"First years, change into your combat suits before proceeding to the battle field," anunsyo ni Professor Silvanus.
Naglakad na ang lahat papunta sa kani-kanilang mga dorm at hindi ko alam kung saan ang akin. Kahapon kase ay sa iisang malaking kwarto lang kami pinatulog, parang hospital ward na maraming double deck na kama. Hindi pa raw kase nila naayos kung sino sino ang magkakasama sa iisang kwarto. Para sa mundong may mahika, ang bagal ng sistema nila.
"Tanisha.. Wala na daw kwarto para sa'yo." My eyes flickered with confusion. Ano daw sabi niya? Ako? Walang kwarto? Saan ako matutulog?!
"Are you serious?" I choked out, almost inaudible.
She pursed her lips, trying to contain her laughter. I narrowed my eyes at her when she started laughing hysterically. Damn this woman.
"Biro lang hehe. Nasa akin na ang susi," anya habang winawagayway 'yong susi sa ere.
"Kinuha ko ito sa office ni Headmistress kanina," pahayag niya. Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad. Nakasunod lang ako sa kaniya kase obviously hindi ko alam kung nasaan ang dorm.
Ever since inanunsyo ng Emperatrice ang tungkol sa Battle Royale ay hindi na ito nawala sa mga usapan ng mga estudyante. Halos lahat sila ay naghahangad na makasali dito. At ako? I'm not interested. Bakit ko naman hahangarin na mamuno sa isang Empiro na hindi ko naman kinalakihan and it's not as if mapipili ako. Ngayon ko nga lang natuklasan na isa pala akong Narconian at kaya kong magmanipula ng apoy. I hate to admit it but when it comes to this, I will put up no fight against them. Sigurado akong simula bata pa sila ay nageensayo na sila. Ano bang laban ko?
"Andito na tayo," anunsyo ni Ryleigh. Nakatayo kami ngayon sa harap ng kulay puting pinto na may nakalagay na '333' sa taas nito. Pinihit ko ang doorknob para tignan kung naka-lock 'to. It's not locked.
Pagkabukas ay agad kaming pumasok ni Ryleigh sa loob. Hindi ito kalakihan at may lumang estilo, iisa lang ang malaking bintana sa harap na pader at natatanaw mo dito ang dorm ng mga lalake, may apat na kama sa loob nakalagay ito sa magkakabilang sulok. Natuon ang pansin ko sa babaeng nakaupo sa isa sa mga kama at nakatalikod sa amin. May kulay itim siyang buhok na hanggang balikat ang haba.
Nagkatinginan kami ni Ryleigh at nag-aantayan kami kung sino ang maga-approach sa babae.
"Ahem."
Napapikit ako nang umubo si Ryleigh para kunin ang atensyon ng babae. Really? a fake cough? Hindi man lang excuse me para mas pormal.
Lumingon ang babae sa amin, ngayon na nakita ko na ang kabuuan ng mukha niya ay kulay yellow pala ang mga mata niya. A Wrucudian. Sila lang naman ang may ganong kulay ng mata.
"Ako pala si Ryleigh at siya si Tanisha. Dito din 'yong dorm namin," nakangiting pagpapakilala ni Ryleigh. Nasanay na ata si Ryleigh na siya na ang nagpapakilala sa akin sa mga nakakasalamuha namin at sanay na rin siguro siya na hindi ako nagsasalita kapag tinatanong. Ayos narin hindi ako nasasayangan ng laway haha!
Saglit kaming tinitigan nung babae pero hindi siya nagsalita. Tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa lamesa sa tabi ng kaniyang kama.
Ayaw niya kaming kausap? Okay..
Tumingin ako kay Ryleigh at sinenyasan siyang pumunta na sa mga kama namin.
"May iba pa palang katulad mo," usal ni Ryleigh habang inaayos ang mga damit niya. Napatigil ako sa pag-aayos ng akin at tinaasan siya ng kilay.
"Alam mo na 'yong hindi palasalita," pagpapaliwanag niya ng nakangisi. Nagsasalita naman ako kaso puro hindi maganda ang nalabas dito kapag binubuka ko, I will most likely to insult whoever I am talking to, specially kung kainsul-insulto sila.
Natigil ang pag-aayos namin nang makarinig kami ng katok. Sabay kaming lumingon ni Ryleigh sa pintuan pero hindi doon nanggagaling 'yong tunog. Dumako ang tingin ko sa kasama namin sa kwarto, nakatingin siya sa amin habang nakataas ang kamay niya sa ere na parang sinasabi niyang saglit lang.
May hawak na siya ngayong panulat at ang notebook ay nakapatong sa hita niya. She tucked her excessive hair behind her ears and starts writing. Anong sinusulat niya..
Pagkatapos niya ay iniharap niya sa amin 'yong papel.
"Mi.. ran..da," pagbabasa ni Ryleigh sa nakasulat.
