Share

Kabanata 057

Author: Roxxy Nakpil
last update Huling Na-update: 2024-09-27 18:26:17

Nagtungo kami ni Vincent sa aking dermatologist. Ilang beses kong pinag-isipan ang gagawin kong ito. Matagal ko ng nais ipatanggal ang nunal kong ito para na din hindi na ako ma bully ng mga tao kaya lang ay hinintay ko ang tamang pagkakataon para ipagawa ito. Naisip ko kung ipapatanggal ko ito ay maaring hindi ako paniwalaan ni Mommy na ako talaga si Amanda.

“Are you sure Amanda sisimulan ko na ang procedure!? Final answer?!” Tanong sakin ng aking Dermatologist.

“Yes Sure na sure ako.” Pagmamatigas kong sagot.

Nagsimula na ang procedure ng pagtatanggal sa akin ng nunal sa aking pisngi. Mabilis lang itong natapos . Nang tignan ko ang aking sarili sa salamin ay makikita pa ang peklat na iniwan ng pagkakatanggal nito sa loob ng isang linggo. Pero kusa din itong mawawala.

"Naku sweetheart magkamukhang magkamukha na talaga kayo ng kakambal mo. Lalo ng nakakalito ang inyong itsura." sabi sakin ni Vincent.

"oh sweetheart baka naman malito ka pa samin aah. " sagot ko naman sa kaniy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 058

    Kinabukasan kagaya ng naka schedule ay pumunta ako ng bahay nila Chloe. Para sa gaganaping pagsusukat ng mga gowns na aming susuotin para sa kanilang kasal ni Riley. Naabutan namin ni Vincent sila Chloe na abalang naghahanda para sa kanilang mga bisitang dadating. “Why don’t you help your sister? Im good here. Magkukwentuhan na lang muna kami ni Riley . Nag ma-market din pala siya.” Sabi ni Vincent. Sinunod ko naman ang sinabi nito. Nakita ko din na nilabas na nila ang kanilang mga laptop. Isa pa gusto ko ding mas makilala pa ang aking kapatid. Nagmasid ako sa kanyang bawat kilos. At nakikita ko naman talagang napaka maasikaso nito hindi lang kay Riley at mga anak nila kundi pari na din sa kanilang mga kamasa sa bahay. “Aah Chloe nakita ko na binebenta pala yung katabing bahay niyo? Nag iisip ako what if mag stay na kami dito sa Pinas?! Pinag iisipan ko sanang bilhin iyon para malapit ako sa inyo ng mga bata. Gusto kong makipag laro din sa kanila ee.” Anasa ko kay Chloe “Ikaw.

    Huling Na-update : 2024-09-27
  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 059

    CHLOE POV Masaya ako habang pinagmamasdan ang mga taong malalapit sa aking buhay na nag-aayos ng kanilang mga gowns para sa nalalapit kong kasal. Masaya din ako dahil nawala na ang agam agam sa aking isip sa motibo ni Amanda sa bigla niyang pagbabalik. “Jusko kayong kambal kayo, walang wala na talagang pinagkaiba ang mukha ninyong dalawa. Nakakalito na kayo mabuti na lang at maiksi ang buhok ni Amanda kung hindi naku na lang” nagtatawang pang aasar samin ni Mommy “Kaya nga Mommy! Para na akong nanalamin ngayon.” Sagot ko naman sa kaniya. “By the way Amanda diba gusto mong bilhin yang katabing bahay? Minessage ko yung agent namin pwede daw mag viewing ngayon. Gusto mo after magsukatan pabuksan natin para makita mo ang loob?" tanong ko kay Amanda "Sure sige! (bumaling ito ng tingin kay Vincent) sweetheart let's buy this house please. " paglalambing ni Amanda sa kaniyang partner "okay si

    Huling Na-update : 2024-09-28
  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 060

