Zoe Colette's POV
Mukhang hindi ako hahayaan ni Atlas na makatakas.
"Manang Faye!" Nabaling ang atensyon ko kay Mia na siyang nagsalita. Galit ang tono nito at nanlilisik ang matang nakatingin sa’kin.
Anong problema ng batang 'to?
Nabaling ang atensyon ko kay manang na halos madapa na makapunta lang agad
rito sa sala.
"Ye-yes po, Young Lady?" Natatakot na tanong nito.
"Pake disinfect nga lahat ng mga ginamit ng basurang babaeng
‘yan." Malditang utos nito. Napataas ang kilay ko dahil sa narinig ko.
Mukha ba akong virus?
"Hiwalay niyo na rin, ayokong masama ang gamit niya sa mga gamit namin." Malditang wika niya ulit. Tingnan mo nga naman mukhang inuubos ng batang 'to ang pasensiya ko. Kinuha ko yung cellphone at earphone na nakalapag ngayon dito sa lamesa. Nilagay ko sa tainga ni Miles ‘yong earphone tapos pumili ako ng tugtog para hindi
niya marinig ang pagtatalo namin ng mga kapatid niya. Ayokong mahawa ng ka- demonyohan itong si Miles.
"May mangyayari ba kung gagawin ‘yon ni Manang?" Nakangiting tanong ko rito. Take note, nakakaasar na ngiti ‘yon. "Try to think girl, kung lilinisin ni
manang lahat ng gamit na hinawakan ko sa tingin mo mawawalan ng dumi ‘yon o virus hanggat nandito ako sa bahay niyo?" Malditang tanong ko rito.
Hindi naman ito sumagot sa sinabi ko. "Girl, ang kaartehan nilalagay sa lugar, hindi ‘yong nagpipiling ka lang diyan." Muli kong wika sa kaniya. "Kung sa tingin mo marumi ako, ano ka pa?
Marumi na nga ‘yang physical na kaanyuan mo pati pa naman sa loob." Malditang wika ko pa.
Nangangamatis na ang mukha nito dahil sa sobrang galit.
Tsk! Akala niya ba hindi ako papatol sa bata? Nagkakamali siya, mali siya nang minalditahan. Kung hindi siya kayang disiplinahin ng kanyang ama, ako ang gagawa.
"Ate, hindi naman sa nangengealam ako. Hindi kaya masyado nang makapal
‘yang mukha mo?" Nabaling ang atensyon ko kay Mike na nagce-cellphone pa din
hanggang ngayon. "Binihisan ka lang ng daddy namin ng magandang damit. May pinagmamalaki ka na agad? Iba ka rin!" May galit na wika nito.
"Nakuha ka lang naman ni
daddy sa tabi-tabi nagmamalaki ka na? Kami na anak pa ang
pinagmamalakihan mo. Ang kapal ng mukha!" Dagdag na wika nito.
Anong tingin nila sakin kaladkaring babae?! Nag-iinit ang ulo ko sa dalawang 'to. Jusko!
"Umalis kana habang maaga pa. Hindi ka nababagay sa mundo namin. Huwag
ka nang maghabol sa pera ng aming ama dahil wala kang makukuha kahit na piso." Muling wika ni Mike.
Akala ba nila gusto kong manatili sa bahay na 'to? Lalo na ngayon na alam kong hindi lang pala si Atlas ang demonyo dito sa bahay.
"Umalis na kayo, huwag niyo ng hintayin pa si daddy na dumating. Bukas ang pinto at malaya kayong makakaalis. Huwag niyong sirain ang magandang imahe ng aming ama." Dagdag na wika niya pa.
Magandang imahe? Ano bang imahe ang nakikita nila sa kanilang ama? Hindi ba nila alam ang ginagawa ng kanilang ama?
Nakakaawa ang mga batang 'to. Jusko!
Kung alam lang nila ang ginawa ng kanilang ama sa’kin. Matatanggap pa kaya nila si Atlas? Hindi na nila ako kailangan palayasin sa impyernong bahay na 'to dahil
kusa akong aalis dito. Lalong-lalo na hindi ko kailangan ng pera nila.
Tinawanan ko na lang ang galit na nararamdaman ko. Hindi ko naman sila puwedeng saktan. Baka makasohan pa ako ng child abuse.
