"HALATANG-halata na ang tiyan mo," komento ni Kier habang kumakain sila ng lunch sa mesang nasa ilalim ng mga puno ng niyog. Napakapresko roon at nakaugalian na nilang doon magtanghalian ng sama-sama. Umalis saglit si Miss Salve at kinuha ang fresh buko juice na pinalamig nito sa ref. "Lalo na kapag busog ako,nakaumbok na," natatawa niyang tugon habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Apat na buwan na ngayon ang tiyan niya at hindi na siya masyado nagke-crave ng kung anu-ano. Isang buwan mahigit na rin pala niyang hindi nakikita si Cameron o nakakabalita man lang dito, noon ngang nilagnat siya ay wala man lang nakuhang kumusta mula rito. Nasanay naman na siyang sila-sila lamang tatlo nina Kier at Miss Salve sa isla. "May naisip ka na bang ipangalan sa kaniya?" Usisa ni Kier na patuloy sa pagkain. Siya namang pagdating ni Miss Salve na dala na ang kinuha. "Pangalan? Ako ba ang magpapangalan sa kaniya? Hinihintay ko pa kung papayagan ako ni Cameron na ako ang
ISANG oras mula nang i-lock ni Cameron ang pintuan sa kaniyang silid, naramdaman ni Charity na tila may bumukas nun. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga at hinintay kung sino ang papasok. Mugto ang kaniyang mga mata dahil sa kakaiyak. Iniluwa ng pintuan si Servant Kim, kasama si Miss Salve na may dalang tubig at iba't ibang pagkain pa. "Miss Charity, kumusta ang pakiramdam mo?" Banayad na tanong ni Servant Kim sa kaniya. Bakas sa mukha ng matandang lalaki ang awa patungkol sa kaniya. Hindi napigilan ni Charity na muling maiyak. Agad na inilapag ni Miss Salve ang mga dalang pagkain sa bedside table at dinaluhan siya. "Huwag kang masyadong mag-iiyak, hija. Makakasama sa'yo at sa bata," nag-aalalang pag-alo nito sa kaniya. "Ayoko dito, Miss Salve. Para naman akong preso rito," aniya sa pagitan ng mga hikbi. Binalingan ni Miss Salve si Servant Kim. "Wala ba tayong magagawa, Servant Kim?" Marahang umiling si Servant Kim. "Ta
"CONGRATS, it's a girl. Babae ang magiging anak mo, Charity." Iyon ang masayang sabi sa kaniya ni Dra. Lesley nang matapos siyang i-ultrasound. Binili lahat ni Cameron ang mga machine na ginagamit ni Dra. Lesley upang hindi na ito magdala pa ng mga kagamitan. Talagang hindi siya nito nais lumabas ng silid na iyon, tama na ang paminsan-minsang lakad niya sa tabing dagat at tumatagal lamang iyon ng thirty minuto. "Babae? Babae ang magiging anak ko?" Maluha-luha niyang ulit sa sinabi ng kaniyang OB. Napakasaya niya, walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya. Tama nga ang nabasa niya noon na 'you will never understand life until it grew inside you'. "Oo, Charity. Pero napansin ko lang, ba't namayat ka at namutla? Huwag mong sabihin sa akin na nagpapaka-stress ka?" Ani Dra. Lesley habang nakakunot ang noo. Marahang tumayo mula sa pagkakahiga si Charity. Inalalayan siya ni Ms. Salve na naroon din sa silid. "Masyado siyang na-stress nang dahil siguro sa pagk
"SOBRANG dami naman po ng mga ito?" Nalululang turan ni Charity nang makita ang napakadaming damit ng kaniyang ipinagbubuntis, branded lahat iyon alam niya at talagang napakadami! Dala ni Servant Kim ang mga ito at ibinigay sa kaniya nang umaga paggising niya. "Inutusan akong bumili ng mga 'yan ni Sir Cameron. Nagpatulong ako sa kakilala kong maalam sa mga gamit pambata." Nakangiting saad naman ni Servant Kim na nakatayo sa paanan ng kama. Tahimik na pinagmasdan ni Charity ang mga damit na nakalapag sa kaniyang kama na halos mapuno na. Nakaramdam siya ng saya dahil mararanasan ng anak niya na magkaroon ng maraming magagandang damit na hindi niya naranasan noon. "Baka gusto mong maglakad-lakad ngayon sa tabing dagat, Miss Charity?" Gulat na napatingin si Charity sa matanda na nakangiti. "Lalabas? Hindi ba magagalit si Cameron the monster?" Natawa si Servant Kim at napailing. "Hindi, Miss Charity. Sa katunayan ay siya ang nagsabi niyan sa akin ngayong
PAG-AKYAT ni Charity sa kaniyang silid doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. "Aalis na muna ako, Miss Charity. Sasabihan ko na lamang si Ms. Salve na ipagdala ka ng almusal." Marahan siyang tumango kay Servant Kim bago nito isinara ang pintuan. Umikot na lamang ang paningin ni Charity sa apat na sulok ng silid na kaniyang kinaroroonan at napabuntong hininga. Buti na lamang at hindi siya gaanong naiinip doon dahil may mga libangan siya. Naalala na naman niya ang hitsura at ang mga sinabi ni Cameron kanina sa kausap nito sa telepono. Pilit man niyang paniwalaan ang sarili na may mabuting puso si Cameron kagaya ng paniniwala rin ni Servant Kim, pero taliwas talaga ang nakikita niya sa lalaki. Kaya ang ending, hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan. Halos mapatalon pa sa gulat si Charity nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa taas ng unan niya. Alam niyang si Milet iyon at ilang araw na itong tawag nang tawag sa kaniya, ngunit iniiwasa
