Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2022-12-19 08:12:11

Raven's POV

NAGING matiwasay ang mga araw na nakalipas at hindi na naulit ang pagkakita ko ng multo. Dapat lang dahil kumuha ako ng isang psychic para itaboy ang masamang espirito na dumalaw sa kuwarto ko noong nakaraan na naging dahilan para mahirapan akong makatulog.

Wala na akong multong nakikita pero lagi naman akong nananaginip na may tumatabi sa akin sa pagtulog. Pero pagkagising ko naman ay wala. Hindi ko alam kung bakit ganoon lagi ang panaginip ko, tila totoo. Lagi kong napapanaginipan na may yumayakap sa akin sa pagtulog. This weird dream started after that ghost incident.

Binuksan ko na lamang ang laptop ko at chineck ko ang email at nakita ko doon ang isang email galing kay Chief. Binasa ko iyon at balita iyon na tapos na ang misyon. Ubos na ang kaaway, kaya wala na kaming trabaho patungkol sa mga fugitives.

Binuksan ko naman ang telebisyon para manood ng balita. Pero pagkabukas ko sa TV ay huminto naman ang kamay ko ng makita ko ang mukha ni Vander. Nakasuot siya ng itim na three piece suit at sa unang pagkakataon mula noon huli ko siyang nakita ay ngayon ko lang ulit nakita ang buong mukha niya. He's more than handsome than before. He's more mature. His jet black hair is tussled and he has stubbles but not that thick. It's enough to make him look, more enticing and attractive even just standing there.

Ngayon ko lang siya nakita na humarap sa mga press. I know that he always avoided them for some reason, pero ngayon ay nagpakita siya.

"Mr. Cambridge, everyone is anticipating and wanting to hear your answer. I believe you know the rumor of you settling down soon." Tanong ng isang lalaking reporter na ikinatigil ng hininga ko. Sa lahat ng pwedeng itanong, bakit yun pa?

Vander did not smile even a little bit. Nakita ko na tila nag-isip siya bago sumagot.

"I am." Maikling sagot niya na mad lalong ikinagulo ng mga press.

"Mr. Cambridge, are you tying the not with Miss Harriette Delacroix?" Parang may pait sa ilalim ng aking lalamunan at agad kong pinatay ang TV. I think that happened last night.

Naging hindi maganda ang pakiramdam ko kaya nagbihis na lamang ako. Pupunta ako kay Papa. I'll look at him from a far dahil wala naman akong trabaho.

Nagbaon na rin ako ng iilang mga damit dahil balak kong magstay doon ng iilang araw. I wanted to forget what I saw in the television at pakiramdam ko ay mababaliw ako kung mananatili ako rito.

Bumaba na ako mula sa kuwarto at natagpuan ko si Lux na nasa sala at nanonood ng basketball. Agad itong napatingin sa akin at lumipat ang tingin nito sa dala kong hindi naman kalakihang bag.

"Saan ka pupunta?" Naitanong niya sa akin at napatayo ito mula sa kinauupuan niya. Inilapag niya muna ang remote at lumapit sa akin.

"Aalis ako ng ilang araw. Pupunta ako sa lugar ng Papa ko to check on him." Sagot ko sa kanya. "Pasensya na kung biglaan. I just suddenly miss him."

Napabuntong hininga naman si Lux. "I'll send you there."

"Wag na. Masyado yung malayo. Magkocommute lang ako." Pigil ko sa kanya. Ayokong distorbohin siya. I want them to rest dahil alam ko na busy pa rin sila sa kanilang negosyo kahit wala na kaming trabaho.

"That's the point, malayo ang Wilshire Raven. I want to make sure you're safe there." Tutol naman nito sa akin. If only my heart doesn't belong to someone else, I hope I can learn to love him.

