"T@ngna talaga ni Propesor Gord, bakit naalala niya pa yung assignment? Epal rin kase si Eunice eh, maayadong sipsip, mukha namang ipis, tsk. "Naglalakad kaming tatlo nila Beatrix papunta sa cafeteria. Kakatapos lamang ng klase namin ngayong umaga at heto, panay ang himutok nila. Paano ba naman, imbes na hindi sana naalala ni Propesor Gord iyong assignment ay pinaalala naman ng epal at sipsip naming kaklase na si Eunice. Sus, akala mo ay kung sino, itlog lang din naman ang nakuhang score. "Well, deserve niya ang makakuha ng itlog ,ano, "said Lesley and we laugh in unison. Kami ang pinakamaingay na naglalakad sa hallway, nagi-echo na na nga ang tawanan naming tatlo at napapatingin na lamang sa amin ang ilang mga estudyante. Sinaway pa nga kami nung isang guro kanina sa nadaanan naming classroom dahil nagpapaquiz pala ito doon. Malapit na kami sa cafeteria nang may marealize ako. Ipinilig ko ang ulo ko at sandaling inilibot ang tingin sa paligid. Pakiramdam ko ay may kakaiba, parang
"Ano sama ka ba, Yara? " Nagkayayaan si Ley at Bea na pumunta sa bar mamayang gabi, sawi daw kase itong si Lesley dahil hindi siya sinagot ni Brent, iyong matagala na niyang crush na nursing student. Oo, tama ang iniisip niyo. Ang g@ga ba naman, kababaeng tao ay siya pa ang nanliligaw. Naku mabuti na lamang at kahit na hibang na hibang ako noon kay Chance eh hindi ko iyon ginawa.Speaking of him, ano ba ang pumasok sa kokote niya at inalok niya ako ng bagay na iyon? A rebound girl? Gaano ba ako kat@nga sa tingin niya at inisip niyang papayag ako roon? Oo, gusto ko siya at noon ay pinangarap ko na maging girlfriend niya pero hindi maging isang rebound girl. I just told him na pag-iisipan ko iyong alok niya. But actually, I don't want to. Gusto kong ma-heal siya from being broken but in a right way. Hindi iyong gagamitin pa niya ako para makalimutan iyong taong yun. That will be unfair to me kapag dumating sa punto na nakalimot na siya, na he's already healed. Kase for sure, iiwan niy
"Problema mo? Kanina ka pa tulaley diyan? " tanong sa akin ni Bea matapos ko siyang samaan ng tingin. Sinong hindi maiinis aber? Batukan ba naman ako, mapanakit na sila ha. Inilibot ko ang tingin sa loob ng classroom at napamsing kaming tatlo na lamang nila Lesley ang nandito. Dismissal na pala, hindi ako aware. Paano, kung saan-saang kalawakan na yata napadpad ang isip ko, geez. "Oh, dismissal na bhe. Nasaan ba kasing planeta iyang isip mo kanina? Pati si Propesor Gord ay hindi ka maabala kanina. Ano bang nasa isip mo ha?" sermon naman ni Ley sa akin at napaaray ako nang hilahin niya ang buhok ko. Grabe, ganoon ba ako katulala? Ganoon ba kalalim ang nasa isip ko at hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa paligid ko kanina? Eh paano naman kasi, hindi ko maalis-alis sa isip ko yung kanina. Nakapagtataka kase iyong kinikilos ng tukmol na yun kanina. Hindi kaya nababaliw na siya? Tama, baka may malubha siyang sakit kaya ganun ang kinikilos niya. "Sa tingin niyo, nababaliw na ba
"Mom, Dad." Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko agad sila mommy at daddy na nasa living room. Mukhang kakarating lamang nila base sa suot nilang naka-business attire pa. Natigil sila sa kung ano man ang pinag-uusapan nila nang magawi ang atensyon nila sa akin. Lumapit ako sa kanila at hinagkan sila sa pisngi. Kahit may tampo ako kina mommy at daddy ay hindi ko iyon ipinapakita sa kanila. I smiled at the both of them before I sat on the single couch. Pareho silang nakaupo sa long couch at nakatingin sa akin. "How was your study, Freya?" my dad asked. Kumpara kay mommy na Zayara ang tawag sa akin, my dad used to call me on my first name. I took off my coat at isinampay iyon sa mga hita ko. "It's fine, dad." I smiled. "That's good to hear. Anyway, we're having a business meeting, you wanna come?" Napakunot ang aking noo sa alok ni mommy. Matagal na rin simula nang huli nila akong sinama sa business meeting nila. Dapat ba ma-excite ako? "Can I?" I asked her before I glanced at dad