"Gaya ng sinabi mo ayaw niyong madumihan ang magandang imahe ng inyong ama." Natatawang panimula ko. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ngayon
sakin ‘di ba pambabastos yan? Pinag-aaral kayo ni Atlas para magkaroon kayo ng disiplina at matutong gumalang sa nakakatanda sa inyo pero tingnan niyo ang ginagawa niyo ngayon?" Sa pagkakataong ito seryoso ko silang tiningnan. Nanahimik naman sila sa sinabi ko. Ang mga batang 'to lalo lang nilang
pinapapangit ang imahe ng kanilang ama sa’kin.
Tsk!
"Sino ngayon ang sumisira ng magandang imahe ng inyong ama, ‘di ba kayo din? Kung makasagot kayo sa’kin daig niyo pang may natapos na at kung husgahan niyo ko parang kayo pa ang nagpapakain at nagpalaki sa’kin. Ganiyan
ba ang pagpapalaking ginawa sa inyo ni Atlas, na maging bastos kayo?!" Galit ngunit may diin kong wika.
Tiningnan ko sila isa-isa na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa akin. Ang lakas ng loob nilang magmalaki sa’kin wala pa naman silang natapos. Mas lalo tuloy nag-iinit ang dugo ko sa mga batang 'to.
Pisti!
"Hindi niyo ko kasing edad kaya matuto kayong rumespeto. Hindi porket mayaman kayo gano’n na lang kayo manapak ng kapwa niyo." Muli kong wika.
Hindi naman sila makasagot sa mga sinasabi ko. Nakayuko lang ito na animoy maamong tupa.
"Ano pa ang ginagawa niyo rito? Magsi-ayos na kayo ng mga sarili niyo may klase pa kayo na dapat pasukan." Pagkasabi ko no’n mabilis silang tumayo sa pagkakaupo at mabilis na umalis sa harapan ko. Ibinaling ko ang tingin kay manang na mabilis na umiwas nang tingin sa’kin.
Huwag mong sabihin kahit itong si manang na takot sa ginawa ko?
"Manang, puwede na po kayong umalis. Tatawagin ko na lang po kayo kapag
may kailangan kami ni Miles." Mahinahong wika ko.
Umalis naman ito agad pagkasabi ko no’n. Tinanggal ko na ang earphone sa tainga ni Miles. Nakangiti itong lumapit sa’kin at
kumandong sa hita ko. Inihiga ko ito sa aking hita at hinalik-halikan sa kaniyang leeg na nagustuhan
naman niya. Sunod hinanap ko ang kiliti nito na nasa tagiliran at tiyan niya. Sinimulan ko itong kilitiin.
Napahalakhak naman ito nang malakas dahil sa ginawa ko.
"Mommy... tama na po." Tuwang-tuwang wika niya.
"Ayaw mo na huh?" Nakangiting tanong ko rito. Tuwang-tuwa na umiling ito sakin.
"Miles, aalis na kami ni Kuya Mike." Napatingin ako kay Mia na siyang nagsalita. Nakatayo ito ngayon di-kalayuan samin.
Umalis naman si Miles sa pagkakahiga sa hita ko at lumapit sa kanyang Ate at Kuya. Hinalikan siya ng mga ito bago tuluyang
umalis. Muli kong nakita ang pagtaray ni Mia sa’kin. Napailing na lang ako sa
ginawa niya.
"Manang Faye?" Mahinahong tawag ko. Muli nakita ko ang pagmamadali niyang makapunta agad dito sa sala kung saan
ako naroroon. "Manang, hindi niyo po kailangan magmadaling pumunta rito, kaya ko naman
po maghintay." Nakangiting wika ko dito.
"Ma-may kailangan po ba kayo madam?" Nauutal na tanong nito.
"Paki-liguan naman po si Miles ang asim niya na po kasi." Nakangiting wika ko pa rin.
"O-opo ma'am." Nauutal na sagot nito.
Napakamot na lang ako sa ulo. Sobrang lupit siguro nila sa mga katulong dito. Grabe kasi ‘yong takot ni manang sa’kin. Hindi ko naman kakainin. Hayst!
