Nagtatakang tumingin ako kay Alejandro nang huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang mataas na building.Napatingala ako at nabasa ko ang isang malaking sign board na umiilaw, RIVAS. Hindi ko maiwasang mapatingala dahil sa taas ng gusaling nasa harapan namin. Lumingon ako sa kanya. "This is your company?" tanong ko sa kanya.Tumango ito. "Yeah," sagot niya at pinatay ang makina ng kotse at mabilis na bumaba.Wow. He is really rich. Pakiramdam ko sinampal ako ng kahirapan habang nakatingin sa gusaling napakaraming palapag. I did not just catch a fish, I caught a big blue whale. Pero siyempre hindi naman pera ang habol ko sa kanya. Kahit na tinatawag siyang sugar daddy ko raw sabi ni Kelsy. Hindi kasi nito alam na si Alejandro ang tinutukoy nitokaya kung ano-anoang naiisip na itawag.Pinagbuksan niya si Antalia ng pinto. Naka-dress na ngayon si Antalia hindi gaya kanina sa mall na naka-uniform pa siya. Hindi na kasi niya hinubad ang nagustuhan niyang dress. Ayaw na nitong hubarin
Tumikhim ako para tanggalinang bara sa lalamunan ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na napahiya ako at ramdam ko ang disppointment dahil umasa ako.Umikot ang tingin sa paligid. Then what is the meaning of this? Bakit may pa balloons at flower petals siya dito? Bakit niya kami dinala dito? Prank lang ba ito? Bakit may paganito siya?Biglang lumikot ang mga mata ko nang maalala ko si Antalia. Asan na nga pala ang batang iyon? Nawili ako sa panonood ng fireworks na akala ko hinanda para sa akin kaya nakalitaan ko ang tungkol sa kanya. Sa kaka-assume ko nakalimutan ko ang alaga ko.Mabilis akong kumilos at inilbot muli ang paningin ko kahit na ang maliwanag naparte lamang ay ang gitnang bahagi kung nasaan kami ngayon.Lalakad na sana ako para umalis sa hugis pusong kinaroroonan namin ngayon ni Alejandro nang biglang muling umilaw ang paligid. Napatigil ako nang makita ko ang mga ilaw na tila naglalaro sa kalangitan. Hindi ko na sana iyon papansinin dahil baka mabokya na naman ako.
"Good night... oh no... it's already morning, so good morning," saad ko kay Alejandro nang matanggal ko na ang lock ng seatbealt ko at mabilis na humalik sa pisngi niya.Mabilis niya akong nahawakan sa braso para pigilang lumabas nang akmang bubuksan ko na ang pinto."Where is my good morning kiss?" tanong nito.Sarkastikong nginitian ko siya. Talagang naghahanap pa siya ng good morning kiss eh kaya nga inumaga na kami ng uwi dahil hindi lang kiss ang ginawa namin. Kung hindi ko pa siya pinilit ay hindi pa niya ako tatantanan at hindi pa kami makakauwi."Aren't you afraid to be overdosed?""Nope," umiling pa ito. "Your lips is one my favorite addiction," he answered and give me a lustful smile. His eyes traveled to my body. Pinanlakihan ko ito ng mga mata."Enough, Rivas. Let me rest," pakiusap ko sa kanya."I still have an energy... I will do the work, you will just enjoy what I am doing," malanding saad nito sa akin habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa aking mga mata. Til
Matapos ang good morning with breakfast in bed ni Alejandro ay mabilis ko itong pinalabas ng kwarto ko kahit tila ayaw pa nito. Pero kung hindi ko siya papalabasin ng kwarto ko baka humirit na naman siya. Alam ko na kami na pero wala pa namang nakakaalam ng relasyon namin dito sa bahay.Claribel may have an idea at ngayon pakiramdam ko maging si Manang Rita may alam na rin pero kahit namay alam na sila ayoko pa rin na makikita nila si Alejandro palagi sa kwarto ko. Baka kung ano isipin nila kahit naman tama ang iniisip nila. May kahihiyan pa rin naman ako sa katawan, si Alejandro hindi ko alam. Mukhang hindi naman siya natatakot na may makakita sa kanya kaya ako ang nahihirapan.Noong hindi ko pa nga siya boyfriend bigla na lang siya pumapasok sa kwarto ko, paano pa kaya ngayong may label na kami? Sigurado akong mas magiging pasaway na ito.Dumiretso na ako sa shower nang makaalis si Alejandro. Hindi ako pwedeng lumabas tapos nakakapit sa akin ang amoy niya. "Good morning!" nakangit
