Jasmine'sPOV
Nang matapos kami ni Ate Tessa sa pagligpit sa mga pinamili niyang groceries, sinimulan na namin maghanda para sa hapunan. Alas-kwatro na rin kasi ng hapon. Ayaw man ni Ate Tessa na tulungan ko siya, dahil sabi niya magpahinga nalang daw ako, nagpumilit pa rin ako dahil kaya ko naman na walang ginagawa. Hindi naman mabigat ang mga gagawin. Hinayaan nalang ako ni Ate Tessa.
Habang naghihiwa ng karne, pumasok sa isip ko ang nangyari kanina samin ni Jarred. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil dun. Nasaktan rin ako sa naging reaksiyon niya, para bang hindi niya gusto ang nangyari. Dahil ba sa natukso lang siya?
Umuukilkil sa isipan ko ang sinabi niya na mali ang ginawa namin. Paano naging mali iyon? Wala akong kasintahan at ganun din siya. Sabagay, kaibigan lang ang turing niya sakin.
Nang halikan niya ako kanina at agad ko namang tinugon, doon ko napagtanto na mahal ko pa rin siya. Na kahit anong iwa
Jarred'sPOV Nang makalabas ako ng kwarto, tinungo ko ang gilid ng terrace sa may tabi ng sliding glass door ng kwarto na komokonekta sa terasa. May maliit na cabinet roon na nkaasabit na may lamang sigarilyo. Kumuha ako ng isa at tinungo ang dulong bahagi ng teresa. Sinindihan ko ang sigarilyo at sinimulang hithitin iyon. Ito ang madalas kong ginagawa kapag sobrang na-sstress ako, pero madalang lang akong mastress ng sobra. Kung sa kompanya naman ay hindi ako gaanong na-sstress dahil mapagkakatiwalaan ang empleyado ko at maganda ang takbo ng kompanya. Higit sa lahat, magaling ang mga empleyado. Hindi naman ako basta-basta nag-hihire ng kung sino-sino lang. Binabackground check ko rin, baka mamaya lalaban pala iyon na may balak magmanman. Huminga ako ng malalim, hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina. Dahil sa pagkalito, pagkainis at selos na lumukob sa aking pagkatao. Ang sekretong inililihim ko at hindi pa da
Jasmine'sPOV Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jarred sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganun ang epekto ng tatlong katagang iyon. Kailan lang noong hiniling ko na sana marinig ko iyon mula sa kaniya. Ngayon, paulit-ulit ko na naririnig mula sa kaniya. Napakabilis ng tibok ng aking puso ko ng mga sandaling iyon. Para bang hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Sh*t! Tumikhim si Jarred at ipinaghila ako ng upuan. "Maupo ka, Jasmine." aniya. Doon lang bumalik ang aking kamalayan sa kasalukuyan.Nginitian ko siya. "Salamat." ani ko at umupo sa upuan. "Walang anuman." aniya at hinila ang upuan niya patungo sa tabi ko. Kumuha siya ng dalawang plato na nasa gilid ng mesa. May disk cabinet roon na may katamtamang laki. Inilapag niya ang isa niyon sa harapan ko at ang isa naman ay sa harapan niya. Kinuha niya ang lunch box na naglalaman ng kanin at nilagyan ang plato ko, ganun din ang plato niya. Ti
Jarred'sPOVNagising ako na may kadiliman na sa labas ng kwarto. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa wall, alas-sais y medya na ng gabi. Pagkadating namin ni Jasmine, natulog agad ako dahil sa sobrang pagod. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari kanina sa opisina. Konting-konti nalang makukuha ko na ang loob ni Jasmine. Konting-konti nalang makukuha ko na siya.Bumangon ako ng kama at lumabas ng kwarto tsaka tinungo ang kusina. Natigilan ako ng makita si Jasmine na abala sa pagluluto. Nakatalikod siya, kaya kitang-kita ko ang kaniyang tattoo sa kaniyang batok dahil naka-bun ang kaniyang buhok at nakasuot siya ng sando na kulay cream na hapit sa katawan at litaw na litaw ang kurba ng kaniyang katawan.Mas lalong lumitaw ang angkin niyang kaputian dahil sa suot niya. Bigla siyang humarap na ikinagulat niya, nang makabawi sa pagkagulat ay ngumiti siya sakin. Ayun na naman ang mabilis na panpintig ng aking puso, kapag ngumingiti
