Share

KABANATA 24

RECOMMEND 

That Saturday morning ay kasama ko si Maimah sa kusina. Nagluluto kami ng sopas para sa aming agahan.

Siniko niya ako bigla, pero hindi naman malakas, "Aalis ka? Bakit at kailan?" usyoso niya.

Her tone is full of curiosity and to quench it ay nagpalusot ako. 

"Oo, kapag may appointment ako sa Manila or may photoshoot ako sa outside the country. US or Europe, kailangan kong lumuwas. Nandito naman kayo para sa shop at kayang kaya ninyo iyon," I cheered her up. 

Ngumiti ako sa kanya to relieve her. "Don't worry about it."

Itinuloy ko ang paghalo sa sopas. Ang iba naming mga kasama ay nasa labas. Naghahanda sila ng samgyupsal. Kani salad at macaroni salad. Sapat na iyon para sa aming breakfast. Sa panghimagas ay banana fritters ang niluluto nila at sa labas din. 

"Baka kailangan mo ng assistant, may ipapasok sana ako, beki, pero magaling siya. Laging nananalo lagi dito at sa mga contest. Madami na siyang awards at masipag. Anak siya ng kapatid ni Manang Sora. Kahit mga mag-aayos lang daw ng mga damit ng model tsaka marunong siya magtahi. May mga certificates din siya galing sa tesda at madami siyang alam na mga klase ng make-up pinapanood niya lang at nagagawa niya agad basta complete gamit, syempre," she asked and promoted.

"I don't know if my slot pa sa studio. Tanungin ko sila," binigay ko sa kanya ang sandok at saka ngumuso para siya muna ang magbantay sa sopas. 

I called Francisco at sumagot naman ang bakla after few rings. 

"Yes, France, good morning, sorry for the early call I just wanted to ask you kung naghahanap kapa ng make-up artist or may nahanap kana? Is there studio who needs a make-up artist?" agad kong bira sa kanya. 

"Why Dear? May i rerecommend ka ba? Is she that good? As Mimi and the others? Meron ba siyang portfolio? Can I see? Kilala mo ba? Reliable?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. 

"Uhnnn... yes, may ire-recommend sana ako from here in the province. She's a he and have in the industry for so long na can do whatever make-up," agap ko. 

"Oh! If from you then no problem. Alam kong makilatis ka. Saan na..." 

I put the phone on speaker mode at saka ngumuso sa kaldero para bantayan ni Maimah ang sopas. Makinig nalang siya. 

"May ready passport na ba? If none then magpakuha ka agad at paluwasin mo na sa Wednesday next week dahil need nila Angela at Samantha ng make-up artist. Sa ibang bruha na muna si Mimi. Also there's no need for the resume at portfolio na, just message me para sunduin ko siya sa Cubao or sa NAIA kung mag eroplano siya. I will sleep pa because I need a beauty rest dahil na stress ako sa mga bruha kahapon hindi manlang nila alam mag pose at hindi pa pala sila mga professional pero akala mo eh kung makautos porke't mga kabit ng politicians ay sigaw sigawan ba naman ako, bye muna. Have a nice day, basta paluwasin mo sa Wednesday na. Dito na siya sa akin tutuloy if wala pa siyang place," mahabang linya ni Francisco. 

"Sure sure, sa Cubao nalang or I will book her a grab diretso sa place mo or sa studio nalang also thank you so much, France. Ingat ka and have a nice sleep. I'll take care sa mga papers niya." 

"Okay, okay, Dear. Sige na, bye!" 

Pinatay na ni France ang tawag. 

"Yes!" bulalas ni Maimah at bumalik sa paghalo sa sopas. 

 Naglabas na ako ng dalawang container at mga food pans. We transferred the sopas sa dalawang containers at saka binuhat ni Maimah ang isang container at ako naman sa isa. Naka salubong namin ang iba na pumasok at kinuha ang mga food pans tapos iyong kaldero. 

