Raven's POV
DUMATING kami sa Century Peninsula Hotel. Maraming medya doon na nakaabang at kinukunan ng mga larawan ang bawat panauhin.Bumaba na din kami ni Kiera at nakasuot na kami ng maskara. Walang makakakilala sa amin at lalong walang makakaalam kung ano ang ipinunta namin dito.Agad na nagkislapan ang mga camera habang naglalakad kami ni Kiera. Pareho naman kaming umasta na tila walang napapansin. Dere-derecho lang kami papasok sa loob patungo sa ballroom."Raven, doon ka sa east wing...sa north wing naman ako." Saad ni Kiera sa akin at tumango ako.Agad na naglakad ako at pasimpleng iniiwasan ang mga panauhin doon na abala sa pakikipag-usap sa mga kakila. Wala pa akong nakikitang pamilyar, o mas tamang sabihin na mahirap kilalanin ang mga panauhin dahil parehong nakasuot ang mga ito ng maskara. Halos pareho din ang tindig ng lahat o kaya taas."Ma'am, drinks?" Nakangiting bungad sa akin ng isang serbedor, kaya kumuha ako ng isang wine para umalis na ito sa harapan ko.Lumapit ako sa isang cocktail table doon at iniligay ko ang wine glass. Pasimpleng sinuyod ko ang dagat ng mga panauhin at wala naman kakaiba akong napapansin.Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay may agaw atensyon na naglalakad sa gitna. Isang pares ng babae at lalaki. Pinagkaguluhan ng mga panauhin ang magandang kasuotan ng babae. Para itong prinsesa na kasama ang kanyang prinsipe. Pareho silang nakamaskara. Napakunot na lang ang noo ko ng mapatingin ako sa lalaki at parang biglang nanikip ang aking dibdib.Iniisip ko kung kilala ko ba siya para maramdaman ito. May isang tao lang naman ang kayang magparamdam sa akin ng ganito at iyon at si Vander. Pero ang alam ko ay hindi kabilang si Vander sa panauhin, kaya imposible na siya ito.Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro, nakaramdam lang ako ng inggit sa dalawa. Ganoon lang siguro iyon kaya iniwas ko na ang tingin sa kanila at itinuon na lang ito sa iba.May mga lumapit naman sa table ko, mga babae din at nakipagkaibigan."Hi, do you enjoy the party?" Tanong pa ng isang blonde na babae sa akin.Ngumiti naman ako. "Kinda." Sagot ko sa kanya. Kailan ba ako nag-enjoy sa isang party? Kung hindi lang ito trabaho ay hindi ako pupunta dito. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa mga ganito. Wala naman kasing silbe, tatayo ka lang, kakain at manonood. Mas masaya pa kung nasa bahay lang ako."There are lots of rich men here...are you here to hook up with them?" Nakangising tanong nito sa akin na ikinataas naman ng kilay ko.Pero ngumiti pa rin ako. Kailangan kong magpanggap na hindi naaapektuhan. "Actually no. I don't have interest on hooking up with anybody." Sagot ko sa kanya. Kung wala iyong pagpapanggap ay baka nabangasan ko na ito ngayon."Oh, too bad. This is your chance on getting a rich husband though. I am actually here for that, most of the women to be exact." Paliwanag pa nito. Halata naman sa pananamit nito na halos labas na ang kaluluwa, o kung matatawag pa bang damit iyon dahil kinulang ang babaeng ito sa tela.Napatingin ako sa paligid. Halos lahat nga ng mga babae doon ay dumidikit sa mga lalaking mukhang mayayaman. Ano ba ang nangyayari at naging ganito na ang mga babae ngayon? Do they really have to lower their standard just to get a rich husband?"I don't have a plan on getting married or getting a man—" naputol na lang ang sasabihin ko sana ng may biglang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisnge na ikinagulat ko. Agad ko naman itong nakilala dahil kilala ko ang suot nito.Lux."Hello sweet. Enjoying the party?" Mahinang tanong sa akin ni