Sumama ako kay Ate Emma sa paggo-grocery. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya pinapayagan nila akong sumama kahit na ayaw pa rin nila akong pagawain ng mga gawaing bahay lalo na ngayon alam na nila ang tungkol sa amin ni Alejandro.Maging si Joana ay hindi na rin ako inaaway mula ng huli kaming magbangayan. Hindi ko na rin nakikita ang mga mata niya na namumuti kapag nakikita ako. Wala naman na siyang magagawa. Girlfriend na ako ni Alejandro kaya kahit magngitngit siya walang mangyayari.Mabuti na lang talaga at kahit alam na nila ang tungkol sa amin ni Alejandro ay hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Realationship status lang namin ni Alejandro ang nagbago pero maliban doon gaya pa rin ng dati ang routine ko dito sa bahay. Hinatid at sinusundo ko pa rin si Antalia. I am still her nanny kahit lantaran na niya akong tinatawag na mommy sa harap ng lahat.Pumunta ako sa fruit section habang nasa meat section naman si Ate Emma kasama si Fernan.Kumuha ako ng mga grapes at inilg
Hindi ko tinanong si Alejandro tungkol sa larawang nakita ko. Ni hindi ko nabanggit sa kanya na may nakita akong larawan. Hindi ko alam kung bakit nakasingit iyon sa libro. Tinatago ba niya? Hindi ko alam. Gusto ko mang malaman pero natatakot akong magtanong. Baka kasi masaktan lang ako sa isasagot niya.Hindi ko mapigilang matawa sa aking sarili. Na-inlove lang ako pakiramdam ko naging duwag na ako. At dahil naduduwag akong magtanong sa kanya nanatili nalang akong tahimik.Siguro naman sa tamang panahon sasabihin din niya sa akin ang lahat. Hindi pa lang siguro siya handang pag-usapan ang mga bagay na iyon. Kaya bibigyan ko siya ng benefit of the doubt hangga't wala naman akong nakikitang masama sa ikinikilos niya.Maaring magkita silang muli, malaki ang posibilidad at sana kapag nangyari iyon wala pa ring magbabago sa nararamdaman niya para sa akin. I trust him, kahit na minsan hindi ko maiwasang mag-overthink. He said he loves me at iyon ang panghahawakan ko.Our days continue the
Nakita kong malaki ang ngiti ni Freda habang kumakaway ng pumasok ako sa coffee shop."Wow, you look good. Parang mas gumanda ka yata nang huli tayong magkita. Blooming ka, halatang may dilig," walang pasakalyeng bungad nito nang makaupo ako sa tapat niya."I am just applying in real life what I was writing," nakangising sagot ko sa kanya.Umirap ito dahil sa naging sagot ko. "Ikaw na ang La Niña."Tinawanan ko lang ang sinabi niya. "Bakit ka ba napatawag bigla? Kung book signing na naman ang dahilan sinasabi ko na sayo. Wala akong balak na umattend," agad ay tanggi ko kahit na hindi ko pa naman talaga alam ang pakay niya."Well, it's not a book signing, but an annual ball, we are all writers are invited this year," anunsyo nito at inabot sa akin ang isang maliit na sobre. "It is also the welcome party to The New President of Emerald. I know you are not interested with the bosses but you can try to attend. It's a party."Totoo naman ang sinasabi nito. I once met Ms. Lorenza when I s
"Sa kanto na lang manong," saad ko sa driver.Bumaba ako sa tapat nang isang restaurant. Gutom na ako kaya uunahin ko muna ang tiyan ko bago umuwi. Napangiti ako nang makaamoy ako ng mga pagkain.Biglang tumunog ang tiyan ko kaya mabilis akong naghanap ng table at umupo. Kaagad kung kinuha ang menu at binuksan iyon para maghanap ng makakain.I order Katsu Don at assorted sushi. Green tea naman ang drinks ko. Hindi naman nagtagal at dumating na ang order ko."Thank you!" masayang saad ko sa waiter na nagdala ng pagkain ko.Narinig kung nagring ang selpon ko pero hindi ko na iyon pinansin. Gutom na ako kaya mamaya na ako abalahin ng kung sino mang tumatawag.Asar na kinuha ko ang selpon ko at pinatay ito na hindi tinitingnan ang caller bago muling bumalik sa pagkain.Magana akong kumain. Ngayon lang ulit ako nakakain sa labas na mag-isa. Mula kasi nang magtrabaho ako bilang nanny ni Antalia ay hindi na ako nakakalabas. Hindi naman sa pinagbabawalan ako pero hindi naman na ako pwedeng l
