
last update Last Updated: 2022-09-16 04:42:19

**

“Thank you, Ms. Ai,” muling pasalamat ni Ms. Deña. Kanina pa siya paulit-ulit na nagpapasalamat.

“No problem, Ms. Deña. Mag-ingat ka nalang sa susunod,” paalala ko sa kanya.

Naglalakad na kami palabas ng presinto. Hiningian kami ng statement dahil sa pagkamatay ng dalawang manyakis. Deserved naman nila ’yon. Mga hayok sila sa laman. Mukhang mga drug user din ang dalawang ’yon.

Uuna na sana ako sa paglalakad kaso hinawakan niya ang braso ko, “Wait!” tumingin ako sa direksyon niya. May kinukuha siya sa bag niya. Inabot niya sa akin ang business card niya, “If you need anything, please don’t hesitate to contact me.”

Kinuha ko ’yon at ngumiti sa kanya, “I will. Thank you.”

Hinatid ako ng police car sa street namin dahil eskandalosa masiyado ang damit kong puno ng dugo. Matapos ang tatlong katok ng police sa pinto namin, bumukas agad ’yon. Hindi agad nakapagsalita si Mama nang makita ako. Kunot na kunot ang kanyang noo. “What happened here?”

“Good evening, Mrs. Huneta...” ipinaliwanag ng police officer ang nangyari sa akin. Nagpanggap lang ako na wala sa sarili para hindi ako paghinalaan. Just how every victims should act.

Nang makaalis na ang mga police, hinarap agad ako ni Mama, “Kinain mo?”

“They deserved to be eaten, Ma. Mga hayok sila sa laman,” walang gana kong sagot. Pagod na kasi talaga ako.

“How are you feeling?” nag-aalang tanong ni Mama. Alam niyang hindi ko gustong kumain ng mga masasamang kaluluwa.

“Medyo ok na. Kanina sukang-suka talaga ako,” malamya kong sagot.

“Hindi mo na sana pinilit, Ai. Hindi ikaw ang dapat tumapos sa buhay nila. May batas ang mga tao. P’wede ka pa rin makulong sa ginawa mo.” Mahinahong paliwanag ni Mama.

Pumikit ako at isinubsob ang mukha sa unan na nasa sofa. “Ma, wala namang hustisya sa batas ng mga tao. Kung mayroon, wala na sanang maglalakas ng loob na gumawa ng masama.”

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Mama, “Hindi na mawawala ang kasamaan sa mundo, Ai,” hinagod niya ng buhok ko, “Ipapaalala ko pa rin sa’yo na hindi tayo Diyos para kuhain ang buhay ng isang tao dahil sa kasalanan nila.”

“I’m sorry, Ma. I just can’t help it,” bulong ko.

“Try to control it, Ai. Sige na, maligo ka na para makakain ka na,” tinulungan akong bumangon ni Mama.

Naligo na ako at nagbihis ng pantulog. Nahagip ng mata ko ang handbag na dala ko kanina. Nilapitan ko ’yon at kinuha ang business card ni Ms. Deña kanina.

‘Engr. Clarisse M. Deña’

Construction Company

Engineer pala siya. Tingin ko magiging useful siya in the future. Tinago ko ulit sa bag ang business card at bumaba na para kumain.

“Ma, may good news ako,” ani ko habang kumakain kami ni Mama.

“Ano ’yon?” sagot ni Mama, nakatuon lang sa pagkain ang atensiyon.

“Permanent na ako, Ma,” excited na sabi ko.

Napahinto naman si Mama sa pagkain, “Permanent ka na?” hindi makapaniwalang tanong ni Mama.

Tumango ako habang nakangiti ng pagkatamis-tamis.

Tumayo siya at lumapit sa akin, “Talaga?” niyakap niya ako, “Congrats, Ai! Ang galing galing talaga ng anak ko!” tuwang-tuwa si Mama. Ito talaga ang hiniling sa akin ni Mama, magkaroon ako ng permanent work para hindi na hassle sa pag-aapply.