We enjoy having our breakfast sa ilalim ng puno ng mangga. Mahangin at saka may mga huni ng ibon sa paligid. 

Wala parin ang mga may sasakyan sa naiwan dito kagabi. Baka napasarap ang tulog nila sa may kanluran. Matapos ang breakfast namin ay nag pack na kami ng mga orders at ng mga bandang alas dos ay dumating na ang mga taga logistics para kunin ang mga parcel. 

"Kung ganito kayo sipag mga Madam ay sisipagin din naming mag pick-up ng mga parcel ninyo," turan ng isa sa mga rider. 

"Naku kuya sisipagin ko talaga mag live selling para may ma pick-up kayo mga kuya," si Betty ang nagsalita.

"Meryenda po muna tayo kuya," aya ni Violeta.

Tapos na kasi ang meryenda namin na bread with cheese and ham at saka bread with different spreads. Sa labas na kami kumain kasama ang mga riders. 

That afternoon ay pumunta kami sa greenhouse. Maimah and Betty are vlogging again and we just roam around. Sumali ang iba sa mga selfie at ako ang kumuha ng picture. 

Pagkatapos niyon ay umuwi kami mga alas singko. We had our dinner at saka kami nag-live selling kami around 8 PM at natapos ng mga 10:30 PM sabay wrap ng mga parcels.

That Sunday morning ng 5 AM ay pumunta kami sa shop at nagulat na tapos na ang place at pwede ng linisan. 

"Bukas ay hindi kami pwede dahil Monday," ani Paula. 

"Kami din," turo ni Betty kay Maimah.

"Ako din," - Veniz.

"Ako nalang hapon bukas punta ako," saad ni Violeta.

I tap Paula's shoulder telling her na okay lang at handle ko ang situation.

Naglinis kami konti ng mga 1 hour tapos ay bumalik kami sa Mansion. Dahil maaga pa ay nag horseback racing kami papunta sa flower farm at saka bumalik para sa agahan.  

We had breakfast sa main dining together sa mag-asawa. Naiwan ang Donya sa amin sa sala at nakipag kwentuhan. 

"Ang galing ninyo. Betty at Maimah sa live- selling. Nakita ko na pinapanood kayo nina Sora at Marta maging ang mga kasambahay dito," puri ng matandang babae kina Maimah at Betty. 

"Thank you so much po!" - Betty.

"Maraming salamat po, Ma'am. Galingan pa po namin." - Maimah. 

Tumango tango ang Donya. 

"Nasaan na ba sina Collin, hindi ba at siya ang kasama niyo noong Friday?" tanong ng Donya. 

Sakto naman na dumating sina kuya Sidney at Sage. Yumakap ang dalawa sa ginang. 

Si Collin naman ay nagsalita, "Good morning po. Present, here!" taas pa niya ng kamay at bumalik sa pisngi ng Donya. 

"You are a nice presentor, hijo. Nice! nice, upo kayo mga anak." 

Lumingon ang Donya sa bunsong anak.

"Ummm hijo kumain na ba kayo? Magpahain ako kay Marta o kina Sora," saad ng ginang. 

"Tapos na, Ma." 

Nakinig kami konti sa kwento ng Donya at saka nagpaalam na babalik sa bahay para mag live-selling sa hapon na iyon. 

Sina Collin ulit ang nag live-selling at nag wrapped ng mga parcels. Doon na din kami naghapunan at ng mga alas siyete ay umuwi na sila kasama ang aking mga kaibigan. I check my email naman at saka inayos ang mga items na bibilhin tapos pinasa ko sa gc namin. May mga orders kaya nag wrapped na ako at saka ibinaba ko rin ang mga i di-display para sa Tuesday ribbon cutting. Maaga akong nagising. 

Monday ay pumunta ako sa school at kinuha ang aking form tapos sinamahan ko si Roberto aka Ruby. Bumalik ako sa Mansion at saka ay kinausap ko sina Raze na pwede na kaming maglinis. Sumama sina Donita at Molly sa amin. 

