Page 35
Eclair's P.O.V Sinalinan ako ng Vodka ni Arvin sa wine glass na walang laman. Nakaupo kaming pareho sa stoool dito sa bar table. Hindi kami sa BlackCente pumunta at dito kami sa bar na hindi raw alam nila Vince. Pero hindi naman kami lumayo, in fact malapit nga lang din ‘to sas main city. “Himala, hindi mo ‘ko pinipigilang uminum ngayon?” Tanong ko sa kanya kasabay ang pagkuha ko ng wine glass. Iniikot-ikot ko ang laman niyon nang hindi inaalis ang tingin. “Hindi naman malakas ‘yan,” Tukoy ni Arvin sa Vodka ko. “…kaya vodka ka lang tutal girls’ drink lang naman ‘yan. Tsaka malalagot ako sa kapatid mo kung iuuwi kitang lasing.” Dagdag pa niya at uminum sa alak niya. Labas sa ilong lPage 36Eclair's P.O.V Napamulat ako sa lugar na ‘di ako familiar. Blanko lang siya pero hindi ko pinagtuunan masyado. Umupo ako mula sa pagkakahiga tsaka ko naramdaman ang pagtulo ng single drop sa mismo ring tubig-- mukhang iyon ang tinatawag na consciousness ng isang tao. Iginala ko ang tingin sa paligid, wala pa rin akong nakikita. Blanko pa rin kaya nagtaka ako lalo. Tumayo ako at tumingin sa kaliwa’t kanan. “N-Nasaan ako?” Tanong ko sa sarili ko at napalingon nang makarinig ako ng kaluskos. May salamin na nagpakita kaya dahan-dahan akong lumapit doon. Only to see myself wearing an elegant dress. ‘Yung buhaghag kong buhok ay mas naging maayos at ang mukha ko ay may kolorete. Hindi ganoon ka-dark, tama lang. Sa sobrang pagka surpresa ko sa mukha ko. Umabante pa ako lalo para sana hawakan ang na sa salamin. Malapit ko nang maabot n
Page 37Erick’s P.O.V Naging kaklase ko sa isang subject si Britney nung first semester ng 2ndyear pero hindi kami ‘yung madalas na nagkakausap-- o hindi talaga kami nag-uusap. Totoong madalas ko nga siyang nakikitang may kasamang iba’t ibang lalaki na pati ‘yung mga tropa ko ay pinag-uusapan siya samantalang nakikinig lamang ako at hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ‘yong isyu. Nandoon kasi ‘yung kaisipan ko na kung ano ‘yung ginagawa ng isang tao para sarili nila, desisyon nila. Kaya wala talaga ako masyadong pakielam sa nangyayaring chismis sa paligid dahil hindi naman na ‘yan maiiwasan. At para namang may magagawa ka kapag nalaman mo ‘yung problema nila. Kaya maigi kung huwag ka ng makisabay. …dahil wala ka rin naman talagang alam kung ano nangyayari ro’n sa tao. “May iba nanamang kasam
Page 38Eclair’s P.O.V Sabay na kaming pumasok nila Ate Elsie at Kuya Erick sa Hojas University dahil nga sa napag-usapa namin ‘yung isyu at okay na rin naman. At bilang usual naman na pangyayari sa pang araw-araw, heto nanaman ako’t napapaligiran ng mga baliw. Sa kaliwa, may tumatawang mag-isa, iyong isa naman habang na biyahe puro pa-make up na pati ‘yung buhok niya nahahampas sa pagmumumkha ko. Inis ko ngang inalis. Makalipas ang ilang minuto nang makarating na nga kami. Humiwalay kaagad ako dahil iba ‘yung classroom na gagamitin ni Ate Elsie ngayon habang sa covered court naman ang diretsyo ni Kuya Erick. Sa paglalakad ko. Animo’y normal lang, pero habang tumatagal na papasok ako sa building namin ay napapansin ko ang paglayo ng ibang estudyante sa akin kaya napakuno
