Jasmine'sPOV
Kitang-kita ko sa kislap ng mga mata ni Jarred ang pananaghili. Tumayo ako at biglang napakapit sa kaniyang balikat ng maramdaman ang kirot sa aking pagkab*bae. Nakatulong ang pagligo ko ng maligamgam na tubig para mawala kahit papaano ang kirot. Mabilis ang mga kamay ni Jarred, hinawakan niya ang aking bewang para hindi ako matumba.
"Bakit kailangan mo pang tumayo? Pwede ka naman sumagot habang nakaupo." aniya na kababakasan ng pag-aalala ang bakas ng kaniyang mukha.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa pag-alala na ipinapakita niya sakin. Ngayong maayos na kami, maranasan ko na kung paano mag-alaga ang isang Jarred Racqueza
"Ayos lang. Gusto ko habang sinasabi ko ang mga sasabihin ko ay magkapantay ang ating mga mukha at nakatitig ako sa iyong mga mata, Jarred." ani ko habang titig na titig sa kaniya.
Sinalubong niya ang aking titig. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang a
Nang marating ko ang kusina. Kinuha ko ang cellphone sa suot na shorts at tinawagan si Celine. Gusto ko mailabas ang inis na nararamdaman, at si Celine lang ang taong mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay. Nakakailang ring palang ay sinagot na niya ang tawag."Yeah, Bes! Good afternoon. Kamusta? Namimiss mo na agad ako? Pupunta naman ako diyan mamaya eh." aniya. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita."Nandito ang kaibigan ni Jarred na si Sean! Naiinis ako! Kaya tinawagan agad kita para mailabas ko yung nararamdaman ko! Argh!" Hindi ko na talaga napigilan ang inis na nararamdaman. Hindi naman gaanong kalakasan any boses ko at baka marinig nila."Ano ba ang nangyari? Mayabang ba?" tanong niya.Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na nagkaayos na kami ni Jarred. Balak ko kasing sabihin yun mamaya pagdating niya kaso masasabi ko ata ng wala sa oras."Ahem, nagkaayos na kami ni Jarred." an
NAGPATULOY ang pag-uusap namin ni Celine, hanggang sa napunta kay Sean ang usapan na kaagad ko namang ipinaliwanag, maging ang paghingi ni Sean ng paumanhin. Hanggang sa kung saan-saan na napunta ang usapan namin."Ikaw? Wala ka bang ikwekwento sakin?" tanong ko kay Celine. Natigilan siya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin. Kinain ako ng kuryusidad sa naging reaksiyon niya, mukhang may itinatago si Celine."Celine, diba walang lihiman? Don't tell me, naglilihim ka sakin?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Naglihim pala ako sa kaniya, pero kailangan kong ilihim eh.Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mga mata, nabahala ako kaya agad ko siyang niyakap. Bigla siyang humagulhol sa aking balikat.Hinagod ko ang kaniyang likod, para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Nang tumigil siya sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya. Kumuha siya ng tissue
Jarred'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti habang tinitigan ang magandang mukha ni Jasmine habang mahimbing na natutulog. Dala ng pagod kaya nkaatulog siya agad, balak ko pa man din makipagkwentuhan sa kaniya. Nakaunan siya sa aking braso habang nakadantay ang kaniyang hubad na katawan saking katawan. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at kinintalan ng isang halik sa noo. Hindi ko akalain na ang bagay na ginusto namin gawin noon na hindi naming magawa dahil sa kailangan muna naming mag-aral at baka magbunga kung sakaling nagpadala kami sa init na aming katawan ay nagawa na namin ngayon. At kung sakaling magbunga iyon, ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang cellphone ni Jasmine. It was a voice message from Celine. Out of curiosity, I opened it and play the botton. Maybe, later I'll ask forgiveness to Jasmine for interference her cellphone. I'm not the kind of man meddling girl's things. Well, Jasmine is not just a girl, she w
