NOTHING WAS NORMAL WITH THE SAAVEDRA'S HOUSE. It was located in a hidden valley about half an hour away from the city. Pati ang kalsadang papunta roon ay hindi rin normal. Isa 'yong madilim na tunnel na nakakonekta sa main road ng siyudad. Ni walang nakakapansin na may lagusan sa parteng 'yon. Kung sa bagay, ano pa ba ang dapat asahan sa isang safe house?A long drive inside that dark, sophisticated cave, and Rome's car reached the mansion's gate. Gawa sa bakal 'yon at may dalawang gwardiya sa harapan.Sandaling sumilip sa bintana ng kanyang kotse ang isa sa mga gwardiya. Agad na yumukod ito nang makilala ang pinakabatang anak ng mga Saavedra. That triggered the electric door to open, giving a clear view of the place Rome grew up in— The House.Isa iyong red-brick mansion na may apat na palapag. Sa buong paligid nito ay napakalawak na shooting range na puno ng mga topiary. Magarbo? Oo, lalo pa kung lilingon ang papasok pakaliwa at makikita ang napakalaking swimming pool. Sa kanan nama
ALAS-DOS NG UMAGA │MISYON SA CASA GRANDE HOTELAlam ni Rome na hindi siya dapat naroon dahil oras ito ni margaux. Para sa dalaga ang alas-onse hanggang alas-kwatro ng kanyang bawat gabi at hindi niya ugaling palampasin 'yon. He was craving to be sleeping with his cara.However, this night was different. Dahil gustuhin niya mang mag-drive pabalik kay Margaux at tabihan ito sa pagtulog ay hindi niya magagawa. He had to attend his father's deal, or rather, punishment.Kasalanan niya. Hindi niya naikubli kaagad ang nadama nang saktan siya nito. Napansin agad ng Don ang bumalatay na hapdi sa kanyang mga mata at kinagalit nito 'yon.That was a fucking big no.Kaya binigyan siya nito ng karagdagang trabaho. Isang dagdag na misyon bukod pa sa pinagagawa nito sa villa nila Margaux.His father said that it was to put him back on track and harden him up. Lumambot daw ang dibdib niya kaya patayin niya raw ang 'malapit na kaibigan' nitong si Senator Luis. Nagtraydor daw sa organisasyon ang senador
NADAMA NI MARGAUX ANG PAGLUNDO NG KAMA nang may humiga sa kanyang likuran. Laging ganito simula nang magkita sila muli ng kanyang caro sa cellar. A sick routine that had been going on for the past five nights.Kabidaso na niya 'yon dahil hindi siya nagmintis sa paghihintay dito. Madalas na pinanonood niya ang oras sa kanyang alarm clock, hoping for the freaking screen to scream the numbers that would mark their schedule. Alas-onse ng gabi.Pero bakit kaya nahuli na naman si Rome ngayon? Pasado alas-dos na ng madaling araw. Alam ba nito na para siyang mamamatay sa bawat minutong lumilipas na hindi ito nagsasalita sa kanyang tabi? May kasama siya pero para ring wala.The question had been burning inside her throat for hours, and she knew that spatting it would make her tremendously better."Saan ka nanggaling, caro?" she tried her luck.Pero tulad ng mga nakaraang tanong niya rito ay hindi man lang bumuka ang mga labi ni Rome. Nanatili lang itong nakahiga sa malayong parte ng kama na pa
