Napakunot-noo si Ashen. "Impormasyon?" balik na tanong niya.
"Tatlong taon na ang nakalilipas, may isang kaluluwang dinala ng mga alagad mo sa silid. Pero sa tingin ko, aksidente lang ang pagkakadala sa kanya," pagbabahagi ni Hogan.
Sinenyasan ni Ashen si Hogan na sumunod sa kanya para mas makapag-usap sila nang sarilinan. Nagtungo sila sa isang silid, ang opisina niya. Pagpasok sa loob, umuusok sa lamig ang buong opisina.
"Puwede bang pakihinaan ang lamig at 'di ko nagugustuhan ang temperatura rito. Matinding lamig na ang naranasan ko sa labas," reklamo ni Hogan.
Napabungisngi
Kalalabas lang ni Andrei nang makita niya si Hogan na nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ng silid niya. "Hi, Tony!" bati nito sa kanya. "Ano naman ang kailangan sa akin ng lalaking walang mata?" natatawang tanong ni Andrei. Iyon kasi yung pang-asar niya kay Hogan dahil sa ayos ng buhok nito. Nilapitan ni Hogan si Andrei at inakbayan ito. "May gusto sana akong isangguni sa iyo, kaibigan," sabi niya. "Tutal ikaw yung kilala kong matinik pagdating sa mga babae." Natawa si Andrei sa sinabi ni Hogan. "Bakit? Pagkatapos ba ng walumpung taong pananatili sa mundong ito, may nagustuhan ka na rin sa wakas?" tanong niyang kinakabahan dahil baka isiwalat nitong
Tiningnan ni Kristoff si Jehanne. Walang emosyon ang mukha niya. "Ang trabaho ko," sagot niya. "Papatayin mo ba si Janina?" tanong ni Jehanne. Ngumisi si Kristoff. "Hmm. Hindi ako. Si Gerald. Pagsasamantalahan at papatayin pagkatapos," sagot niya. Gustong masuka ni Jehanne sa sinabi ni Kristoff. "Bakit ganyan ang sinasabi mo? Itinalaga sa akin si Janina! Magpapakamatay siya o siya ang─" natigilan siya. Kung nandito si Kristoff para utusang pumatay si Gerald, tama nga kaya ang nasa isip niya? Tiningnan niya nang makahulugan si Kristoff. Ngumisi ni Kristoff. Tiningnan niya si Jehanne mula ulo hanggang paa nan
"I like you," sabi ni Gerald sa dalaga. Gumapang ang kamay niya sa makinis na hita ng dalaga. Kanina niya pa ito gustong hawakan, at ngayon napagbigyan na siya. Hinimas niya pataas at pababa ang kanang hita ni Janina. Kakaibang pakiramdam ang hatid nito kay Janina, dahilan upang mapapikit ito. Gumapang pa lalo ang kamay niya papunta sa maselang bahagi ng katawan ni Janina, pero bago pa niya marating ang "langit," pinigilan siya ng dalaga. "Bakit?" tanong niya, tila nabitin. "Bakit?" bulong niya sa tainga nito. Hinarap ni Janina si Gerald at tiningnan ito nang makahulugan. Hindi niya kilala ang lalaking ito, pero bakit niya hinahayaan ang sarili niya na hawakan ng lalaking ito? "Bakit mo ako pinigilan?" pabulong na tanong n
Tila nabunutan ng tinik si Jehanne. Nanalo siya, ang nasa isip niya. Hindi napatay ni Gerald si Janina. Hindi natuloy ni Kristoff ang balak nitong pagpatay at paggahasa kay Janina sa pamamagitan ni Gerald. Nauna siya. Naisagawa niya nang malinis at maayos ang trabaho niya. At napabilib din naman niya si Kristoff dahil sa kakaibang abilidad na ipinakita niya. Nasiyahan si Kristoff sa paraan ng pagpatay ni Janina kay Gerald. Tama lang pala talagang ipagmalaki ni Andrei si Jehanne. "Mahusay siya," naisip niya. "Alam niya ang gagawin. Alam niya kung paano magmanipula ng tao." Matapos ang trabaho, bumalik na sila sa mundo nila. Pagkabalik na pagkabalik ng dalawa, ipinatawag agad sila ni Cadis. Kasalukuyan silang nasa opisina nito at mukhang tuwang-tuwa ito sa nangy
'Di nagtagal, humiwalay na sila sa isa't isa. Nagtinginan sila at nagngitian pagkatapos. Pansamantalang nakalimutan ni Jehanne ang sama ng loob niya dahil sa nangyari kina Janina at Gerald. Pero kung sumama man ang loob ni Jehanne, higit na masama ang loob ni Andrei. Masyadong naging abala sina Hogan at Jehanne sa isa't isa at 'di nila namalayang bumukas ang pinto, pumasok si Andrei at nakita sila. Naistorbo na lang sila nang makarinig sila ng palakpak at nakita nila si Andrei na nasa pintuan, kasalukuyang nag-iinit sa galit, pero pinipigilan na lang ang sarili. Nagpaalam na lang si Hogan para mabigyan din ng espasyo ang dalawa.  
