Touchdown, Dela Vega Mansion.
Ganap nang ala una y medya nang marating ni Sandro ang kanilang tahanan. Sanay naman siyang inaabot ng umaga sa trabaho subalit iba ang pagod niya para sa araw na iyon. Pakiramdam niya, katumbas iyon ng tatlong araw na tuluy-tuloy na trabaho. Ang ulo niya ay animo blangkong banga na wala nang laman.
Not only he was tired, but he was also drained.
Both physically and mentally.
He motioned himself inside the mansion after opening the grand entrance door using his spare keys. He was expecting no one to open the door for him because of how late it was already. Everybody needs their well-deserved rest. Most especially, him.
“Bangon na po, senyorita. Oras na po para maghanda tayo sa party.”Napakislot si Lyv sa tinig ni Ate Marissa. Ang nakangiti nitong mukha ang una nitong nasilayan pagmulat ng mata. Kasalukuyan itong nakasampa sa kama habang tinatapik-tapik ang mga braso niya.Nag-inat ng katawan si Lyv kasabay ng unti-unting pagbangon. Nang sulyapan ang orasan pader, ganap nang ika-siyam ng umaga. Kinusut-kusot pa niya ang mata habang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Aminado siya sa kanyang sarili na inaantok pa talaga siya. Kung bakit kasi nakipagmatigasan pa siya kila Ate Marissa na magpuyat noong nakaraang gabi. Ade sana, maayos siyang nakatulog. Hindi niya dadanasin na makatulog sa sofa kahihintay sa asawa.Wala sa loob niyang iginala ang mata sa kab
Sandro was cursing nonstop inside his vehicle. Kung pwede lamang niyang sapakin ang sarili ay ginawa na niya. Of all the days he could mess up, ngayon pa talagang araw na ito.Kasalukuyan niyang binabagtas ang kahabaan ng kalye papuntang Hacienda Dela Vega, ang pagdadausan ng gender reveal party nila. He was supposed to have traveled a little over an hour ago to ensure he would arrive in time. But being a total prick, he decided to hang on to the last minute thinking that the travel time would not be that long. Nagagawa niya ito sa loob ng dalawang oras. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng aksidente sa kahabaan ng South Superhighway na nagresulta ng hindi inaasahang pagbigat ng trapiko. Nag-init na naman ang kanyang ulo sa tuwing maaalala ang kapalpakan niya.Nais niyang magsisi na nagbukas pa siya ng email ni
Mula sa kinatatayuan, natanaw niya ang asawa habang nakaupo sa isang silya at pinapaypayan ni Ate Marissa. Nang mapansin ang presensya niya, agad itong napatayo at tinapunan siya ng isang napakatamis ng ngiti. He gasped after laying his eyes on her.He swear to god, she was the most beautiful girl he had ever seen in his life!The pregnant woman carrying his heirs was wearing a white, crochet, cold-shoulder mini dress. The slightly loose dress made her feel vibrant as the floral embroidered fabric hugged her body. Her hair was tied into a one-sided, slightly messy, fishtail braid. Her lips were painted with subtle lipstick while her cheeks were slightly pinkish due to the blush she was wearing. She finished the look by wearing a pair of white, flat, spartan sandals.
Lyv, for the nth time, gave him a reassuring smile before saying, “Ready!”Then, they unconsciously held hands as they wait.Nagsimulang mapuno ng iba’t-iba’t ibang ilaw ang kalangitan. Sa kalidad at disenyo ng mga naturang pailaw, hindi maikakailang ang mga ito ay hindi lamang basta-bastang klase ng mga paputok. Kagaya ng mga expensive fireworks display na madalas mapanood sa telebisyon tuwing magpapalit ng taon, manghang-mangha ang mga bisita sa kanilang nakikita.“Oh my god! This is beautiful, Anastacia!” ani ng isang amiga ni Madam Dela Vega. Halos mapanganga ito katititig sa langit. Nagsimula namang magtanguan ang iba pangnakatatanda sa paligid ng donya bilang pagsang-ayon.