    RILEY PROLONGUEFinally, matapos ang halos isang buwang preparation ay dumating na ang araw ng aming kasal. Ako na ata ang pinaka masayang tao sa buong mundo dahil sa araw na ito ay makukumpleto na ang aking buhay. Ngayong araw ay magiging opisyal na asawa ko na si Chloe sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ilang sandali lang ay nagbigay na ng hudyat ang tauhan ng simabahn sa pagdating nila Chloe. Kasama niya sa loob ng sasakyan kasama ang kaniyang Mommy Carolina. Samantalang si Luisa at Amanda naman ang may kapit sa triplets namin. Nang magsimula ang tugtugin ay siya ding hudyat ng aking pagpasok. Nakakabighani ang naging set up ng ayos ng simbahan. Kakaiba talaga ang taste ni Chloe. Mahilig siya sa modern-filipino touch design. Ang ganda ng kombinasyon ng puting mga bulaklak kasama ang nag-gagandahang mga native arts. Nakita ko sa upuan ang aking mga kaibigan. Akala ko ay hindi ako iiyak sa araw na ito. Nang makita kong naglalakad ang tri

    Huling Na-update : 2024-09-28
  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 061

    "At ngayon dadako na tayo sa inyong mga pangako para sa isa’t isa . Tandaan niyo sa Pangangako ninyong ito ay saksi ang Panginoon kaya naman kailangan lahat ng sasabihin ninyo ay gagampanan ninyo talaga." anas ng Pari. Nagtawanan si Chloe at Riley at huminga ng malalim si Chloe bago siya nagsimulang magsalita. "Love, Riley! Gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil kahit na ang ating naging simula ay isang pagkakamali ay hindi mo hinayaang magtapos ito ng isang pagkakamali.Palagi kong pinagpapasalamat sa Panginoon ang gabing nakilala kita. Akala ko noon ay wala ng direskyon ang aking buhay. Akala ko mawawalan na ng direksyon ang aking buhay pero salamat dahil sa panahong kailangan ko ng kakampi ay bigla kang lumabas. Akala ko ay magiging dalagang ina ako sa triplets, pero salamat kasi nanindigan ka sa kabila ng agwat sa ating estado. Madami mang naging pagsubok ang ating pagsasama ay hindi mo hinayaang matalo tayo ng pride. Salamat sa pananatiling matatag kahit

    Huling Na-update : 2024-09-29
  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 062

    CHLOE POVHoneymoon matapos ang kasal.Ilang araw din kaming nagkumbinsihan ni Riley bago niya ako napapayag sa pag-honeymoon namin sa Europe. Kahit na sa Italy kami nakatira ay iba ang Centro ng Roma! hindi ako nagkaruon ng chance na maka-ikot dito dahil na din sa mga eskandalong kinasangkutan ko at ilang panahon lang ay nagtago na ako. Hindi ko din kayang umalis ng bansa at maiwan ang mga bata . Hindi ako sanay na hindi sila makikita sa loob ng isang araw. Sanay din si Cassandra na tumatabi muna sa akin bago matulog kaya nagdadalawang isip ako sa planong iyon ni Riley. Pero dahil sa pamimilit na din ni Mommy at pag volunteer ni Amanda na sila muna ang magbabantay sa triplets kaagapay ni Luisa ay pumayag na din ako. 10 days lang naman ang aming itatagal sa ibang bansa. Para na din ito makapag relax at masolo namin ang isa't isa. Nang araw ng aming alis ay mabilisang paalaman lang ang ginawa namin sa triplets. Ayoko ng magtagal pa habang nagpapaalam dahil baka biglan

    Huling Na-update : 2024-09-29
  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 063

    "Love parang lumalamig na dito, doon na muna tayo sa loob. " pag-aaya sa akin ni Riley"oo nga sige!" tugon ko sa kaniya. Pinagpatuloy namin ang aming kwentuhan sa loob ng aming hotel room at sinarado na namin ang bintana at nagpatuloy na kami sa aming pag inom. "Dito ka Love sa tabi ko, (pag aya niya sa akin, inihilig niya ang aking ulo sa kaniyang dibdib) Hanggang ngayon Love kahit na may triplets na tayo hindi pa rin ako makapinawala sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin ay gumawa pa rin ang Panginoon para pag-isahin tayo, pagtagpuin muli ang mga landas natin. Lalo akong napapamahal sayo dahil sa pag-aalaga mo sa mga bata." saad pa ni Riley. "thank you Love!" tumingin ako sa kaniyang mga mata. Para namang magnet na biglang nagdikit ang aming mga labi. Hindi ko maintindihan pero kakaibang init ang umaandar sa aking katawan. Parang may kung anong kumikiliti sa aking pagkababae. Nagsimulang naglakbay ang mga kamy ni RIley sa loob ng aking blusa. Bahagya niya akong inihiga sa sofa

