"HEY, baka matunaw naman 'yan, kanina mo pa pinagmamasdan," puna ni Charity kay Cameron. Mula sa pagkakatitig sa cone ng ice cream ay napatingin si Cameron kay Charity na nasa tabi ni Calista. Bale nasa gitna ang kanilang anak at nakaupo sila ngayon sa bench, habang kumakain ng ice cream. Kagagaling lang nilang mag-lunch mula sa isang reataurant na walking distant lang from their hotel. "Ah, ito ba?" Wala sa sariling tanong niya kay Charity. "Paubos na ang sa amin ni Calista, 'yang sa'yo ang bagal mong kainin," wika pa ni Charity habang nakangiti. Paano ba niya sasabihin kay Charity na ninanamnam niya ang lasa nito, because this is the first time na naenjoy niya ang pagkain ng ice cream. Isa sa paborito niya. Pero may mga ala-ala mula rito na hindi niya alam ay dumudurog pa rin sa puso niya. Muling nagbalik sa kaniyang balintataw ang isang tagpo noong bata siya... "Dad, can you buy me some ice cream. Hayun oh." Sabay turo ng batang pa
HALOS lampas isang linggo silang nanatili sa Cebu nang biglaan na lamang nag-ayang umuwi si Cameron dahil may mahalagang transaksyon daw itong gagawin. Hindi niya alam kung transaksyon sa mafia organization nito o sa kumpanya nito, pero alin man sa dalawa ay labas na siya roon, hindi ba? Wala siyang karapatan na magtanong ng kung ano sa lalaki. Nang makarating sila sa mansion ay naging abala na ang lalaki. Bagay na hinayaan na muna niya dahil mukhang mahalaga ang inaasikaso nito. "Kumusta naman ang bakasyon, madam?" Pabirong tanong ni Sharlot nang gabing datnan siya nito sa silid ni Calista. Pinatulog niya ang anak dahil umuulan nang gabing iyon at takot ito sa malakas na kulog. "Masaya naman, nag-enjoy si Calista," aniya na nakangiti sa babae. Tumaas ang kilay ni Sharlot at ngumiti nang may pang-aasar. "Si Calista ang nag-enjoy o ikaw?" Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Huwag ka ngang malisyosa diyan!" Biro niyang tugon sa babae. Ngumis
KUMAPIT ang kakaibang lamig sa katawan ni Charity nang matanggalan siya ng saplot sa katawan ni Cameron. Bukod sa maulan sa labas, bukas din ang aircon niya sa kaniyang silid. Hubad siyang nakahiga ngayon sa kama, habang si Cameron naman ay nasa paanan niya, half naked. "Cameron..." Mahinang usal ni Charity sa lalaki nang maramdaman niyang hinalik-halikan nito ang mga daliri niya sa paa. Ramdam na ramdam niya ang init ng loob ng bibig ni Cameron sa tuwing isinusubo nito isa-isa ang mga daliri niya. Nang tila magsawa sa mga daliri niya ay pinasadahan naman nito ng halik ang kaniyang magkabilang binti, marahan pataas. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman niya ang hininga ni Cameron sa kaniyang pagkababae, buong akala niya ay aangkinin ng mga labi nito iyon, ngunit nilampasan ni Cameron ang kaniyang pagkababae na tila pinapatakam siya. Hinalik-halikan nito ang kaniyang puson, pataas at hangang sa makarating sa kaniyang dibdib. "These are mine..." Bulong n
KINABUKASAN nga ay ramdam na ramdam ni Charity ang sakit ng kaniyang katawan at siyempre ang bahaging iyon sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi niya alam kung nakailang beses siyang naangkin ni Cameron kagabi, basta ang alam niya lang ay nakatulog na siya sa sobrang pagod na naramdaman at madaling araw na iyon. Tumingin siya sa tabi niya at wala si Cameron, sa malamang ay lumabas na ito at pumasok na ng opisina, alas nueve na rin naman ng umaga at alam niyang maagang pumapasok si Cameron. Napangiti siya nang maalala kagabi kung paano sila magyakap ni Cameron sa kama matapos ang mga maiinit na pagniniig. Nag-unat-unat pa siya bago bumaba sa kama, hindi na siya nag-abalang balutin ang hubad niyang katawan ng kung ano at dumiretso siya sa banyo. Marahan siyang naglakad patungo doon dahil masakit talaga ang buong katawan niya at ang kaniyang pagkababae. Nagbabad talaga siya sa bath tub baka sakaling mabawasan ang katawan niyang tila binugbog ng ilang katao.
