Pa isa-isa lang muna update. Babawi na lang sa ibang araw. Salamat sa mga bagong nag-subscribe. Salamat din sa mga laging nabibigay ng gems.
Mapakla akong tumawa, habang hindi nilulubayan ng tingin ang mukha ni Onse. Humalukipkip din ako, sinisiguro ko na irita ang makikita niya sa mukha ko at hindi tuwa. At sa nakikita niya at inaakto ko ngayon ay lalo namang bumabakas ang lungkot sa mga mata niya. Ang expression niya, parang may buhat-buhat siyang mabigat na hindi na niya kayang pasanin. "Ano ngayon kung hiwalay na kayo, sir?" Walang pakialam kong sabi. Tinaasan ko rin siya siya ng isang kilay. Wala rin akong pakialam sa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Gusto ko pa nga sana siyang pagalitan. Gusto kong talakan siya. Sira-ulo kasi siya, pinagtaksilan na nga, tinanggap niya pa rin. Ngayon, anong napala niya?“Malungkot ka, Sir Onse? Kailangan mo na naman ng mahihingahan at ng masasabihan ng mga himutok mo sa buhay.” Yumuko siya at hindi sumagot. "Ginusto mong papasukin muli si Althea sa buhay mo, bahala kang lumutas sa problema mo. ‘Wag mo na akong idamay.”I turned to leave, but he quickly stepped in front of me a
ONSETinapunan ko ng matalim na tingin si Althea. "Akala ko ba magbabago ka na. Akala ko, hindi mo na naguguluhin si Daisy." Hindi ko na na-kontrol ang sarili at nasinghalan ko na siya na ikinapikit ng mga mata niya. “You promised you wouldn’t mess with Daisy again, Althea. Ano na naman itong ginawa mo?" dagdag ko, sabay lingon kay Daisy na malapit nang mawala sa paningin ko.Imbes na sumagot, sinubukan niyang kalasin ang kamay ko na maghigpit na humawak sa braso niya. “Onse, nasasaktan ako. Bitiwan mo na ako, please," pagmamakaawa niya. Tears welled in her eyes. Pero hindi maitago ng mga luha niya ang galit sa mga mata niya. Nandon’n din ang tingin na parang nagsasabi na siya ang biktima at si Daisy ang nanakit. Ganitong-ganito rin niya ako tingnan no’ng sumugod siya sa bahay ni Daisy. Napamura na lang ako ng tahimik. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi ko nakita ang ugaling pinapakita niya ngayon. Back then, ang tingin ko sa kanya perpekto, maganda, marunong rumespeto ano man ang e
Sa wakas tuluyan na rin akong nakalabas, hindi lang sa kwarto, kundi pati na rin sa buhay ni Althea. Heto nga, mga curious na tingin naman ang binabato sa akin ng mga taong nakarinig ng away namin ni Althea. Mga tingin nila, may bahid ng panghuhusga, pero mas nangibabaw ang pagkairita. Nakakaistorbo nga kasi ang mga sigaw ni Althea na hanggang ngayon ay um-echo pa rin sa hallway. Anong klase nga bang babae si Althea? Hindi niya ba naisip na nandito siya sa hospital, pero kung magwala siya ay parang nasa sariling pamamahay. Nahihiya man akong masalubong ang mga tingin ng lahat, I kept moving, determined to find Daisy. I needed to apologize to her for the mess Althea had dragged her into.Ang bilis kong narating ang emergency room, pero hindi ko makita si Daisy, kaya nagtanong na ako sa kasamahan niya, at ang sabi nga nito ay lumabas si Daisy. Sigurado raw na magpapahupa ng sama ng loob. I ran a hand through my hair, my frustration growing as I headed to the nurse’s lounge. But she w
Banayad na haplos sa pisngi ko ang gumising sa pagtulog ko. It was my sister, Charmaine. Her touch was filled with warmth and concern. Hinawakan ko rin at pisngi niya at nginitian ng matamis."Kuya Onse. Mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo ako. Alam mo ba ‘yon?" sabi niya. Boses niya, magkahalong inis at pag-aalala. “Ano ba ang pumasok sa utak mo at nagpabaya ka sa sarili?” Sunod-sunod na ang tanong niya na hindi ko alam kung alin ang unang sasagutin. Ibubuka ko pa lang kasi ang bibig ko, may tanong na naman siya. Ano raw ba ang nangyari? Kumusta na raw ang pakiramdam ko. Ang sabi raw kasi ng doctor ay dehydrated ako at hypertensive pa. Hindi ko naman kasi sinabi sa pamilya ko ang kondisyon ko. Ayaw kong mag-alala pa sila. At saka kaya ko naman ang sarili; hindi ko naman naisip na aabot sa ganito.“Kuya Onse, magpahinga ka naman. Isipin mo naman ang sarili mo. Hindi ka na po bumabata. ‘Wag puro trabaho. At saka ‘wag mong e-invest ang sarili sa taong walang kwenta…”Mapait ako