GIGIL NA GIGIL SI MARGAUX nang hampasin ang kaharap na lamesa. Kumalampag ang pinggan ni Rome kaya nagtatakang napatingin ito sa kanya.Umaga na noon at sabay silang kumakain sa dining room. Malamig naman ang simoy ng hangin pero ang ulo ni Margaux sobrang init. "You see, caro. Hindi ko alam kung paano gumagana 'yang utak mo. But I swear I'm gonna kill you next time you make me do that!"As a reply, Rome just cocked his head innocently. Ni hindi ito tinablan ng kanyang banta. Kung sa bagay, paano ba naman ito tatablan ng kanyang sinabi kung sumasalo nga ito ng balang hindi naman para rito?Wala sa dating ng kanyang caro ang takot sa baril. Niligtas nga nito ang kanyang papa, 'di ba? Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang tanungin niya si Alberta tungkol dito. At sa puntong ito, alam niya na kung paanong napadpad si Rome sa kanila at kung bakit ganoon na lang ang respeto ng mga tauhan ng villa sa binata.Rome was her father's hero.'Ng papa mo lang ba, Margaux?' Napailing siya nang m
NOONG SINABI NI ROME NA LALABAS SILA, ang unang pumasok sa isip ni Margaux ay inaaya siya nitong mag-date. Iyong tipong dadalhin siya nito sa isang mamahaling restaurant, bibigyan ng bulaklak, pagkatapos ay aayain siyang manood ng sine.Iyon ang mga inaasahan ni Margaux ngayong gabi. Iyong mga 'normal' na bagay na ginagawa ng mga 'normal' na tao.Kaya lang may nakalimutan siya —hindi nga pala normal ang kanyang caro."Itaas mo ang mga kamao mo, cara mia!"'S-sandali. Ano raw—SHIT!'"Lesson four. Huwag mong ibaba ang depensa mo kahit anong mangyari."Napasigaw si Margaux nang isang humahagibis na kamao ang tumama sa kanyang noo. Sa sobrang gulat niya ay mabilis siyang nawalan ng balanse at napaupo siya sa gitna ng boxing ring.Hindi naman siya nasaktan. Actually, parang tinulak lang siya ng kanyang kamao ni Rome. Kaso dalawang beses na siyang bumabagsak sa kanyang pang-upo—Masakit na.'Oh sweet God! Bakit ba ko napunta rito?'"Tayo, cara."'Bili ko kaya ng diksyonaryo 'tong lokong 'to.
ROME WAS ON THE VERGE OF LOSING HIS TEMPER. The library he was in was spacious, but then he couldn't breathe— he just seriously forgot how to.[May tanong ka ba sa mga dokumento? Ngayon ka lang makakatagpo ng ganitong klaseng pagkakataon. Pag-isipan mo, il mio figlio.]'Margaux...' his mind called her amid his internal chaos. Lahat ng sinabi ng Don, pati ang kaluskos ng mga dahon sa labas, ay nagsisimula nang lumabo.[Poprotektahan kita. Mapapasaiyo ang lahat ng naisin mo. Kayamanan, kapangyarihan, at estado sa organisasyon.]Naikuyom ni Rome ang kanyang mga palad sa ibabaw ng lamesa. Kulang ang salitang poot para ilarawan ang kanyang nararamdaman. Buti na lang at nasa speaker lang ng computer ang Don dahil kung nagkataon na kaharap niya ito ay baka nasuntok na niya ito.[Walang katapusang suporta ko ang kapalit, Romano,] pagpapatuloy ni Don Alejandro. [La mio famiglia ti sta aspettando,] giit pa nito.Ganoon pa man ay hindi pa rin handang sumagot si Rome. Bakit naman niya gugustuhing
THE RAIN WAS FALLING HEAVILY, creating a sound similar to that of a hundred fingers tapping on that dark, secluded street. Ganoon pa man ay nanatiling blangko ang mukha ni Rome habang pinapanood ang paghihingalo ng kanilang family accountant na si Camilo Morri."Pietà di me, Maestro. Nakuha mo na ang gusto mo..." pagmamakaawa nito sa kanyang paanan. Nangingig ang kamay nito nang subukang abutin ang sapatos ng malupit na binatang bumaril mismo rito."L-Lasciami vivere..." Mas lalo pang humagulgol ang matandang lalaki. The man was in pain—so much of it, na kakayanin niyang halikan ang sapatos ng mismong demonyong nautusang pumatay sa kanya. "Pietà di me, Maestro. May anak akong naghihintay sa 'kin. Maawa ka... Pietà di me—ugh!"Iyon ang mga huling nasabi ni Camilo bago ikinasa ni Rome ang hawak na baril at iputok sa bumbunan nito ang huling bala. One moment, there was a man crying on his feet, and the next, that same man was history.[Maestro?]Hindi narinig ni Rome nang tawagin siya ni
