Home / Mystery/Thriller / Detective Couple / Chapter 4: Hopeless

Share

Chapter 4: Hopeless

Author: Precious Gem
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Dumating ang umaga at laking pasasalamat ko na nakakain ako nang maayos. Tinabihan ako ni Alvin habang kumakain kaya naman hindi ako nagawang lapitan nina Helen.

Naglibang muna ako habang walang ginagawa. Niligpit ko ang ibang higaan nila na iniwan lang nilang makalat. Feeling ko talaga mga bata kasama ko rito tapos 'yong mga ugaling brat. Nilinis ko na rin ang C.R para manahimik naman si Helen. Ilang minuto rin akong naglinis dito at sakto naman na pagkatapos kong maglinis ay may bantay na tumawag sa akin.

"Nasaan si Autumn Bender? May gustong dumalaw sa kanya," tanong nito. Sigurado akong si Ginger na 'to. May nahanap kaya siyang abugado? Sana naman meron para makaalis na ako rito.

"Ako po." Sabay taas ko ng kamay. Tumayo ako para pagbuksan ng bantay at saka n'ya ako hinatid kung saan pwede kausapin ng mga dadalaw ang mga nakakulong rito. Habang naglalakad ay natanaw ko na si Ginger, pero hindi maganda ang timpla ng mukha n'ya kaya naman pagkalapit ko sa kanya ay ngumiti ako.

"Ang aga-aga nakabusangot ka?" bungad ko sa kanya saka umupo. Napabuntong hininga naman s'ya na animo'y napakalaki ng problema ang dinadala niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito, may hindi magandang sasabihin 'to kapag ganito siya kumilos.

She faced me with teary eyes then pats my right shoulder. Nagulat na lang ako sa kanya nang bigla siyang umiyak. Doon ko lang napansin na ang lalim ng eyebags n'ya na halatang wala pang tulog. 

"Hey? A-ano ba nangyayari sa 'yo?" nag-aalala kong tanong. She shakes her head and continues crying. Hindi ako magaling magpatahan but I am trying to comfort her and calm her. 

And finally, she talks. "I'm sorry sis. Wala pa akong tulog para maghanap ng abugado pero wala talaga. Hindi ko na alam paano ka ilalabas dito," she said while crying. Samantala ako naman ay natulala. Para akong nawalan ng pag-asa sa sinabi n'ya.

I want to cry but, it seems my eyes are too tired to cry. 

Panay ang sorry sa 'kin ni Ginger kahit wala naman siyang kasalanan. I know she's doing all her best pero sadyang malupit siguro talaga ang mundo sa 'kin ngayon. Iniisip ko pa lang na ilang taon ako mabubuhay rito sa kulungan ay hindi ko na kakayanin. 

Bakit kasi ako pa napili ng mundo? Ako na mahina, mahiyain, di nagsasalita, at walang kwenta! Bakit hindi na lang sa mga malalakas? Sigurado naman akong kaya nila 'to e! Bakit?

"Bakit ako pa?" wala sa sariling sambit ko.

Nagulat naman si Ginger sa sinabi ko. At doon ko na lang namalayan na may tumutulo ng luha sa mata ko.

Amazing! This shit really envelopes me.

"Autumn, stop it. I know what you're thinking. It's not like that okay? Makakalaya ka rin dito. Malalaman din natin kung sino ba talaga ang pumatay kay Dina."

"Sana nga... kasi ayoko rito. Iyong mga kasama ko sa kulungan hindi sila mababait Ginger. Papahirapan lang nila ako," ani ko na parang batang nagsusumbong. Ramdam ko naman ang inis niya sa sinabi ko.

"Autumn naman! Kailangan mo maging palaban sa mga panahong 'to. Huwag kang papayag na api-apihin ka!" 

"Ang dali sabihin niyan pero di naman ako kasing palaban mo." Nakita ko ang awa sa mga mata niya. Sana pala kaugali ko na lang siya para alam ko paano lumaban dito.

Tumayo na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Gusto ko muna mapag-isa. Balikan mo na lang uli ako rito bukas." I wipe my tears and left her. 

Let me sink in my fate. Baka sakaling matanggap ko na ito talaga ang kapalaran ko. Ginger knows I'm in deep pain, and she knows I always wanted to be alone when I have problems. Kaya naman hinayaan na lang muna niya ako. 