Page 39Yuuki's P.O.V Hindi makapaniwala kung tingnan ko ‘yung mga litrato na nakapaskil doon sa bulletin board. Pareho kaming natulala ni Orange noong dali-dali siyang nag martsa palapit doon para alisin iyon at punit-punitin. She also crumpled it and put it in her pocket. Nanatili lang akong nakatayo nang magsalubong ang kilay kong tiningnan ang mga estudyante nanonood lang. “Who did it?” Tanong ko at tukoy sa mga litratong nakapaskil doon kanina sa bulletin board. Walang nagsalita o sumagot sa naging tanong ko. Ngunit makikita rin sa kanilang mukha na nag-aalanganin sila kaya malalaman mo rin na may alam sila sa nagdikit ng litrato nila Eclair. Lumapit ako kung nasaan si Orange nang hindi inaalis ang masamang tingin sa mga estudyante. “Let’s go.” Aya ko sa kaibigan ko pero hindi siya sumunod at magkadiki
Page 40: Orange’s P.O.V Narating na nga namin ang classroom para sana puntahan si Eclair subalit ang inabutan lamang namin ay ang mga kaguluhan ng mga blockmates namin tungkol sa nakita nilang litrato ni Arvin at Eclair sa ibaba. “Hoy, Arvin! Ano’ng ibig sabihin ng litrato sa baba?!” “Hindi ba’t kayo ni Yuuki?!” Pareho kaming nakanganga ni Yuuki dahil sa kaguluhan at parehong napaatras nang mapansin kami nung iba. “Nandito na si Yuuki!” “Girl! Break na ba kayo?”Sunod-sunod na tanong nila sa kaibigan ko na hindi ko magawang imikan kaagad. Napatingin lamang ako kay Arvin na nakatungo lamang at walang sinasabi na kahit na ano. Samantalang inis lamang na nakatingin si Richar sa mga blockmates namin. “Ano ba ‘yan, Arvin. Mas pipiliin mo
Page 41 Orange’s P.O.V “I never agreed to let in someone who just wants to slack off.” “What did you say?!” Walang gana lamang akong nakatingin kay Arvin at Yuuki na nagtatalo sa harapan ko. Nagkaroon kami ng group activities at nagkataong magkaka grupo kaming tatlo. Si Richard napunta sa kabila. Nandito kami ngayon sa bakanteng classroom dahil pinagbigyan kami nung professor namin na gawin ang activities kahit hindi sa mismong classroom na ginagamit namin. “Rock! Paper! Scissor!” Sabay baba ng scissor ni Arvin samantalang bato naman ‘yung kay Yuuki. Sumandal si Yuuki sa kanyang upuan at ipinag krus ang mga hita. “Tutal, wala ka pa namang nagagawa sa grupo, ano pa’ng hinihintay mo? Paypayan mo ‘ko.” “Hoy, babae. Sumusobra
Page 42 Eclair’s P.O.V Konsensiya. Iyon ang nangingibabaw na nararamdaman ko ngayon habang yakap-yakap ang unan ko’t nakatagilid na nakahiga, patay patay ang ilaw. Minsan talaga kapag may bumabagabag sa ‘yo, parang napaka kumportable ng dilim, ano? Tipong ayaw mo ng liwanag, at ayaw mo rin ng maingay. Gusto mo lang ‘yung tahimik para nakakapag-isip isip ka. Bumuntong-hininga ako nang maisip ko ‘yung sinabi ko kay Arvin kanina. Hindi naman talaga dapat ako makonsensiya kasi totoo naman din ‘yung sinabi ko na wala siyang alam sa kung ano talaga ‘yung nararamdaman ko. Ang daling sabihin kasi wala siyang ideya. Kaso heto ako’t hindi magawang matanggal ‘yung konsensiyang nararamdaman. Kasi alam ko rin sa sarili ko na hindi ko rin siya masisi for not
Page 43 Eclair’s P.O.V Tunog ng marker lang ang naririnig namin sa tahimik na silid-aralan gayun din ang ingay na nagmumula sa aircon. Huwebes (Thursday) at half day lang kami. ‘Yong nangyari nung nakaraan ay tila parang hindi nangyari dahil hindi na nila ako binibigyan ng mapanghusgang tingin at wala naman na akong naririnig na kahit na anong chismis pa tungkol sa akin. Kaya hindi ko na masyadong iniisip. Ibinaba na nung professor ‘yung kamay niya pagkatapos niyang tuldokan ang huling linya ng kanyang isinulat. “Prepare for a summative exam this Saturday.” Pagkasabi pa lang niya iyon ay nag react na ang klase habang nakasalong-baba lamang akong nakatingin sa harapan at bumuntong-hininga. Summative Exam, eh. Inurong ni Yuuki ang upuan niya sa akin. “May