Scarlet's POV"Boo!" "LJ, nakakainis ka na talaga!" reklamo ko nang muling pulutin ang phone dahil nai-hagis ko ito sa gulat. "Ayaw ko na nga!" huling sabi ko at pinutol ang tawag namin. Sabay kasi kaming nanonood ng movie sa messenger. Horror ang napili naming panoorin kaysa sa brutalang thriller. Gusto ko ng romance pero tumanggi ang kasama ko.Time flies like a blur and both LJ and I beacame closer to each other. Palagi kaming nag-uusap sa telepono tuwing uwian hanggang sa magdamagan. Love Joshua: Sorry. Love Joshua: Please answer my call. Love Joshua: Seen? Love Joshua: K. Love: G'night. Napanguso ako dahil sa pagsusungit niya. Grabe talaga 'tong lalakeng 'to! Ang ikli ng pasensya. 'Di man lang galingan manuyo! Sa huli ay ako na ang tumawag sa kanya. Akala ko ay matagal niyang sasagutin dahil nagtatampo siya pero agad niyang sinagot iyon. "Susuyuin na ba kita?" tukso ko sa kanya. "No need. I'm not your boyfriend!" Mas lalong lumawak ang ngisi ko nang mahimigan ang pagt
He turned to face me. "Let's sleep," he answered and pulled my hand, which is holding the hair dryer, down.Nanikip ang dibdib ko ramdam ko ang paggilid ng mga luha ko dahil sa pag-ignora niya sa sinabi ko. "Please?" ulit ko.Napalunok ako nang gumalaw ang panga niya. "Let's just sleep." Siya na ang nagbalik ng hair dryer sa lalagyan nito at pinalitan niya ng dim ang ilaw bago siya bumalik sa kama. "So, it's a no?" 'di ko naitago ang pait sa boses ko. Nanatili akong nakaupo sa kama habang siya ay nakahiga na. Inilagay niya ang braso sa likod ng ulo niya at lumingon siya sa akin. "I said, let's sleep. Gusto mo bang magalit na naman ako sa 'yo?" Umiling ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Bakit 'di pa niya kasi sabihin? Papaasahin ko lang ang sarili ko hangga't 'di niya ako sinasagot. "Kaya ka ba nag-aalala sa akin kasi nakikita mo si ate sa akin? Miss mo lang ba siya kaya pinag-ti-tyagaan mo akong kasama rito? O baka naman... gusto mo na rin ako?" "Shut up..." mariing utos niya at
Mas uminit ang pisngi at katawan ko. Halos mapunit na rin ang labi ko dahil sa lawak ng pagngiti. Sumandal ako sa dibdib niya at inamoy-amoy iyon hanggang sa makatulog. "Happy birthday, Scarlet!" iyon ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto ng classroom namin. May bumagsak na confetti sa harap ko at maligayang pumalakpak ang mga kaklase ko. "Huh?" Kumunot ang noo ko at naglakad papasok. "Birthday ko?" tanong ko dahilan para hunalakhak sila. "Sabi ni Rave, birthday mo raw. So, hindi ba?" "Baka ini-scam mo lang kami, Rave? Sayang ambag ko rito!" reklamo ni Khan sa kaibigan."Kaya nga! Wala namang nakalagay sa Facebook ni Scarlet na birthday niya ngayon!" sumang-ayon si Zhai na may hawak na lobo na hugis dalawa. Sa tabi niya ay si Lyn, zero ang hugis ng lobo niya. "Gago, birthday talaga ni Scarlet ngayon! 'Di ba, babe? September 30 ka ipinanganak?" tanong sa akin ni Rave nang makalapit siya sa akin sabay akbay. "Oo.""O 'di ba?! Sabi sa inyo e!" pagmamalaki ni Rave, malawak pan
WARNING: SPG!Scarlet's POV"PDA is not allowed here. I'm warning you, Mr. Cleverio..." halata ang pagtitimpi sa puna ni Kyrous bago siya tumingin sa akin. Umatake ang kaba sa dibdib ko nang muling makita ang nag-aalab niyang mga mata. "And you, Ms. Agape. This is the second time you violated that rule. Come with me in my office!" "Sir, dare lang naman po!" pagtatanggol ni Zhai sa akin dahilan para mapahinto ang guro."Rule is rule." Tinignan ni Kyrous ang mga kaibigan ko. "Go back to your class!" Bumalik naman ang mga mata niya sa akin. "Ms. Agape, follow me," mariing utos niya bago tumalikod at naglakad palayo sa amin. "Scarlet, sensya na, ha? Godbless!" may bakas na panunuksong ani Khan bago siya tumakbo palayo kasama si Rave. "Babe, happy birthday! Kaya mo na 'yan!" "Scarlet, 'pag wala pa ma'am, pupuntahan ka namin ni Zhai para tulungang maglinis, okay?" pagpapagaan naman ni Lyn ng loob ko. Maglinis? Tingin ko, hindi 'yon ang gagawin kong parusa."'Di na. Kaya ko 'yon. Sala