Ito ang ayaw ko sa sarili ko. Lagi lang minumukmok ang sarili na akala mo'y masasagot ng pag-iyak ang mga problema ko.

Matamlay ang aking mga mata habang nakayukong naglalakad pabalik ng selda. Hindi ko talaga alam ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. I feel so alone and no one can help me.

Iyong mga inaasahan ko na tutulong sa 'kin ay wala rito. Sobrang busy nina mom and dad sa business nila in Japan na kahit pangungumusta man lang sa 'kin ay hindi magawa. 

Lagi na lang ako mag-isa. Ako lang lagi ang sumasalo ng mga problema. 

Minsan napapaisip na lang ako. Mabait naman ako na tao pero bakit pinarurusahan ako? Naging masunurin naman akong anak, mabuting bata, may respeto sa iba pero bakit ako ang nandito?! Do I deserve this?

I keep asking myself why I can't fight like Ginger? Why I'm so weak?

Hindi ko namalayan na pinasok na pala ako ng bantay sa kulungan. Dumeretso ako sa isang sulok. Pagkaupo ko, napansin kong sinusundan ako ng tingin ni manang. Hindi ko pa pala alam ang pangalan n'ya pero mukha naman siyang mabait. Ano kayang nagawa niya at nakulong siya? Matanda na siya pero heto ang buhay n'ya.

Nilingon ko naman siya at nginitian ko. Iba ang pakiramdam ko sa matandang 'to, feeling ko hindi siya masamang tao gaya ng nararamdaman ko kay Alvin.

Bigla akong na-curious kay manang. Mamaya na lang ako magmumukmok.

"Ano po ang pangalan n'yo?" tanong ko sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko. Mga ilang segundo muna akong naghintay bago siya sumagot.

"Fely"

"Paano po kayo napunta rito?" I ask out of nowhere. Parang nabigla naman siya sa tanong ko. 

Wait? Nakaka-offend ba ang tanong ko? Hala, baka privacy 'yon! Naku naman! Dapat kasi talaga umiiyak ako ngayon, hindi nakikipagkwentuhan sa matanda. Pero nakita kong ngumiti rin siya pagkatapos kaso slight smile lang. Parang may halong lungkot ang ngiti n'ya.

"Nagnakaw ako," malungkot niyang sagot. She's not looking into my eyes. It seems like she's remembering what happened. 

Pero nagnakaw siya? Bakit naman kaya? Pero ayoko nang tanungin pa kase baka ma-offend pa siya.

"Wala na akong pamilya. Ang asawa ko ay maagang namatay. Yung dalawa ko namang anak ay parehong nasa ibang bansa at hindi na ako binalikan. Walang wala ako at may sakit pa kaya gustuhin ko man magtrabaho, hindi ko kaya"

Napalingon ako sa gawi niya nang magsalita siya. Hindi naman ako masyadong interesado kung bakit niya nagawang magnakaw pero heto, kinikwento nya sa 'kin ang dahilan n'ya sa pagnakaw. Actually, nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Matanda na siya tapos mag-isa lang sa buhay kaya siguradong sobrang hirap talaga no'n.

Nakatitig lang ako kay Nanay Fely habang naghihintay ng susunod na ikikwento niya. "Lahat ng pera ko sa bangko ay nagamit ko na para sa gamot ko at pagkain pero hindi naman gano'n kalaki ang naipon ko kaya mabilis lang naubos 'yon. Ang mahal pa ng mga gamot ko. At sa sobrang gutom, nagnakaw ako ng mga pagkain sa isang grocery. Nandukot din ako ng pera sa tao. Nang dahil do'n, napunta ako rito."

So that's why she's here. Alam kong masama ang magnakaw pero may dahilan naman siya bakit niya nagawa 'yon. Nakakalungkot lang na sobrang laki ng part ng pera sa buhay ng isang tao. At masakit isipin na mga mahihirap ang nagsa-suffer sa ganitong bagay. Samantala ako, ang iniisip ko noon ay bakit kailangan magnakaw kung pwede sila maghanap-buhay. Pero di naman pala lahat kayang maghanap-buhay gaya na lang ni Nanay Fely.

"Hindi nyo ba sinubukan na tawagan ang mga anak n'yo?" tanong ko. Siguro naman maginhawa ang buhay ng anak n'ya. Pero nalungkot siya sa tanong ko.

"Hindi. Ayoko maging pabigat sa kanila. Mas ayos na rin na nandito ako kaysa nasa labas" Bigla naman akong nagtaka. Sinong gugustuhin na mag-stay dito?