Ito na ang hudyat upang ianunsyo sa lahat ang isa pa nilang sorpresa.Napuno ng bulungan ang kabuuan ng venue. Bawat isa ay walang ideya kung ano ang nangyayari. Kabado namang napasulyap si Lyv sa asawa. Kinindatan lamang siya ng lalaki bilang ganti.“Halaa! May pasabog na naman!” bulong ng kasambahay na si Kristina kay Ate Marissa. Maang silang nakikiramdam kung ano ang nangyayari. “May alam ka ba rito, Nana Marissa. Hindi ba’t ikaw ang personal na alalay ng senyorita?”“Hoy, Kristina! Anong akala mo sa akin, ginagamit ang posisyon ko bilang pinakamalapit na kasambahay kay senyorita Lyv para maki-chismis? Hindi ako Marites for your information!” ismid na turan naman ni Ate Marissa sabay alis sa braso ng nakababatang katulong s
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, kitang-kita ang isang nilalang. Kasalukuyan siyang nakatanaw sa kabuuan ng plantasyon ng niyog na pag-aari ng pamilya ng kanyang yumaong asawa. Sa kanyang kanang kamay, nakalagay ang isang kopita. Laman nito ay ang alak na nagmula sa pinatandang katas ng ubas.Ang kanyang mukha ay larawan ng mahabang taon. Sa kabila ng pamumuti ng buhok at bahagyang pangungulubot na balat, hindi maikakaila ang kagandahan sa kanyang kabuuan. Minsan pa, idinikit niya ang labi ng baso sa kanyang bibig at nilagok ang natitirang likido sa loob niyon. Maya-maya, isang lalaki ang pumukaw sa kanyang malalim na pag-iisip.“Senyora, lumalalim na po ang gabi. Mas makabubuting bumalik na kayo sa inyong silid. Malamig po ang simoy ng hangin. Baka po kayo ay sipunin.” Tinig iyon ng kanyang sekret
Imposible. Maaaring nananaginip lamang siya!Mariing tiningnan ng estrangherong binata si Goryo. Tinapunan niya siya ng isang mapanuring tingin mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa, bagay na ikinailang ng binata.Aaminin niya, nakaramdam siya ng panliliit. Sapat na ang mga tingin nito upang mapagtanto niyang hindi ito naniniwala sa mga pananalita ng dalaga. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na sasakyan ang mga salitang iyon ng babae? Sino ba siya kumpara sa anak ng kanyang amo?Nagbaba ng ulo si Goryo. Sa suot pa lang niya, hindi maikakailang naghihikahos sila sa buhay. Bakas kasi sa suot niyang lumang polo at kukupasing pantalon ang kanilang kahirapan. Nang marinig ng ina na sasama siya sa baylehan sa bayan, agad itong naghalungkat
Sigurado siya sa isang bagay, tuluyan nang mawawala si Tasing sa kanya!“Goryo..”Ipinikit ni Goryo ang kanyang mga mata. Ito na ang katapusan ng kanyang pantasya. Ito na ang kabayaran sa paghahangad niyang abutin ang isang malayong bituin.Dahan-dahang humakbang papalapit si Anastacia sa kanyang kinaroroonan. Bagamat nasa lupa pa rin ang tingin, tanaw niya ang kulay itim nitong sapatos na nakaumang sa kinatatayuan niya. Ang ga-dangkal nilang layo sa isa’t-isa ang lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.“Tumingin ka sa akin, Goryo,” utos ng dalaga. Nang hindi pa rin siya tumitinag, iniangat ng dalaga ang ulo niya gamit ang mga kamay nito. “Pagmasdan mo ang ak
EpilogueIsang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo ang ngayon ay prenteng nakaupo sa loob ng isang pribadong eroplano. Walang anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Seryoso siyang nakatitig sa labas ng bintana…ibinababad ang isip sa kawalan. “Kapag nagutom kayo, Sir, huwag po kayong mag-atubili na sabihin sa akin. Nakahanda na po ang inyong makakain. Kung gusto niyo po matulog ay ipaalam po ninyo sa akin,” sambit ng stewardess. Buong-giliw ito sa pagngiti sa kanya. Tango lamang ang kanyang isinagot dito kasabay ng pagsuot ng itim na salamin sa kanyang mga mata.Sa isang gilid naman ay nakaupo ang kaniyang sekretarya. Wala itong tigil sa pasasalita. Mula sa hawak na tablet, isa-isa niyang binabasa ang mga napipinto niyang appointments para sa araw na iyon. Sa totoo lang, gusto na muna niyang magpahinga. Nais muna niyang sulitin ang pagkakataong muli siyang tutuntong sa lupang sinilangan. “You are invited to a party tonight at 7:30 PM, Sir. Then, you will have a meeting tom
