CHLOE POV IN THE OFFICE Kinabukasan habang kami ay papunta na sa aming opisina hindi ko mapigilan ang pang-aasar ng aking mga kaibigan. Bagaman hindi lahat ay masaya sa kanilang nasaksihan. May ilang mapang-husgang mata ang isinalubong sa akin. Pagsakay ko ng elevator kasama ang aking mga kaibigan na sila Carla at Harlene. Nanadyang nagpaparinig ang mga kasabay namin sa elevator. “Girl bet mong pag-agawan ka ng dalawang lalaki? Isang matandang lalaki at isang gwapong lalaki? Hahaha! Simple lang gagawin mo maging parang linta ka lang! may kakilala kong ganon ang ginawa ayun si Akla nakaahon sa hirap ng buhay . hahahhaa” Malakas na sabi nito. nagtatawanan pa sila habang nagkukwentuhan ng ganoong topic. Tahimik lang akong nakikinig sa sulok. “Kaya nga noh? Ang lakas magpatanggal ng tao kaya naman pala dikit pala sa amo haha!” “Magpabuntis ka din girl!” Hirit pa ng isa. Tahimik lang akong nakatayo sa gilid na parte ng elevator. Ayokong maunang gumawa ng gulo. "gusto mo upakan ko
RILEY POVKinuha ko ang aking cellphone nagtataka ako anong oras na ay wala pa rin si Chloe sa kaniyang desk. Kaya lang ako pumayag na magpatuloy pa siya sa kaniyang pagtatrabaho dahil sa pakiusap niya sa akin. Kung ako ang papipiliin mas gusto ko na siyang patigilin kagad sa pagtatrabaho at manatili na lang sa aming bahay.“Hi Hon! Nasan ka na? Nagpabili na ako ng breakfast natin?! Hindi ka rin kumain sa bahay kanina.” Malambing kong bati kay Chloe.“Mmmm nagkuwentuhan lang kami nila Harlene. sige papunta na din ako diyan.”sagot niya sa akin. “Okay ka lang ba? Parang wala ka ata sa mood ngayon? Gusto mo hatid na muna kita pauwi sa bahay?” Tanong ko kah Chloe“Hindi na mamaya na lang , tapusin ko na oras ng uwi ko napapagod din kasi ako. Ewan ko hiningal lang ako ngayon . Konting pahinga lang ako magiging maayos na din ako." sagot ko sa kaniya"okay hintayin na kita dito nagpahanda na ako kay Ellie ng almusal natin. Sana maging maayos na din pakiramdam mo. " sabi naman niya sa akin"
CHLOE POV Mula pa lang sa lobby ay napansin ko na ang panay ang bulungan ng mga taong nakaka-salubong ko. Normal naman na iyon para sa akin magmula ng i-anunsyo ni Riley ang tungkol sa ugnayan naming dalawa. Pero kakaiba ang mga tingin ng mga ito ngayon. Mas mapang husga at nang-iinsulto. Sinilip ko pa ang aking sarili sa salamin na matatagpuan sa isang sulok sa lobby area. Nag-aalala ako dahil baka may dumi ako sa aking mukha dahil sa pagmamadali kong kumain kanina bago pumasok kaya ganoon na lang ang mga ito makatingin sa akin. Halos mabali pa ang leeg ng mga ito habang hinahabol ako ng tingin. Nakakailang ang kanilang mga pagtingin sa akin. Hindi ko na kasi natignan ang sarili ko ng maayos. “Hay bahala kayo sa buhay niyo kahit anong sinasabi niyo sa akin wala akong pakielam” bulong ko sa aking sarili. Nagmamadali na akong sumakay sa elevator . Nakipagsiksikan ako sa mga taong nakasakay duon. Hanggang dito ba naman ay pinagbubulungan pa rin ako ng mga ito. "alam niyo ang weird ng
RILEY POV IN THE OFFICE ( ISANG ORAS BAGO ANG PAGPASOK NI CHLOE) Ilang beses na tumawag sa akin si Ellie. Mahigpit kong tinangggihan ang paghingi niya ng permiso sa akin sa pagpapapasok kay Daniela. Hindi ko bibigyan ng dahilan si Chloe para magalit ito sa akin. Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga papeles na nasa aking harapan ng biglang mag ring muli ang aking telepono. "Elli ayoko ng magpaulit ulit pa. Please tell her im busy. So she better leave now!" mahigpit kong pinagbilin sa aking sekretarya. May nais pa sana akong sabihin ng pwersahang pumasok si Daniela sa loob ng aking opisina. Tinignan ko lang ito at nagbalik na ako sa pagtingin sa mga papeles sa aking harapan. "Sir pasensya na kayo Sir kanina ko pa po talaga pinipigilan si Mam Daniela na pumasok. " natatakot na sabi ni Ellie sa akin "its okay you can leave now." sagot ko lang kay Ellie. Lumapit sa akin si Daniela pagkalabas na pagkalabas ni Ellie sa pintuan iyon. Hindi ko siya pinapansin sa kaniyang inaakto. Nagulat