Napansin niya ata naging expression ko. "Sa labas wala akong pagkain, wala akong tubig, hindi ako nakakaligo, at siguradong di ako mabubuhay roon. Dito libre ang mga pagkain, may paliguan dito at sakali man na magkasakit ako, sila ang magpapagamot sa akin." 

Na-realize kong tama nga siya. Parang blessing in disguise pa tuloy 'tong pagkakulong niya. Pero nakakalungkot pa rin isipin. Nakaka-dissapoint yung dalawa niyang anak. Matapos silang palakihin tapos pinabayaan lang nila nanay nila! Mabuti nga sila nariyan ang nanay nila sa tabi nila, samantala ako wala. Malakas at may pera nga pero wala naman sa tabi ko.

"Pasensya ka na ha? Noong pumasok ka rito at nakita kong hindi ka marunong lumaban sa mga tao rito ay naalala ko ang sarili ko sa 'yo. Kaya ko sinabi 'yon sa 'yo."

Sinabi ny'a? Anong sinabi nya sa 'kin? "Noong naglilinis ka sa C.R," sagot niya. Napansin niya siguro na hindi ko alam ano ang tinutukoy n'ya. Pero ang natatandaan ko na sinabi niya no'n ay,

'nasa kulungan ka iha at wala sa bahay. Matuto kang tumayo para sa sarili mo'

Ano naman kinalaman no'n sa pagkaalala niya sa sarili niya sa 'kin?

Nagsimula naman siyang magkwento sa 'kin, while me is just sitting here quietly and listening to her, "Noong dalaga pa ako, hindi rin ako marunong lumaban. Napakahina kong tao at lagi ako dumedepende sa kapatid ko. Pero simula nang mawala ang magulang namin, nagbago takbo ng buhay namin dahil pinagsamantalahan kami ng mga kamag-anak namin," she paused. Napalunok muna siya bago nagpatuloy.

"Dahil nga hindi ako palaban, naging kawawa ako at walang narating. Sinabi ko 'yon sa 'yo dahil ayaw kong matulad ka sa 'kin. Sa mga panahong wala kang karamay, kailangan mas maging matatag ka. Hindi pwede ang mahina dahil kung hindi talo ka."

This time ako naman ang napalunok. Bigla akong natauhan. Siguro nga tama siya, dapat maging matatag ako. 

I smiled a bit.

"Salamat po," ayun na lang ang nasambit ko.

Ngumiti naman siya and this time, masaya tingnan yung ngiti n'yang 'yon. Siguro hindi lang n'ya nakikita ang sarili n'ya sa 'kin. Nakikita niya rin ang anak niya sa 'kin. I never heard these kind of words from my parents. Kung nandito sila, matutulungan kaya nila ako?

Parang pareho pala kami ni Nanay Fely. Ang mga anak niya nasa ibang bansa at walang kaalam-alam na nasa kulungan siya at ano ang sitwasyon ng buhay niya ngayon. Ako naman, magulang ko ang nasa ibang bansa at hindi rin nila alam ang nangyayare sa 'kin ngayon.

That's why I feel something different about her, it's because we are the same. We feel each other because we understand each other.

Ang lupit talaga ng mundo. Isang matanda na walang lakas lumaban at isang mahinang babae ang nilagay niya sa sitwasyon na 'to. But I don't want to see the negative part of this. Siguro may gusto sa 'kin ituro ang mundo kung bakit nangyayare sa 'kin 'to.

Ngumiti ako nang malapad at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. The feeling of being lonely is somehow faded. Feeling ko ay nagkaroon ako ng kakampi. 

Hinagod-hagod ni Nanay Fely ang buhok ko na parang isang bata. I felt her warmth and comfort. And by that, nakatulog ako.

Related chapters

  • Detective Couple   Chapter 5: New Friend

    We are here at the dining area and of course, Alvin is also here. Tapos na raw 'yong task nila, though hindi ko alam ano 'yon at wala rin ako balak na magtanong. Baka isipin pa niya na interesado ako sa ginagawa niya.Tahimik lang akong kumakain. Walang gana, malungkot at nakatulala. Nagri-replay pa rin kasi lahat sa utak ko ang mga nangyari sa 'kin. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari sa 'kin 'to.Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na nakatitig na pala sa 'kin si Alvin."Ayos ka lang ba?" tanong niya. Halatang nag-aalala siya sa tono ng boses niya.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya dahil sa totoo lang ayoko ng kausap ngayon. Gusto ko mapag-isa pero hindi ko magagawa 'yon rito.

