Share

CHAPTER 04

CHAPTER 04: SMITH BROTHERS

"Have a safe flight, girl! Bakasyon lang, okay? Promise me na babalik ka!" paninigurado ni Janna.

Niyakap ko siya at ngumiti. "Promise, Janna! But if I start loving Japan, puntahan mo na lang ako do'n, okay?" biro ko at humalakhak dahil bigla niyang kinuha ang maleta na dala ko.

"Just kidding!" pagbawi ko at binawi na rin ang mga gamit. Baka ma-late ako sa flight namin.

Yes, leaving my home and traveling abroad is what I've decided to do. Kailangan kong lumayo para mas makapagmove-on at makapag-isip ng mas maayos.

This is my first time travelling alone outside the Philippines. Palagi ay kasama ko ang pamilya ko. But instead of feeling nervous, I feel excited. I feel carefree.

Habang palapit na ako sa pila para i-verify ang plane ticket ko at passport bago pumasok sa plane ay pinanood ko ang pagdating ng mga pasaherong dating dating dito sa Pilipinas. Some looks like a foreigner visiting our country and some looks like a native coming back home.

"I'll be back. I'll just fix and build myself again," bulong ko at napatingin sa security personnel nang sa wakas ay plane ticket at passport ko na ang titignan niya.

"Dahlia!"

Kaagad kong hinanap ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. That voice! How could I forget about him?!

And there, I found him in the line of those who just arrived here!

"You can board now," sagot ng security personnel at ibinalik ang mga gamit ko.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa loob kung saan ako papasok para sumakay na ng airplane o sa lalakeng tumatawag sa akin at sumesenyas na hintayin ko siya.

"Miss?" muling tawag sa akin ng personnel.

"She's not boarding," bigla kong narinig ang mariing boses ni Blake mula sa likuran ko. Napaayos ako ng tayo dahil ramdam na ramdam ko ang prisensya niya. He's always dominating!

Kaagad na nanuyo ang lalamunan ko nang lingunin ko siya. Geez! He's really hot! Ibang-iba ang dating niya kumpara kay Blaze. But until now, I still hate him! Kung hindi lang masama ang ugali niya dati, sa kanya ako nagkagusto at hindi kay Blaze!

I can still remember the first time I met Blaze. Ever since then, he is the most handsome guy my eyes have ever laid on. Not until I saw his brother—Blake Smith.

"Who are you?"

Napasinghap ako nang may magsalita mula sa likuran ko habang nagtatago ako sa mayabong na halaman na nasa labas ng malaking bahay na kapit bahay namin.

Tiningala ko siya at pakiramdam ko ay nagniningning ang mga mata ko dahil sa gwapong itsura ng lalakeng nasa harap ko ngayon. He looks so handsome with his foreign features. His hair and clothes are done so neat and it suits him well. Mukha siyang mahango at sobrang lakas ng dating niya. Ibang-iba siya sa mga lalakeng kaklase ko sa school na mga payatot at dugyutin.

Kaagad kong inayos ang buhok para maganda rin ako sa paningin niya. "Hello po! I'm Dahlia!" Pagpapakilala ko sa sarili at pasimpleng pinunasan ang pawis sa noo ko. Ang init pa naman kahit alas kwatro na. Summer kasi.

Natulala ako nang ngumiti siya. "Nice to meet you, Dahlia," ang sweet ng magandang boses niya! Mukhang mabait! "How old are you?"

"I'm ten po," sagot ko. Gusto ko ring malaman ang pangalan niya pero nahihiya ako!

Napatingin siya saglit sa kalsada nang may dumaan. Naririnig ko rin sa malayo ang sigaw at asaran ng mga kalaro ko. "Hmm, what are you doing here?" kuryosong tanong niya.

"Nagtatago po," sagot ko at itinapat ang daliri sa ilong. "Shh, 'wag mo po akong ituturo, ah? Baka mahanap nila ako."