Jasmine'sPOV Tinugon ko ang mapusok na halik ni Jarred. Ninamnam ko ang tamis ng lasa niyon na nanunuot sa aking labi. Ipinalibot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at mas pinalalim pa halik. Sigurado na ako sa desisyon ko. Binibigyan ko ng pagkakataon ang aming mga sarili na maging kami ulit at ipagpatuloy ang pagmamahalan namin. "Oh, Jasmine." ungol ni Jarred na mas lalong nagpalagablab sa init na aking nararamdaman. Tumayo si Jarred kaya napatayo na rin ako. Hinawakan niya ang aking bewang. Humiwalay siya at tinitigan ako. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Nakipagtitigan rin ako sa kaniya. Hinaplos niya ang aking mukha. Napapikit ako sa sensayong lumukob sa aking pagkatao dahil sa haplos niyang iyon. "I want you, Jasmine." aniya. Nagmulat ako ng mga mata at tinitigan siyang muli. Napalunok ako dahil sa intensidad ng kaniyang pagkakatitig. Nang hindi ako sumagot, nagsalita ulit siya. "Pleas
Jarred'sPOV HINDI ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Jasmine habang siya'y natutulog. Mukhang napagod siya sa ginawa namin. Ilang ulit na nag-isa ang aming katawan ngayong gabi. Hindi ako gumamit ng proteksiyon, handa naman akong panagutan siya kung sakali man na magdalang-tao siya. Hinalikan ko siya sa noo, at bumaba ng kama at naligo. Pagkatapos maligo at magbihis. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng aming pinagkainan at dinala iyon sa kusina para hugasan. Habang hinihugasan ang pinagkainan, biglang pumasok sa isip ko si Vince. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na nagkaayos na kami? Sigurado naman na maiintindihan niya iyon. Oo, at pinayagan ko siyang ligawan si Jasmine. Ngunit, puso na ang nagdikta sa aming dalawa ni Jasmine para magkaayos kami. Huminga ako ng malalim at tinapos na ang ginagawa. Walang maidudulot na maganda ang pag-iisip ng kung ano-ano. Tsaka ko n
Jasmine'sPOV Kitang-kita ko sa kislap ng mga mata ni Jarred ang pananaghili. Tumayo ako at biglang napakapit sa kaniyang balikat ng maramdaman ang kirot sa aking pagkab*bae. Nakatulong ang pagligo ko ng maligamgam na tubig para mawala kahit papaano ang kirot. Mabilis ang mga kamay ni Jarred, hinawakan niya ang aking bewang para hindi ako matumba. "Bakit kailangan mo pang tumayo? Pwede ka naman sumagot habang nakaupo." aniya na kababakasan ng pag-aalala ang bakas ng kaniyang mukha. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa pag-alala na ipinapakita niya sakin. Ngayong maayos na kami, maranasan ko na kung paano mag-alaga ang isang Jarred Racqueza "Ayos lang. Gusto ko habang sinasabi ko ang mga sasabihin ko ay magkapantay ang ating mga mukha at nakatitig ako sa iyong mga mata, Jarred." ani ko habang titig na titig sa kaniya. Sinalubong niya ang aking titig. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang a
Nang marating ko ang kusina. Kinuha ko ang cellphone sa suot na shorts at tinawagan si Celine. Gusto ko mailabas ang inis na nararamdaman, at si Celine lang ang taong mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay. Nakakailang ring palang ay sinagot na niya ang tawag."Yeah, Bes! Good afternoon. Kamusta? Namimiss mo na agad ako? Pupunta naman ako diyan mamaya eh." aniya. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita."Nandito ang kaibigan ni Jarred na si Sean! Naiinis ako! Kaya tinawagan agad kita para mailabas ko yung nararamdaman ko! Argh!" Hindi ko na talaga napigilan ang inis na nararamdaman. Hindi naman gaanong kalakasan any boses ko at baka marinig nila."Ano ba ang nangyari? Mayabang ba?" tanong niya.Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na nagkaayos na kami ni Jarred. Balak ko kasing sabihin yun mamaya pagdating niya kaso masasabi ko ata ng wala sa oras."Ahem, nagkaayos na kami ni Jarred." an
