CHLOE POVIsang buwan din ang mabilis na nagdaan . Habang nag aayos ako ng aming panaghalian ay biglang dumulas ang isang baso sa aking kamay. Durog na durog ito. Nagmamadaling nanakbo si Luisa patungo sa kusina upang tignan kung ano ang ngyari. "Biglang nadulas sa kamay ko. Ano ba yan. Nakakatakot naman. Hindi ba sabi nila malas daw kapag biglang nabasag ang isang baso o pinggan ng walang dahilan." tanong ko kay Luisa"ano ka ba?! maganda nga iyan kasi ibig sabihin niyan tinaboy na yung malas na dapat papasok sa bahay na to. Wag kang matakot. Saka alam mo tensyonado ka lang din siguro kasi nga malapit na ang kasal niyo excited ka lang sa nalalapit na pag iisang dibdib niyo.” Sabi pang muli sakin ni LuisaNatawa naman ako sa naisip ni Luisa sa totoo lang dahil din talaga ito sa tensyon na nararamdaman ko sa papalapit na kasal namin ni Riley. Natutuwa akong halos araw araw ay nagpupunta ang Mommy at Daddy ni Riley sa amin. Lagi nilang dinadalaw ang triplets. Malapit naman din sa kanil
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORTCHLOE POVAng pagbabalik ni Amanda. Lahat kami ay nakaabang sa muling pagbabalik ni Amanda hindi lang sa Pilipinas kundi pati na din sa bWala ni sinoman sa amin ang nakaisip na isang araw ay darating ang araw na ito. Iniwanan na muna namin ni Riley ang triplets kay Luisa . Masyadong maalinsangan din ang panahon ngayong araw30 minutes ang mabilis na lumipas at biglang lumabas na sa arrival board ang paglapag ng eroplanong sinasakyan ni Amanda na delayed it ng ilang minuto dahil sa air traffic sa himpapawid.“Im so excited to see your sister again” nakangiting sabi ni Mommy Carolina. Ngumiti lang ako sa kaniya. Matiyaga kaming naghintay sa paglabas nito. At hindi nagtagal ay nakita na nga namin ito kaagad. Nanindig ang aking mga balahibo. Para akong nanaginip. Matagal ko ng nakikita itong si Amanda pero hanggang sa picture lang never ko pa siyang nakita sa personal. Nanakbo kaagad papunta si Mommy sa kinatatayuan nito. Para akong nananalamin. Kamukhan
AMANDA POV Akala ko ay naka move on na ako kay Riley dahil sa ilang panahong pagtatago ko. Nang kontakin ko ang detective na binayaran ni Mommy para ipahanap ako, alam kong handang handa na ako. Kaya nga ako lumutang na. Sinuhulan ko ng dobleng kabayaran ang detective nito para sumundo sa lahat ng nais kong sabihin. Nang mapigilan ako ni Vincent sa plano kong pagpapakamatay. Kinupkop ako nito ng mahabang panahon. Malaki man ang naging agwat namin sa isa't isa ay napamahal na ito sa akin. Nakaramdam ako ng pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Kapalit ng pananatili ko sa kaniyang tabi ay ang kahilingan kong palalabasin niya sa lahat na wala na ako. Plano ko talagang hindi na magpakita sa kahit kanino. Pinalitan na niya ang aking pangalan ngunit nagbago ang lahat ng akong plano ko ng malaman kong ikakasal na si Riley sa nagpakilala kong kakambal. Hindi ko masisisi ang mapang-husga nilang mga tingin sa akin ng una nila akong nakita dahil ibang iba t
Nagtungo kami ni Vincent sa aking dermatologist. Ilang beses kong pinag-isipan ang gagawin kong ito. Matagal ko ng nais ipatanggal ang nunal kong ito para na din hindi na ako ma bully ng mga tao kaya lang ay hinintay ko ang tamang pagkakataon para ipagawa ito. Naisip ko kung ipapatanggal ko ito ay maaring hindi ako paniwalaan ni Mommy na ako talaga si Amanda. “Are you sure Amanda sisimulan ko na ang procedure!? Final answer?!” Tanong sakin ng aking Dermatologist. “Yes Sure na sure ako.” Pagmamatigas kong sagot. Nagsimula na ang procedure ng pagtatanggal sa akin ng nunal sa aking pisngi. Mabilis lang itong natapos . Nang tignan ko ang aking sarili sa salamin ay makikita pa ang peklat na iniwan ng pagkakatanggal nito sa loob ng isang linggo. Pero kusa din itong mawawala. "Naku sweetheart magkamukhang magkamukha na talaga kayo ng kakambal mo. Lalo ng nakakalito ang inyong itsura." sabi sakin ni Vincent. "oh sweetheart baka naman malito ka pa samin aah. " sagot ko naman sa kaniy
