author-banner
Mhadz_T.K
Mhadz_T.K
Author

Novels by Mhadz_T.K

Despised Relationships

Despised Relationships

Every woman's dream is to have a happy family, a loving husband who treats her like a princess. But no two are exactly alike, because on the other hand not everyone is lucky enough to have it. Brianna is the woman who dreamed about this kind of happy ending. But little did she know, she would experience the paradox of it. She married the man who cheated on her multiple times, hit her whenever he's drunk and doesn't even care about her pregnancy. Why is she staying with this kind of person? Almost an evil. She suffered a lot, because of her love for this man, yet she still chooses him. Will Briana long to this cruelty forever?
Read
Chapter: Chapter Twenty
Simula nang maikasal ako, hindi na ako kinumusta pa ng mga parents ko. Kahit si mommy manlang sana, kahit text o tawag manlang sana. Pero wala . . .Napagdesisyunan ko na puntahan na lamang sila sa bahay dahil baka busy lamang ang mga ito. Itinaon ko talagang linggo para siguradong nasa bahay sila. Dahil 'yon ang araw na walang pasok ang mga office workers.Hindi ko na naman nakita si Steve paglabas ko. Malamang ay maaga itong umalis para sa panibagong babae dahil walang trabaho. Hindi naman 'yon natigil sa bahay kahit rest day. Sanay na ako . . .Nag-drive ako papunta sa subdivision namin sa San Lorenzo, katabi lang ng Village nina Amirah sa San Carlos. Pagkarating ko ay ang katulong ang sumalubong sa 'kin, si Manang Aira.“Hija, napadalaw ka? Ang tagal mo na hindi nabisita ah! Kumusta ka na?” Masayang bungad sa 'kin ni manang na s'yang lagi kong kasama sa bahay.Naglakad kami nang sabay patungo sa loob ng bahay.“Okay lang po, manang. Kayo po?”“Okay naman kami rito, hinahana
Last Updated: 2023-03-01
Chapter: Chapter Nineteen
Ilang araw na akong pabalik-balik sa hospital para magpa-check kung buntis nga ako. And yes, I'm pregnant. I'm four weeks pregnant. Masayang-masaya ako sa nalaman, sa tuwa ko ay agad kong pinuntahan ang kaibigan sa Isla Haven. “A!!” masigla kong bati sa kaibigan pagkarating ko sa rest house nito.“B?” nagtataka nitong tawag sa 'kin. “Napadalaw ka?” agad itong lumapit sa 'kin at niyakap ako. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kaniya.“I have a good news!” masayang-masaya kong balita rito na lalo niyang ipinagtaka.“Good news? Kailan ka pa nagkaroon ng good news sa buhay?” agad ko itong inirapan nang pabiro.“Bastos ka kausap! Pero, ngayon mayroon na. Hindi ka ba masaya?” “M-Masaya naman. Ano ba 'yon?”Hinila ko ito palapit sa kaniyang sala at pinaupo sa sofa bago huminga nang malalim. Ang aking mga ngiti ay hindi na mabura sa labi. Nawiwirduhan naman akong tinignan ng aking kaibigan.“A . . .” Tawag ko sa pangalan niya, naghihintay naman ito ng kasunod. “I'm pregnant!” Nakan
Last Updated: 2023-03-01
Chapter: Chapter Eighteen
“Why are you here? May problema?” Amirah asked. Nandito kasi ako ngayon sa resort niya sa Isla Haven para bisitahin siya. Ilang araw pa bago ako pumunta at sinigurado na wala na akong galos o pasa.“Ikaw nga dapat kong tinatanong. Bakit ka nandito? Ilang araw ka na raw hindi umuuwi ah!” Bigla itong natahimik sa aking sinabi. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan sa ilalim ng puno malapit sa dagat.“They want me to marry someone,” saad nito. “Sinabi na sa 'yo?”“No, I just accidentally heard them. They're talking about the family of the guy who they want me to marry with.” Tumingin ito sa 'kin na may malulungkot na mata. “Now, I really understand your situation. Like you, I'm started to hates my parents.” She said with sad voice.“A . . .” Tawag ko sa pangalan nito bago ko ito niyakap. “H'wag kang pumayag, please . . .”Ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. Maaaring hindi sila pareho nang lalaki, pero hindi pa rin niya ito kilala. Hindi niya alam ang puwedeng m
