Share

DW - XV

Author: Maja Rocha
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

          Nakatayo sina Fame at Hogan sa labas ng Paraiso. Ipinagtataka ni Fame kung paano biglang naglaho sina Jarred at Jehanne; nawala ang mga iyon sa paningin niya samantalang kanina pa niya sinusundan ang dalawa.

          "Dito ko nga sila nakita, tapos bigla na lang silang nawala. Poof! Naglahong parang bula," sabi niya kay Hogan.

          Napataas ng kaliwang kilay si Hogan, na hindi naman kita dahil natatabunan ng buhok ang mga mata niya. Hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Fame.

          "Imposible," pagkontra niya. "Magagamit lang natin ang ganoong klase ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao. Hindi iyon puwedeng magamit dito dahil sa malakas na kapangyarihang bumabalot sa mundong ito. 'Di ba, sabi ni Cadis, hindi ka maka

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Death Whisperer   DW - XV.I

    "Maganda ba ang langit?" pagbasa niya sa pamagat. Binuksan niya ito at inilipat ang mga pahina. Nagsimula siyang magbasa ng ilang mga salita, pero hindi niya na naituloy nang pumasok si Andrei sa silid niya. "May ginagawa ka pala. Yayayain sana kitang lumabas," sabi nito. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Jehanne. "Kain tayo!" masiglang alok nito. Binitiwan ni Jehanne ang binabasang aklat at sinundan niya si Andrei palabas ng silid. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Andrei. "Oo naman," nakangiting tugon ni Jehanne. "Masaya akong malaman iyan," sabi nito. &

  • Death Whisperer   DW - XVI

    Pakiramdam ni Jehanne naghihintay siya ng isandaang taon habang nag-aabang sa pagdating ni Cadis sa opisina. Nakaupo siya sa isang bilog na upuan na nasa tabi ng lamesa, samantalang nagpapalakad-lakad naman si Andrei at mukhang 'di mapakali. Tiningnan niya si Andrei at nabakas niya sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Minsan nang nasabi sa kanya ni Andrei na matindi magalit si Cadis lalo na sa mga lumalabag sa batas. Iniisip niya kung matitikman niya kaya ang galit ng Panginoon nila sa pagkakataong ito. Mas maigi na rin siguro ang maipatapon sa limbo kaysa ipagpatuloy niya ang kalokohang gawain ng isang taga-bulong. Maya-maya, pumasok na si Cadis sa silid. Hanggang ngayon, natatakot pa rin si Jehanne kapag nakikita ito. Umupo si Cadis at hindi maipinta ang

  • Death Whisperer   DW - XVI.I

    "Mahal kita," pagtatapat niya. Sa kabila ng kadaldalan, napipi si Elana at tinitigan lang nang makahulugan si Andrei. "Ayos lang kung hindi mo ako mahal, kung hindi mo tanggapin ang pag-ibig ko," sabi niya kay Elana noon. "Hindi naman ako naghahangad na magustuhan mo rin ako o mahalin mo rin ako. Ang sa akin lang, nais ko lang maipahayag yung nararamdaman ko kasi kung hindi, baka bigla na lang akong sumabog! Hindi ko kasi mapigilan. Alam kong hindi tayo bagay. Maganda ka, mabait, at 'di pangkaraniwan. Samantalang ako... isa lang akong hamak na taga-sundo. Wala ngang kuwenta yung trabaho ko kung tutuusin! Matindi ang respeto ko sa iyo bilang prinsesa ng lugar na ito, pero sana mapatawad mo ako sa kapusukan ko." Ngumiti si Elana. "Hindi ka isang hamak na taga-sundo," sabi niya. "Para sa akin, isa kang masipag, maaasahan at marangal na nilalang. Sa katunayan, ikaw l

  • Death Whisperer   DW - XVI.II

    Napakunot-noo si Ashen. "Impormasyon?" balik na tanong niya. "Tatlong taon na ang nakalilipas, may isang kaluluwang dinala ng mga alagad mo sa silid. Pero sa tingin ko, aksidente lang ang pagkakadala sa kanya," pagbabahagi ni Hogan. Sinenyasan ni Ashen si Hogan na sumunod sa kanya para mas makapag-usap sila nang sarilinan. Nagtungo sila sa isang silid, ang opisina niya. Pagpasok sa loob, umuusok sa lamig ang buong opisina. "Puwede bang pakihinaan ang lamig at 'di ko nagugustuhan ang temperatura rito. Matinding lamig na ang naranasan ko sa labas," reklamo ni Hogan. Napabungisngi

  • Death Whisperer   DW - XVII

    Kalalabas lang ni Andrei nang makita niya si Hogan na nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ng silid niya. "Hi, Tony!" bati nito sa kanya. "Ano naman ang kailangan sa akin ng lalaking walang mata?" natatawang tanong ni Andrei. Iyon kasi yung pang-asar niya kay Hogan dahil sa ayos ng buhok nito. Nilapitan ni Hogan si Andrei at inakbayan ito. "May gusto sana akong isangguni sa iyo, kaibigan," sabi niya. "Tutal ikaw yung kilala kong matinik pagdating sa mga babae." Natawa si Andrei sa sinabi ni Hogan. "Bakit? Pagkatapos ba ng walumpung taong pananatili sa mundong ito, may nagustuhan ka na rin sa wakas?" tanong niyang kinakabahan dahil baka isiwalat nitong

