“Take the girl. Kill them if they block the way.”
Gino chuckled at pinakita na walang laman ang baril. Sinundan niya muli ang kasamahan at kinaladkad ang dalaga habang nagmamatigas.
Tatlong Mercedes Gelandewagen ang sasakyang bumungad kay Rousanne. Nagsusumigaw ito sa kamahalan at kitang-kita ni Rousanne ang reflection niya sa malinis at makintab nitong balat. Napatingin siya kay Demetrius na sa kakaibang sasakyan ito pumasok. Isang Mercedes Benz S Class. Ito ang kauna-unahang beses na makakita ng ganito si Rousanne. Nakita niya lang kasi ito sa pictures. Gaano kaya kayaman si Mr. Romanov. Ang ganitong klaseng sasakyan ay tumataginting sa milyon.
Ilang sandali pa ay humina ang takbo ng kanilang sinasakyan. Tanaw na tanaw ni Rousanne ang itim na metal gate ng bahay na papasukan nila. Sa gilid nito ay may outpost na nagbabantay ang dalawang lalaki. The gate automatically opened, and they went inside. Napahanga siya sa laki at ganda ng bahay. Sa gilid kung saan may mini pool ay may gazebo kung saan nakita niya ang ilang lalaki na nag-uusap doon.
Ilang sandali pa ay pumarada ang sasakyan sa tapat ng bahay. Bumaba si Rousanne at tiningnan ang kabuuan nito. Ang pula ng ilong at mata niya dahil sa kaiiyak.
Napakarangya. Ito ang unang salita na pumasok sa isipan ni Rousanne nang makita ng malapitan ang bahay. It was painted in white and gray with dim lights inside, adding to the luxury and elegance of the house. The style is characterized by windows flanking the front door, dormer windows on the roof, and cedar shingles. Akala niya nga ay sa isang masukal na gubat naninirahan ang mga ito para magtago. Well, as if naman wanted ang mga ito kaya magtatago.
Hinawakan siya ni Gino sa braso at kinaladkad papasok ng bahay. Hindi niya alam na natulala siya sa pag-appreciate ng bahay. Dinala siya nito sa isang hallway pababa at binuksan ang isang pinto.
“Dito ka matutulog. Magiging isa ka sa mga kasambahay bilang kabayaran sa utang ng tatay mo,” wika nito at binitawan siya. Napatunganga si Rousanne sa binata. What? Hindi siya nito papatayin kagaya ng ini-expect niya?
Gino snickered. “Bakit? Ano’ng akala mo didispatyahin ka namin? Hindi naman kami gano’n kasama.” Pagkatapos ay iniwan siya nito doon. Hindi niya alam kung makakahinga ba siya ng maluwag o kakabahan. Feeling niya kasi ay may tsyansang patayin nga siya ng mga ito. Pero kahit naman hindi alam n’yang hindi na magiging maganda ang buhay niya dito. Hindi niya aasahan iyon. Isa lamang s’yang pambayad utang.
Bumukas muli ang pinto at napaangat siya ng mukha. Isang matandang babae ang pumasok. Gray na ang buhok nito, matalim ang kurba ng kilay nito, naka-straight line ang labi at nakatingin sa kanya ng malamig. Kahit sa katandaan nito ay makikita na maganda ito noong dalaga. Nakasuot ito ng itim na mahabang damit na lampas tuhod. May kwelyo iyon at apron na kulay puti. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman si Rousanne sa sarili. Inaalagaan naman niya ang katawan kaya masasabing maganda ang pagdadalaga niya.
Ilang segundo ay napatango ang matanda.
“Ako si Mary, ang mayordoma ng bahay na ito. Ano’ng pangalan mo?”
“Ako po si Rousanne,” sagot niya at napalunok. Ganito ba ang mga tao dito? Parang ang lalamig ng pakikitungo.
“Hmm. Baguhan. Matagal na rin bago magkaroon ng bagong kasambahay ang bahay na ito. Akala ko ay hindi na kukuha muli, pero mukhang sinwerte ka,” wika nito.