“Thank you sa tiwala, Ma,” hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa akin.

Matapos maghapunan, nagsipilyo lang ako at humiga na sa kama. Pipikit pa lang ang mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag.

I didn't bother looking at the caller. I just answered it, “Yes, hello?”

“Ai! I saw the news, how are you?” nailayo ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Hyla. Kailangan ba talaga nakasigaw?

“Hey! There's no need to shout, Hyla!” balik sigaw ko sa kanya.

“Sorry naman. Ano, kumusta ka?” mas kalmado na ang boses niya ngayon.

“Napasabit lang sa gulo kanina but I’m fine,” bigla akong may naalala kaya dinugtungan ko ang sinabi ko, “How about you? What’s with the sudden VL?” VL means Vacation leave for your information.

“Good to hear! Akala ko may nakaharap ka na bampira, eh! Mag-iingat ka sa susunod. Alam mo namang mainit sa krimen ang lugar natin ngayon.” paalala niya na tinalo pa si Mama.

“Yes, sure. Don’t avoid my question, silly!” asik ko. Akala siguro nito mailalayo niya ang topic.

Narinig ko ang mahina niyang pagtikhim, “May inaasikaso lang ako,” simpleng sagot niya.

“Nagtatanong si Sir Vulmora. Baka naman gusto mo siyang kausapin ng maayos? Napapraning na ’yon kakaisip sa’yo,” ani ko. Manliligaw niya pa lang ’yon pero tingin ko deserved niya naman ng paliwanag.

“I already rejected him. Enough na siguro ’yon para hindi ko ipaalam sa kanya ang mga ginagawa ko sa buhay,” sagot niya sa akin. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko may panghihinayang sa tono ng pananalita niya.

“You rejected him para hindi siya mag-usisa sa inaasikaso mo ngayon. Tama ba?” usisa ko.

Honestly, hindi ko ugaling makisawsaw sa buhay nila pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa sinasabi ni Hyla. I felt that it’s somehow related to me. That’s what my guts is telling me right now.

Natahimik naman siya. That’s enough proof that I caught her. “Why are you doing this if you’re unsure of your decision? You like him, right?” dagdag ko pa.

“Yes, I like him but,” napatigil siya sa sasabihin. Alam kong nag-aalangan siyang sabihin sa akin ang dahilan niya.

“But?” hindi ko siya titigilan hanggang sa umamin siya.

“I’m a vampire,” sobrang hina ng bulong niya pero dahil hindi ako ordinaryong tao, narinig ko ’yon.

Napangisi ako, sinasabi ko na nga ba.

“W-What? Hyla, I can’t hear you clearly,” I pretended.

“N-Nothing, I’ll just talk to you after my leave. Take care of yourself. Bye!” she ended the call.

That’s explain why her scent was different. I wonder what kind of vampire is she? A rebellious? Traitor? Or half-blood? ’Yan lang naman ang pwedeng maging dahilan kung bakit hindi maganda ang amoy ng isang bampira.

Itinabi ko na sa bedside table ang cellphone. Kailangan ko ng mag-ingat kay Hyla. Posibleng nagdududa na siya sa katauhan ko. Bilang isang soul eater, kaunti lang ang alam ko sa mga bampira. Alam kong hindi nila maaamoy ang dugo ko katulad ng mga ordinaryong tao.

Magkakaroon lang sila ng hint kapag naamoy nila nang direkta ang dugo ng isang soul eater. Hindi ko lang sigurado kung paano nila makukumpirma ang pagkakaiba namin sa mga ordinaryong tao. Kung kasama lang sana namin si Papa ngayon, mas marami na sana akong nalalaman.

Pumikit na ako at isinantabi muna ang mga isipin. Kailangan ko pang gumising ng maaga para pumasok sa trabaho.

Katulad nang nakasanayan, nagising ako ng maaga kinabukasan. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Masakit ang dalawang balikat ko. Stressed yata ang muscle ko dahil sa nangyari kagabi. Sa kabila nang sama ng pakiramdam, papasok pa rin ako.