MABILIS lumipas ang mga araw at buwan, kagaya ngayon, walong buwan na ang ipinagbubuntis ni Charity. Naroon pa rin siya sa silid na iyon at paminsan-minsan lumalabas upang maglakad-lakad. Mula nang mangyari ang pagtatalo sa pagitan nila ni Cameron noon ay hindi na muli niyang nakita ang lalaki. Hindi niya alam kung iniiwasan siya nito o sadyang nasusuklam na si Cameron sa pagmumukha niya. Marahan niyang hinaplos ang malaking tiyan, nasa balkonahe siya ng kaniyang silid nang umagang iyon at nagpapahangin. Habang palapit nang palapit ang araw ng panganganak niya ay mas nalulungkot siya, dahil isa lang ang ibig sabihin nun, mapapalayo na siya sa kaniyang anak. Hindi niya alam na ganito kahirap pala ang pinasok niyang sitwasyon, kung sanang maibabalik niya ang oras ay hindi na sana nagpasilaw sa pera. Biglang namalisbis ang mga luha sa kaniyang mga mata, halos araw-araw yata ay umiiyak siya kahit pa pinagbawalan na siya ni Dra. Lesley sa bagay na iyon dahil hindi maka
DINIG ni Charity ang paparating na chopper at umaasa siyang sana ay naroon si Cameron. May plano siyang kausapin ang lalaki ngayong araw at sana ay lumambot ang puso nito. Desidido siyang gawin iyon para sa kaniyang anak at sa kalayaan nila. Lumabas siya ng balkonahe at tinanaw kung nasa dumating ngang chopper ang lalaki at hindi siya nabigo. Bumaba ito at kasama si Servant Kim. Muli siyang pumasok sa loob at hinintay kung pupuntahan ba siya ni Cameron ngayon upang tignan. After fifteen minutes ay may nagbukas ng pinto ngunit hindi iyon si Cameron, si Servant Kim ang pumasok. May dala-dala itong pagkain na alam niyang para sa kaniya. "Ipinabibigay ni Sir Cameron, Miss Charity," anito at marahang inilapag ang pagkain sa may bedside table. "Pakisabi sa kaniya salamat." Tsaka tumayo si Charity at naglakad ng pabalik-balik sa harapan ni Servant Kim. "Kamusta ka na, hija? Wala naman bang sumasakit sa'yo?" Usisa ng matanda na sinusundan-sundan ang bawat lakad
"WE need to transfer her in the hospital, Cameron. Mas mamomonitor siya roon at isa pa, malaki ang baby at baka hindi niya kayang inormal and magka emergency CS. It's safe for them kung nasa hospital sila para sa mga posibilidad na puwedeng mangyari, " paliwanag ni Lesley kay Cameron.Dinig ni Charity ang pinag-uusapan ng dalawa dahil naroon lamang siya sa sofa, at kunwari ay busy sa kaniyang cellphone. Kabwanan na niya at araw na lang ang hinihintay at isisilang na niya ang kaniyang anak. Habang palapit nang palapit, imbes na maging masaya siya ay doble ang lungkot na nararamdaman niya. Tinapunan siya ng tingin ni Cameron kita niya iyon sa kaniyang peri vision."Don't worry, sa aming hospital siya dadalhin, magagaling ang mga nurses and doctor doon, if you want your child to be safe, then hear me," dagdag pa ni Dra. Lesley upang makumbinsing pumayag si Cameron."Fine," tipid nitong sagot. "Good then. For now, mauuna na ako sa manila para maihanda na ang lahat at okay na pag dumati
SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r
ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna
NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan
PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat
"CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa
KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s
MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagtatrabaho ito sa mga Silvestre gaya ng sinabi nito ay inentertain niya ito. Ang sabi nito ay may malaking regalo itong ipapakita sa likod ng sasakyan, regalo para kay Calista na galing daw
"NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bisita. Medyo nakainom si Charity pero hindi ganoon karami ang naiinom nito at nasa katinuan pa. Ayaw man niya ay unti-unting may bumabangong kaba sa dibdib ni Cameron. H
PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman ni Cameron sa kapatid na tanging malakas na halakhak ang naging tugon. "Ay, oo nga pala. Lumpo na rin si dad. Hindi na kakayanin," patuloy pa nito na ikinat