Matapos makatanggap ng magkasunod na sampal, saka lang na-realize ni Althea kung sino ang inataki niya. Ngayon ay umawang na ang labi at nanlalaki ang mga mata habang dinuduro ng kapatid ko na nanggagalaiti sa galit. Ngayon ko lang nakita ang kapatid ko na magalit ng ganito. Ang lakas ng sampal na tumama sa pisngi ni Althea. Iba pala talaga magalit ang mga taong mabait. Ang lambing din nitong kapatid ko at pino pa kumilos. Siya ‘yong tipong nagpaparaya lang at tatanggapin lang kung ano ang ibabato sa kanya, pero ngayon, ibang-iba siya.Si Althea naman, matapos ma-realize na si Charmaine pala ang inataki niya, biglang kumalma. Ang gulat na ekspresyon niya kanina, ngayon ay napalitan ng hiya. Ni ang hawakan ang pisngi niya na may bakas ng palad ni Charmaine ay hindi niya nagawa. Gumalaw lang ang labi nito na parang may gustong sabihin, but words never came out. She knew well enough that Charmaine had disliked her from the start and had repeatedly warned me not to trust Althea. Charmai
DAISYHindi ako maperme sa kinatatayuan ko. Maya’t maya rin ang pag-check ko sa oras. Kanina ko pa kasi hinihintay si Vincent dito sa lobby ng hospital. Nababagot pero nag-aalala rin ako. He had never been this late before. Mahigit isang oras na, since the time he promised to pick me up. I tried calling him, but hindi niya sinasagot ang tawag ko. I’d sent countless messages, too, but there was still no reply. Two days ago, he had dinner with his family. Ang saya-saya niya habang kinukwento sa akin, his mother and stepfather were finally treating him better. Ang saya ko for him. Nagpasalamat pa nga siya akin dahil nagdilang anghel daw ako. Kaya nga kami lalabas ngayon para e-celebrate ang magandang nangyayari sa buhay niya.Kaya lang medyo naiinis na ako. Nakakapagod maghintay sa taong hindi mo alam kung darating pa ba o hindi na. Ang excitement ko, napapalitan ng impatience. Napabuga na lang ako ng hangin habang mabagal na naglalakad papunta sa waiting area at pabagsak na umupo. My f
I was about to speak, sasagutin ang salitang sandaling nagpagulo ng utak ko, but the sound of a car pulling up interrupted me. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog na ‘yon, and there it was—Vincent’s car coming to a smooth stop just outside the hospital. Nginitian ko siya. I’m grateful for his impeccable timing, even though my emotions were a tangled mess. Maya maya ay nilingon ko naman si Onse. Sinalubong ang matiim nitong titig sa akin, as if he were bracing himself for what I was about to say. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. “Masaya po ako, Sir Onse,” sabi ko sa mahinahon na boses. At saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Na-surprise kasi sa reaction ko ngayon. Dapat kasi ay nag-uumapaw ang saya. Dapat ay excitement ang pinapakita ko, pero hindi ‘e, kalmadong-kalmado ako habang sinasalubong pa rin ang mga mata niya na walang kurap na tumitig sa akin. Ang titig niya, parang ako lang ang nakikita niya. Parang ako lang ang sentro ng mundo niya, at salita
