“Babe,” malambing na wika ni Owen at hinimas-himas ang braso ng kasintahan. “While hinihintay natin na makumpleto tayo. How about—” Napakrus ng braso sa inis si Kiana, “What now, Owen?” Ngumisi si Owen, “Alam mo naman kung ano ang gusto ko, babe.” “What?” maarteng tanong ni Kiana. “Ano nga kasi?”Pinagapang ni Owen ang isang kamay niya sa hita ni Kiana. Habang ang mga mata naman niya ay mariing nakatititg kay Kiana. Umawang ang labi ni Kiana. Mas lumapad pa ang ngisi sa labi ni Owen at pinisil ang hita niya. Napasinghap siya sa gulat at sa sensasyong nararamdaman niya. Inilapit ni Owen ang labi niya sa tainga ni Kiana. “Now. Let’s go to the bathroom. I am sure hindi naman nila mapapansin na wala tayo. They are all busy talking. Saka alam ko naman na hindi mo ako matatangihan, babe. I know you want me too.” Hindi sumagot si Kiana kaya mas diniinan pa ni Owen ang pagkakahawak niya sa hita ng nobya. At nilapat ang labi niya sa tainga nito. Nagtaasan ang mga balahibo ni Kiana. Nap
“Owen, let's get change first. Nabasa ang damit natin kanina sa restroom. May malapit namang mall dito. Tara na muna mamili ng pamalit bago tayo humarap sa uncle mo at sa asawa niya. Nakakahiya kung haharap tayong ganito lalo na sa lola mo. Gosh! Hindi ko alam kung kaya kong harapin siya dahil sa nangyari kanina," pabulong na sambit ni Kiana. Pinigilan niya si Owen sa agarang paglapit nito sa table kung saan naroroon ang mga Ashton.“Pumunta na tayo roon. Hayaan mo nang basa! Kaunti lang naman ‘yan," pagtutol ni Owen. Nakangiti siya sa kaniyang Uncle Leon habang pilit na hinihila si Kiana.“No! We need to change! Hindi ako haharap sa uncle mo sa ganitong hitsura. I'd rather die than be humiliated in front of your family. Hindi ko gusto ang way ng pagsasalita ng uncle mo. Masyado siyang straight forward. Sigurado akong pupunahin niya ang basang suot natin, kahit pa kakaunti lang ang portion na nabasa. Kung ayaw mong sumama sa akin, bahala ka. Ikaw na lang ang humarap sa kanila. Hindi n
“L-Lia…” bulalas ni Owen nang muling mag sink in sa utak niya ang boses na kaniyang narinig. Hahakbang na sana siya palapit sa kinaroroonan ng asawa ng kaniyang uncle para alisin ang maskara nito nang bigla siyang nilingkis ni Kiana na parang isa itong ahas."Babe, ang tagal mo naman. We need to go para mas maaga tayong makabalik dito.” Nahagip ng mga mata ni Kiana ang babaeng nasa tabi ng rich at hot uncle ni Owen. ‘Siya na ba ang asawa ni Uncle Leon? Mukha namang walang kamangha-mangha sa kaniya. And what's with that mascara thingy? Siguro nahihiya siyang ipakita sa lahat ang pagmumukha niya dahil ubod siya ng pangit!’ Ngumisi siya. "Babe, halika na.”"Pe-pero…”"Sige na, Owen. Sumama ka na sa girlfriend mo at nang makabalik kayo kaagad,” utos ni Donya Rehina.Nang marinig ang utos ng kaniyang lola ay hindi na itinuloy ni Owen ang kaniyang balak. Babalik pa naman sila at sa pagbalik nila ni Kiana ay makikita na rin niya nang maayos ang mukha ng kaniyang magiging auntie. Malapit na s
“Good evening po, ma’am and sir!” bati ng gwardiya kina Kiana at Owen nang makapasok ang mga ito sa mall. Hindi naman umimik ang dalawang magkasintahan, sa halip ay dire-diretso silang naglakad. Bibili silang dalawa ng damit dahil sa nangyari kanina sa restaurant. Kailangan nilang magmadali dahil naghihintay na sa kanila ang mga Ashtons. Maarteng nakasukbit ang kamay ni Kiana sa braso ng kasintahan niyang si Owen. “Let’s go to my favorite boutique, babe!” sambit niya ng buong sigla.“Mukhang masaya ka pang kailangan nating magpalit ng damit ah," bulong ni Owen.“Oo naman. Nakita mo ba ang suot na dress ng asawa ni Uncle Leon mo? Napaka engrande! Hindi naman p'wedeng basta na lang ako magpakabog ‘no! Ikaw rin, kailangan mo ring gandahan ang suot mo. Pumunta muna tayo sa paborito kong boutique after no’n, doon naman tayo pumunta sa gusto mo. Saan mo ba gustong bumili ng damit?,” wika ni Kiana. ‘Pero sabagay, kahit ano naman ang isuot mo ay mas guwapo at hot pa rin sa'yo ang uncle mo.’
