Home / All / Daughter of Fire: The Rightful Heir / Chapter Ten: Forbidden Room

Share

Chapter Ten: Forbidden Room

last update Last Updated: 2021-12-02 22:24:53

"Acheron?! Oh god! Ikaw lang pala 'yan? Why do you have to scare me like that?! And how the fuck did you get in here without even opening the door?!" sigaw ko nang makita kung sino 'yong nanghila sa akin kanina. Yes. You heard it right. It's Acheron, the cold-blooded prince.

"I'm trying to save you so shut up," ani niya na parang naiirita na. At siya pa talaga may ganang mairita ha? Eh ako nga itong tinakot niya! Akala ko kung sino na iyon. At ayan nanaman po siya sa kaka-shut up niya. Hindi na ata mawawala sa kaniya ang shut up eh. Favorite word ha.

"Do I look like I need to be saved?!" singhal ko sa kan'ya. Well.. I need to be saved but not by him! Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kumag na 'to. Nagkibit-balikat siya at nag simula ng maglakad papunta sa may pinto. At talagang iiwan niya lang ako dito ah! Bwisit.

Nang makarating na siya sa pinto ay muli niya akong nilingon. "Sigurado kang ayaw mo ng tulong ko? Sabagay mukha namang hindi ka takot sa dilim. Mauuna na ako," ani niya na parang nang-aasar pa. Bwisit talaga. Bwisit! 

"Wait!"

Hanggang saan ako kayang dalhin ng pride ko? Damn it. Nakakaasar talaga, lagot talaga sakin 'yong Eleanor na 'yon kung hindi niya ako dinala dito hindi sana ako namomroblema ngayon!

Lumingon siya sa akin ng naka-ngisi. "Yes?" tanong niya habang nakahawak sa doorknob. He can't just leave me here!

"Ano.. tu.. Damn!" Ni hindi ko mabigkas ang salitang tulungan damn it! I'm not used of asking others for help.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Acheron. Hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga at pumikit.

"Take me with you!"

Napatigil ako sa sinabi ko at maging si Acheron din. Nakatulala siya sa akin na parang prino-process parin ang sinabi ko. Even I can't believe what I just said. Andami daming pwedeng sabihin bakit kase ayun pa ang lumabas sa bibig ko!

"Anong sabi mo?"

"Sa..sabi ko ilabas mo na ako dito!" sigaw ko at nag-iwas ng tingin.

"Hindi 'yon ang narinig ko," ani niya habang naglalakad palapit sa akin.

I rolled my eyes at him and crossed my arms over my chest. "Narinig mo naman pala nagtatanong ka pa."

"I just want to make sure. Ulitin mo." I threw him a death glare which caused him to laugh. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Gusto ko ng makaalis dito. It's more suffocating nang dumating siya dito.

"Damn it! Ilabas mo na lang ako dito!" paghihimutok ko.

"Okay. Okay," he said in between his chuckle.

Lumapit na ulit siya sa may pinto habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Hinawakan niya ang doorknob at ilang sandali lang ay may lumabas na kulay blue'ng ilaw sa kaniyang palad at unti-unting nag-yelo 'yong doorknob. Nang tuluyan na itong mabalot ng yelo ay nabasag ito at nagkapira-piraso and with that, bumukas na ang pinto. Sinalubong kami nang liwanag ng buwan. I wonder how long I've been locked inside that room.

Nauna ng lumabas si Acheron at sumunod ako. Akmang maglalakad na ako paalis nang hawakan niya ang braso ko at pigilan ako sa paglalakad. Ano nanamang kailangan ng lalaking 'to? Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Can you at least show some gratitude?"

This is the very reason why I don't want his help. Magiging obligado pa ako na magpasalamat at magpakumbaba sa kaniya na ni sa panaginip ay hindi ko gugustuhing mangyare. But okay since tinulungan naman niya ako. Ngayon lang 'to, ngayon lang!

"Fine. Thank you!" Aalis na sana ulit ako nang hatakin nanaman niya ako.

"What else do you want?!" singhal ko sa kaniya at napasabunot sa aking buhok sa sobrang pagka-inis. Gusto ko ng magpahinga damn it.

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang malaking orasan sa taas ng isang building at pareho kaming napatingin doon.

13:00

Nagkatinginan kaming dalawa at napalunok nang makita kung anong oras na. Fuck. We're doomed. Headmistress Pryia warned us about the Dark Hour and the Wruazi. Ano ng mangyayare ngayon..