Sinwerte? Swerte dahil napunta siya sa sitwasyon na ito na kailan man ay hindi niya lubusang inisip? Siguro nga dahil hindi kamatayan ang naging katapusan niya. Paano na ang mga pangarap niya? Paano ang pamilya niya? Kailangan n’yang masabi sa mga ito na okay siya.
Mapang-uyam na napa ‘tsk’ si Mary. “Magbihis ka na d’yan at tumulong ka sa kusina. Hindi ka prinsesa dito at dapat ma-adapt mo agad ang bago mong buhay.”
Napahinga na lang ng malalim si Rousanne at pumunta sa cabinet kung saan naroon ang maid uniform. Teka! Wala s’yang ibang damit. Sa puntong iyon ay muling bumukas ang pinto at pumasok si Gino dala ang isang bag.
“May mga damit dito. Huwag kang mag-alala hindi pa ‘yan gamit.”
Tiningnan niya isa-isa ito at may sampung t-shirts at shorts na may tatlong pajamas. Napaka-plain ng mga t-shirt. Dalawa lang ata ang may design buti na lang at may kulay ang iba.
---
“That girl sure will have a lot to learn,” sambit ni Gino nang pumasok siya sa isang kwarto kung saan naroon din si Van at dalawa pa nilang kasamahan na sina Benedict at Alex. Their boss was busy flipping a book, minding his own world.
“Nakita ko siya kanina. She’s young,” komento ni Alex. “Shoot!” He smiled at Benedict when he hit the bullseye on the dartboard.
“Siya nga pala. Akala ko ba hindi na kukuha ng maid?” Tumingin si Benedict kay Gino na nagkibit-balikat lang. Nginuso nito si Demetrius sa unahan.
“Adding one doesn’t cost a fortune. This is her fate now,” malamyos na wika nito. Napakaaya-aya ng boses nito na tipong mala-prince charming, pero hindi. He’s a beast with honeyed voice. A dangerous combination of seduction.
Nagkatinginan ang mga ito at maya maya’y naglaro at umalis sa loob ng silid.
Demetrius closed the book and stared at the door.
It’s up to that girl if she wants to survive. He spared his father and she should be grateful that this is just the outcome of his debt.
He moved his eyes on the book and opened it again.
---
Sa bahay ng mga Cabrero. Hindi maayos ang sala ng mga ito dahil sinipa ito ni Ymir. Hindi niya inaasahan na ta-target-in ng mga lalaking iyon ang kapatid niya. Ayaw n’yang mag-isip ng kahit ano, pero galit siya sa sarili dahil wala s’yang nagawa!
“T-Tumawag kaya tayo ng pulis? Sigurado akong tutulungan nila t-tayo...” Tiningnan ni Beth ang asawa na kanina pa tahimik at nakaupo. Siguro naman ay makukuha nila ulit ang anak nila. Hindi pwede ang ginawa nila. Forced kidnapping na iyon!
“Hindi. Talo tayo, Beth,” mahinang wika ni Roman. Tila ba tumanda siya ng limang taon dahil sa nangyari. Hinang-hina siya at nalulungkot. Ang dalaga niya... kinuha nila ang anak niya. Ano’ng magiging buhay nito?
“Pa, paano kung... paano kung masama ang gawin nila kay R-Rousanne?”
Umiling si Roman. He doubts it. Hindi gano’n kawalang moral si Mr. Romanov lalo na ang pagpatay at paggalaw sa babae. Pero hindi niya alam kung ano ang gagawin nila.
“Susubukan kong makausap ulit siya. Susubukan kong kunin si Rousanne.” Napayuko siya at kinuyom ang kamo ng mahigpit. Ang mga mata niya ay nagsisisi.
“Patawad. Hindi sana mangyayari ito kung hindi dahil sa akin.”
Nilapitan siya ng asawa at niyakap habang si Ymir naman ay umiwas ng tingin. Napasuntok siya sa pader at nagtagis ang bagang.
He needs to see his sister. He needs to get her back.
But why does that man seem familiar to him?