Huminto sa paglalakad si Kiana. “Stop lying, Owen. Pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong nagsisinungaling! Hindi ka naman magkakaganyan kung wala lang, hindi ba? Kanina ka pang wala sa sarili mo. You didn’t even compliment me when I wore this dress kanina. So please stop lying and tell me the damn truth! What's going on?”“Fine!” Bumuntong hininga muli si Owen. “It’s about, Lia.”Sumeryoso ang mukha ni Kiana. “What about her? Kung patungkol pa rin ito sa asawa ni Uncle Leon na kaboses ni Lia…Puwes, tigilan mo na ang kakaisip do’n dahil patay na si Lia, patay na! Nagiging praning ka na!”“I know, pero hindi ko mapigilan eh! Iniisip ko lang na hukayin kaya natin ang bangkay ni Lia? Para mailipat sa isang wooden coffin. Para malaman rin natin kung nandoon pa rin talaga ang bangkay niya,” suhestyon ni Owen na tinatamaan na ng guilt. Hindi siya mapakali sa kakaisip patungkol ka Lia. Pakiramdam niya ay minumulto siya nito kaya nais niyang bigyan ito ng maayos na libing. Kahit papaano ay mabawas
Punong-puno ng tensyon ang mesa kung saan naroroon ang pamilya ng mga Ashton. Ang kamay ni Leon ay nakahawak na sa dulo ng maskara ni Lia. Excited na ang lahat at inip na inip na sa pagtanggal ni Leon ng maskarang nakatakip sa mukha ng asawa nitong si Ria Collins.“Good evening, ladies and gentlemen. We are here to serve the meals you had order.”Biglang sumulpot ang mga crew. Tulak-tulak ang trolley kung saan naroroon ang mga pagkaing in-order nila. Lahat ay napahinto. Kahit ang pagtanggal ni Leon ng maskara ay natigil. Lihim na natawa si Donya Rehina nang mapansin ang lahat ng reaksyon ng miyembro ng pamilya niya. ‘What? Kung kailan tatanggalin na dumating naman ang mga sagabal! What a great timing,’ inis na wika ni Patty sa kaniyang isipan. Curious na curious siya sa mukha ng napangasawa ng Uncle Leon niya. Lalo na dahil may pa maskara-maskara pa itong nalalaman. Napahinto si Leon sa pagtanggal ng maskara at hinayaan na muna na mag-serve ang mga crew. Tahimik na tahimik ang lah
Tulad ni Owen, si Kiana ay hindi rin makagalaw. Tila nawala ang lahat ng lakas niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nakatitig lang siya sa mukha ni Lia. Halos mawalan na ng dugo ang mukha niya. Halos kumawala na ang puso niya sa kaniyang dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito!‘Lia? M-Minumulto na ba talaga kami ni Lia? Pero hindi! Imposible ang lahat ng ‘to! Patay na si Lia. Patay na siya! Kami mismo ni Owen ang naglibing ng buhay sa kaniya! Imposibleng nakaligtas siya nang gabing iyon. Walang nakakaalam ng lugar na ‘yon kung hindi ako at si Owen. Wala ring nakasunod sa amin sa gubat kaya paanong umahon siya mula sa hukay ng kamatayan?!’ Pilit pa ring sinisiksik ni Kiana sa isipan niyang patay na si Lia. Hindi na rin magkamayaw ang kaniyang mga mata kung saan siya titingin. Pakiramdam niya ay maiihi siya ng wala sa oras! Kung totoong ito nga ang kapatid niya, sigurado siyang mabubulok silang dalawa ni Owen sa kulungan! Sigurado rin siyang mawawala sa kaniya ang lahat ng ka
