Share

Probinsyana?

Author: jhq
last update Last Updated: 2020-07-28 16:39:28

  Naging mabilis din ang araw at ngayon ay pasukan na. Napag-usapan na din namin ng manager ko sa cafe ang magiging bagong schedule ko tutal ay  magkakaroon na ako ng pasok sa umaga. Hindi din naman naging mahirap ang pagpasok ko dahil public lang ito at walang uniporme kaya wala ding extra gastos.

  "Tara na?" pag-aaya na sa akin ni Alen, s'ya din ang magiging kasabay 'ko sa pagpasok. Wala namang problema sa akin ito dahil na din sa s'ya lang ang maari 'kong pagkatiwalaan. 

  "Ayos lang ba talaga ang suot 'ko? Puwede ba ito doon? Baka naman mamaya ay hindi ako papasukin sa suot ko na ito" pag-aalala 'kong sabi kay Alen habang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin.

  "Ayos lang iyan, tama naman ang t-shirt at faded jeans. Hindi bawal 'yan doon dahil mas inirerekomenda ang ganyang pananamit" ani sa akin ni Alen saka na ako hinatak palabas.

  Hindi pa din ako nagiging komportable sa mga nagiging tingin sa akin ng kalalakihan sa iskinitang laging dinadaanan namin palabas at papasok ng bahay na inuupahan. Malalagkit ang laging ipinupukaw nilang tingin sa akin, wala naman din akong magagawa kung hindi maglakad ng diretsho kahit ano pang klase ng mananalita nila.

  Ang sabi lamang sa akin ni Alen ay mas mabuting hindi 'ko sila bigyang pansin. Iyon na lang din ang ginagawa 'ko dahil mas mukhang nawawalan sila ng interes sa akin.

  "Bilisan mo na Istel, baka mahuli pa tayo" hinawakan ni Alen ang kamay ko saka tumawid ng daan. Nilakad-takbo naman  ang daan. 

  "Ito Istel" turo niya sa isang mapa na naglalaman ng mga building at facilities ng buong campus "Nandito tayo at dito ka, samantalang ako ay dito. Sundan mo lang ang daan na 'to, dito na lang tayo magkita uli pag-uwian dahil hindi din magkakamukha ang mga oras ng subject natin" 

  Tinanguan 'ko na lamang si Alen sa mga sinasabi n'ya, mas lalo naman n'ya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay 'ko. Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na si Alen sa aking pupunta na s'ya sa una niyang subject habang ako ay sinunod ko na ang daang sinabi ni Alen na sundan 'ko.

  Pagkadating ko sa klase 'ko ay marami-rami na din ang mga istudyante na nakaupo sa loob, mabuti na lang hindi pa nakakarating ang magiging propesor namin. Limang minuto pagkatapos 'kong makapasok ay saka pa lamang dumating ang propesor namin kung saan may mga kinausap pa s'ya istudyante na nakasabay n'ya ng pasok.

  "Okay class, you can call me Sir. Reyes.I will be your professor in Accounting. First, I want to know your names so bring out your 1/2 index card and copy the format that I will write" 

  Index? Hala! Wala ako nun!

  Hinalughog 'ko ang buong bag 'ko, nagbabaka sakaling may nailagay na ganoon si Alen sa loob. Kulang na lang ay baliktarin 'ko na ang bag 'ko at ibuhos ang nilalaman nito sa harapan 'ko. Wala talaga, isa-isa nang nagpapasa ang mga ka-blockmates ko. Kahit nakakahiya ay kinalabit 'ko ang katabi 'kong babae.

  Napatingin naman itong nagtataka sa akin. Bago pa ako nakapagsalita ay inabutan na n'ya ako agad ng isang index card saka tumingin sa harapan. Dali-dali 'ko namang kinopya ang isinulat na format ni Sir. 

  Bago ko pa matapos at maibigay sa harapan ang akin ay sinumulan na ni Sir Reyes ang pagtawag sa mga pangalan, wala naman akong nagawa kung hindi mag-exccuse sa kanya at inaabot ng dahan-dahan ang akin.

  Tiningnan ako ni Sir na matalim "Next time make sure you pass yours with everyone else. Ayoko ng may sumisingit habang nagsasalita ako" malamig na ani sa akin ni Sir halatang medyo nairita sa aking ginawa.

  "Pasensya na po" namumula 'kong sabi sa kanya at bumalik na sa aking inuupuan, wala naman akong narinig na pagtawag o bungisngis sa iba.

  Baka ganoon talaga ang ugali ng propesor na ito at sanay na sila o baka sadyang naging mali ang pagsingit 'ko sa guro.

  Nagsimula din naman ang klase pagkatapos nang pagtawag sa mga pangalan namin, wala din namang naging imik ang katabi 'ko buong klase. Nakikinig lamang s'ya at tutok sa mga isinusulat sa white board. 