Para akong nakalutang habang naglalakad palabas sa street namin. Naghikab ako, kulang yata talaga ako sa tulog. Ang hirap din manatili sa katawan ng ordinaryong tao. Masiyadong limitado ang lakas at mga kilos ko. Napahinto ako nang maramdaman kong may nakatarak na patalim sa tagiliran ko.

“Holdap ‘to,” ani ng lalaking may malalim na boses.

Pambihirang buhay naman! Kagabi nasangkot ako sa gulo tapos ngayon holdap ang bubungad sa akin? Pinagana ko ang matalas kong pang-amoy at napalingon sa kabilang eskinita. Naningkit ang mga mata ko nang may makitang binatilyo. Pagkalito ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin ito sa lalaking humuholdap sa akin.

“Magkano ang kailangan mo?” mahina kong tanong sapat lang para hindi kami marinig ng binatilyo.

“Ibigay mo sa akin ang bag mo.” sakto lang ang lakas ng boses niya. Tila nag-aalangan sa ginagawa niya ngayon.

Bumuntong hininga ako, “Bitawan mo na ako. Pinapanood ka ng anak mo.”

He stiffened, “A-Anong sinasabi mo? Ibigay mo na ang bag mo!” mariin niyang sagot pero naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng patalim na hawak niya. Hindi niya ito gawain, sigurado ako.

“You don’t need to do this. Huwag mo ng pilitin gawin ang hindi mo kinasanayan,” tinabig ko ang kamay niyang may patalim pero dumaplis ’yon sa balat ko. Ramdam ko ang bahagyang kirot sa tagiliran ko.

Nagulat naman ang lalaki at agad na tinignan ang sugat ko, “I-I’m s-sorry, miss,”

Ngumiti lang ako sa kanya, “Huwag mo na ulit itong gagawin,” binuksan ko ang hawak kong handbag at kinuha ang business card ni Clarisse, inabot ko sa kanya, “tawagan mo ang number na ’yan. Sabihin mong naghahanap ka ng trabaho.”

“A-Anong pangalan mo?” nanginginig niyang tanong.

“Ai Huneta,” sagot ko.

Iniwan ko na ang lalaki at naglakad pabalik sa bahay. Hindi ako pwedeng pumasok na ganito ang itsura ko. Malapit na ako sa bahay nang bigla akong mahilo. Nanikip din ng bahagya ang dibdib ko. Napasandal ako sa pader ng isang bahay.

“Bakit ngayon pa,” inis kong sambit. Pinilit ko pa rin maglakad habang nakasuporta ang kamay sa pader. Ilang blocks nalang naman. Nakatatlong hakbang pa lang ako nang tuluyang dumilim ang paningin ko.

Pagmulat ko’y nasa kwarto na ako. Umupo ako sa kama at sinapo ang aking ulo. Tinignan ko ang oras, alas-diyes na ng umaga! Hindi ako nakapasok sa trabaho!

“Mama!” sigaw ko habang nagmamadaling bumaba sa hagdan.

“Ma–” napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang makita ko si Klein, “bakit narito ka?” kunot-noo kong tanong sa uninvited visitor namin. Lumingon ako sa paligid at hindi ko nakita si Mama, “Mama? Nasaan ka?”

“Namalengke si Tita kaya ako muna nagbantay sa’yo.” ani niya habang nakahawak sa cellphone. Tumingin siya sa akin, “Narito ako dahil nakita kitang nawalan ng malay kaninang umaga. Kumusta na ang pakiramdam mo?”

Kung ganoon, siya ang nag-uwi sa akin kanina? Hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya kanina. Nanlamig ako nang maramdaman kong tila bumaliktad ang sikmura ko. Napatakip ako sa bibig at dali-daling pumunta sa kusina. Binuksan ko agad ang gripo at sumuka sa lababo.

Isa, dalawa at apat na beses nga akong sumuka. Naamoy ko ang paglabas ng kinain kong kaluluwa kagabi. Ito pala ang dahilan! Nagmumog ako ng maraming beses bago sinara ang pihitan ng gripo. “Buwisit,” usal ko habang nanghihina.