Lux.Ngumiti naman ako sa kanya. "Boring." Sagot ko.Tumikhim naman ang babae. "Kaya pala hindi ka interesado. You have this hot guy clinging to you." Nakangiting turan pa nito sa amin."Ah..." tanging naging reaksyon ko. All she talks is about men and hook ups. Mas gusto ko pang pag-usapan ang estado ng gobyerno kesa sa ganito."Tonight, we will start the party with our Rigodon de Honor." Narinig ko na lang na saad ng host kaya napaatras ako dahil may magsasayawan.Pero hinila naman ako ni Lux kaya nanlaki ang mga mata ko."Anyone can join the dance and we know the steps so let's join." Hila nito sa akin."Lux! You're crazy, alam mo na changing partners ito!" Mahinang asik ko sa kanya.Yes! Una ay ang magiging kapareho ko si Lux sa pagsasayaw pero wala pa sa kalagitnaan ay magpapalit at kung sino ang taong makakatapat ko ay siya ang magiging partner ko hanggang sa matapos ang sayaw. I don't want to dance with a stranger!"Sige na. You said you're bored, so this is it." Saad nito at natagpuan ko na lang ang sarili ko na ngayon ay nakahilera na sa mga babaeng nakatayo na parehong may mga magagandang kasuotan.Nakita ko naman si Lux na nakalinya at nakatapat ito sa akin. Kinabahan ako ng hindi ko maintindihan hanggang sa nagsimula na ang tugtog.A/N: For imaginary purposes only.We walked elegantly towards our partner na sadyang parte iyon sa sayaw. Agad naman tinanggap ni Lux ang kamay ko at nagsimula na kaming sumayaw.The dance step is not yet complicated dahil magsisimula iyon sa oras ng iba na ang kapartner ko. As if on cue, umikot ako ng mabilis pahiwalay kay Lux and in a matter of seconds, a pair of hands caught my waist at napatigil ako sa pag-ikot.Otomatikong napahawak ako sa kanyang balikat na tila doon ako kumukuha ng suporta at pakiramdam ko ay nakuryente ang buong katawan ko. Pamilyar sa akin ang suot niya. Ito yung lalaking nakita ko kanina, yung dahilan bakit masakit ang dibdib ko.Napatingin ako sa kanyang labi at sobrang pamilyar nun. Tumungo ang mga mata ko sa kanyang mga mata at nakita ko na kulay abo yun. Isang pamilyar na mata na hindi ko nakakalimutan kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.Vander? Naisigaw ng utak ko pero bago pa ako nawala sa sarili ko ay ginagap na niya ang kamay ko at nagsimula ulit kaming sumayaw. We executed the most complicated part of the dance. Napapasinghap ako tuwing gumagalaw ang kamay niya sa likod ko, dahil wala iyong tela. His hands feels like a lava on my back. Nakakapaso, pero handa akong masunog o matusta.Napansin ko rin na nakatitig siya sa aking mga mata na mas lalong ikinakaba ko ng mas lalong humigpit ang pagkakahapit niya sa akin. Our faces are so near like we are almost kissing and I pulled away for a turn pero hinabol niya ako at hinapit niya ako ulit ako and we continued dancing.I bended and kicked the air. He carried me for a turn and felt his hand on my leg as he slowly traced my thigh. Kumbensido ako na si Vander ito. Alam ko na siya ito, walang duda iyon. Pero ano ang ginagawa niya rito? He was not one of the guest! Paano kung makilala niya ako? Wait, did he?Mas lalong kinabahan na ako dahil sa mga galaw ni Vander na tila ayaw akong pakawalan. Laking pasalamat ko na lang ng matapos na ang tugtog pero hindi pa rin niya ako pinapakawalan. My leg is in upward position on his side, leaning to him and both his arms are encircled on my waist.Napatikhim na lang ang mga tao kaya para kaming napaso sa isa't-isa at naghiwalay kaagad. I bowed and he did as well. Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag ng maglakad na siya palayo.Ibig sabihin ay hindi niya ako nakilala. Naglakad na din ako pabalik doon sa table ko at nakita ko doon si Lux na nakatayo at nakatingin sa akin."Kilala mo yun?" Naitanong kaagad niya sa akin na ikinakaba ko. Oo, kilala ko siya pero hindi niya ako nakilala.Umiling ako. "I don't know him." Sagot ko sa kanya. I don't want to tell him that Vander was my ex, and the person I hurt the most in this world."Kakaiba kasi yung pagsasayaw niyo. Halos tumigil lahat at kayo na lang ang tiningnan." Sagot nito sa akin.Napatikhim na lang ako. "Magaling kasi siya, kaya siguro ganoon.""I don't know...but the way he touched you and pulling you back...it feels like, he doesn't want to end it." Napatigil ako sa sinabi niya.Pero agad ko naman iyon binura sa isipan ko. Vander did not recognized me. I was the only one who recognized him. Paano niya ako makikilala, kung wala na akong puwang sa puso niya? Samantala sa akin, siya pa rin ang laman?"Hindi naman. You're just overthinking." Sagot ko na lamang sa kanya. "I'll just grab some food." Paalam ko na lang sa kanya dahil hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ang awkwardness sa pagitan namin dalawa.Pumunta ako sa buffet table at kumuha ako ng plato at kumuha ako ng mga pagkain na gusto ko. Napahinto naman ako ng makita ko ang pamilyar na bulto na ngayon ay nakatayo at umiinom ng alak an nakatingin sa akin.Vander.Bakit siya nakatingin sa akin? Pilit kong hindi pansinin iyon at itinuloy ko ang pagkuha ng pagkain kahit ramdam ko ang mga titig niya. He shouldn't be doing this, it feels like he's cheating on his girlfriend. Ganito na ba talaga si Vander ngayon?Nakahinga ako ng maluwag ng nakabalik na ako sa table. Inalok ko naman si Lux ng pagkain at kumuha naman ito sa plato ko. Hindi ito masyadong mahilig kumain, kumakain lang ito kung nakakaramdam na ng gutom.Nag-usap na lang kami ni Lux ng kung anu-ano habang binabantayan ang paligid. Hindi ko na muling nakita si Vander na ikinaluwag ng loob ko. Sa totoo lang, takot ako na makilala niya. Hindi ko alam ang gagawin ko oras na makilala niya kung sino ako. I know what I did was unforgivable, for him to severe our connection. He loath me. He also think I am already dead.Natapos din ang party at nagsiuwian ang mga panauhin. Kaya umuwi na din kami nina Kiera at Lux. Tinutukso pa ako ni Kiera dahil hindi daw niya alam na marunong pala daw akong sumayaw. Napapailing na lang ako dahil alam naman niya na pinag-aralan namin ang sayaw na iyon. It was our national dance, kaya hindi pwedeng hindi namin alam kung paano sayawin iyon.Dumating na kami sa bahay at pareho kaming pagod at masakit ang mga paa dahil ilang oras din akong nakasuot ng mataas sa takong. Kahit gaano mo kasanay mag-suot, sasakit at sasakit talaga ang paa mo.Hinubad ko na ang suot ko at hindi ko na binuksan ang ilaw. Halos madaling araw na at pumunta na lang ako sa banyo para magpunas. Tinatamad akong maligo dahil pagod na ako at gusto ko ng matulog.Mabilis akong nagpunas at lumabas ako sa banyo na halos ikinatili ko naman dahil may nakita akong isang maitim na bulto na nakatayo sa may bintana!Gumapang ang takot sa aking dibdib dahil ang unang pumasok sa utak ko ay isa itong multo! Mabilis akong napatakbo palapit sa switch at binuksan ko ang ilaw. Mas lalong nanindig ang balahibo ko ng makitang walang tao doon.Naging mabilis ang kilos ko at nasuot ako ng pantulog at patakbo akong umalis sa kuwarto. Agad na kinatok ko ang pintuan ni Kiera. Hindi ko kayang matulog sa kuwarto lalo na at nakita ko na may multo doon!"Raven...ano?" Inaantok na tanong sa akin ni Kiera ng binuksan nito ang pintuan."Kie, pwede dito ako matulog ngayong gabi?" Namumutlang tanong ko sa kanya. Sana pumayag."Uh, sige...pasok ka." Payag kaagad nito.Agad na pumasok ako sa kanyang kwarto. Napatingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang kakaiba. Humiga na ako sa kama ni Kiera at ito din.Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagdasal na sana makalimutan ko ang masamang ala-ala sa kuwarto ko.©️charmaineglorymaeRaven's POVNAGING matiwasay ang mga araw na nakalipas at hindi na naulit ang pagkakita ko ng multo. Dapat lang dahil kumuha ako ng isang psychic para itaboy ang masamang espirito na dumalaw sa kuwarto ko noong nakaraan na naging dahilan para mahirapan akong makatulog.Wala na akong multong nakikita pero lagi naman akong nananaginip na may tumatabi sa akin sa pagtulog. Pero pagkagising ko naman ay wala. Hindi ko alam kung bakit ganoon lagi ang panaginip ko, tila totoo. Lagi kong napapanaginipan na may yumayakap sa akin sa pagtulog. This weird dream started after that ghost incident.Binuksan ko na lamang ang laptop ko at chineck ko ang email at nakita ko doon ang isang email galing kay Chief. Binasa ko iyon at balita iyon na tapos na ang misyon. Ubos na ang kaaway, kaya wala na kaming trabaho patungkol sa mga fugitives.Binuksan ko naman ang telebisyon para manood ng balita. Pero pagkabukas ko sa TV ay huminto naman ang kamay ko ng makita ko ang mukha ni Vander. Nakasuot siya ng itim
Raven's POVNASA malayo lang ako at nakatanaw kay Papa na ngayon ay masayang naglalakad kasama ang babaeng kinakasama niya. Malaki ang ipinagbago ni Papa. Mas malusog na siya ngayon tingnan kaysa noon una. Wala naman akong maramdaman na kakaiba sa babae at malinis naman ang ala-ala nito. Walang halong pagpapanggap kaya napapangiti na lang ako. Alam ko na masaya si mama ngayon dahil masaya na ulit si Papa. Hindi naman ako makasarili na magagalit kung makahanap man ng iba si Papa.Natapos din ang pagmamatyag ko kay Papa at napagpasyahan ko na magliwaliw na lang din. Alam ko na hindi na lalabas ng bahay sina Papa at wala naman nakakakilala sa akin dito.Nagdesisyon na lang ako na pumunta sa Pavillion kung saan nandoon ang maraming restaurant at boutiques. Para itong mall na hindi.Walking distance lang naman ito kaya hindi na ako sumakay ng cab para pumunta doon. Hindi gaanong marami ang tao na namamasyal, lalo na at wala naman mga bata. Kung meron man ay sigurado akong nasa bahay na ri
Raven's POVHINDI ako makagalaw at naramdaman ko na lang na tila may kumikiliti sa leeg ko. It was soft and caressing. They feel like butterfly wings stroking my skin. I don't know why am I having this kind of dream, it feels too real. Mas lalo akong naalarma ng maramdaman ko ang kiliting iyon ay bumaba sa dibdib ko. It feels like it was tracing my skin and if feels warm covered my mounds. Gusto kong gumalaw, pero tila naparalisa ako. Is this what they call sleeping paralysis? How can I even think straight in my own dream?A/N: Ganito ako lagi. Almost all of my dreams, sasabihin ko sa panaginip ko. Panaginip lang ito at hindi totoo. I am very conscious even I am in my dream state to the point kaya ko ng kontrolin kung ano ang gusto kong mangyari sa panaginip ko. No bluff.Nakaramdam ako ng haplos sa katawan ko down to my stomach and below...like the butterflies are crawling in every inch of my skin and giving me ticklish feeling. Parang sinasamba nito ang katawan ko sa nakakaliting p