Hi guys, just be patient until you reach my last update that I write on the old platform. I will start again from the beginning. I wish you still support me here. Thank you in advice<3
Zoe Colette's POVSumabay na ako kila manang sa pag-akyat. Papunta ako ngayon sa kwarto ni Atlas. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang tungkol sa pagtakas ko sa lugar na ito, dahil may bantay sa baba at alam ko naman na hindi nila ako hahayaangmakalabas dahil na rin sa utos ng demonyong ‘yon. Dito ako lalabas sa second floor kung saan walang bantay. Madali na lang naman silang patumbahin isa-isa. Hindi naman sa nagmamalaki ako pero nag-aral ako kung paano depensahan ang sarili ko. Tinali ko ang buhok ko bago ako lumabas ng balkonahe. Tama nga anghinala ko mas lalong dumami ang mga tauhan na nagbabantay ngayon sa labas ng mansion.Tiningnan ko muna kung gaano kataas ang balkonahe mula sa baba. Hindi naman ako nalula. Mukhang mababa lang ito at hindi ako mapipilayan kungmalaglag man ako mula dito sa second floor. Tiningnan ko muna 'yong mga tauhan niya na mukhang hindi ako napapansin dito sabalkonahe. Maingat kong inihakbang
Zoe Colette's POVMuli na naman akong sumabay sa kanta at sumayawa. Tumayo naman si Miles sapagkakaupo at nagtatalon-talon doon sa upuan dahil sa sobrang saya. Ngayon sabay na kaming sumasayaw ni Miles hinahayaan namin ang sariling katawan na sumabay sa kanta. Hindi naman maipinta ang kasiyahan sa mukha ng batang ito. Habang sumasabay sa kanta. Nakatingin lang ito sa’kin na may ngiti sa kanyang mga labi habang sinasabayan ako. Bumaba ako sa upuan na ginaya rin niya naman. Kahit hindi niya alam 'yong kanta sinasabayan niya ang pagbuka ng aking bibiggayundin ang aking pagsayaw na siyang ikinatawa ko nang malakas.Nagpatuloy kami sa pagsasayaw hanggang sa matapos ang kanta.Hindi pa kami gaanong nakakapagpahinga nang marinig ko ang paborito kongkanta. Napatayo ako at muling sumayaw. Tumayo rin si Miles at ginaya ako. Halata na sa mukha no’ng bata ang pagod na nararamdaman ngunit hindi niya ito in
Zoe Colette's POVTatlong beses niyang ginawa iyon sa leeg ko bago ito lumayo. Tinanggal din nito ang kamay niya sa pagkababae ko at umalis sa aking ibabaw. Tumayo ako sa pagkakahiga at inilagay ko ang mga palad sa aking mukha. Atmuling napahagulgol sa pagiyak."Woman, that's the first warning!" Rinig kong wika niya. "Subukan mo ulit tumakas at pumunta sa Haley mo hindi lang ‘yan ang matitikman mo!" Galit ngunit may diing wika nito sa’kin.Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa 'to sa’kin ni Atlas.Tama ba ang nararamdaman kong kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Kuya Haley roon sa airport kahapon?Hindi ba alam ni Atlas kung ano ang relasyon ko kay Kuya Haley? Magkapatid kami at hindi magkasintahan, pero bakit gano’n siya magsalita? Bakit pinaparamdam nito sa mga salita niya na lalaki ko si Kuya Haley? Bakit?Pinagdikit ang dalaw
Zoe Colette's POV"Gusto kong pirmahan mo ang kontrata na ‘yan upang sa gano’n ay mawalan na sayo nang karapatan ang iyong kapatid na si Haley."Seryosong wika nito nasiyang ikinagulat ko.Kung gano’n alam niya? Pero bakit?Muli akong natawa sa hindi malamang dahilan. Bakit ko nga pala natanong kungalam niya na kapatid ko si Kuya Haley? Samantalang pangalawa nga pala kami sa pinakasikat na mayaman dito sa Pilipinas. Lalong-lalo na sikat kaming tatlong magkakapatid bilang isang independent na anak na hindi umaasa sa yaman ng kanilang magulang. Nanlilisik ang matang muling ibinaling nang demonyong ito ang tingin sakin."Woman, why are you laughing again?" Jerk... Inirapan ko ito. Ibinaling ang tingin sa papel."Devil, bakit mo ginagawa sa’kin'to? Hindi mo naman talaga ako gusto ‘di ba?"Seryosong tano