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 064

    KINABUKASANCHLOE POVNauna akong nagising kay Riley dahil sa mabilis na pagliwanag sa aming silid dulot ng liwanag na nagmumula sa labas ng balkon. Ganito naman daw kasi sa Europe . Tuwing summer ay mabilis magliwanag at matagal maggabi kaya naman ang payo samin ng aming mga kaibigan kahit na maglibot lang kami ng maglibot dahil kahit abutin kami ng alas onse ng gabi sa daan ay maliwanag pa rin. Naghanda ako ng aking sarili at nag kape muna sa balkon. Nakakatuwang bumabati sa akin mula sa ibaba ang mga Italianong nagdadaan. "BON GIORNO SENYORA" pagbati ng mga ito sa akin na ginagantihan ko din ng pagbati at matamis na ngiti. Nasa mababang palapag lamang kami kaya kitang kita ko ang mga taong nagdadaan. Dahil sa historical ang bawat kanto sa Roma Italy ay halos walang dumadaan na sasakyan sa eskenita ng aming Hotel. Matatanaw ko naman mula sa main road ang mga sasakyang akala mo ay sasakyan ni Mr. Bean sa sobrang liit. Habang humihigop ako ng aking kape habang nakatapis ako ng aking

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 065

    AMANDA POV Akala ko ay okay na talaga ang lahat lahat sa akin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Kapag kasama ko sila Chloe ay pakiramdam ko naman ay maayos na ang lahat sa amin. Pakiramdam ko ay tanggap ko ng siya ang pinili ni Riley pero ngayon heto ako ngayon nagpapakalunod sa alak at umiiyak sa isang bar dahil sa mga nakita kong sweet photos nila Chloe at Riley sa kanilang honeymoon. Hindi ko man aminin sa aking sarili pero utak at puso ko na ang nagsasabing nasasaktan ako. Naiingit ako sa aking kakambal kasi masaya na ang buhay niya. Hindi ko lang masabi kila Mommy ang totoong estado ng pagsasama namin ni Vincent. Mabuti pa si Chloe legal wife, samantalang ako ginawang kabet ni Vincent. Dala siguro ng sobrang pagkadesperada ko kaya hinayaan kong ipagpatuloy namin ang ganuong set up. Kaya siya bumalik sa ibang bansa dahil sa pamilya noya. Hinahanap na siya ng kaniyang asawa dahil ilang araw na din siyang nawawala sa kanila. Nagdahilan lang siya na bibisita siya sa kaniyan

    Huling Na-update : 2024-10-03

Pinakabagong kabanata

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 136

    CHARLIE POV Ilang linggo pa ang lumipas, at dumating ang araw ng preliminary hearing para sa kaso. Pormal na pumasok sa courtroom si Sharmaine, kasama ang kanyang abogado. Napansin ko ang pagbabago sa aura niya - tila wala na siyang kumpiyansa tulad ng dati. Marahil alam niyang wala na siyang ligtas. Habang nagsasalita ang abogado ni Sharmaine, ipinakita nila ang argumento na hindi raw sapat ang ebidensya para makakuha ng annulment. Pero nang magsalita si Atty. Janela, dala niya ang lahat ng dokumento, testimonya, at pati ang leaked video na nagpapatunay ng pagtataksil sa akin ng aking asawa. Nang ipakita ang video, nakita kong napayuko si Sharmaine, habang ako naman ay nanatiling matatag. Tila sa mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik ang dignidad na matagal na nawala sa akin. “Your Honor,” sabi ni Atty Janela, “this video is not just a breach of trust in a marriage. It is a public humiliation caused by the respondent’s actions. My client has suffered enough, and we believe th

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 135

    Ilang linggo matapos magsimula ang proseso ng annulment, isang tawag mula kay Atty. Janela ang nagbigay ng bagong hamon para kay Charlie. Kinakailangan nilang magkita ng kanyang dating asawa na si Sharmaine upang mag-usap ng ilang legal na aspeto ng kanilang kasal. Hindi ito maiiwasan, lalo na’t may mga dokumentong kailangang pag-usapan nang harapan. Sa araw na iyon, sinamahan ko si Charlie sa meeting place—isang neutral na opisina na pinili ni Atty. Janela. Tahimik si Charlie habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya, lalo na’t matagal na niyang iniwasan ang ex-wife niya mula noong nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil. Hindi ko naman siya masisisi dahil magmula naman nuon ay wala na siyang ibang nakarelasyonbukod sa kaniyang napang asawa. Nerd kasi itong si Charlie, although gwapo siya ay masyado siyang tahimik unlike Christopher na super walwal. HIndi ko kasi maintidihan sa kapatid kong to. Hindi mahilig pumorma, pati ang kaniyang buhok ay gusto niya yung mga