“To answer your questions, Lia is my ex-fiancee and my fiancé’s sister. She's already dead at pinaglalamayan na siya ngayon sa chapel ng mga Reed. Namatay siya sa isang sunog. Ayon sa report ng pulisya, she's experimenting on something when the chemicals suddenly reacted and exploded. And to be honest, hindi mo lang siya kamukha, kamukhang-kamukha mo siya. Ang mas nakakabaliw? Kaboses mo rin si Lia,” natatawang sabi ni Owen.Tila hindi narinig ni Kiana ang sinabi ng kasintahan niya. Nakatitig lang siya sa babaeng kamukhang-kamukha ng kapatid niya. All of a sudden, bumalik sa ala-ala niya ang lahat ng masasaya nilang ala-ala ni Lia at gano'n na rin ang mga away nila na siya naman ang palaging puno’t dulo. Bumigat bigla ang pakiramdam niya lalo na ng maalala niya kung paano siya binalewala ng mommy ni Lia noon.“Everyone, I am sorry if I brought doubts and chaos to this table tonight.” Nilingos ni Lia si Leon. "Hindi ko alam na kamukha ko pala ang ex-fiancee ng pamangkin mo. Sariwa pa p
“Wifey, may gusto ka pa bang kainin na wala sa plato mo maliban sa akin?” nakangising tanong ni Leon.Nasamid sina Jake, Patricia, Guada at Rolly sa sinabing iyon ni Leon. Hindi sila makapaniwala na ang seryoso at istriktong si Leon ay magsasalita ng gano’n.“Leon, pigilan mo muna ang sarili mo. Kung nabitin ka sa inyong honeymoon ay magsabi ka lamang sa akin at bibigyan ko kayo ng libreng ticket at accomodation kung saang bansa niyo gustong magbakasyon. Basta siaiguraduhin niyo lamang na pagbalik niyo ay may laman na ang matres ni Ria,” nakangiting turan ni Donya Rehina.Halos mailuwa ni Lia ang kinakain niya. Hindi niya alam kung sasakyan ba niya ang kapilyuhan at kapilyahan ng mag lola.Saka lamang ulit napansin ni Leon ang sirang dress ni Lia. Hinubad niya ang kaniyang coat at isinuot iyon sa kaniyang asawa. “I’m sorry, wifey. I forgot that your dress is ruined. After this dinner ay sasamahan kitang mamili ng mga bagong damit kahit saan mo gusto.”Uminom ng malamig na tubig si Lia
“Hija, pasensya ka na sa nangyaring gulo kanina. Hindi ka tuloy nakakain nang maayos.”“Ayos lang po, Lola Rehina. Nauunawaan ko naman po sila,” nakangiting wika ni Lia.Nagpunas ng table napkin sa kaniyang bibig si Guada. “Ria, saan kayo nagkakilala ni Leon?”“Ate, your question is not necessary.” Hinawakan ni Leon ang kamay ni Lia.“Why? I’m just asking. Masama bang magtanong ng personal na bagay sa asawa mo, Leon? She’s already part of our family. Tama lang naman siguro na makilala namin siya nang husto, hindi ba?” Ibinaba ni Guada ang table napkin. Tumingin siya kay Ria at nginitian niya ito. ‘Tama sina Owen at Kiana, kamukhang-kamukha ni Ria si Lia kung hindi lamang dahil sa nunal niya sa itaas ng kaniyang labi.’“We met at the CIA office, three years ago,” Lia replied confidently. Leon looked at her with a confused look but she managed to smile. “Right, hubby?”“Yes. That should only be between us since it’s a private matter. We met while working. There’s nothing romantic about