  • Detective Couple   Chapter 6: Serial Murder

    Two weeks had passed, but I'm still here and still no progress to my case. Madalang ko na lang din nakikita si Alvin dahil marami raw pinapagawa sa kanila. Si Ginger naman hindi na ako nadalaw matapos ako hatiran ng mga gamit. Busy raw siya sa pag-asikaso ng case ko kasama si Wade.Natawa nga ako noong sinabi niya 'yon, e. Hindi ko ma-imagine na magkasama silang dalawa. Napapaisip tuloy ako kung paano kaya naha-handle ni Wade ang babaeng 'yon.Another thought, nami-miss ko na ang outside world. Ano na kaya ganap sa trabaho ko after ko mawala. Hindi man lang ako dinalaw ng magaling kong boss. Sa totoo lang, kung hindi niya ako binigyan ng maraming gawain hindi sana ako nakauwi ng gabi. Tapos parang wala pa siyang pakielam sa 'kin ngayon.Pero in fairness nakakamiss din pala ang mga pape

  • Detective Couple   Chapter 7: Help me

    "May namatay na naman kaninang umaga. Ganon pa rin, gabi raw pinatay dahil matigas na ang bangkay nang nadatnan nila." Muling dumalaw si Ginger para sabihin sa 'kin ang masamang balita. Halatang malungkot siya sa rito. Kahit naman ako ay malungkot at the same time ay natatakot. "Ginger, please lagi ka muna sa tabi ni Wade. Hindi natin alam kung sino ang gustong patayin ng killer. Nag-aalala lang ako sa 'yo." Totoong nag-aalala ako para sa kanya. Paano kung siya ang next victim? E, wala pang nahahanap na information ang mga pulis kung ano ang pagkakatulad ng mga biktima. Mas mabuti nang maging handa. "Oo sinabi na rin sa 'kin 'yan ni Wade. Kahit ayaw ko, pumayag naman ako. Kahit mainit ang ulo ko ro'n, alam ko naman na mapagkakatiwalaan ang impaktong 'yon." Natawa naman ako bahagya s

  • Detective Couple   Chapter 8: Her Agony

    TW: Physical Abuse "May dumi pa rito! Dalian mo naman!"sigaw ni Helen. Kasalukuyan akong naglalampaso ng sahig dahil sa utos ni Helen. Tinutulungan na rin ako ni Nanay Fely sa paglilinis para mabilis ako matapos. Pero paano ko matatapos 'to kung panay kalat siya? Kada punas ko, magkakalat siya. Kada linis ko, magdudumi siya. Halatang sinasadya niya mga ginagawa niya at hindi na ako natutuwa. I want a peaceful life, an ordinary life, but why this happened to me? I want to fight back, but all the courage I have disappeared. I want to pull her hair, want to soak her in the drum, to mop her on the floor, just like what she did. But I know it's wrong. I know there's something wrong with me if I would do that. I'm mopping the floor endlessly. Panay ang kalat niya sa tuwing mapupunusan ko ang sahig. Para akong tanga rito na naglilinis sa wala. Hinihintay ko na lang na magsawa siya sa ginagawa niya para makapagpahinga na ako. But the ques

  • Detective Couple   Chapter 9: Nightmare

    The night is cold. The sky was dark and low. The air was so chilled it hurt to breathe. The pale crescent moon shines like a silvery claw in the night sky. A woman in a yellow dress is walking home alone. It was so peaceful and calm. She walks freely, not minding the dangers that might appear around her. She's so lovely and innocent. But as she walks freely and peacefully, someone pulled her and held her wrist tightly. She screams. Fear struck over her body. "Tulong! tulungan niyo ako!" She continues screaming and asking for help. However, no one was around, but this man who hides behind his mask. "Sssssshhh. I won't do anything harmful to you. Trust me," the man said in a monotone voice. This unknown man is wearing a black hoodie jacket with a face mask and black pants paired with black sneakers. "Bitawan mo ko! Sino ka ba?!" The woman tries to free herself from the grasp. The man then let her go and removes his mask