"We should run now.." sabi ni Acheron habang lumilingon-lingon sa paligid.

Bigla na lang humangin ng malakas kaya napahawak ako sa bintana ng kwarto kung saan ako nakulong kanina. Nanlamig ako nang may marinig akong parang nabulong sa lengguwahe na hindi ko maintindihin. There was something sinister about that murmuring voice.

"Cover you ears!" sigaw sa akin ni Acheron, he's now covering his ears.

For some reason hindi ako makagalaw, parang ayaw kumilos ng kahit anong parte ng katawan ko. What the fuck is wrong with me? I can't move a muscle.

"Tanisha! I said cover your damn ears!" I can sense anxiety in his voice. As much as I want to cover my ears I can't move!

Palakas na nang palakas ang kanina'y bulong lang hanggang sa parang isinisigaw na nila 'yon. Yes, madami sila hindi lang iisa ang boses na naririnig ko. Napapikit ako nang mariin, parang ang lapit lapit lang nila sa akin. Sa wakas ay nagawa ko ng makagalaw. Agad kong tinakpan ang mga tenga ko pero parang wala paring silbi rinig na rinig ko parin sila.

"AHH!" sigaw ko sa pagbabakasakaling tumigil na sila. Sumasakit na ang ulo at ko parang dudugo na rin 'yong tenga ko. Halos madurog na ang tenga sa sobrang higpit ng pagkakatakip ko pero wala talaga. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako napasigaw sa sakit habang mariing nakapikit.

Maya maya pa ay nawala na 'yong mga boses. Hinihingal na napaupo ako sa lapag at habol habol ko ang aking hininga, daig ko pa ang nakipaghabulan. Bigla na lang lumabo ang paningin ko at nakaramdam ako ng hilo.

"T-tanisha.. Halika n-na," nahihirapang turan ni Acheron habang inilalahad niya ang kaniyang kamay sa'kin. Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya at napansing may mga galos siya sa mukha at braso. Saan niya nakuha ang mga 'yon..

Aabutin ko na sana ang kamay niya nang bumalik nanaman 'yong mga boses. This time triple na iyong lakas kaya agad akong napatakip sa tenga ko at napatili sa sakit.

"Acheron!" sigaw ko nang may maramdaman akong kung anong humahatak sa mga paa ko. Gumapang ako at pili na inabot ang kamay niya.

"Hold o..on. Do..don't let g..go," an'ya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Bigla nalang may lumitaw na mga hiwa sa katawan niya at rumihistro sa mukha niya ang sakit. Sino ba ang may gawa no'n? Wala akong makita na kasama namin dito, mga boses lang ang naririnig ko.

"AHHH!! ACHERON!!"

Dumulas ang kamay ko at natanggal sa pagkakahawak niya nang may malakas na pwersang humila sa akin papunta sa kung saan. Naka-lutang ako ngayon sa ere at tumilapon sa loob ng kwarto sa dulo ng hallway at biglang sumara ng malakas ang pinto.

Isiniksik ko ang sarili ko sa isang sulok at tinakpan ko ang aking ilong nang may maamoy akong nakakasulasok na amoy. Parang amoy nang naaagnas na mga katawan. Biglang bumukas ang ilaw at napayakap ako sa aking sarili sa nakita ko. The floor is covered with human bones and bloods as far as my eyes can see.

"Welcome to our humble abode," narinig kong bati ng boses mula sa kung saan sa nakakapangilabot na tono. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin kung sino ang nagsalita pero wala akong nakita at nang muli akong tumingin sa aking harap ay may bigla nalang lumitaw na babae, kumakaway siya sa akin at.. at.. wala siyang mukha!

Nanginig ako sa takot. Buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot. Ngayon lang ako natakot para sa buhay ko. Pasimple akong umusog palayo sa kaniya kahit hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako dahil wala siyang mga mata.

"Fear not, my child." muli niyang turan, andon parin ang nakakatakot na pagbigkas niya. Anong wag akong matakot? Siraulo ba siya? First of all bigla na lang ako napunta dito tapos bigla siyang lumitaw sa harap ko at higit sa lahat SHE HAS NO FACE!

She snapped her fingers at may lumitaw na lamesa at dalawang upuan sa pagitan namin, umupo siya sa upuan malapit sa kaniya.