"Lux, wala kang dapat ipag-alala. Baliw na ang lalapit at gawan ako ng masama o kaya ay di nila mahal ang buhay nila. Basta, kaya ko na doon. Just stay here and I need you to explain to Kiera for me dahil alam ko na tatadtarin ako nun ng tanong." Natatawang saad ko sa kanya. Despite of him, knowing me as an assassin, he still think of me like a frailly woman who needs protection. Kung alam lang niya ang kaya kong gawin at kung ano ako, he will surely not think about that.

Napabuntong hininga naman si Lux, senyales na sumuko na siya. "Okay. Pero magtext ka kung nakarating ka na at kung saan ka tumutulog, okay?"

Tumango naman ako. "Oo na boss Lux. Sige, aalis na ako at pupunta pa ako sa terminal ng mga bus."

"Hatid na kita doon." At nauna na itong lumabas kaya wala na akong nagawa. Lumapit na lang ako sa lamiseta at pinatay ko yung TV dahil iniwan niya lang iyon ng nakabukas.

Sumunod naman ako kay Lux at ginamit niya ang kanyang kotse para ihatid niya ako sa terminal ng bus. Hindi naman matagal ang biyahe at narating namin ang terminal. Agad akong bumaba at nagpaalam ako kay Lux na inihatid na lang niya ako ng tanaw.

Agad na tumingin ako sa mga sign board at nakita ko naman ang isang bus na air conditioned at nakalagay doon na patungo ito sa Wilshire. Agad akong sumakay doon at nakita ko naman na hindi pa iyon puno dahil marami pa ang bakante. Naupo na lang ako sa bandang gitna. Two seaters iyon at wala naman akong katabi.

Naupo ako at komportable naman ang upuan at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nakatanaw ako sa mga tao doon na naghihintay sa bus na sasakyan nila. Napalingon naman ako ng may pasaherong tumabi sa akin.

Isa itong babae at isang tingin ko pa lang ay alam ko na isa itong eon and she's an epic. Ngumiti ito sa akin.

"Pasensya na kung dito ako umupo. Medyo nahihilo kasi ako kung nasa likod ako uupo." Hinge niya ng pasensya dahil marami pa ngang bakante pero pinili niyang tumabi sa akin.

"Okay lang yun." Sagot ko naman rito.

"Sa Wilshire ka din?" Tanong niya pa sa akin at humugot ito ng isang bag ng mani. "Gusto mo?"

Umiling ako. Hindi ko ugali na bastang tumanggap ng pagkain sa mga taong hindi ko kilala. Bad experience made me into this.

"Oo, sa Wilshire ako. Taga doon ka ba?" Balik tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang mabait.

Umiling naman ito. "Trabaho ang ipupunta ko doon. Taga doon ka?" Nagbabalat ito ng mani at tsaka nginuya.

"Hindi din. May bibisitahin lang ako doon." Sagot ko sa kanya.

"Boyfriend?" Tanong pa niya sa akin.

"Hindi." Sabay iling ko.

Inilabas naman nito ang cellphone. Isang outdated model ng iPhone iyon pero maganda pa rin ang kalidad.

"Pwede selfie tayo? Gusto ko lang may remembrance." Saad pa nito sa akin at inihanda na nito ang camera.

Naweirdohan naman ako sa kanya pero pumayag na rin ako. She took one picture of us. I smiled a little while her is beaming at nag peace sign pa siya. Nakatingin lang siya sa picture at napanguso pa ito.

"Ang ganda mo naman. Kahit sa picture, hindi na kailangan ng filter. Habang ako, kailangan ko pa ng filter para maging cute." Reklamo nito.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Hindi naman kasi ako mahilig kumuha ng sarili kong larawan. I think that is too narcissistic. Opinyon ko lang naman yan.

"Cute ka naman kahit sa personal." Saad ko sa kanya.

"Syempre! Oops, kanina pa tayo nag-uusap hindi mo man lang ako kilala. Ako pala si Jollana." At inilahad naman niya ang kanyang palad para makipagdaupang palad.

"Raven." Sagot ko sa kanya. Hindi naman ako kilala nito kaya hindi ko kailangan na magbigay ng ibang pangalan. At tsaka maraming Raven sa mundo at hindi lang ako iyon.

