"Hoy."Habang nasa byahe ay hindi ko na napigilang tawagin siya. Kanina pa siya tahimik pero alam kong naiinis siya at hindi ko malaman kung bakit. Naglalabasan ang ugat sa mga kamay at braso niya, halata rin kung gaano kahigpit ang kapit niya sa manibela. Naka-uniform pa rin naman siya pero hindi niya suot ang coat niya. Nakatupi rin hanggang siko ang sleeve ng polo niya at maluwag ang pagkakakabit ng necktie niya. "Master..." Muli ko siyang tinawag at sa puntong ito at bahagya ko pang hinila ang sleeve niya para pansinin niya ako. Gosh, bakit ko nga ba ginagawa 'to? Kung ayaw niya akong pansinin, edi don't! But why do I have this feeling na gusto kong pansinin niya ako? Shocks, this is crazy. "What?" Sa wakas, nagsalita rin ang tukmol. Hindi niya ako nilingon at hanggang ngayon ay salubong pa rin ang mga kilay niya. Bakit parang mas gwapo siya kapag naiinis? Oh fvck, enough with the bvllsh1ts, Yara! Magtimo ka nga, kung anu-anong iniisip mo! "Problema mo?" I asked.Saglit niya a
Wala akong kagana-gana nang pumasok ako sa school. Wala akong tulog, as in. Hindi dahil sa Mobile Legends kundi dahil sa hindi ko alam? Basta hindi talaga ako makatulog kagabi kakaisip sa kung ano. Ilang tupa na yata at kambing yung nabilang ko kagabi pero wala. Good thing, nag-apply ako ng concealer para tabunan yung eyebags ko. Naku kung hindi, baka naging kamukha ko na naman si Kung Fu Panda. Pagkapasok sa classroom ay medyo marami-rami na rin kami doon. Malapit na rin kase ang start ng class nang dumating ako. Pabagsak akong naupo sa aking armchair at hindi pinansin ang dalawang kaibigan na nakaupo sa likuran ko. "Problema, girl? Para kang lantang gulay diyan?" rinig kong puna ni Lesley sa akin. Hindi ko siya nilingon at nagkibit-balikat lamang. "Ewan, kulang ako sa tulog. Wag niyo akong kausapin," walang ganang sagot ko pa at ipinikit ang mga mata bago isinandal sa upuan ang sarili. Narinig ko ang tawanan nilang dalawa at halos mapatili ako nang may maramdaman akong malamig na
PAGDATING ng lunch time, sa halip na pumunta sa cafeteria para magtanghalian ay sa library ako dumeretso. Bukod sa wala akong ganang kumain ay paniguradong magkikita na naman kami ni Davon. I can't understand myself but I know this feelings are familiar. Arg, I really need to avoid him, this is not good. I don't want to get hurt again like what I've been through in the past. Naghanap na ako ng libro na pwedeng basahin. Of course it's not about academics. Iyong book about love story lamang ang kinuha ko. Nang makahanap ay ang mapepwestuhan naman ang hinanap ko. Doon ako naupo sa pinakasulok, para malayo sa ibang nagbabasa. I don't usually read books but I'm just really bored right now so yeah. Habang abala sa pagbabasa ay nakaramdam ako ng presensya sa aking tabi. Nung una ay hindi ko ito pinansin at nagpokus lamang sa pagbabasa. Ngunit kalaunan ay binigyang pansin ko na rin ito. And then there, Chance is sitting beside me. He's reading a historical book and when he glanced at me, I
KINABUKASAN ay siya agad ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko pa lamang ng gate. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakayuko at naka-krus ang kaniyang mga braso. Kusang ngumiti ang mga labi ko sa di malamang dahilan at lumapit sa kaniya. Bahagya kong hinila ang sleeve ng suot niyang polo para kunin ang atensyon niya. Tsk, wala na naman siyang suot na coat. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti nang makita ako. Nagulat pa ako nang bigla nalang siyang humalik sa pisngi ko at sinabing, "Good morning."Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang gustong lumabas na ngiti sa labi ko. Kapagkuwan ay tumikhim ako at deretsong tiningnan ang mga mata niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Kumunot ang kaniya noo at sinabing, "Sinusundo ka, my queen." He then smiled again, aba at nawiwili yata siya sa kakangiti niya? Good mood siguro siya ngayon at mukhang hindi mainit ang ulo. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya upang itago ang ngiti