"Maupo ka," utos niya sa malumanay na tono habang nakaturo sa isa pang upuan. Umiling lang ako sa kaniya. Ano bang malay ko? Baka mamaya ay gawin niya pa akong hapunan niya. Even the thought of it gives me goosebumps.

"Wala akong balak na masama sa iyo kung 'yon ang inaalala mo. Maupo ka na."

I just stared at her trying to figure out how in the hell she can speak without a mouth. Nang hindi pa rin ako gumalaw sa kinalalagyan ko ay muli na naman niyang pinitik ang kaniyang daliri at sa isang kisap-mata ay nakaupo na ako sa upuan sa tapat niya.

Napa-atras ako ng bahagya nang inilapit niya ang kaniyang kamay malapit sa d****b ko at hinaplos ang brooch na ibinigay sa akin nung matanda sa palengke ng Dredmore. Nakasanayan ko nang isuot 'to palagi sa hindi ko alam na dahilan.

"Sino ang nagbigay sa iyo nito?" tanong niya habang hinahaplos parin ang brooch. Hindi ko malaman kung nakatingin pa rin siya doon pero dun naka-tapat ang mukha niya.

"'Yung m..matanda," sagot ko na nauutal-utal. Tumango siya at binawi na ang kaniyang kamay. Ngayon naman ay sa akin na siya nakaharap.

"Ang akala ko ay hindi na kita masisilayan. Matagal na kitang hinahanap at ngayong napadpad ka na dito kailangan mo ng kunin ang nararapat sa iyo." napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Ano daw? Magkakilala ba kami? No way. At bakit naman niya ako hinahanap? I'm so fucking confused.

"Makinig ka sa sasabihin ko. Ang daan para matuklasan mo ang 'yong tunay na katauhan ay hindi magiging madali, madaming hadlang at hahadlang."

"A..alam mo kung sino ako? Bakit hindi mo na lang sabihin para matapos na?" sambit ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga 'yon sa kaniya.

"Hindi dapat pinangungunahan ang tadhana."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Mukhang wala naman talaga siyang balak na sabihin sa akin. May nalalaman pa siyang tadha-tadhana. Ano namang alam ng isang halimaw na kagaya niya?

"Hindi lahat ng gustong tumulong ay mabuti ang intensyon dapat kang maging matalino sa pagpili ng pagbibigyan mo ng 'yong tiwala," pagpapatuloy niya.

Biglang pumasok sa isip ko si Ryleigh at Lucian. Hindi naman siguro.

"At upang maiwasan ang nakatakdang digmaan ay dapat kang manalo sa paligsahan, 'yon lamang ang tanging paraan para mapigil ang mga kalaban."

Naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Pinagtitripan niya ba ako? Wala talaga akong maintindihan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ako? At bakit naman ako maniniwala sa iyo? Isa kang Wruazi!" I retorted.

Nagpakawala siya ng nakakapangilabot na tawa na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko. "Iyon ba ang tawag nila sa akin? sa amin? Sinigurado talaga nilang walang makakaalam ng aming mga nalalaman. Mga tuso."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Sobrang naguguluhan na talaga ako.

"Ang mga Wruazi, kung tawagin nila, ay dating mga Wrucudian na alam ang nakaraan at may kakayahang makita ang hinaharap at dahil ayaw nilang may makaalam sa nangyare at mangyayare ay pinatay nila lahat kaming may ganoong kakayahan, wala silang itinira mga lapastangan sila!"

Sa pagsigaw niya ay may narinig akong mga nabasag dahilan para mapapikit ako.

Napaatras ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Tignan mo ang ginawa nila sa akin, Tanisha. TIGNAN MO!" sigaw niya habang tinuturo ang mukha niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko.. Sigurado akong hindi ko 'yon sinabi sa kaniya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa may lamesa.

"Hindi ka dapat matakot sa aming walang mukha. Matakot ka sa kanilang madaming katauhan. Ipaghiganti mo kami, Tanisha. Ubisin mo silang mapagpanggap!!"

Humangin nanaman ng malakas kaya napakapit ako ng mahigpit sa lamesa. Nanginginig nanaman ako. Hindi ko na alam kung dahil ba 'to sa takot o sa galit. Parang may kung anong galit ang sumibol sa d****b ko kahit hindi ko alam kung kanino dapat ako magalit.

"Sinong sila?" sa wakas ay may lumabas na rin na salita sa mga labi ko. Kanina pa ako parang natutuyuan.