Raven's POVPAGKATAPOS ng pag-uusap namin ni Arissa ay pumunta na ako sa isang kainan. Hindi naman ako nagtagal doon at bumalik na ako sa hotel. Pero ng na sa lobby pa lamang ako ay nakita ko na ang pamilyar na bulto na ngayon ay nasa front desk.Ano ang ginagawa niya dito?Hindi ko mapigilan na hindi lumapit sa front desk dahil kailangan kong kunin ang key card ko."Anong ginagawa mo rito?" Agad na tanong ko sa kanya kaya panalingon naman siya sa akin at nginitian ako."I'm here for you, Sweet." Sagot nito sa akin.Lux, why is he even here? Bukas na ako uuwi."Alam mo na uuwi na ako bukas. Bakit ka pa pumunta dito?" Tanong ko sa kanya at kinuha ko na ang key card ko."Para mas mabilis ang biyahe. Hindi ka ba napapagod mag commute? Hindi mo man lang dinala ang sasakyan mo." Tugon nito sa akin at hawak na rin nito ang key card."Gusto ko magcommute." Naisagot ko kang sa kanya."Wala ka ng magagawa, I am here...and I will be your chauffeur tomorrow." Saad nito sa akin.Siniringan ko nam
Raven's POVPAPUNTA na kami sa HQ ng mga sandaling ito. Hindi namin kasama si Lux dahil mga babae lang naman ang kailangan.Nakasuot lamang ako ng isang itim na leather pants, black combat shoes, at itim na v-neck shirt. Pumasok na kami sa building. Kung titingnan ito ay isa lamang itong ordinaryong kompanya. May mga office workers, products and clients. Pero dito nakatago ang headquarters. This business is just a mask to hide us.Pumasok na kami sa pribadong pintuan na tanging kaming mga myembro lamang ang mayroon access.Agad na bumungad sa amin si Charlie, na siyang assistant ng lahat."Mabuti at nandito na kayo. Kompleto na ang lahat at makakapagsimula na tayo." Salubong nito sa amin at may suot itong bluetooth headset. "Boss, nandito na si Miss Haust at Miss Rochester."Naglakad na kami papasok sa meeting room. Dumating na kami doon at nakita ko nga ang mga kasamahan namin na babae at walang lalaki doon. Nakaupo naman si Chief sa unahan at may mga tinitingnan itong folder."Mabut
Raven's POVNAPABUNTONG hininga na lamang ako ng bumaba ako sa sasakyan sa harap ng mataas na condominium dito sa Eriondel. Ang sabi ni Chief ay dito ang meeting place namin ni Vander.Alam kong hindi pa niya alam na ako ang magiging bodyguard niya. Does it make any sense? Legendary siya, kahit wala siyang bodyguard ay alam ko na kaya niyang protektahan ang sarili niya.Inihanda ko na rin ang sarili ko sa posibleng mangyari. Isa lang ang alam ko, magagalit siya sa akin. Pero may puwang pa ba sa puso niya ang galit, kung wala na akong lugar sa doon?Hindi ko talaga alam. Hindi ko rin talaga akalain na mapapasubo ako sa sitwasyon na ito. Kung may pagpipilian lang ako ay mas pipiliin ko na huwag siyang nakatagpo. If only I can guard him secretly, yung hindi niya alam ay mas pipiliin ko pa iyon."Unit 2546." Yun ang unit kung saan kami magkikita.Huminga ako ng malalim sa huling pagkakataon bago ako tumapak sa lobby."Ma'am, pwede ba malaman kung saan kayo pupunta?" Tanong ng babae sa aki
Raven's POVPAKIRAMDAM ko ay masusuka ako sa sobrang kabusogan. Sino ba naman ang hindi kung ipaubos ba naman sayo ang lahat ng ulam? Noon una ay natuwa ako pero kalaunan ay hindi na dahil hirap na hirap akong ubusin yun. Kahit gaano pa siya kasarap ay hindi mo na siya kayang kainin kung busog ka na. Pero mas nangibabaw naman yung takot ko kay Vander na baka kung anong gagawin niya kung hindi ko yun mauubos.Hangga't maaari ay ayoko siyang galitin. Hangga't maaari, susundin ko lahat ng ipag-uutos niya para walang gulo. Dahil kung paiiralin ko ang katigasan ng ulo ko ay siguradong magiging magulo ang sitwasyon namin dalawa. Hindi ko nakakalimutan na galit siya sa akin kaya nga ganyan ang pakikitungo niya. Tanga lang ang magsasabing hindi siya galit sa akin. Malinaw na iyon sa akin.Napaupo na lamang ako sa sala. Kailangan kong mag-eherhisyo para mabilis na matunaw iyong mga kinain ko. Uminom na rin ako ng digestive pill para mas mabilis ang pagtunaw ng pagkain.Gusto kong mag-ehersisyo