Kinabukasan kagaya ng naka schedule ay pumunta ako ng bahay nila Chloe. Para sa gaganaping pagsusukat ng mga gowns na aming susuotin para sa kanilang kasal ni Riley. Naabutan namin ni Vincent sila Chloe na abalang naghahanda para sa kanilang mga bisitang dadating. “Why don’t you help your sister? Im good here. Magkukwentuhan na lang muna kami ni Riley . Nag ma-market din pala siya.” Sabi ni Vincent. Sinunod ko naman ang sinabi nito. Nakita ko din na nilabas na nila ang kanilang mga laptop. Isa pa gusto ko ding mas makilala pa ang aking kapatid. Nagmasid ako sa kanyang bawat kilos. At nakikita ko naman talagang napaka maasikaso nito hindi lang kay Riley at mga anak nila kundi pari na din sa kanilang mga kamasa sa bahay. “Aah Chloe nakita ko na binebenta pala yung katabing bahay niyo? Nag iisip ako what if mag stay na kami dito sa Pinas?! Pinag iisipan ko sanang bilhin iyon para malapit ako sa inyo ng mga bata. Gusto kong makipag laro din sa kanila ee.” Anasa ko kay Chloe “Ikaw.
CHLOE POV Masaya ako habang pinagmamasdan ang mga taong malalapit sa aking buhay na nag-aayos ng kanilang mga gowns para sa nalalapit kong kasal. Masaya din ako dahil nawala na ang agam agam sa aking isip sa motibo ni Amanda sa bigla niyang pagbabalik. “Jusko kayong kambal kayo, walang wala na talagang pinagkaiba ang mukha ninyong dalawa. Nakakalito na kayo mabuti na lang at maiksi ang buhok ni Amanda kung hindi naku na lang” nagtatawang pang aasar samin ni Mommy “Kaya nga Mommy! Para na akong nanalamin ngayon.” Sagot ko naman sa kaniya. “By the way Amanda diba gusto mong bilhin yang katabing bahay? Minessage ko yung agent namin pwede daw mag viewing ngayon. Gusto mo after magsukatan pabuksan natin para makita mo ang loob?" tanong ko kay Amanda "Sure sige! (bumaling ito ng tingin kay Vincent) sweetheart let's buy this house please. " paglalambing ni Amanda sa kaniyang partner "okay si
RILEY PROLONGUEFinally, matapos ang halos isang buwang preparation ay dumating na ang araw ng aming kasal. Ako na ata ang pinaka masayang tao sa buong mundo dahil sa araw na ito ay makukumpleto na ang aking buhay. Ngayong araw ay magiging opisyal na asawa ko na si Chloe sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ilang sandali lang ay nagbigay na ng hudyat ang tauhan ng simabahn sa pagdating nila Chloe. Kasama niya sa loob ng sasakyan kasama ang kaniyang Mommy Carolina. Samantalang si Luisa at Amanda naman ang may kapit sa triplets namin. Nang magsimula ang tugtugin ay siya ding hudyat ng aking pagpasok. Nakakabighani ang naging set up ng ayos ng simbahan. Kakaiba talaga ang taste ni Chloe. Mahilig siya sa modern-filipino touch design. Ang ganda ng kombinasyon ng puting mga bulaklak kasama ang nag-gagandahang mga native arts. Nakita ko sa upuan ang aking mga kaibigan. Akala ko ay hindi ako iiyak sa araw na ito. Nang makita kong naglalakad ang tri
