Sumakay ako ng taxi papuntang mall, habang nasa taxi ay pinunasan ko ang aking mukha. Pagkarating ko ay pumasok ako sa loob at naghanap ng coffee shop. Hindi naman ako nahirapan maghanap, umorder agad ako at tinawagan ang aking kaibigan.
“Amirah...” Basag na boses kong tawag sa pangalan niya. Nagsisimula na naman manubig ang aking mga mata. [B! Hey... Are you crying? Where are you? Are you okay? Please tell me where are you, I'm coming.] Napangiti naman ako sa sunod-sunod nitong tanong sa 'kin. Pangalan pa lamang niya ang sinasabi ko, sobrang nagaalala na s'ya. “A-Are you free today?” Tanong ko habang nagpipigil na maiyak dahil ibinaba na ang order kong coffee at bread. [I'm always free for you B, you know that...] Oo, ni minsan hindi niya ko tinanggihan. We're best friends since ten years old kami. Bagong lipat sila sa subdivision namin noon dahil friends pala ang mga parents namin. “Can you pick me up?” [Of course! Where?] Mabilis nitong sagot. “Mall, I'll text you where exactly I am.” [Okay... I'm on my way, wait for me.] After the call, ay napabuntonghininga na lamang ako. I'm so thankful to have Amirah, she always one call away. Itinext ko agad kung nasaan ako para hindi na mapagod kahahanap ang kaibigan ko. Hindi naman ako naghintay ng matagal, ang nagmamadaling si Amirah ang pumasok sa coffee shop. “B! Gosh! Paga na naman ang mga mata mo! What happened?” She hissed. “A...” Sa pagtawag ko sa pangalan niya ay nanginig na ang labi ko. Hindi ko na mapigilan ang hikbi, hindi ko na napigilan pa ang nag-uunahang luha sa mga mata ko. Napakagat sa labi niya si Amirah habang nakikita akong nasasaktan. Kahit s'ya ay naluha na rin dahil do'n, niyakap ako nito ng sobrang higpit. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi at masusumbungan dahilan ng lalo kong pag-iyak. “Shhh... I'm always here B. You can tell me everything, you can cry anytime. I won't mind,” sabi nito habang hinahagod ang aking likod. “I'm t-tired... I'm in p-pain...” Sinisinok kong sumbong sa kaibigan habang umiiyak ng sobra. “I hurt t-them... I ruined them—” “It's not your fault B, it's your parents. Hindi mo naman magagawang manakit, hindi mo magagawang manira. Huwag mong sisihin sarili mo, okay?” Humarap ito sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. “A... Kitang-kita ko... Ramdam na ramdam ko 'yong sakit na nagawa ng parents ko sa kanila. At ang sakit! Nakaka-guilty,” walang tigil sa pagtulo ang luha ko na pinupunasan naman ni Amirah. “B...” tawag nito sa pangalan ko. “I want to rest for a while, away from all of them... Away from my painful reality of life. H-Help me... Please...” “You don't need to beg for help, I'll help you. We will run away from them, who put you in pain. I promise!” Ngumiti sa 'kin si Amirah kaya napangiti rin ako bago ko s'ya niyakap. “Thank you!” Ilang minuto lang kami nagtagal sa coffee shop bago umalis. Mabuti na lamang at may dala itong sasakyan. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang nagda-drive si Amirah. “Are you okay? May gusto ka bang kainin?” Tanong nito bigla sa 'kin, tumingin ako sa gawi niya at ngumiti “Wala... Salamat.” “Tulog ka muna, medyo malayo pa tayo. Take a rest, alam kong pagod ka.” “Okay lang ba wala kang kausap?” Tanong ko, nakakahiya naman kasi. “Oo naman, mag-o-on na lang ako ng playlist. Kailangan mo ng pahinga girl,” sabi pa nito na pasulyap-sulyap sa 'kin. Kaya naman 'yon ang ginawa ko, pumikit ako hanggang sa kainin na ako ng aking antok. Pagod na pagod ang pakiramdam ko, pakiramdam ko na drained ako. I'm emotionally and mentally tired... Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Pero nang magmulat ako ng aking mga mata ay wala na akong kasama sa kotse. Nakabukas na rin ang bintana sa tapat ko kaya ramdam ko ang malakas na hangin. Ang kulay kahel na langit na humahalik sa dagat ang bumungad sa 'kin. Napakaganda... Payapa ang dagat, at walang tao kung nasaan ako kaya malaya kong nakikita ang magandang scenery na 'to. Napangiti na lamang ako dahil sa sarap na pakiramdam na dulot nito. “Gising ka na pala!” Masiglang sabi ni Amirah na naglalakad na patungo sa gawi ko. “Saan ka galing?” Tanong ko at bumaba na ng sasakyan. “Sa rest house,” “R-Rest house? Nino?” Tinignan ko ang pinagmulan nito at nakita ang isang may dalawang palapag na bahay. “Rest house ko!” Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi nito. Ni minsan ay hindi niya nabanggit ang tungkol dito. “May resort ka?!” Nanlalaking matang tanong ko, natawa naman ito habang tumatango. “Hindi alam nina Mommy, kaya zip your mouth!” Banta nito sa 'kin. “S'yempre naman!” At naglakad na kami patungo sa bahay na rest house raw niya. “May mga damit na ako rito, kaya hindi na ako nag abalang kumuha sa bahay. Magka-size naman tayo kaya gamitin mo na rin. Don't worry, bago lahat 'yon!” “Wala naman akong reklamo ah!” “Inagapan ko na!” pabiro pa ako nitong inirapan. Pagpasok sa loob ay namangha pa ako dahil sa ganda at linis nito. Kumpleto rin sa gamit, may sofa set at malaking flat screen tv. May kusina na kumpleto rin sa kagamitan, may lutuan, may ref na puno rin ng laman. “Madalas ka rito?” Tanong ko sa kaibigan habang naglalakad na kami pataas sa second floor ng bahay. “Medyo...” “Ikaw naglilinis ng buong bahay?!” “Yeah, why?” “Nothing, akala ko may katulong ka rito o kaya caretaker.” “Hindi ko naman kailangan 'yon, kaya ko naman na.” “Eh bakit ka nga pala bumili ng ganito?” Tumigil na kami matapos ang mabagal na pag-akyat namin sa hagdan. “Incase lang... You know business world girl, look at you. I know, one day my parents will arrange me too to some strangers. Maganda na ang ready kapag run-away-bride ang peg ko!” “Wow! Hindi ko naisip 'yon ah! Tss! Sana binigyan mo ako ng tips, sana run-away-bride rin ang peg ko 'di ba?” “Hindi ka nagtanong! At saka, hello?! Si Steve 'yon, ang mundo mo! Remember?” Natigilan ako sa sinabi niya, noon kinikilig lang ako sa kan'ya sa malayo. Ngayon, hindi na nga ako na crush back, sobrang hate pa niya ako. Napabuntonghininga na lamang ako sa isipin na 'yon. “Tara na nga! Nandito tayo para ma-relax, hayaan mo muna ang problema.” Tumango naman ako at sumunod sa kan'yang paglalakad. May malaking veranda sa second floor, may mini sala rin at dalawang kuwarto na magkatapat lamang. Matapos namin magpalit ng damit ay bumaba muli kami. “Malapit na maggabi, inom tayo sa tabing dagat! Gusto mo?” Tanong nito. “Sure!” Pumunta ito sa kusina, at pagbalik nito ay may dala na itong maliit na cooler at malaking chips. Sabay kaming tumungo sa tabing dagat para maumpisahan na ang inuman. Puno ng beer in can na may ice cubes ang loob ng cooler. Umupo na lamang kami sa buhangin at nagbukas na ng aming inumin. “Ano nga palang resort 'to?” Tanong ko bigla. “Isla Haven.” “Nice! Buti hindi matao ngayon 'no?” “Yeah. So, puwede ko ba malaman ang nangyari muna kanina?” She asked, kaya naman ikinuwento ko lahat sa kan'ya. “Bakit gano'n A? Bakit gano'n ang business world 'no? Para lang silang nagbebenta ng gamit kung ipakasal sa hindi kilala ang mga anak nila. Pera-pera na lang ba talaga ang labanan ngayon?” “Pera lang talaga mahalaga sa kanila, at ang kompanya. Wala silang pakialam kung may nasasaktan man sila, o kung may natatapakan. But, I pity Nicole, she doesn't deserves this. I mean, I'm not blaming you, I just hates your parents for doing this sh*t.” Seryosong sabi nito sabay inom sa kan'yang beer. “I feel you, I started to hate them for hurting innocent people. For the sake of money, they will do anything.” “That's how business world is, ang malas lang natin dahil isa tayo sa mga produkto ng mga magulang na nasa business world. Na anytime ay puwede nilang ibenta. Tss.” Ani Amirah. She's right, we're the product of our parents that anytime