Napatawa si Kiana. “You're súch a hórny, fúcked up, jérk!" Marahang hinawakan ni Kiana ang isang braso ni Owen at saka humilig doon. "So calming." “Tang.ina. Matapos mong magsalita ng kung ano-ano sa akin, sasabihin mong so calming. Balíw," natatawang wika ni Owen."Oh please, shút the fúck up, babe.” Hinalikan ni Kiana ang braso ni Owen hanggang sa maabot niya ang balikat nito.Napapikit si Owen. "Gusto mo bang mabangga tayo?” inis na tanong niya. Nararamdaman niyang nabubuhay ang bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita."Sabi ko nga,” mapanuksong wika ni Kiana at saka siya umayos sa pagkakaupo. "Dríve faster. Gusto ko nang malaman ang totoo.”“Ito na nga, binibilisan ko na. Kumapit ka," utos ni Owen.Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na sina Kiana at Owen sa lugar kung saan nila inilibing si Lia. Gamit ang ilaw na mula sa cell phone nila ay tinahak nila ang gubat hanggang sa marating nila kung saan ang eksaktong pinaglibingan nila rito.“Gosh! Basang-basa na ako ng pawis,"
“Saan ba tayo pupunta? Ano itatapon mo na lang ba ko, Owen? After all the things I did for you. After all the things we did together?” nagpupuyos sa galit na sigaw ni Kiana. “P’wede bang manahimik ka! Nagmamaneho ako! Hindi ako makapag-isip ng tama dahil sa kakasigaw mo. Ano gusto mo bang mauna pa tayong mamatay kaysa kay Lia?” sigaw rin ni Owen pabalik.“Bakit mo ba ako sinisigawan?!” Napabuntong hininga si Owen. “Nauna kang sumigaw, Kiana. Kung hindi ako sisigaw hindi ka rin naman makikinig sa akin, ‘di ba?” “Saan mo ba ako dadalhin? Don't tell me na ililibing mo na rin ako ng buhay, Owen? Kasi buhay pala ang totoo mong fiance? Kating-kati ka na ba na balikan siya? Ano? Do you want to fúck her again, Owen? Akala mo hindi ko napapansin ang mga titig mo sa Ria na ‘yon kanina? Titig na may pagnanasa!” “Shut the fúck up!” Hinilot ni Owen ang kaniyang sintido habang nagmamaneho ang isa niyang kamay. Masakit na talaga ang ulo niya simula nang makita niya ang hitsura ng napangasawa ng
“Barya lang sa'yo ang sampung milyong piso, hindi ba? Ano bang ipinuputok ng b—”“Barya? B0b0 ka ba? Hindi pa ako ang chairman ng Ashtons Group. Presidente pa lang ako, Kiana. Malaking kawalan sa akin ang sampung milyon!" histerikal na turan ni Owen.Natahimik si Kiana. Maging siya ay takot na mapagbayad ng ganoong kalaking halaga. Hindi kasing yaman ng mga Ashton ang mga Reed. Ni wala pa nga sa one fourth ng yaman ng mga ito ang yaman ng pamilyang umampon sa kaniya!Bumontong hininga si Owen. Sinusubukan niyang ikalma ang kaniyang sarili. “Let’s go back to the table. Susubukan ko silang kausapin para mapatawad ka…para makalusot tayo at hindi sila maghinala.”“No,” Kiana firmly said. Nagmamatigas pa rin siya. ‘Ako? Hihingi ng sorry sa babaeng ‘yon? Ikamamatay ko ang paghingi ng paumanhin sa kaniya. Ano siya sinuswerte? B’wisit talaga itong pamilya ni Owen, masyadong kinakampihan ang pekeng Ria na ‘yon! Gaganti ako sa pamamahiya mo sa akin ngayong ara, Ria. Ipinapangako ko ‘yan.’ “Kia
“Kiana, get back to your senses. Please.” Hinawakan ni Owen ang magkabilang balikat ni Kiana."Ikaw eh! Mas lalo mong pinapataaa ang presyon ko,” nakangusong sabi ni Kiana.Huminga nang malalim si Owen. “Calm down. Let's calm down first, okay?”Kiana heaved a deep sigh. “Fine. Hindi dapat tayo ang nag-aaway eh. Magkakampi tayo, remember? Kaya huwag mo na akong sigawan at awayin.”“Ikaw naman ang unang nang-away eh. Kung ano-ano ang sinabi mo against me. Sinasabihan ka lang na mali ang ginawa mo kanina, galit na galit ka na agad," inis na sambit ni Owen.“Eh paano kasi parang ako lang ang sinisisi mo sa nangyari. Nabigla lang din naman ako. Sino ba ang hindi magugulat kapag lumitaw bigla sa harap mo ang taong inilibing mo ng buhay?!" "Oo na. Hindi na kita sisisihin sa naging reaksyon mo kanina pero kailangan natin silang linlangin. To do that, kailangan mong mag sorry kay Ria dahil sa ginawa mo!” mariing wika ni Owen.Nanlaki ang mga mata ni Kiana. “What? Why would I say sorry? Walang