Zoe Colette's POVNaramdaman ko na lang ang pagalis nito sa aking ibabaw. Iminulat ko ang akingmata. Bahagya na din akong natigil sa pagiyak. Naihilamos ang sariling palad sa aking mukha bago tumayo at umupo. Tiningnan ko ang aking hinalalaki at meron na itong kulay. Ibinaling ko ang tinginsa kaniya nang ilagay niya ang papel doon sa brown envelope."Babae, matalino ka pero hindi sapat para maisahan ako."Na-trauma na ata ako sa ginawa ng lalaking 'to kaya gano’n na lang ang naging reaksyon ko sa ginawa niya sakin ngayon. Inabot niya ang hawak na envelope kayMixer.Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng mansion."Daddy, ano po iyong narinig namin sa labas kanina?" Tumayo si Atlas sa pagkakaupo para puntahan ang kanyang mga anak. Habang ako nakaupo pa rin at hindi sila nililingon."Chico?"Rinig kong tawag ni Atl
Zoe Colette's POV"Hoyy, Zoe Colette Serpant?!" Napapikit ako ng marinig ang malakas na bosesnito sa aking tainga."Kuya... narinig ko ang sinabi mo. Hindi mo na kailangan pang pumunta rito sapuwesto ko at isigaw mismo sa tainga ko!" Galit ngunit mariin kong wika."Narinig mo naman pala bakit hindi mo sinagot ang tanong kokanina?" Seryosong tanong nito bago naglakad pabalik sa pwesto niya."Kailangan ko pa talagang sagutin ‘yon? Sobrang halaga ba ngsagot?" Iritableng tanong ko dito."Bunso, bestfriend mo pa rin si Maisha wag mong hayaang masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa maliit ba bagay."Seryosong wika nito. Hindi ko ito pinansin bagkus nanahimik na lang ako.Tsk! Ang galing-galingmagpayo nitong si Kuya Chase pero ‘yong problema niya kay Kuya Haley pinapala
Zoe Colette's POVPagdating namin sa kwarto roon niya lang binitawan ang kamay ko. Pinagmasdan ko lang ang pagpunta niya sa banyo. Muling nagwawala ang kaba rito sa puso ko nagpalakad-lakad ako para mawala ito. Hindi ko maintindihan ang sarili kahit kasi may ginawang kababuyan sa’kin si Atlasnaiisantabi ko ang galit ko sa tuwing nagiging sweet ito o hindi naman kaya kapag nasa harap kami ng kanyang mga anak. Ang bilis kong ding maniwala sa mgasinasabi niya para isang hipnotismo ang kanyang mga salita.Ganyan siguro ang paraan ng pang-aakit niya sa mga babae para makuha nito ang katawan nila. Napakagat ako sa sariling labi nang muling naisip ang kanyang sinabi.Baby, be ready, I'll make you mine. Patuloy na nagi-echo sa isip ko ang mga sinabi niya nangmaalala iyon. May kung anong kuryente akong naramdaman nang yumakap ito mula sa akinglikod. Isiniksik niya ang mukha sa aki
Zoe Colette's POV UHAW ang siyang gumising sakin. Agad akong napatingin nang maramdaman ko kung gaano kahigpit ang yakap sakin ni Miles. Habang si Atlas naman ay wala sa tabi ko. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto ngunit hindi nakita ng aking mata ang anino ng demonyong 'yon. Mukhang nasa banyo ito. Ang aga naman ata? Marahan kong inalis ang kamay ni Miles sa aking tiyan. Tumayo ako para bumaba at uminom ng tubig. Napatakip ako ng bibig nang mapahigap. Anong oras na ba? Nasa pinto na ako ng matanong iyon sa isip. Hindi na ako nagbalak na bumalik para tingnan ang oras. Pagbukas ko ng pinto tumambad ang madilim na labas. Takte! Bakit sobrang dilim? Muli kong nilibot ang paningin sa paligid ng kwarto para maghanap ng flashlight ngunit bigo akong makahanap. Pumunta ako sa drawer para tingnan ku
WARNING: 18+ EXPLICIT CONTENTZoe's POVIsang malakas na halakhak ang siyang nagpagising sakin sa araw na ito. Kinusot-kusot ko ang aking mata at bahagyang iminulat ang kaliwang mata. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si Atlas at si Miles na nagkukulitan sa aking tabi. Hindi ko alam kung isang buwan na ba o lagpas na sa isang buwan simula ng magkulong sa kwartong iyon si Atlas, pero ito ang kauna-unahan kong masulyapan siya ng malapitan. Matapos ang lahat ng nangyari sa nakalipas na araw.Ang mga mukhang iyon na hindi ko nasulyapan ng sobrang tagal ay talagang namiss ko ng husto. Gusto kong tumayo ngayon sa aking kinahihigaan at yakapin siya ng mahigpit, ngunit sa mga sandaling ding ito pinipigilan ako ng aking