will sell to someone's rich. “Ang malas lang, solong anak tayo. Salo natin lahat ng gusto nilang ipagawa sa 'tin.” Sabi ko naman. “Yeah, but, if ever na mangyayari sa 'kin 'yang arrange marriage na 'yan? Hindi nila ako makikita! Ikaw ba? Itutuloy mo?”Napaisip naman ako sa sinabi niya, tama bang sumama na lamang ako sa best friend ko? “Tutulungan mo ba ako kung sakali?” Tanong ko. “Lagi naman! Saka, girl! Puwede ka namang huwag na umuwi mula ngayon! H'wag mo na hintayin ang kasal,” “Sure ka safe rito?” Napalingon ako sa paligid. May mga katabing rest house rito na hindi kalayuan pero mga wala atang tao. “Oo naman! Saka puwede naman tayo mangibang bansa kung ayaw mo rito.” “Naku! Siguradong i-freeze agad nila ang mga card natin. Hindi mo ba naisip 'yon?” Tanong ko, dahil ako sigurado na agad ako ro'n. “Siyempre naman naisip ko na rin 'yan, kaya nga araw-araw ko kinukuha laman ng card ko at tinatago rito. Para may cash ako kahit kanila na ang card!” Pagyayabang nitong sabi, napahanga naman ako sa mga ginagawa niya. “Grabe ka A! Iba ka talaga! Ang advance mo mag-isip!” “Ako pa ba? So, ano? Game? Run away heiress ang peg natin!” Wala namang masama kung pipiliin kong maging masaya sa sarili kong desisyon, 'di ba? Gusto ko lang maramdaman ang totoong ako, ang kalayaan. 'Yong hindi ko kailangan magpanggap na ibang tao para lamang magustuhan. I really need time for myself...I badly need my peace of mind...Ilang araw na akong namamalagi sa rest house ni Amirah. Pareho naming pinatay ang mga phone namin para walang istorbo. So far, I feel relax because of the ambiance and because of the sea. Pero, hindi naman ako gano'n kasama para hindi isipin kung nagaalala ba sila sa'kin. Lalo na si Mommy, baka nai-istress na. Pero kay Daddy? Alam ko namang hahanapin n'ya lamang ako dahil sa pag merge ng company nila ni Mr. Harrison.“Girl! Halika rito dali!” Sigaw ni Amirah mula sa baba, dahil nakatambay ako sa veranda ay nakatingala ito sa'kin.“Bakit?” “Basta! Ngalay na batok ko pisti ka! Bumaba ka na lang!!” Tinawanan ko naman ito bago napag pasyahan na bumaba.Pagkababa ko ay may mga kasama na ito. “Come here B, I want you to meet these beautiful family!” Masiglang sabi ni Amirah at hinila ako palapit sa pamilyang tinutukoy nito.“A... Baka mamaya maisumbong tayo n'yan kina Daddy...” Bulong ko rito.“Gaga! Hindi nila kilala 'yon!” Nakangiti na ang mga ito sa'min, mag-asawa ito na may dalawang
Kanina pa ako sa harap ng salamin, kanina pa ako nakaayos. Pero, ang sarili ko ay hindi pa rin handa. Magkikita na naman kami, ngayong gabi ang plano nilang pag-set kung kailan ang kasal na magaganap.Nakatingin lamang ako sa aking sarili, walang emosyon, pero pagod na pagod ang pakiramdam. Nagising ang diwa ko sa katok na nagmumula sa labas ng kuwarto ko. Hindi ko na pinansin ito at hindi na rin nag-abala pang buksan ito.Mommy . . .Naglakad ito nang mabagal papunta sa kinauupuan ko. Pinanood ko lamang siya sa salamin, gano'n din naman ang kaniyang ginawa. Pumuwesto ito sa likuran ko habang hindi kami nag-aalis nang tingin sa isa't-isa.“I hope, you wouldn't hate us for doing this, Czes.” “You want me to marry that guy who really hates me to death, and you expecting me not to hate you? Mom, this is torture. Is that how dad really hates me?” Nagyuko ito ng kaniyang ulo, ako naman ay nagsisimula na naman manubig ang mga mata.“I'm sorry, no. He didn't hate you,” Mom said.“He