"Pagod na ako. Ayoko na," sabi ni Jehanne kay Andrei, dahilan upang mapabalik ang isip ng ikalawa sa reyalidad. Napailing si Andrei. Wala na siyang ibang sinabi at nilisan niya na ang silid ng dalaga. Samantala, naabutan ni Hogan si Fame na nasa loob ng silid niya. Niligpit ni Fame ang mga aklat na nakakalat at kasalukuyan siyang nakahiga sa kama. "Ano ang balita? May kakaiba bang nangyari ngayon?" tanong ni Fame na ngiting-ngiti dahil nasasabik siyang marinig ang kuwento ng binata. Umupo si Hogan sa isang silya at nagkuwento, "Pinuntahan ko siya sa silid niya at naabutan
"Ayos ka lang?" tanong nito sa kanya. Tumango siya. Nilapitan siya ng binata at hinimas ang noo niya. "Masakit pa rin ba?" "Hindi na gaano. Mawawala rin ito." "Umalis na pala si Tony." "Hindi naman siya nagtagal kanina. Wala rin kaming gaanong napag-usapan." "Hmmm... Gusto mong maglakad-lakad?" "Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Jehanne. Umalis sila ng silid at naglakad-lakad. Tinungo nina Hogan at Jehanne ang isang lugar na ngayon lang napuntahan ni Jehanne. Sabi ni Hogan, madalas siyang nagpupunta rito dala-dala ang mga aklat na hiniram niya.
Bitbit ni Andrei ang walang malay na katawan ni Fame palabas ng kapehan. Naglakad siya nang diretso, walang damdamin at tila walang pakialam sa bawat tingin ng mga kaluluwang nadadaanan niya. Dinala niya si Fame sa silid nito na may numerong nakaukit sa pinto: 01-2917. Gamit ang kanyang bato, bumukas ang pinto at pumasok siya sa malamig na silid ng babaeng buhat-buhat niya. Maayos na nakasalansan ang mga gamit sa silid. May isang tukador na punong-puno ng maiiksing kasuotan at mga sapatos. Mahilig si Fame sa sapatos. Ito ang lagi niyang hinihiling kay Cadis sa tuwing binibigyan siya nito ng gantimpala sa trabahong maayos at mahusay na nagawa. Tinungo ni Andrei ang malambot na higaang may kula
Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &
"Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je
"Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.
Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba
Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat
Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula. Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan. Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil
Umalingawngaw sa tainga ni Andrei ang mga salita ni Hogan, "Duwag ka!" "Duwag!" "Duwag!" "Duwag ka!" "Duwag!" Matinding galit ang bumalot sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng kapangyarihan at tinira niya ang pader ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malaking bitak. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Hindi ang mga salita ni Hogan ang lumalason sa kanya kundi ang pagtanggap niya sa katotohanang isa nga talaga siyang duwag. &
Natuon ang pansin ni Cadis sa batong nasa leeg ni Jehanne na nag-iiba-iba ng kulay. Nilapitan niya si Jehanne at napayuko ang dalaga dahil sa presensya niya, pero itinaas niya ang baba nito. Sunod, hinawakan niya ang bato. "Paano mo nagawa?" namamanghang tanong ni Cadis. "Bigla na lang pong nagbago ang kulay ng kanyang bato," pag-uulat ni Andrei. "Nakita ko nga," tugon ni Cadis. "Napanood ko rin naman kanina. Salamat kay Ashen," sabi niya. Si Ashen ang itinuturing ni Cadis na mata niya sa mundo nila. Nakikita niya ang dapat makita dahil sa kapangyarihan at mahikang taglay ni Ashen. Kaya naman kung kailangan mo ng impormasyon, ito ang dapat mong lapitan. Pero bago mo marating ang Santuario ng mga Pat
Paakyat na si Celestine sa ikalawang palapag ng bahay nila nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa silid ng kuya niya. Bukas ang TV. May nanonood. Tumatawa iyon. Naglakas-loob siyang puntahan ang silid ng kuya niya, at nakita niyang nakabukas ang pinto at mukhang may tao. Sumilip siya. Laking gulat niya nang makita niyang nasa loob si Adrian. Napatakip siya ng bibig para hindi siya lumikha ng ingay. Paano ito nakapasok? Nakasara naman ang pinto ng bahay nila. Bigla niyang naalala ang susi ng kuya niya. Hindi niya ito nakita nang halughugin niya ang gamit nito noong araw na nalagay ito sa panganib. Umatras siya. Gusto niyang tumakas. Gusto niyang lumabas ng bahay nila at tumakbo palay