Mia's POV Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng pumunta ako kila Tita Zoe at umalis dito sa bahay si Kuya Mike. Ilang araw na din pabalik-balik ang lagnat ni Daddy at hindi ito gumaling-galing sa kanyang sakit. Habang si Miles naman ayun hindi na gaanong umiiyak ngunit bakas pa din ang lungkot at pangungulilang nadarama dahil sa pagkawala ni Tita Zoe dito sa bahay. Habang si Kuya Mike naman di nakakalimutan tumawag samin para kamustahin kaming dalawa ni Miles araw-araw. Gaya ng inaasahan ko di nito hinahanap si Daddy na mukhang hanggang ngayon, di pa din nawawala ang galit sa loob niya dahil sa ginawa niya kay Tita Zoe. Minu-minuto ko ding tinitingnan ang aking telepono upang i-check kung may message ba na mula kay Tito Zoe, ngunit tanging kabiguan lang ang aking nakuha. Tuluyan na nga kaming nakalimutan ni Tita Zoe. Walang ibang nagaalaga ngayon kay Daddy kundi ako lang. Inaasikaso kasi ni Tito Chase ang k
Zoe Colette's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo o oras na ba talaga ang lumipas. Nakaupo lang ako dito sa harap ng puntod nila mama. Tanging paghikbi na lang ang maririnig mo sakin ngayon. Unti-unti kong pinapatahan ang sarili ko at pilit na kinakaya ang sakit na iniwan nila sakin at dahil na din sa ginawa ni Atlas sakin. Ngunit kahit na ganun may nararamdaman pa din akong pagaalala dito sa aking puso na sana ay hindi ko na lang naramdaman una palang. Ang demonyong Atlas na iyon hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin, sa kabila kasi ng lahat nang narinig at ginawa niya sakin, siya pa din itong inaalala ko. Lalo na ngayong alam kung hindi pa din ito gumagaling sa kanyang sakit. Bakit pakiramdam ko ngayon baliw na baliw ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Anong bang problema mo Zoe, tigilan mo na angkabaliwanmo. Di ka naman niya talaga mahal diba?!
Zoe Colette's POV Sa ngayon di ko alam kung kakayanin ko bang makita si Atlas. Baka kasi mas lalo lang madadagdagan ang sakit ng aking nararamdaman. Kahit gusto kong ibuka ang aking bibig di ko magawa. "Tita, pumunta na po si Kuya Mike sa amerika, wala na po siya Tita. Si Daddy naman po may sakit. Habang si Miles ayun hinahanap pa din kayo at hindi na nakakakain ng maayos." "Tumuloypa din pala sa amerika si Mike kahit hindi ako sumangayon." Ngayong nilalagnat ito sino ang nagbabantay sa kanya? Pinuntahan ba siya ng taong mahal niya? Sino ngayon nagdurusa diba siya? At dahil sa pinaggagagawa niya nadadamay tuloy sila Mia. "Desisyon po iyon ni Kuya Mike, Tita. Galit na galit po kasi si Kuya kay Daddy dahil sa ginawa nito sainyo at itong huli nagkaroon sila ng matinding pagaaway." Napakunot ang noo ko sa sinab
Zoe Colette's POVSandali akong natahimik at muli na namang naiyak. Ang sakit lang kasi ang akala kong pagmamahal puro kasinungalingan lang pala. Matapos ang lahat isang pagbabalat kayo lang pala ang aking natanggap sa huli.Binigay ko ang lahat kahit ang aking sarili, kahit gaano kasakit nanatili ako dahil ang akala ako minahal niya talaga ako pero hindi. Isang malaking AKALA lang pala iyon.Hindi niya na sana pinaramdaman sakin kung sasaktan niya rin pala ako. Di na sana siya nageffort pa kung sa huli hahayaan niya din naman niya pala itong masira lahat."When I see that man, I really hate him because he is really a pervert. He forced me to have sex with him that night."Sa hindi malamang dahilan bigla akong natawa.Biglang nagsink-in sa utak ko ang unang pagkikita naming dalawa."Akala ko nga katangian niya na ang pagiging malibog niya."Muli akong natawa pero kasabay nun ang pa