"Ikaw si Miranda?" tanong ko. She just nodded her head.
My lashes flattered when I realized something.
"You are mute?" muli kong tanong. Ngumiti siya sa amin at sunod sunod na tumango.
Kaya pala. Akala ko ay inisnab niya kami kanina. Hindi pala siya nakakapagsalita.
"Oh! Ang akala namin ay ayaw mo kaming kausap," natatawang pahayag ni Ryleigh at naglakad palapit kay Miranda at nakipagkamay. Tumingin siya sa akin pagkatapos siyang kamayan ni Ryleigh, tinanguan ko lang siya at nginitian.
Tumalikod na ako sa kanila at kinuha ang combat suit sa loob ng aparador sa gilid ng kama ko. Pumasok na ako sa cr at isinuot ito. Kaparehas 'to ng sinusuot ko kapag may misyon ako sa Onyx ang pinagkaiba lang ay ang tela kung saan ito yari.
Paglabas ko ay si Ryleigh naman ang pumasok. Isinukbit ko ang dagger ko sa aking bewang at isinukbit ang espada ko sa aking likod pagkatapos ay hinila ko ang upuan papunta sa tapat ni Miranda at naupo dito.
"Hindi ka ba pupunta sa klase ni Professor Silvanus?" tanong ko sakan'ya.
Agad naman niyang kunuha ang panulat niya at papel saka nagsulat. Medyo mahaba 'yong sinulat niya.
'Pupunta. Pero kase wala akong alam gamitin na kahit na anong armas.' ayon 'yong nakasulat.
"Tuturuan naman siguro tayo ni Professor Silvanus. Matututo ka din," pahayag ko at nginitian siya. Tumingin lang siya sa akin na parang nag-aalala siya. Hindi ko alam na meron pala dito na hindi sanay humawak ng armas akala ko simula bata palang sila ay iniensayo na sila. Hindi pala lahat.
Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti, "Kaya mo 'yan." Ngumiti siya pabalik sa akin pagkuwan ay tumayo sya't inilabas ang combat suit niya. Paglabas ni Ryleigh ay si Miranda naman ang pumasok sa cr. Magkaiba kami ng kulay ng combat suit ni Ryleigh, ang sakaniya ay kulay puti na may blue ang sa akin naman ay black na may red.
"Tara na?" yaya ni Ryleigh.
"Saglit. Hintayin na natin si Miranda," ani ko at nahiga muna sa kama ko. Tumayo rin ako agad, nakalimutan kong nakasukbit pala sa likod ko 'yong espada ko.
Lumapit sa akin si Ryleigh at pabirong hinampas ang braso ko. Problema nito?
"Yie malambot din pala ang puso mo eh," pang-aasar niya habang nakangisi. I just rolled my eyes at her. Mabait naman talaga ako, hindi lang halata.
Nang makapagbihis na si Miranda ay pumunta na kami sa Battle Field. Wala kaming bitbit na bag kung hindi ang espada ko lang at ang pana ni Ryleigh at katulad ng inaasahan ko ay walang kahit na anong armas si Miranda. Pagdating namin sa Battle Field ay nakapila na ang lahat dalawang pila sa babae at dalawang pila sa lalake.
"Sino sa inyo ang gustong mauna?" tanong ni Professor Silvanus.
Ano daw? Mauna saan?
Napalunok ako ng ituro niya ako. "Ikaw na ang mauna binibini." pahayag niya habang sinesenyasan ako na lumapit sa kaniya. Tumingin muna ako sa magkabilang gilid ko para siguruhin na ako nga 'yong tinutukoy niya bago ako naglakad papunta sa tabi niya. Ano bang meron? Kararating lang namin ang I have no idea kung ano ang gagawin ko dito.
"Kailangan ko pa ng isang binibini upang makalaban niya. Sino ang may gusto?"
Napalingon ako kay Professor Silvanus with my eyes widened. What the hell did he just said? Makakalaban ko daw? So kaya pala ako nandito para makipag-sparring.
"I volunteer!" sigaw ni Olivia habang nakataas ang kanang kamay niya sa ere. Hindi ba talaga siya nadadala? Gusto nanaman niyang masaktan? Tch.
Naglakad na siya papunta sa kabilang side ni Professor Silvanus habang nakangisi sa akin. Kapag sinapak ko 'to tignan lang natin kung makangisi pa siya.
Pinagtapat kami ni Professor Silvanus habang hawak hawak namin ang aming espada. Ang ibang estudyante naman ay nakatayo pa-ikot sa amin.
"Walang gagamit ng mana. Espada lang, maliwanag ba?" paalala ni Professor Silvanus at kapwa kami tumango sa kaniya.
"Hindi mo na ako matatalo ngayon." pahayag ni Olivia habang nakangisi at nakatingin ng diresto sa mga mata ko. Plus points for bravery. Pero aanhin niya pa 'yang katapangan niya kung wala naman siyang ibubuga.