"Totoo? Nililigawan ka ni Captain? Kyaaaaa!"Napapikit ako at napatakip sa aking mga tenga nang sabay na tumili si Bea at Ley. Gosh, maawa naman sila sa eardrums ko. Ghad, ang dami pa namang estudyante dito sa field for fvck's sake, arg! Inis ko silang tiningnan nang mapunta sa amin ang atensyon ng mga estudyante. Ghad, nakakahiya lalo na nang magsimula na naman silang magbulungan. For sure ako na naman ang main topic dito sa university pag nalaman nilang nanliligaw sa akin si Davon. "Pwede bang pahinaan niyo yung volume ng mga bunganga niyo? T@ngna ng mga 'to, akala mo nakalunok ng megaphone." Kusang umikot ang eyeballs ko at pinagkrus ang aking mga braso. Tinawanan lamang nila akong dalawa at halos maalog na ang buong sistema ko nang yugyugin nila ako. "Pvtang1na ano ba ha!" saway ko sa kanilang dalawa pero ni hindi manlang sila natinag. Bagkus ay sinabayan pa nila iyon ng tili. "Shet, nandiyan na yung manliligaw mo, gurl!" Pilit akong kumawala sa kanilang dalawa at napatingin s
It was Saturday in the morning at abala ako sa pag-aayos ng sarili. Ngayong araw ang pagpunta namin doon sa Allarez's Beach Resort. Katulad ko ay ganoon din ang ginagawa nila mom and dad. Narinig ko sa kanila na magii-stay kami ng one night doon, meaning bukas pa kami uuwi. Nalaman ko rin na about pala sa merging ng companies ang meeting kuno nila ngayon. Napangiti ako sa repleksyon ko sa vanity mirror pagkatapos kong maglagay ng very-very light na make-up. Hindi naman ako madalas mag-make up kase natural na magnda na talaga ako no. Hindi naman sa nagmamayabang, nagsasabi lang ng totoo. Tumayo na ako pagkatapos suklayin ang waist-length wavy hair ko. Hinayaan ko na lamang itong nakalugay because tinatamad akong ipitan ang sarili ko. At isa pa, I fon't know how to. Tanging dimpleng pony tail lamang ang alam kong gawin. Ganoon siguro talaga kapag magaganda. Eh?Tumayo ako kapagkuwan sa harap naman ng malaking salimin para pagmasdan ang kabuoan ko. I am wearing a Pink floral print cami
Kanina pa ako nababagot dito, gusto ko nang lumabas at hanapin si tukmol. Kanina pa kase kami dito sa isang restaurant sa loob mismo nitong resort. Alas sais pa lamang naman. Kanina ay hindi na ako nakapag libot-libot sa resort dahil nakatulog ako kanina. Ewan kung sino bang poncio pilato ang hinihintay namin dito, basta ka-business partner kuno nila. Akala ko pa nga ay madaming ka-meeting yun pala naman ay isa lamang. Hindi na bale at hindi naman iyon ang pinunta ko rito ano. "Oh, they're here." Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang sa wakas ay dumating na rin ang hinihintay namin. Isa pa, sa wakas ay makakapag-dinner na rin, kanina pa ako nagugutom eh. I glanced at the two people na papalapit sa pwesto namin. Mukhang mag-asawa sila dahil hakata naman, nuba? Naningkit ang mga mata ko dahil parang namumukhaan ko sila, hindi ko lang maalala kung kailan o saan. Lalo na iyong lalaki na sa palagay ko ay kaedaran lamang ni daddy. Nang tuluyan silang makalapit sa amin ay nagbatian p
"So what are you doing here? Did you follow me?" tanong niya nang makasakay kami sa elevator pababa sa lobby ng hotel. Pagak akong napatawa at hinampas siya sa braso. May kakapalan din pala ng mukha 'to, mana yata sa'kin, psh. He looked at me on what I just did, shock was visible on his handsome face. "What was that for?" natanong pa niya. Inirapan ko siya at lumingkis sa kaniyang braso. I just feel like being clingy all this time after I just saw him. Kami lamang dalawa ang tao sa elevator so yeah. Kinurot ko siya sa tagiliran na ikina-aray niya. "Hindi kita sinusundan, may naging meeting kase sila mom and dad at dito sa resort ginanap," I explained to him. Napanguso ako at napairap sa aking sinabi. Psh, fvck that meeting, nakaka-badtrip! Gladly this handsome man beside me is here to enlighten my mood. "Hmm, I see. Have you eat dinner?" Tumango ako sa kaniyang sinabi. Ngunit kapagkuwan ay napanguso rin ako. Yung ice cream ko, ni hindi ko na na-take out. Napansin niyang nakanguso a
"Pak! Napakaganda mo madame!"I faked a smile and secretly rolled my eyes on this pathetic ugly frog na baklita. Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko, kanina pa ako wala sa mood. Sinong hindi? Ilang oras na lamang ay isa na akong ganap na Mrs. Roberts! The fvck! Padabog akong tumayo at nagtungo sa isang malaking salamin ng aking silid. Kung saan kitang-kita roon ang buong repleksyon ng katawan ko. I'm wearing white wedding gown, of course. Tube style ang sa taas na at napakaraming glitters kaya't tiyak na kikinang ako sa aisle mamaya. Err, iniisip ko palang na naglalakad ako sa red carpet ng simbahan habang may hawak na bulaklak ay naiinis na ako.Hindi ko pa nakikita sila mom and dad. Basta kaninang umaga ay may bigla na lamang sumundo sa akin sa condo namin ni Chance at isinama ako rito sa bahay. Kahit si Chance ay wala aking nakita ni anino niya. Baka naghahanda na rin para sa seremonya mamaya?"Zayara, sweetie."Matamlay akong umikot at napairap nang marinig ang boses ng magalin