Imbes na maglibang para sa natitira kong araw bilang malaya, eto ako at nagmumukmok sa aking kuwarto. Walang lakas na lumabas o mamasyal manlang para malibang. Kahit anong gawin ko, nasa isip ko pa rin ang mga nangyayari.Paano ako maglilibang, kung ang bigat-bigat nang pakiramdam ko dahil sa sama ng loob?Nakasandal lamang ako sa headboard ng kama habang naka-earphones. Kung puwede lang na hindi na lang ako lumabas, ginawa ko na. Pero, sabi ni daddy ay darating ang mga may dala ng gown ko para isukat sa 'kin. Bumili raw sila ng yari na, ire-repair na lang daw kung may problema. Tss.Before, I'm dreaming about wearing a beautiful white gown walking down the aisle. But now, I'm hoping it won't happen . . . Not like this . . . Nang marinig ko na ang katok mula sa labas ng aking kuwarto ay tumayo na ako. Inilapag ko muna ang phone at earphones ko sa kama bago pumunta sa pinto para buksan ito.Magandang ngiti ng dalawang bakla ang bumungad sa 'kin, kasama ng mga ito si mommy na se
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng magulang ko. Pero hindi ako, kung kailan hindi ko hinihintay ang araw ay s'ya namang bilis nitong dumating.Suot ang napakagandang gown, naka make-up at nakaayos ng maganda ang buhok. Walang emosyon kong tinitignan ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ilang minuto na lamang at aalis na kami papuntang simbahan. Wala manlang akong maramdamang excitement, pakiramdam ko lamay ang pupuntahan ko. Gano'n kabigat ang pakiramdam ko sa mga oras na 'to.Napabalik ako sa sarili dahil sa katok ng nasa labas."Czes! Come out now, we're heading to church!" Sigaw ni Daddy mula sa labas.Isang malalim na buntonghininga muna ang aking pinakawalan bago tumayo at tumungo sa pinto. Pagbukas ko ay nag-aabang na si Daddy, suot ang kaniyang black tuxedo. Guwapong-guwapo itong matikas na nakatayo at naghihintay sa 'kin.Kung totoong kasal ko lang 'to, sa taong mahal ko at mahal ako. Pupurihin ko sana si Daddy, kaya lang . . . parang lamay ko 'tong magaganap na
Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking bahay sa subdivision na pagmamay-ari nina Steve. Ang bahay na ito ay regalo sa 'min ng mga parents niya. Mayroon sana kaming dalawang maids pero tinanggihan ni Steve. Ang dahilan niya sa mga magulang namin ay para raw matuto kami. Pero, alam ko naman talaga ang totoo kaya ayaw niya.Pumasok kami sa loob ng bahay, malinis ito at kumpleto na rin ang gamit.“Dalawa ang kuwarto rito, kaya tig-isa tayo. Ayoko ng may kasama sa kuwarto.” Sabi ni Steve at iniwan na ako. Umakyat na ito sa kuwarto niya dala ang kaniyang gamit.Napatingin ako sa maleta ko, tapos ay sa hagdan na aakyatan ko dala ang maleta. Napabuntonghininga na lamang ako sa kawalan ng choice. Iaakyat ko mag-isa ang mga gamit ko.Nahirapan man at natagalan ay naiakyat ko pa rin ang mga gamit ko. Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay ibinagsak ko ang aking sarili sa kama dahil sa pagod. Muntik na akong makatulog kung hindi lamang kumatok nang malakas si Steve.“Hoy! Magluto kana ng ta
Napapansin ko na ilang araw nang umaalis si Steve. Hindi s'ya rito kumakain, kaya naman mag-isa palagi akong kumakain.Hindi ko alam kung saan ba s'ya nagpupunta, pero umuuwi s'ya na nakainom. Hindi man lasing na lasing dahil nakakapagmaneho pa ito pauwi. Madalas akong nasisigawan nito sa tuwing may inom s'ya. Pero lahat 'yon ay binalewala ko kahit na nasasaktan ako. Inintindi ko na lamang.At ngayon nga ay naghihintay na naman ako sa kaniyang pag-uwi. Kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan, wala akong pakialam. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero . . . ‘yng crush ko lang sa kaniya na nararamdaman noon ay biglang lumala. Bigla na lamang akong nagising na gusto ko s'yang alagaan, na gusto kong matanggap n'ya rin ako.Gusto ko rin tuparin ang hiniling ni Nicole na h'wag kong sukuan si Steve. Dahil gusto kong maniwala na, matututuhan din ako nitong mahalin.Agad akong tumayo sa pagbukas ng pinto. Hindi ako magtataka kung isang araw ay sira na ang aming pinto. Dahil sa tuwing