Nakita ko ang pagngiti niya, iyong labas ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Siya yata ang may ari ng malaking bahay na 'to. Halatang mayaman siya.

Napaawang ang labi ko sa gulat nang umupo siya at pinantayan ako. Napatitig ako sa gwapong mukha niyang mas nakikita ko sa malapitan. Grabe, ang kinis ng mukha niya at sobrang puti niya.

"You looks cute," aniya at hinaplos ang tuktok ng ulo ko. Napayuko ako ng kaunti dahil sa pagkabigla at ramdam ang pag-init ng pisngi. "Leaves have fallen on your hair," dagdag niya at ramdam kong may inalis siya sa buhok ko.

Hala! Nasira ko ang halaman nila. "Sorry po." Napanguso ako at hinawi ang buhok paharap para maalis ang tinutukoy niya.

Napatigil ako at muling napatitig sa kanya nang mas lalo siyang lumapit at inipon ang takas na buhok ko para ipitin iyon sa likod ng tenga ko. Pakiramdam ko ay napunta ako sa nakakakilig na movie na pinapanood ko tuwing gabi. Iyong tipong nagliliwanag ang background niya at siya lang ang tanging nakikita ko habang slow mo ang galaw niya.

"There. You looks better now," puri niya at muling hinaplos ang buhok ko bago siya tumayo.

"Boom, Dahlia!"

Napatingin ako sa kabilang gilid ko nang marinig ang boses ng kaklase kong si Reymart. Siya ang taya at nakita niya ako. Kaagad siyang tumakbo sa kabilang poste para unahan akong mag-tap doon at hindi ko mai-save ang sarili ko.

Napatayo ako at imbes na habulin siya ay napatingin ako sa lalakeng matabi ko. Matangkad talaga siya. Hanggang balikat niya lang ako. "Sorry, hide better next time, Dahlia," paalala niya bago siya pumasok sa gate nila. Tama nga akong doon siya nakatira.

Pinanood ko siyang pumasok sa double door na pinto nila. Akala ko isasarado na niya iyon pero tumingin siya sa pwesto ko at kumaway sa akin. Napangiti ako at kumaway pabalik bago tumakbo pabalik sa mga kalaro habang malawak ang ngiti.

"May crush na po ako, mommy!" masayang pagkikwento ko sa pamilya nang dumating ang dinner namin. Kumpleto na kami dahil tapos na ang trabaho ni daddy.

"Oh! Who's the lucky guy, hija?" excited na taning ni grandma na englishera. I somehow thankful to her beacause I excel in our English subject by being used of her—speaking on that language.

"I don't know his name po," malungkot na sagot ko at napanguso. "I was too shy to ask."

"Oh no! You could've asked!" dismayado rin siya kaya pakiramdam ko ay may kakampi ako. "Where did you met him by the way?"

"He's living in that mansion beside ours!" Itinuro ko pa iyon at nanlaki ang mga mata nang magliwanag ang mukha.

"I think I know who you are talking about! Is he the Smith's heir?" Lumaki lalo ang ngiti niya. "Oh, dear! It must be him!"

"The heir of the Smith's? Nakabalik na ba sila ulit?" kuryosong tanong ni mommy.

Mas lalo akong na-excite. "Kilala mo po sila?"

"Of course, Dahlia! Kapit bahay natin sila dati pa. Your grandma's bestfriend is one the Smith's."

"Yeah, yeah!" Mabagal na humalakhak si grandma. "Oh how I missed them! We should visit them tomorrow, hija!" anyaya niya sa akin kaya mabilis akong napayakap kay mommy.

"With mom po?" paninigurado ko.

"No!" mabilis na sagot niya kaya napanguso ako.

"May trabaho ako bukas, anak," pagtanggi rin ni mommy.

"I won't come, then!" sagot ko at ngumuso nang kaagad na magreklamo si grandma,

"Well this is the time to get to know the Smiths! I think Tom's son has the same age as yours!" pagpupumilit niya.