Maisha's POV Bangag at wala ako sa sarili ngayong araw. Pangatlo araw na ngayon simula ng pumunta dito si Zoe sa bahay at dito na nanatili matapos ang nangyari doon sa bahay nila Atlas. Hindi naman kami umiinom pero tatlong araw na itong walang tulog at walang tigil sa pagiyak, kaya ending pati ako ay wala ding tulog. Hindi niya din sinasagot ang lahat ng mga tumatawag sa kanya. Alam ni Chase na nandito ito ngayon sa bahay. Alam ko na din kung anong nangyari at kung bakit ito nagiiiyak ngayon. All of her pain it was may fault, kung sinabi ko lang sana sa kanya ang totoo lahat sa simula palang edi sana hindi ganito kasakit ang matatanggap niya. Di ito magdurusa ngayon at magmumukmok dahil sa sinabi ni Atlas. Ako ang kaibigan niya pero ito ako walang magawa kundi itago ang lahat ng mga nalalaman ko sakanya. Gusto ko man sabihin sa kanya lahat, ngunit pinangungunahan ako ng natakot ngayon. Nagtatalo ang isip at puso kung sasabihin ko ba
Soe's POVHindi ako makapaniwala na susundin ko sa unang pagkakataon ang payo sakin ng bunso kong kapatid na babae. Nasa harap ako ngayon ng ZC Group, kinakabahan sa mangyayari once na makapasok na ako sa loob at makita si Haley.Being alone in so many years, so hurt that what I expected. Akala ko kakayanin ko na wala siya sa buhay ko ng ilang taon pero nagkamali ako, noong gabing pumayag ako na lumayo sa kanya dahil iyon ang gusto niya ay talagang pinagsisihan ko ng husto. Dahil noong araw na iyon, yun na din pala ang huling sulyap ko sa kanya. Kahit kasi alam nito kung saan ako nagtatago hindi lang naman niya ako magawang dalawin o puntahan man lang, walang araw na hindi ko ito hinihintay. Ngunit kahit anino lang naman niya ay hindi ko nakita sa pinto ng aking bahay.Madaming tao ang napatigil sa kanilang ginagawa ng makita ako dito sa ZC Group, gulat na gulat ang mga ito at animoy nakakita ng multo."Ms. Soe, you're alive? We t
Zoe Colette's POV Tumayo ako at lumapit sa kanya bago ito binigyan ng isang malakas na sampal. Mukhang hindi pa kasi siya nagigising sa ginawa kong pagsampal sa kanya kanina. Muli ko ulit itong hinawakan sa kanyang damit. "Gumising kana sa katotohanan na hindi na babalik si Ate Soe. Hindi na babalik yung babaeng yun sayo dahil di naman ikaw ang tunay niyang mahal. Kaya lang siya nanatili sayo para hindi masaktan si Kuya Haley. Si Kuya Haley ang prinoprotektahan niya at hindi ikaw!"Muli ko ulit itong niyugyog."Tumigil kana Atlas dahil walang mangyayari kung patuloy mongitataliang sarili mo sa isang taong hindi ka naman kayang mahalin."Sa hindi malamang dahilan bigla kong naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata."Gumising kana sa katotohanan na hindi nababalik pa ang taong gusto mong bumalik sayo. May mga anak kang
Soe's POV Andito kami ngayon sa Blackbird fine dining restaurant sa Makati. Inupahan ni Haley ang buong lugar na ito para kami lang dalawa ang magiging tao dito. Kakilala niya din kasi ang may ari ng lugar na ito. Hinayaan ko na din siyang magorder ng kakainin namin. Halos lahat ng inorder nito ay kilalang dishes dito sa Blackbird like, Lobster Spaghetti, Flatiron Steak, Apple Tart, Potato Gratin, Wagyu Steak, Soft Shell Crab. Habang busy ito na tinitingnan ang kanyang telepono, di ko naman mahiwalay ang tingin dito. Di ko maiwasang hindi mapatitig dito dahil siguro ito ang unang pagkakataon na muli ko ulit nasilayan ang mukha nito makalipas ang limang taon. "I know I'm handsome, but please don't stare me like that, babe..."Nakangiting wika nito bago inangat ang tingin at ibinaling sakin. Nginitian ko lang ito pero hindi ko pa din inaalis ang tingin dito. Gusto ko pa itong titigan