Depths: 4
Hindi naging madali ang mga nakaraang araw sa pagpunta namin dito sa Manila. Lalo na noong paalis kami sa barrio. Kahit gaano katatag at desisido ka, mararamdaman mo ang kirot na makitang malungkot ang mga maiiwan mo.
"Mag-iingat kayo doon ah" nanginginig ang boses ni Nanang Isa sa paalala kay Alen.
"Opo. Alma, alagaan mo sina Nanay at wag ka din mag-aasawa ng maaga" wika ni Alen kay Alma habang hinihimas nito ang ulo ng kapatid.
Mukhang hindi na napigilan ni Alma ang sarili at mahigpit nang yumakap sa kapatid. Ilang minuto n'yang binaon ang sarili sa kanyang kuya. Nanginginig na ang mga balikat ni Alma ng pinipilit ni Alen alisin ang kapatid.
Lumambot naman ang mukha ni Alen sa lagay ng kanyang kapatid, dumaan sa mata n'ya ang pag-aalanganin. Umiling na lamang s'ya at pinilit alisin ang kapatid.
"Alma, babalik naman ako. Sandali lang ang mga magdadaang araw. Hindi mo mamamalayan nandito na ako bukas" pag-aalo n'ya sa kapatid at doon ay natanggal na n'ya si Alma sa mahigpit na yakap. Pagtango na lang ang naisagot ni Alma.
Binalingan ko si Nanang na halata sa mga mata ang magiging pangungulila sa akin. "Nang" tawag pansin ko sa matanda.
Ginawaran naman ako nito ng malungkot na ngiti. "Sigurado ka na ba dito? Mahirap ang buhay sa Manila, Istel"
"Opo, uuwi din po ako pag may bakasyon o holiday, Nang" agad ko s'yang niyakap pagkatapos sumagot. "Babalik po ako, Nang"
Tumango na lamang s'ya pero nakikita ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng kanyang mata. Pinahiran ko iyon gamit ng akin kamay saka nginitian ang matanda, sinusubukang pagaanin ang kanyang loob.
"Mauna na po ako, Nang. Intayin n'yo po ako" wika ko sa kanya bago yumakap ng mahigpit.
Nauna na akong umakyat sa bus, natanaw ko naman si Alen na sibusubukan pa ring aluhin ang kapatid. May binulong s'ya kay Alma na nagpatigil dito dahilan para tumalikod na si Alen at pumasok sa bus.
"Handa ka na?" tanong n'ya sakin pagkaupo sa tabi ko. Tinanguan ko na lamang s'ya at inabala ang sarili sa mga iniisip.
Pagkababa ng bus sa terminal ng Cubao, sumakay kami ng tricycle papuntang looban dahil nandoon daw ang paupahan na tutuluyan namin.
Natanaw ko naman ang kolehiyong sinasabi ni Alen bago pumasok sa isang kanto ang tricycle. Sa looban pa ng kanto ang paupahan ng tita n'ya. Hindi naman magiging mahirap ang pagpasok dahil ilang hakbang lang din ang kolehiyo.
"Tita!" tawag ni Alen habang kumakatok sa isang bahay. Katabi iyon ng paupahan, tinutulungan naman ako ng driver sa pagbaba ng mga gamit namin habang abala si Alen sa pagtawag sa kanyang tiya.
"Oh? Alen! Pamangkin ko!" hinagpos sa yakap si Alen ng ginang na lumabas sa bahay.
Maiksi lang ang buhok nito, maputi at hindi katangkaran. May katabaan din at halatang alagang-alaga ang balat. May katangusan ang ilong nito at may pagkachinita ang mga mata.
Agad din s'yang lumingon sa gawi ko pagkatapos yakapin ang pamangkin.
"S'ya ba si Istel?" tanong n'ya kay Alen habang sinsipat ako ng tingin.
"Opo" ani ni Alen saka nagmano.
"Kunin n'yo na ang mga gamit n'yo at ituturo ko na kayo sa tutuluyan n'yo" sabi nito saka tumalikod samin.