I was surprised after I knew I am pregnant. Tulad ng sabi ni Ley ay sinamahan niya ako sa hospital together with Bea. Nagbunga yung nangyari sa amin ni Davon doon sa resort. I'm so happy to know that I'm having a baby with the man I love. But at the same time, malungkot dahil doon ko lang naalala na wala na nga pala kami. At kung malaman niya na may bata sa sinapupunan ko, I don't think he'll accept this, our baby. Isa pa, iniisip ko rin ang sasabihin nila mom and dad kapag nalaman nila ang tungkol dito. Natatakot ako sa maaaring mangyari, samaaari nilang gawin."So anong plano mo?" Pagkalabas namin ng hospital ay niyaya ko sila sa starbucks para magkape and para na rin magpahangin muna. Malakas kasi ang aircon doon, kidding. Sumimsim ako sa aking kape saka tumingin sa glasswall kung saan kitang-kita ang labas. Ang daming mga sasakyan at taong dumaraan."Would you tell him about it?" I heard Bea and Ley asked pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot
NASA library ako nang mga oras na iyon nang bigla akong makaramdam ng gutom. Kakagaling ko lamang sa cafeteria pagkatapos kumain ng lunch pero heto at nagugutom na naman ako. I'm craving for something na hindi ko maintindihan. Medyo inaantok din ako kahit na iniiwasan ko na ang magpuyat. Siguro ay pagod lamang ako. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng aking palda para i-text si Ley at sabihing magpapadala ako sa kaniya ng cheese burger. Pero ang ending, tinawagan pa rin ako ng g@ga kaya't hindi ko naiwasan ang mapairap.[Taena nito, kakakain lang ng lunch ah? Hindi ka pa busog?] Napanguso ako sa naging tanong siya saka tumango-tango. Pero nagmukha lamang akong t@nga sa ginawa ko dahil hindi niya naman pala ako nakikita."Sige na kasi, Ley. Kung ayaw mo, edi si Bea nalang," ika ko kay Ley. Gusto ko sanang kumain ng maasim na mangga ngayon pero saan naman ako kukuha?Ni hindi pa naman tag-mangga ngayon. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Ley sa kabilang linya kaya't kumurba
PAGKATAPOS nang gabing iyon akala ko ay magiging okay na ang lahat. Akala ko ay ayos na kami ni Davon. Pero hindi, doon ako nagkamali. Pagkatapos ng gabing iyon, kinabukasan paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Hanggang sa natapos ang outing ay hindi siya nagpakita. Sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero hindi niya sinasagot. Wala akong nakuhang kahit anong response mula sa kaniya. Pagsapit ng lunes, sinubukan ko siyang kausapin ngunit bigo ako. Naging mas mailap siya at halos hindi ko na nga makita. Minsan naririnig ko na lamang ay madalas daw itong cutting sa klase.Ngayon ay nasa cafeteria kami para kumain sana ng lunch pero nawalan na ako ng gana. Sino bang gaganahan kung nasa harapan ko ang boyfriend ko at nakikipaghalikan sa babae niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa. Dahil pa rin ba 'to sa utos ni mommy? Pero napag-usapan na namin ang tungkol doon diba? Gulung-gulo na 'ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Sa huli, napagdesisyunan ko na kausapin
"A-Ahm, anong ginagawa natin dito?" Nagtungo siya roon sa long couch sa may kabilang gilid nitong kwarto. Naupo siya roon at nakakrus ang mga brasong nakatingin sa gawi ko. "Come here," he plainly said then tinapik iyong bakanteng pwesto sa tani niya. Mabilis naman akong kumilos at sinunod ang kaniyang gusto. Pagkalapit ko pa ngalang ay hinila niya na agad ako. Imbes tuloy na sa couch ako nakaupo ay ngayon ay sa kandungan niya. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at tinangkang umalis ngunit hindi niya ako hinayaan. "I've miss you so much, babe." Natuod ako at nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang labi niyang dumampi sa aking batok. Oh ghad, bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa sistema ko. Kanina lamang ay napakalamig ngunit bakit tila pinagpapawisan na akk ngayon kahit na may aircon naman dito sa loob ng silid? Oh shocks, what the hell is he doing for fuck's sake! "D-Dav-stop." Hindi magkamayaw sa bilis ng tibok yung puso ko dahil sa ginagawa niya. Oh ghad, what the fvc
