Share

CHAPTER 05

CHAPTER 05: COLD-HEARTED

"Happy birthday, Blaze," nahihiyang bati ko sa lalake at ibinigay sa kanya ang nakabalot na regalo ko. I earned courage for a week to do that. And I did!

Kaagad akong napangiti at nakahinga ng maluwag nang tanggapin niya iyon. "Thanks!" maangas na sagot niya.

"Thank you for coming, hija!" si Mr. Tom, ang daddy niya. "Blaze, did you know that she have a school today but chose to leave earlier so she could travel back here and attend your birthday?" paliwanag niya sa anak.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay at nilaro iyon nang namamangha akong tinignan ni Blaze. "Oh, I didn't know! Thanks, Dahlia!" sinserong pasasalamat nito kaya napangiti ako ng malawak.

"No problem," sagot ko at may idudugtong pa sana kaso biglang may tumikhim sa tabi ni Blaze kaya napatingin ako kay Blake.

Kaagad akong napayuko.

"Takot ka pa rin kay kuya?"

Natulala ako kay Blaze nang lapitan niya ako. Kaagad na uminit ang pisngi ko dahil sa kilig.

"Tsk!" si Blake na lumapit din.

Kaagad akong napanguso at umatras lalo. Tumawa si Blaze at hinawakan ang kamay ko. Nalaglag ang panga ko. Oh my gosh! Is he really holding my hand? I don't know what to react! All I want is to run and scream!

"Let her go, Blaze," mariing utos ni Blake sa kapatid niya at binalingan ako habang salubong ang mga kilay. "You!"

Mabilis kong binawi ang kamay kay Blaze. "Mommy!" sigaw ko dahil sa takot at niyakap ang ina na nasa likuran ko dahil hinayaan nila akong maunang lumapit at batiin si Blaze.

"Blake, don't scare Dahlia!"

"I'm not scaring her!" masungit na sagot niya sa daddy niyang nagreklamo at muli akong binalingan. "Natatakot ka sa akin?" naging mas marahan ang boses niya. Parang kaboses na niya si Blaze.

Napanguso ako. Baka pagalitan siya. Patawarin ko na lang! "Hindi. Sorry po!" ako na ang humingi ng paumanhin sa daddy niya.

That was a lie of course! Nakakatakot talaga si Blake! Parang lagi siyang galit sa akin! Ramdam na ramdam ko 'yong talim ng titig niya sa akin. Pati 'yong puso ko, sobrang bilis ng kabog kapag nakatingin siya. Ayaw niya sa akin kaya gano'n siya?

"I have a surprise for you."

It was Blake during my birthday party. Siya pa talaga ang umattend at hindi ang kapatid niya? Miss ko na si Blaze!

"Nasaan 'yong gift mo?" atat na tanong ko dahil gusto ko na siyang umalis sa harap ko. I know it's rude but... I don't really like his presence. Too intimidating!

Nakakapanghina pa siya tumitig. Parang nanlalambot ang tuhod ko dahil sa takot.

"Bakit?" kuryosong tanong ko nang yumuko siya at inilapit niya ang labi sa tenga ko. Ano naman kayang ibubulong niya?

"Blaze already have a girlfriend," sambit niya at muling tumayo ng tuwid. "Surprise!" Ngumisi pa siya bago ako iniwan habang tulala.

Hindi tuloy ako mapakali habang nagsasaya ang lahat dahil sa party ko. Grr! Blake Smith is really annoying! He's getting into my nerves!

"Is that real?" maninang tanong ko nang mapuntahan siya sa tahimik na sulok.

He's sitting alone. Kanina ay may mga babaeng ka-edad niyang bisita ko ang lumalapit sa kanya rito pero umaalis din agad. Gano'n siguro kasama ang ugali niya!

Nagsalubong na naman ang kilay niya. "What's that?"

Napanguso ako at umupo sa tapat niya. "'Yong sinabi mo sa akin tungkol kay Blaze. Na may girlfriend na siya ro'n sa Maynila," pagtukoy ko sa ibinulong niya sa akin kanina.

Pinanood ko siyang sumandal at prenteng sumandal habang nakatitig sa akin. Ngumisi pa siya. "Why don't you stalk him on his social media and find out?" hamon nito.

"Pinaglalaruan mo lang yata ako!" mas lalong sumama ang loob ko dahil sa nakakalokong ngisi niya.

Akala niya kinagwapo niya 'yon lalo? Well, no! Ang yabang niyang tignan!

Nanliit ang mga mata niya. "You think I'm playing with you, baby?" pagalit na tanong niya.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Baby?! Mukha ba akong bata? I'm already 14!" Tumili ako sa inis nang ngumisi siya. Mukhang tuwang-tuwa siyang asarin ako.

"I hate you!" Sigaw ko sa kanya at padabog na tumayo at naglakad palayo. He's really the worst guy I've ever met!

But that was I thought until I found out he's telling the truth.

"Who's Valentine?" 'di ko na mapigilang itanong ko kay Blaze. Dumating na naman kasi ang bakasyon at bumalik na sila ng pamilya niya rito sa Probinsya. Maliban na lang kay Blake. Mabuti na lang, wala siya kaya naglakas loob akong kausapin si Blaze.

I felt a pang on my chest as I saw him smile. That smile is so gentle. Like the same smile when the first time I saw him. "My girlfriend," halatang proud siya.

Tumango ako at hindi na nagsalita. So, Blake is right?

"Maganda ba siya?" nahihiyang tanong ko at napalunok dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako.

Oh my goodness! This is my first heartbreak! My crush for 4 years already have a girlfriend! My poor little heart feels so heavy! I can't breathe.