“Tandaan mo to Daniela pag may ngyaring masama sa asawa ko patawarin nawa ako ng Diyos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sayo! Hinding hindi kita mapapatawad” sabi ko sa kaniya “Patawarin mo na ako Riley! Lahat gagawin ko. Hindi ko kayang mawala ka” muli siyang yumakap sa akin. Kinapitan ko ang kaniyang kamay saka ko oto itinapon papalayo sa akin. Nanlilisik ang aking mga mata sa sobrang galit sa kaniya. Bumalik ako sa aking opisina para kuhain ang susi ng aking sasakyan. Nagmamadali akong nagmaneho patungo sa direksyon na pinuntahan ni Chloe. Binilinan ko na lang ang mga kaibigan ni Chloe na patuloy siyang tawagin at sinabihan ko silang kontakin ako sa oras na makakuha sila ng kahit na anong impormasyon ay ipaalam nila sa akin. Sa mga oras na ito ay hirap na hirap na ako sa pagda drive dahil sa lakas ng patak ng ulan na tumatama sa salamin sa harapan ng aking kotse. Halos hindi na ako makaandar dahil hindi ko na makita ang daan. Hinarangan na din ng mga pulis at hindi na pina
OLIVIA POVHindi ko na din alam ang gagawin ko sa nangyayari kay Kuya. Dahil sa kalandian ni Daniela ay nasira na naman ang buhay ng kuya ko. Hindi talaga siya nakukuntento sa paninira ng buhay ng kapatid ko. Mula nuon hanggang ngayon na nakapag move on na si Kuya Riley saka na naman siya nanggulo “Haist” napapabuntong hininga na lang ako. Lumipas ang buwan at wala pa rin kaming nakukuhang balita mula sa mga imbestigador tungkol sa kinaroroonan ni Chloe. Naging maiinitin na naman ang ulo ni Kuya. Bumalik ito sa pagiging iritable niya kagaya ng mga panahong bago pa niya nakilala si Chloe. Ito pa lang ang pangalawang beses na nakita ko ang aking kapatid na nagwawala ng ganito. Una ng iniwan siya ni Daniela sa harapan ng altar at ito ang pangalawang beses na naging maiinitin ang kaniyang ulo.“Hi Ellie nandiyan na ba si Mr. Antonio? May mga documents lang sana akong papipirmahan sa kaniya” tanong ko sa sekretarya nito.“Mam pasensya na po , hindi ko lang sigurado kung right timing kayo n
CHLOE POV 1 MONTH BEFORE Masakit ang ulo ko ng ako ay magising. Nakasaplo ako sa aking ulo. Tinignan ko ang aking sarili na nakatabing ng isang makapal na comforter. Sinilip ko ang aking damit. Nataranta ako ng makita kong nakapalit na ang aking damit ng isang kulay puti na pantulog. Napakapit ako sa aking tiyan , napahampas ako sa aking ulo kakaisip sa ngyari sa akin. Pilit kong inaalala ang ngyari sa akin. At kung bakit ako naruruon ngayon. Tinignan ko ang buong paligid. Malaki ang silid na iyon. Mukhang mayaman ang taong nag-ma-may ari ng bahay na iyon. Palingon lingon ako sa buong paligid. Ang huling pumasok sa aking isip ang mga sandaling nakita ko si Daniela at si Riley na magkausap sa kaniyang opisina. Naupo ako sa gilid ng kama kung saan ako naruruon, napakapit ako sa aking ulo. Bumalik sa akin ang ala-ala kung bakit ako nakapunta sa lugar na ito. Naalala kong sa sobrang sama ng aking loob ay pinaharurot ko ang aking sasakyan papalayo sa lugar na iyon. Hindi ko na inalinta