"SILA!!!!!!" sigaw niya at may malakas na hangin ang humampas sa akin at tumilapon ako sa labas ng kwarto at malakas na nagsara ang pintuan.

"Tanisha!!" narinig kong sigaw ni Acheron habang humahangos papunta sa akin.

"Are you okay? Anong nangyare sa'yo sa loob? Nasaktan ka ba?" sunod sunod niyang tanong habang nakahawak sa mga balikat ko at tinitignan kung may mga galos ako sa katawan. Bakit ganiyan siya? Why does he look so worried? Wala sa sariling tinapunan ko siya ng tingin at tumayo habang inaalalayan niya ako.

"Fuck. Magsalita ka," utos niya habang ginugulo ang kanina niya pang magulong buhok.

Totoo kaya 'yong sinabi ng Wruazi na 'yon? Kung totoo 'yon.. Why me? Bakit kailangang ako pa ang dapat manalo? Alam kong ang battle royale ang tinutukoy niya. Mukhang kilala niya rin ako at ramdam kong higit pa doon ang alam niya. Bakit kase hindi niya na lang sinabi kung sino talaga ako para hindi na ako mahirapan! At higit sa lahat sino 'yong mga tinutukoy niyang mga mapagpanggap.. Susundin ko ba lahat ng sinabi niya? AHH! Bakit kase ako pa?!

"Do it," napalingon ako kay Acheron nang bigla siyang magsalita.

"If you are eager to know the answers, do it," pagpapatuloy niya. Tinitigan ko lang s'ya at nag-iwas siya ng tingin.

"Don't stare at me like that. I can read minds. No more questions. I'll entertain none."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at parang gusto kong takpan ang bibig ng isip ko kung meron man. Damn it! He can actually read minds! That explains kung bakit niya nalaman noon na tinatanong ko kung ano 'yong battle royale at kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Narinig niya siguro kung paano ko siya insultuhin sa isip ko.

"Exactly." ani niya ng naka-ismid.

"Yah! Stop reading my mind!" Baka mamaya kung ano ano pa ang marinig niya. I feel naked, damn it.

"Then refrain from thinking anything. At tungkol sa sinabi ng Wruazi na 'yon. Don't tell anyone about it." seryosong sabi niya.

"Let's find the answers together. I'm quite curious about your true identity too." Kusang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. At bakit naman siya nasama dito?

"Do you trust me?" tanong niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Naalala ko ang sinabi nung Wruazi. Maging matalino ako sa pagpili ng taong pagkakatiwalaan ko.

"No." mabilis kong sagot.

"You're smart," pagpuri niya ng naka-ngisi habang umiiling-iling.

"But I'm serious. Let's unravel this mystery together," sa tono niya kala mo nagpo-propose siya sa akin. Damn Tanisha. Ano ba 'yang pinagiiisip mo? Propose? Seriously? Maririnig ka ng kumag na 'yan!

"Well, If you want to see it that way. I'm proposing to you," sabi niya nang nakangisi na siyang nagpamula ng mga pisngi ko sa pagkapahiya. Sinasabi ko na nga ba eh! But.. Can I trust him?

"It's for you to decide."

Ayan nanaman siya! He's reading my mind again!

"Okay! As if I have a choice. After all nalaman mo na rin naman papayag na ako. Pero sa oras na malaman kong pinapaikot mo lang ako. Ako na mismo ang papaslang sa'yo!"

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa ng malakas. Itong baliw na ba 'to ang makakasama ko? Parang gusto ko ng umatras.

Biglang sumeryoso ang mukha niya at nagsalita, "Bawal na. So, partners?" tanong niya at inilahad ang kamay niya sa'kin. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko 'yon pero sa huli ay nakipagkamay din ako.

"Partners."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
PhAi Adruc
paano ba to mag unlock
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Eleven: Realizing The Lies

    "Partners."Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi. "Let's sealed this with a kiss.""What the fuck Acheron?!" Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya at umatras. Wala sa sariling napatingin ako sa labi niya pero agad ko ring iniwas. Pakiramdam ko ay umakyat na sa mukha ko lahat ng dugo ko sa katawan. Kung ano ano kasing sinasabi ng siraulong 'to!Biglang sumeryoso ang mukha niya at tumingin sa paligid. "Let's talk somewhere else," an'ya habang lumilingon-lingon pa rin sa paligid. Why? May iba bang tao dito bukod samin? Lumingon lingon din ako pero wala namang ibang tao."H..hoy teka! Bakit kailangan pa nating mag-usap?! Bukas na lang!" Hatak hatak na niya ako ngayon papunta sa likod ng building. What the hell? Anong gagawin namin sa mapunong lugar na 'yan.."You are not the type of girl I want to get laid with.""Pervert! As