"Try me." Ngayon niya pa ako hinamon kung kailan may hawak akong espada. If she only knew how skilled I am when it comes to sword she would've not volunteered herself.
Acheron's Point Of View
"Prince Acheron, I was summoned by your mother, Queen Latisha. She asked me to hand this letter to you," the messenger said with his head bowed and handed me the letter sealed with gold. My mother really wants everything to be fancy. She seriously wasted gold just for this letter, not that it will affect our wherewithal. I just don't like the idea of putting so much value into something that will end up in trash anyway.
I motioned the messenger to leave and I quickly unsealed the letter. My forehead creased upon reading the letter.
Why am I even surprised? Of course she wants me to secure a spot for Battle Royale. After all my sister will be the one to take over our parent's throne. That's the tradition. It isn't the son or the first child who will inherit the throne but the first daughter.
"Acheron! Halika na sa battle field!" sigaw ni Donovan mula sa pintuan ng aking kwarto.
I am friends with Donovan since we were young. We've been into many gatherings together since we're both princes of each other's kingdom and we get along well, Estevan too, but he is not a prince like us and that did not hinder our friendship.
I slung my sword to my back as I ambled across my room towards the door where Donovan is waiting for me and we both paved our way to the battle field.
"Si binibining halfblood 'yon, hindi ba?" asked Donovan while pointing at the girl standing at the center of battle field with sword in her hand. Tanisha.
"Yes. It's her."
Though I am not quite sure if she really is a halfblood.
"Si Prinsesa Olivia ang kalaban n'ya? Bakit sila ang pinagtapat? Tsk tsk, gulo ito," he enunciated while shaking his head.
"This will be absolute chaos." I muttered.
Knowing how much of a hot-headed Tanisha is and how brat Olivia is, and oh should I include how much they hate each other? Nevertheless, this simple fight will be bloody.
"Stand your grounds. Hold your swords firmly," said Professor Silvanus. He is standing between them.
He raised his right hand, "Begin!" he shouted and they both raised their swords. I wonder if Tanisha can beat Olivia, given that Olivia was trained by the most skilled swordsman of their kingdom.
Olivia was the first one to attack. Pero mabilis itong naiwasan ni Tanisha, I didn't expect her to have such fast reflexes. Siya naman ang sunod na umatake, she aimed for Olivia's arms, sinubukang umiwas ni Olivia pero nadaplisan parin siya.
"Aw! One point for the halfblood." bulalas ni Donovan. Mukhang wiling wili siya.
Sunod sunod na umatake si Olivia pero naiwasan ito lahat ni Tanisha. My eyes sparked with amusement. How did she do that?
Olivia is breathing heavily, she looks tired while Tanisha didn't even break a sweat. This girl is something. Mukhang sanay na sanay na siya sa ganito.
I narrowed my eyes to have a better sight of the fight.
Olivia kicked Tanisha on her left knee and she stumbled to the ground.
'Damn this woman!' I flinched when I hear Tanisha screamed. Her mind never ceased to give me headache whenever she is screaming inside her head.
I can read minds. That's one of the abilities of a truebone Narconian. Nakokontrol ko kung kailan ko lang gustong basahin ang iniisip ng iba pero pagdating kay Tanisha ay wala akong kontrol, lahat naririnig ko kahit hindi ko gustuhin. Naalala ko 'yong unang pagkikita namin, she called me handsome and insulted me afterwards.
"Olivia!!"
Lumingon ulit ako kina Tanisha nang marinig kong sumigaw ang mga estudyante. Hindi ko na napanood ang ibang nangyare pero ngayon ay nakahiga na sa lupa si Olivia habang nakatutok sa leeg niya ang espada ni Tanisha.
'If only I could kill you, I will.'
Tinanggal na ni Tanisha ang espada niya mula sa leeg ni Olivia at isinukbit ito sa likod niya.
"If you continue on doing that you will most likely to lose your spot on Battle Royale." Professor Silvanus said to Olivia. She clenched his fist and looked at Tanisha with so much rage. I can't read her mind for some reason. Something is protecting her mind, Wrucudians must have invented a potion. There's no other reason.
"Ang galing ni Halfblood," Donovan uttered in awe. He can't take his eyes off Tanisha.
"She's interesting,"
I'm intrigued. I don't mean to always piss her off. I don't know why but I like seeing her expression when she's pissed. The way her veins popped out her neck, her brows furrowed and her deadly stares, I find it entertaining.
"Interesado ka sa kaniya? Do you like her?" I was taken aback by Donovan's question.
That girl? She's hotheaded, troublesome and not lady-like, definitely not my type.
"No."
Tinignan niya lang ako ng nakangisi para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Whatever. I really don't like that girl. I'm just interested but I don't like her.