RILEY POVDoble ang sakit na aking nararamdaman . Walang wala ito sa sakit na naramdaman ko noong iwanan ako ni Daniela sa harapan ng Altar. Hindi ko maikumpara ang pangungulila ko ngayon para kay Chloe at sa magiging anak namin. Ilang linggo na din magmula ng ideklarang ihinto ang search and rescue operation sa paghahanap ng mga alagad ng batas kay Chloe. Kahit pa dineklara na si Chloe as dead person ng mga awtoridad ay hindi pa rin ako naniniwala. Alam ko at ramdam kong buhay pa ang aking mahal. Para makalimot sa sama ng loob ay ay gabi gabi akong nagtutungo sa bar. Nilulunod ko ang aking sarili sa alak hanggang sa halos gumapang na ako sa sobrang kalasingan pauwi. "Steven nasan ka ngayon?" tanong ko sa aking kanang kamay."nasa bahay ako Bro bakit?" sagot niya sa akin"tara bro sa taverna tayo (bar) ngayon na. Sunduin na kita on the way na din ako. within15 minutes padating na ko sa tapat ng bahay mo!?" sabi ko kay Steven habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nito."hay Bro gabi
5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n
CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n
CASSANDRA POV Tumindig ang hukom mula sa kanyang upuan. “The court will now deliberate on the presented evidence,” aniya, at iniwan kami sa isang nakakabinging katahimikan. Tumigil ang oras para sa amin ni Charlie. Naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel at ang mga buntong-hininga ng iba pang tao sa loob ng korte, ngunit para sa akin, tila nasa ilalim kami ng tubig, malabo at mabagal ang lahat. Nakaupo lang si Charlie, nakatitig sa harap, pero alam kong halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Ako naman, nakaayos ang pagkakaupo, pinipilit magpakita ng lakas. Hindi ko siya maaaring saluhin kung makita niyang ako mismo ay basag. Ilang minuto pa ang lumipas na parang isang mahabang siglo bago bumalik ang hukom sa kanyang pwesto. Umupo siya at tumingin sa amin ng may bigat. “After reviewing the evidence presented,” aniya, “the court finds that there is substantial proof to merit the granting of the petition for annulment.” Hindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko—kal
CHARLIE POV Ilang linggo pa ang lumipas, at dumating ang araw ng preliminary hearing para sa kaso. Pormal na pumasok sa courtroom si Sharmaine, kasama ang kanyang abogado. Napansin ko ang pagbabago sa aura niya - tila wala na siyang kumpiyansa tulad ng dati. Marahil alam niyang wala na siyang ligtas. Habang nagsasalita ang abogado ni Sharmaine, ipinakita nila ang argumento na hindi raw sapat ang ebidensya para makakuha ng annulment. Pero nang magsalita si Atty. Janela, dala niya ang lahat ng dokumento, testimonya, at pati ang leaked video na nagpapatunay ng pagtataksil sa akin ng aking asawa. Nang ipakita ang video, nakita kong napayuko si Sharmaine, habang ako naman ay nanatiling matatag. Tila sa mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik ang dignidad na matagal na nawala sa akin. “Your Honor,” sabi ni Atty Janela, “this video is not just a breach of trust in a marriage. It is a public humiliation caused by the respondent’s actions. My client has suffered enough, and we believe th
Ilang linggo matapos magsimula ang proseso ng annulment, isang tawag mula kay Atty. Janela ang nagbigay ng bagong hamon para kay Charlie. Kinakailangan nilang magkita ng kanyang dating asawa na si Sharmaine upang mag-usap ng ilang legal na aspeto ng kanilang kasal. Hindi ito maiiwasan, lalo na’t may mga dokumentong kailangang pag-usapan nang harapan. Sa araw na iyon, sinamahan ko si Charlie sa meeting place—isang neutral na opisina na pinili ni Atty. Janela. Tahimik si Charlie habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya, lalo na’t matagal na niyang iniwasan ang ex-wife niya mula noong nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil. Hindi ko naman siya masisisi dahil magmula naman nuon ay wala na siyang ibang nakarelasyonbukod sa kaniyang napang asawa. Nerd kasi itong si Charlie, although gwapo siya ay masyado siyang tahimik unlike Christopher na super walwal. HIndi ko kasi maintidihan sa kapatid kong to. Hindi mahilig pumorma, pati ang kaniyang buhok ay gusto niya yung mga