"Ganda ng pangalan mo, bagay sayo." Nakangiting komento niya sa akin.

"Panlalaki nga ang pangalan ko, paanong naging bagay yun sa akin?" Natatawang tanong ko. Nalaman ko kasi na panlalaki pala ang pangalan ko. Si Kiera kasi ay mahilig sa mga pangalan.

"Hindi naman. Unisex kaya yun, kadalasan nga lang, sa lalaki pinapangalan ang Raven at hindi sa babae." Paliwanag naman nito sa akin.

Nagpatuloy lang ang kwentohan namin. Sa totoo lang ay hindi siya nakakabagot kausap. Marami siyang mga alam at mga interesanteng bagay.

Kanina pa tumatakbo ang bus. May kundoktor naman na lumapit sa amin para magbigay ng ticket at magbayad kami. $25 ang halaga ng pamasahe patungong Wilshire. Tatlong oras na biyahe ito at maraming bayan kaming nadaanan bago kami nakarating sa Wilshire.

Agad na bumaba kami sa bus at ang una kong ginawa ay naghanap ng cab. Naghiwalay naman kami ni Jollana dahil magsisimula na daw siya sa kanyang dapat gawin.

Marami naman cab doon kaya sumakay na ako at sinabi ko na lang ang hotel na tutuloyan ko. Gumawa na ako ng reservation online habang nasa biyahe ako. Mabuti naman at may vacant room pa kahit standard room lang yun. Ito na ang pinakamalapit na hotel sa bahay ni Papa at ng babaeng kinakasama niya.

Hindi naman nagtagal ay ibinaba na ako ng cab sa tapat ng hotel. Nakasuot ako ngayon ng sumbrero at face mask na kulay itim. Mabilis na pumasok ako sa hotel at agad akong nagcheck in. I checked in with my other identity as Maria Clarkson. Dahil sa ipinalabas na patay na ako, nagpagawa ako ng pangalawang identipikasyon para kung sakali na kailangan kong mag check in o kaya naman ay kailangan kong ipakita ang I.D ko. This is fake, but I need to not leave a trace with my identity.

Binigay naman sa akin ng receptionist ang key card at room number. Agad akong pumasok sa elevator para marating ang floor. Kailangan kong magpahinga dahil mahaba din ang biyahe kanina. Nas trabaho din si Papa ngayon na medyo malayo ito dito.

Narating ko naman ang floor ng room ko. Iilan lang ang kuwarto doon dahil hindi naman kalakihan ang hotel na ito. Agad na binuksan ko ang room at pumasok ako doon. The room is cozy and it has a queen size bed, may TV, aircon, table and one hair at may CR. Hindi kalakihan ang kwarto, sa palagay ko ay nasa fifty square meter lang itong kwartong ito.

Ibinagsak ko na ang bag sa sahig. Mamaya na ako mag-aayos at humiga na ako sa malambot na kama. Pero wala pang isang segundo ay nagring na ang cellphone ko. Parang alam ko na kung sino ang tumatawag.

Bumangon naman ako at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinanggal ko ang aking face mask.

"Kiera." Sagot ko rito.

"Hindi ka man lang nagpaalam. Sana sinabi ko ng sumama ako." Agad na reklamo nito mula sa kabilang linya.

I rolled my eyes. Alam ko na nababagot na ito pero hindi ko siya pwedeng isama dito dahil hindi naman pamamasyal ang pakay ko dito. I am literally stalking my father para malaman kung kumusta na siya.

"Kie, alam mo naman na hindi pwede. Hindi ako nagbabakasyon. I am spying my own father. Tsaka nagpaalam ako kay Lux." Sagot ko sa kanya dahil umiiral ang pagkabatang isip nito.

"I know. Nakakainis lang kasi, I am so bored here. Ayaw naman akong payagan ni Kuya na maglakwatsa. He still thinks of me like I am underage!" Reklamo nito ulit.