Pinunasan ni Rousanne ang pawis sa noo habang panay kuskos sa sahig ng banyo. Ito ang pangalawang araw na nandito siya sa at magsimulang magtrabaho. Okay naman kahit mahirap. Hindi rin sila tipid sa pagkain. Sa room na pinag-i-stay-an niya ay may kasama siya, si Hazel. Kasing edad din niya. Friendly si Hazel at madaling kausap hindi tulad ng iba na tila walang nakikita sa paligid. “Hindi ka pa ba tapos d’yan? Ako na. Kailangan ka roon sa kusina,” aniya ni Hazel na kadarating lang. Tumayo si Rousanne at naghugas ng kamay. “Ayos lang ba?” Siya kasi ang naka-assign ngayon na mag-serve sa dining table. “Oo. Bilisan mo na at baka mapagalitan ka ng mayordoma!” bulong ni Hazel at kinuha ang mga gamit nito panglinis at tinulak siya palabas. Ngumiti ito at nag-thumbs up kay Rousanne upang sabihin na ayos lang. Napahinga ng malalim si Rousanne at inayos ang buhok bago pumunta sa kusina. Kinuha niya ang isang pitsel at pumunta sa dining room. Naroon na ang ilang
Napainom na lang si Senior Hidalgo at naalala ang nangyari. Hindi magiging ganito ang binata kung hindi nangyari ang trahedyang iyon. Maging siya ay nasaktan sa nangyari. Nakita niya kung paano naghinagpis sa sakit ang mga mata ng binatang si Demetrius. Nakita niya kung paano nawala ang liwanag nito sa mata. Tila malaking parte ang nawala sa buhay nito. “Matutuwa kaya siya sa mga ginagawa mo? Ano’ng mararamdaman niya kapag nakita kang ganito? Ang laki ng pinagbago mo, Demetrius, pero hindi kita masisisi,” wika niya. Alam na ni Demetrius kung sino ang tinutukoy niya. Hindi nagsalita ang binata at tumitig lamang sa kawalan. He’s doing this for her. --- Pagkauwi sa bahay ay hindi muna dumiretso si Demetrius sa silid. He went to the kitchen while the others went to their rooms. Halos mag-a-alas onse na ng gabi kaya patay na ang ilang ilaw sa loob. Kumuha siya ng beer sa loob at binuksan ito sabay inom. Malakas n’yang ibinaba ang can sa mesa at sumingki
Agad siniko sa likod ni Rousanne ang mapangahas na lalaking tumakip sa bibig niya, ngunit bago pa man niya magawa iyon ay nasalag na ito ng kung sino at bumitaw rin sa kanyang bibig. Agad s’yang tumalikod para malaman kung sino at laking gulat niya nang makita ang isa sa mga miyembro na si Alex.“Damn. Ang lakas ng siko mo, ah,” komento nito. Ramdam niya kasi ang pwersa nito lalo na at masakit talaga kapag natamaan.“Bakit mo ba kasi ginawa iyon? At ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Rousanne. Humalukipkip ang binata at tinaasan siya ng kilay.“Ako dapat ang magtanong sa’yo n’yan. Ano’ng ginagawa mo dito sa ganitong oras ng gabi at sino ang tatawagan mo? Alam mo bang mapaparusahan ka kapag nalaman ito ng Boss?”Umiwas ng tingin si Rousanne at nilaro ang kamay dahil sa nerbyos.“Gusto ko lang tawagan ang kuya ko para sabihin na huwag silang mag-alala. P’wede mo ba akong tulungan? Please? Huwag mo lang ipagsasabi." Rousanne was hoping that he will agree kahit na ma