    Last Updated : 2021-12-03
  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Twelve: The Beginning

    Nagising ako nang maramdaman kong may kung anong tumutusok sa pisngi ko. Pagmulat ko ay ang seryosong mukha agad ni Acheron ang nakita ko. Nakatayo sya ngayon sa gilid ko at may hawak hawak na stick na siyang ginagamit niya upang ipangtusok sa pisngi ko. Ano nanaman bang problema ng cold-blooded prince na 'to? Naiinis na tinabig ko ang kaniyang kamay at tumayo na mula sa pagkakahiga ko."The test will start within thirty minutes. Wear this. I'll see you at the arena," anunsyo niya at saka inabot sa akin ang isang battle suit. Look at this guy, dinala-dala ako dito tapos iiwan lang ako hindi man lang ako antayin para sabay na kami pumuntang arena. What a gentleman. Note the sarcasm."What? Do you expect me to carry you all the way to arena?" tanong niya sabay irap. Baklang 'to may pa-irap-irap pa."No! Lumayas ka na nga!" sigaw ko habang tulak tulak s'ya papunta sa pinto. Tulak ko kaya 'to dito? Mataas-taas din 'to

    Last Updated : 2021-12-05
  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Thirteen: The Official Entrants

    "Tanisha! Ang galing mo do'n kanina!" masayang bungad sa akin ni Ryleigh nang makapasok sila sa kwarto kung saan ako dinala para gamutin."Buti na lang at hindi naulit 'yong nangyare noong nag-ensayo tayo," sambit ni Lucian. Hindi ako makapagsalita dahil tuwing igagalaw ko ang bibig ko ay nakakaramdam ako ng matinding sakit. Sobrang lakas ng pagkakasapak sa akin ni Iqra kanina. Bwisit na babae 'yon but on the good side ako naman ang nagwagi at sigurado akong nabalian ko siya ng ribs kahit papano, mas masakit 'yon."Nariyan na pala si Miranda!" sabay kaming napalingon ni Lucian sa may pinto nang sumigaw si Ryleigh. Sinalubong kami ni Miranda ng ngiti at may bibit nanaman siyang notebook at panulat."Nagprisinta siyang gamutin ka kaya siya nandito," pagpapaliwanag ni Ryleigh. Tumango ako sa kaniya at pinilit na ngumiti kay Miranda kahit sobrang hapdi ng mga labi ko tuwing nababanat dahil sa mga natuyong dugo sa may sugat.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fourteen: Beware Of Foes

    "Attention! Everyone that is on the list of Battle Royale Official Entrants please proceed to the assembly hall for debriefing."Napatigil ako sa pag-uunat nang marinig ko ang announcement. Mabilis akong bumangon sa higaan ko para gisingin sina Ryleigh at Miranda. They are in a deep slumber hindi man lang sila nagising sa lakas ng boses nung nag-anunsyo. Nauna na akong naligo at nagbihis sa kanila. I wore our school uniform and my combat boots. Hindi ko rin kinalimutang ilagay ang brooch na ibinigay sa akin ng matanda noon. Who knows? Baka ito pa ang maging susi para matuklasan ko ang tunay kong katauhan.Tumungo ako sa may pintuan nang may marinig akong kumatok. Upon partially opening the door I saw a man with a short ash blonde hair and deep blue eyes. I've never seen him before."Do you need something?" tanong ko sa kaniya at tinignan ang kabuuan niya checking if he bring any sort of danger. Negative. He looks

    Last Updated : 2021-12-07
  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fifteen: Deductions

    Nang makarating kami loob ng practice room ay walang kaming ibang nadatnan dito kundi ay isang rectangle table na may naka-attached na madaming button na hindi ko alam kung para saan. Lumapit agad doon si Lucian at saglit niya 'tong tinitigan at maya maya pa ay may pinindot siyang kung ano.I was surprised by his action so I hurriedly ran towards him and snatched his hand away. "Hoy Lucian! Baka masira mo ya—" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla na lang may lumabas na kulay berdeng ilaw at naglaho ang mga bintana at pinto. The whole room was white covered with rays of green light."Anong ginawa mo?!" sigaw ko sa kaniya. Hindi makapaniwalang nakatitig lang siya sa kabuuan ng silid. Mukhang hindi niya rin alam kung ano ang ginawa niya. Pakilamero kase! What now? "Hindi ko alam! Pi..pinindot ko lang 'yon tapos.." I rolled my eyes in disbelief. Kung ano ano kasing ginagawa!"Bakit mo kase pinindot?!" sigaw ko ulit.He scratched the back of hi

