Jasmine'sPOV
Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha na nagmumula sa nakabukas na bintana ng aking kwarto. Iniunat ko ang aking mga kamay at bumangon. Pilit kong sinasariwa sa aking isipan ang nangyari. Natatandaan ko na nawalan ako ng malay at ang pag-alalay sakin ni Jarred. Ibig sabihin siya ang nagdala sa akin dito?Masaya ako dahil nararamdaman ko na nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Pero hindi dapat ako magpadala dahil nangako ako kay Khael na kakalimutan ko na siya. Hindi ko sisirain yun. Tiningnan ko ang orasan na na nakasabit sa dingding. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagtantong alas-syete na ng umaga. Sh*t!
Dali-dali akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kusina at nang makapasok ako, nabigla ako sa aking nakita. Natulos ako sa aking kinatatayuan. Si Jarred, nasa kitchenette at nagluluto. Pumasok ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Lumingon sa akin si
JarredPOVNakaramdam ako ng paninibugho dahil sa aking mga narinig na pag-uusap nina Vince at Jasmine. Sa loob ng mailing panahon na magkakilala sila, close na sila sa isa't-isa. Hindi ko maiwasang magselos! Oo, nagseselos ako! Oo inaamin ko nagseselos ako, na hanggang ngayon may pagmamahal pa rin ako para kay Jasmine. Marerealize mo pala iyon kapag nakikita mong masaya ang taong mahal mo sa iba. Bumuntong-hininga ako para ikalma ang sarili.Tinungo ko ang kwarto, gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Para mailabas ang sakit na nararamdaman. Ikinuyom ko ang aking kaliwang kamao at sinuntok ang pader, nagdulot iyon ng sugat sa aking kamao na ang dugo ay tumutulo sa pader. Masakit, pero mas masakit ang sakit na nararamdaman ko ngayon.Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng gray v-neck shirt na galit sa katawan at six pocket shorts. Naglakad ako patungo
Jasmine'sPOVBahagya akong natigilan sa sinabing iyon ni Mrs. Racqueza, mukhang namumukhaan pa niya ako. Walang dahilan para mag-deny ako. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Jarred. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ayaw niya na malaman nila ang apelyido ko. Gusto kong malaman. Pero kailangan kong taymingan. Ngumiti ako kay Mrs. Racqueza at tumango."Ma'am ako po si Jasmine Galvez. Yung minsang nakasama niyo po sa Cletore nang dalawang beses at minsang niyaya niyo po mag-shopping sa Fridda's Boutique." ani ko.Mabuti nalang ang ginamit kong apelyido kay Mrs. Racqueza ay ang middle name ko. Tiningnan ko si Jarred, at nakita ko na nakampante siya sa sinabi ko. Kung anuman ang dahilan kung bakit ayaw niyang malaman nila ang apelyido ko dapat kong malaman iyon. Kailangan ko siyang makausap tungkol doon. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ako ni Mrs. Racqueza mula ulo hanggang paa."OMG! Is that you Jasmine?! Anong
Jarred'sPOV"MAY bisita tayo!" masiglang ani Tita Celeste na may kasamang gigil. Napalingon ako sa may pintuan ng kusina kung saan papasok si Tita Celeste na may dalang isang bucket ng fried chicken. Napakunot-noo ako. Sino naman kaya ang bisita namin? Inilapag niya ang dala sa mesa."Sino po?" tanong ko.Bago pa man niya masagot ang tanong ko. Nakarinig ako ng pagtawa sa labas ng kusina. Napabaling ako sa pinto nang pumasok doon sina Vince at Jasmine na tumatawa. Hindi ko maiwasang mainis sa nakita, naiinis ako dahil napapatawa niya si Jasmine. F*ck! Nagtama ang aming mata ni Vince. Ngumiti siya sa akin."Good afternoon Bro, pasensya hindi ko alam na nandito pala sina Tita. Bibisitahin ko sana si Jas." aniya na kababakasan ng kislap sa mga mata."Okay lang yun iho. Mas maganda nga iyon madami tayong magsasalo-salo." ani Dad. Ano pa bang magagawa ko? Sumang-ayon na sina Dad at Tita. Ayaw ko naman masira a