Jasmine'sPOVHindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga sinabi ni Jarred, pero nangyari na eh. Kailangan ko nalang tanggapin dahil malalaman di naman nila ang mayroon kami kaya wala ng dahilan para ilihim pa. Nagpapasalamat ako dahil tanggap ni Tita Celeste ang namamagitan samin ni Jarred. Si Sir Dante kaya, tanggap din kaya niya? Tanggap kaya niya ako? Hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko, pero tatatagan ko ang loob ko at gagawin ko ang lahat para matanggap niya ako ng buong-puso at hindi napipilitan lang dahil kay Jarred. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang titig ni Jarred na kababakasan ng takot at pangamba. "Tanggap ako ni Tita Celeste pero si Sir Dante, tanggap ba ako? Hindi ko lang maiwasang isipin iyon, Jarred. Hindi yung ikinakahiya ko na nagkaayos na tayo, syempre ang alam niya nanliligaw sakin si Khael diba? Baka isipin niya na namamangka ako sa dalawang ilog." tanong ko. Nakita ko ang pagtalim ng kaniyang mga mata, bigla akong kinilabutan. Anong nangyari? May
Jarred'sPOVRamdam ko ang kaba ni Jasmine, kaya pinagsiklop ko ang aming mga kamay para kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Tiningala ako ni Jasmine at nginitian, ngumiti rin ako sa kaniya at tinanguan tsaka ngumiti para ipaalam sa kaniya na kaya niyang humarap kay Dad at wala siyang dapat ikabahala. Mas lalong hinigpitan ang pagkakasiklop ni Jasmine ang aming mga kamay nang malapit na kami sa front door ng mansiyon. Naunang pumasok si Tita Celeste at iginiya kami papasok. Iginala ko ang paningin sa bahay, wala pa ring nagbago sa ayos na yun. Maliban nalang sa mga kagamitan na nadagdag na talagang hindi basta-basta ang halaga."Ang ganda ng mansiyon, Jarred. Nakakalula ang ganda. Kung maganda sa labas, mas maganda dito sa loob." puri ni Jasmine habang iginagala ang paningin sa loob ng bahay o mansiyon. Nasa unahan si Tita Celeste at sinusundan namin."Pero mas mangingibabaw ang kagandahan mo sa alinman sa mga nakikita mo. Dahil walang maikukumpara ang kagandahan mo sa alinmang
Jasmine'sPOVKanina pa ako hindi kinikibo ni Jarred at hindi ko maiwasang masaktan sa pinapakita niya sakin. Hindi ko naman siya masisisi, nagsinungaling ako sa kaniya tungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay namin. Mabuti na rin yung nalaman niya ngayon kaysa patagalin ko pa. Hindi ko magawang magsaya ngayong narito ako sa harapan nina Tita Celeste at Tito Dan. Pagkatapos namin kumain, ngayon naman ay uniinom kami ng wine."Jasmine, ayos ka lang?" biglang tanong ni Tita Celeste.Mula sa pagtitig sa wine na nasa wine glass, nag-angat ako ng tingin at tiningnan si Tita Celeste na mataman na nakatitig salon at bakas sa mukha ang pag-aalala. Nakatingin rin sa gawi ko si Tito Dan, samantalang abala naman si Jarred sa cellphone niya. Mukhang ayaw niya ako makita. Pakiramdam ko may kamay na pumipiga sa aking puso sa sakit niyon."Okay lang po ako, Tita. Pasensya na po may iniisip lang." ani ko. Nagkatinginan sina Tita Celeste at Tito Dan, na para bang alam nila kung ano ang iniisip ko. S
Jarred'sPOV Huminga ako ng malalim ng makapasok si Jasmine sa bahay. Napasandal ako sa hood ng kotse at hinilamos ang mga palad sa mukha dahil sa prosrasyong nararamdaman dahil sa mga nangyari kanina. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. Dala ng galit at inis kaya ko nasabi iyon. Huli na ng mapagtanto ko ang mga sinabi ko. F*ck! Napasuntok ako sa semento na nasa harapan dahil sa labis na pagkagalit sa sarili. Nagtamo iyon ng sugat sa aking kamao. Tumulo ang dugo sa aking braso. Hinugot ko ang aking dalang panyo sa aking bulsa at iyon ang ipinantapal ko sa duguan kong kamao. Pumasok ako sa loob ng mansiyon at umakyat sa pangalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang aking kwarto. Nang matapat ako sa pinto ng kwarto ni Jasmine. Sinubukan kong pihitin ang doorknob ng pinto niya at laking gulat ko na hindi iyon naka-lock. Sabagay, kami lang naman ang narito sa bahay. Wala namang gagawa ng masama sa kaniya. Pumasok ako sa loob at nakitang nakahiga si Jasmine sa kama at natutulog. D