"Okay, baka 'yong Narconian na iyon ang may gusto sa kaniya," turan niya. Tumingin ako kung saan siya nakatingin. Someone is hugging Tanisha, he's the same guy who hugged her at the cafeteria.
My jaw clenched at the sight.
"Yeah." I said and walked away. I am late for my next class.
Tanisha's Point Of View
Marahas kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Lucian. Bigla nalang siya tumakbo sa akin at yumakap nung natalo ko si Olivia. Sobra ata siyang natuwa sa pagkapanalo ko.
Speaking of Olivia, hindi naman pala siya ganun kalakas tulad ng inaasahan ko, mas magaling pa nga 'yong ibang naging target ko sa Onyx dati kumpara sa kaniya pero sigurado akong matatalo niya ako kung pinayagan kaming gamitin ang aming mana. Hindi ko pa kabisado kung paano gamitin ang akin.
"Ikaw, saan mo natutunan gumamit ng espada?" tanong sa akin ni Professor Silvanus. Ayoko talaga ng mga tingin na binibigay niya sa akin para siya laging may balak gawin na masama.
"Onyx trained me," sagot ko. Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng isang kilay. Malamang hindi niya kilala ang Onyx.
"Onyx? Ngayon ko lang narinig iyan, saang kaharian 'yan?" tanong niya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Hindi siya 'yong tipo ng propesor na pwede mong biruin.
"Sa mundo ng mga mundane." Tumango-tango siya sa akin. He held his chin with his fingers.
"Totoo nga ang mga usap-usapan, ikaw ay nagtataglay ng dugo ng mga mundane." pahayag niya. So laman na pala ako ng mga usap-usapan? Sa malamang si Olivia ang nagpakalat niyan.
Tumango na lang ako sa kaniya kahit hindi ko alam kung may dugo nga ako ng mundane o wala. Hayaan ko na lang silang paniwalaan ang mga bali-balitang 'yon, kapag nagpaliwanag ako ay hindi ko din naman maja-justify ang sasabihin ko dahil wala talaga akong ideya.
Nginisian ako ni Professor Silvanus bago siya tuluyang umalis. Kampi siya kay Olivia, walang duda. Parehas silang Sarzon kaya hindi na nakakapagtaka.
"Anong sinabi sayo ni Professor Silvanus?" tanong ni Ryleigh.
"Tinanong niya kung saan ako natutong gumamit ng espada," sagot ko. Bigla namang sumingit sa gitna namin si Lucian. Papansin talaga.
"Huwag mo masyadong pinagkakausap 'yon si Professor Silvanus. Ang mga Sarzon ay kilala bilang masasama ang ugali. Hindi sila mapapagkatiwalaan. Nakakapag-shapeshift kase sila bilang mga hayop kaya ayan naging asal hayop na rin sila. Kuha mo? Nagiging hayop sila kaya hayop din ugali nila HAHA!"
Okay na sana eh kaso may pagganon pa sa huli. Ibang klase talaga 'to si Lucian. Napailing na lang sa ka-corny-han niya.
"Mukha lang loko-loko si Lucian pero totoo ang sinabi niya. Hindi talaga sila mapakakatiwalaan," dagdag pa ni Ryleigh.
"I know. Olivia is the living proof," I said and they both agreed.
"Nga pala Tanisha, interesado ka bang sumali sa Battle Royale? May pag-asa ka! Ang galing mo kanina at ang bilis mo pa," ani Lucian habang ginagaya ang ilang ginawa ko kanina.
Umiling ako sa kanila, "Bakit hindi?? Madaming naghahangad na makasali doon, ako nga rin kung papalarin gusto kong sumali," turan ni Ryleigh.
"Gusto ko ng umuwi sa amin," I whispered. Bukod sa wala talaga akong interes sa trono ay gusto ko ng umuwi. Kahit saglit lang, gusto kong makausap si Elizabeth at Mattheus.
"Anong sabi mo?" nakakunot-noong tanong ni Lucian.
"Wala. Hindi talaga ako interesado mamuno ng isang empiro at isa pa hindi ko pa nga naeensayo ang pagmamanipula ko ng apoy, malabong makasali ako," pahayag ko.
Bigla namang sumigla ang mukha ni Lucian at hinawakan ang braso ko, "Tuturuan kita!"
"Oo nga paturo ka kay Lucian. Tapos pilitin mong makasali sa Battle Royale, doon pwedeng pwede mong saktan si Olivia o higit pa don," pahayag ni Ryleigh.
Sasali ako doon para lang kay Olivia? Ang special naman niya masyado. Hindi siya ganoon kaespesyal para pagaksayahan ko siya ng panahon ko.
"Ayoko talagang sumali kung gusto niyo kayo na lang ang sumali at kayo na ang gumawa non kay Olivia para sa'kin."
"Bakit nasama ako? Si Ryleigh lang, siya ang naka-isip eh," sabi ni Lucian habang tinuturo si Ryleigh.