"Hoy."Habang nasa byahe ay hindi ko na napigilang tawagin siya. Kanina pa siya tahimik pero alam kong naiinis siya at hindi ko malaman kung bakit. Naglalabasan ang ugat sa mga kamay at braso niya, halata rin kung gaano kahigpit ang kapit niya sa manibela. Naka-uniform pa rin naman siya pero hindi niya suot ang coat niya. Nakatupi rin hanggang siko ang sleeve ng polo niya at maluwag ang pagkakakabit ng necktie niya. "Master..." Muli ko siyang tinawag at sa puntong ito at bahagya ko pang hinila ang sleeve niya para pansinin niya ako. Gosh, bakit ko nga ba ginagawa 'to? Kung ayaw niya akong pansinin, edi don't! But why do I have this feeling na gusto kong pansinin niya ako? Shocks, this is crazy. "What?" Sa wakas, nagsalita rin ang tukmol. Hindi niya ako nilingon at hanggang ngayon ay salubong pa rin ang mga kilay niya. Bakit parang mas gwapo siya kapag naiinis? Oh fvck, enough with the bvllsh1ts, Yara! Magtimo ka nga, kung anu-anong iniisip mo! "Problema mo?" I asked.Saglit niya a
Wala akong kagana-gana nang pumasok ako sa school. Wala akong tulog, as in. Hindi dahil sa Mobile Legends kundi dahil sa hindi ko alam? Basta hindi talaga ako makatulog kagabi kakaisip sa kung ano. Ilang tupa na yata at kambing yung nabilang ko kagabi pero wala. Good thing, nag-apply ako ng concealer para tabunan yung eyebags ko. Naku kung hindi, baka naging kamukha ko na naman si Kung Fu Panda. Pagkapasok sa classroom ay medyo marami-rami na rin kami doon. Malapit na rin kase ang start ng class nang dumating ako. Pabagsak akong naupo sa aking armchair at hindi pinansin ang dalawang kaibigan na nakaupo sa likuran ko. "Problema, girl? Para kang lantang gulay diyan?" rinig kong puna ni Lesley sa akin. Hindi ko siya nilingon at nagkibit-balikat lamang. "Ewan, kulang ako sa tulog. Wag niyo akong kausapin," walang ganang sagot ko pa at ipinikit ang mga mata bago isinandal sa upuan ang sarili. Narinig ko ang tawanan nilang dalawa at halos mapatili ako nang may maramdaman akong malamig na
PAGDATING ng lunch time, sa halip na pumunta sa cafeteria para magtanghalian ay sa library ako dumeretso. Bukod sa wala akong ganang kumain ay paniguradong magkikita na naman kami ni Davon. I can't understand myself but I know this feelings are familiar. Arg, I really need to avoid him, this is not good. I don't want to get hurt again like what I've been through in the past. Naghanap na ako ng libro na pwedeng basahin. Of course it's not about academics. Iyong book about love story lamang ang kinuha ko. Nang makahanap ay ang mapepwestuhan naman ang hinanap ko. Doon ako naupo sa pinakasulok, para malayo sa ibang nagbabasa. I don't usually read books but I'm just really bored right now so yeah. Habang abala sa pagbabasa ay nakaramdam ako ng presensya sa aking tabi. Nung una ay hindi ko ito pinansin at nagpokus lamang sa pagbabasa. Ngunit kalaunan ay binigyang pansin ko na rin ito. And then there, Chance is sitting beside me. He's reading a historical book and when he glanced at me, I
KINABUKASAN ay siya agad ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko pa lamang ng gate. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakayuko at naka-krus ang kaniyang mga braso. Kusang ngumiti ang mga labi ko sa di malamang dahilan at lumapit sa kaniya. Bahagya kong hinila ang sleeve ng suot niyang polo para kunin ang atensyon niya. Tsk, wala na naman siyang suot na coat. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti nang makita ako. Nagulat pa ako nang bigla nalang siyang humalik sa pisngi ko at sinabing, "Good morning."Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang gustong lumabas na ngiti sa labi ko. Kapagkuwan ay tumikhim ako at deretsong tiningnan ang mga mata niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Kumunot ang kaniya noo at sinabing, "Sinusundo ka, my queen." He then smiled again, aba at nawiwili yata siya sa kakangiti niya? Good mood siguro siya ngayon at mukhang hindi mainit ang ulo. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya upang itago ang ngiti
"Pak! Napakaganda mo madame!"I faked a smile and secretly rolled my eyes on this pathetic ugly frog na baklita. Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko, kanina pa ako wala sa mood. Sinong hindi? Ilang oras na lamang ay isa na akong ganap na Mrs. Roberts! The fvck! Padabog akong tumayo at nagtungo sa isang malaking salamin ng aking silid. Kung saan kitang-kita roon ang buong repleksyon ng katawan ko. I'm wearing white wedding gown, of course. Tube style ang sa taas na at napakaraming glitters kaya't tiyak na kikinang ako sa aisle mamaya. Err, iniisip ko palang na naglalakad ako sa red carpet ng simbahan habang may hawak na bulaklak ay naiinis na ako.Hindi ko pa nakikita sila mom and dad. Basta kaninang umaga ay may bigla na lamang sumundo sa akin sa condo namin ni Chance at isinama ako rito sa bahay. Kahit si Chance ay wala aking nakita ni anino niya. Baka naghahanda na rin para sa seremonya mamaya?"Zayara, sweetie."Matamlay akong umikot at napairap nang marinig ang boses ng magalin