Napasilip sa kanan at kaliwa si Rousanne. Pasado alas nwebe na ng gabi at tulog na rin ang lahat. Wala pa sina Demetrius at mga tauhan nito. She tiptoed walking towards the backdoor. Napayuko siya nang maaninag ang isang pigura na nagmumula sa pinto. Blurred kasi ang pinto sa itaas na parte nito. Narinig niya ang pagbukas nito kasabay ng paghawak niya sa bibig para pigilan ang ingay kung sakali. Napaatras siya nang marinig ang hakbang nito papalapit sa kanya. Umikot siya sa kabila ng walang ingay. Namamawis ang kanyang noo dahil sa kaba. Baka kasi isang maling galaw lang ay makita siya. Hindi p’wede. Kailangan n’yang makaalis ngayong may pagkakataon siya. Sumilip siya sa gilid ng kitchen counter. It was one of the guards. Umiinom ito ng tubig. ‘Bilis! Alis na!’ Napakuyom ng kamao si Rousanne sa pag-asam na umalis agad ito. Napahinga siya nang maluwag nang makitang naglakad na palabas ang guard. Napasandal pa siya sa kitchen counter para ikalma ang saril
The crowd went silent and some people parted their lips at the amount. Who is the person who will spend fifteen million for a woman to be a slave or a plaything? But who wouldn’t? This woman is young and fresh and a virgin. Men tend to be attracted to women who haven’t been touched.“Wow! Fifteen million! A highest bid for our women item tonight and I might say for history!” the host said with glee. Of course, mas malaki, malaki rin ang makukuha nilang porsyento kung matutuwa si mamang. Well, mukhang happy nga ito kaya mas lumawak ang ngiti ng host.“Going once! Going twice…! Item number five, sold!” Ibinagsak ng host ang tila isang hammer sa isang bilog tanda na na-sold na ang partikular na item.Bumagsak ang balikat ni Rousanne kasabay ng pamumula ng kanyang mata. Wala na
Two days later. Buong akala ni Rousanne ay maglilinis lang siya sa loob ng kwarto ni Demetrius bagkus ay isang beses lang siya nito pinakain sa isang araw at inilagay siya sa basement para doon matulog. He was so cruel and she should’ve expected that. Napahawak siya sa tiyan nang tumunog ito. Ito ang pangatlong araw na kakain siya ulit ng pang-isang araw na kainan matapos s’yang maglaba kaya kailangan n’yang busugin ang sarili para hindi siya makaramdam ng gutom sa susunod na oras kung marami ang nadala sa kanyanh pagkain kaso hindi, eh. Minsan pa’y tubig na lang ang iniinom niya pampawala ng gutom. Hindi niya na talaga uulitin ang nangyari.“Rousanne, heto oh. Kumain ka. Dinalhan talaga kita ng marami para mamaya kung magutom ka man.” Si Hazel ang nagdadala sa kanya ng kakainin niya. Naaawa ito sa dalaga dahil mukhang hindi pa naman sanay sa mga ganitong trabaho. Nagnakaw pa siya ng tatlong tinapay kahit nakita iyon ni Alex ay wala itong sinabi at umiwas na lang ng tingin. “Hazel, s
“Boss, a car is out,” the man called his boss on his phone while following the car on the road from Romanov territory. Madaling araw pa s’yang nakabantay sa labas at hindi sa parte na nahahagip ng surveillance camera ng bahay. Hindi niya alam kung bakit ito ginagawa ng boss, pero sabi nito ay magmagtyag lang siya at sundan kung mayroong lumabas galing sa loob. [Follow them discreetly. Don’t do anything yet and report to me who are the people inside,] sagot ni Emil sa kabilang linya bago ibinaba ang telepono sa mesa. Nakapatong ang kanyang paa sa ibabaw ng mesa habang naka-clasp ang kamay na nakapatong ang siko sa armchair ng upuan. His eyes formed into a crescent moon when the details about the woman from the auction showed up. Rousanne Cabrera. Maliit nga talaga ang mundo. Wala itong kaaalam-alam sa nangyayari. What if he tells her? Nah, he will just spoil the show. He wants to watch the secrets slowly unfold while he sits there, making plans on how to kill two birds in one ston