It's already Sunday. Alejandro and I are okay after what happened yesterday. I really did not mean to make him angry. I know it's my fault, that's why I paid for it last night. Well, he seems to love my payment because he woke up with a big grin on his face. That man. Antalia and I are in the garden now. She is sitting on a hanging chair, while I am comfortable sitting on the carpet. She is secretly eating chocolates that I gave her because her father is too strict when it comes to eating sweets, so I hide some chocolates in my room and let her eat them secretly. While I am eating cashew nuts again, this is my new favorite. I am thinking of a gift that I should give to Alejandro. Time flies too fast when we are happy. Four days from now on will be our first month as an official boyfriend-girlfriend. I am not a gift giver, but I want to give him something. The problem is he has already had everything, that's why my head hurts thinking of what I should give him. I heard a car engine c
Nakita ko si Claribel na nakaupo sa may terrace at tila kinikilig habang nagbabasa kaya nilapitan ko siya. Namula ang mukha niya nang makita ako. Ako naman ay napatigil habang nakatingin sa binabasa niya. Mabilis niyang itinago sa likod niya ang librong hawak habang nahihiyang ngumiti sa akin. Ngumiti ako sa kanya at naupo sa tapat niya. "Ahm... ano... bakit ba ako nahihiya? Normal lang naman magbasa ng libro. I mean spg na libro, hindi naman na ako bata," saad niya pero hindi makatingin sa akin ng tuwid. "Oo naman," nakangiting sagot ko sa kanya. Kung alam lang niya na ako ang author ng librong binabasa niya. Hindi ko naman pwede sabihin sa kanya dahil gusto kong manatiling walang nakaalam ng isa pang trabaho ko. Pero masaya ako malaman na isa siya sa mga nagbabasa ng mga kababalaghang sinulat ko. Pero sa pagkakatanda ko medyo spg ngang masyado ang librong iyon kumpara sa ibang naisulat ko. "Maganda naman ang kwento niya. Alam mo ba na sikat ang writer nito pero never siya nagk
Pagdating namin sa bahay galing sa pagsundo kay Antalia ay nagtungo agad ako sa kwarto ko para kunin ang naiwan kong cellphone kanina. Habang si Antalia naman ay nasa sala at nagmemeryenda gaya ng lagi niyang nakagawian. Nagulat ako ng makita ko si Alejandro na nasa loob ng kwarto ko. Nakaupo ito sa kama ko na tila ba hinihintay ako. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya, sa dami kasi niyang sasakyan hindi ko na napapansin minsan kung alin ba ang ginagamit niya kaya hindi ko alam kung nakauwi na siya. "Hi," nakangiting bati ko sa kanya bago tuluyang pumasok ng kwarto. May pilyong mga ngiti ang mga labi nito habang nakatingin sa akin. Nagtatanong na tiningnan ko siya. Napabuka ang bibig ko ng makita ko ang hawak niya ng itaas niya ang kamay. It's Claribel's book. Pinatabi nga pala niya iyon sa akin kanina. Don't tell me iniisip niya sa akin iyon? Na nagbabasa ako ng ganoon? Well, hindi nga ako nagbabasa. Nagsusulat lang, mas malala pa pala ako. "I didn't know you read something l
I went to the mall. Pagkatapos naming umuwi galing sa paghahatid kay Antalia ay nagpaalam ako na lalabas muna. Muling nag-volunteer si Fernan na samahan ako ngunit mabilis lamang naman ako kaya hindi na ako nagpasama sa kanya.Nagtaxi na lang ako papuntang mall. Umikot-ikot ako sa mall para maghanap ng kung ano ba ang magandang iregalo kay Alejandro. Nahihirapan akong bilhan siya ng regalo, lahat naman kasi parang meron na siya.Pumasok ako sa isang perfume store. Napangiti ako ng makita ko ang paborito niyang pabango. Lumapit ako doon pero napatigil ako nang bigla akong may maalala. Ang post ni Laura kung saan may hawak siya ng kaparehong pabango. Muli akong lumabas sa shop. Napatigil ako nang may marita akong mga relo mula sa labas ng isang store. Sa brand pa lang ng relo alam kong hindi na biro ang halaga noon. Pero hindi ko naman kailangang isipin ang halaga. Nakangiting pumasok ako sa loob ng store. Naghanap ako ng relong sa tingin ko ay babagay sa kanya. Alejandro is a busy ma