  • Detective Couple   Chapter 10: Confession

    “Sige na, labas muna ako. Nakakahiya naman at baka nakakaistorbo pala ako sa landian niyo.” Kunot-noo kong tiningnan si Ginger. Anong landian? Hindi naman kami naglalandian ni Alvin.“Hoy, Wade! Lumayas ka riyan. Samahan mo na lang ako, dali. Gawin kitang alipin ngayon.” Hinatak niya si Wade na komportableng nakahiga sa upuan.“Nanunuod ako ano ba!”“Epal ka ‘no? Huwag kang maki-third wheel.”Nagpahatak na lang si Wade si kanya dahil nakaamba na ang kamao ni Ginger. Kaya naman naiwan kami ni Alvin dito. Medyo awkward tuloy dahil sa sinabi ni Ginger. Baliw talaga ang babaeng ‘yon. Hindi naman kasi kami naglalandian.Mabuti na lang at naunang magsalita si Alvin d

  • Detective Couple   Chapter 11: Seeking Justice

    “Schoolmate uli natin ang namatay. Kaninang madaling-araw nakita.” Sabay dumating sina Wade at Ginger para dalawin kami ni Vin. Tapos ito ang baon na dala nila para sa ‘min. Another victim died. Kahit si Wade na isang detective ay wala ring makitang lead kung sino-sino ang pinapatay ng killer. As of now, their assumptions of the targets are 20-25 years old and former students of Lillesville State University. Pero hindi pa ito sigurado dahil yung third victim ay hindi student ng LSU.“Pareho kayong taga-LSU diba? Kilala niyo ba ‘yung mga namatay?” Wade asked us, trying to get information and help the authorities find the culprit of this murder. Napakaseryoso ng aura naming apat dito. Pare-pareho kaming nag-iisip para malaman ang dahilan ng killer sa pagpatay or kung sino-sino ba ang target niya.“Si Dina lang ang p

  • Detective Couple   Chapter 12: First Kiss

    Masaya akong nakikinig kay Alvin habang kumakain. Excited na kasi siya at the same time kinakabahan para sa court hearing niya. “This week na ‘yon. Kinakabahan ako. Pero tiwala naman ako sa abogado ko,” masaya niyang sabi.Ilang araw na silang nag-uusap ng abogado niya regarding his case. Sabi ng abogado niya na malaki ang chance na maipanalo ang kaso niya kaya ganoon na lang siya katuwa. I’m happy for him because finally, he will get the freedom he deserves. Though, I am quite sad and nervous. Maiiwan kasi ako rito mag-isa kapag nakalaya na siya. I’m just lucky that he’s here beside me kaya wala nang nagtatangka na saktan at awayin ako. Pero kapag nakalaya na siya, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari.“Don’t forget to visit me kapag nakalaya ka na, ha,” paalala ko. Para naman kahit papaano

Latest chapter

  • Detective Couple   EPILOGUE

    Alvin’s POVHindi ako makakapasok ngayon sa trabaho dahil may importante akong lakad sa araw na ‘to. Ngayon ko lang uli mapupuntahan ang puntod niya dahil sa mga nagdaang buwan ay hindi ko pa kaya. Nandito pa rin kami nags-stay ni Wade sa bahay ni Ginger. Her parents let us stay for free although gusto na talaga kunin si Ginger nila Tita dahil nga sa nangyari. That day also, I met Autumn’s parents. I was so scared at that time. Hindi ko alam paano ako magpapakilala, ano sasabihin sa kanila, paano ie-explain ang mga nangyari. My mind was blank and I can’t utter a word.Mabuti na lang naroon si Tita Grace para mag-explain at pakalmahin din si Tita Snow. But the most terrifying was HER father, Tito Philip. Ilang araw din ang pinalipas namin bago ako ipinakilala ni Ginger at ni Tita Grace as HER boyfriend. And as usual, they ask me so many things. Tito Philip was strict and a bit arrogant kaya may mga nabitawan siyang salita sa’kin na hindi mawala sa isip ko. I feel like what happen