"Mauna na ako sa inyo dahil naghihintay pa sa akin iyong mga empleyado. Sinimulan na nilang maglinis kaninang umaga. Pero need ko pa sila i briefing para sa magiging trabaho nila," bilin ko kay Raze. 

Alas diyes na pasado noon.

"Sige po Ma'am, ihahanda ko lang yung mga panlinis na iba Ma'am," ani Raze.

Nauna na ako sa shop at naabutan ko na naglilinis nga ang tatlong empleyado. Ang sabi sa akin ni Betty ay part time ang dalawa kasi mga college students at gabi ang klase nila. Closing kasi namin ay 5 PM. Ako nalang naiiwan onwards. 7 AM to 5 PM lang ang operation time namin. Okay naman iyon. 

Kumain na kami ng mga 11 AM na kasi wala pa sina Raze. Ala una naman ay dumating na ang mga galing sa Mansion tinapos namin ang trabaho hanggang alas singko ng hapon. Naunang umuwi sina Raze. We did a briefing together sa tatlong employees. 

"Maaga tayo bukas, 7 AM ang ribbon cutting natin. Ako na ang bahala na magdala sa mga items dito, thank you so much!" 

"Okay po Ma'am," - Queenie.

"Sige po Ma'am," - Clemente.

"Salamat po Ma'am," - Solidad.

Umuwi na nga kami. Sa bahay ako dumiretso. I received some orders kaya tinapos ko mag wrap after I had dinner hangang 12 AM at natulog na ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. 1 AM ay nakaramdam ako na may tao. It's Sage when I open my eyes. 

"I just checked on you because you are alone here," aniya.

"I'm good, thanks. Uwi kana at matulog." I told him. 

"I'm good, anong oras ang ribbon cutting niyo bukas? Ito ba lahat ng dadalhin mo? I'll help you na." He volunteered. 

"Yup! that side ay mga kailangan na mai-wrap," tinuro sa mga nasa 20 pieces na items na kailangan pang i wrap na hindi ko natapos.

Siguro ay nadadagdagan pa iyon. Dadalhin ko na ang mga na wrap na items sa store kasi mas malapit sa logistics at para hindi pa mahirapan ang mga riders sa biyahe na papunta ng Hacienda. 

"I'll do it, go upstairs and take a nap. I'll wake you up at 3 AM."

My husband convinced me. 

Umakyat na ako at hinayaan siya doon sa baba. Alas tres nga ay ginising niya ako. Nakaligo na siya at parang walang tulog. Tapos na ring mabalot ang mga naiwan ko kanina. I quickly took a shower. Sa Raptor na namin nilagay lahat ng mga i di display. Isang jumbo box ang laman ng ship-out at tatlo naman ang laman ng display. 

The guards recognized us at tinulungan kami sa pagbuhat. I also invited them sa opening namin. 

"Sige po Ma'am. Salamat po ng marami," ani kuya guard. 

"You're welcome po," saad ko. 

Natapos kong mag-display ng 5:20 bumalik kami sa Mansion gising na sina Donya Diana at ang Don. Nagpaalam si Sage na balik na siya sa kanluran. 

"Ingat, Son," paalam ng Donya sa anak.

"Okay na ba hija? You take a nap muna 6:30 na tayo pumunta doon. Doon na tayo mag breakfast." 

Umidlip nga ako at 6:15 ay gumising ako at nagbihis. Bumaba ako at binubuhat na nina kuya Dante at Raze papunta sa likod ng Raptor mga pagkain. Nandoon daw sa shop sina manang Sora at nanay Marta. Nag-aayos pati ang apat na kasambahay. 