"Bakit ako?! Dapat talaga si Tanisha ang sumali sa Battle Royale. Ano namang laban ko kay Olivia?"
I heaved a sigh. Tignan mo 'yang dalawang 'yan nagturuan na.
"Wala ka talagang laban sa akin at sinong sasali ng Battle Royale? That halfblood?" she paused, umismid siya at tinignan ako na parang nandidiri siya sa buong pagkatao ko, "Sa tingin niyo ba ay papayag silang may makasaling halfblood sa Battle Royale? No. Dudumihan mo lang ang Empiro ng Trealvale," pagpapatuloy niya.
Hindi talaga titigilin 'tong si Olivia sa pangbubwisit sa akin eh.
"Oh Olivia, ano naman sayo kung sasali ako? Natatakot ka bang matalo ng isang halfblood?" nangungutsang tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at saka tumawa ng malakas, baliw na ata 'to eh. "Ako? Natatakot? Sayo? Oh come on. Why would I be scared of someone who has a dirty blood like you?" she said while looking at me from head to toe.
"'Yun naman pala eh. Let's see each other at the Battle Royale," I said and gave her fake smile.
Biglang humawak si Ryleigh sa braso ko at si Lucian naman ay hindi makapaniwalang tinignan ako. 'Yong mga mata niya ay parang nagtatanong kung seryoso ba ako. Well damn! Nasabi ko na, wala ng bawian! Fuck this impulsive decision.
"Okay, see you there. Kung makakapasok ka." sa tono niya ay parang pinaparating niya na imposibleng makapasok ako.
"Nilampaso nga kita kanina eh syempre makakapasok ako," sagot ko sa kaniya habang nakangisi. She gritted her teeth at nag walkout na, hilig hilig niyang makipag-away tapos laging magwo-walkout. Tch.
"Tanisha.. Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Ryleigh. Hindi ko rin minsan maintindihan 'tong isang ito kanina siya pa ang nagtutulak sa aking sumali tapos ngayon parang alalang-alala siya.
Tinanguan ko siya at saka bumaling kay Lucian, "So kailan mo ako sisimulang turuan?" tanong ko na siyang nagpangisi sa kaniya.
"Stand right in the middle," utos ni Lucian.Nandito kami ngayon sa likod ng isang building which is tago sa mata ng iba. We don't want anyone to see us doing what we are about to do. I know what you are thinking folks! It's not what you think it is. We ain't gonna do dirty things alright? That's a big NO. Nandito kami para turuan niya akong mag-fire manipulate. We skipped our Herbology class that's why we hid ourselves in the sight of everyone and I don't mean literally.Naglakad na ako at tumayo sa spot na itinuro ni Lucian. He's setting up a torch— a big ass torch one meter away from me."So what do I do now?" I asked with my hands on my waist. He's taking too long."Saglit, malapit na akong matapos, milady," sambit niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. He's too engrossed on what he's doing."And.. there, I'm done. Miss me, milady?" anya habang naglalakad palapit sa ak
I woke up feeling a little dizzy. I opened my eyes and my sight faded into focus. The first thing I saw was the ceiling of our dorm. How did I get here? Ang huli kong naaalala ay nahimatay ako pagtapos kong tumilapon sa may puno.Tatayo na sana ako pero may kamay na humawak sa noo ko at pinahiga ulit ako. I'm surprised I didn't feel any pain at all, sa pagkakaalala ko ay may sugat ako doon mula sa pagkakabagok ko sa bato."Magpahinga ka pa, milady."Napatingin ako sa nagsalita at kinapa ang noo ko. Walang sugat... how come?"Ginamot ka noong isa niyong kasama sa silid," sambit ni Lucian nang mapansin ang pagkalito sa mukha ko."Nasaan sina Ryleigh?" tanong ko nang makitang kami lang dalawa ang nandito sa kwarto. What is he even doing here? Bawal ang mga lalake sa dorm ng mga babae."Nasa klase nila," sagot niya habang nangingialam sa mga gamit ko."Don't touch my things, okay? And why are you even here? Are you not supposed to be in c
