BELLA POV What is he doing here? "I need to talk to you Bella." Zackeriel said in a low tone. Napalunok ako. Ito na ba iyon? Hihiwalayan niya na ba ako? Lumabas kaming dalawa at tahimik lang akong nakikiramdam sa isat-isa. "Why are you here?" basag ko sa katahimikan. Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong makita niya ang itsura kong ganito, namumugto ang mga mata at napakahina. Kailan nga ba ako naging malakas? "I-i'm sorry Bella." Nanginig ang mga kamay ko sa narinig. Ano ng nangyari sa 'baby?' Napahinga ako nang malalim at napapikit. "W-what do you mean, Zack?" lakas loob kong tanong. "Daniela's my fiancee." Ouch! Ang sakit pala kapag galing na mismo sa kanya ko maririnig iyon. So ako talaga pala yung third party? "Ha! Mas masakit pala kapag galing na sa iyo mismo ko maririnig iyan, Zack," sabay patak ng mga luha ko. Agad ko naman iyong pinalis. Shit! Akala ko ubos ko na lahat sila kanina. Meron pa pala. "K-kung fiancee mo siya. Ano ako sa iyo kung ganon?"
DANIELA POV "We vowed and promised to each other, Daniela. Kaya huwag mong ipamukha sa akin na sinusulot ko si Zackeriel sa iyo. Dahil sa akin siya nangako! Sa akin siya nangako ng pagmamahal niya at hindi sa iyo!" Mabilis na dumapo ang mga palad ko sa mukha niya. Nagulat siya dahil doon. "Layuan mo ang fiancee ko. Kung ayaw mong pulutin ka sa kangkungan Bella. Tandaan mo yan!" galit na banta ko sa kanya at mabilis na tinalikuran siya. Habang papauwi ako ng mansyon ay hindi ko maiwasang mapaiyak. Ang isiping suot niya ang singsing na bigay ni Zackeriel ay parang kutsilyong tumutusok sa aking puso. Kung ganoon ay nangako si Zackeriel sa kanya. Nangako siya ng pagmamahal sa babaeng iyon! Hindi! Hindi maaari ito. Ako ang na una! Bakit pakiramdam ko ngayon ako ang nangugulo at nakikihati sa atensyon at pagmamahal ni Zackeriel. Nang makarating ako sa mansyon ay agad kong hinanap si Zackeriel pero ang sabi ng mga tauhan ay hindi pa ito umuuwi. Why? Is he really affected of tha
BELLA POV Malakas na ang apoy sa kusina maging sa gilid ng sala ay nasusunog na rin. Akmang lalabas na ako upang humingi ng tulong nang makita ko si Nanay Wilma na nakahiga sa gilid ng c.r. na makikita lang sa kusina. Agad-agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya kahit na sobrang init na ng paligid. "Nanay Wilma wake up! Nasusunog na po ang buong bahay. We need to get out of here," bigkas ko at ginising siya pero natigilan ako nang makita ko ang dugo sa dibdib niya. Napatitig din ako sa mga kamay kong nababahiran na ng malalagkit na dugo. Sobrang dami na rin nito ang nasa sahig. Napapalunok ako at nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang kanyang mukha. "N-nanay Wilma? Nanay Wilma please wake up," nagsisimula nang pumatak ang aking mga luha. "Nay? Nanay Wilma, please gumising ka na po ohh. H'wag kayong magbiro nang ganyan Nay. Uuwi papo tayo ng manila diba?" hagulhol ko at niyakap ang katawan niya. "NANAY WILMAAA!!!!!!! TULOOOONGGG!! TULONGAN NIYO PO KAMIIII!!!!" sigaw
BELLA POV Mabilis akong yumakap kay Mommy at umiyak. "Mom, someone wanted to kill me. S-si Nanay Wilma Mommy. Pinatay niya si Nanay Wilma," iyak ko habang yakap-yakap siya. Napatingin naman si Mommy kay Daddy na nakatayo lang sa kanyang gilid. "I-i saw it, Ma. Hawak hawak niya iyong kutsilyo na punong-puno ng dugo. H-he wanted to kill me, Ma. His aftering me, Mom," natatakot kong bigkas at nilingon si Daddy. "Shhh...Baby please calm down. Joseph tumawag ka ng nurse!" sigaw ni Mommy. Mabilis namang pinindot ni Daddy ang emergency button at wala pang isang minuto ay bumukas ang pintuan. Pumasok ang doctor at tsaka nurse saka ako tinurukan nang kung ano. After a couple of seconds nakaramdam ako ng antok. At hindi nagtagal ay tuluyan na akong nilamon nang kadiliman. JOSEPH POV "I'm afraid to tell you this Mr. Guillermo but your daughter is suffering from coronary thrombosis," sabi ng Doctor sa amin kaya napahawak ako sa sentido ko nang wala sa oras. "W-what do you mean