  Wala din naman din akong naging kausap o ano pa mang masasabing kaibigan. I simply went by the day being alone. 

  Uwian na nghuling pagdismiss, pagkarating 'ko sa lugar na sinabi ni Alen na pagkikitaan namin tuwing uwian- wala pa s'ya. Kaya minabuti 'ko na lang mag-ikot sa buong kolehiyo. 

  Sa paggawi 'ko sa may court kung saan madaming naglalaro ng basketball, doon na ako pinagtinginan ng mga varsity. Hindi na lamang ako tumuloy at bumalik na uli sa pinanggalingan 'ko.

  "Miss! Nabagsak mo!" sigaw ng isang lalaki sa likudan 'ko. Hindi 'ko na ito pinansin at mas binilisan pa ang lakad 'ko.

  Nagulat na lamang ako nang may yumakap sa likod 'ko kung hindi s'ya napayakap baka nasubsob na ako agad sa semento.

  "Pasensya na miss" bago n'ya matanggal agad ang pagkakayakap n'ya sa akin ay naramdaman 'kong bahagyang sumayad ang kamay n'ya sa aking dibdib.

  Bago pa ako mapabaling sa kanya ay narinig 'ko na ang sigaw ni Alen sa harapan. Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo sa gawi n'ya at mapalayo sa lalaking nasa likuran 'ko.

  "Alen!" sigaw 'ko pabalik sa kanya pagkalapit 'ko, bago pa ako makapagsalita ay hinigit na n'ya agad ako palabas ng eskuwelahan. 

  Hindi 'ko alam pero may galit sa kanyang ekpresyon at mabilis din ang paglalakad n'ya. Habang tumatagal din ay humihigpit na din ang pagkakahawak n'ya sa akin. 

  Kung hindi pa ako napaaray ay hindi n'ya na ako mabibatawan. Tiningnan n'ya ako saglit bago tumalikod at naglakad na uli.

  Namumula ang parte ng hinigit n'ya. 

  "Tara na Istel" iyon lamang ang sinabi n'ya sa akin bago tumuloy nang lakad.

  Pagkadating din sa inuupahan ay wala pa ang mga kasama namin. Baka hindi pa sila tapos sa kanilang mga klase o sadyang nauna lamang kami. 

  Dere-deretsho naman ng pasok si Alen at hindi pa din ako nilingon. Sinubukan 'ko na lamang isipin na baka dahil iyon sa kanyang klase at hindi dahil sa akin.

  Nang mapatingin ako sa orasan ay malapit nang mag-alas kwatro at kailangan na din ako sa aking shift. 

  "Alen, papasok na 'ko sa trabaho" bungad 'ko sa kanya saka kinuha sa aking damitang ang uniporme ng cafe. Hindi pa din n'ya ako kinikibo kahit noong lumabas ako papunta ng banyo. 

  Napabuntong hininga na lamang ako, bakit ko nga ba iniisipa ang nararamdaman ngayon ni Alen? Diba dapat ang isipin 'ko ay ang kaninang nangyari?

  Pumasok ako ng wala sa sarili, hindi 'ko na din namalayang patapos na ang shift 'ko sa sobrang kalutangan. Mabuti na lamang ay wala akong naperwisyong mga costumer. 

  Sa pag-uwi 'ko wala ding Alen na sumundo sa akin. Wala akong nagawa kung hindi lakarin ang sakayan ng tricycle sa kabilang kanto.

  'Miss, sakay ka san ka ba?'

  'Miss libre na lang sakin ka na'

  'Mukhang bagong salta'

  Rinig 'kong mga kantyaw ng ilang nakatambay, kaya minabuti 'ko nang suriin ang pinakatahimik.

  "Kuya sa harap ho ng kolehiyo" pagkasakay 'ko ay nakangisi ang driver.

  Doon na lamang bumagabag ang loob 'ko nang maisip na iba ang daanang tinatahak ng driver. 

  "Kuya! Sa kolehiyo ho! Hindi po ito ang daan!" sigaw 'ko dito pero ni isang tingin ay hindi nito pinukaw sa akin. 

  Bago pa huminto ang tricycle sa kung saang lugar ng driver balak itong ihinto ay walang pakundangang tumalon ako. Kahit puno ng galos ay pinasok 'ko ang iskinitang nakita 'ko. 

  Bago 'ko pa mamalayan ay nasa kanto na ako kung saan pagliko nito ay ang kolehiyo na, doon na ako nawalan ng malay dahil sa pagod at sakit ng mga galos.

Related chapters

  • Depths || Filipino Novel ✔   Ligaw?