It had been two weeks since Vincent left for Australia on a business trip with his mother. Sa labing apat na araw na ‘yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay, mag-worry, at mag-isip. Ganito ang nararamdaman ko dahil sa loob ng mga araw na ‘yon, he’d only called me four times. At sa apat na beses na iyon, our conversations had been brief, rushed, and ended with him falling asleep halfway through. Naiintindihan ko naman. Tinatanggap ko agad ang mga paliwanag at paghingi niya ng tawad na walang pag-alinlangan. Alam ko naman kasi na pagod siya, at he was busy. His schedule was packed with endless meetings. ‘Yon ang sabi niya, no’ng huling nag-usap kami. At saka, ‘yong time difference kasi, ang clocked out ko ay nine in the evening, past midnight na ‘yon sa Australia. Natural na makatulog talaga siya.Pero ngayon, ewan na. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang intindihin. Dapat ko pa bang tanggapin ng walang reklamo ang mga paliwanag niya na sa tingin ko ay mga excu
DaisyNangako ako na manatili sa bahay at hintayin lang ang pag-uwi ng asawa ko. But staying in the house was beginning to drive me crazy. It felt like I was a prisoner—a criminal too afraid to step outside for fear of being caught by the police.This is so frustrating. Wala naman kaming ginagawang masama, pero kami ang nagtatago. Kaya nag-decide ako pumunta sa firm para makita at makasama ang asawa ko.Siguro naman mag-aatubili na si Vincent or Althea na lumapit o gawan ako ng masama dahil sa mga kasama kong bodyguard. Feeling ko nga dinaig ko pa si Charmaine sa pagiging senyorita, kahit saan ako magpunta, may sumusunod na bodyguard. Bago kami tumuloy sa firm, we stopped at a restaurant that served home-cooked meals. Onse and I had been eating nothing but greasy food lately, so naisip ko na kailangan naman naming kumain ng masustansya. Heto na nga at kababalik lang ng bodyguard na inutusan kong bumili ng pagkain. Tinola, pinakbet, at atsara ang pinabili ko. Habang bumabyahe, hind
Sa kabila ng nangyaring tension kahapon, heto at tuloy pa rin kami sa pang araw-araw na gawain. Ang galit, takot, at pag-aalala, dala-dala ko pa rin, kahit nandito na ako sa trabaho. I had no choice; kailangan kong pumasok dahil sa kasong hinahawakan ko. Gusto ko na nga sanang isama na lang si Daisy, para lagi ko siyang nakikita at nababantayan. Kahit kasi nagdagdag ng bodyguard si Danreve, hindi pa rin ako mapanatag. Ngayon nga ay kaharap ko ang maraming files, pero utak ko naman si Daisy ang laman. Kinukumbense ko na lang ang sarili na walang mangyayaring masama sa asawa ko. Mababantayan siya ng mabuti ng mga bodyguard. At saka nangako nga siya na hindi na muna lalabas. Maging ang kapatid ko ay hindi ko muna pinayagan na pumunta sa bahay. Ayaw kong madamay siya sa gulo. Ang dami-dami na niyang pinagdaanan, ayaw kong dagdagan pa iyon. Hindi nga lang kasi si Althea at Vincent ang gumugulo sa amin ni Daisy. May mas demonyo pa kay sa kanila—si governor. Bukas na nga ang verdict sa ka
The headlights bore down on me like a beast. I froze as I processed what was happening. Hindi ako pwedeng magkamali, kotse ni Vincent ang humaharurot at pinupuntariya ako. Naikuyom ko ang kamao ko, nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Puso ko ang lakas na rin ng kabog sa puntong naririnig ko na ang tïbok. Utak ko nagsasabi na tinatakot lang ako ni Vincent, gumaganti lang siya sa ginawa ko kanina, pero habang papalapit ang kotse, na-realize ko na hindi niya intensyon na takutin ako. Layunin niya talaga na sagasaan ako, tuloy-tuloy kasi ang mabilis nitong pagpapatakbo.“Damn it!” I growled, adrenaline surging. Agad-agad akong tumalon sa bukas na kanal na nasa likuran ko. Mabuti na lang at walang lamang tubig ang kanal, pero marami namang basura. Tumama pa ang siko ko sa magaspang na semento na ikinadaing ko, pero agad ring akong tumahimik.Rinig na rinig ko kasi ang tunog ng gulong ng kotse na naglikha ng ingay–ang sakit sa tainga dahil sa biglaang paghinto, at ngayon ay tunog naman n
Bago matapos ang taon, gusto kong magpasalamat sa lahat na bumabasa at sumusuporta sa mga akda ko. Bukas na po ako mag-update. Happy New Year sa ating lahat.