Ano pa ba ang aasahan kay Lux? He loves his sister at hindi mawawala kay Lux ang trauma na nangyari sa kanyang pamilya kaya over protective ito masyado kay Kiera kaya kahit sa misyon ay magkasama sila.

"Intindihin mo na lang ang kuya mo. He's just protecting you. Alam mo naman na puno ng karahasan ang mundong ito." Paliwanag ko sa kanya.

"I can protect myself." Maktol pa nito.

"Hindi natin masasabi yan, Kie. Dahil kung talagang tatamaan ka ng sitwasyon, kahit ikaw pa ang pinakamalakas, wala kang magagawa." Tila bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari. Kung sana ay pinagkatiwalaan ko si Vander noon, kung sana ay sinabi ko sa kanya. Masyadong malaki ang tiwala ko sa sarili na kaya ko si Mr. Brookes. Pero ano ang napala ko? Eto ako ngayon, wasak at kulang.

"Oo na. Basta mag-ingat ka diyan. Malayo pa naman yan." Paalala nito sa akin.

"Oo, mag-iingat ako dito. Kayo rin diyan." At nagpaalam na ako sa kanya at ibinaba ko na ang cellphone ko.

Humiga ako ulit at ipinikit ko ang aking mga mata. Sana, pagkagising ko ay limot ko na ang lahat. Sana wala na itong nararamdaman ko kay Vander dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa oras na ikakasal na siya.

©️charmaineglorymae

Related chapters

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 4

    Raven's POVNASA malayo lang ako at nakatanaw kay Papa na ngayon ay masayang naglalakad kasama ang babaeng kinakasama niya. Malaki ang ipinagbago ni Papa. Mas malusog na siya ngayon tingnan kaysa noon una. Wala naman akong maramdaman na kakaiba sa babae at malinis naman ang ala-ala nito. Walang halong pagpapanggap kaya napapangiti na lang ako. Alam ko na masaya si mama ngayon dahil masaya na ulit si Papa. Hindi naman ako makasarili na magagalit kung makahanap man ng iba si Papa.Natapos din ang pagmamatyag ko kay Papa at napagpasyahan ko na magliwaliw na lang din. Alam ko na hindi na lalabas ng bahay sina Papa at wala naman nakakakilala sa akin dito.Nagdesisyon na lang ako na pumunta sa Pavillion kung saan nandoon ang maraming restaurant at boutiques. Para itong mall na hindi.Walking distance lang naman ito kaya hindi na ako sumakay ng cab para pumunta doon. Hindi gaanong marami ang tao na namamasyal, lalo na at wala naman mga bata. Kung meron man ay sigurado akong nasa bahay na ri

    Last Updated : 2022-12-19
  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 5

    Raven's POVHINDI ako makagalaw at naramdaman ko na lang na tila may kumikiliti sa leeg ko. It was soft and caressing. They feel like butterfly wings stroking my skin. I don't know why am I having this kind of dream, it feels too real. Mas lalo akong naalarma ng maramdaman ko ang kiliting iyon ay bumaba sa dibdib ko. It feels like it was tracing my skin and if feels warm covered my mounds. Gusto kong gumalaw, pero tila naparalisa ako. Is this what they call sleeping paralysis? How can I even think straight in my own dream?A/N: Ganito ako lagi. Almost all of my dreams, sasabihin ko sa panaginip ko. Panaginip lang ito at hindi totoo. I am very conscious even I am in my dream state to the point kaya ko ng kontrolin kung ano ang gusto kong mangyari sa panaginip ko. No bluff.Nakaramdam ako ng haplos sa katawan ko down to my stomach and below...like the butterflies are crawling in every inch of my skin and giving me ticklish feeling. Parang sinasamba nito ang katawan ko sa nakakaliting p

    Last Updated : 2022-12-19
  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 6