“Buntis ka ba?” kunot-noong tanong ni Klein. Siraulo!

“Hindi ’no! Wala nga akong jowa, paano mabubuntis!” galit kong sagot sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inalalayan ako. Pinunasan niya pa ng panyo ang bibig ko. “Ano pala ang dahilan ng pagsusuka mo? Empacho?” nahihimigan ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya!

I was stunned for a moment. Bakit ganito ang ikinikilos niya ngayon? ’Di ba galit siya sa akin? “M-Maybe,” I stuttered. Why did I stuttered! Gusto ko siyang itulak pero wala akong sapat na lakas.

“You better rest for now,” ani niya habang inaakay ako papuntang sala.

“Why are you doing this?” hindi ko maiwasang itanong nang makaupo na kami sa sofa.

“Why not?” simpleng sagot niya.

Naikuyom ko ang aking kamao, “I mean, galit ka sa akin kaya bakit mo ’to ginagawa?”

Bumuntong hininga siya, “Sorry for being suspicious of you,” tumingin siya sa akin, “Sorry for blaming you for a long time.”

Did he apologized? He just did! I can’t believe this! Tumingin ako sa kanya, “Kinakain mo na ba ngayon lahat ng sinabi mo tungkol sa akin?”

Tumango siya, walang halong keme at hiya. “Yes,” muli niyang inilabas ang cellphone mula sa bulsa niya, “by the way, I told your supervisor that you’re sick. Huwag ka na muna pumasok hanggang hindi maayos ang pakiramdam mo.”

I guess, he’s back to his old self. Hindi ko napigilan ang ngumiti, “Thank you, Klein.”

“No problem. Take care of yourself. Parating na raw si Tita and I need to go also. Iaakyat na ulit kita sa taas,” ani niya.

He carried me back to my room and even brought food before he left. Habang kumakain ako, pinoproseso ko ang mga nangyari. Mukhang hindi na ako paghihinalaan pa ulit ni Klein dahil nagbabago na ang amoy niya. Nawawala na ang amoy ng galit at paghihiganti sa kaluluwa niya. What made him change out of the sudden?

“Ai?” boses ’yon ni Mama.

“Pasok, Ma!” sigaw ko sapat lang para marinig niya mula sa labas

Bumukas ang pinto at pumasok si Mama. Ang cold na naman ng aura niya. “Naisuka mo na?”

Tumango ako at matamlay na ngumiti.

Nilapitan niya ako, “Kumusta ang pag-uusap niyo ni Klein? Inaway ka ba?”

Umiling ako, “Hindi, Ma. In fact, he even apologized.”

Tipid na ngumiti si Mama, “Is it good or bad thing?”

“Good in a way that he won't bother me anymore,” kung lalayuan niya na ako, malaking bagay ’yon. “It will just turn out bad if he’ll get back being friends with me.”

Tumawa si Mama, “Iwasan mo nalang. Iba kasi ang nakita ko sa mga mata niya kanina nang dalhin ka rito sa bahay.”

Nalito naman ako sa sinabi ni Mama, “Like, what, Ma?”

Hinaplos niya ang buhok ko, “Concern and love. Bakit kasi ang ganda mo nga bawal ka namang magmahal?”

Natawa naman ako sa biro ni Mama, “Ayos lang, Ma. Ikaw lang, sapat na!” niyakap ko si Mama.

She may not be much supportive like the other mother but she never fail to show her sympathy and love for me–for her monster daughter. Hindi ko man sinusunod lahat ng bilin niya pero sinisigurado kong hindi ako mapapahamak. Ayoko rin namang mag-alala si Mama.

Kinahapunan, umalis ako sa bahay para pumunta sa Martial Arts training ko. Wala kong schedule ngayon pero dahil wala naman akong gagawin sa bahay, much better na magtraining nalang.