HE TORTURED HER, but not as much as he tortured himself. Gustong sumigaw ni Rome. Gusto niya rin mambasag ng mukha, dahil sa tensyong bumabalot sa kanyang kamao.Ang nakakatawa, wala man lang salitang nanulas sa kanyang labi nang gigil na itikom niya ang kanyang bibig.Margaux was still dancing through the 'Alla Mia Amata' at tuloy pa rin ang paghampas ng malamig na ulan sa kanyang likod habang nakatayo roon.Basang-basa siya, pero wala na siyang maramadaman. It was like the world stopped for a while to give him time to silently suffer there.Perpekto ang tiyempo ng mga paa ni Margaux. Perpekto rin ang bawat hikbi nito na pumupunit sa buo niyang pagkatao.'Demonyo ka, Alejandro.' He gritted his teeth as the Morse code kept talking to him. His eyes were burning with both anger and pain, pero mas pinili niyang tapusin ang musika. 'Hintayin mong magkita tayo—'"Rome?" Then there was that sweet, tired voice that cut through his murderous thoughts. Bigla siyang hinatak ng boses na 'yon pab
NAPAKIBINI NG ARAW habang nakatunghay sa Reiti Paso, Italy. Tulad ng masasayang mga oras na dumaan sa munting bahay na 'yon ay naririnig pa rin ang paghampas ng alon sa dalampasigan mula sa kinauupuan ng Don. Napakasarap sa pakiramdam ng hanging gumugulo sa kanyang buhok habang sumisimsim siya ng wine. Mabagal rin ang pagsasayaw ng mga kurtina sa bawat bintana. Sumasaliw iyon sa kanyang mahina paghuni— Alla Mia Amata s'yempre."Papa?"Alejandro pretended not to see the tiny boy who approached his lap. Bagkus ay mas tinaas niya ang hawak na dyaryo para takpan ang kanyang mukha. Nagkunwaring siyang abala. Ganoon pa man ay pasimple niyang ibinaba ang kanyang tuhod para may makapitan ang makulit na paslit."Papa...""Nagbabasa ako, Romano," he playfully dragged the boy's name, copying how the child called his. "Ang daming mga balita na kailangan tingnan ni Papa kasi makakaapekto sa ating kartel—" Napahinto ang kanyang bibig nang maulinigan ang sariling sinabi. Nang makabawi ay mabilis niy
IT WAS THE WORST BATTLE HE HAD FOUGHT. Isang labanan kung saan hindi niya man lang makilala kung sino ang kanyang kalaban. A battle where he had to keep firing his gun while staring at his cara's dying face.Nakalimutan na niya kung ilang bala ba ang bumaon sa kanyang katawan para kay Margaux. His whole body was numb, but then he just couldn't let her go. Blangko na rin ang kanyang isip. Hindi niya na kayang kilalanin ang daan-daang mga duguang mukhang pumapaligid sa kanila.Alejandro's soldiers were fighting like they were a group of hungry beasts. But then, the group that broke through the gate minutes ago, whom he thought were Marco's soldiers, were just as ferocious.Napansin niyang isa sa mga grupo ang prumotekta sa kanya habang tinatakbo ang direksyon ng parking lot. Ilang unipurmadong sundalo rin ang sumalo ng bala para sa kanya. They were willingly giving their lives to him, assuring him that he would get where he needed to.He was in pain— so much of it.Pero hindi 'yon dahil