TRIGGER WARNING: SPG!"Kyrous, ang hirap magkagusto sa iba. Kaya nga noong naging crush ko si LJ, 'di ko na siya tinigilan kasi baka siya na... baka may kapalit ka na." Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilang umiyak nang makita ang samut-saring emosyon sa nanlalambot niyang mukha. "Kaya, please, payagan mo na ako? Gustong-gusto kong maging boyfriend si LJ kasi gustong-gusto ko na ring maalis 'yong pagmamahal ko sa 'yo. Para kapag bumalik na si ate, okay na ako—" "No!" Napahinto ako sa sagot niya. Akala ko, para ipaglaban ang nararamdaman niya, pero hindi pala. "Ginastusan kita para mag-aral dito, Scarlet, hindi para maghanap ng ipapalit sa akin!" Umangat ang kilay niya. "Gusto mong maging boyfriend siya? Sige lang! Basta ilalayo kita rito at sisiguraduhin kong maghihiwalay rin kayo." Matapos niyang sabihin iyon ay itinuloy niya ang pagpaparusa sa akin sa kama. Pagod ako pero pilit kong binuksan ang mga mata ko para tignan siya nang tumunog ang phone niya. "Alright! I'll be
Bumungad sa akin ang matigas na ekspresion ni Kyrous. Tanging longsleeve na lang ang suot niya pang-itaas at ang coat niya... Umagos pababa ang luha sa pisngi ko nang ipalibot niya iyon sa katawan ko at mahigpit niya akong niyakap. Tinakpan niya ako para hindi makita ng mga ka-meeting niya. "Kyrous..." Niyakap ko siya pabalik at isinandal ang mukha sa dibdib niya. "Mr. Lorcan, what is the meaning of this?!" Hindi sumagot si Kyrous sa tanong ng isang matandang lalake. Bagkus ay nanatili ang kamay niya sa bewang ko nang buksan niya ang pinto kung saan ako pumasok. "Kael?!" gulat na tanong ni Kyrous. Umahon ako sa dibdib niya at nilingon ang lalakeng pumasok. Humigpit lalo ang yakap ko sa kanya nang magtama ang paningin namin ng lalakeng nagtangka sa akin. "K-kyrous, he tried t-to r-rape me." Muli akong napahagulgol at mabilis na ibinaon ang mukha sa dibdib ni Kyrous nang ngumisi ang lalakeng tinawag ni Kyrous bilang Kael. "Rape?" Tumawa si Kael at rinig ko ang paghakbang palapit
Scarlet's POV"Go there and seat, Scarlet. Let me carry all of these," utos ni LJ sa akin nang makakuha ng meryenda. Matapos ko kasing ipagamot sa Clinic ang sugat sa labi ko at ang paghapdi ng pisngi ko ay rito kami dumiretso ni LJ. Kaming dalawa ang ang estudyante dahil ang lahat ay nagkaklase pa.Pagkaupo ko ay agad kong kinuha ang plato ng pancake pati na ang bote ng maple syrup na pinakiusap kong ibigay muna sa akin. Dahan-dahan kong ibinuhos ang bukas na bote at hinayaan iyong dumalusdos pababa sa sampung patong ng pancake na nasa plato. Nanuyo ang lalamunan ko at agad na tinikman iyon gamit ang tinidor. "Hala! Ang sarap!" Muli akong sumubo at napapikit pa habang nginunguya iyon. "That's your favorite?" tanong ng kasama habang kumakain din ng kanya. "Medyo! Bihira lang kasi akong makakain ng ganito rati at madalas, chocolate syrup lang ang nilalagay. Kaya ngayon hiningi ko pa 'to at ang sarap talaga! The best 'tong maple syrup!" maligayang pagkikwento ko at muling naghati at t
Tulad ng sinabi ni LJ ay sa kanya ako sasabay ngayon pauwi. Kaya naman nang matapos makapagpaalam ng guro namin ay tinignan ko siya. Kita kong nagtipa siya sa phone niya at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa akin kasabay ng pag-ilaw ng phone ko dahil may natanggap na mensahe. LJ: I'll wait for you in the Parking Lot. Scarlet: Ok! "Guys, mamaya, ah? Sa Haven's tayo!" paalala ni Rave sa mga kaklase namin. Bar ang lugar na tinutukoy niya."Sure! See you! Especially you, birthday girl!" Napangiti ako at tumango sa mga kaklase lalo na nang batiin ulit nila ako tungkol sa kaarawan ko. Kinuha ko ang bag ko at binitbit ito sa braso. "Rave, thank you talaga!" "No problem! Si Danna ang nagsabi sa akin. Bale siya ang nagplano." Malungkot akong napangiti. Si Danna at ang mga kaibigan ko... miss ko na sila! "'Wag kang mali-late, ha? Party mo 'yon!" Humalakhak ako sa paalala niya at tiniis ang kirot sa gilid ng labi ko. Ayaw kong mag-alala sila kaya kinapalan ko nalang ang lips