    Last Updated : 2021-12-07
  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Sixteen: Mission

    The land of Trealvale has quickly plunged into darkness. The sky was completely dark with no visible stars. The cold breeze swept through all of my uncovered body parts. My body automatically emits heat and I feel warmer, perks of being a fire manipulator. I am thankful. I was up in the roof of our dormitory. Nakatunghay ako sa kabuuan ng aming eskwelahan, masyadong mataas ang pader nito para makita ko ang nasa labas. No one is out but me. Exactly what I want.Tonight's weather is unbelievably cold. Nung nakaraan ay nabasa ko sa libro na tanging ang heart of Trealvale lang ang nakararanas ng four season. Ang Destruria ay summer at winter lang, 'yong Dredmore ay autumn lang at sa Irvaicean naman ay iba iba depende kung saang abode ka nagmula. Sa fire's abode, summer lang. Sa water's abode naman ay winter lang samantalang sa Air's abode ay autumn at sa Earth's abode ay spring. Mukhang palapit na ang winter sa Trealvale ngayon dahil sa lamig ng hangin.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Seventeen: Masquerade Ball

    "Do we really need to attend that party?" tanong ko kay Ryleigh na ngayon ay nakatayo sa gilid ng kama ko at may hawak hawak na gown habang ako naman ay nakahiga sa aking kama. Pinapapili niya ako sa mga iyon kung ano ang gusto kong suotin sa gaganaping party mamayang gabi. I'm not really fond of parties. Mas pipiliin ko na lang matulog kesa pumunta do'n."Ano ka ba naman, Tanisha. Tayo ang main guest doon syempre dapat nadoon tayo," wika ni Ryleigh habang kinakamot ang ulo niya. Napapagod na yata siya sa kakakumbinsi sa akin. Ano ba naman kase 'yan eh bakit kase kailangan pang gumawa ng party para sa amin. Ano 'yon? Farewell party? Sakaling hindi na kami makalabas ng buhay doon? Tch."Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Headmistress kanina? Mamayang gabi ay ipapakilala na tayo sa lahat bilang mga opisyal na kalahok ng battle royale. Maraming taga-labas ang dadalo. Mahalaga ang battle royale ngayong taon at minsan lamang ito mangyare sa kasa

    Last Updated : 2021-12-08
  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Eighteen: The Accuse and Accused

    "Ang kapatid ng Emperatrice.." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at kusa akong napalingon kay Acheron.'1%' wika niya sa isip ko. Posible kayang.."Ma..may kapatid pa ba sila?" tanong ko ulit kay Ryleigh pero si Lucian na ang sumagot. "Meron. Si Headmistress." Nawiwindang ako sa mga nalalaman ko. Kung ganoon posibleng ang Emperatrice o si Headmistress ang ina ko?"Bakit niyo ba inaalam 'yan?" tanong ni Donovan."Thank you."Imbis na sagutin ni Acheron ang tanong nito ay pinasalamatan niya lang 'to. Muli kong sinulyapan ang bangkay at sa gilid nito ay nakatayo si Headmistress na wala man lang bahid na kahit anong emosyon ang mukha. Posible kayang ikaw ang aking ina.."Pero sino kaya ang pumatay sa kaniya? Sigurado akong magagalit ang Emperatrice sa oras na makarating sa kaniya 'to," pahayag ni Ryleigh."Bakit hindi natin imbestigahan?" suhesty

    Last Updated : 2021-12-08

Latest chapter

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fifty-five

    I never knew this day would come. It was delayed, but it did come. Parang kailan lang nang pinapanood ko siyang lumakad sa altar patungo sa ibang lalake, ngunit ngayon heto siya at naglalakad patungo sa akin.After the explosion that day I thought we were done for. I thought she overdid it again, and bursted into flames. I thought I'm gonna have to mourn for her death for the second time. But then the sky cleared, someone with dark wings was carrying Tanisha on his arms—he was Vhuther, he said—the deity of death. He saved her. He saved us and killed the thief.I'm trying my best not to tear up when my eyes laid at my beautiful wife. I waited for this for years. After Lucian died, I never made any move in respect of his death. Nagsimula lang akong manligaw pagkaraan ng tatlong taon—with the help of my son and Lucian's daughter."Naiyak ka na.." rinig kong bulong sa akin ni Donovan na nakatayo sa gilid ko."Parang hindi ka umiyak nang ikas