Jasmine'sPOV"No. You shouldn't be here. This is a serious matter that we didn't need your presence." ani Tita Celeste kay Beatriz. Natigilan si Beatriz sa prangkang sagot ni Tita Celeste. Tiningnan niya ako ng masama. Napakunot-noo ako sa ginawa niya. Ano ba nagawa ko at ganun siya makatingin?"Pero girlfriend ako ni Jarred Tita Celeste. I have the rights. Kung pagmamay-ari nga nina Jasmine ang Saderra's Coffee Factory. Ano ang ginagawa niya dito? Diba dapat nandoon siya sa sa kompanya nila at doon nagtratrabaho? Bakit siya nandito. To seduce Jarr— pinutol ni Jarred ang iba pang sasabihin ni Beatriz."Beatriz sundin mo nalang si Tita, kumalma ka. Pag-uusapan pa namin ito. Ipapaliwanag ko nalang sayo ang lahat kapag natapos na kami sa pag-uusap." kalmadong sagot ni Jarred.Matalim ang pagkakatingin ni Jarred kay Beatriz. Naglapat ang itaas at ibabang labi ni Beatriz. Parang pinipigilan lang niya ang galit. Nanginginig
Jarred'sPOVIto ang ayaw ko sa lahat. Konokontrol ako sa mga bagay-bagay. Pagod na rin ako kakaintindi sa ugali ni Beatriz. Mas maganda na rin na maghiwalay kami para walang maging hadlang kung sakali gusto ko na makipag-ayos kay Jasmine. Natigilan si Beatriz sa sinabi ko."You're breaking up with me just because of that? Or you're breaking up with me just because of Jasmine?" ani Beatriz sabay tingin kay Jasmine. Tiningnan ko si Jasmine. Natigilan siya sa sinabi ni Beatriz."Can I excuse myself?" tanong ni Jasmine. Mukhang ayaw niya makinig sa sagutan naming dalawa. Lumabas na siya sa dining area. Bumalik ang tingin ko kay Beatriz pagkalabas ni Jasmine ng dining area."Itigil na natin ito Beatriz. Pagod na ako kakaintindi sa ugali mo, hindi ka naman ganiyan dati diba? Hindi na ako masaya sa relasyon natin. Nakakapagod na. Ito na ang huli naging pagkikita. Umalis ka na Beatriz." ani ko at tinitigan siya ng masama. Tumulo ang luha
Jasmine'sPOVGumising ako na maayos na ang pakiramdam. Salamat sa gamot na ipinainom ni Jarred kagabi kaya magaan na ang pakirdam ko ngayon. Pagkatapos kong kumain kagabi, pinagpahinga niya na ako. Ipinakilala niya sakin si Ate Tess na pansamantalang papalit sa akin. Baka bukas pwede na ako magtrabaho.Lumabas ako ng kwarto, saktong papalabas din si Jarred sa kwarto niya. Nagtama ang aming mga paningin at nginitian ako. Pinanatili ko na hindi nakangiti, ayaw kong madala sa ngiti niya dahil sinusubukan ko ang sarili ko na kalimutan siya. Lumapit siya sakin. Nang makalapit siya, sinalat niya ang aking noo."Hindi ka na gaanong mainit. Kamusta ang pakiramdam mo? Bumuti ba?" nag-aalala niyang tanong. Tumango ako."Oo, salamat sa gamot na ipinainom mo sakin kagabi. Sige, pupunta lang ako sa kusina." paalam ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Tumalikod ako at naglakad patungo sa hagdan. Nakakailang hakbang ako nang m
Jasmine'sPOV Bakit parang pakiramdam ko hindi bukal sa loob ni Jarred ang pagbisita ni Khael sa akin? Against ba siya sa kaalamang ako ang liligawan ng kaibigan niya na ex-girlfriend niya. Naputol ang pagmumuni-muni ko ng maradaman ang palad ni Khael sa aking pisngi at hinaplos iyon. Napatingin ako sa kaniya. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako. "Wala naman, Khael. May naisip lang ako." ani ko. Tinanggal na ni Khael ang palad sa pisngi ko. Napatingin ako kay Jarred, na nakatitig sa amin. Nagtatagis ang bagang niya. Galit ba siya? Pero bakit? Ayaw kong isipin na dahil nagseselos siya kaya nagtatagis ang bagang niya. Malabong mangyari yun. Baka galit siya dahil sa bahay niya kami nagiging sweet ni Khael. Tumango naman si Khael. "Kain na po!" ani Ate Tessa sa masiglang tinig. Pinaghugot ako ng upuan ni Khael sa kanang bahagi ng mesa. Ganun din si Jarred, na pinaghugot ako ng upuan sa kaliwang baha
Jarred'sPOVTINITIGAN ko ang rectangular velvet box na naglalaman ng isang kulay gintong kwintas na may pendant na puso na nasa hawak ko. Binili ko ito kanina sa isang Jewelry Shop sa loob ng mall kasabay ng pagbili ko ng Bischu Doughnut.Ibibigay ko ito kay Jasmine. Sa katunayan, balak ko talagang makipag-ayos na dito kanina nang tawagan ko siya at ang kwintas na ito ang magiging senyales na wala ng galit na namamayani sa aking puso. Ito ang ganda ng pakikipagkaibigan ko sa kaniya.Lagi kong sinasabi sa sarili ko na tama na ang pagiging mabait dahil kailangan kong maghiganti, pero hindi iyon ang isinisigaw ng puso ko. Ang isinisigaw nito ay pagpapatawad at paglimot sa mga bagay na nangyari na. Bagkus, gumawa ng mabuti dahil yun ang nakatatak sa isip ng tao at habang-buhay nilang tatanawin na utang na loob iyon.Huminga ako ng malalim at inilagay iyon sa paper b