Si kuya Dante ang driver namin. Nauna na kami dahil nakagayak na rin ang mag-asawa. Sa Raptor ay sina Raze at kuya Felix nakasunod sila sa amin. 75 sqm ang shop kaya medyo malawak konti. Saktong 7:30 ay nag ribbon cutting kami. Nagulat ako dahil nandoon sina Paula. Nag-absent daw ang mga ito. Dumating din si Sage last minute before the ribbon cutting. That morning ay natapos ang kainan mga 9 pasado na. Nag-aayos na kami sa loob. Nasa counter ako at kasama ko si Clemente. Inayos ko ang mga orders at mga iba balot mamayang gabi. Ang lunch namin ay galing sa handa kaninang umaga. Nag pick-up na rin ang mga taga logistics kanina. May mga orders kami at tinuruan ko si Queenie sa product presentation. Wala namang problema sa dalawa. Si kuya guard namin ay bukas pa daw darating sabi ni Peter. Jeremy daw ang pangalan at nasa 50 na si kuya Jeremy. Alas singko ay umuwi na ang dalwang empleyado at ako ang naiwan. Nag vc ako kina Samantha at Angela. 

"Congratulations, Babuuu. I'll add to cart na mamaya sa website ninyo," - Samantha.

"Thank you so much Sammy," saad ko.

"Me too!!! Congratulations, Babuuu!" - Angela.

Almost 50 minutes rin kaming nag-usap na magkakaibigan before we end the call. Alas sais ay dumating si Sage. Nagdala ng dinner ko at dalawa kaming kumain. Alas otso na ay nag close na ako ng store.

Sa bahay na ako dumiretso at nagbalot nakasunod si Sage sa akin kaya dalawa kaming nagbalot. Parang maaga siyang umuwi ngayon pero halatang wala siyang tulog. 

"Pagkatapos nito ay bumalik kana sa kanluran at magpahinga. Huwag ka na ring pumunta sa store baka mamaya ay may makakita sa atin..." I lectured. 

Mahirap na at baka ma issue kami. So far ay kilala naman nila ako dito dahil sa nangyari sa La Cita noon pero tumahimik na sila dahil nabasura ang case ni Sabrina and my conscience is clean.

"Alright!" tipid niya. 

Ala una na namin natapos lahat. Naawa ako kaya pinatulog ko siya sa bed ko at sa bed ni Paula ako natulog. Alas sais ay gising na siya at nagluto ng breakfast. Doon din kami kumain at umalis na siya habang naliligo ako matapos niyang maghugas ng pinggan at ibang gamit. He also put the items to be ship out sa Raptor. Kaya pagdating ko sa mall ay binuhat namin ni kuya Jeremy na lahat.

Kinabukasan ay tumawag si Wynther. It's a conference call with her Mom. Sinabi ko sa Mommy ni Wynther na ganoon talaga lang ka gentleman si Calibre sa mga kaibigan niya. Sabi kasi ni Wynther ay may issue daw sila ni Calibre dahil nalasing siya sa Xylo at hinatid siya ni Calibre. 

I also gave her a Kelly bag dahil nagtanong siya. May bumibili kasi kanina na ginang. Wynther also bought so many items at nag pre-order pa. Na received ko ang address kung saan i se send ang mga pinamili niya. 

Isang dating nurse sa Canada ang bumili ng Hermes Kelly kanina. 

"Mabuti at may luxury boutique na dito sa atin. You really see the progress na dito sa atin," ani ng ginang. 

"Kaya nga po, thank you for the purchase po." 

"You're welcome, iha. You are gorgeous and brave woman for choosing this business!" Puri pa niya sa akin. 

"It's been seven or eight years since I started this business na po. I just got busy with work and pursue it now that I got a little vacation..." Turan ko. 

"Nice! nice! I'll tell my Amigas sa Canada to buy from you from now on." 

Nagpasalamat akong muli. Nagpakilala siya. Misis Eloisa Guillermo. Nagpaalam na ito pagkatapos. 