"Acheron?! Oh god! Ikaw lang pala 'yan? Why do you have to scare me like that?! And how the fuck did you get in here without even opening the door?!" sigaw ko nang makita kung sino 'yong nanghila sa akin kanina. Yes. You heard it right. It's Acheron, the cold-blooded prince."I'm trying to save you so shut up," ani niya na parang naiirita na. At siya pa talaga may ganang mairita ha? Eh ako nga itong tinakot niya! Akala ko kung sino na iyon. At ayan nanaman po siya sa kaka-shut up niya. Hindi na ata mawawala sa kaniya ang shut up eh. Favorite word ha."Do I look like I need to be saved?!" singhal ko sa kan'ya. Well.. I need to be saved but not by him! Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kumag na 'to. Nagkibit-balikat siya at nag simula ng maglakad papunta sa may pinto. At talagang iiwan niya lang ako dito ah! Bwisit.Nang makarating na siya sa pinto ay muli niya akong nilingon. "Sigurado kang ayaw
"Partners."Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi. "Let's sealed this with a kiss.""What the fuck Acheron?!" Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya at umatras. Wala sa sariling napatingin ako sa labi niya pero agad ko ring iniwas. Pakiramdam ko ay umakyat na sa mukha ko lahat ng dugo ko sa katawan. Kung ano ano kasing sinasabi ng siraulong 'to!Biglang sumeryoso ang mukha niya at tumingin sa paligid. "Let's talk somewhere else," an'ya habang lumilingon-lingon pa rin sa paligid. Why? May iba bang tao dito bukod samin? Lumingon lingon din ako pero wala namang ibang tao."H..hoy teka! Bakit kailangan pa nating mag-usap?! Bukas na lang!" Hatak hatak na niya ako ngayon papunta sa likod ng building. What the hell? Anong gagawin namin sa mapunong lugar na 'yan.."You are not the type of girl I want to get laid with.""Pervert! As
Nagising ako nang maramdaman kong may kung anong tumutusok sa pisngi ko. Pagmulat ko ay ang seryosong mukha agad ni Acheron ang nakita ko. Nakatayo sya ngayon sa gilid ko at may hawak hawak na stick na siyang ginagamit niya upang ipangtusok sa pisngi ko. Ano nanaman bang problema ng cold-blooded prince na 'to? Naiinis na tinabig ko ang kaniyang kamay at tumayo na mula sa pagkakahiga ko."The test will start within thirty minutes. Wear this. I'll see you at the arena," anunsyo niya at saka inabot sa akin ang isang battle suit. Look at this guy, dinala-dala ako dito tapos iiwan lang ako hindi man lang ako antayin para sabay na kami pumuntang arena. What a gentleman. Note the sarcasm."What? Do you expect me to carry you all the way to arena?" tanong niya sabay irap. Baklang 'to may pa-irap-irap pa."No! Lumayas ka na nga!" sigaw ko habang tulak tulak s'ya papunta sa pinto. Tulak ko kaya 'to dito? Mataas-taas din 'to
"Tanisha! Ang galing mo do'n kanina!" masayang bungad sa akin ni Ryleigh nang makapasok sila sa kwarto kung saan ako dinala para gamutin."Buti na lang at hindi naulit 'yong nangyare noong nag-ensayo tayo," sambit ni Lucian. Hindi ako makapagsalita dahil tuwing igagalaw ko ang bibig ko ay nakakaramdam ako ng matinding sakit. Sobrang lakas ng pagkakasapak sa akin ni Iqra kanina. Bwisit na babae 'yon but on the good side ako naman ang nagwagi at sigurado akong nabalian ko siya ng ribs kahit papano, mas masakit 'yon."Nariyan na pala si Miranda!" sabay kaming napalingon ni Lucian sa may pinto nang sumigaw si Ryleigh. Sinalubong kami ni Miranda ng ngiti at may bibit nanaman siyang notebook at panulat."Nagprisinta siyang gamutin ka kaya siya nandito," pagpapaliwanag ni Ryleigh. Tumango ako sa kaniya at pinilit na ngumiti kay Miranda kahit sobrang hapdi ng mga labi ko tuwing nababanat dahil sa mga natuyong dugo sa may sugat.