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 134

    Pagkauwi namin, napansin kong tila mas matamlay pa rin siya. Kaya’t dumiretso ako sa kusina at nagluto ng paborito niyang pagkain—adobo na may konting anghang, eksaktong tulad ng gusto niya noong bata kami. Nang ilapag ko ito sa mesa, sinamaan niya ako ng tingin. “Cass, hindi ko naman sinabi na gusto kong kumain,” reklamo niya. “Hindi ko tinatanong kung gusto mong kumain,” sagot ko nang diretso. “Kailangan mong kumain. Kung ayaw mo, ipapapasok ko ang adobong ito sa bunganga mo. Naintindihan?” Napangiti siya, kahit papaano. “Ikaw talaga. Pumunta ka lang dito para sigawan ako at pakainin ng adobo.” Tumawa ako, ngunit sa loob ko, kinukumbinsi ko ang sarili na kaya ko siyang ibangon. Pero sa likod ng isip ko, may galit na hindi ko kayang itago—galit para sa asawa niyang walanghiya. Tinawagan ko si Lucas dahil dumiretso ako sa bahay ni Charlie para samahan siya. “Anong naiisip mo, Cass?” tanong niya, halata ang pag-aalala. “Gusto kong magsimula na agad ang kaso. Hindi lang it

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 133

    Pagkalipas ng tatlong araw, dumating ang itinakdang araw ng appointment ni Lucas para kay Charlie kay Atty. Janela Sanchez. si Atty ang busiest na Atty sa larangan ng pag handle ng mga annulment. Kasama ako sa opisina ng abugado bilang moral support sa kapatid ko dahil masyado ding busy si Christopher at laging nasa labas ng bansa para sa mga meeting . Kahit sinubukan ni Charlie na magmukhang kalmado, halata sa mga kilos niya ang kaba at pag-aalinlangan. Si Atty. Janela ay isang babaeng nasa early 30’s, at halatang alaga ang sarili niya. Kitang kita ang kagandahan nito. Matalim ang kanyang mga mata ngunit may maamong ngiti na parang nagsasabing, “Huwag kang mag-alala, nasa tamang kamay ka.” “Good morning, Mr. Charlie. Cass, nice to meet you both,” bati ni Janela habang inaabot ang kamay ni Charlie. “Lucas has told me about your case. Don’t worry, I’ll do everything I can to help you.” Medyo nauutal si Charlie nang magsimulang magkwento, kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ila

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 132

    Narinig ko ang paghikbi niya. “Salamat, Cass. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo.” “Lalaban ka, Charlie,” sagot ko, puno ng galit para sa nangyari pero determinasyon para sa kanya. “Hindi para sa kanya. Lalaban ka para sa sarili mo. Dahil hindi mo deserve ang ganito.” Pagkatapos ng tawag, nanatili akong nakatulala sa telepono. Nag isip ako ng dapat kong gawin. Kinabukasan, maagang-maaga akong nagising. Halos hindi ako nakatulog kagabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang kinuwento sa akin ni Charlie. Hindi ako mapakali dahil ayokong magtagal ang lahat. Alam kong hindi siya pwedeng mag-isa ngayon dahil kilala ko ang kakambal ko, minsan nakakagawa siya ng mga desisyong hindi niya pinag-iisipan. At ayokong may mangyaring hindi maganda sa kaniya at lalong ayokong makagawa siya ng isang bagay na pagsisisihan niya. Pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Lucas sa kusina, naghahanda siya ng almusal dahil tinanghali ako ng gising mabuti na lang at weekends ngayon. N