"Ito ang tutuluyan n'yo, doon kayo sa pangalawang kwarto sa kanan ng pangalawang palapag" pagpasok sa paupahan ay mayroong sala sa kanan at kusina naman sa kaliwa, sa may tabi ng ref ay may pintuan na siguro'y banyo.
"Sino-sino ho ba ang makakasama namin dito?" tanong ni Alen habang sinisipat ang kabuuan ng bahay.
May sofa naman at ilang upuan ang sala, sa tapat nun ay isang TV na flatscreen, sa hulo ko ay medyo may katandaan na din iyon. May ilang bookshelves din sa tapat ng bintana sa sala at dalawang tukador.
"Itatas ko na muna ho ang mga gamit namin" yun na lang ang huling narinig ko sa usapan nina Alen at ng kamyang tita.
"Ikaw ba ang nobya ng pamangkin ko?" ngayon naman ay sinisipat ako ng tingin ni Aling Esa pagtapos umakyat sa taas ni Alen.
"Hindi ho, matalik na kaibigan ko po si Alma at medyo malapit din kay Alen" kinakabahan kong sagot dahil sa pagtaas-baba ng tingin nito sakin.
"Siguro'y kabaitan nga lang ni Alen ang samahan ka dito" muni nito baka ako iwanan.
Naisip ko na lang tumaas at tulungan si Alen sa mga gamit. Malaki din ang espasyo sa taas ng bahay at may apat na kwarto, sa dulo ng mga pintuan ay isang bintana. Pinasok ko ang pangalawang pintuan sa kanan tulad ng sabi ng Aling Esa.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" iyon ang bungad agad sa akin ni Alen nang makapasok ako sa kwarto at makita s'ya abala sa pag-aayos ng mga gamit.
"Pakiramdam? Sa paglipat? O sa pagma-Manila?" tanong ko saka nilapitan ang mga gamit ko.
"Parehas?"
"Ayos naman, medyo nininyerbos. Mukhang magiging mahirap nga ang pagtuloy dito" sagot ko habang inilalabas ang mga damit.
May dalawang maliit na aparador ang kwarto sa dulo at isang bintana sa gitna nito. Dalawang kama naman sa magkabilang gilid. Sa kanan si Alen habang sa kaliwa ako. Wala namang iba pang gamit bukod sa mga iyon.
"Kailan ba ang magiging pasukan?"
"Sa Hulyo pa daw"
"Kailan naman ba puwedeng mag-enroll at kumuha ng exam para sa scholarship?" tanong ko habang inililigpit na ang mga bagahe pagkatapos ayusin ang mga gamit at damit ko.
"Sa pagkakaalam ko puwede na mag-enroll ngayon at kumuha ng exam sa scholar"
Kinabukasan din ay kumuha na ako ng scholar tulad ng sabi ni Alen ay puwedeng mag-enroll na ng maaga kahit ika-29 lang ng Hunyo. Pahirapan din ang pagkuha ng scholarship dahil sa marami-rami ang mga umaasa ding makakuha.
"Paano naman ang mga panggastusin mo sa araw-araw?" tanong ni Alen habang kumakain kami ng kwek-kwek at fishball sa tabi ng gate.
"Papasok siguro sa mga fast-food? O 'di kaya'y sa mga karenderya?" sagot ko saka ngumuya ng isa pang kwek-kwek.
"Ate, magkano po ba 'to?" itinuro n'ya sa isang isaw.
"Limang piso ho isang stick"
"Sige ho, apat na lang ate. Pakisamahan na din ng sawsawan"
Agad namang ininit s'ya ihawan ni ate yung apat na isaw saka nagplastik ng tatlong kutsarang sawsawan. Pagkatapos ay binigay na samin. Nag-aya na din ako kay Alen na umuwi na kami, hindi naman kailangan ng tricycle pero medyo matagal din ang lakad.