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fifty-four

    It has been four hours since the disappearance of Mikayla and Ace. Everyone is frantic with worry, especially my son and Donovan who arrived minute after he was informed of what had happened. They sent out mudguard tropes all over Trealvale in command of Ryleigh. We've decided not to bring this problem to the Emperatrice as she already have quite a handful of problem of her own. We are determined to solve this on our own before the Battle Royale tomorrow. "Could it be that he kidnapped Mikayla?" I asked. Donovan glared at me. "My son would never do such thing!" "I'm just listing out the possibilities," I defended. "He can teleport, and according to my son they disappeared. Tell me why shouldn't I be suspicious of your son?" I added. "Don't.." Ryleigh pleaded as she gripped tightly on Donovan's arms, keeping him from attacking me. I may be crossing out of line here, but at least I'm being thorough. For some reason I couldn't read Ace's mind since we me

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fifty-three

    Matapos mag-usap ng mag ama ay kanila ng dinaluhan sina Mikayla at Ace sa may sala. Naabutan nilang nakasubsob ang mukha ni Mikayla sa kaniyang mga kamay habang si Ace naman ay nakatayo sa gilid nito at marahang tinatapik ang likod nito. "Her eyes," Ace mouthed.Naalarma si Atticus at nagmadaling lumapit kay Mikayla at iniluhod ang isang tuhod, "Miks.." aniya sa dalaga. Nakakunot ang noo nito nang mag-angat siya ng tingin. Nagtataka sa ngalang itinawag sa kaniya ni Atticus."Kulay asul na ang mga mata ko.." wika ni Mikayla habang ang mga luha sa kaniyang mga mata ay nagbabadya nanamang tumulo. Dumapo ang mga mata ni Atticus sa nanginginig nitong kamay at kinuha ito pagkatapos ay ikinulong sa kaniyang palad."We'll be in haste," paniniguro niya bago sumulyap sa kaniyang ama."Matutuloy ba bukas ang Battle Royale?" biglaang tanong ni Ace.Sinipat siya ng tingin ni Acheron na parang kinikilat

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fifty-two

    Napaigtad si Atticus mula sa kaniyang pagkaka-upo nang lumagabag ang pinto at iniluwa nito ang hinihingal na si Ace na sapo sapo ang kaniyang dibdib."What was that?!" sigaw ni Mikayla na humahangos pababa ng hagdan.Tamad na tumayo si Atticus at hinarap si Ace, "Muntik ka nanaman bang mahuli ng pinagnakawan mo?" mapambintang na tanong kaagad niya dito. Ang paalam kasi nito sa kanila ay makikibalita lang ito kung saan gaganapin ang unang paligsahan pero heto siya ngayon at mukhang may ginawa nanamang hindi maganda."Hi—hindi.. Teka.. Hi..hihinga lang a—ko," hirap na hirap na bigkas niya habang sapo sapo pa rin ang dibdib at nakatungo."Ganito.. Kanina nagpunta ako sa may—plaza! At alam niyo ba ang nalaman ko?!""Ano?" bagot na tanong ni Atticus at Mikayla.Inirapan sila ni Ace at saka mahinang hinampas ang kanilang mga braso. "Magkunware naman kayong interesado kayo," ani nito."Oh my god! Hala, ano 'yon?!" eksaherad

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fifty-one:

    Acheron's Point Of ViewNamayani ang katahimikan habang lulan kami ng isang kar'wahe patungo sa himpilan ng Emperatrice. Inihahanda ko na ang aking sarili sa muli naming pagkikita ni Tanisha. I wonder what her reaction will be once she sees me. Will she be happy? Because I know I would be."Bakit ba hindi na lang tayo mag-teleport papunta doon? Don't tell me you're losing your touch?" inip na tanong ko kay Donovan na naka-upo sa tapat niya at akap-akap sa isang bisig si Ryleigh. Inalis ko ang tingin ko sa kanila dahil sa pagka-inggit. Sana'y lahat, hindi ba?"Huwag mo naman masyadong ipahalatang excited kang makita si Tanisha," pang-aasar nito. Inismiran ko lang siya. Excited? More than anything, I'm scared. But yes, there's a little excitement."May proteksyon ang himpilan ng Emperatrice, hindi basta basta makakapasok doon—kahit na ako," pagpapaliwanag niya.