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 131

    “Love papasok na muna ako sa office. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako.” Malambing na sabi ni Lucas "okay Love , ingat ka. Hindi na ako makakasama sa labas at busy ata si Habang inaayos ko ang mga laruan ni Caleb sa sala, biglang tumunog ang telepono ko. Tumigil ako, napatingin sa screen—si Mommy Chloe ang tumatawag. Napakunot agad ang noo ko. Bihira siyang tumawag nang ganito kaaga. At usually pumupunta siya sa bahay at hindi lang basta basta na tatawag sa akin. “Hello, Mommy Chloe?” mabilis kong sagot, kaba agad ang bumalot sa akin. "Napatawag po kayo? May nangyari ba?” Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. “Cass, tumawag si Charlie sakin kanina. Wasak na wasak siya…nag-aalala ako sa kapatid mo anak. Kasi naman itong asawa niya nahuli niya daw na may ibang lalaki.” Halos mabitiwan ko ang hawak kong laruan. Nagpanting ang tenga ko sa narinig. “Ano?!” malakas kong tanong, bahagyang nanginginig ang boses. “Paano nangyari iyon?! Eh si Sharmaine ang patay na patay

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 130

    Nang makabalik na kami sa aming tent site. Habang naglalakad kami ni Cassandra sa Safari, hawak niya ang kamay ni Caleb na tuwang-tuwa sa paligid, parang biglang bumagal ang oras. Pinagmamasdan ko silang dalawa—ang mag-ina ko. Napansin ko ang liwanag sa mga mata ni Cassandra na parang matagal nang hindi ko nakikita, at ang walang kapantay na saya sa boses ni Caleb tuwing may makikitang hayop sa paligid. Sa gitna ng saya, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong sinayang ko. Flashback Dalawang taon na ang nakalipas, nasa bar ako kasama ang mga kaibigan ko, hawak ko ang isang baso ng alak habang nakikipagkwentuhan sa isang babaeng halos hindi ko na maalala ang pangalan. Ang cellphone ko ay paulit-ulit na nagri-ring sa bulsa. Si Cassandra ang tumatawag, pero hindi ko iyon sinasagot. “Mamaya na,” bulong ko sa sarili ko habang inilapag ang baso. Ni hindi ko naisip kung ano ang nar

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 129

    LUCAS POV Mula nang magkaayos kami ni Cassandra , parang muling nagliwanag ang buhay ko. Ang bahay namin, na dati’y puno ng tensyon at tahimik na mga gabi ngayon ay bumalik na ito sa dating sigla. Ang malalakas na tawa ni Caleb, na naging sentro ng aming pagsasama. Malaki ang pinagpapasalamat ko dahil naging bukas kami ni Cassandra sa isa’t isa. Ang masarap na tawanan namin bilang pamilya . Unti-unti naming naibabalik ang dating kami. Ang pagsasama namin ay naging mas masaya. Pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para mapanatili ang kasiyahan sa pamilya namin. Kaya hindi ko na hinayaan pang lumipas ang aming anibersaryo ng kasal nang walang espesyal na sorpresa para kay Cassandra. “Cass, may plano ako para sa anniversary natin,” bungad ko isang gabi habang nag-aayos siya ng damit ni Caleb. Hilig niyang maging hands on na ina sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho. Tumingin siya

  • Destined to be Mr. CEO’s Wife   Kabanata 128

    PRESENT TIME “Sabihin mo sa akin, Cassandra. Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Ian? Bakit sobra kung ipagtanggol mo siya laban sakin?! Bakit ? Mas gusto mo na ba siya? Ipagpapalit mo ba kami ni Caleb sa kaniya?!” Tanong sakin ni Lucas. Bigla akong sumabog ng marinig ko ang mga salitang iyon sa kaniya. “How dare you to accuse me Lucas, alam mo ba kung bakit naging malapit ako kay Ian? Ngayon sasabihin ko sayo lahat-lahat tutal ayaw mong tumigil ng kaka duda. Alam mo bang nung mga oras na nahuli kita sa bar two years ago? Hinimatay ako sa labas noon dahil hindi ko napigilan ang sama ng loob na nararamdaman ko ng mga sandaling nakita kitang nakikipaglandian sa ibang babae. And that time? Si Ian ang tumulong sakin, dinala niya ako sa ospital at siya ang nagdala sakin sa ospital. Imagine ilang beses akong tumatawag sayo nun! Pero ano? Nasan ka?! Nasa kandungan ng ibang babae habang ako halos hindi magkandamayaw sa pag aasikaso sa inyo . Kahit anong sabi kong hindi maganda ang pakiramd

DMCA.com Protection Status