    Raven's POVPAGKATAPOS ng pag-uusap namin ni Arissa ay pumunta na ako sa isang kainan. Hindi naman ako nagtagal doon at bumalik na ako sa hotel. Pero ng na sa lobby pa lamang ako ay nakita ko na ang pamilyar na bulto na ngayon ay nasa front desk.Ano ang ginagawa niya dito?Hindi ko mapigilan na hindi lumapit sa front desk dahil kailangan kong kunin ang key card ko."Anong ginagawa mo rito?" Agad na tanong ko sa kanya kaya panalingon naman siya sa akin at nginitian ako."I'm here for you, Sweet." Sagot nito sa akin.Lux, why is he even here? Bukas na ako uuwi."Alam mo na uuwi na ako bukas. Bakit ka pa pumunta dito?" Tanong ko sa kanya at kinuha ko na ang key card ko."Para mas mabilis ang biyahe. Hindi ka ba napapagod mag commute? Hindi mo man lang dinala ang sasakyan mo." Tugon nito sa akin at hawak na rin nito ang key card."Gusto ko magcommute." Naisagot ko kang sa kanya."Wala ka ng magagawa, I am here...and I will be your chauffeur tomorrow." Saad nito sa akin.Siniringan ko nam

    Last Updated : 2022-12-19
  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 7

    Raven's POVPAPUNTA na kami sa HQ ng mga sandaling ito. Hindi namin kasama si Lux dahil mga babae lang naman ang kailangan.Nakasuot lamang ako ng isang itim na leather pants, black combat shoes, at itim na v-neck shirt. Pumasok na kami sa building. Kung titingnan ito ay isa lamang itong ordinaryong kompanya. May mga office workers, products and clients. Pero dito nakatago ang headquarters. This business is just a mask to hide us.Pumasok na kami sa pribadong pintuan na tanging kaming mga myembro lamang ang mayroon access.Agad na bumungad sa amin si Charlie, na siyang assistant ng lahat."Mabuti at nandito na kayo. Kompleto na ang lahat at makakapagsimula na tayo." Salubong nito sa amin at may suot itong bluetooth headset. "Boss, nandito na si Miss Haust at Miss Rochester."Naglakad na kami papasok sa meeting room. Dumating na kami doon at nakita ko nga ang mga kasamahan namin na babae at walang lalaki doon. Nakaupo naman si Chief sa unahan at may mga tinitingnan itong folder."Mabut

    Last Updated : 2022-12-19
  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 8

    Raven's POVNAPABUNTONG hininga na lamang ako ng bumaba ako sa sasakyan sa harap ng mataas na condominium dito sa Eriondel. Ang sabi ni Chief ay dito ang meeting place namin ni Vander.Alam kong hindi pa niya alam na ako ang magiging bodyguard niya. Does it make any sense? Legendary siya, kahit wala siyang bodyguard ay alam ko na kaya niyang protektahan ang sarili niya.Inihanda ko na rin ang sarili ko sa posibleng mangyari. Isa lang ang alam ko, magagalit siya sa akin. Pero may puwang pa ba sa puso niya ang galit, kung wala na akong lugar sa doon?Hindi ko talaga alam. Hindi ko rin talaga akalain na mapapasubo ako sa sitwasyon na ito. Kung may pagpipilian lang ako ay mas pipiliin ko na huwag siyang nakatagpo. If only I can guard him secretly, yung hindi niya alam ay mas pipiliin ko pa iyon."Unit 2546." Yun ang unit kung saan kami magkikita.Huminga ako ng malalim sa huling pagkakataon bago ako tumapak sa lobby."Ma'am, pwede ba malaman kung saan kayo pupunta?" Tanong ng babae sa aki

    Last Updated : 2022-12-19
  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 9