"Attention! Everyone that is on the list of Battle Royale Official Entrants please proceed to the assembly hall for debriefing."Napatigil ako sa pag-uunat nang marinig ko ang announcement. Mabilis akong bumangon sa higaan ko para gisingin sina Ryleigh at Miranda. They are in a deep slumber hindi man lang sila nagising sa lakas ng boses nung nag-anunsyo. Nauna na akong naligo at nagbihis sa kanila. I wore our school uniform and my combat boots. Hindi ko rin kinalimutang ilagay ang brooch na ibinigay sa akin ng matanda noon. Who knows? Baka ito pa ang maging susi para matuklasan ko ang tunay kong katauhan.Tumungo ako sa may pintuan nang may marinig akong kumatok. Upon partially opening the door I saw a man with a short ash blonde hair and deep blue eyes. I've never seen him before."Do you need something?" tanong ko sa kaniya at tinignan ang kabuuan niya checking if he bring any sort of danger. Negative. He looks
Nang makarating kami loob ng practice room ay walang kaming ibang nadatnan dito kundi ay isang rectangle table na may naka-attached na madaming button na hindi ko alam kung para saan. Lumapit agad doon si Lucian at saglit niya 'tong tinitigan at maya maya pa ay may pinindot siyang kung ano.I was surprised by his action so I hurriedly ran towards him and snatched his hand away. "Hoy Lucian! Baka masira mo ya—" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla na lang may lumabas na kulay berdeng ilaw at naglaho ang mga bintana at pinto. The whole room was white covered with rays of green light."Anong ginawa mo?!" sigaw ko sa kaniya. Hindi makapaniwalang nakatitig lang siya sa kabuuan ng silid. Mukhang hindi niya rin alam kung ano ang ginawa niya. Pakilamero kase! What now? "Hindi ko alam! Pi..pinindot ko lang 'yon tapos.." I rolled my eyes in disbelief. Kung ano ano kasing ginagawa!"Bakit mo kase pinindot?!" sigaw ko ulit.He scratched the back of hi
I never knew this day would come. It was delayed, but it did come. Parang kailan lang nang pinapanood ko siyang lumakad sa altar patungo sa ibang lalake, ngunit ngayon heto siya at naglalakad patungo sa akin.After the explosion that day I thought we were done for. I thought she overdid it again, and bursted into flames. I thought I'm gonna have to mourn for her death for the second time. But then the sky cleared, someone with dark wings was carrying Tanisha on his arms—he was Vhuther, he said—the deity of death. He saved her. He saved us and killed the thief.I'm trying my best not to tear up when my eyes laid at my beautiful wife. I waited for this for years. After Lucian died, I never made any move in respect of his death. Nagsimula lang akong manligaw pagkaraan ng tatlong taon—with the help of my son and Lucian's daughter."Naiyak ka na.." rinig kong bulong sa akin ni Donovan na nakatayo sa gilid ko."Parang hindi ka umiyak nang ikas
It has been four hours since the disappearance of Mikayla and Ace. Everyone is frantic with worry, especially my son and Donovan who arrived minute after he was informed of what had happened. They sent out mudguard tropes all over Trealvale in command of Ryleigh. We've decided not to bring this problem to the Emperatrice as she already have quite a handful of problem of her own. We are determined to solve this on our own before the Battle Royale tomorrow. "Could it be that he kidnapped Mikayla?" I asked. Donovan glared at me. "My son would never do such thing!" "I'm just listing out the possibilities," I defended. "He can teleport, and according to my son they disappeared. Tell me why shouldn't I be suspicious of your son?" I added. "Don't.." Ryleigh pleaded as she gripped tightly on Donovan's arms, keeping him from attacking me. I may be crossing out of line here, but at least I'm being thorough. For some reason I couldn't read Ace's mind since we me
Matapos mag-usap ng mag ama ay kanila ng dinaluhan sina Mikayla at Ace sa may sala. Naabutan nilang nakasubsob ang mukha ni Mikayla sa kaniyang mga kamay habang si Ace naman ay nakatayo sa gilid nito at marahang tinatapik ang likod nito. "Her eyes," Ace mouthed.Naalarma si Atticus at nagmadaling lumapit kay Mikayla at iniluhod ang isang tuhod, "Miks.." aniya sa dalaga. Nakakunot ang noo nito nang mag-angat siya ng tingin. Nagtataka sa ngalang itinawag sa kaniya ni Atticus."Kulay asul na ang mga mata ko.." wika ni Mikayla habang ang mga luha sa kaniyang mga mata ay nagbabadya nanamang tumulo. Dumapo ang mga mata ni Atticus sa nanginginig nitong kamay at kinuha ito pagkatapos ay ikinulong sa kaniyang palad."We'll be in haste," paniniguro niya bago sumulyap sa kaniyang ama."Matutuloy ba bukas ang Battle Royale?" biglaang tanong ni Ace.Sinipat siya ng tingin ni Acheron na parang kinikilat
Napaigtad si Atticus mula sa kaniyang pagkaka-upo nang lumagabag ang pinto at iniluwa nito ang hinihingal na si Ace na sapo sapo ang kaniyang dibdib."What was that?!" sigaw ni Mikayla na humahangos pababa ng hagdan.Tamad na tumayo si Atticus at hinarap si Ace, "Muntik ka nanaman bang mahuli ng pinagnakawan mo?" mapambintang na tanong kaagad niya dito. Ang paalam kasi nito sa kanila ay makikibalita lang ito kung saan gaganapin ang unang paligsahan pero heto siya ngayon at mukhang may ginawa nanamang hindi maganda."Hi—hindi.. Teka.. Hi..hihinga lang a—ko," hirap na hirap na bigkas niya habang sapo sapo pa rin ang dibdib at nakatungo."Ganito.. Kanina nagpunta ako sa may—plaza! At alam niyo ba ang nalaman ko?!""Ano?" bagot na tanong ni Atticus at Mikayla.Inirapan sila ni Ace at saka mahinang hinampas ang kanilang mga braso. "Magkunware naman kayong interesado kayo," ani nito."Oh my god! Hala, ano 'yon?!" eksaherad
Acheron's Point Of ViewNamayani ang katahimikan habang lulan kami ng isang kar'wahe patungo sa himpilan ng Emperatrice. Inihahanda ko na ang aking sarili sa muli naming pagkikita ni Tanisha. I wonder what her reaction will be once she sees me. Will she be happy? Because I know I would be."Bakit ba hindi na lang tayo mag-teleport papunta doon? Don't tell me you're losing your touch?" inip na tanong ko kay Donovan na naka-upo sa tapat niya at akap-akap sa isang bisig si Ryleigh. Inalis ko ang tingin ko sa kanila dahil sa pagka-inggit. Sana'y lahat, hindi ba?"Huwag mo naman masyadong ipahalatang excited kang makita si Tanisha," pang-aasar nito. Inismiran ko lang siya. Excited? More than anything, I'm scared. But yes, there's a little excitement."May proteksyon ang himpilan ng Emperatrice, hindi basta basta makakapasok doon—kahit na ako," pagpapaliwanag niya.