Nang hapon na iyon ay hanggang alas singko lang kami nagbukas. Maaga akong umuwi at nag wrap dahil nasa stocks sa bahay ang mga orders. That night ay ala una na ako natapos. I sent the items to Veniz para sa mga bibilhin. Sa gc ko na sinend iyon. 

"Got it, Yacinda. Mamayang gabi ko asikasuhin," - Veniz. 

"Sa Saturday na kami punta. See you again!" - Maimah.

"See you, reply ako ng inquiries later. Work na me," - Paula. 

"Ako din, sa Sat. See yah!" - Betty. 

"Sat and Sun. See you all," - Violeta.

"See you all," - Me.

10 PM ay natulog na ako. Walang Sage na dumating. Hangang sa Friday ay nasa store ako hanggang alas otso ng gabi. Doon na ako kumakain sa store. 

Nagpalagay ako ng cctv noong Wednesday at saka ay mga carts para sa complementary snack ng mga shoppers. 

That week, pagdating ng Saturday ay nag live-selling ng umaga si Maimah at sa hapon ay si Betty. Iniwan namin kami nina Betty at Violeta sa store at umuwi sa bahay sina Maimah kasama ang iba. Nag live selling sila at nag balot na ng mga items. Si Violeta ang kasama ni Betty na tagakuha ng gamit at ako ang nag ra wrap at saka ay naglilista sa mga nabili. Hangang alas diyes kami doon bago umuwi. 

Katatapos lang nila Maimah mag live-selling pagdating namin. Nag midnight snack muna kami bago natulog ng mga bandang 11:20 na ng gabi. 

Buong Sunday ay live-selling kami at saka ay wrapping maghapon. Dinala din namin sa store iyong mga pick-up at nag- ayos kami sa store bago ko ihinatid silang lahat. 

Nakauwi ako ng mga 11:30 na at natulog. Buong second week ng July ay ganoon parin ang aking set-up gaya noong first week. I didn't receive any message from Sage nor he didn't come to sleep again. Busy siya masyado sa kanluran. Maging si Raze at ibang mga drivers ay wala din. Noong Tuesday ay maaga akong umuwi kaya naipasyal ko si Thunder kasama sina Tasia sa burol at nanood ng paglubog ng araw. Maaga din akong natulog kaya noong Wednesday ay alas tres ako ng umaga nagising at nagbalot. Saka dinala sa store ang mga naipon na orders simula noong Sunday. Dumating ang third week ay sinabihan ko ang mga empleyado na pupunta ako sa Altagracia sa Wednesday at Thursday ay may photoshoot kasi ako doon sa isang resort. Si Roberto or Ruby ang make-up artist ko at meron din si Wynther. 

Dumating nga ang araw na Wednesday alas kwatro ay gising na ako dahil sa Mansion ako natulog kagabi. I prepare my things at isang duffle bag na LV ang dala ko. Iyong Raptor ang ginamit. Dahil semento ang daan ay mga tatlong oras mahigit ay nakarating ako sa resort. 

Bumati sa akin si Wynther.

"Nice to see you again..." 

Kaming dalawa lang ang magkakilala sa buong grupo. 

"Magaling ang make-up artist natin. Taga rito daw siya?" balita ni Wynther. 

Ngumiti ako. 

"Yup! I recommend her kay France," saad ko. 

Pumalakpak si Wynther. 

"Great! So makilatis, excellent!" aniya. 

Alas singko ay tapos na ang photoshoot dahil mga professional models ang kasama namin. 

We enjoyed dinner that night and I settled sa villa nina Wynther, there, I met a newbie model named, Chelsea. When Thursday came ay maaga kaming natapos. Lunch iyon at pagkatapos ay nagpahinga na kami sa private villa namin. 6 PM ay nag dinner na kami at saka ay umalis na muli sila. Ako ay naiwan doon at nagpahinga pa konti. 

I received a message from Sage.

Sage:

I am at the entrance of the resort. Check-out already.

Ako:

Okay! Wait for me.