    Raven's POVPAKIRAMDAM ko ay masusuka ako sa sobrang kabusogan. Sino ba naman ang hindi kung ipaubos ba naman sayo ang lahat ng ulam? Noon una ay natuwa ako pero kalaunan ay hindi na dahil hirap na hirap akong ubusin yun. Kahit gaano pa siya kasarap ay hindi mo na siya kayang kainin kung busog ka na. Pero mas nangibabaw naman yung takot ko kay Vander na baka kung anong gagawin niya kung hindi ko yun mauubos.Hangga't maaari ay ayoko siyang galitin. Hangga't maaari, susundin ko lahat ng ipag-uutos niya para walang gulo. Dahil kung paiiralin ko ang katigasan ng ulo ko ay siguradong magiging magulo ang sitwasyon namin dalawa. Hindi ko nakakalimutan na galit siya sa akin kaya nga ganyan ang pakikitungo niya. Tanga lang ang magsasabing hindi siya galit sa akin. Malinaw na iyon sa akin.Napaupo na lamang ako sa sala. Kailangan kong mag-eherhisyo para mabilis na matunaw iyong mga kinain ko. Uminom na rin ako ng digestive pill para mas mabilis ang pagtunaw ng pagkain.Gusto kong mag-ehersisyo

    Last Updated : 2022-12-19
  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 10

    Raven's POV"LUX, tatawagan na lang kita mamaya. Bye." Sabay putol ko sa tawag.Tumayo na ako sa kinauupuan ko at maglalakad na sana ako palabas ng magsalita ito."Who's that?" Tanong nito.Tinutukoy ba nito si Lux na kausap ko sa cellphone? Bakit naman siya magtatanong?"Someone who's not related to you." Sagot ko sa kanya. Bakit ba kasi nagtatanong siya? Wala naman siyang pakialam kung may kausap ako diba?"A boyfriend?" Kumpirma pa nito.Boyfriend? Ganoon ba ang iniisip niya? Bahala siya sa buhay niya."Oo." Sagot ko na lang para manahimik na ito. Boy friend ko naman talaga si Lux. Isang lalaking kaibigan, pero bahala siya kung iisipin niya na kasintahan ko si Lux. Ano naman sa kanya ngayon?"Let's go." Saad nito na madilim ang itsura. Galit na naman ito na sila lang ang nakakaalam kung ano ang dahilan.They said girls are complicated. Ang mga lalaki din naman. Bigla na lang nagagalit ng hindi mo alam ang dahilan.A/N: Real talk. Yung ex ko, bigla na lang nagagalit sa akin ng hindi

    Last Updated : 2022-12-19
  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 11

    Raven's POVNAGAWA ko na ang kape para kay Vander. Bumalik na ako sa silid at inilapag ko ang kape sa kanyang desk habang siya naman ay subsob sa trabaho.Kung alam ko lang na ganito ka boring dito, sana dinala ko na lang ang aking laptop. Natapos pa sana trabaho ko.Umupo na lang ako at nakita ko naman na uminom ito ng kape at hindi naman nagreklamo. Wala akong ginagawa at sa palagay ko ay makakatulog na ako dahil sa antok. Kaya tumayo na lamang ako at tumingin tingin ako sa mga shelves doon.May mga libro naman kasi doon. Shakespeare? Mahilig si Vander magbasa ng mga ito? Wala sa itsura niya na nagbabasa siya ng mga ganito.Nabasa ko na lahat ng libro ni Shakespeare kaya naghanap ako ng ibang libro. Lahat ng nandoon ay nabasa ko na noon pa. Kaya kumuha na lang ako ng encyclopedia. Magbabasa na lang ako, sakaling may mga bagay pa akong hindi alam.Bumalik na ako sa sofa dala ang encyclopedia at binuksan yun. Kung anu-ano ang mga nabasa ko doon na alam ko na din. Kaya papakli pakli na

    Last Updated : 2022-12-19

Latest chapter

  • Deathly Fate Three: Death   Epilogue

    "Love is a really scary thing, and you never know what's going to happen. It's one of the most beautiful things in life, but it's one of the most terrifying. It's worth the fear because you have more knowledge, experience, you learn from people, and you have memories." —Arianna Grande⭐️ECLIPSE FIVE⭐️Closing the DistanceSelene's POV"Ang daming tubig dito sa bahay!" Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Jopay.Kahit ako din naman ay napanganga ako ng inihatid ako ni Halex pauwi sa bahay namin. Nadatnan namin na may nakapark doon na isang tank truck na puno ng tubig at iniipisan yung mga balde at mga lalagyan ng tubig namin.Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa ubos yung tubig. Hindi ko naman inakala na ang sinabi ni Halex na siya na ang bahala ay magpapadala ito ng tanke sa bahay. Usap-usapan pa tuloy sa mga kapitbahay namin ang nangyari din sa akin sa flowing. May mga tsismis na kumakalat lalo na at tinulungan ako ni Halex with all the pabuhat buhat pa s