"Grandma, I'm shy!" reklamo ko dahil nahihiya talaga ako. Naiiyak na ako dahil sinama niya talaga ako. Palibhasa, bakasyon namin kaya alam niyang wala akong ginagawa.

"About what?! Come on, dear! You're so beautiful. They will like you!" puri niya at hinila ako.

Busangot ang mukha ko nang makapasok kami ni grandma sa pamamahay ng mga Smith. Wow! Their house is really huge and it looks so beautiful. Sobrang lawak, linis at lamig sa loob. Para akong nakapunta sa ibang bansa dahil sobrang ibang-iba ang temperatura at itsura mula sa labas. Mas maganda rito sa loob. Para akong nasa palasyo!

"This is Dahlia by the way," pagpapakilala sa akin ni grandma sa dalawang taong nasa harap ko.

They looks like they have the same age with my mom and dad. The old man looks like those typical handsome american guy with a freindly look. While his wife... sobrang taas ng kilay niya at mataray ang mga mata! Is she a chinese or what? 'Cause the way she looks at me fiercely looks so scary!

"Hello po..." bati ko sa kanila sa maliliit na boses at simpleng ngumiti sa lalake.

"You looks cute!"

Napaawang ang labi ko dahil ngumiti at pinuri ako ng babae. Naningkit ang mga mata niya dahil sa lawak ng ngiti. Oh, she's nice rin pala!

Yumuko pa siya. Sobrang elegante ng galaw at tinakpan niya ang parteng dibdib. Doon ko nakitang eyeliner ang salarin kung bakit ang sungit ng mga mata niya. "So, how old are you, Dahlia?" marahang tanong nito.

"I'm 10 po," magalang na sagot ko at tinugunan ang malawak na ngiti niya.

"Mom?"

Kaagad akong napalingon nang marinig ang pamilyar na boses. It's him! I know it's him!

Mapahawak ako sa kamay ni grandma dahil sa kaba. Wow! He's just wearing a simple white hoodie and black khaki shorts but he looks cool! May wireless headset din na nakasabit sa leeg niya. He must love listening to music!

"What is it, Blaze? Come here! Meet Dahlia and your lola Felice," rinig kong anyaya sa kanya ng mommy niya pero nanatili lang ang titig ko sa kanya.

So, he's Blaze? Ang astig din ng pangalan niya!

"Dahlia, say 'hi' to your crush, hija!" si grandma kaya nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Grandma?!" sigaw ko at kumaripas ng takbo paalis doon dahil sa sobrang hiya.

I can't! That was so embarassing! Nakakainis! Bakit ba naman niya ibinulgar sa lahat na crush ko si Blaze? Ano na lang iisipin niya sa akin?

Pagbukas ko ng mataas na pinto ng bahay nila para lumabas ay napaatras ako dahil may nakasalubong akong isa pang lalake. Tumingala ako dahil dominante siyang tumayo sa harap ko.

He looks like Blaze but a lot more mature and taller. Nakakunot pa ang noo nito at nanliliit ang mga mata. Nakakatakot! Parang galit na galit siya!

"Grandma!" Kaagad akong bumalik sa tanging taong kakilala ko at niyakap siya habang umiiyak na. My heart is racing so hard because I'm scared!

"Why? Why, Dahlia?" narinig ko ang boses ni grandma at ang mommy ni Blaze.

"Blake, what did you do?" tanong naman ng daddy ni Blaze.

"He looks so scary!" sumbong ko rito itinuro ang pinto kung saan ko nakita ang lalake kanina. He must be Blake. Blaze's brother, maybe?

"I did nothing wrong, dad." I'm sure it was Blake. Even his deep and harsh voice sounds so dominating and it sent shivers down to my spine.

It made me fall in love with Blaze more. He was so gentle yesterday. He's far nicer than this guy, Blake.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
ohh yeah reminiscing from the past,,so sad dahlia,,inubos mo lahat Ang pagmamahal Wala na natira sa Sarili ,,Kaya. bangon ka ulit may dear bida
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status