“Good Afternoon, Master June!” bati ko sa trainor kong guwapo. Matanda lang siya sa akin ng sampung taon. Twenty three ako ngayon, siya nama’y thirty three years old. Sakto lang ang laki ng katawan niya, ayon lang sa tangkad niya.

“Ai? Bakit narito ka?” kunot noo niyang tanong sa akin. Tignan mo ’to, parang ayaw akong makita.

“Bawal ba akong pumunta rito, Master?” kibit-balikat kong tanong sa kanya.

Tumikhim naman siya, “Ang ibig kong sabihin, hindi ba kagagaling mo lang sa isang insidente kagabi? Ok ka na ba?”

Napairap ako, pinalabas nga pala sa TV ang balitang ’yon kaya iisipin nilang nasa trauma pa ako ngayon, “Master naman! Ikaw na nga ang nagsabi na malakas ako, hindi ba?”

Napakamot naman siya sa batok, “Oo, na. Sige, magtraining ka na. Huwag lang masiyado magpapagod.”

Ngumisi ako, “Gusto ko ikaw maka-sparring ko, Master!” masigla kong ani.

“Naghahanap ka talaga ng sakit sa katawan, ano?” natatawang sagot ni Master June.

Lumabi ako, “Sige na, Master nakaleave naman ako ng tatlong araw kaya ayos lang sumakit katawan ko.”

“Ikaw talaga! Sa halip na magpahinga mas lalo ka pang nagpapagod!” matapos sabihin ’yon, pinitik niya ako sa noo!

“Aray, Master! Paano kita matatalo kung ayaw mo akong maka-sparring!” maktol ko habang nakahawak sa noong pinitik niya.

Inakbayan niya ako, “Sige na, tara.”

“Papayag din pala ang dami pang sinabi!” pang-aasar ko sa kanya na tinawanan niya lang.

Nagsuot na kami ng uniform at protection gear. Kung tutuusi'y hindi ko na kailangan ’to dahil bilang isang Soul Eater, likas na ang bilis at lakas namin. Ginagawa ko lang ’to para pagtakpan ang totoo kong katauhan. Para hindi ako paghinalaan ng mga taong nakakakilala sa akin.

Nagsimula na kami sa sparring. Sumuntok ako gamit ang kaliwang kamay ko pero nailagan ’yon ni Master. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na lumapit sa akin. Nasa harap ko ang likod niya. Balak akong buhatin. Nagpabigat ako pero nagawa niya pa rin akong iangat at naibalibag.

“Paalala ko lang hindi ka mabigat, Ai,” sermon niya sa akin, “hindi ba tinuro ko na sa’yo kung paano i-counter ang atake na ’yon?”

“Ang totoo, sinubukan ko lang kung dumagdag na ba ang timbang ko, Master,” biro ko sa kanya.

Natawa lang siya at nagpatuloy na kami. Bawat galaw ko’y may sagot siya. Nakailang tumba na ako ng walang bawi hanggang sa nasipa niya ang tagiliran kong may sugat kanina. Inipit ko ang d***g pero bumakat ang bahid ng dugo kaya napahinto si Master, “A-Ai,” nag-aalalang tawag niya sa akin.

“Ayos lang ako, Master. Maliit na galos lang ’to,” paninigurado ko sa kanya. Pinaupo niya ako sa bench at kumuha ng first aid kit.

“Kapag ganitong may sugat ka, ’wag kang makikipagsparring!” sermon sa akin ni Master habang ginagamot ang sugat ko.

“Oo na, Master. Sorry na,” I sincerely apologized to him.

Tumambay muna ako roon ng ilang oras. Nang magdidilim na’y nagpaalam na ako. Paglabas ko’y may huminto agad na pamilyar na kotse sa harapan ko. Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito?

Lumabas si Klein at inalis ang manipis niyang reading glass, “Ang tigas talaga ng coconut shell mo, ano? Sinabihan kang magpahinga, dito ka pa talaga pumunta,” mariin ang bawat salita niya, nanenermon.

Nagkibit-balikat ako, “Bakit ka ba narito?”