Jarred'sPOV Pagkatapos kong kausapin si Wilson Monero para ipaimbestiga ang nangyari at maisend sa kaniya ang video ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob. Sinabi niya rin na hindi na kailangan ang cctv para malaman ang nagmamay-ari ng video dahil siya na raw ang bahala. Humiga ako sa tabi ni Jasmine at humarap sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Sino ang kausap mo?" tanong sakin ni Jasmine at nagmulat ng mga mata na ikinabigla ko. "Gising ka pa pala?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sakin at dahan-dahang umupo na kaagad ko namang inalalayan. "Oo, hinintay kita ng matapos dahil May sasabihin ako." aniya. "Ano?" tanong ko habang titig na titig sa maganda niyang mukha. "Pakiramdam ko kasi nagiging komplikado na ang lahat, Jarred. Buntis ako pero hindi pa rin natin naaayos ang gusot sa ating dalawa." aniya na kababakasan ng lungkot ang mga mata. Pinakatitigan ko siya. "Jasmine, don't worry too much. Makakaya natin ito diba? Lagi natin sinasabi sa isa't-isa na malalampas
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magmumog. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto. Napakunot-noo ako ng may marinig akong kalansing sa kusina. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ang nasa kusina."Ate Tessa?!" ani ko. Lumingo sa kaniya ang babae na abala sa pagluluto ng ulam. Tama! Si Ate Tessa nga! Ngumiti sakin si ate Tessa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya."Naku! Dahan-dahan lang. Baka mapano si baby." aniya na natatawa pero niyakap din siya pabalik. Huh?! Alam ba niya na buntis ako? Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at kunott-noong tinitigan siya. Ngunit, nakangiti lamang siya."Alam niyo pong buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa ako nandito, Jasmine. Sinabi sakin lahat ni Jarred, na buntis ka." hinawakan niya ang aking kamay at tintigan ako. "Masaya ako dahil nagkaayos na kayo at ikakasal sa lalong madaling panahon. Nagpapasalamat ako sa D
Jasmine'sPOV"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni mom ng makarating kami ni Jarred sa kusina. Sabi na nga ba eh, magtataka sila dahil natagalan kami. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Jarred."May pinag-usapan lang po kami ni Jasmine, Tita Adhalia." ani Jarred na may bahagyang ngiti sa mga labi. Ngumiti lamang si mom."Ganun ba, kain na tayo!" masigla niyang sambit. Akmang hihilain ko na sana ang upuan nang maunahan ako ni Jarred. Tiningnan ko siya at nginitian."Salamat." ani ko. "It's my pleasure, baby." aniya habang titig na titig sa aking mga mata, hindi alintana na kasama namin si mom at dad. Hindi ko tuloy maiwasan pamulahan ng mukha. Tiningnan ko sina Dad at Mom, nakangiti sila habang nakatingin samin. Umupo na rin si Jarred sa katabi kong upuan."Natutuwa ako kung paano mo alagaan si Jasmine, Jarred." ani dad habang nilalagyan ni momn ng kanin ang plato niya. Hindi ko maiwasang mapangiti kung paano asikasuhin ni mom si dad. Na sa tagal ng pagsasama nila, naroon p
Jarred'sPOVMarahan kong ibinaba sa mesa ang litrato naming dalawa ni Jasmine na nakapicture frame. Simula ng maging kami, naglagay na ako ng picture naming dalawa dito sa opisina at isang picture niya. Kapag nakikita ko kasi ang mukha niya nawawala ang pagod ko, lalo na ngayon na magkakaroon na kami ng anak. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga na aming pag-iibigan. One of these days, isesettle ko na ang kasal namin. Ako ang kikilos, dahil ayaw ko siyang mastress. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa at tinawagan si Jasmine. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Napatawag ka?" tanong niya. Napailing-iling ako. Kailangan ko ata siyang turuan maging sweet pagdating sa pakikipag-usap niya sakin sa cellphone. Pero ayos lang, sweet naman siya sa personal."Kamusta ka? Huwag ka na magkikilos dyan, heart. Okay? Hintayin mo nalang si Ate Tessa." ani ko. Natawa siya ng mahina."Protective masyado." "Oo naman, ganun kita kamahal baby." ani ko. Kung nandito lang siya sa aking ha