Hindi mawala ang tingin ko kay Daisy na natutulog sa tabi ko. Dapat ay masaya kami ngayon. Hindi ganito na kahit tulog na siya ay bakas pa rin ang tension sa mukha niya. Nakakagalit. Nasira na naman ang mga plano ko dahil sa mga taong walang magawa sa buhay na gusto kaming sirain. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko sa surveillance camera—ang biglaang pagyakap ni Vincent, ang pagdikit ng mukha niya sa leeg ni Daisy, ang pagtatalo nila, lahat ng ‘yon ay nagpakukulo ng dugo ko. Nakuyom ko na naman ang kamao ko; hindi ko pa mapigil ang mapatiim bagang. Awang-awa ako sa asawa ko. Vincent made her cry, and for that, I couldn’t forgive him. Kahit pa sabihin na nakaganti ng siko at sampal si Daisy, hindi pa rin ‘yon sapat na kabayaran sa sakit at takot na idinulot niya sa asawa ko. Pigil akong bumuga ng hangin. Mahimbing na nga ang tulog ni Daisy, pero ako, hindi makatulog, hindi ako mapanatag. Dibdib ko nag-aalburoto pa rin. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Hindi ko
Wala sa sariling pinulot ko ang mga larawan, tulalang pumasok sa kotse, at nanghihinang sinara ang pinto. Dumagdag pa sa panghihina ko ang nang-aasar na tawa ni Althea. Gusto ko siyang singalan, gustong kong tumahimik siya, pero para kasing nawalan ako ng lakas na harapin siya. Sa manibela ko binuhos ang galit ko, ang sakit na nararamdaman ko, mahigpit ko iyong hinawakan sa puntong bumakat na lahat ng ugat ko sa kamay, at halos lumuwa na ang mga buto sa kamay ko. Gusto na rin sanang makalayo na. Ayaw ko nang makita ang mapangkutyang mukha ni Althea, but I couldn’t bring myself to start the engine. Instead, I stared at the pictures again. Sa larawan, parang ang lambing nila. Yakap ng lalaki si Daisy sa likuran. Para na namang mapugto ang hininga ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata saka paulit-ulit na umiling-iling. Hindi ‘to magagawa ni Daisy—my Daisy, wouldn’t do something like this. ‘Yon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili, pero ‘yong doubt, hindi basta-basta mawawala.
ONSEAng ganda na naman ng araw ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Lahat nakikiayon sa sayang nararamdaman ko. Pagpasok ko palang sa firm ay mga ngiti na ng mga kasamahan ko ang bumungad sa akin.Simula nang maipanalo ko ang high-profile r*pe case against the governor’s son, dumagsa pa ang maraming kleyente sa firm, may mga pumasok na bagong investors at dumami rin ang mga benefactor sa mga charity institution na sinusuportahan ng aming firm.Pero ang nagpapasaya lalo ng araw ko ay balitang pinakahihintay ko—Althea’s disbarment had finally been approved.‘Yong satisfaction na nararamdaman ko, hindi ko ma-explain. Pumipintig-pintig ang puso ko na para bang umindak sa tuwa. Hindi na muling makakaapak si Althea s courtroom bilang isang lawyer. Noon, ako ang tumulong sa kanya, ma reduce lang ang araw ng supension niya, pero sa huli ako rin pala ang nagpapaalis sa kanya sa pagiging abogado. Malinaw pa sa alaala ko ang rason ng supension niya. A client’s wife had filed a complaint, acc
Kanina pa habang nag-uusap kami ni Onse, ramdam ko na parang may mga matang nakatanaw sa amin, pero dahil nasa kalsada nga kami, may mga taong dumadaan, may mga kapitbahay na alam kong humahaba ang mga leeg masipat lang kung ano ang ginagawa namin ni Onse, isinawalang-bahala ko ang nararamdaman ko. Kinukumbinsi ang sarili na dahil lang sa mga nangyari sa amin ni Onse nitong mga nakaraan kaya ganito ang nararamdaman ko. But…the sudden embrace happened. Gulat na gulat ako, pero alerto namang kumilos ang katawan ko. Siniko ko ng malakas ang lapastangan na yumakap sa akin, at agad akong lumingon sa namimilipit na lalaki–si Vincent. Kapa nito ang sikmura na siniko ko habang ang mga mata ay walang kurap na tumitig sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang bang anumang oras ay sasabog na. Mas tumindi pa ang kabang nararamdaman ko habang nakatingin kay Vincent, hindi kasi sakit ang nakikita ko sa mukha niya—galit. Nag-aapoy ang mga mata niya na nagpaatras sa akin at nagpanga
Daisy Matamis na ngiti ng gwapo kong asawa ang bumungad sa akin pagmulat ko. Patagilid siyang nakahiga at nakatukod ang siko, titig sa mukha ko. “Good morning, my beautiful wife,” sabi nito. Ang lambing ng boses niya na nagpapagalaw naman sa mga insekto ko sa tiyan. Bago pa man ako makapagsalita, he leaned down and kissed me on the lips. Nakagat ko ang labi ko. Nahiya ako. Kagigising ko pa nga lang. I tried to cover my face with my hands, but he chuckled, pulling my hands away gently. “Why are you hiding?” Kagat-kagat naman niya ang pang-ibabang labi, at ang mata ay nagpalipat-lipat sa mga mata ko at sa labi. “Don’t tell me, matapos ng nangyari sa atin kagabi, nahiya ka pa…” Muli niyang inilapit ang mukha sa akin. Hindi ko na hiyaan na lumapat na naman ng labi niya sa akin. Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya. Hoping na hindi niya makita ang namumula kong mukha. Hindi nga niya nakita ang mukha ko, pero niyakap naman ako ng mahigpit, at ngayon ay hinalik-halikan na ang tukto