Sa ilang nadaan naming tindahan ay may mga tambay, may ilang narinig kong kung ano-ano ang mga tinatawag sa akin.
"Hoy miss! Ganda mo naman!"
"Pa-kiss naman miss, 5 seconds lang"
"Pahiram naman kami pare"
At mga kung ano pang hindi maganda at masarap pakinggan. Hinawakan na lamang ni Alen ang kamay ko saka ako hinila mas palapit sa kanya. Ganito ba talaga pag baguhan pa lang sa syudad?
"Huwag mo na lang pansinin, Istel" bulong sa akin ni Alen habang binibilisan ang lakad.
Hindi na ako nakasagot dahil sa gulo na nasa isip at pangamba.
"Paglalabas kang wala ako mas mag-ingat ka, 'wag kang magtitiwala basta-basta" paalala sa akin ni Alen nang malapit na kaming makauwi.
Naabutan naman namin si Tita Esa na nagwawalis. Mukhang kakalaba n'ya lang din dahil sa mga nakasampay na puti sa harapan ng bahay at paupahan.
Pinatawag n'ya na din akong "tita" sa kanya dahil masyado na daw nakakatanda ang "aling". Pinagtanungan ko na din s'ya ng mga malalapit na karenderyang mapapasukan pero mas maganda daw kung susubukan kong sa fast-food o sa mga cafe magtrabaho.
Siguro'y magpapasama na lang ako kay Alen sa pagpasok sa mga ganong part-time. Medyo malayo nga lang daw ang isang cafe dito sa inuupahan namin.
"Tita, isaw po" salubong ni Alen sa tiya n'ya sabay abot ng isaw.
"Naku, hindi kase ako kumakain pero salamat na lang. Inyo na yan at hindi talaga ako sanay kumain ng mga ganyan" balik n'ya ng isaw kay Alen.
"Sigurado ho ba kayo tita?"
"Oo sige pasok na kayo at mukhang nandyan na din yung ibang mga nangungupahan"
Tama nga si Tita Esa dahil pagkapasok namin ay may tatlong lalaki at isang babae sa sala. Ngumiti naman agad sa amin ang babae habang nanonood pa din ang mga lalaki.
Nasa iisahang sofa ang babae habang nasa pangmaramihan naman ang tatlong lalake.
"Kayo ba yung bagong makakasama namin dito?" yun agad ang sinabi nung babae. Mahaba ang buhok n'ya at deretsho. Hanggang bewang n'ya at may kaonting kulay na tsokolate. Makinis din at morena, matangos ang ilong at hindi chinita. Siguro'y nasa 5 foot ang taas n'ya.
"Ah, oo kami nga" sagot ni Alen saka inilagay sa mesa ang isaw.
"Ey! Ako nga pala si Kyle" taas kamay nung lalaking nasa kaliwa. May kulay pagka-blonde ang buhok n'ya. Maputi s'ya saka matangos ang ilong. Medyo mukhang amerikano din s'ya. Siguro'y mas matangkad si Alen sa kanya ng isang dangkal gayong 6 footer itong si Alen.
"Ito si Jimuel" turo n'ya sa nasa gitna nilang moreno, mahaba ang buhok at may pagkapango ang ilong. Hindi din s'ya katangkaran siguro'y hanggang balikat s'ya ni Alen. Tumango na lamang s'ya sa pagsasalita ni Kyla tungkol sa kanya.
"Ito naman si Hans" pakilala n'ya naman sa lalaking nasa kabilang dulo. Chinito, matangos ilong, maputi, matangkad din saka naka clean cut ang buhok.
"Buti na lang may babae na akong makakasama dito! Sawang-sawa na talaga kase ako sa mga mukha nila! By the way, ako nga pala si Jane" pagkasabi noon ay tumayo si Jane papunta sakin habang tinuturo sina Kyle.
"Uhm... ako si Stella o Istel kung tawagin samin at s'ya naman si Alen" pakilala ko saka itinuro si Alen sa tabi ko. Tinanguan na lang n'ya ang mga ito.