Ang balak kong gigising ng maaga para hindi maabutan ni Steve ang nangyari ay hindi ko nagawa. Dahil nagising ako na wala na sa tabi ko ang binata. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naging reaction niya nang malamang ako ang kasiping niya kagabi. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama, binalot ang sarili sa comforter ni Steve. Napapikit ako sa isiping baka nandidiri na sa' kin ngayon si Steve dahil hindi si Nicole ang nakatabi niya.Napamulat ako dahil sa pagbukas ng pinto sa banyo. Doon, lumabas ang hinahanap ko. Nakatabing lamang ito ng towel sa pambaba at walang saplot pang itaas. Itinaas ko naman lalo ang comforter habang napapalunok sa kaba.Walang emosyon ako nitong tinignan habang nagtutuyo ito ng kaniyang buhok.“Ano pang ginagawa mo r'yan? Bakit hindi ka pa magbihis at bumalik sa kuwarto mo?” Malamig nitong tanong bago pumasok sa loob ng kaniyang walk-in-closet.Nanlulumo naman akong nagbihis habang nasa loob pa s'ya. Pagkatapos ko magbihis ay lumingon pa ako sa pina
Pinalampas ko ang nangyari nang araw na 'yon. Nanahamik ako, wala s'yang narinig mula sa 'kin. Wala rin naman itong binanggit na kahit ano nang araw din na 'yon.Balik kami sa normal na parang walang nangyari. Ibig kong sabihin sa normal namin ay . . . nagpapakaasawa ako sa kaniya, at hindi naman ako nage-exist para sa kanya. 'Yon ang normal para sa pamumuhay namin bilang mag-asawa. Nagkakasabay kami kumain kung minsan, pero para lang kaming magkaibang tao na nagkasabay sa isang resto. Walang nagsasalita, kahit kumusta ay wala. Still okay for me . . .Akala ko okay na, hindi na s'ya umuuwi ng lasing dahil dito na s'ya nag-iinom sa bahay. Not until, one night he came with a girl . . .Natigilan ako nang pagbuksan ko ng pinto si Steve at makitang may kasama ito. Hindi lang basta kasama dahil pagbukas ko ng aming pinto ay naghahalikan pa ang mga 'to. Titig na titig ako sa kanilang dalawa na halos kainin na ang isat’t-isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin sa kanila g
Simula nang maikasal ako, hindi na ako kinumusta pa ng mga parents ko. Kahit si mommy manlang sana, kahit text o tawag manlang sana. Pero wala . . .Napagdesisyunan ko na puntahan na lamang sila sa bahay dahil baka busy lamang ang mga ito. Itinaon ko talagang linggo para siguradong nasa bahay sila. Dahil 'yon ang araw na walang pasok ang mga office workers.Hindi ko na naman nakita si Steve paglabas ko. Malamang ay maaga itong umalis para sa panibagong babae dahil walang trabaho. Hindi naman 'yon natigil sa bahay kahit rest day. Sanay na ako . . .Nag-drive ako papunta sa subdivision namin sa San Lorenzo, katabi lang ng Village nina Amirah sa San Carlos. Pagkarating ko ay ang katulong ang sumalubong sa 'kin, si Manang Aira.“Hija, napadalaw ka? Ang tagal mo na hindi nabisita ah! Kumusta ka na?” Masayang bungad sa 'kin ni manang na s'yang lagi kong kasama sa bahay.Naglakad kami nang sabay patungo sa loob ng bahay.“Okay lang po, manang. Kayo po?”“Okay naman kami rito, hinahana
Ilang araw na akong pabalik-balik sa hospital para magpa-check kung buntis nga ako. And yes, I'm pregnant. I'm four weeks pregnant. Masayang-masaya ako sa nalaman, sa tuwa ko ay agad kong pinuntahan ang kaibigan sa Isla Haven. “A!!” masigla kong bati sa kaibigan pagkarating ko sa rest house nito.“B?” nagtataka nitong tawag sa 'kin. “Napadalaw ka?” agad itong lumapit sa 'kin at niyakap ako. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kaniya.“I have a good news!” masayang-masaya kong balita rito na lalo niyang ipinagtaka.“Good news? Kailan ka pa nagkaroon ng good news sa buhay?” agad ko itong inirapan nang pabiro.“Bastos ka kausap! Pero, ngayon mayroon na. Hindi ka ba masaya?” “M-Masaya naman. Ano ba 'yon?”Hinila ko ito palapit sa kaniyang sala at pinaupo sa sofa bago huminga nang malalim. Ang aking mga ngiti ay hindi na mabura sa labi. Nawiwirduhan naman akong tinignan ng aking kaibigan.“A . . .” Tawag ko sa pangalan niya, naghihintay naman ito ng kasunod. “I'm pregnant!” Nakan