Napakunot ang noo ko nang pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko ang kotse ni Kelvin.Kagagaling ko pa lang sa school ni Antalia dahil hinatid namin ito ni Fernan papasok.Alas otso pa lang ng umaga pero bakit nandito na ang kapatid ko? Kilala ko ang kotse niya dahil tandang-tanda ko ang plate number noon. Isa pa madalas akong sumakay sa kanya. May nakita rin akong isa pang kotse sa dami ng sasakyan ni Kelvin.Mabilis akong pumasok sa kabahayan. Nakita ko si Claribel na may dalang tray na may tatlong orange juice."May bisita ba?" tanong ko sa kanya kahit may ideya na ako kung sino ang dumating."Oo, nandiyan ang mga kaibigan ni sir," malapad ang ngiting saad ni Claribel. "Sandali lang, ihahatid ko lang sa kanila ito." Dumiretso na ito patungo sa may pool area.Mukhang excited pa ito.Ano naman kaya ang ginagawa ng magaling kong kapatid dito ng ganito kaaga?Sa ilang buwan kong pananatili dito ay ngayon lang siya pumunta rito.Sumunod ako kay Claribel pero balak ko lang sana silang silip
Sumama ako kay Ate Emma sa paggo-grocery. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya pinapayagan nila akong sumama kahit na ayaw pa rin nila akong pagawain ng mga gawaing bahay lalo na ngayon alam na nila ang tungkol sa amin ni Alejandro.Maging si Joana ay hindi na rin ako inaaway mula ng huli kaming magbangayan. Hindi ko na rin nakikita ang mga mata niya na namumuti kapag nakikita ako. Wala naman na siyang magagawa. Girlfriend na ako ni Alejandro kaya kahit magngitngit siya walang mangyayari.Mabuti na lang talaga at kahit alam na nila ang tungkol sa amin ni Alejandro ay hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Realationship status lang namin ni Alejandro ang nagbago pero maliban doon gaya pa rin ng dati ang routine ko dito sa bahay. Hinatid at sinusundo ko pa rin si Antalia. I am still her nanny kahit lantaran na niya akong tinatawag na mommy sa harap ng lahat.Pumunta ako sa fruit section habang nasa meat section naman si Ate Emma kasama si Fernan.Kumuha ako ng mga grapes at inilg
Hindi ko tinanong si Alejandro tungkol sa larawang nakita ko. Ni hindi ko nabanggit sa kanya na may nakita akong larawan. Hindi ko alam kung bakit nakasingit iyon sa libro. Tinatago ba niya? Hindi ko alam. Gusto ko mang malaman pero natatakot akong magtanong. Baka kasi masaktan lang ako sa isasagot niya.Hindi ko mapigilang matawa sa aking sarili. Na-inlove lang ako pakiramdam ko naging duwag na ako. At dahil naduduwag akong magtanong sa kanya nanatili nalang akong tahimik.Siguro naman sa tamang panahon sasabihin din niya sa akin ang lahat. Hindi pa lang siguro siya handang pag-usapan ang mga bagay na iyon. Kaya bibigyan ko siya ng benefit of the doubt hangga't wala naman akong nakikitang masama sa ikinikilos niya.Maaring magkita silang muli, malaki ang posibilidad at sana kapag nangyari iyon wala pa ring magbabago sa nararamdaman niya para sa akin. I trust him, kahit na minsan hindi ko maiwasang mag-overthink. He said he loves me at iyon ang panghahawakan ko.Our days continue the
Nakita kong malaki ang ngiti ni Freda habang kumakaway ng pumasok ako sa coffee shop."Wow, you look good. Parang mas gumanda ka yata nang huli tayong magkita. Blooming ka, halatang may dilig," walang pasakalyeng bungad nito nang makaupo ako sa tapat niya."I am just applying in real life what I was writing," nakangising sagot ko sa kanya.Umirap ito dahil sa naging sagot ko. "Ikaw na ang La Niña."Tinawanan ko lang ang sinabi niya. "Bakit ka ba napatawag bigla? Kung book signing na naman ang dahilan sinasabi ko na sayo. Wala akong balak na umattend," agad ay tanggi ko kahit na hindi ko pa naman talaga alam ang pakay niya."Well, it's not a book signing, but an annual ball, we are all writers are invited this year," anunsyo nito at inabot sa akin ang isang maliit na sobre. "It is also the welcome party to The New President of Emerald. I know you are not interested with the bosses but you can try to attend. It's a party."Totoo naman ang sinasabi nito. I once met Ms. Lorenza when I s