Raven's POV"LUX, tatawagan na lang kita mamaya. Bye." Sabay putol ko sa tawag.Tumayo na ako sa kinauupuan ko at maglalakad na sana ako palabas ng magsalita ito."Who's that?" Tanong nito.Tinutukoy ba nito si Lux na kausap ko sa cellphone? Bakit naman siya magtatanong?"Someone who's not related to you." Sagot ko sa kanya. Bakit ba kasi nagtatanong siya? Wala naman siyang pakialam kung may kausap ako diba?"A boyfriend?" Kumpirma pa nito.Boyfriend? Ganoon ba ang iniisip niya? Bahala siya sa buhay niya."Oo." Sagot ko na lang para manahimik na ito. Boy friend ko naman talaga si Lux. Isang lalaking kaibigan, pero bahala siya kung iisipin niya na kasintahan ko si Lux. Ano naman sa kanya ngayon?"Let's go." Saad nito na madilim ang itsura. Galit na naman ito na sila lang ang nakakaalam kung ano ang dahilan.They said girls are complicated. Ang mga lalaki din naman. Bigla na lang nagagalit ng hindi mo alam ang dahilan.A/N: Real talk. Yung ex ko, bigla na lang nagagalit sa akin ng hindi
"Love is a really scary thing, and you never know what's going to happen. It's one of the most beautiful things in life, but it's one of the most terrifying. It's worth the fear because you have more knowledge, experience, you learn from people, and you have memories." —Arianna Grande⭐️ECLIPSE FIVE⭐️Closing the DistanceSelene's POV"Ang daming tubig dito sa bahay!" Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Jopay.Kahit ako din naman ay napanganga ako ng inihatid ako ni Halex pauwi sa bahay namin. Nadatnan namin na may nakapark doon na isang tank truck na puno ng tubig at iniipisan yung mga balde at mga lalagyan ng tubig namin.Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa ubos yung tubig. Hindi ko naman inakala na ang sinabi ni Halex na siya na ang bahala ay magpapadala ito ng tanke sa bahay. Usap-usapan pa tuloy sa mga kapitbahay namin ang nangyari din sa akin sa flowing. May mga tsismis na kumakalat lalo na at tinulungan ako ni Halex with all the pabuhat buhat pa s
"Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable." — Bruce Lee⭐️ECLIPSE FOUR⭐️Wavering FeelingsSelene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang
"You can never control who you fall in love with, even when you're in the most sad, confused time of your life. You don't fall in love with people because they're fun. It just happens." — Kirsten Dunst⭐️ECLIPSE THREE⭐️Taking ChancesHalex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will
"Doubt thou the stars are fire, Doubt that the sun doth move. Doubt truth to be a liar, But never doubt I love." —William Shakespeare⭐️ECLIPSE TWO⭐️Unfaltering ChangeSelene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot nam
"It is easy to hate and it is difficult to love. This is how the whole scheme of things works. All good things are difficult to achieve and bad things are very easy to get."— Confucius⭐️ECLIPSE ONE⭐️Distressing BeginningSelene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko
Raven's POVILANG araw akong nanatili sa hospital. They conducted series of checks to make sure that I am okay. Nalaman ko rin na pinalitan pala ng artificial na buto ang ilan sa spine ko dahil na damage ang mga iyon.My recovery was fast, kahit nagtataka ako ay ipinagwalang bahala ko na lang iyon dahil ang importante ay magaling na ako.Bumalik sa normal ang buhay ko. Nalaman ko din na ang mga umatake pala sa amin ng gabing iyon ay si Harriette at mga tauhan nito. They were all killed and none of them was spared. Naalala ko pa kung bakit sila namatay. It was because of my last attack.They recovered the bodies and it was plenty. Nalaman na din ni Martin Delacroix na wala na ang kanyang anak. Sino ang mag-aakala na magagawa iyon ni Harriette? Pero hindi na namin malalaman ang dahilan dahil wala na siya. Or maybe a sort of revenge dahil nakulong ang ama nito.After I recovered, the preparation of the wedding resumed. Mas pinadali ito ni Vander dahil sabi niya masyado na daw nadelay ang
Third Person's POVILANG linggo na ang dumaan at hindi pa nagigising si Raven. Raven is no longer in coma, dahil tatlong araw pa lang ay nagising na ito, pero agad na ininduce si Raven dahil hindi maaaring magalaw ang kanyang spine. Small movement can lead to internal bleeding and another rapture dahil hindi pa lubusan na magaling ito.Halos tumira na din si Vander sa hospital. Raven was confined in a special suite na pwedeng doon na din matulog at maligo si Vander. Wala si Raven sa ICU, pero maraming aparato ang nakakabit dito, tubo na sa ilong dumadaan para sa pagkain and she has a nurse as well to clean her. Kahit unconscious ang kanyang katawan, kusang lumalabas ang dumi ni Raven na kailangan linisin ng nurse.Vander volunteered to do it, pero hindi siya pinayagan dahil trabaho iyon ng nurse na nakaassign kay Raven. Vander doesn't care if he clean the waste of Raven, her urine and poop, wipe her clean, he doesn't mind. Hindi siya nakakaramdam ng pandidiri kahit isipin niya iyon, p
Third Person's POVTILA binasag ang puso ni Vander at labis ang kanyang pagluha ng huminto si Raven sa paghinga. Duguan din si Vander dahil hawak hawak niya ang duguan na si Raven. Naghalo na din ang dugo ni Vander dahil sa mga sugat na tinamo nito.Dumating ang chopper at paramedics, mabilis silang lumapit kay Vander na hindi na matinag sa kinaluluhuran ngayon ay umiiyak."Baby...why?" Walang lakas na usal ni Vander sa walang buhay na katawan ni Raven. Hindi niya magawang sumigaw dahil pakiramdam ni Vander ay binawian siya ng lakas sa nakikita at nararamdaman niya. Nakakapanghina."Mr. Cambridge, please allow us to check her. We need to process revival." Saad ng isang paramedic at may mga dalang kagamitan."She just stopped breathing seconds ago...please, do all your best." Nanghihinang saad ni Vander. Hindi niya magawang magalit kahit na sino dahil ang sarili niya ang kanyang sinisisi. He's a failure...he failed fo protect the woman he loves."We will do our best Mr. Cambridge." At
Josh's POVI AM being jumpy. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil pakiramdam ko ay may kung ano sa paligid na gusto kong hanapin."Olivia, nag-eenjoy ka ba?" Dinig kong tanong ng asawa ni tito Eric, na ama ni Raven.She's eyeing a petite girl. Maganda ito, maputi at mukhang excited sa mga nangyayari."Mom, ang ganda po ni Ate Raven. She will really be my sister?" Anito. I am just seeing her back but something in me is screaming to reach her. So this is Raven's stepsister."Yes, anak. Pero hindi natin siya makakasama ng madalas because she's getting married." Sagot naman ng asawa ni tito Eric."I know right. Feeling ko, if you're a legendary, required talaga na maganda ka at gwapo...not just maganda and gwapo but to the point of extremities. I feel like they are not human at all." Hangang saad nito.I will agree with her. Raven is extremely beautiful na kahit hindi siya ang amour mo, magkakacrush ka talaga. In my case, yeah I got attracted the first time I saw her pero nawala din iyo