  • Detective Couple   Chapter 50: FINALE

    Hindi alam ni Autumn na nasa isang tagong silid sila ngayon ni Rogue. At gusto ni Rogue na ipakita sa kanyang mga kaibigan kung paano siya mahihirapan at gano’n din sa kanya.Sabay ng putok ng baril galing kay Alvin ay sinimulan ni Autumn na pigilan si Rogue sa anumang binabalak nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang plano ni Rogue sa kanya.Unti-unting napupuno ng usok ang silid at nagsuot ng oxygen mask si Rogue upang hindi ito malanghap. “What is this?!” she panicked while catching her breath. Rogue just stared at her and then left her dumbfounded.Kahit na nahihirapang huminga si Autumn ay kinausap niya sina Alvin mula sa earpiece. “N-Nakalabas na s-siya.”“Are you okay?” Alvin creased his forehead while walking carefully inside the house.Hindi pa nakakasagot si Autumn ay biglang nag-flash ang isang LED Screen na pinapakita ang kinalalagyan ngayon ni Autumn.Alvin witnessed his girl running out of breath, and she couldn’t move because she was tied to the chair. “Anong meron? Ay

  • Detective Couple   Chapter 49: Warzone

    "You’ll be the last person who will die in my amazing story, and I will tell the world that you killed all of them and took your life afterward because of regret." Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ngayon ni Autumn sa binabalak ni Rogue sa kanya. Hindi niya alam kung posible ba ang mga pinagsasabi nito pero mukhang may mga kaparaanan si Rogue na maaari niyang manipulahin ang mga ebidensya. “Hindi mo na maloloko ang mga tao. Kilala ka na nila, na ikaw ang SERIAL KILLER!” pagalit na sigaw ni Autumn. “At ngayon na nawawala ako, siguradong ikaw agad ang pagsusupetyahan nila. So kahit patayin mo ako, mabubulok ka pa rin sa kulungan!” Natawa si Rogue sa mga sinambit ni Autumn sa kanya. Mahaba siyang tumawa kaya kumunot ang noo ni Autumn. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ng taong kaharap niya. “Autumn… Autumn.” Naglakad paikot si Rogue sa kinauupuan ni Autumn habang binabanggit ang pangalan niya na may pang-aasar na tono. “Kaya kong makawala sa rehas. Pero ikaw? Kaya mo bang mabu

  • Detective Couple   Chapter 48: The Reason

    Third POV Umuwi si Autumn sa kanilang bahay para magpahinga. Ilang araw na siyang nagbabantay kay Ginger kaya pinilit nila si Autumn na umuwi muna para naman makatulog siya nang maayos. Pero kasama ng pag-uwi niya ay binilin din ni Alvin na huwag siyang lalabas ng bahay kung walang kasama. Everyone in the city is attentive and observant right now because of Rogue Gray. Two days had passed since the news was released, yet he was still nowhere to be found. Binalaan na rin ng mga pulis ang mga dating nag-aral sa LSU dahil sila ang target ng killer. Kung dati ay marami pang tao at maingay sa gabi, ngayon ay napakatahimik na dahil sa takot na maging susunod na biktima. Gabi na nakauwi si Autumn. Mabigat siyang sumalampak sa sofa na sobrang na-miss niya dahil ilang araw din siyang natutulog na nakaupo lang. Hindi pa siya inaantok kaya nanood muna siya ng T.V. para malibang dahil wala rin siyang makausap ngayon. Tutok sa paghahanap sina Alvin at Wade kaya halos hindi na rin umuuwi an

  • Detective Couple   Chapter 47: Wanted

    “OMG! Ginger!” Mahigpit ko siyang yinakap. “Naaalala mo ba ako?” Kumunot ang noo niya sa’kin na parang nagtataka. Nagsimula tuloy akong kabahan dahil baka nga nagka-amnesia siya.“Who are you?” takang tanong niya sa mahinang boses. Biglang nanubig ang mga mata ko. Parang biglang tinusok ng karayom ang puso ko na hindi niya ako maalala.“Nasaan ako? Tsaka sino ka?” Bagsak ang balikat ko na napaupo at tuluyang naiyak. She can’t remember me. Tama nga ang sinabi ng doctor na pwedeng wala siyang maalala pagkagising niya. Although sabi ng doktor na panandalian lang naman, it still hurts. It hurts that someone you love can’t remember you. It’s like all the memories you shared vanished.“Hala bakit ka umiiyak? Binayaran ka ba nila Mom para bantayan ako? Nasaan pala sila?” inosenteng tanong niya sa’kin. Buti pa sila Tita naalala niya, ako hindi. “They’re home. Tawagan ko muna sila. Excuse me.” I faked a smile at lumabas ng kwarto niya.And as I walk out of the room, I suddenly went on my