    Depths: 7 Pagkagising 'ko, isang nakadukdok na Alen ang nasa gilid 'ko. I fear of getting judged, being helpless and wasn't able to protect myself. Pinakiramdamin 'ko ang bawat paghinga ni Alen at paggalaw, nagdadalawang isip ako kung gagalaw ba o babalik na lang sa aking pagtulog.

    Last Updated : 2020-07-28
  • Depths || Filipino Novel ✔   Dinner

    Depths: 8"Stella!" Narinig 'kong tawag nang pamilyar na boses, galing ito sa aking kaliwa. Nakakapagtaka lamang na natatandaan n'ya ang pangalan 'ko."Captain Keil!" Bati 'ko pabalik sa isa sa mga regular customer ng cafe.May

    Last Updated : 2020-07-28
  • Depths || Filipino Novel ✔   Feelings

    Depths: 8"Istel!"Nawala ang kabang nararamdaman 'ko. Hindi 'ko na napigilang paulanan nang hampas ang dibdib n'ya. Pano na lamang kung ibang tao talaga ang nasa likod 'ko? Mas lalong hindi 'ko alam ang gagawin 'ko."Tara?"

    Last Updated : 2020-07-28
  • Depths || Filipino Novel ✔   I loved...

    Depths: 10Mabilis ang panahon, ngayon isang year na lang at magtatapos na 'ko. Nagtagal din kami ni Alen kahit mahirap, tuwing bakasyon at may oras ay umuuwi kami sa barrio sa Bulacan. Alam na din doon na may relasyon na kami.Naalala 'ko pa din ang gulat sa mukha ni Alma non, pati ang maliit na ngiti ng kanilang Ina. Nagkaroon pa nang maliit na salo-salo noong sinabi naming makakapasa kami sa susunod na year.

    Last Updated : 2020-07-28
  • Depths || Filipino Novel ✔   Graduation

    Depths: 11Time is gold sabi nga nila, ngayon graduation na. Just look how fast can time fly. Naging maayos naman kahitpapaanoang relasyon naming ni Alen. May mga pangyayari na uuwi s'yang mapula ang mata at masasampal ako.Masakit para sa akin, hindi 'ko din alam kung paano 'ko nakayang tumagal ang relasyon naming nang isang taon. Hindi madali kung susumahin, hindi din medaling makawala dahil he's like a ticking bomb. One wrong move and everything will

    Last Updated : 2020-07-28
  • Depths || Filipino Novel ✔   Envelop

    Depths: 12Nasanay na 'ko sa mga away bati namin ni Alen, it was our cycle for our relationship. Wala ng bago doon, hindi na din bago ang minsanang pananakit sa akin.Pero iba 'yung takot na nararamdaman 'ko ngayon, para bang habang tumatagal ang mga taong nandito kami sa Cubao lalo s'yang nagbabago.

    Last Updated : 2020-07-28
  • Depths || Filipino Novel ✔   Cost

    Depths: 13"What do you mean?" I furrowed my eyebrows, not because I don't know what he means but because how can heknow?"You know what Imean" he was smiling at me, the smile that makes me feel uncomfortable.

    Last Updated : 2020-07-28
  • Depths || Filipino Novel ✔   Numb

    Depths: 14I don't know what to feel dahil na din sa mga alas tres na kami nakauwi at ngayon bago mag 9:30 need na ako sa kompanya dahil ituturo sa akin ang mga magiging trabaho 'ko.Pagkagising 'ko wala si Alen sa buong inuupahan, si Jane at Kyle lang ang inabutan 'kong kumakain."Good morning" bati 'ko sa kanila, tinanguan lang ako ni Kyle habang nginitian naman ako ni Jane.

    Last Updated : 2020-07-28

Latest chapter

  • Depths || Filipino Novel ✔   Officially Ending

    Hi! I just want to say that tonight, Depths from Ocean Series is officially ending! I tried to write more speacil chapters but I think this is better to leave it like this.I just want to thank everyone who read this and enjoyed the travel. Well, Stella and Alen would still appear on the two books but you know the time difference would be long.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Special Chapter

    Ang bilis ng panahon, well it took me moments to decide kung kukunin ‘ko ba ang opportunity na ito but look where I am now.Huling exam na lang ang kukunin ‘ko para makapag-graduation, my dream is just right in front of me now.Well, I love my job. I like that my coworkers were nice to me, my boss is nice to me, I love how stressful my job is pero ang pangarap ‘ko talagang piniling habulin noon ay ang pagdodoktor.I had so much memories to hold with them but later on I need to say goodbye. It was a great experience to be a CPA.I just need to passed this exam at puwede na akong mag-licensure just a few more steps, I don’t want to aim for honors or Latin honors.Good thing na sa pagitan ng mga review ‘ko may pahinga ako para makasama sa isang araw si Alen, things became great between us.M