Mahalaga ang araw na ito para kay Sandro. Isang taon na rin pala ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na trahedya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maitawid ng maayos ang bawat araw. When Sandro started to recall that fateful night, his tears fell. He never expected that he could lose her. Ni sa hingap ay naisip niyang mawawala siya sa buhay niya. Isang taon niya ring ininda ang sakit ng kaniyang pagkawala. And he doesn’t think na mawawala ang sakit. He will probably mourn her passing for the rest of his life. Noon una, halos hindi siya makatulog kaiisip kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na iyon. Alam niya sa sariling ginawa niya ang lahat upang mailigtas sila. Subalit ganoon pa rin ang kinahinatnan. May namatay pa rin, bagay na nahihirapan siyang tanggapin hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lamang si Sandro habang hawak ang isang palumpon ng puting bulaklak. Siguro, kahit anong gawin
Mula sa loob ay rinig na rinig niya ang matinis na wang-wang ng sasakyan. Nakakatulig iyon, masakit sa tainga, subalit hindi iyon sapat para mainis siya sa tunog na iyon. Sa katunayan, lahat ng kumpiyansa at pang-unawang pwede niyang ibigay ay walang pag-aalinlangan niyang ibubuhos sa mga sandaling iyon. Lahat ay gagawin niya, kahit pa magbabad sa walang katapusang ingay ng isang wang-wang, makaligtas lamang ang mag-iina niya. “Can this ambulance be any faster?” sigaw niya, nagbabakasakaling may ibibilis pa ang sasakyan na lulan ang pagal at naghihirap na katawan ng asawa. Batid niyang ginagawa ng mga emergency responders ang lahat ng kanilang makakaya matulungan lamang si Lyv subalit hindi pa rin niya maiwasan ang matinding pag-aalala. Kahit naman sinong makakita sa namumutla at namimilipit na asawa, imposibleng hindi nila kaawaan ang kalagayan ng babae.Sa pagkakataong iyon, wala siyang magawa kundi hawakan ng mahigpit ang kamay ng asawa habang abala ang emergency responder sa pagk
Napalingon si Vana sa direksyon ni Sandro nang maluha-luha.Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sandro. Naaalala niyang ni isang beses ay hindi ito nagalit sa kanya. Hindi siya nito pinanlilisikan ng mga mata. Ang dating pagmamahal na pinagsasaluhan nila ay napalitan na ng poot. Hindi na niya kilala ang lalaki.Oo nga naman at iba na ang nilalaman ng puso nito. Kaya't napuno siya ng poot at naisipang gawin ang lahat ng ito. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay napalitan na siya sa puso ni Sandro. Hindi niya papayagang magsama ang mga ito nang maligaya!Ngunit nag-iba ang lahat nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Dimitri. Hindi niya akalain na ang kuya niyang matagal na niyang hinahanap ay ang mismong itinuturing na kapatid ng kanyang karibal. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin. Ngunit nagpakitang muli si Sandro at nanumbalik na naman ang poot sa kanyang puso."Stop this nonsense, Vana! The place was already surrounded by the police. Surrender yourself if you kn
Hindi na labis maintindihan ni Lyv ang mga kaganapan na nasa kanyang harapan. Habang pinakikinggan ang usapan nina Tri at Vana, parang walang laman ang kanyang ulo. Litong-lito na siya sa mga naririnig. Para siyang nabingi bigla nang marinig ang kwento ng kapatid. Hindi naman iyon maaari, hindi ba? Imposible. Napakaimposible na paglihiman siya ni Tri lalo na at sa ganoon kaseryosong bagay. Hindi niya iyon magagawa sa kanya. Kilala niya ang kapatid. Siya nga ba? Nais niyang tanungin ang tadhana kung paanong nangyari na ang kinilala niyang kapatid ay hindi pala niya kadugo. Ang masaklap pa, ang taong lubus-lubos ang pagkamuhi sa kanya ang siya nitong totoong kapamilya. Sadyang napakaliit ng mundo sapagkat pinagtagpo silang tatlo sa ganitong klaseng pagkakataon. Ilang beses nagpakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hanggang sa patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Sa mga pagkakataong ito, napalingon siya sa kinaroroonan ng kaibigan subalit ibang klaseng pagtitig ang iniukol nito sa