Naging madali pakisamahan ang apat. Pansin ko ding ang tanging madaldal lang ay si Jane at Kyle. Magsasalita naman kung kakausapin si Jimuel o sasabat s'ya paghinaharot nina Kyle. Habang si Hans ay kakausapin ka lang talaga pag gusto n'ya.
Lagi naman akong kinakausap ni Jane tungkol sa mga pambabaeng usapan tulad ng kung kami daw ba ni Alen o kaya'y ano ang gusto ko. Nalaman ko ding modelo s'ya ng isang kompanya.
Nang mga sumunod namang araw ay nagpasama na ako kay Alen sa pag-apply sa isang cafe, mga ilang kanto ang layo sa kolehiyo. Madali lang din naman ang naging pagpasok ko dahil kailangan din nila ng empleyado sa umaga.
Hindi madaling trabaho ito kahit ang gagawin ko lang ay ngumiti at kausapin ang mga customer kung ano ang gusto nilang inumin o pagkain. Madalas madaling kausapin ang mga customer, minsan may mga hindi madaliang magdesisyon ng mga order at hindi din maiiwasan ang mga customer na mainitin ang ulo pagkatapak ng cafe.
"Napansin ko Istel, madalas ang mga modelo dito" ani ni Alen habang hinahatid n'ya ako sa cafe. Hindi pa pasukan pero simula na din agad ang trabaho ko pagkatanggap ko.
Pabor naman sa akin ito dahil may maiipon akong pera sa pangangailangan ko. Saka may maiipon din ako para sa mga magiging gusto kong pansariling luho.
Pagkapasok ay naglog na ako ng oras na pagpasok ko saka isinuot ang apron at sombrero ng cafe.
Hinanda ko na din ang ilabg mga kakailanganin sa paghahanda ng ilang inumin. Nagpunas ng mga mesa at naglinis. Pagkatapos ko ay dunating na din ang kasama kong si Leil.
"Good morning" bati n'ya s akin saka naglog at dumeretsho na sa locker. Pagkalabas niya'y katulad ko nakasuot na s'ya ng apron at sombrero.
Nag-open na kami pagkapatak ng 7 AM. Tulad ng dati ay may mga pumasok na modelo at ilang empleyado ng ilang kumpanya.
"Good morning sir, how may I help you?" nakangiti kong bati sa isang binata na naka-uniporme ng pang-kapitan. Nakilala ko na ba s'ya? Medyo pamilyar ang lalaking nasa harapan ko.
"Uhm.. isang espresso at carrit cake. Pakisamahan na din ng isang mocha frappuccino. Medium size na din ang frappe" nakangiti n'yang sagot sa akin.
"Pangalan n'yo po sir?" tanong ko saka kinuha ang medium na baso.
"Pede bang ako na magsulat?"
Hindi an ito ang unang beses may gustong sila ang magsulat sa sarili nilang baso kaya ibinigay ko na sa kanya ang baso at marker.
"There, thank you" ngiti n'yang abot ng baso sa akin at marker.
Nang tingnan ko ang nakasulat ay nag-init ang makabilang pisngi ko. Hindi ko na nagawang balingan ng tingin pa s'ya nang inabot n'ya ang bayad n'ya.
'Hi Stella, can I get your number?'
Depths: 5 "Sorry sir, pero hindi po yata tama ang nilagay n'yo" nakakunot noo kong sabi dito na nagpatawa lang sa kanya. "You sure di mo na ako matandaan?" nakangising sabi n'ya.
Naging mabilis din ang araw at ngayon ay pasukan na. Napag-usapan na din namin ng manager ko sa cafe ang magiging bagong schedule ko tutal ay magkakaroon na ako ng pasok sa umaga. Hindi din naman naging mahirap ang pagpasok ko dahil public lang ito at walang uniporme kaya wala ding extra gastos. "Tara na?" pag-aaya na sa akin ni Alen, s'ya din ang magiging kasabay 'ko sa pagpasok. Wala namang problema sa akin ito dahil na din sa s'ya lang ang maari 'kong pagkatiwalaan.