Naghintay si Hazel ng sasabihin ng kaibigan. Nahahalata niya na ito noon pa, pero ngayon niya lang tinanong. Ang sabi naman ni Rousanne ay hindi naman nito kilala ang Don, pero bakit malaya itong nasasabi ang pangalan ng amo? “H-Hindi ko rin alam.” Umiwas ng tingin si Rousanne mula sa nagtatakang mukha ni Hazel. Kahit naman kasi siya ay hindi alam na hindi pala iyon p’wede. “Gano’n ba? Huwag mo na lang ulit gawin iyon para hindi ka mapagalitan ng Don. Siguro’y hindi niya narinig kaya ligtas ka,” paalala nalang ni Hazel sa kaibigan at huminga ng malalim. “Hmm. Salamat,” mahinang wika ng dalaga at napakuyom ng kamao. Napapatanong tuloy siya sa sarili kung talagang pinapalagpas lang siya ni Demetrius— Don sa mga pagtawag niya sa pangalan nito. --- “Wala talagang ginawa ang Emil na ‘yon?” tanong muli ni Alex kay Gio at Van. “Wala,” sabay na sagot ng dalawa at binigyan ng matalim na tingin ang kasamahan dahil apat na beses na itong paulit-ulit na nagtanong. “Ano naman kaya ang inii
“Siya ang dahilan kung bakit ka nagkagan’yan, pero hahayaan mo s’yang umalis na wala man lang ginawa para pagbayaran ang kasalanan niya sa’yo?” tanong ni Rousanne nang makaalis si Tiara at silang dalawa na lang ni Ymar ang nasa loob. She just doesn’t know why his brother let her go just like that. Sinira nito ang buhay niya at kung hindi agad ito naabutan ni Benedict malamang ay may pinaglalamayan na sila ngayon.“Hindi ko na gagawin iyon dahil alam kong naghihirap na siya,” malamig na sagot ni Ymar.“Ano? Sinira niya ang buhay mo muntik ka nang mawala sa amin!”“Pero buhay pa rin ako, Rousanne. Wala na s’yang kasama sa buhay, hindi ba’t mas malala pa ang mararanasan niya ngayong walang-wala siya? Wala s’yang malapitan, wala s’yang mapuntahan at higit sa lahat, dala-dala ng konsensya niya ang ginawa niya sa akin.”Natahimik si Rousanne at tinitigan ang kan’yang kapatid. Sobrang protective ni Ymar sa kan’ya, pero pagdating sa sarili nito ay napaka-selfless. Mabait ang kuya kaya minsan
“Are you sure, Mr. Romanov? Hindi niyo na iko-continue ang case na ‘to regarding your sister?” ulit ng police officer na s’yang nag-handle ng case noon ng kapatid ni Demetrius. Mahabang panahon rin ang ginugol nito para mahanap ang suspek sa pagkamatay ng kapatid nito. “We found her killer already and it was Roman Cabrera—”“No. I won’t push the case anymore,” putol ni Demetrius dito. “Iyon lang ba ang sasabihin niyo?” Hindi niya na gustong pahabain pa ang usapan nila dahil gusto niya nang makabalik sa tabi ni Rousanne, ang asawa niya. “Iyong kaso kay Emil din.”Namulsa ang Don at tumingin ng malamig sa officer na nakaramdam naman ng pagtaas ng balahibo sa batok nito. Of course, they were aware of how powerful this man is. Kaya naman hindi rin biro ang makipag-usap dito.The police officer spoke, “Maraming nakapataong na kaso kay Emil. Baka nga hatulan siya ng habang-buhay na pagkakakulong or worse ay death penalty.”“Pahirapan niyo. Ang dali lang sa kan’yang mamatay. Paano niya pagb
