Natapos ang event at nanalo kami ni Levi kami ang itinanghal na panalo. Lahat nagsaya maliban na lang kay Xandra."Congrats Ms. Perfect" saad ni Drake.Nasa may dressing room ako ng girls mag-isa, hinihintay ko na pumunta dito si mama pero hindi ko inaasahan na matatagpuan ko dito si Drake na naghihintay.Wala ng katao-tao dito bukod saaming dalawa dahil halos lahat ng candidates ay pumunta sa classroom nila."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya."Para i-congrats ang aking lakambini." Inirapan ko siya dito at sinabing umalis na siya."Hintayin mo next week ang aking regalo sayo." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko siya kailan at lalo na hindi ko na kailangan na makatanggap ng regalo mula sa kaniya.Umalis siya at hindi ko na siya ulit nakita. Dumating si mama sa dressing room at tuwang tuwa siya para saakin."Beauty and brain talaga ang anak ko." Niyakap niya ulit ako."Congrats Celestine." Nakita ko naman si Marcus na nasa likod ni mama at direkta itong nakatingin sa ma
Sa mga nakalipas na araw ay hindi na muling nagpakita pa si Levi. Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pag-uusap."Nasaan na si tita?" Tanong ni Marcus.Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil nga tinatamad akong magluto ay sa kanila muna ako makikikain."Umalis na nung isang araw pa." Kumuha ako ng mga plato sa kusina nila para tulungan siya sa paghahanda."Aba ang lakas ng atab mo at dito ka pa talaga makikikain." Sabi niya sa akin.Sasabunutan ko na sana siya pero mas naunahan na ako ni manang. Nakita ko ang pagkagulat at sakit sa mukha ni Marcus."Hindi kita pinalaki ng ganiyan." Tinawanan ko ng sobrang lakas si Marcus para mas mainis pa siya lalo.Ilang araw na din ang lumipas simula nung lakan at lakambini matapos noon ay hindi ko na talaga nakita si Levi. Hindi siya pumapasok sa school at trabaho. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kaniya.Sinubukan ko siyang tawagan pero lagi ko itong hindi macontact. Gusto kong magtanong sa mga kaklase namin pero alam kong wala ako
"Hello, Ms. Perfect!"Nagulat ako nung bumungad sa harap ko ang tatlo, si Xandra at ang dalawang poks.Nakangisi sa akin ngayon si Xandra at para bang kinatutuwa niya na makita ako."Gusto kitang saktan ngayon pero ayaw kong hawakan ang madumi mong katawan. Paghandaan mo nalang ang gagawin ko sa iyo bukas."Sa isang iglap ay umalis na siya sa harapan ko. Nag-ring ulit ang phone ko at this time sinagot ko na."Nasaan ka na ba?" tanong niya agad sa akin nung masagot ko ito."First floor tapos may comfort room dito malapit sa may registrar." Sinabi ko.Wala pang ilang minuto ay nandito na sa harap ng comfort room si Marcus at tinatawag ang pangalan ko."Anong nangyare sayo?"Ito ang bungad na tanong sa akin ni Marcus habang tinatakpan ng kamay niya ang kaniyang ilong."Nahulog lang ako sa imbornal." Sabi ko bago kunin ang damit at pumasok ulit sa cubicle. May tubig naman dito at tabo kaya naman naligo nalang ako dito. Dahil wala akong sabon at shampoo ay kahit anong gawin ko ay naaamoy
Si Levi, anak ng Billionaire?Niloloko niyo naman ata ako."But nameet ko si Drake." Nakita ko pa kung paano sila maghalikan sa harap ko."Na nagtatrabaho ang kaniyang ama sa mga Ferrer. Yes, naririnig mo ba ako, Ferrer." Ano ba talaga ang nangyayare? Wala na talaga akong maintindihan. Masiyadong magulo magkwento si Xandra."Dahil sa ama ni Drake na kumpirma ko na walang anak ang mga Ferrer, at kung meron man ay sigurado akong hindi si Levi iyon."Paano siya nakakasigurado?"Paano ako nakakasigurado? Pinasundan ko siya sa isang detective at nalaman ko na ang inuuwian niya ay isang maliit na bahay at ang ama niya ay magsasaka. Habang ang ina naman niya ay isang labandera." Hindi ko alam kung nababasa niya ang isip ko pero thank you sa sagot mo. Ang ina niya ay isang labandera? Hindi ba ang sabi niya sa akin ay namatay na ang kaniyang ina?Bago pa man ako makapagsalita ay nag-umpisa na sila na bugbugin ako. Pinapanood lang ako ni Drake habang nakangisi sa akin. Hawak hawak naman ng d