I replied to my husband. 

Nagpaalam kasi ako na may photoshoot ako kahapon at ngayon. 

Nakita ako ang Hilux niya at bumusina siya. I did the same. He drive going to a forest part of Altagracia at may bahay kaming pinuntahan. Exclusive iyon na bahay at may swimming pool sa itaas. Pagpasok sa loob ng villa ay napakalawak ang lawn. May swimming pool din sa ibaba sa likod ng bahay ay parang golf course. 

Bumaba ako sa sasakyan at sumunod kay Sage sa loob. Binuksan niya ang ilaw at mas umaliwalas ang paligid. 

"You already had your dinner?" 

"Kanina lang..." I answered truthfully. 

"I'll gonna cook, what do you want to eat?" turan niya at tanong pagkatapos. 

"Uhmmnnn. Just fruits!"

He nodded and he proceed to the kitchen but before that ay naghabilin siya. 

"You can continue swimming here." 

"Okay, thanks!" 

Nagtampisaw nga ako sa tubig. May mga sun lounger doon at nahiga ako. May mga damit naman ako sa sasakyan. 

Dumating si Sage at naglapag ng juice at fruit salad sa table. Naka bikini lang ako at hindi na ako nahiya. Wala din naman si Sage kanina. Inayos ko ang pag-upo at kumuha sa prutas at uminom ng juice. Hindi ako masyadong nakakain sa dinner dahil puro kami kwentuhan at saka ay uminom pa kami ng Martini but I'm not drunk. 

Bumalik si Safe sa loob at ng lumabas muli ay may dalang tray ng pagkain. He put it sa table at pumasok muli sa loob paglabas niya ay may dala siyang cooler. It means na iinom siya or may balak uminom.

He gave me a plate with marble potatoes and steak. Kinain ko na dahil gutom ako. Pagkatapos naming kumain ay medyo natagalan siya sa loob. Noong lumabas ay may hawak na whiskey at baso. May hawak din siyang non-alcoholic wine. Maybe it's for me? 

Umupo siya sa sun lounger na nasa kaliwang bahagi ng table. I just swim na parang wala siya.

Umakyat ako at saka kumain ulit ng prutas. May laman na ang baso niya at tahimik na uminom. Binuksan ko rin ang wine at naglagay sa wine glass na dala niya kanina. 

"Huwag kang magbabad masyado. It's already night," simula niya. 

Tinitigan ko lang siya at saka sinabuyan ng tubig. He avoided it at tumawa ako. Pumunta siya sa gilid ng pool at saka sinabuyan ng tubig. Umiwas ako habang papunta sa kanya at saka siya hinila sa pool. 

Nahila ko siya at lumangoy papunta sa kabilang gilid ng pool. Sumunod siya sa akin. He cornered me and lift me sa gilid. Napaupo ako. he sniff the side of my neck and sexily kiss it. Nakiliti ako ako dahil sa kanyang ginawa.

"Don't ever do that again, delikado, paano kung nadaganan kita?" he said. 

Tumawa lang ako at saka ay tumayo at pumunta sa sun lounger. "Nnnnnnnnnn..."

I sip my wine at kumain ng prutas. Maging si Sage din ay bumalik sa upuan niya at saka uminom muli. Tinapos niya ang laman ng kanyang glass at saka nagsalin muli. Ilang oras na pabalik balik ako sa paglangoy at pagkain at pag inom. Siya ay hindi na muling pumunta sa pool. 

Umahon ako sa last lap na ginawa at tinanong ang oras. 

"It's time to sleep," saad niya. 

He gave me a towel at bathrobe dahil pumasok siya sa loob kanina pa, ngayon ay bagong ligo siya.

Kinuha ko ang towel at nagpunas na. 

"Can you get my bag sa kotse? I'm drench..." 

Binigay ko ang susi at kinuha naman niya ang bag. 

