Agad kong hinubad ang heels na suot ko nang makasakay kami sa kotse. Natatawang napailing pa sa akin si Alejandro bago ito nagsimulang paandarin ang makita."My feet is hurting," nakalabing saad ko dito.Ngumisi ito sa akin. "Do you want me to massage it later?"Hindi ko maiwasang mapairap dahil sa tanong niya. Sa kislap pa lang ng mga mata niya at ngiting nakasilay sa labi niya alam kong may iba siyang binabalak maliban sa pagmamasahe ng pagod kong mga paa.Sasagot pa sana ako sa kanya pero nagsalubong ang mga kilay ko nang sabay na tumunog ang cellphone naming dalawa. Mabilis na kinuha ko ang phone ko mula sa clutch bag na dala ko. Si Joana ang tumatawag sa akin.. Hindi maiwasang kumabog ng malakas ng didbdib ko habang sinasagot ang tawag. Ramdam kong may nangyari dahil hindi sila tatawag sa amin ng sabay kung wala. Habang si Alejandro naman ay sinagot ang tawag habang connected sa speaker ng kotse ang cellphone niya. Si Manang Rita naman ang tumaatawag dito. "Hello?Jude, si Ant
"Magpahinga kana, huwag kang mag-alala, siguradong gagawin ni Sir Jude ang lahat para mabawi si Antalia. Tumawag na rin kami sa mga police para humingi ng tulong," saad ni Manang Rita nang makapasok kami sa kwarto ko.Alam ko namang hindi titigil si Alejandro hangga't hindi namin nababawi si Antalia pero hindi ko maiwasang mag-alala. Paano kung saktan nila ito? Hindi ko kayang isipin na umiiyak ito habang ang mga demonyong kumuha dito ay nagtatawanan. Kahit na wala na akong lakas para kumilos ay pinilit kong magtungo sa bathroom para magpalit.Matapos kong magpalit ay nagtungo ako muli sa kama. Kahit masakit ang mga binti ko ay hindi ko magawang magpahinga. Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nakikitang muli si Antalia. Kailangan ko munang masiguradong ligtas siya, saka pa lang ako mapapanatag.Muli akong tumayo sa kama at nagtungo sa kwarto ni Antalia. Magulo pa ang kama nito senyales na may natulog pa doon. Hindi ko mapigilang damhin ang kama niya, siguro kung hindi kami umalis
Mabilis akong bumaba sa kotse ko nang makarating ako sa tapat ng isang malaking bahay. Nasa tagong lugar ang bahay. Napapaligiran ito nang matataas na puno ng niyog at walang kapitbahay. It's more like a farm house. Dahil dumaan muna ako sa mawalak na kaparangan kanina bago ako nakarating sa mismong bahay. May isang kotse at van na nakaparada doon. Agad na bumukas ang pinto nang bumaba ako ng kotse. Agad na sumilakbo ang galit sa dibdib ko nang makita ko si Claribel sa pintuan na nakatayo at nakangisi sa akin. May kasama itong dalawang lalaki na may dalang mga baril. Kahit gusto ko siyang sugurin ay pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong wala akong laban sa mga armadong lalaking kasama niya. "Sigurado ka bang wala kang kasama?" paninigurado nito. "May nakita ka bang iba maliban sa akin?" balik tanong ko sa kanya. Pinilit kong magmukhang matapang sa harapan niya kahit na kumakabog ang dibd/b ko sa kaba. Alam kong kaunting pagkakamali ko lang ay maari nila akong saktan. Lihim a
"You must be lying," hindi naniniwalang saad ko.Kung siya ang totoong ama ni Antalia, napakawalang kwentang ama niya kung ganoon. Nasa paligid lang siya ng matagal na panahon pero hindi niya nagawang magpakilala tapos ngayon nagawa niyang ipadukot ang bata? "He is not lying, he raped my sister's, he is obsessed with Natalia, but he did not contented, he even killed her. It was not an accident, that man killed my sister!" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Laura pero nginisihan lang ito ni Connor.Nagpipilit itong makawala sa pagkakahawak sa kamay ng dalawang lalaki. Habang ako naman ay tila hindi makapaniwala sa mga narinig ko. "It's not my fault. I just want to fuck her, but she resisted, so I accidentally pushed her on the stairs," wika nito na akala mo ay hindi nakagawa ng krimen.Hindi ko maiwasang mangalit sa galit dahil sa narinig ko. Napakasama niya. Paano niya nagawa ang ganoong bagay at umakto na parang wala siyang nagawang kasalanan? Anong klaseng nilalang siya? Wala siyang p