MAHIGIT trenta minuto niyang hinintay si Cameron na bumalik sa kaniyang silid, pero hindi na ito muling bumalik pa. Nakasimangot siyang lumabas sa kaniyang kwarto at pinuntahan ang anak sa silid nito. Gising na si Calista at kasama si Sharlot. Masayang naglalaro ang mga ito. "Morning, mmy!" Bati agad nito sa kaniya at mabilis na bumaba ng kama upang salubungin siya. "Good morning, baby. Did you eat your breakfast?" Tumango-tango si Calista. "Yes, mommy. Can we play na?" "Umm, ofcourse!" Agaran niyang tugon sa kaniyang anak. Nagtatalon pa si Calista pabalik sa kama. "Since nandito ka na, baba muna ako," nakangiting wiki ni Sharlot na tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kaniya. "Sige, ako na ang bahala sa kaniya." Palabas na ng silid si Sharlot ng biglang bumalik at binulungan siya. "Siya nga pala, nakita ko si Sir Cameron kanina, umalis. May kasamang magandang babae, sino kaya 'yon?
"SIGURO nagulat ka na may kapatid pala si Cameron, ano?" Ani Gab nang silang dalawa lang ang naiwan sa lanai. Bigla kasing may importanteng tawag ito at iniwan lamang sila saglit. "Nagulat nga ako. Wala naman kasi siyang nababanggit sa akin," tapat niyang tugon sa kaharap. "That's asshole," ani Gab at ngumuso. "We're both malas na si Abren Silvestre ang naging ama namin. That old demon is never change," himutok nito. Base sa obserbasyon niya. Mukhang hindi rin good terms ito at si Senior Silvestre, bagay na hindi naman nakakapagtaka. "That old demon really despise me since I was born and up to now." Sabay natawa ito at sumimsim pa ng alak. " By the way, I was the first born he never wanted." Tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip. "He just paid my mother para bigyan siya nito ng anak, but after he knew that I'm a girl, ipinatapon niya kaming mag-ina. Napakasama, hindi ba?" Tsaka pa ito natawa. "He wanted a son, kaya kumuha siya ng ibang b
"ARAY! anong problema mo?" Asik ni Cameron kay Gab nang bigla na lamang dumating itong dumating at pingutin ng huli ang tenga ni Cameron habang nag-aalmusal sila sa may hardin. "Marami akong problema sa'yo!" Pabalibag na umupo si Gab sa isang upuan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak na kayo ni Charity? Ano may balak ka bang sabihin iyon sa akin?" "Malalaman mo rin naman kasi," tila bale walang sabi ni Cameron na nagpatuloy sa paglantak. Tahimik lamang siyang nakikinig sa tila pagtatalo ng magkapatid. Kahit inabot na sila ng madaling araw ni Cameron kagabi sa pagkukwentuhan ay maaga pa rin siyang nagising dahil may usapan sila kagabi na isasama siya nito sa opisina. Bagay na hindi niya alam kung bakit naisipan nitong gawin. "Where is Calista?" Usisa ni Gab sa kaniya. "Tulog pa rin," aniya na nakangiti. "Oh, I can't wait to see that little girl." Kita ang excitement sa mga mata ni Gab. "May lakad ba kayo? Ang aga niyong nagisi
MAHABA ang pinagdugtong-dugtong na table na nasa lanai, naroon ang lahat ng tigasilbi ni Cameron. Naroon na rin sina Gab at Calista na humabol sa lunch, at talagang pinag-shopping ng bonnga ni Gab ang anak nila ni Cameron. Tuwang-tuwa naman si Calista. "Mmy, I really like Aunt Gab, she's so cool!" Komento ni Calista na ikinatawa nila."Binobola pa ako ng baby na 'yan, hayaan mo at ipapasyal pa kita bukas," sabi pa ni Gab kay Calista. Natigilan si Gab nang makita ang mga niluto ni Charity. -"Wow! Ang sasarap naman! I really love crab-" bigla itong natigilan at nagkaroon ng bahid ng pag-aalala ang mukha nito at tinignan si Cameron. "Pero-"Tinignan ito ni Cameron na tila nag-usap sa mga mata at sinenyasan si Gab."H-hindi ba kumakain ng crab si Cameron?" Usisa ni Charity kay Gab nang mapansin ang makahulugang titigan ng mga ito. Ngumiti si Gab. "Mayroon bang hindi kinakain 'yan?" Anito at umupo na.Nagsimula na silang kumain, itinabi niya si Calista at pinaghimay na ito. Inofferan n
SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r
ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna
NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan
PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat
"CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa
KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s
MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagtatrabaho ito sa mga Silvestre gaya ng sinabi nito ay inentertain niya ito. Ang sabi nito ay may malaking regalo itong ipapakita sa likod ng sasakyan, regalo para kay Calista na galing daw
"NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bisita. Medyo nakainom si Charity pero hindi ganoon karami ang naiinom nito at nasa katinuan pa. Ayaw man niya ay unti-unting may bumabangong kaba sa dibdib ni Cameron. H
PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman ni Cameron sa kapatid na tanging malakas na halakhak ang naging tugon. "Ay, oo nga pala. Lumpo na rin si dad. Hindi na kakayanin," patuloy pa nito na ikinat