NAGPATULOY ang pag-uusap namin ni Celine, hanggang sa napunta kay Sean ang usapan na kaagad ko namang ipinaliwanag, maging ang paghingi ni Sean ng paumanhin. Hanggang sa kung saan-saan na napunta ang usapan namin."Ikaw? Wala ka bang ikwekwento sakin?" tanong ko kay Celine. Natigilan siya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin. Kinain ako ng kuryusidad sa naging reaksiyon niya, mukhang may itinatago si Celine."Celine, diba walang lihiman? Don't tell me, naglilihim ka sakin?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Naglihim pala ako sa kaniya, pero kailangan kong ilihim eh.Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mga mata, nabahala ako kaya agad ko siyang niyakap. Bigla siyang humagulhol sa aking balikat.Hinagod ko ang kaniyang likod, para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Nang tumigil siya sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya. Kumuha siya ng tissue
Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an
Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Jasmine. Hindi ba kilala ni Freyah si Jasmine? "Jasmine Saderra, the heiress of Saderra's Cofee Factory. and-- tumingin si Jasmine sakin at ngumiti. Tsaka inilahad ang kamay sakin "Si Jarred Racqueza,
Jarred'sPOVMagkahawak ang aming kamay ni Jasmine habang naglalakad patungo sa entrance ng Starez Publishing Inc. Nang medyo malapit na kami, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking slacks na suot. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Iginiya ko si Jasmine sa gilid na bahagi ng gusali kung saan may di kalakihang puno na pwedeng tambayan o liliman. Tiningnan ko kung sino amg caller, walang iba kundi si Wilson Monero. Mukhang may nakalap na siyang impormasyon tungkol sa ipinapahanap ko, ang numero na ginamit sa pagtawag kay Khael para sabihin ang tungkol sa namamagitan samin ni Jasmine. Ang ayaw ko sa lahat, pinapangunahan ako. "Hello, Wilson." ani ko sa nasa kabilang linya. "Good day, Mr. Racqueza. Alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon." aniya. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pilit na inaagaw ni Jasmine ang kamay niya na hawak ko pero hindi ko siya pinayagan. Tiningnan ko siya."Bakit?" tanong ko at tinakpan ang mouthpiece."Makipag-usap ka muna
Jasmine'sPOVHindi niya napigilan ang sarili na pamuluhan ng pisngi dahil sa kung paano ako titigan ni Jarred nang buong pagsuyo at pagmamahal. Bakit ba hindi na ako nasanay? O kahit araw-araw niyang gawin ay ganun pa rin ang epekto niya sakin. Biglang may tumikhim na naging dahilan para mapabaling ang tingin ko sa katabi na si Tita Celeste na siya palang may gawa niyon. Napakalapad ng ngiti niya at nangungislap ang mga mata."Kain na tayo, huwag niyo namam kami painggitin ng Dad mo Jarred. Baka umuwi kami ng di-oras neto." biro ni Tita Celeste. Natawa ako sa sinabi ni Tita Celeste. Natawa rin su Jarred. Samantalang napailing lamang na natatawa si Tito Dante. Biglang pumasok sa isip ko kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak. Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Marahil tatanungin ko nalang mamaya si Jarred.NAGPATULOY kami sa pagkain hanggang sa nagtanong si Tito Dante. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya."Kelan niyo balak kausapin ang nag-publish ng tungkol sa inyo ni Jasmine?"