Biglang binitawan ni Laura ang hawak niyang baril at napaupo na lang habang sapo ang mukhang luhaan. Nang lingunin ko si Connor ay nakatiya na ito sa lupa at duguan. May tama ito sa bandang tiyan.Tumayo naman si Alejandro at inalalayan niya akong tumayo na rin. Hiwakan niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit."It's over, you are safe now,"bulong nito sa akin habang hinahalikan ang noo ko at hinahagod ang ulo ko.Mahigpit na napayakap ako sa kanya. Saka lang parang nag-sink in sa akin ang lahat, parang bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nagmala-action star ako kanina, nakalimutan kong buntis nga pala ako. Mabuti na lang at walang nangyari sa dinadala ko.Saka pa lang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang tumulo dahil pinipilit kong maging matapang sa harap ni Connor.Mabilis na kumilos ang mga pulis na naroroon at nang masigurado nang mga ito na humihinga pa si Connor ay mabilis nila itong isinakay sa stretcher. Napatingin na lang ako sa papalayong mobile car.Hab
WARNING: VIOLENCE, CRIMETuluyang nang nakulong si Connor kasama ng mga tauhan nito. Gaya nga ng inaasahan ko dahil masamang damo ito ay matagal itong mamatay. Hindi naman grabe ang pagkakabaril dito ni Laura. Si Laura naman ay nakalaya rin ng mismong gabing hinuli siya ng mga pulis sa tulong na rin ng kapatid kong si Kelvin.Maayos na ang lahat. Tapos na ang gulo at nasa kinalalagyan na nila ang mga taong may masamang balak sa amin. Bumalik na rin sa eskwela si Antalia pero mas naging mahigpit ang bantay nito dahil na rin sa nangyari sa kanya. Malaki rin ang pasasalamat ko na hindi ito na-trauma sa nangyari pero pinasuri pa rin ito ni Alejandro sa espesyalista upang masigurong walang magiging problema sa anak.Si Alejandro naman ay gaya ng dati dito na rin siya sa bahay nag-oopisina. Mag-iisang linggo na ang nakakaraan. Nakiusap na rin ako kay Kelvin na huwag nang banggitin sa mga magulang namin ang nangyari. Alam kong mag-aalala lang ng husto sina mama at papa. Okay naman na ako, w
Tatlong araw ang nakalipas mula nang magkausap kami ni Laura at tatlong araw na rin mula ng mabalitaan namin ang nangyari kay Connor. Napatay ito sa selda nang makursunadahan ito ng mga preso pero bago mangyari iyon ay napatay pa muna nito si Claribel. Hindi ko mapigilang manghinayang sa kanila. Sinayang nila ang mga buhay nila dahil lang sa mga kabaliwan nila. Nagtungo ako sa library kong nasaan si Antalia at abala sa pagpipinta. Nakangiting lumapit ako sa kanya. Hindi pa niya ako napansin dahil nakatutok ang atensyon nito sa ginagawa. "Hi, what are you painting?" agaw ko sa atensyon niya. Ngumiti siya sa akin. May mga pangkulay na rin na nagkalat sa mukha niya. "Our family. This dad." Itinuro niya ang isang lalaking tikwasang kilay habang nakasimangot. Hindi ko maiwasang matawa sa hitsura ni Alejandro." This is you." Itinuro naman nito ang isang babaeng may malaking tiyan. "You have a big tummy because you are pregnant and I will gonna have a sibling soon. This is me." Turo nito s
Dumating na ang gabi pero hindi ko pa rin kinakausap si Alejandro matapos ang nalaman ko. Gusto kong malaman niya na nagtatampo ako dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko naisahan niya ako. Alam ko naman na sigurista siya pero hindi ko naman inaasahan na aabot sa puntong gagawa siya ng paraan para maikasal kami ng hindi ko alam. "Wife," tawag nito sa pansin ko pero hindi ko siya nilingon. Inabala ko ang sarili ko sa pagsusuklay sa harap ng salamin. Nakita ko itong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Hindi ko paiwasang mapasimangot. Ang bilis naman niyang sumuko sa panunuyo sa akin. Umalis agad. Nagdadabog na nagtungo ako sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at gigil na naglaro ng candy crush. Lahat ng inis na nararamdaman ko kay Alejandro ay doon ko binuhos pero agad na napaangat ang ulo ko nang makita ko siyang muling pumasok sa kwarto ko. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakasuot ito ngsuit and tie. Saan ito pupunta? Bakit gabi na yatang masyado ang lakad nito? Binigay nito a