"MARGAUX." HINDI UMABOT SA PANDINIG ni Margaux ang pagtawag ni Alberta. Tulad kanina ay awtomatikong kumilos ang kanyang kamay para dakutin ang kanyang puson nang kumirot iyon.The drop of sweat that fell on her fist resting on her lap looked blurry. Sobrang sakit ng kanyang nadarama at kinakapos siya ng hininga kahit nakaupo lang siya roon."Ayos ka lang ba, anak?""Tapos ka na bang magsalita?" Mariing naipikit ni Margaux ang kanyang mga mata nang magdoble ang tingin niya sa kaharap. Getting this dizzy and in this much pain weren't what she needed."Patawarin mo 'ko..."Hindi siya sumagot. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng matandang babaeng nakaluhod sa kanyang paanan, pero hindi na 'yon rumerehistro sa kanyang isip. Isang bagay na lang kasi ang nanatili roon — ang kanyang caro.Sa dami-dami ng sinabi Alberta, ang natatandaan niya lang ay ang mga katagang 'tunay na anak ng Don' at 'tunay mong ina'. Ewan na ni Margaux kung tama pa ba ang pakikirinig niya sa iba pa. Hindi na rin
ALA-SINGKO PA LAMANG NG UMAGA ay umuugong na ang buong villa. The scent of food, combined with flowers, was lingering in the air. Daan-daang lamesang binalutan ng puting linen ang pumupuno sa kabuuan ng bakuran. Nagmistulang mga bubuyog na nagkakagulo ang mga katulong sa pagbubuhat ng mga pinggan at kubyertos.Mayroon ding isang grupo ng mga musikero na pinatawag ng dis-oras ng gabi. Nagkukumahog ang mga ito sa kasalukuyan habang pag-aralan ang pinakamasalimuot na musikang kanilang tutugtugin sa kanilang tanang-buhay — ang Alla Mia Amata."Tandaan mo. Kapag nagkamali ka nang isang beses ay magbabago ang kahulugan ng piyesa." Sa gitna ng kaguluhan ay nakatayo ang Panginoon. Pailalim itong nakatitig sa isang pobrerong kaluluwang may hawak ng violin."S-Señor—""Para sa nag-iisang anak ko 'yan..." Alejandro nodded his head as his amber eyes pierced through the trembling violinist's face. Hindi man ito magsalita ay madali namang hulaan na huling piyesa ng kaawa-awang musikero ang Alla Mia
NAGLALARO ANG MGA DAGA kapag wala ang pusa. Sa kaparehong paraan, naglalaro rin ang mababang klase ng diyos kapag wala ang Panginoon."Nagpakita na ang batang Montenegro." Maingat na inusog ng nakakabatang lalaki ang itim na pyesang hawak nito sa chessboard. Ilang saglit pa ay hininto nito sa harap ng puting reyna - isang nakapagandang babaeng nililok sa salamin - ang hawak nito."Oh, siya nga ba?" Sumagot ng atake ang kalaro nitong matanda. Ginalaw nito ang puting reyna upang sakupin ang kaawa-awang itim na kawal.That made the young man chuckle. Patamad na sinandal nito ang likuran sa mamahaling upuan bago nag-anunsyo, "Yes, Papa. Natagpuan na siya ng mga kawal.""Molto bien..." Binaha ng galak ang boses ng matanda. Pagkatapos ay ginaya nito ang ginawa ng anak at sinandal ang sarili sa upuan. Bakas ang saya sa kilos nito nang kunin ang kopita sa lamesa at sumimsim ng mamahaling alak. "Kumusta naman ang Panginoon? Nagpakita na ba?""Hindi pa," the younger man answered while giving hi
MAHIRAP SABIHIN KUNG ANO ba talaga itsura ng impyerno noong mga oras na 'yon. At three in the morning, hell looked nothing like what the bible said. Madilim. Pagkatapos nagri-ring 'yong telepono hanggang may sumagot boses.[Hello? Parating na siya, Panginoon.]"Mabuti."[Gusto mo bong ipasalubong ko siya sa 'yong mga sundalo?]"Huwag. Hintayin mo siyang makapasok sa teritoryo ko."[P-Pero...]"Maghintay ka lang. Hindi maaring hindi siya sundan siya ni Romano."..Pauwi ako sa villa.Hihingi ako ng tulong kay papa.Mahal na mahal kita.—Margaux :)A THREE-SENTENCE NOTE, A LITTLE SMILEY AFTER IT, and her name written using her red lipstick. Iyon lang ang kinailangan para magunaw ang buong mundo ni Rome habang nakatulala sa harap ng salamin.Pagod na pagod na siya. Ni hindi na nga niya alam kung humihinga pa ba ang kanyang kaluluwa. Napakalamig ng mundo, mainit ang mga braso ni Margaux nang yakapin siya nito kagabi. Damn it. Hindi niya sinasadyang makatulog!That was a reckless move. He