Depths: 7 Pagkagising 'ko, isang nakadukdok na Alen ang nasa gilid 'ko. I fear of getting judged, being helpless and wasn't able to protect myself. Pinakiramdamin 'ko ang bawat paghinga ni Alen at paggalaw, nagdadalawang isip ako kung gagalaw ba o babalik na lang sa aking pagtulog.
Depths: 8"Stella!" Narinig 'kong tawag nang pamilyar na boses, galing ito sa aking kaliwa. Nakakapagtaka lamang na natatandaan n'ya ang pangalan 'ko."Captain Keil!" Bati 'ko pabalik sa isa sa mga regular customer ng cafe.May
Depths: 8"Istel!"Nawala ang kabang nararamdaman 'ko. Hindi 'ko na napigilang paulanan nang hampas ang dibdib n'ya. Pano na lamang kung ibang tao talaga ang nasa likod 'ko? Mas lalong hindi 'ko alam ang gagawin 'ko."Tara?"
Depths: 10Mabilis ang panahon, ngayon isang year na lang at magtatapos na 'ko. Nagtagal din kami ni Alen kahit mahirap, tuwing bakasyon at may oras ay umuuwi kami sa barrio sa Bulacan. Alam na din doon na may relasyon na kami.Naalala 'ko pa din ang gulat sa mukha ni Alma non, pati ang maliit na ngiti ng kanilang Ina. Nagkaroon pa nang maliit na salo-salo noong sinabi naming makakapasa kami sa susunod na year.
Depths: 11Time is gold sabi nga nila, ngayon graduation na. Just look how fast can time fly. Naging maayos naman kahitpapaanoang relasyon naming ni Alen. May mga pangyayari na uuwi s'yang mapula ang mata at masasampal ako.Masakit para sa akin, hindi 'ko din alam kung paano 'ko nakayang tumagal ang relasyon naming nang isang taon. Hindi madali kung susumahin, hindi din medaling makawala dahil he's like a ticking bomb. One wrong move and everything will
Depths: 12Nasanay na 'ko sa mga away bati namin ni Alen, it was our cycle for our relationship. Wala ng bago doon, hindi na din bago ang minsanang pananakit sa akin.Pero iba 'yung takot na nararamdaman 'ko ngayon, para bang habang tumatagal ang mga taong nandito kami sa Cubao lalo s'yang nagbabago.
Hi! I just want to say that tonight, Depths from Ocean Series is officially ending! I tried to write more speacil chapters but I think this is better to leave it like this.I just want to thank everyone who read this and enjoyed the travel. Well, Stella and Alen would still appear on the two books but you know the time difference would be long.
Ang bilis ng panahon, well it took me moments to decide kung kukunin ‘ko ba ang opportunity na ito but look where I am now.Huling exam na lang ang kukunin ‘ko para makapag-graduation, my dream is just right in front of me now.Well, I love my job. I like that my coworkers were nice to me, my boss is nice to me, I love how stressful my job is pero ang pangarap ‘ko talagang piniling habulin noon ay ang pagdodoktor.I had so much memories to hold with them but later on I need to say goodbye. It was a great experience to be a CPA.I just need to passed this exam at puwede na akong mag-licensure just a few more steps, I don’t want to aim for honors or Latin honors.Good thing na sa pagitan ng mga review ‘ko may pahinga ako para makasama sa isang araw si Alen, things became great between us.M
Depths: 20“Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir Keil sa opsisina n’ya” sabi sa akin ng Secretary ‘ko through my intercom, maybe the CEO is looking for the report.Damn, I’m still not done with the report. Masyadong naging malaki ang gastos ng investigation team!“Is it urgent?” I cautiously asked.“Opo”“Okay” wala akong choice kundi i-cut ang intercom naming ng sekretarya ‘ko at tumayo sa aking upuan. I fixed myself and readied for things.Lumabas ako sa opisina dala-dala ang kaninang hiningi ‘kong report kay Kally at nagmadaling makapunta sa office ni Keil.I don’t know what’s with him to call for me, usually tatawagin n’ya lang ako sa tuw
Depths: 19Two years later…Marami ng nangyari sa mga nagdaang taon. All wounds have healed, sabi nga nila marami pang puwedeng mangyari.It’s true though, I’m now the Head of the Finance Department and I’m doing better in life. Hindi nga lang ako tumatanggap ng mga mangliligaw, I don’t know if it was just my instincts or what.Sa dalawang taong nagdaan, wala akong pagsisisi sa mga naging desisyon ‘ko. Ang paglipat ‘ko ng bahay, ang pananatili ‘ko sa kumpanya at ang maging mas malapit kayna Jane.Though it’s just a sad thing that Jane and Kyle broke their relationship for some reason, Jimuel also came out of his closet. So many things happened, some are good and other are bad.