  • Detective Couple   Chapter 46: Dying

    “Maaari pong mawala ang pasyente.”Para akong nabingi. In an instant, all my memories with Ginger flashback in my mind. We were so close ever since. Away-bati kami noong bata pa lang pero kapag may nang-away sa amin, to the rescue kami sa isa’t isa. We’re cousins by blood but sisters by heart. Buong buhay ko kasama ko na sa Ginger sa lahat ng bagay. Siya ang unang taong nakakaalam ng mga problema ko. Siya lang lagi nalalapitan ko kasi kasi siya lang naman kayang umintindi at magpasensya sa kahinaan ko. Siya lang ang kayang murahin ako kasi alam niyang alam ko na biro lang ‘yon.Hindi ko pa nga siya nasusuklian sa mga moral support niya sa’kin lalo na noong naipit ako sa isang case at nakulong. I know she’s hiding her pain. I know she’s pushing herself to look strong. I know she’s hurt and frustrated because she doesn't know what to do to get me out of that hell. Napaka-bubbly niyang tao. Lagi siyang nasasabihan na maingay, hyper, OA, maldita, at palatawa. Pero kapag siya na lang mag

  • Detective Couple   Chapter 45: Critical

    Autumn’s POVNauna na akong umalis sa mga kasama ko dahil mag-oovertime pa sila. I never do overtime ever since naging lead namin si Rogue. Nakwento kasi sa’kin ni Alvin ang sobrang pag-aalala ni Ginger sa’kin. It’s like she had a trauma na baka may mangyari sa’kin.I called Alvin to fetch me. Sakto na out na rin nila sa HQ kaya papunta na raw siya. I just waited a couple of minutes until he came.Bumaba siya sa motor at sinuot ang helmet sa’kin. Pero bago ako sumakay ay tinext ko muna si Ginger kung may ipapabili ba siya sa amin. I also called her after 5 minutes without her reply pero hindi siya sumasagot. “Baka busy sa pagluluto,” turan ni Alvin nang makita na paulit-ulit kong tinatawagan si Ginger.“Sabi niya kasi sa’kin kanina message ko siya pag-uuwi na ako, eh.”“Don’t worry, baka naghahanda na ‘yon ng dinner natin.” He reassured me.Tinago ko na uli ang phone ko at sumakay na sa motor. Habang nasa byahe, tinanong ko siya kung bakit hindi yung sasakyan niya ang dala niya. Mas

  • Detective Couple   Chapter 44: In Danger

    Ginger’s POV“Chat mo ako kung pauwi ka na, ha! Ingat.”Ako na naman ang mag-isa ngayon kasi syempre ako lang naman ang walang trabaho sa aming apat. Feeling ko housewife nila akong tatlo dahil ako tagaluto, tagahugas, tagalinis, at minsan tagalaba na rin.Pero keri lang naman kasi sila ang nagbabayad ng bills. Hindi ko ata makakayang i-shoulder mga expenses na ako lang mag-isa. Ang tataas pa naman ng bills ngayon tapos wala naman akong stable job.Para din nila akong nanay kasi ako ang pinakamaagang nagigising para paglutuan sila ng breakfast nila. Nakakahiya naman kasi na papasok silang gutom, eh ito na nga lang ambag ko sa pamamahay na ‘to kahit ako naman originally may-ari nito.Pagkaalis ni Autumn ay agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang speaker para magpatugtog.This is what I do everyday kapag nakaalis na silang lahat. Nagko-concert ako while cleaning the house. Music is life. Para akong ewan na kumakanta gamit ang walis at sumasayaw na laging naghe-headbang. Mga appl

  • Detective Couple   Chapter 43: Love in a Case

    R-18 Alvin locked the door as we entered the unit, and we were still kissing torridly. He puts his arms around my waist and walks toward the table. Until I felt his palm on my chest, caressing it gently.I just let him do what he wanted while I unbutton his polo, which reveals his hulking chest and six-pack abs. Then he undressed me while kissing my collarbone down to my breasts, and stared at it after undressing me.My face turns red and I feel so shy about it. I was about to cover them when he suckles my nipple while fondling my bosom with his other hand.I was holding his hair while my other hand was on the table to support my weight. I can’t stop myself from stifling a moan as he plays with my nipple using his tongue. He continues sucking my nipple while I feel his hands going down to my belly, trying to reach my puss. So I held his hand and led him to my clit. I can’t control myself anymore, so I really don’t know why I’m doing this. As far as I know, I want him now. And I’m w

DMCA.com Protection Status