Nandito ako ngayon sa comfort room ng mga babae inaayos ang sarili at pinapakalma dahil sa lahat ng nangyayare.Ang ginawa nila sa akin ay hindi makatarungan. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang aking buong katawan. Ang mga luha na pilit kong pinipigilan ay patuloy pa din sa pagtulo. Ang principal ang sumigaw kanina. Nasa office na silang anim at habang ako ay nandito para pakalmahin ang sarili.Binigyan ako ng principal ng jacket at pants. Sinabi niyang magbihis ako at huwag akong mag-alala sa kung ano man ang susunod na mangyayare dahil nandito lang daw siya sa tabi ko.Nung medyo kumalma na ang sarili ko ay dumeretso na ako sa office niya. Doon ko natagpuan ang anim, masama ang tingin sa akin ni Xandra at Drake. Kasama nila ngayon ang mga magulang nilang lahat.Tinignan ako ng mga magulang nila mula ulo hanggang paa na para bang tinitignan nila kung anong uri ako ng babae."Mapag-uusapan naman natin ito Ms. Vint, magkano ba ang kailangan ng school magdodonate ako." Sabi ng i
"Mr. Ferrer ano ang ginagawa niyo dito?" Tanong ng papa ni Drake.Tinignan lang siya ni Mr. Ferrer matapos niya suriin ng mabuti yung papa ni Drake ay nilapit niya ako.Agad na nagsilayuan sa akin ang mga mother ng anim, parang kanina lang sinasabunutan niyo ako."Are you okay?" Umupo sa tabi ko si Mr. Ferrer. Kahit gulat na gulat sa nangyayare ay tumango nalang ako."I'm so disappointed, cousin." Humarap siya sa Principal bago niya iikot ang mata sa mga tao dito sa loob ng office.Ang mga magulang na kanina ay galit na galit sa akin ay parang tuta na parang kinawawa kung umasta."Hindi ko alam na tumatanggap ka ng basura." Tumingin sa akin ang mga guardians ng bumugbog sa akin pati na din sila Xandra at Drake. Ngumisi sila sa akin lahat."Even me boss, nagulat ako na nakakasalamuha ng anak ko ang basura na katulad niya." Panggagatong na nung tatay ni Drake."Excuse me, who are you again?" napatingin naman kami sa tatay ni Drake naghihintay ng sagot. Para naman siyang napahiya dahil s
Nandito na kami ngayon sa may gymnasium. Nasa may stage kami habang mga students kasama na ang parents nina Xandra ay nasa baba at naka-upo.Katabi ko dito sa may stage si Levi habang sa kabilang tabi niya naman ay ang ama niya. Pumunta si Ms. Principal sa harap ng mic atang lahat naman ay nakinig sa kaniya."Sa isang linggo kong pagkawala kasama ang aking secretary ay wala akong nakuha na masamang balita galing sa inyo." Biglang nag-iwas ng tingin ang mga teacher.Namukhaan ko pa ang ilang teacher na nambully sa akin. Taas noo silang tumingin sa harap na para bang wala silang ginawang kasalanan sa akin."Akala ko ay okay pa ang school pero bakit nung dumating ako dito ay may nasaksihan ako na hindi kaaya aya." Nilibot ni Ms. Principal ang kaniyang paningin sa buong gymnasium."I'm so disappointed especially sa mga teacher's na nadala sa pera at walang pusong sinasaktan ang student."Sa sinabi na iyon ng Principal ay agad na nagtunguhan ang mga teacher na nambully sa akin. Ngayon ay
"Marcus tama na, ano ba!" Agad ko siyang inawat nung hahablutin niya ulit si Levi. Hindi lumalaban si Levi hinahayaan niya lang na suntukin siya ni Marcus."Marcus umuwi ka na sa bahay niyo!" pagtataboy ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.Umalis siya at hindi na ako tinignan pang muli nito. "Tama siya Ali kasalanan ko ito." Tinignan ko siya. Nakita ko kung paano gumuhit ang regret niya."Huwag kang mag-alala mula ngayon ay hindi na akong muling hihiwalay sayo."At tinupad niya nga ang sinabi niya dahil halos hanggang sa comfort room ay gusto niya akong samahan."Nasisiraan ka na ba ng ulo Levi?" Tanong ko sa kaniya nung nagpaalam sa kina Kuya Mark na gagamit lang ako ng comfort room."Hindi ah" sagot niya sa tanong ko."E bakit mo ako sinusundan pati ba naman sa cr?" Seryoso na sabi ko."Ali nababaliw na nga siguro ako, napapraning na ako tuwing hindi kita nakikita." Binatukan ko naman siya.Wala kaming pasok hanggang sa maging handa
"Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch
"Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko
Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak
Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n
Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k
[WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay bigla akong natulala sa sinabi niya. Halata ba na umiyak ako kagabi?Hindi naman sa inaamin ko na umiyak ako pero parang ganoon na nga."Ano hindi ka makasagot? Okay lang yan basta masarap ang ulam." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya na may pagtataka kaya naman tumawa lamang siya at inakbayan ako."Tara nalang kumain." At ganoon na nga kakapal ang mukha ni Duke dahil nagawa niya pa na magbalot ng ulam. Natuwa pa si mama lalo kay Duke dahil sa kaniyang nakakatawa na jokes na minsan ay cringe na kung pakinggan.Lumipas pa ang mga araw at hindi ko maiwasan na tuwing gabi ay maramdaman na wala si mama sa aking tabi. Lagi ko siyang nakikita na nasa sala lamang at tila may sinusulat sa papel. Halos nine days na din ang lumipas simula nung makita ko siyang ganito. Pero kagabi ay nagising ako na nasa tabi ko si nanay kaya naman habang tulog ito ay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit."Good morning, anak!" Nagising ako sa boses ni nanay.
Hindi ko na nagawa pa na tanungin ang ibig niyang sabihin nung bigla niya akong tinalikuran. Ayos lang naman kung umalis siya at iwan niya ako dito pero bakit higit higit pa din niya ang aking dextrose! Agad akong tumakbo para mahabol siya dahil nasasaktan ang kamay ko sa ginagawa niya."Parang siraulo 'to!" Hinampas ko siya ng sobrang lakas habang siya naman ay tumawa ng malakas.Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Well, kakakilala ko palang naman sa kaniya pero gwapo din pala ang isang ito."Ako nga pala si Duke." Pagpapakilala niya sa akin, napatingin ako sa kamay niya na nasa harap ko at parang hinihintay nito na makipagshake hands ako sa kaniya.Kinuha ko naman ito at nakipagkilala, "Celestine."Inabot din ako ng isang linggo dito sa hospital at ngayong araw na ako uuwi sa amin. Nakatawag na din ako kay mama nung pangalawang araw ko na dito. Nag-aalala siya sa akin pero sinabi ko na okay lang ako at nagsinungaling ako dito about sa pag-oovernight ko sa bahay ng kaibigan ko. A
"Gising na siya!" Sigaw ng lalaki na hindi ko kilala habang tinatawag ang tingin ko ay nurse. Kanina pa ako gising at nakatulala lang ng deretso habang nakahiga. Hindi gumagalaw ang katawan ko kahit ilang beses ko na gusto umalis dito. Gusto ng utak ko na umalis sa lugar na ito. "Paano ako napunta dito." Tanong ko sa lalaki habang hindi siya tinitignan. Nakarinig ako ng paghakbang at tingin ko ay lalapit siya sa akin. "H-huwag k-ang lalapit! H-huwag mo k-kong hawakan!" Sumigaw ako ng sumigaw habang tinatakpan ng kamay ko ang buo kong katawan. "T-t-tama na p-po." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Muling bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyare sa akin hindi ko lubos na maisip na nangyare ito sa akin. Kung paano nila ako tawanan habang pinagpapasa-pasahan ang tumatak sa isip ko. "Miss, wala akong gagawin sayo na masama." Nakita kong tinaas niya ang kamay niya habang umaatras siya papalayo sa akin. Dumating ang Doctor na babae. Nangangatal ako sa takot kaya agad siyang lumapit sa a