Sa room na tapat ng pool kami pumasok sa itaas. It's a master's bedroom. Naligo na ako at saka nagpalit. 

Nasa bahay na raw ang mga stocks na nabili. Sinabihan ko si Falcon na siya nalang ang maghatid kapag meron na ang mga stocks. Balak ko na kumuha ng part-time para may maiwan sa bahay kahit papaano pero huwag na muna. Saka nalang kapag bumalik na ako ng Manila. 

That night sa isang bed kami natulog ni Sage. Sinabi kong gisingin niya ako ng alas kwatro. Ginising naman niya ako kaya 5 AM ay kumain na kami, 8 pasado ng umaga na iyon ay dumiretso ako sa store, hangang lunch ako at umuwi pagkatapos ay nag wrapped ng mga online orders ng mga araw na wala ako. May 50 orders at dadalhin ko sa store mamayang 5 para makuha agad ng Saturday morning. Natapos ko ang wrapping ng 4:10 at saka ay inayos na sa sasakyan at bumalik ng store. Dalawa ulit kami na nagbuhat ni kuya Jeremy sa mga nabalot ko.

Five ay nag-out na ang dalawa kaya ako na sa counter. Wala naman masyadong customer ng mga ganoong oras pero nagbubukas parin kami. Laging over time si kuya guard pero mas maganda na daw iyon. Pinauna kong kumain si kuya at sinabi kong i take out nalang yung order ko. Minsan ay sinasabihan ko ang crew ng Korean restaurant na dalhin sa store ang dinner namin ni kuya Jeremy pero hindi ko siya nadaanan kanina.

Nagulat dahil take out rin ang ginawa ni kuya kaya sabay na kaming kumain. 

"Mabuti nalang Ma'am at dito ako napasok dahil mas malapit at makakauwi pa ako. Hindi gaya kapag sa Manila ako. Mag-uupa pa ako doon dito ay libre na ang pagkain." 

Ngumiti ako kay kuya. 

"Maraming salamat din po kuya!" 

Minsan ay nakikita ko na iyong dinner namin ay iniuuwi ni kuya minsan kasing nag-uwi siya ng pagkain noong maaga kami nagsara pero nag take out ako ng dinner nilang tatlo nina Queenie ay nagustuhan daw ng kanyang bunsong anak. Okay lang naman iyon nagpapauwi din ako sa mga snacks minsan dahil ilan ilan lang naman ang kumakain nun. 

Nagsara kami ng mga 9 PM dahil may tinapos akong inventory at saka may humabol pa na benta kanina. Isang seaman at regalo niya daw sa asawa niya ang binili na Hermes sandal at isang bag na Marc Jacobs. 

Medyo malaki ang week inventory kaya bukas ay binigyan ko sila ng 1D 1N na tour package sa resort na pinuntahan namin sa Vista Verde.

Merong tao sa bahay noong nasa gate na ako. Nakita ko sina Veniz at Violeta sa may porch na kumakaway sa akin. Bumusina ako at binuksan ang wind shield. 

"Kanina pa kayo? Kumain na kayo?!" sigaw ko. 

I maneuver the car where I usually park it at ng maayos ay pinatay ko ang makina saka bumaba. Sinalubong ako ng dalawa. 

"Yup! We also begin to wrap some online orders," it's Veniz. 

Pumasok na kami sa loob at saka ay inayos ang mga dadalhin sa shop bukas. Medyo wala ng mga  laman ang shelves at may mga bagong dating noong Tuesday at Wednesday. 

We arrange all the things at inayos ang storage room. Nagpost din si Violeta ng ads at nag-update sa mga pages namin. 

5 AM Saturday morning ay dumating si Maimah sa bahay. Sina Paula at Betty ay doon na daw sa shop mamayang 7. Si Maimah naman ay nagdala ng mga display at mga para sa live-selling sa shop. Nagluto nalang kami ni Veniz ng agahan at sa shop na kami kumain kasama ang mga empleyado.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status