Jasmine'sPOVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang naghahanda ng pananghalian ni Jarred. Ngayon ko balak na sabihin sa kaniya na pinapatawad ko na siya. Kanina, nang matapos kami sa pag-aagahan at umalis siya sa kusina para maghanda sa pagpasok ay doon ko narealize na hindi ko na dapat pinapatagal pa ang gusot sa aming dalawa. Wanang mangyayari kung patatagalin pa, dahil parehas lang laming mahihirapan.At, inaamin ko na namimiss ko na siya lalo na yung biruan namin at ang masuyong paghalik at pag-aangkin niya sakin. Kanina, gustong-gusto ko ng sabihin sa kaniya na pinapatawad ko na siya pero biglang umurong ang dila ko at nahiya akong sabihin iyon sa kaniya. Pero ayos lang iyon. Babawi ako mamaya.Ang inihanda kong ulam ay Beef Steak, na paborito niya. Talagang niluto ko nto ng may pagmamahal dahil isa ito sa mga paborito niya. Kung kulang ito, magtatake-out nalang ako. Madami kasi akong ginawang gawaing bahay kaya ito lang ang naihanda ko. Nang maihanda ko na ang pagkain at mailag
Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an
Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Jasmine. Hindi ba kilala ni Freyah si Jasmine? "Jasmine Saderra, the heiress of Saderra's Cofee Factory. and-- tumingin si Jasmine sakin at ngumiti. Tsaka inilahad ang kamay sakin "Si Jarred Racqueza,
Jarred'sPOVMagkahawak ang aming kamay ni Jasmine habang naglalakad patungo sa entrance ng Starez Publishing Inc. Nang medyo malapit na kami, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking slacks na suot. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Iginiya ko si Jasmine sa gilid na bahagi ng gusali kung saan may di kalakihang puno na pwedeng tambayan o liliman. Tiningnan ko kung sino amg caller, walang iba kundi si Wilson Monero. Mukhang may nakalap na siyang impormasyon tungkol sa ipinapahanap ko, ang numero na ginamit sa pagtawag kay Khael para sabihin ang tungkol sa namamagitan samin ni Jasmine. Ang ayaw ko sa lahat, pinapangunahan ako. "Hello, Wilson." ani ko sa nasa kabilang linya. "Good day, Mr. Racqueza. Alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon." aniya. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pilit na inaagaw ni Jasmine ang kamay niya na hawak ko pero hindi ko siya pinayagan. Tiningnan ko siya."Bakit?" tanong ko at tinakpan ang mouthpiece."Makipag-usap ka muna
Jasmine'sPOVHindi niya napigilan ang sarili na pamuluhan ng pisngi dahil sa kung paano ako titigan ni Jarred nang buong pagsuyo at pagmamahal. Bakit ba hindi na ako nasanay? O kahit araw-araw niyang gawin ay ganun pa rin ang epekto niya sakin. Biglang may tumikhim na naging dahilan para mapabaling ang tingin ko sa katabi na si Tita Celeste na siya palang may gawa niyon. Napakalapad ng ngiti niya at nangungislap ang mga mata."Kain na tayo, huwag niyo namam kami painggitin ng Dad mo Jarred. Baka umuwi kami ng di-oras neto." biro ni Tita Celeste. Natawa ako sa sinabi ni Tita Celeste. Natawa rin su Jarred. Samantalang napailing lamang na natatawa si Tito Dante. Biglang pumasok sa isip ko kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak. Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Marahil tatanungin ko nalang mamaya si Jarred.NAGPATULOY kami sa pagkain hanggang sa nagtanong si Tito Dante. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya."Kelan niyo balak kausapin ang nag-publish ng tungkol sa inyo ni Jasmine?"