“Isn’t it obvious? Malamang sinusundo ka,” mahihimigan na ang inis sa tono ng pananalita niya. Binuksan niya ang pinto sa shotgun seat at tumingin sa akin, “Get in.”

Magtatanong pa sana ako kaso sinamaan niya na ako ng tingin. Pumasok na ako sa kotse at naupo. Pabalagbag niya namang isinara ang pinto. Kailangan ba magdabog? Hindi man lang ba niya iingatan ang kotse niya?

Umikot siya papunta sa driver’s seat. Nang maikabit ang seatbelt niya, lumapit siya sa gawi ko para ikabit naman ang akin. Naihinto ko pa ang hininga ko dahil sobrang lapit ng mukha niya. Nakahinga lang ako ulit nang lumayo na siya.

Pinaandar niya na ang kotse at kinausap ako, “Pumunta ako sa bahay niyo to check on you pero sabi ni Tita nagtraining ka raw kaya sinundo kita.”

“Hindi mo naman kailangan gawin ’to,” sagot ko, direcho lang ang tingin sa daan.

“Kung narito siya siguradong gagawin niya rin ’to,” ani niya na ikinagulat ko.

Napayuko ako sa sinabi niya. Si Rayven ang tinutukoy niya. Kung narito siya malamang pagagalitan niya rin ako. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, “But you’re not him,” wala sa sarili kong sambit.

Napasulyap siya sa akin, “He asked me to look after you when he’s not around. That was his last favor before the day he died.”

Related chapters

  • Devouring Beauty   Chapter 3 - Unexpected Confession

    **Nakaharap ako ngayon sa body sized na salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Nang mahati ko na sa gitna ang buhok, sinuklay ko ang magkabilang gilid at pinagtagpo iyon sa likod. Lumingon ako sa kaliwa’t kanan upang siguruhing pantay na bago ko inikot ’yon para itali ng bun. Napangiti naman ako nang makitang malinis ang pagkatali ko. Mula sa likod ay hinati ko ang natirang buhok para ipwesto ’yon sa harap.I’m wearing a black, fitted, spaghetti strap sleeveless for my top. Pinatungan ko lang ng light blue maong jacket dahil parang bumalik yata ang lamig kahit malapit na magkatapusan. Gustuhin ko man mag maong skirt kaso dahil sa klima, white skinny jeans na lang ang isinuot ko. Umupo ako sa stool at sinuot ang white wedge high heels shoes ko na nakahanda na. After doing my outfit, kinuha ko na ang white shoulder bag ko at bumaba na.“Saan ang rampa mo?” tanong ni mama habang nakaupo sa sofa. Nakataas pa ang kaliwang kilay nito habang magkakrus ang mga kamay at paa.Napataw

    Last Updated : 2022-09-30
  • Devouring Beauty   Chapter 1 - The Devouring Beauty

    “Isang dalaga na naman ang nakitang walang buhay kanina. May kagat daw ito sa kanang leeg at ang ikinamatay ay blood loss,” kibit balikat na ani Hyla.Ang tinutukoy niya ay ang ibinalita kaninang umaga. Pang limang biktima na ito ngayong buwan. Pala-isipan sa amin kung sino ang gumagawa ng krimen. Nag-aalala na rin ang mga tao dahil nakakatakot nga naman. Hindi namin alam kung sino naman ang isusunod ng pumapatay.“Sinasabi mo bang bampira ang gumawa no’n?” natatawang tanong ni Yvonne.May mga bali-balita na hindi raw isang normal na tao ang pumapatay. Ang iba’y sinasabing aswang ang may gawa. Ang iba nama’y naniniwalang cannibal. Ang isang kaibigan ko naman ay naniniwalang bampira ang may gawa. May punto naman siya roon.Tinignan siya ng masama ni Hyla, “Oo, wala namang ibang makakagawa ng ganoon.”Blood loss ang sanhi ng kamatayan kaya hindi malayong bampira nga. Kung cannibal naman dapat pati ang katawan ay kinain. Kung psycho naman, hindi lang kagat ang gagawin no’n sa biktima.Hu