  • Depths || Filipino Novel ✔   The Surprise

    Depths: 20“Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir Keil sa opsisina n’ya” sabi sa akin ng Secretary ‘ko through my intercom, maybe the CEO is looking for the report.Damn, I’m still not done with the report. Masyadong naging malaki ang gastos ng investigation team!“Is it urgent?” I cautiously asked.“Opo”“Okay” wala akong choice kundi i-cut ang intercom naming ng sekretarya ‘ko at tumayo sa aking upuan. I fixed myself and readied for things.Lumabas ako sa opisina dala-dala ang kaninang hiningi ‘kong report kay Kally at nagmadaling makapunta sa office ni Keil.I don’t know what’s with him to call for me, usually tatawagin n’ya lang ako sa tuw

  • Depths || Filipino Novel ✔   Birthday

    Depths: 19Two years later…Marami ng nangyari sa mga nagdaang taon. All wounds have healed, sabi nga nila marami pang puwedeng mangyari.It’s true though, I’m now the Head of the Finance Department and I’m doing better in life. Hindi nga lang ako tumatanggap ng mga mangliligaw, I don’t know if it was just my instincts or what.Sa dalawang taong nagdaan, wala akong pagsisisi sa mga naging desisyon ‘ko. Ang paglipat ‘ko ng bahay, ang pananatili ‘ko sa kumpanya at ang maging mas malapit kayna Jane.Though it’s just a sad thing that Jane and Kyle broke their relationship for some reason, Jimuel also came out of his closet. So many things happened, some are good and other are bad.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Back to Manila

    Depths: 18The day where Nanang has to be buried came. Ang sakit, ang sabi nila habang tumatagal mawawala din ang sakit pero bakit habang tumatagal mas lalong sumasakit?Mabuti na lang ay kasama ‘ko sina Jane, kung hindi baka hindi ‘ko kayanin harapin ang araw na ito.Putting polo shirt ang gustong ipasuot sa lahat ng inampon ni Nanang Swela ni Kuya Joel. Si Kuya Joel ang pinakaunang inampon sa amin. Galing pa siyang ibang bansa at maski s’ya ay nagulat sa n

  • Depths || Filipino Novel ✔   Funeral

    Depths: 17Tatlong araw na ang lumipas simula ng dumating kami dito, wala akong ibang ginawa kundi maligo at bantayan lang ang ataol ni Nanang. Wala akong lakas paras makipag-usap sa mga dumadalaw o tumayo man lang ng matagal malayo kay Nanang.Si Jane ang tumutulong sa mga nagluluto, abala naman sina Kyle at Jimuel sa pag-asikaso sa mga dumadalaw. Ramdam 'ko din ang pag-aalaa na sa akin ni Jane dahil sa kalagayan 'ko."Ate, kain ka daw muna sabi ni Ate Ganda doon" sabi ng bata sa akin habang inaabot ang isangg basog puno ng sopas saka tinuro si Jane.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Mourn

    Depths: 16Hindi ako makagalaw sa sinabi nýa, pinagtitinginan na din kami ng ilang pulis at kasama n'ya sa rehas. My breathing became faster and I could feel my chest going up and down.Galit ang naramdaman 'ko hindi awa, what he put me through was hell. It was a cycle that makes me think if I'm still alive or I'm just barely living."All these years, Alen! All these years! What do you think of me ha?" I was now slamming the cell and he was just there crying and looking down his feet."Hindi 'ko kase alam ang gagawin 'ko. Ang tagal 'kong hinintay na maging malapit sa'yo-" hindi 'ko na s'ya pinatapos sa pagsasalita dahil kung ano mang dahilan n'ya ang sakit sa tenga."You could have save me by reporting it to the police! You could have save me by not being involved with that illegal work! You put me through hell, sa tingin mo ba hindi ako nasaktan? Hindi ako naghirap sa pananakit mo?!" now I wa

  • Depths || Filipino Novel ✔   Hopeless

    Depths: 15I don't believe this, I don't want to.This is unbelievable. I can't think right. This was all of a sudden.Sa sarili 'ko, alam 'kong kaya 'ko na kung mawawala man si Alen palayo sa akin pero ang pagkawala ni Nanang Swela parang biglaan naman.

  • Depths || Filipino Novel ✔   Numb

    Depths: 14I don't know what to feel dahil na din sa mga alas tres na kami nakauwi at ngayon bago mag 9:30 need na ako sa kompanya dahil ituturo sa akin ang mga magiging trabaho 'ko.Pagkagising 'ko wala si Alen sa buong inuupahan, si Jane at Kyle lang ang inabutan 'kong kumakain."Good morning" bati 'ko sa kanila, tinanguan lang ako ni Kyle habang nginitian naman ako ni Jane.

DMCA.com Protection Status