Page 51
Eclair’s P.O.V Nalala ko, dinala ako ni Arvin dito sa ospital dahil nga sa hindi pa ayos ‘yung sasakyan ni Richard at mataas na ‘yong lagnat ko. Idinilat ko ang mata ko, nandoon pa rin ‘yung bigat sa aking katawan gayun din ang pag-ikot ng aking paningin. Akala ko pagkagising ko, magiging okay ako. Hindi pa rin pala.Narinig ko kina Ate Ericka habang nag-uusap sila nung Doctor na ang sanhi ng ang aking sakit ay ang U.T.I.Sakit ko na ‘to noon pero bumalik lang ulit dahil sa hindi ko madalas na pag-inum ng tubig.Ugh. Masarap ang softdrinks pero naging careless ako.Alam ko na ngang hirap na sila Ate Ella sa trabaho pero heto ako’t dumagdag sa gastos.Pumikit ako nang mariin, humihiling na mawala nang kaunti ang pagkahilo pero noong imulat ko pa ulit. Nandoon pa rin, nakaramdam na ako ng pagsus(Filler) Page 52Eclair’s P.O.V "Merry Christmas and Happy Birthday, Eclair!" bati ng mga kapatid ko sabay taas no'ng mga hawak naming baso na actually, juice lang ang akin habang ang kanila naman ay mga Red Wines.Nandito pa rin kami sa ospital. Dito na kaminaghanda ng Christmas at ng pang birthday ko dahil hindi pa raw ako makakalabasdahil sa U.T.I ko. Imagine, halos isang buwan akong nakakulong dito? Tipong dito ako nag exam ng last quarter ng first semester namin. Ta’s iyong mga dapat na hands on activity, ginawang written test. Pero masisisi ko ba sila? Eh, hindi nga ako makalayas dito sa kama ko. Maliban kasi sa U.T.I. Nagkaro’n din ako ng Pneumonia na hindi ko alam kung saan ko rin nakuha. Pero napansin ko nga na b
Page 53 Eclair’s P.O.V December 27th nang makalabas ako ng ospital. Nag-unat ako nang makalanghap ako ng sariwang hangin-- este usok pala. Napaubo ako kaya sinimangutan ako ni At Elsie. Siya iyong nagsundo sa akin dahil wala iyong iba kong mga kapatid dahil bumalik sila sa trabaho. Si Kuya Erick, may ipinasa lang na requirements sa H.U dahil hindi raw niya nai-submit kaagad ‘yung project niya. “Hoy, sabihin mo sa akin kung may sakit ka pa. Ibabalik kita sa loob.” Tukoy niya sa ospital dahilan para mabilis ko siyang nilingunan. “Huwag, please!” Binigyan niya ako ng smug face. “Look at that reaction.” Pang-aasar niya na tuwang-tuwa pa yata sa ginagawa kong reaksiyon. Napakamot na lang ako sa ulo ko at pabagsak na ibinaba ang kamay. “Ang papangit ng mga pagkain sa ospital. Ang tatabang. Nami-miss ko na ‘yong pagkain sa bahay.” “Pero makinig ka sa bilin ng Doctor. Huwag softdrinks nang softdrinks at bawal rin sa’yo ang masyadong maalat. Ang tigas pa naman ng bungo mo, ayaw
Page 54Eclair's P.O.VBinuksan ng kasambahay ang gate tsaka kami pumasok ni Arvin sa malaki nilang bahay."Huwag mong sabihin pati ikaw gusto rin ako?" Naalala kong tanong sa kanya kanina. Wala siyang sinagot at hinila na lang ako basta papunta sa motorsiklo niya para makarating kami rito na pati si Ate Elsie, halos habulin na kami kanina.Pasimple kong tiningnan si Arvin na diretsyo lang ang tingin at medyo seryoso.Ano 'yan? Pwede naman niyang sagutin 'yung tanong ko kanina bakit kailangan ko pang pumunta sa bahay niya?Namilog ang mata ko nang may ma-realize ako dahilan para mabilis akong mapatungo't mapatakip sa bibig para maiwasan ang pagsigaw. Gag* sandali! Hoy! Hindi naman niya siguro ako ipapakilala sa magulang niya bilang sagot niya sa tanong ko kanina, 'di ba?!Eclair's ImaginationTinuro ako ng ina ni Arvin habang lukot lukot ang mukhang nakatingin sa akin. "You knew my son is engaged yet you still dare to seduce him?!" Ibinaba niya ang kamay niya at humalukipkip. "Slapsoi
Page 55Kyle's P.O.V"I already got the needed documents. I'll be heading home after I send it to my father. Thank you for the heads up." Pakikipag-usap ko sa kabilang linya bago ko ibaba ang call. Iniikot ko ang swindle chair paharap sa window wall para tingnan ang mga nagkikislapang liwanag mula sa mga malalaking gusali sa labas. "Mapapaaga 'yung uwi ko, ah?" Bulong ko sa sarili ko.Paismid akong ngumiti bago ko isuksok sa tainga ko ang earphone. "See you soon," Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpamulsa palapit sa window wall para makita ko pa ang view. "Eclair."Eclair's P.O.VNakasalong baba lang akong nakatingin sa malayo habang nagpe-prepare ng mga pagkain sa lamesa para kay Papa. Hindi ko inaasahan na okay lang pala talaga sa kanila nandito siya. Ako lang siguro 'yung nag-iisip na hindi.Nandito lang din ako sa dining table, kaharap si Papa. Da't nga aalis na ako, eh! May pasok pa kaya ako. Kaya bakit nandito pa 'ko?Pero sabagay wala naman kaming klase sa umaga kaya okay lan