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 45

    "Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable." — Bruce Lee⭐️ECLIPSE FOUR⭐️Wavering FeelingsSelene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 44

    "You can never control who you fall in love with, even when you're in the most sad, confused time of your life. You don't fall in love with people because they're fun. It just happens." — Kirsten Dunst⭐️ECLIPSE THREE⭐️Taking ChancesHalex's POVWe just got home from mounting climbing with my cousin Russel and staying in this small town that's own by my grandfather is giving me a headache. I don't want to stay in this small and boring country side of the Philippines. I still need to travel around the world and experience fun.I am Hephaestus Alexander Montero or famously known as Halex is as free as a bird. I don't want to be cage for something like this. This is what I fear when granddad is already demanding for me to take over the business.I was helping the business for years, but I don't stay long in one location. I get bored immediately and I am looking for something that will make me wanna stay in one place. Even I, I don't know what is that thing. Or I guess, that thing will

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 43

    "Doubt thou the stars are fire, Doubt that the sun doth move. Doubt truth to be a liar, But never doubt I love." —William Shakespeare⭐️ECLIPSE TWO⭐️Unfaltering ChangeSelene's POVNakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa sinasakyan namin bus palabas ng Maynila. Kanina pa kami nasa labas ng Maynila at hindi ko na alam kung saan na kami. Hindi ako pamilyar sa labas ng Maynila dahil ni minsan ay hindi ko pa nasubukan ang lumabas. Ni hindi ko nga alam ano ang itsura ng Laguna o kaya naman ng Bulacan.Basta ang nakikita ko lang ngayon ay isang two lanes na sementadong daan kasukalan na may mangilan-ngilan na mga bahay na gawa sa mga kawayan. Masasabi ko na isang probinsya na ang dinadaanan namin pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito kaya napalingon ako kay nanay na nakatingin din pala sa labas ng bintana."Nay, anong lugar po ito?" Tanong ko sa kanya."Ito ang bayan ng San Isidro. Ito ang huling bayan na madadaanan natin bago tayo makakarating sa Tierra del Fuego." Sagot nam

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 42

    "It is easy to hate and it is difficult to love. This is how the whole scheme of things works. All good things are difficult to achieve and bad things are very easy to get."— Confucius⭐️ECLIPSE ONE⭐️Distressing BeginningSelene's POV"Ang kapal ng pagmumukha mong muchacha ka! Ang landi landi mo! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ay ito ang igaganti mo sa akin?!" Nangagalaiting sigaw ni Ma'am Florence sa nanay ko. Pilit niyang sinasaktan ang aking ina at wala itong ibang ginawa kundi ang salagin ang bawat atake ni Ma'am Florence."M-ma'am Florence, tama na po parang awa niyo na." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakikita ko sa mga braso ni nanay ang mga bakas ng kalmot nito at may ibang parte na rin ng braso ang nagingitim dahil sa pasa. Magulo na din ang buhok ni nanay dahil sa pagkakasabunot nito kanina pa.Tumingin naman ng masama sa akin si ma'am Florence. "Tumahimik ka dahil hindi kita kinakausap! Alam mo ba ang ginawa ng nanay mo? Nilandi lang naman niya ang asawa ko