Depths: 18The day where Nanang has to be buried came. Ang sakit, ang sabi nila habang tumatagal mawawala din ang sakit pero bakit habang tumatagal mas lalong sumasakit?Mabuti na lang ay kasama ‘ko sina Jane, kung hindi baka hindi ‘ko kayanin harapin ang araw na ito.Putting polo shirt ang gustong ipasuot sa lahat ng inampon ni Nanang Swela ni Kuya Joel. Si Kuya Joel ang pinakaunang inampon sa amin. Galing pa siyang ibang bansa at maski s’ya ay nagulat sa n
Depths: 17Tatlong araw na ang lumipas simula ng dumating kami dito, wala akong ibang ginawa kundi maligo at bantayan lang ang ataol ni Nanang. Wala akong lakas paras makipag-usap sa mga dumadalaw o tumayo man lang ng matagal malayo kay Nanang.Si Jane ang tumutulong sa mga nagluluto, abala naman sina Kyle at Jimuel sa pag-asikaso sa mga dumadalaw. Ramdam 'ko din ang pag-aalaa na sa akin ni Jane dahil sa kalagayan 'ko."Ate, kain ka daw muna sabi ni Ate Ganda doon" sabi ng bata sa akin habang inaabot ang isangg basog puno ng sopas saka tinuro si Jane.
Depths: 16Hindi ako makagalaw sa sinabi nýa, pinagtitinginan na din kami ng ilang pulis at kasama n'ya sa rehas. My breathing became faster and I could feel my chest going up and down.Galit ang naramdaman 'ko hindi awa, what he put me through was hell. It was a cycle that makes me think if I'm still alive or I'm just barely living."All these years, Alen! All these years! What do you think of me ha?" I was now slamming the cell and he was just there crying and looking down his feet."Hindi 'ko kase alam ang gagawin 'ko. Ang tagal 'kong hinintay na maging malapit sa'yo-" hindi 'ko na s'ya pinatapos sa pagsasalita dahil kung ano mang dahilan n'ya ang sakit sa tenga."You could have save me by reporting it to the police! You could have save me by not being involved with that illegal work! You put me through hell, sa tingin mo ba hindi ako nasaktan? Hindi ako naghirap sa pananakit mo?!" now I wa
Depths: 15I don't believe this, I don't want to.This is unbelievable. I can't think right. This was all of a sudden.Sa sarili 'ko, alam 'kong kaya 'ko na kung mawawala man si Alen palayo sa akin pero ang pagkawala ni Nanang Swela parang biglaan naman.
Depths: 14I don't know what to feel dahil na din sa mga alas tres na kami nakauwi at ngayon bago mag 9:30 need na ako sa kompanya dahil ituturo sa akin ang mga magiging trabaho 'ko.Pagkagising 'ko wala si Alen sa buong inuupahan, si Jane at Kyle lang ang inabutan 'kong kumakain."Good morning" bati 'ko sa kanila, tinanguan lang ako ni Kyle habang nginitian naman ako ni Jane.