KADILIMAN. Wala kahit isang liwanag sa langit. Walang buwan o ni isang bituin. Pawang katahimikan lang ang namamayani sa gabi. at mahihinang boses."Napansin niya na pa lang pinanonood natin siya."[Ganoon nga, Panginoon. Mas matalino siya kaysa iniisip ko.]"Natural!" Napuno ng pagyayabang ang mas nakakatandang boses sa dalawang nag-uusap. Pagkatapos niyon ay humagikgik ito na tila siyang-siya sa nakikita. "Siya ang bukod-tangi at nag-iisang Romano, hindi ba?"[Siya nga... May isusunod ka pa bang utos?]"Kaladkarin mo siya pabalik." Naghikab ang Diyos na tila naiinip sa mga susunod na mangyayari. "Siguraduhin mong makakauwi ang Amati sa lalong madaling panahon."..TUMATAWAG SI ALBERTA.Hindi. Mas tamang sabihing binobomba ni Alberta ng tawag ang kanyang telepono. Daan-daang missed calls sa nakalipas na labing-dalawang oras ang ginawa nito na tila wala itong kapaguran.'Sasabihin ko ba kay, Rome?' Mabagal na inangat ni Margaux ang tingin mula sa nagba-vibrate na telepono sa kanyang
GUMAGALAW ANG DIYOS, at gumagalaw siya sa paraang hindi kayang hulaan ng kahit sino."Sunugin ninyo," utos nito bago sumisim ng wine sa hawak na goblet. Payapa ang kanyang boses, katulad ng napakalawak na karagatan sa kanyang harapan. Tulad ng sa mga nakaraang buwan ay napakaganda pa rin ng kanyang mansyon sa Santorini. Puti ang mga dingding nito habang matikas na nakatayo sa tuktok ng bundok at nakatunghay sa asul na tubig ng Aegan Sea.Kawangis ng lugar na 'yon ang langit— kaso may demonyo sa loob."Sunugin ninyo at..." humagikgik ang Diyos bago sinara ang kanyang mga mata at hinayaang laruin ng malamyos na hangin ang kanyang abuhing buhok. "Pilayin ninyo rin ang kabilang binti niya. Siguraduhin ninyong hindi na siya makakatakbo."..'CAZZATA!' Rome's cuss remained unspoken as he watched his headquarters, 'The Romans', burn through nine different TV screens. Kasalukuyan silang nasa isang grocery store, isang linggo matapos niyang malaman ang pagdadalang-tao ni Margaux.Makapal ang
“GUSTO KO MAKITANG SUOT NINYO ‘YON.” Rome felt his chest tighten. Could he tell his cara about the heavy things pressing him down on that bed? O kaya naman, maari niya bang sabihin dito kung anong sumasakal sa kanya habang nagmamakaawa siyang isuot nito ulit ang damit na ‘yon? He took a deep breath to lessen the pain eating him up. “Please...”“Matagal nang wala ‘yong dress, caro.”Bigong naipikit niya ang kanyang mga mata. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago gumalaw at nilingon ulit ang nag-iisang babaeng kanyang minahal.He saw his cara looking back at him over her beautiful shoulder. Unti-unti bumaba ang kanyang paningin sa likod nito at nagtagal sa dalawang dimples na nasa ibabang bahagi ng spine nito. Then, dotingly, his warm gaze lingered on her hips.The corner of his lips lifted although his smile didn’t reach his sad amber eyes. ‘Nagmamadaling lumaki ang anak ko.’“Huwag ka ngang ngumiti nang ganyan nagmumukha kang sira.” Iritableng boses ni Margaux ang nagpabalik ng p