“Why are you here? May problema?” Amirah asked. Nandito kasi ako ngayon sa resort niya sa Isla Haven para bisitahin siya. Ilang araw pa bago ako pumunta at sinigurado na wala na akong galos o pasa.“Ikaw nga dapat kong tinatanong. Bakit ka nandito? Ilang araw ka na raw hindi umuuwi ah!” Bigla itong natahimik sa aking sinabi. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan sa ilalim ng puno malapit sa dagat.“They want me to marry someone,” saad nito. “Sinabi na sa 'yo?”“No, I just accidentally heard them. They're talking about the family of the guy who they want me to marry with.” Tumingin ito sa 'kin na may malulungkot na mata. “Now, I really understand your situation. Like you, I'm started to hates my parents.” She said with sad voice.“A . . .” Tawag ko sa pangalan nito bago ko ito niyakap. “H'wag kang pumayag, please . . .”Ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. Maaaring hindi sila pareho nang lalaki, pero hindi pa rin niya ito kilala. Hindi niya alam ang puwedeng m
Ilang araw na akong hindi kinokontak ng kaibigan ko na si Amirah. Hindi ako sanay nang ganito kaya napagpasyahan ko na puntahan siya sa bahay nila sa San Carlos. Pero bigo ako dahil ilang araw na raw ito hindi umuuwi sabi ng kaniyang mommy. Umuwi muna ako dahil hapon na rin naman. Napagpasyahan ko na Bukas na lamang siya pupuntahan sa kaniyang resort at baka nandoon lang ito. May problema siguro ang isang iyon.Pagkarating ko sa bahay ay nagluto lamang ako ng gabihan kahit hindi naman ako sigurado kung dito kakain si Steve. Maghapon ito laging wala dahil sa trabaho sa company nila, tapos uuwi siya rito ay gabi na at lasing pa.Kumain ako ng mag-isa pagpatak ng gabi dahil mukhang wala na namang plano na rito kumain si Steve. Habang nagliligpit ako ng aking kinainan ay bigla namang may kumatok sa pinto. Katok na para bang gusto nang sirain ito.Siguradong si Steve na 'to . . .Agad akong tumungo sa pinto para pagbuksan ang lalaki. Lasing na lasing na ito na siyang bumungad sa '
Masakit na katawan ang nararamdaman ko bago ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa 'kin ang amoy ng hospital at ang maliwanag nitong ilaw. Sa pagdilat ng aking mga mata ay agad na may lumapit sa 'kin.“Hey! May masakit ba?” Nag-aalalang ang tinig nito.Dahan-dahan ko itong tinignan upang malaman kung sino. Nagbabakasakali na si Steve ang aking unang makikita. Pero . . .“A-Asher . . .” tawag ko sa lalaking kasama ko ngayon sa kuwarto.“May masakit ba sa 'yo? Gusto mo ba tawagan ko ang doctor? Wait lang—”“H'wag na . . .” putol ko sa kaniyang sinasabi dahil mukha itong natataranta. “Okay na ako, medyo masakit lang ang katawan ko.” Nanghihina kong saad sa kausap. Tinitigan ako nito ng ilang segundo, ito na naman ang hindi ko mabasang ekspresyon ng kaniyang mukha.“Gusto mo bang itawag ko 'to sa parents mo? O sa kaibigan mo?”“No! H'wag . . .” mabilis kong sagot.“Why?”“Ayoko silang maabala, ayoko silang mag-alala . . .” kahit na kaibigan ko lang ata ang tot
Tumagal lang kami ng ilang oras sa bahay ng parents ni Steve bago nagpaalam sa mga ito na uuwi na.Ang pag-uusap naman namin ni Asher ay hindi na rin naman tumagal, dahil biglang lumapit sa amin si Steve. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero para silang may alitan na magkapatid dahil sa tinginan nilang dalawa. Hindi ko na lamang pinansin pa.“Bisitahin n'yo naman kami ng madalas dito sa bahay,” wika ng mommy ni Steve. Hindi ko alam kung kailan pa ba kami naging close para maging ganito siya. Samantalang alam naman naming lahat na kasal lang sa pilit ang nangyari sa 'min ng kaniyang anak.Umaasa pa rin talaga sila . . .“Kapag hindi na busy, mommy,” nakangiting sagot naman ni Steve.“O sige. Mag-iingat kayo.”“Salamat po, happy birthday po ulit.” Sabi ko naman.“Salamat, hija. Hindi na nagpunta ang mommy at daddy mo. Busy raw kasi sila.” Hindi naman na bagong balita 'yon. Lagi naman talaga silang busy.Ngumiti na lamang ako.“Sige na, mom. Pakisabi na lang kay daddy na umuwi na kami.”