Habang tumatagal, patindi ang patindi ang mga kaganapang nangyayari sa abandunadong lugar na iyon. Kanina lamang ay puno ito ng mga sigaw at iyak ng pagmamakaawa. Subalit ngayon, matinding pagkagulat ang namamayani sa paligid. Bakit nga hindi? Isang di inaasahang bisita ang bumulaga sa kanilang lahat.“At sino na ka namang asungot ka?” banat ni Steve. Bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkairita. Matagal na niyang inaasam-asam na matapos ang ikalawang bahagi ng kanyang nakakadiring pelikula. Kaya naman nang maistorbo, malulutong ng mura ang umalingawngaw mula sa kanya. Subalit hindi nagpatinag ang estranghero. Bagkus, hinarap nito si Vana nang buong katapangan. “Nakikiusap ako sa iyo, itigil mo na ito.”Natawa ng pagak ang dalaga. Umirap ang kanyang mga mata pagkatapos ay nagwika, “At bakit ko naman gagawin iyon? Can’t you see I am having some fun here?”“You have to,” Benjamin reasoned. “It is not too late. Maaayos mo pa ang buhay mo.”Natawa pa si Vana habang pinagmamasdan an
Ilang sandali pa ay nag-ring nang muli ang telepono ni Sandro.Rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib nang makilala ang number. Si Vana!Agad niya itong sinagot habang ang IT expert ay nakaantabay lang sa gilid niya."Hello, Vana?" pagbati niya."Aw! Wala man lang kalambing-lambing sa boses mo, baby," komento nito saka tumawa. "So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba?"Napatiim-bagang pa siya at napabuga ng hangin nang marahan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago siya tumango. "O-oo. Pumapayag na ako sa kondisyon mo. Kalayaan ko kapalit ng kalayaan ng asawa ko," sa wakas ay sambit niya. Hindi niya halos masikmura ang isipin na sasama siya sa babaeng ito sa gayong ipinahamak nito ang kanyang asawa. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang sakalin ito at patayin! Hinding-hindi niya mapapatawad si Vana sa ginawa nito.Napahalakhak nang malakas si Vana mula sa kabilang linya. Sa puntong iyon, nakangisi na si Vana habang nakatingin kay Lyv na nakatali at nakabusal sa may bakal na upuan. Pawisan ito
Hawak-hawak ang masakit na ulo mula sa pag-iyak ay matagal-tagal bago napagpasyahan ni Sandro na sagutin ang kanina pa tawag nang tawag na numero sa kanyang cellphone.Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso at umakto nang maayos."Hello?" iyon ang bating panimula niya. Kinakabahan siya. Paano kung si Vana na pala ang tumatawag at hindi niya man lang ito nasagot kaagad?Sinipat niya ng tingin ang ilang kapulisan na nakatambay sa kanyang salas."Hello, Sandro dela Vega? Ikaw ba 'to?"Tila nanigas si Sandro nang dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. Paano ba niya malilimutan ang boses na ito kung isa ito sa pinaka importanteng tao sa buhay nila ni Lyv.Ngunit, paanong nangyari ito?"Alam kong gulat ka, dela Vega. Pero ako talaga ito. Si Tri," pag-amin naman ng lalaki sa kanya mula sa kabilang linya.Ang kanyang kausap ay walang iba kundi si Atty Dimitri Castillo.Ngunit, paano ito nangyari? Namatay na si Tri. Kitang kita ng dalawang mga mata niya ang duguan
“Pakawalan mo na ako, please. Maawa ka sa mga anak ko. Wala silang kasalanan.”Hindi na mabilang ni Lyv kung makailang-ulit na niyang sinasabi ito. Halos nawawalan na rin siya ng boses sa kakasigaw. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan niya sa sobrang uhaw. Nanghihina na rin ang kanyang katawan sapagkat ang huling kain pa niya ay kaninang tanghalian. “Vana Enriquez…Nagmamakaawa ako. Inosente ang mga anak ko. Wala silang kamuwang-muwang sa lahat nang ito,” minsan pa ay ibinuka ng kanyang bibig. Pagod na ang kanyang katawan at isipan subalit hindi ang kanyang puso. Kakayanin niya, alang-alang sa kanyang mga mirasol.“Please, Vana,” untag niya gamit ang isang basag na boses. “Huwag ang mga anak ko…Ako na lang…Ako na lang ang saktan mo, huwag na sila.”Pagkatapos nito, marahas na humarap sa kanya ang dalagang may hawak ng kanyang buhay. Nanlilisik ang mga mata nitong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Dinaklot nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kanan niyang kamay. Ramdam na ramdam n