Jasmine'sPOVHindi ko mawari kung bakit ganun ang naging pagtrato ko kay Jarred noong nasa banyo kami. Bigla nalang ako nainis na hindi ko naman ginagawa. Minsan pakunwari lamang ako kung mainis sa kaniya, pero kanina iba talaga eh. Bakit kaya? Dahil siguro ito sa pagbubuntis ko. Napabuntong-hininga ako at idinial na ang numero ni Tita Celeste. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag."Jasmine! napatawag ka?" tanong agad sakin ni Tita Celeste. "Okay naman po tita. May good news po ako sa inyo." ani ko. Tumili ng malakas si tita, narinig ko pa ang boses ni Tito Dante na sinasaway si tita pero isinawalang-bahala iyon ni tita Celeste. "Alam ko na ang good news mo, buntis ka nu?" namula ako sa sinabi ni tita Celeste, hindi ko akalain na may ideya na siya sa sasabihin ko. Nahihiya din ako dahil may nangyari na samin ni Jarred kahit wala pang basbas ng kasal. "Opo tita, yun po ang good news ko sa inyo. Buntis po ako sa anak ni Jarred." ani ko. Tumili na naman ng malakas si tita C
Beatriz'sPOVTiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede!"Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran."You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat!"Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay para makatulog bago pumunta dito." sagot niya. Napatango-tango ako. Hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil ako ang may kailangan sa kaniya. Pwes, parehas kami dahil kailangan niya ng pera. Iwenestra ko an
Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay ni Jasmine. Hindi ba kilala ni Freyah si Jasmine? "Jasmine Saderra, the heiress of Saderra's Cofee Factory. and-- tumingin si Jasmine sakin at ngumiti. Tsaka inilahad ang kamay sakin "Si Jarred Racqueza,
Jarred'sPOVMagkahawak ang aming kamay ni Jasmine habang naglalakad patungo sa entrance ng Starez Publishing Inc. Nang medyo malapit na kami, biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking slacks na suot. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Iginiya ko si Jasmine sa gilid na bahagi ng gusali kung saan may di kalakihang puno na pwedeng tambayan o liliman. Tiningnan ko kung sino amg caller, walang iba kundi si Wilson Monero. Mukhang may nakalap na siyang impormasyon tungkol sa ipinapahanap ko, ang numero na ginamit sa pagtawag kay Khael para sabihin ang tungkol sa namamagitan samin ni Jasmine. Ang ayaw ko sa lahat, pinapangunahan ako. "Hello, Wilson." ani ko sa nasa kabilang linya. "Good day, Mr. Racqueza. Alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng numero na iyon." aniya. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pilit na inaagaw ni Jasmine ang kamay niya na hawak ko pero hindi ko siya pinayagan. Tiningnan ko siya."Bakit?" tanong ko at tinakpan ang mouthpiece."Makipag-usap ka muna
Jasmine'sPOVHindi niya napigilan ang sarili na pamuluhan ng pisngi dahil sa kung paano ako titigan ni Jarred nang buong pagsuyo at pagmamahal. Bakit ba hindi na ako nasanay? O kahit araw-araw niyang gawin ay ganun pa rin ang epekto niya sakin. Biglang may tumikhim na naging dahilan para mapabaling ang tingin ko sa katabi na si Tita Celeste na siya palang may gawa niyon. Napakalapad ng ngiti niya at nangungislap ang mga mata."Kain na tayo, huwag niyo namam kami painggitin ng Dad mo Jarred. Baka umuwi kami ng di-oras neto." biro ni Tita Celeste. Natawa ako sa sinabi ni Tita Celeste. Natawa rin su Jarred. Samantalang napailing lamang na natatawa si Tito Dante. Biglang pumasok sa isip ko kung bakit hindi sila nagkaroon ng anak. Gusto kong itanong pero nahihiya ako. Marahil tatanungin ko nalang mamaya si Jarred.NAGPATULOY kami sa pagkain hanggang sa nagtanong si Tito Dante. Nabaling ang atensyon namin sa kaniya."Kelan niyo balak kausapin ang nag-publish ng tungkol sa inyo ni Jasmine?"