“Hindi pa ako sigurado kung siya ba talaga si Lia. Gano'n pa man, huwag mo namang ipahalata sa kanila na guilty ka at may ginawa kang masama kay Lia! If siya nga si Lia, dapat hindi ka gumawa ng komosyon! You are putting us in a bad light. Pati si Lola Rehina ay galit na sa akin dahil sa ginawa mo! You should’ve act more mature. Hindi ka naman na bata. Sana mas nag-isip ka bago ka kumilos! Tinimbang mo muna sana ang sitwasyon!”Napaawang ang labi ni Kiana sa gulat. Hindi niya akalain na isisisi sa kaniya lahat ni Owen. Dalawa silang gumawa ng krimen! Bakit parang siya lang ang sinisisi nito? Bakit siya lang ang nagmumukhang masama? “Are you telling me that everything is my fault?” Taas-baba ang dibdib ni Kiana sa galit, ang mga mata niya ay nanlilisik na at ang kaniyang mukha ay pulang-pula na!“Of course! Kasalanan mo dahil kung nasa tamang pag-iisip ka, hindi mo gagalitin ng gano'n sina Uncle Leon at Lola Rehina! Kahit pa may pagdududa ka, dapat nanahimik ka na lang! There's a lot
“Mama, that's enough," gulat na sambit ni Guada. Hindi niya gusto si Kiana para sa anak niya pero hindi rin naman niya hahayaang maltratuhin ito ng kaniyang biyenan! Sa isang banda ay nakikita niya ang kaniyang sarili kay Kiana.“Huwag kang makialam dito, Guada," singhal ni Donya Rehina. Tumataas na talaga ang presyon niya kanina pa dahil sa mga nangyayari.“Mama, please calm down. Hindi makabubuti sa iyo kung patuloy kang magagalit. Alalahanin mo ang bilin sa iyo ng mga doktor, mama. Bawal kang mapagod at bawal na bawal kang ma stress," paalala ni Rolly.“Lola, tama si Kuya Rolly. Hayaan niyo na si Kiana. Ako na ang bahala sa kaniya," ani Leon.“Magsitigil kayo. Huwag niyo akong diktahan! Kakakasal lamang ni Ria sa iyo Leon. Sa halip na maayos natin siyang tanggapin sa ating pamilya ay ganito ang nangyari! Mainit na pagtanggap ang hiling ko sa inyo hindi mainit na ulo!” Hiningal nang bahagya si Donya Rehina. Pansamantala siyang tumahimik para pakalmahin ang sarili pero sadya yatang i
Namumula ang buong mukha ni Lia sa hiya. Kung siya pa rin ang dating Lia ay marahil, umiiyak na siya sa pagkakataong gano'n pero nagbago na siya. Hindi na siya ang iyaking si Lia. Isa pa, napaghandaan na rin niya ang bagay na iyon. Alam niyang alam ni Kiana ang tungkol sa birthmark niya kaya pinatakpan niya iyon ng maigi sa dermatologist kanina bago pa man sila pumunta ni Leon sa restaurant.‘Akala mo ba ay maiisahan mo akong muli, Kiana? Nagkakamali ka. Kung noon ay hinahayaan lang kita sa mga kawalanghiyaan mo, hindi na ngayon. Para malaman ang takbo ng utak ng isang masamang tao, kailangan kong mag-isip bilang isang masamang tao. Sa paraang iyon, hinding-hindi mo na ako maiisahang muli,’ sigaw ng isip ni Lia habang nakikipagtitigan kay Kiana.Si Kiana ay nakatitig pa rin kay Lia. “Asa’n ang balat?!” galit na wika ni Kiana. Sinubukan niyang muling abutin si Lia ngunit humarang si Leon sa harap niya. Iniharang nito ang katawan nito para maprotektahan ang asawa nito sa kaniya.“Anong