ZACKERIEL POV I need to move now. According to my private investigator that the fire started outside the kitchen. Nakakapagtaka naman ata iyon. Why would a fire start outside? "You sure about your decision lil brother. Sa pagkakaalala ko ay ayaw na ayaw mo sa kompanyang iyon. Seems like the wind is changing hmm." Kuya Arsus stated while puffing his cigars. "Just like you kuya. I need to have power in order to control everything," sagot ko sa kanya at kinuha ang selpon na kanina pa nag-iingay. "Hello?" [ We found something. Nandito ako sa labas. ] "Palabas na ako." Agad kong pinatay ang tawag at mabilis na naglakad palabas ng kabahayan. Nakasalubong ko pa si Daniela na mabilis naman akong sinundan. "Where are you going again this time Zack?!" nakasunod na tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at nakita ko nga sa labas si Leon. Tinanguhan niya lang ako tsaka ako dumeretso nang sakay sa sasakyan. Makaraan ang ilang saglit ay nakatapat na ang sasakyan niya sa mism
BELLA POV "Pero magswi-swimming tayo! Anong susuotin mo?" "Tss. I can wear my favorite boxers shorts instead of that," sabay hablot niya sa two piece at ibinalik sa kung saan ko ito kinuha. "Let's get out of here." And with that ay umalis kami doon sa botique na iyon. Nakangiti ko siyang nilapitan at pinigilan ang upuan sa pagkakaikot. Pabigla kong inilapit ang mukha ko sa kanya at binigyan siya ng isang halik sa kanyang pisngi. Nakita ko ang pagkakagulat niya at ang panlalaki ng kanyang mga matang tinitigan ako pabalik. Mas natawa ako sa naging reaksyon niyang iyon. Ang akala ko pa naman ay itutulak niya ako palayo at pagmumurahin ng mga salita pero hindi iyon nangyari. "W-what was that for?" namumula ang mukha niyang tanong. "Ahahaha nothing. Hindi kasi kita masasamahang lumabas ngayon, Dominic. May family dinner kami ngayon ng parents ko." Mabilis kong dinampot ang handbag ko at kinindatan siya. "See ya." Nang makalabas ako ng building ay agad sumunod sa aking
BELLA POV Mula sa salaming na nasa aking harapan ay kitang-kita ko ang pinaghalong mukha ni Mommy at Daddy sa akin. "Sobrang ganda mo talaga Bella," sigaw ng isang boses mula sa isipan ko. Nanay Wilma. Iyon parati ang sinasabi niya noon tuwing sinusuklayan niya ang aking buhok. "Hindi mo alam kung gaano ka kaganda. Ikaw ang prinsesa ng mga Cortes at Guillermo kaya nararapat lang na alagaan kita nang mabuti." Nanay Wilma while smiling at me. Bigla akong nalungkot nang maalala ko na naman siya. "I've missed you so much Nanay Wilma. Hanggang kailan ako lulubayn ng konsensya ko sa ginawa kong pag-iwan sa iyo," bulong ko sa hangin. Napalingon ako sa pintuan nang tumunog ang doorbell doon. Agad ko iyong nilapitan at tiningnan ang camera para malaman kung sino ang taong nasa labas. And I saw that it was Dominic and he was drunk? Damn it! Binuksan ko ang pintuan at nabigla ako nang salubungin niya ako ng isang mahigpit na yakap. What is wrong with him? Mabilis ko siy
DOMINIC POV Isang tingin ko lang ay alam ko na agad na mag-asawa ang dalawa. At dahil iyon sa kamay ni Mr. Guillermo na nakapulupot sa beywang ng nasabing ginang. Bahagya namang yumuko si Mommy sa babaeng iyon at ngumiti. "It was so suprising to see you here, Selene," bati ni Mommy sa magandang ginang. Ngumiti naman ang ginang sa amin. "The feeling is mutual, Celestina," ngiti niya dahilan nang pagkakamangha ko. "By the way baka gusto niyong sumalo sa amin. Magpapahanda ako ng upuan para sa inyo," bigkas ni Daddy at akma na sanang tatawagin ang isang waiter nang pigilan siya ni Mr. Guillermo. "Hindi na Kenneth. Sa nakikita ko ay nagsasaya kayo sa inyong mumunting family dinner at ayaw na namin pang makaabala sa inyo." "Magdidinner din kasi kaming magpapamilya kaya sa susunod na lang siguro Mr. Laurell," nakangiting paliwanag ni Mrs. Guillermo at nginitian kaming dalawa ni Mommy. "I'm sorry nahuli ako nang dating." Sabay kaming lahat na napalingon sa babaeng kararat