"Sobra," sinserong sagot nito kaya tuluyang nawasak ang puso ko.

I cried hard that day. Hindi na rin ako lumabas ng bahay. I feel so jealous with Valentine. I saw her picture on the tagged photos she posted in social media. And right, she's pretty. She looks like a doll. Fair skin, pink lips and cheeks, small face, cute eyes, small nose.

I can't help but to look at myself in the mirror. I look pale. My eyes are doe, not a chinita one. My nose are pointed, not small. My lips are full, not thin.

"Argh!" Ginulo ko ang buhok. Even in body shape, she's prettier. She's petite and has an inverted triangle body shape while I'm a rectangle one!

"What happened to your eyes, Dahlia? Why are they so red?"

"I cried lang po," tangging sagot ko at tinapos na ang pagkain. I want to lose weight and be pretty too! I'm not fat but I want to be petite!

"Why? What made you cry, my dear?" nag-aalalang tanong niya at nilapitan ako. "Oh my poor grandchild!" hindi makapaniwalang aniya at niyakap ako.

'Di ko na naman mapigilang ma-iyak. "Grandma, Blaze already have a girlfriend and she's so pretty," pagki-kwento ko nang pumunta kami sa kwarto ko para magkwentohan.

She was hugging and comforting me. "You must fancy Blaze so much, hija," paglalambing niya sa akin. "Don't worry, I'll make sure you'll end up with him."

"Really?!" hindi makapaniwalang tanong ko at namuo ang pag-asa sa puso ko. "But how, grandma?"

Ngumiti siya nang harapin ako at sinuklay ang mahabang buhok ko. "Let him explore with other girls now, Dahlia. But you will be his bride when the right time comes. Franco and I have a plan for you and Blaze's future," pagtukoy niya sa grandfather ni Blaze ns mula bata ay bestfriend na niya.

My feelings for Blaze grew more with the hope that what grandma said will come true. I started to change my routine too, for the better, like those other teens for a glow up.

"You're really coming with us, huh?"

Sira na agad ang araw ko dahil si Blake ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa airplane. This is will be my first flight with Blaze and his family pero kasama rin pala si Blake! I'm also with grandma pero wala si mommy at daddy dahil parehong busy sa work at hindi kayang makapag-leave ng tatlong araw.

"Katabi ko si Blaze!" reklamo ko sa kanya nang makaupo ako sa may window seat pero with all of the remaining seat from their private plane, tumabi pa talaga siya sa akin!

"I got here first!" pagalit din niyang sagot kaya napanguso ako at napakrus ng braso sa dibdib.

"You're ruining my birthday again!"

Yes. It's my 16th birthday tomorrow. Wala siya noong 15 birthday ko kaya sobrang saya ko.

"Brat!" asik niya kaya mas lalong napantig ang tenga ko.

"I'm not a brat!" Hinampas ko siya dahil sa inis pero nagulat ako nang humalakhak siya.

"Is that all your strength? What a baby!" pagmamaliit niya sa akin.

"Grandma!" tili ko para magreklamo. I can't! I can't enjoy our 15 hour flight if I am with this annoying cold-hearted Blake Smith!

"Still a baby!" bulalas niya at pinanood akong alisin ang seatbelt ko para lumipat ng upuan.

"I'm not a baby anymore!" sigaw ko sa kanya at akmang aalis na nang makasalubong ko ang flight attendant.

"Please be seated and put your seatbelt on. The plane will take off in a few minute," utos nito.

Nakita ko ang pangisi ni Blake kaya napa-irap ako at napa-ungol dahil sa labis na dismaya. Mamaya na lang ako lilipat!

"Hate you! Hate you!" iyon ang paulit-ulit na bulong ko habang nararamdaman ang unti-unting paglipad ng eroplano.

"Beautiful..."

Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya at naabutan ko siyang nakatingin sa bintana na katabi ko. Kaagad na gumalaw ang mga kamay ko para isarado iyon at hindi niya makita ang ulap. "This window is mine. Why don't you find another seat to enjoy the view?" hamon ko sa kanya habang nakaangat ang kilay para magtaray pero umarko ang gilid ng labi niya at parang natatawa.

Can't I be intimidating in his eyes?! Napa-iling ako at muling umirap. Wala talaga siyang puso!

"The view here is the most beautiful one. No reason to change seat," sagot nito kaya napabuntonghininga na lang ako. Okay, ako na ang lilipat at mag-aadjust mamaya!

Kahit labag sa loob ko ay binuksan ko na ulit ang bintana para makita ang ulap.

"Cute!" bulalas ko. The sky is so blue and the clouds are so fluffy. Kinuha ko ang phone para kuhanan iyon ng litrato.

Napatingin ako sa katabi ko nang maramdamang gumalaw siya. "Gaya-gaya!" reklamo ko at umatras dahil nakatutok sa akin ang phone niya.

Napanguso ako nang gumalaw ang anggulo ng phone niya. Hindi na iyon nakatutok sa bintana ng eroplano kun'di sa akin na! "Blake!" sita ko at inilayo ang phone niya sa akin.

Humalakhak siya na nang-aasar bago iyon ibinaba at kinalikot ang phone niya. Hindi ko mapigilan ang sariling sumilip sa ginagawa niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tinitignan niya ang pictures ko!

"Blake, i-delete mo 'yan!" reklamo ko dahil ang pangit ko roon! I am pouting like a duck kasi inaasar niya ako. At dahil nakahilig ako ay ang pangit ng side profile ko.

"Why? It's cute though," sagot niya at imbes na buharin iyon ay ginawa niya iyong wallpaper.

He is really a hole in the ass!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn San Esteban
hay nakakainis lagi nalang naka lock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status