A knock interrupted Hazel and Tiara’s rest. Nagkatinginan ang dalawa at bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kung sino ang nasa labas. Wala kasi ang mag-asawa ngayon dahil may pinuntahan ito sa labas kaya sila lang nag naiwan sa bahay. “Sino sa tingin mo ang nasa labas? Nasundan kaya tayo ni Jackson?” tanong ni Tiara na binalot ng kaba ang katawan. A-ang bilis naman nito at agad silang natunton. Umiling si Hazel habang matalim ang matang nakatitig sa pinto. “Hindi ko alam. Paano kung kakilala nila? Huwag na lang natin sagutin—” Natigil ang pagsasalita ng dalaga nang marinig ang pamilyar na pagkataok na tanging sila lang ang gumagawa. Ginagawa iyon para malaman na miyembro nga ng organisasyon ang nasa labas. Napatayo siya at lumiwanag ang mukha. “Ano’ng gagawin mo? Baka si Jackson ‘yan!” pigil ni Tiara sa dalaga nang bubuksan nito ang pinto. “Kung talagang kakilala ‘yan ng mag-asawa dapat una pa lang ay tinawag na nila ang pangalan ng isa sa dalawa.” “Trust me, kilala ko ang
Nagising si Rousanne na puno ang pawis ang noo. Hinihingal pa siya at balisa ang mukha, tanda na kung ano man ang napanaginipan nito ay hindi maganda. “Gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Beth sa anak. Bakas sa mukha ng ginang na hindi maayos ang tulog nito, ngunit makikitaan din na parang pagod na pagod ito at may malalim na inaalala. “Ma,” mahinang tawag ni Rousanne habang nagsasalin ng tubig sa baso ang naturan. “Nasaan si Demetrius?” “Umuwi muna siya. Dalawang araw kang tulog. Wala ka bang ibang nararamdaman? Teka lang at hintayin mo ang papa mo. Bumili lang ng pagkain.” Umiling si Rousanne. “Dalawang araw akong tulog? Ang mga anak ko, ma? Naaalagan ba silabng maayos? Gusto ko sanang makausap si Hazel.” “Anak, mamaya na okay? Pagkatapos mo na lang kumain.” Hindi talaga mapakali si Rousanne lalo pa’t pakiramdam niya ay may tinatago ang ina. “Ma, may nangyari ba? Please, ‘wag niyo naman itago sa’king kung ano ‘yan. Kailangan ko rim malaman lalo na kung tungkol s
“T-Tiara a-ano’ng... bakit ka— ano’ng nangyari sa’yo?” Ni-lock agad ni Tiara ang gate ng bahay at kinuha ang kamay ni Hazel bago ito kinaladkad papasok ng bahay.“Kailangan n’yong umalis ngayon din, Hazel!” tarantang aniya ni Tiara. Tumingin siya sa likod at mas binilisan ang paglalakad sa loob sabay lock ng pinto ng bahay.“Teka! Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit gan’yan ang hitsura mo?” Pigil ni Hazel sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na may gagawa nito sa dalaga. “Ang amo mo ba ang gumawa nito? Kailangan natin tunawag ng pulis!”“Hindi!” Pigil ni Tiara rito na nanlalaki ang mata. Nang ma-realize kung gaano siya nag-react ay napakagat siya sa ibabang labi. “Hazel, kailangan na nating umalis dito! Hindi kayo safe pati na ang mga anak ni Rousanne!” nagpa-panic na saad nito habang tumitingin-tingin sa labas ng bahay. Kumunto ang noo ni Hazel. “Ano bang pinagsasabi mo? Tapos na ang laban. Iyong Emil ay nasa kustodyo na ng mga pulis pati na rin ang mga alagad nito kaya huwag kang mabahala,”
“Demetrius, bakit hindi ka muna umuwi sa bahay? Hindi ka pa bumabalik ng limang araw. Kailangan mo rin magpahinga.” Naaawa si Beth sa binata na ‘di umuwi at tanging nakabantay lamang sa tabi ni Rousanne. “Okay lang ako, Ma. Baka ‘pag nawala ako may mangyari na naman.” Umiwas ng tingin si Ymar. Dahil sa kapabayaan niya ay napahamak ang kapatid sinisisi niya ang sarili doon. Nalaman na rin ng magulang niya ang nangyari sa kan’ya— hagulgol ang inabot niya sa ina at mangiyakngiyak naman ang kan’yang ama. “Tapos na ‘di ba? Wala nang balak gawin iyon. Nandito rin naman ang mga tauhan mo. Demetrius, umuwi ka na muna alam kong gusto mong nasa tabi ng anak ko pero kailangan ka rin ng mga anak mo.” “Tama ang mother-in-law mo, hijo. Nandito naman kami sige na.” Humigpit ang kapit ni Demetrius sa kamay ng asawa. The twins, of course the twins need him. Wala ngayon ang ina at siguradong hahanap-hanapin ng mga ito ang kalinga niya. He stood up and kissed the head of his wife. “I’ll be back,” h