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 41

    Raven's POVILANG araw akong nanatili sa hospital. They conducted series of checks to make sure that I am okay. Nalaman ko rin na pinalitan pala ng artificial na buto ang ilan sa spine ko dahil na damage ang mga iyon.My recovery was fast, kahit nagtataka ako ay ipinagwalang bahala ko na lang iyon dahil ang importante ay magaling na ako.Bumalik sa normal ang buhay ko. Nalaman ko din na ang mga umatake pala sa amin ng gabing iyon ay si Harriette at mga tauhan nito. They were all killed and none of them was spared. Naalala ko pa kung bakit sila namatay. It was because of my last attack.They recovered the bodies and it was plenty. Nalaman na din ni Martin Delacroix na wala na ang kanyang anak. Sino ang mag-aakala na magagawa iyon ni Harriette? Pero hindi na namin malalaman ang dahilan dahil wala na siya. Or maybe a sort of revenge dahil nakulong ang ama nito.After I recovered, the preparation of the wedding resumed. Mas pinadali ito ni Vander dahil sabi niya masyado na daw nadelay ang

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 40

    Third Person's POVILANG linggo na ang dumaan at hindi pa nagigising si Raven. Raven is no longer in coma, dahil tatlong araw pa lang ay nagising na ito, pero agad na ininduce si Raven dahil hindi maaaring magalaw ang kanyang spine. Small movement can lead to internal bleeding and another rapture dahil hindi pa lubusan na magaling ito.Halos tumira na din si Vander sa hospital. Raven was confined in a special suite na pwedeng doon na din matulog at maligo si Vander. Wala si Raven sa ICU, pero maraming aparato ang nakakabit dito, tubo na sa ilong dumadaan para sa pagkain and she has a nurse as well to clean her. Kahit unconscious ang kanyang katawan, kusang lumalabas ang dumi ni Raven na kailangan linisin ng nurse.Vander volunteered to do it, pero hindi siya pinayagan dahil trabaho iyon ng nurse na nakaassign kay Raven. Vander doesn't care if he clean the waste of Raven, her urine and poop, wipe her clean, he doesn't mind. Hindi siya nakakaramdam ng pandidiri kahit isipin niya iyon, p

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 39

    Third Person's POVTILA binasag ang puso ni Vander at labis ang kanyang pagluha ng huminto si Raven sa paghinga. Duguan din si Vander dahil hawak hawak niya ang duguan na si Raven. Naghalo na din ang dugo ni Vander dahil sa mga sugat na tinamo nito.Dumating ang chopper at paramedics, mabilis silang lumapit kay Vander na hindi na matinag sa kinaluluhuran ngayon ay umiiyak."Baby...why?" Walang lakas na usal ni Vander sa walang buhay na katawan ni Raven. Hindi niya magawang sumigaw dahil pakiramdam ni Vander ay binawian siya ng lakas sa nakikita at nararamdaman niya. Nakakapanghina."Mr. Cambridge, please allow us to check her. We need to process revival." Saad ng isang paramedic at may mga dalang kagamitan."She just stopped breathing seconds ago...please, do all your best." Nanghihinang saad ni Vander. Hindi niya magawang magalit kahit na sino dahil ang sarili niya ang kanyang sinisisi. He's a failure...he failed fo protect the woman he loves."We will do our best Mr. Cambridge." At

  • Deathly Fate Three: Death   Chapter 38

    Josh's POVI AM being jumpy. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil pakiramdam ko ay may kung ano sa paligid na gusto kong hanapin."Olivia, nag-eenjoy ka ba?" Dinig kong tanong ng asawa ni tito Eric, na ama ni Raven.She's eyeing a petite girl. Maganda ito, maputi at mukhang excited sa mga nangyayari."Mom, ang ganda po ni Ate Raven. She will really be my sister?" Anito. I am just seeing her back but something in me is screaming to reach her. So this is Raven's stepsister."Yes, anak. Pero hindi natin siya makakasama ng madalas because she's getting married." Sagot naman ng asawa ni tito Eric."I know right. Feeling ko, if you're a legendary, required talaga na maganda ka at gwapo...not just maganda and gwapo but to the point of extremities. I feel like they are not human at all." Hangang saad nito.I will agree with her. Raven is extremely beautiful na kahit hindi siya ang amour mo, magkakacrush ka talaga. In my case, yeah I got attracted the first time I saw her pero nawala din iyo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status