Page 56Riko's P.O.VSa isang beer house. Tumambay kami ni Emma para maka-catch up sa mga araw na hindi kami nag-usap. Sa una, hindi ko rin talaga alam kung ano 'yung pwede kong sabihin dahil nahihiya nga ako bigla. Parang bumaba 'yung confidence ko sa sarili ko dahil habang tumatagal, alam ko marami rin talagang nanliligaw kay Emma.Mga mayayaman pa, ta's malalaki pa ang posisyon sa kabilang department.Nagsimula iyon noong dumadalas na iyong pag ngiti ni Emma, at alam na rin niya kung paano makipag-usap nang maayos sa iba.Sinalinan ako ng beer ni Emma sa isang baso ko. "So what's the deal? Bakit biglaan 'yung pag-iwas mo sa akin?" Diretsahang tanong niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Siyempre, halata namang umiiwas din talaga ako sa kanya. "May nagawa ba akong masama sa'yo na hindi ko alam dahil hindi mo sinasabi?" Dagdag tanong pa niya pagkapatong niya ng bote ng beer sa gilid.Wala pa rin akong imik na nakatingin sa baba. Hindi alam kung ano ang tamang salita ang dapat
Page 58 Eclair’s P.O.V Mabilis niyang sinunggaban si Vince at sinapak ito. Pabagsak na napaupo si Vince sa simento na kaagad ding pinatungan ni Richard para pagsunod sunurin ang bawat pagsuntok. “Richard!” Malakas kong tawag sa kanya at balak sana siyang alisin kay Vince nang tumalsik din ito dahil sa pagsipa sa kanya ni Vince sa sikmura. Nagulat pa ‘ko ng ilang segundo bago ko naman lapitan si Vince. “Vince, huw--” Nang makahawak ako sa braso niya para pigilan siya ay tiningnan niya ako at nginitian. “Don’t worry, I’m chill.” He says, assuring me that he won’t do anything. Ibinalik niya ang tingin kay Richard na hawak-hawak ang sikmura niyang tumatayo. “Bastard.” Unang lumabas sa bibig ni Richard bago siya tuluyang makatayo. “Ano’ng ginagawa mo, huh?!” Singhal niya. Wala akong imik na nakatingin kay Richard pero pumaabante si Vince upang harapin ang kaibigan namin. “I didn’t expect you to be here. I thought you went to your cous--” “Huwag mong ibahin ‘yung usapan, Vincent!”
Page 58 Eclair's P.O.V Tulala akong nakatingin ngayon sa taong bumalabog sa umaga ko. Alas otso ng umaga at wala rin talaga akong pasok pero heto’t nandito silang apat. Gusto ko sanang magulat dahil sandali lang kami nagkita kahapon ni Kyle at may mga tanong ako pero for some reason, hindi ko magawa dahil nandito rin ‘yung tatlo. May mga kanya kanya silang dala na pagkain o kung ano man, ni wala akong ideya kung ano ang mayroon at nandito sila. Ibinaba ko ang tingin doon bago ko ibalik sa mga mukha nila. May isang matamis na nakangiti (Vince) Sakto lang ang ngiti (Kyle) Nakanguso (Arvin) At simangot na nakaiwas ang tingin (Richard) Nagbuga ako nang hininga. Gumising ako ng umaga at napagtantong kailangan kong makipag deal sa mga engot na ‘to. “Oh, dami mo kaagad bisita sa umaga, ah?” Bungad ni Ate Ericka na papaalis na para pumunta sa trabaho niya. Binati siya nung apat na binati rin pabalik ng kapatid ko bago siya umalis. “Kung gusto n’yong ligawan kapatid ko, dapat malam
Page 59Eclair's P.O.V One Week Later..."Huh? Seryoso ba kayo na ito 'yung susuotin ko? Mukha namang..." I paused.Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyan na nagtititingin ng puwedeng suotin."Namang...?" parehong tanong ni Orange at YuukiTiningnan ko ulit ang long dress na 'yon. "Ergh, masyadng... Basta! Huwag na lang kaya akong sumama sa party na 'yan? Hindi naman ako bagay sa ganoon." At magwo-walk out na ako nang hawakan nilang dalawa ang braso ko."Hep! Saan punta mo miss?" Tanong ni Yuuki na ngayon ay nakahalukipkip.Inipit naman ni Orange ang hibla ng buhok niyang biglang bumaba.Nilingon ko si Yuuki. "Hindi ako pupunta kung ayan lang din naman ang susuotin ko!" pagmamatigas ko na parang bata habang tinutukoy 'yung itim na long dress. Maganda siya, sobrang ganda na pati ako manghihinayang kung ako lang ang magsusuot. Masyado rin siyang sosyal, at ibig sabihin niyon mas babagay lang sa mga high heels. At ayoko nang magsuot ng ganoon! Masakit sa paa!Seryoso. Sa susunod na mabub