IT'S 7:35 PM nang bumaba kami sa hotel para magtungo sa may poolside. Doon raw kami magdi-dinner. Hinati kami by department dahil may kaniya-kaniya kaming putahe ng pagkain. Sa bawat department ay may naka-assign talaga na magluluto tonight at bukas and sa next night ay iba naman. 6:00 PM pa lamang kanina ay nagsimula na silang magluto and good thing, hindi ako kasama. Syempre, pagsisisihan talaga nila na i-assign ako sa pagluluto ano. Baka imbes na deep fried chicked ay baka deep roasted chicken ang maluto ko. Parang yung nangyari sa amin ni Chance. Wait, speaking of him, hindi ko alam kung nasaaan ang lalaking yun. Gumawa sila ng buffet by department para makapila ng maayos at makakuha ang lahat. Stand-by lang muna kami nila Ley sa gilid, panghuli daw kase yung magaganda—char. Pumila na rin kami nang konti na lamang ang nakapila. Kumuha lang ako ng kaya kong kainin saka isa pa, busog ako. Bago kase kami bumaba nila Bea ay nilantakan pa namin yung chocolate na dala ni Ley so ayun. B
KINABUKASAN ay umalis kami sa condo ni Chance sa nung mga bandang alas siyete ng umaga. 8:30 pa raw naman ang alis ng service namin na bus. Hindi lahat ng estudyante ay sumama sa outing. Bale hinati kami in a half dahil masyado kaming madami pag pinagsabay-sabay so yeah. Naghihintay sa amin sila Ley at Bea together with Cy sa malapit sa gate pagpasok namin. May mga nakaparada nang mga bus na tiyak kong service namin. Sinalubong agad kami nila Bea at hinila patungo sa bus kung saan kami sasakay. May mga estudyante na rin doon at sakto ang bilang namin para maokupa ang lahat ng upuan. Ang maleta na dala namin ni Chance ay ipinalagay na sa compartment bago kami pumasok sa bus. Naghanap kami ng bakante pang upuan at nakakita namin doon sa may bandang dulo. Bale magtatabi kami ni Chance tapos si Cy at Ley naman. Tong dalawang 'to, bakit kase hindi nalang maging sila para mas kawawa si Bea, char. So ayun nga, nagtungo kami sa bandang dulo ni Chance at naupo roon. Mapaglaro talaga ang tadh
Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng gabing iyon. At masasabi kong tila ako ay pinaparusahan. Simula nang gabing iyon, naging mailap si Davon sa akin. Para mas maging maliwanag, iiniwasan niya ako. Everytime na mag-a-attempt ako na kausapin o lapitan siya, hindi niya ako pinapansin. Unlike noon, hindi ko na siya nakakasabay tuwing breaktime and that sucks. Pero hindi iyon ang masakit sa lahat. It's everytime na makikita ko siyang may kasamang ibang babae. Para akong pinapatay sa sobrang sakit na makitang ang lalaking mahal ko ay may kasamang iba. Parang gusto ko na lamang maglaho kesa makita siyang ganoon. Katulad na lamang ngayon. Nasa cafteria kami para kumain ng lunch pero tila wala akong ganang kumain. The man I love is eating with his friends with a girl beside him. "Zayara, let's go. Malapit na mag-time."Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kakatitig sa kaniya. Ni hindi ko nga naubos ang pagkain ko. Tumayo na sila Ley, Bea together with Cy and Chance. Walang gana akong tum
HINDI kami magkasabay pumasok ni Chance tulad ng parati. Tutal ay wala pang nakakaalam ng tungkol sa engagement namin except Davon and my friends, ay ayokong may makakita na magkasama kami.Pagkarating sa school ay sa classroom agad ang deretso ko. Medyo marami-ramk na rin kami roon pagdating ko. Naroon na rin sina Ley at Bea na abala sa pagkukuwentuhan tungkol sa kung anong bagay. "Goodmorning, Madame!" sabay nilang bati sa akin. Naupo na ako sa armchair ko pagkatapos ko silang batiin pabalik. Habang hinihintay ang aming propesor ay nagkuwentuhan muna kami tungol sa kung anu-ano, pati nga si Cy ay nakisali na sa amin. "Omy, ikaw ba Yara, may swimsuit ka na ba?" tanong bigla ni Ley sa akin. Napakunot ang aking noo sa kaniyang tanong. Swimsuit? Para saan? I mean I know kung saan ba dapat gamitin pero bakit biglang napunta roon ang topic? "Para saan? "Nagkatinginan silang dalawa dahil sa aking tanong. Kaoagkuwan ay sabay nila akong inirapan at napadaing pa ako nang bigla nalang nilan