Halos tatlong oras nang nakatayo si Demetrius sa harap ng emergency room. Hindi na rin umupo si Van at Benedict sa tabi nito habang si Ymar naman ay hindi mapakali hangga’t nasa loob ang kapatid niya. Hindi pa rin lumalabas ang doktor para sabihin sa kanila ang kondisyon nito. Sa bawat minuto na lumilipas ay bumibigat ang pakiramdan ni Demetrius. Nakaramdam siya ng kabiguan sa unang pagkakataon. Pagkabigo na protektahan niya ang kan’yanag asawa na palagi n’yang sinasabi na hindi niya iyon hahayaan, pero sa huli nangyari ang hindi dapat nangyari— he was such a failure. Alam ni Van at Benedict ang nararamdaman ng Don kaya mas pinili nilang maging tahimik na lamang kahit na gusto nila itong kausapin ukol kay Emil. Sigurado naman sila na hindi agad hahayaan ng Don na ibigay si Emil sa mga pulisya. Kailangan magdusa ito dahil hindi sapat ang pagkakakulong nito kahit pa habangbuhay ang ipapataw ng supreme court. Gustuhin man pumasok ni Demetrius ay hindi maaari. Ang kaligtasan ngayon ang
Rage was burning in Demetrius’ heart. All he is was red. Kailangan n’yang patayin si Emil ngayon. Bumilis ang takbo ng kotse at ilang sandali lang ay nagkapantay na ito.Ibinangga ni Van ang kotse sa gilid ng van kaya nagpagewang-gewang ito. Lumipat si Demetrius sa pwesto nito at ito ang nag-drive habang si Van naman ang namamaril sa mga sumusunod sa kanila. Mula sa ‘di kalayuan ay nakita n’yang nako-corner ng ilan pang kalaban ang kasamahan niya. Tiwala naman siya na makakalagpas ang mga ito.“Ano ka ngayon Romanov? Para lang sa isang babae natataranta ka na!” Iwinagayway nito ang baril at tinutok sa ulo ni Rousanne. Rousanne was too weak to move and her eyes were gushing of tears, seeing the face of her husband. Hindi nawala ang pag-asa sa kan’ya dahil alam n’yang darating ito. She managed to smile at him.Demetrius clenched his jaw. Nag-aalala siya dahil sa itsura ng asawa. He needed to save her. Kinuha niya ang baril at pinaputukan si Emil. The man went down and fired at their tir
Binuksan ni Ymar ang pinto at tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makitang wala si Rousanne sa higaan nito. Umiiyak ang kambal kaya nagmadali s’yang itulak ang wheelchair papunta sa higaan at luminga-linga. “Rousanne!” tawag niya. Iba ang pakiramdam niya rito. Pinindot niya ang button para ma-alerto ang mga nurse. Ilang sandali pa ay pumasok ang isang nurse.“Nawawala ang kapatid ko!”Namilog ang mata nito at agad na inalerto din ang security. Ito rin ang oras na dumating si Demetrius na nakakunot ang noo. Pagdating niya sa ward ng asawa ay wala ito sa higaan at tanging si Ymar at ang kambal ang natitira. The man soothing the twins while a panicked expression was written on his face. “P-pasensya na, Demetrius—”Tumalikod ang Don at tumakbo. Sumunod naman kaagad si Van at Gio habang si Benedict ay pumunta sa control room para i-review ang CCTV.Naabutan niya na static lahat ng CCTV doon at patay ang dalawang tao sa control room. “Sh*t!” He tried to type a series of codes to