Last Updated: 2023-03-01
Chapter: Chapter Seventeen
Ilang araw na akong hindi kinokontak ng kaibigan ko na si Amirah. Hindi ako sanay nang ganito kaya napagpasyahan ko na puntahan siya sa bahay nila sa San Carlos. Pero bigo ako dahil ilang araw na raw ito hindi umuuwi sabi ng kaniyang mommy. Umuwi muna ako dahil hapon na rin naman. Napagpasyahan ko na Bukas na lamang siya pupuntahan sa kaniyang resort at baka nandoon lang ito. May problema siguro ang isang iyon.Pagkarating ko sa bahay ay nagluto lamang ako ng gabihan kahit hindi naman ako sigurado kung dito kakain si Steve. Maghapon ito laging wala dahil sa trabaho sa company nila, tapos uuwi siya rito ay gabi na at lasing pa.Kumain ako ng mag-isa pagpatak ng gabi dahil mukhang wala na namang plano na rito kumain si Steve. Habang nagliligpit ako ng aking kinainan ay bigla namang may kumatok sa pinto. Katok na para bang gusto nang sirain ito.Siguradong si Steve na 'to . . .Agad akong tumungo sa pinto para pagbuksan ang lalaki. Lasing na lasing na ito na siyang bumungad sa '
Last Updated: 2023-02-22
Chapter: Chapter Sixteen
Masakit na katawan ang nararamdaman ko bago ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa 'kin ang amoy ng hospital at ang maliwanag nitong ilaw. Sa pagdilat ng aking mga mata ay agad na may lumapit sa 'kin.“Hey! May masakit ba?” Nag-aalalang ang tinig nito.Dahan-dahan ko itong tinignan upang malaman kung sino. Nagbabakasakali na si Steve ang aking unang makikita. Pero . . .“A-Asher . . .” tawag ko sa lalaking kasama ko ngayon sa kuwarto.“May masakit ba sa 'yo? Gusto mo ba tawagan ko ang doctor? Wait lang—”“H'wag na . . .” putol ko sa kaniyang sinasabi dahil mukha itong natataranta. “Okay na ako, medyo masakit lang ang katawan ko.” Nanghihina kong saad sa kausap. Tinitigan ako nito ng ilang segundo, ito na naman ang hindi ko mabasang ekspresyon ng kaniyang mukha.“Gusto mo bang itawag ko 'to sa parents mo? O sa kaibigan mo?”“No! H'wag . . .” mabilis kong sagot.“Why?”“Ayoko silang maabala, ayoko silang mag-alala . . .” kahit na kaibigan ko lang ata ang tot
Last Updated: 2023-02-22
Chapter: Chapter Fifteen
Tumagal lang kami ng ilang oras sa bahay ng parents ni Steve bago nagpaalam sa mga ito na uuwi na.Ang pag-uusap naman namin ni Asher ay hindi na rin naman tumagal, dahil biglang lumapit sa amin si Steve. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero para silang may alitan na magkapatid dahil sa tinginan nilang dalawa. Hindi ko na lamang pinansin pa.“Bisitahin n'yo naman kami ng madalas dito sa bahay,” wika ng mommy ni Steve. Hindi ko alam kung kailan pa ba kami naging close para maging ganito siya. Samantalang alam naman naming lahat na kasal lang sa pilit ang nangyari sa 'min ng kaniyang anak.Umaasa pa rin talaga sila . . .“Kapag hindi na busy, mommy,” nakangiting sagot naman ni Steve.“O sige. Mag-iingat kayo.”“Salamat po, happy birthday po ulit.” Sabi ko naman.“Salamat, hija. Hindi na nagpunta ang mommy at daddy mo. Busy raw kasi sila.” Hindi naman na bagong balita 'yon. Lagi naman talaga silang busy.Ngumiti na lamang ako.“Sige na, mom. Pakisabi na lang kay daddy na umuwi na kami.”
Last Updated: 2023-02-20
DMCA.com Protection Status