“Be ready, we're leaving in an hour.” Sabi ni Steve bago ito umakyat sa kaniyang kuwarto.'Yon lamang ang sinabi nito pagkapasok at hindi manlang ako tinignan. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Pero may hint na ako na tungkol ito sa family gathering kaya naghanda na rin ako.Nag-bodycon dress ako na dark blue at stilettos na black. Pinatungan ko lamang ito ng black coat. Itinaas ko ang aking buhok na naka-pony. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang aking sling bag.Paglabas ko ay saktong labas lang din naman ni Steve. Saglit lamang itong napatingin sa akin bago ako nilampasan at naunang bumaba ng hagdan. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kaniya.Nagdire-diretso ito sa kaniyang sasakyan kaya sumunod ulit ako at naupo sa passenger seat. Pagkasakay ko ay agad niya itong pinaandar kahit hindi ko pa naikakabit ang aking seatbelt.“Saan tayo pupunta?” tanong ko rito habang nagkakabit ng seatbelt.“My mom's birthday.” Maikling sagot nito.Tss. Hindi manlang si
Pinalampas ko ang nangyari nang araw na 'yon. Nanahamik ako, wala s'yang narinig mula sa 'kin. Wala rin naman itong binanggit na kahit ano nang araw din na 'yon.Balik kami sa normal na parang walang nangyari. Ibig kong sabihin sa normal namin ay . . . nagpapakaasawa ako sa kaniya, at hindi naman ako nage-exist para sa kanya. 'Yon ang normal para sa pamumuhay namin bilang mag-asawa. Nagkakasabay kami kumain kung minsan, pero para lang kaming magkaibang tao na nagkasabay sa isang resto. Walang nagsasalita, kahit kumusta ay wala. Still okay for me . . .Akala ko okay na, hindi na s'ya umuuwi ng lasing dahil dito na s'ya nag-iinom sa bahay. Not until, one night he came with a girl . . .Natigilan ako nang pagbuksan ko ng pinto si Steve at makitang may kasama ito. Hindi lang basta kasama dahil pagbukas ko ng aming pinto ay naghahalikan pa ang mga 'to. Titig na titig ako sa kanilang dalawa na halos kainin na ang isat’t-isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin sa kanila g
Ang balak kong gigising ng maaga para hindi maabutan ni Steve ang nangyari ay hindi ko nagawa. Dahil nagising ako na wala na sa tabi ko ang binata. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naging reaction niya nang malamang ako ang kasiping niya kagabi. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama, binalot ang sarili sa comforter ni Steve. Napapikit ako sa isiping baka nandidiri na sa' kin ngayon si Steve dahil hindi si Nicole ang nakatabi niya.Napamulat ako dahil sa pagbukas ng pinto sa banyo. Doon, lumabas ang hinahanap ko. Nakatabing lamang ito ng towel sa pambaba at walang saplot pang itaas. Itinaas ko naman lalo ang comforter habang napapalunok sa kaba.Walang emosyon ako nitong tinignan habang nagtutuyo ito ng kaniyang buhok.“Ano pang ginagawa mo r'yan? Bakit hindi ka pa magbihis at bumalik sa kuwarto mo?” Malamig nitong tanong bago pumasok sa loob ng kaniyang walk-in-closet.Nanlulumo naman akong nagbihis habang nasa loob pa s'ya. Pagkatapos ko magbihis ay lumingon pa ako sa pina