Hindi na mabilang ni Acheron kung ilang buntong-hininga na ang kaniyang pinakawalan simula nang itinapon siya dito sa kulungan. Madilim dito, at saradong sarado. Pakiramdam niya ay anu-mang oras mauubusan na siya ng hangin. Ngunit higit sa kaniya ay mas nag-aalala siya sa kaniyang anak at kay Mikayla. "Ilabas na ang bandido at iharap sa hari!" rinig niyang sigaw ng tao sa labas ng selda niya. Hindi niya talaga alam kung bakit siya napagkamalang bandido. Dahil ba sa suot niyang balabal sa mukha? Dahan-dahang bumukas ang pinto, at sa wakas ay nakakita na rin siya ng liwanag. "Halika na!" marahas siya hinatak patayo ng isa sa mga bantay at tinanggal ang kadenang naka-gapos sa kaniyang kamay. Napangiwi siya ng bumalakit ang hapdi sa kaniyang pala-pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali sa kaniya. Nakatungo lamang siya habang hatak-hatak siya ng dalawang kawal, panaka-naka rin siyang itinutulak ng mga ito tuwing nahuhuli siy
Third Person's Point of View Halos mabingi ang mga tao sa sunod-sunod na pagsabog. Nagmamadali silang magtago sa kani-kanilang mga tahanan nang maaninag nila ang parating na mga kawal ng kaharian ng Dredmore na may bitbit-bitbit na mga armas. "Natagpuan ko na sila!" anunsyo ng isa sa kanila pagkatapos ay itinuro ang nag-iisang karwahe na naglalakbay sa himpapawid. Wala namang inaksayang panahon ang mga kawal at nagpakawala sila ng mana patungo sa karwahe dahilan para mawalan ng kontrol ang nagpapatakbo nito, at unti-unti itong bumagsak. Kani-kaniyang silong ang mga kawal sa bubong nang makitang malapit na itong bumagsak sa lupa, at tuluyan na nga itong bumagsak. Nagkalat ang pira-pirasong parte ng karwahe at sa gitna nito ay may tatlong tao na nababalot ng yelo. Ang isa sa kanila ay naka-akap ang mga bisig sa dalawa. Pinalibutan sila ng mga kawal, habang nakatutok ang mga armas nila dito na para bang sila ay isang pangan
"Mikayla," tawag ko kasabay ng pagkatok ko sa kanilang pinto. I went straight to her house after my argument with my father. I've made up my mind. I'll bring her to Trealvale with me. Pwede namang ako na lang mag-isa ang bumalik sa Trealvale ngunit iniisip ko kung paano si Mikayla. She doesn't know how to control what she possess. She might unintentionally hurt someone and as someone who went through that—I don't want her to go through it too.Nang makailang katok na ako at hindi pa rin ako pinagbubuksan ng pinto ay minabuti ko nang umakyat sa bintana ng kaniyang silid. Nakabukas naman 'yon kaya't walang hirap akong nakapasok.Naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Marahan kong tinapik ang kaniyang balikat upang gisingin siya. "Mikayla.." tawag ko sa ngalan niya.Pinanood ko kung paano unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata hanggang sa nanlaki ito sa gulat. "What the hell?!" bulyaw niya bago siya nahulog sa ka
Atticus' Point Of ViewI grabbed every clothes in my locker and searched for sunglasses. I can't go out there with my eyes like this. I still can't believe what happened. For years, I've been trying to bestow one of my elemental mana to a mundane but it never worked. They always end up dead. Why work now? Most certainly, why her?I glance at her. She's seating at one of the wooden benches inside the locker room with her eyes glued to her trembling hands. She must have been so shocked. Of course, she is. I would too if I am the mundane and that happened to me."Wear this," I said and threw my shirt and jersey short at her.She looked at me as if she was trying to kill me with a death glare. "Bakit kailangan pang ibato kung pwede namang iabot? Wala talagang manners," she whispers under her breath though I can still hear her then she stormed out of the locker room and paved her way inside the shower