I was surprised after I knew I am pregnant. Tulad ng sabi ni Ley ay sinamahan niya ako sa hospital together with Bea. Nagbunga yung nangyari sa amin ni Davon doon sa resort. I'm so happy to know that I'm having a baby with the man I love. But at the same time, malungkot dahil doon ko lang naalala na wala na nga pala kami. At kung malaman niya na may bata sa sinapupunan ko, I don't think he'll accept this, our baby. Isa pa, iniisip ko rin ang sasabihin nila mom and dad kapag nalaman nila ang tungkol dito. Natatakot ako sa maaaring mangyari, samaaari nilang gawin."So anong plano mo?" Pagkalabas namin ng hospital ay niyaya ko sila sa starbucks para magkape and para na rin magpahangin muna. Malakas kasi ang aircon doon, kidding. Sumimsim ako sa aking kape saka tumingin sa glasswall kung saan kitang-kita ang labas. Ang daming mga sasakyan at taong dumaraan."Would you tell him about it?" I heard Bea and Ley asked pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot
NASA library ako nang mga oras na iyon nang bigla akong makaramdam ng gutom. Kakagaling ko lamang sa cafeteria pagkatapos kumain ng lunch pero heto at nagugutom na naman ako. I'm craving for something na hindi ko maintindihan. Medyo inaantok din ako kahit na iniiwasan ko na ang magpuyat. Siguro ay pagod lamang ako. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng aking palda para i-text si Ley at sabihing magpapadala ako sa kaniya ng cheese burger. Pero ang ending, tinawagan pa rin ako ng g@ga kaya't hindi ko naiwasan ang mapairap.[Taena nito, kakakain lang ng lunch ah? Hindi ka pa busog?] Napanguso ako sa naging tanong siya saka tumango-tango. Pero nagmukha lamang akong t@nga sa ginawa ko dahil hindi niya naman pala ako nakikita."Sige na kasi, Ley. Kung ayaw mo, edi si Bea nalang," ika ko kay Ley. Gusto ko sanang kumain ng maasim na mangga ngayon pero saan naman ako kukuha?Ni hindi pa naman tag-mangga ngayon. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Ley sa kabilang linya kaya't kumurba
PAGKATAPOS nang gabing iyon akala ko ay magiging okay na ang lahat. Akala ko ay ayos na kami ni Davon. Pero hindi, doon ako nagkamali. Pagkatapos ng gabing iyon, kinabukasan paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Hanggang sa natapos ang outing ay hindi siya nagpakita. Sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero hindi niya sinasagot. Wala akong nakuhang kahit anong response mula sa kaniya. Pagsapit ng lunes, sinubukan ko siyang kausapin ngunit bigo ako. Naging mas mailap siya at halos hindi ko na nga makita. Minsan naririnig ko na lamang ay madalas daw itong cutting sa klase.Ngayon ay nasa cafeteria kami para kumain sana ng lunch pero nawalan na ako ng gana. Sino bang gaganahan kung nasa harapan ko ang boyfriend ko at nakikipaghalikan sa babae niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa. Dahil pa rin ba 'to sa utos ni mommy? Pero napag-usapan na namin ang tungkol doon diba? Gulung-gulo na 'ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Sa huli, napagdesisyunan ko na kausapin
"A-Ahm, anong ginagawa natin dito?" Nagtungo siya roon sa long couch sa may kabilang gilid nitong kwarto. Naupo siya roon at nakakrus ang mga brasong nakatingin sa gawi ko. "Come here," he plainly said then tinapik iyong bakanteng pwesto sa tani niya. Mabilis naman akong kumilos at sinunod ang kaniyang gusto. Pagkalapit ko pa ngalang ay hinila niya na agad ako. Imbes tuloy na sa couch ako nakaupo ay ngayon ay sa kandungan niya. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at tinangkang umalis ngunit hindi niya ako hinayaan. "I've miss you so much, babe." Natuod ako at nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang labi niyang dumampi sa aking batok. Oh ghad, bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa sistema ko. Kanina lamang ay napakalamig ngunit bakit tila pinagpapawisan na akk ngayon kahit na may aircon naman dito sa loob ng silid? Oh shocks, what the hell is he doing for fuck's sake! "D-Dav-stop." Hindi magkamayaw sa bilis ng tibok yung puso ko dahil sa ginagawa niya. Oh ghad, what the fvc