"At ngayon dadako na tayo sa inyong mga pangako para sa isa’t isa . Tandaan niyo sa Pangangako ninyong ito ay saksi ang Panginoon kaya naman kailangan lahat ng sasabihin ninyo ay gagampanan ninyo talaga." anas ng Pari. Nagtawanan si Chloe at Riley at huminga ng malalim si Chloe bago siya nagsimulang magsalita. "Love, Riley! Gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil kahit na ang ating naging simula ay isang pagkakamali ay hindi mo hinayaang magtapos ito ng isang pagkakamali.Palagi kong pinagpapasalamat sa Panginoon ang gabing nakilala kita. Akala ko noon ay wala ng direskyon ang aking buhay. Akala ko mawawalan na ng direksyon ang aking buhay pero salamat dahil sa panahong kailangan ko ng kakampi ay bigla kang lumabas. Akala ko ay magiging dalagang ina ako sa triplets, pero salamat kasi nanindigan ka sa kabila ng agwat sa ating estado. Madami mang naging pagsubok ang ating pagsasama ay hindi mo hinayaang matalo tayo ng pride. Salamat sa pananatiling matatag kahit
5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n
CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n
CASSANDRA POV Tumindig ang hukom mula sa kanyang upuan. “The court will now deliberate on the presented evidence,” aniya, at iniwan kami sa isang nakakabinging katahimikan. Tumigil ang oras para sa amin ni Charlie. Naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel at ang mga buntong-hininga ng iba pang tao sa loob ng korte, ngunit para sa akin, tila nasa ilalim kami ng tubig, malabo at mabagal ang lahat. Nakaupo lang si Charlie, nakatitig sa harap, pero alam kong halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Ako naman, nakaayos ang pagkakaupo, pinipilit magpakita ng lakas. Hindi ko siya maaaring saluhin kung makita niyang ako mismo ay basag. Ilang minuto pa ang lumipas na parang isang mahabang siglo bago bumalik ang hukom sa kanyang pwesto. Umupo siya at tumingin sa amin ng may bigat. “After reviewing the evidence presented,” aniya, “the court finds that there is substantial proof to merit the granting of the petition for annulment.” Hindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko—kal
CHARLIE POV Ilang linggo pa ang lumipas, at dumating ang araw ng preliminary hearing para sa kaso. Pormal na pumasok sa courtroom si Sharmaine, kasama ang kanyang abogado. Napansin ko ang pagbabago sa aura niya - tila wala na siyang kumpiyansa tulad ng dati. Marahil alam niyang wala na siyang ligtas. Habang nagsasalita ang abogado ni Sharmaine, ipinakita nila ang argumento na hindi raw sapat ang ebidensya para makakuha ng annulment. Pero nang magsalita si Atty. Janela, dala niya ang lahat ng dokumento, testimonya, at pati ang leaked video na nagpapatunay ng pagtataksil sa akin ng aking asawa. Nang ipakita ang video, nakita kong napayuko si Sharmaine, habang ako naman ay nanatiling matatag. Tila sa mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik ang dignidad na matagal na nawala sa akin. “Your Honor,” sabi ni Atty Janela, “this video is not just a breach of trust in a marriage. It is a public humiliation caused by the respondent’s actions. My client has suffered enough, and we believe th
Ilang linggo matapos magsimula ang proseso ng annulment, isang tawag mula kay Atty. Janela ang nagbigay ng bagong hamon para kay Charlie. Kinakailangan nilang magkita ng kanyang dating asawa na si Sharmaine upang mag-usap ng ilang legal na aspeto ng kanilang kasal. Hindi ito maiiwasan, lalo na’t may mga dokumentong kailangang pag-usapan nang harapan. Sa araw na iyon, sinamahan ko si Charlie sa meeting place—isang neutral na opisina na pinili ni Atty. Janela. Tahimik si Charlie habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya, lalo na’t matagal na niyang iniwasan ang ex-wife niya mula noong nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil. Hindi ko naman siya masisisi dahil magmula naman nuon ay wala na siyang ibang nakarelasyonbukod sa kaniyang napang asawa. Nerd kasi itong si Charlie, although gwapo siya ay masyado siyang tahimik unlike Christopher na super walwal. HIndi ko kasi maintidihan sa kapatid kong to. Hindi mahilig pumorma, pati ang kaniyang buhok ay gusto niya yung mga