    Last Updated : 2022-09-16

Latest chapter

  • Devouring Beauty   Chapter 3 - Unexpected Confession

    **Nakaharap ako ngayon sa body sized na salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Nang mahati ko na sa gitna ang buhok, sinuklay ko ang magkabilang gilid at pinagtagpo iyon sa likod. Lumingon ako sa kaliwa’t kanan upang siguruhing pantay na bago ko inikot ’yon para itali ng bun. Napangiti naman ako nang makitang malinis ang pagkatali ko. Mula sa likod ay hinati ko ang natirang buhok para ipwesto ’yon sa harap.I’m wearing a black, fitted, spaghetti strap sleeveless for my top. Pinatungan ko lang ng light blue maong jacket dahil parang bumalik yata ang lamig kahit malapit na magkatapusan. Gustuhin ko man mag maong skirt kaso dahil sa klima, white skinny jeans na lang ang isinuot ko. Umupo ako sa stool at sinuot ang white wedge high heels shoes ko na nakahanda na. After doing my outfit, kinuha ko na ang white shoulder bag ko at bumaba na.“Saan ang rampa mo?” tanong ni mama habang nakaupo sa sofa. Nakataas pa ang kaliwang kilay nito habang magkakrus ang mga kamay at paa.Napataw

  • Devouring Beauty   Chapter 2 - Ends of Suspicion

    **“Thank you, Ms. Ai,” muling pasalamat ni Ms. Deña. Kanina pa siya paulit-ulit na nagpapasalamat.“No problem, Ms. Deña. Mag-ingat ka nalang sa susunod,” paalala ko sa kanya.Naglalakad na kami palabas ng presinto. Hiningian kami ng statement dahil sa pagkamatay ng dalawang manyakis. Deserved naman nila ’yon. Mga hayok sila sa laman. Mukhang mga drug user din ang dalawang ’yon.Uuna na sana ako sa paglalakad kaso hinawakan niya ang braso ko, “Wait!” tumingin ako sa direksyon niya. May kinukuha siya sa bag niya. Inabot niya sa akin ang business card niya, “If you need anything, please don’t hesitate to contact me.”Kinuha ko ’yon at ngumiti sa kanya, “I will. Thank you.”Hinatid ako ng police car sa street namin dahil eskandalosa masiyado ang damit kong puno ng dugo. Matapos ang tatlong katok ng police sa pinto namin, bumukas agad ’yon. Hindi agad nakapagsalita si Mama nang makita ako. Kunot na kunot ang kanyang noo. “What happened here?”“Good evening, Mrs. Huneta...” ipinaliwanag n

  • Devouring Beauty   Chapter 1 - The Devouring Beauty

    “Isang dalaga na naman ang nakitang walang buhay kanina. May kagat daw ito sa kanang leeg at ang ikinamatay ay blood loss,” kibit balikat na ani Hyla.Ang tinutukoy niya ay ang ibinalita kaninang umaga. Pang limang biktima na ito ngayong buwan. Pala-isipan sa amin kung sino ang gumagawa ng krimen. Nag-aalala na rin ang mga tao dahil nakakatakot nga naman. Hindi namin alam kung sino naman ang isusunod ng pumapatay.“Sinasabi mo bang bampira ang gumawa no’n?” natatawang tanong ni Yvonne.May mga bali-balita na hindi raw isang normal na tao ang pumapatay. Ang iba’y sinasabing aswang ang may gawa. Ang iba nama’y naniniwalang cannibal. Ang isang kaibigan ko naman ay naniniwalang bampira ang may gawa. May punto naman siya roon.Tinignan siya ng masama ni Hyla, “Oo, wala namang ibang makakagawa ng ganoon.”Blood loss ang sanhi ng kamatayan kaya hindi malayong bampira nga. Kung cannibal naman dapat pati ang katawan ay kinain. Kung psycho naman, hindi lang kagat ang gagawin no’n sa biktima.Hu

DMCA.com Protection Status