  • Death Whisperer   DW - XVII.I

    Tiningnan ni Kristoff si Jehanne. Walang emosyon ang mukha niya. "Ang trabaho ko," sagot niya. "Papatayin mo ba si Janina?" tanong ni Jehanne. Ngumisi si Kristoff. "Hmm. Hindi ako. Si Gerald. Pagsasamantalahan at papatayin pagkatapos," sagot niya. Gustong masuka ni Jehanne sa sinabi ni Kristoff. "Bakit ganyan ang sinasabi mo? Itinalaga sa akin si Janina! Magpapakamatay siya o siya ang─" natigilan siya. Kung nandito si Kristoff para utusang pumatay si Gerald, tama nga kaya ang nasa isip niya? Tiningnan niya nang makahulugan si Kristoff. Ngumisi ni Kristoff. Tiningnan niya si Jehanne mula ulo hanggang paa nan

  • Death Whisperer   DW - XVII.II

    "I like you," sabi ni Gerald sa dalaga. Gumapang ang kamay niya sa makinis na hita ng dalaga. Kanina niya pa ito gustong hawakan, at ngayon napagbigyan na siya. Hinimas niya pataas at pababa ang kanang hita ni Janina. Kakaibang pakiramdam ang hatid nito kay Janina, dahilan upang mapapikit ito. Gumapang pa lalo ang kamay niya papunta sa maselang bahagi ng katawan ni Janina, pero bago pa niya marating ang "langit," pinigilan siya ng dalaga. "Bakit?" tanong niya, tila nabitin. "Bakit?" bulong niya sa tainga nito. Hinarap ni Janina si Gerald at tiningnan ito nang makahulugan. Hindi niya kilala ang lalaking ito, pero bakit niya hinahayaan ang sarili niya na hawakan ng lalaking ito? "Bakit mo ako pinigilan?" pabulong na tanong n

  • Death Whisperer   DW - XVIII

    Tila nabunutan ng tinik si Jehanne. Nanalo siya, ang nasa isip niya. Hindi napatay ni Gerald si Janina. Hindi natuloy ni Kristoff ang balak nitong pagpatay at paggahasa kay Janina sa pamamagitan ni Gerald. Nauna siya. Naisagawa niya nang malinis at maayos ang trabaho niya. At napabilib din naman niya si Kristoff dahil sa kakaibang abilidad na ipinakita niya. Nasiyahan si Kristoff sa paraan ng pagpatay ni Janina kay Gerald. Tama lang pala talagang ipagmalaki ni Andrei si Jehanne. "Mahusay siya," naisip niya. "Alam niya ang gagawin. Alam niya kung paano magmanipula ng tao." Matapos ang trabaho, bumalik na sila sa mundo nila. Pagkabalik na pagkabalik ng dalawa, ipinatawag agad sila ni Cadis. Kasalukuyan silang nasa opisina nito at mukhang tuwang-tuwa ito sa nangy

Pinakabagong kabanata

  • Death Whisperer   DW - XXV

    Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &

  • Death Whisperer   DW - XXIV.I

    "Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je

  • Death Whisperer   DW - XXIV

    "Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.

  • Death Whisperer   DW - XXIII.I

    Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba

  • Death Whisperer   DW - XXIII

    Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat

  • Death Whisperer   DW - XXII.I

    Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula. Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan. Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil

  • Death Whisperer   DW - XXII

    Umalingawngaw sa tainga ni Andrei ang mga salita ni Hogan, "Duwag ka!" "Duwag!" "Duwag!" "Duwag ka!" "Duwag!" Matinding galit ang bumalot sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng kapangyarihan at tinira niya ang pader ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malaking bitak. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Hindi ang mga salita ni Hogan ang lumalason sa kanya kundi ang pagtanggap niya sa katotohanang isa nga talaga siyang duwag. &

  • Death Whisperer   DW - XXI.I

    Natuon ang pansin ni Cadis sa batong nasa leeg ni Jehanne na nag-iiba-iba ng kulay. Nilapitan niya si Jehanne at napayuko ang dalaga dahil sa presensya niya, pero itinaas niya ang baba nito. Sunod, hinawakan niya ang bato. "Paano mo nagawa?" namamanghang tanong ni Cadis. "Bigla na lang pong nagbago ang kulay ng kanyang bato," pag-uulat ni Andrei. "Nakita ko nga," tugon ni Cadis. "Napanood ko rin naman kanina. Salamat kay Ashen," sabi niya. Si Ashen ang itinuturing ni Cadis na mata niya sa mundo nila. Nakikita niya ang dapat makita dahil sa kapangyarihan at mahikang taglay ni Ashen. Kaya naman kung kailangan mo ng impormasyon, ito ang dapat mong lapitan. Pero bago mo marating ang Santuario ng mga Pat

  • Death Whisperer   DW - XXI

    Paakyat na si Celestine sa ikalawang palapag ng bahay nila nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa silid ng kuya niya. Bukas ang TV. May nanonood. Tumatawa iyon. Naglakas-loob siyang puntahan ang silid ng kuya niya, at nakita niyang nakabukas ang pinto at mukhang may tao. Sumilip siya. Laking gulat niya nang makita niyang nasa loob si Adrian. Napatakip siya ng bibig para hindi siya lumikha ng ingay. Paano ito nakapasok? Nakasara naman ang pinto ng bahay nila. Bigla niyang naalala ang susi ng kuya niya. Hindi niya ito nakita nang halughugin niya ang gamit nito noong araw na nalagay ito sa panganib. Umatras siya. Gusto niyang tumakas. Gusto niyang lumabas ng bahay nila at tumakbo palay

DMCA.com Protection Status