IT'S 7:35 PM nang bumaba kami sa hotel para magtungo sa may poolside. Doon raw kami magdi-dinner. Hinati kami by department dahil may kaniya-kaniya kaming putahe ng pagkain. Sa bawat department ay may naka-assign talaga na magluluto tonight at bukas and sa next night ay iba naman. 6:00 PM pa lamang kanina ay nagsimula na silang magluto and good thing, hindi ako kasama. Syempre, pagsisisihan talaga nila na i-assign ako sa pagluluto ano. Baka imbes na deep fried chicked ay baka deep roasted chicken ang maluto ko. Parang yung nangyari sa amin ni Chance. Wait, speaking of him, hindi ko alam kung nasaaan ang lalaking yun. Gumawa sila ng buffet by department para makapila ng maayos at makakuha ang lahat. Stand-by lang muna kami nila Ley sa gilid, panghuli daw kase yung magaganda—char. Pumila na rin kami nang konti na lamang ang nakapila. Kumuha lang ako ng kaya kong kainin saka isa pa, busog ako. Bago kase kami bumaba nila Bea ay nilantakan pa namin yung chocolate na dala ni Ley so ayun. B
KINABUKASAN ay umalis kami sa condo ni Chance sa nung mga bandang alas siyete ng umaga. 8:30 pa raw naman ang alis ng service namin na bus. Hindi lahat ng estudyante ay sumama sa outing. Bale hinati kami in a half dahil masyado kaming madami pag pinagsabay-sabay so yeah. Naghihintay sa amin sila Ley at Bea together with Cy sa malapit sa gate pagpasok namin. May mga nakaparada nang mga bus na tiyak kong service namin. Sinalubong agad kami nila Bea at hinila patungo sa bus kung saan kami sasakay. May mga estudyante na rin doon at sakto ang bilang namin para maokupa ang lahat ng upuan. Ang maleta na dala namin ni Chance ay ipinalagay na sa compartment bago kami pumasok sa bus. Naghanap kami ng bakante pang upuan at nakakita namin doon sa may bandang dulo. Bale magtatabi kami ni Chance tapos si Cy at Ley naman. Tong dalawang 'to, bakit kase hindi nalang maging sila para mas kawawa si Bea, char. So ayun nga, nagtungo kami sa bandang dulo ni Chance at naupo roon. Mapaglaro talaga ang tadh
Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng gabing iyon. At masasabi kong tila ako ay pinaparusahan. Simula nang gabing iyon, naging mailap si Davon sa akin. Para mas maging maliwanag, iiniwasan niya ako. Everytime na mag-a-attempt ako na kausapin o lapitan siya, hindi niya ako pinapansin. Unlike noon, hindi ko na siya nakakasabay tuwing breaktime and that sucks. Pero hindi iyon ang masakit sa lahat. It's everytime na makikita ko siyang may kasamang ibang babae. Para akong pinapatay sa sobrang sakit na makitang ang lalaking mahal ko ay may kasamang iba. Parang gusto ko na lamang maglaho kesa makita siyang ganoon. Katulad na lamang ngayon. Nasa cafteria kami para kumain ng lunch pero tila wala akong ganang kumain. The man I love is eating with his friends with a girl beside him. "Zayara, let's go. Malapit na mag-time."Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kakatitig sa kaniya. Ni hindi ko nga naubos ang pagkain ko. Tumayo na sila Ley, Bea together with Cy and Chance. Walang gana akong tum
HINDI kami magkasabay pumasok ni Chance tulad ng parati. Tutal ay wala pang nakakaalam ng tungkol sa engagement namin except Davon and my friends, ay ayokong may makakita na magkasama kami.Pagkarating sa school ay sa classroom agad ang deretso ko. Medyo marami-ramk na rin kami roon pagdating ko. Naroon na rin sina Ley at Bea na abala sa pagkukuwentuhan tungkol sa kung anong bagay. "Goodmorning, Madame!" sabay nilang bati sa akin. Naupo na ako sa armchair ko pagkatapos ko silang batiin pabalik. Habang hinihintay ang aming propesor ay nagkuwentuhan muna kami tungol sa kung anu-ano, pati nga si Cy ay nakisali na sa amin. "Omy, ikaw ba Yara, may swimsuit ka na ba?" tanong bigla ni Ley sa akin. Napakunot ang aking noo sa kaniyang tanong. Swimsuit? Para saan? I mean I know kung saan ba dapat gamitin pero bakit biglang napunta roon ang topic? "Para saan? "Nagkatinginan silang dalawa dahil sa aking tanong. Kaoagkuwan ay sabay nila akong inirapan at napadaing pa ako nang bigla nalang nilan