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fifty: Threat Of The Malevolent Thief

    Hindi na mabilang ni Acheron kung ilang buntong-hininga na ang kaniyang pinakawalan simula nang itinapon siya dito sa kulungan. Madilim dito, at saradong sarado. Pakiramdam niya ay anu-mang oras mauubusan na siya ng hangin. Ngunit higit sa kaniya ay mas nag-aalala siya sa kaniyang anak at kay Mikayla. "Ilabas na ang bandido at iharap sa hari!" rinig niyang sigaw ng tao sa labas ng selda niya. Hindi niya talaga alam kung bakit siya napagkamalang bandido. Dahil ba sa suot niyang balabal sa mukha? Dahan-dahang bumukas ang pinto, at sa wakas ay nakakita na rin siya ng liwanag. "Halika na!" marahas siya hinatak patayo ng isa sa mga bantay at tinanggal ang kadenang naka-gapos sa kaniyang kamay. Napangiwi siya ng bumalakit ang hapdi sa kaniyang pala-pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali sa kaniya. Nakatungo lamang siya habang hatak-hatak siya ng dalawang kawal, panaka-naka rin siyang itinutulak ng mga ito tuwing nahuhuli siy

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fourty-nine: Ace

    Third Person's Point of View Halos mabingi ang mga tao sa sunod-sunod na pagsabog. Nagmamadali silang magtago sa kani-kanilang mga tahanan nang maaninag nila ang parating na mga kawal ng kaharian ng Dredmore na may bitbit-bitbit na mga armas. "Natagpuan ko na sila!" anunsyo ng isa sa kanila pagkatapos ay itinuro ang nag-iisang karwahe na naglalakbay sa himpapawid. Wala namang inaksayang panahon ang mga kawal at nagpakawala sila ng mana patungo sa karwahe dahilan para mawalan ng kontrol ang nagpapatakbo nito, at unti-unti itong bumagsak. Kani-kaniyang silong ang mga kawal sa bubong nang makitang malapit na itong bumagsak sa lupa, at tuluyan na nga itong bumagsak. Nagkalat ang pira-pirasong parte ng karwahe at sa gitna nito ay may tatlong tao na nababalot ng yelo. Ang isa sa kanila ay naka-akap ang mga bisig sa dalawa. Pinalibutan sila ng mga kawal, habang nakatutok ang mga armas nila dito na para bang sila ay isang pangan

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fourty-eight: Home, At Last

    "Mikayla," tawag ko kasabay ng pagkatok ko sa kanilang pinto. I went straight to her house after my argument with my father. I've made up my mind. I'll bring her to Trealvale with me. Pwede namang ako na lang mag-isa ang bumalik sa Trealvale ngunit iniisip ko kung paano si Mikayla. She doesn't know how to control what she possess. She might unintentionally hurt someone and as someone who went through that—I don't want her to go through it too.Nang makailang katok na ako at hindi pa rin ako pinagbubuksan ng pinto ay minabuti ko nang umakyat sa bintana ng kaniyang silid. Nakabukas naman 'yon kaya't walang hirap akong nakapasok.Naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Marahan kong tinapik ang kaniyang balikat upang gisingin siya. "Mikayla.." tawag ko sa ngalan niya.Pinanood ko kung paano unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata hanggang sa nanlaki ito sa gulat. "What the hell?!" bulyaw niya bago siya nahulog sa ka

  • Daughter of Fire: The Rightful Heir   Chapter Fourty-seven: The Son's Lament

    Atticus' Point Of ViewI grabbed every clothes in my locker and searched for sunglasses. I can't go out there with my eyes like this. I still can't believe what happened. For years, I've been trying to bestow one of my elemental mana to a mundane but it never worked. They always end up dead. Why work now? Most certainly, why her?I glance at her. She's seating at one of the wooden benches inside the locker room with her eyes glued to her trembling hands. She must have been so shocked. Of course, she is. I would too if I am the mundane and that happened to me."Wear this," I said and threw my shirt and jersey short at her.She looked at me as if she was trying to kill me with a death glare. "Bakit kailangan pang ibato kung pwede namang iabot? Wala talagang manners," she whispers under her breath though I can still hear her then she stormed out of the locker room and paved her way inside the shower

DMCA.com Protection Status