Mirabella's POV"Wife?! What are you talking about Miguel?!" galit kong tanong dahil sa huling sinabi nito. Tumango ito at lumapit ulit sa akin."You heard it right Mirabella, asawa na kita. Kaya kalimutan mo na ang lalaking iyon dahil oras na malaman kong makikipagkita ka pa sa kanya, you'll know what I am capable of!" matigas nitong sabi na hinawakan ng mahigpit ang braso ko."Tumigil ka Miguel! Hindi ako kailanman magiging asawa mo--"You are now my wife Mirabella kaya sundin mo nalang ako--" mahigpit nitong sabi pero naputol ang sasabihin pa nito dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito at iniumang ito sa kanyang tainga habang hindi niya inihihiwalay ang kanyang tingin sa akin."Speak." saad nito. Kumunot noo ito habang nakikinig. Nakita kong gumalaw ang panga nito at ikinuyom ang kanyang palad."I'm on my way." sabi nito at dali daling lumakad papunta sa pinto. Pero bigla din itong tumigil at bumalik saka hinila na ang kamay ko. Nagtataka akong sumunod dito. Nang m
Mirabella's POV"Struve..." itong luha ko, hindi na paawat na naglaglagan ng magkaroon kami ng minutong magkasarilinan. Tumitig siya sa akin, namumuo din ang luha sa kanyang mga mata. Para akong bumabalik sa kabataan namin kung saan umiiyak ako sa harap niya at nagbabahagi ng mga sakit sa aking dibdib, pagkatapos ay yayakapin niya ako ensuring me that everything will be ok. Gusto ko siyang hawakan, ngunit parang may pumipigil sa akin na gawin iyon. Napapikit ako dahil gusto kong siguraduhin sa sarili ko na hindi ito isa sa mga panaginip ko."Kumusta ka na Bella?" seryosong saad nito at parang katulad ko, wala ng pakiramdam dahil hindi na ito makikita sa gwapo nitong mukha ang mga ngiting nagpapagaan sa aking loob noon. He reached for my hand. Nang magtama ang aming mata, I saw sadness, anger and guilt. Nakita kong may nalaglag na luha sa kanyang pisngi."You...left me...you left me Struve....oh God!" hinila na niya ako para mayakap ng mahigpit. Iyong hagulgul ko, hindi ko na pinigilan
Mirabella's POV"Can we talk?" Talagang sinadya ko si Miguel sa library kung saan ito dumiretso pagkarating namin sa mansiyon. Nakaupo ito sa swivel chair nito na parang ang lalim ng kanyang iniisip ng madatnan ko. Kumunot noo itong tumingin sa akin at nararamdaman ko na hindi niya ako gustong makita ngayon. Mula pa kaninang lumulan ako sa sasakyan pagkatapos kong magpaalam kay Struve ay hindi na ito kumibo. Ni lingunin ako ay hindi niya ginawa, bagkus, madilim na madilim ang mukha nito."Not this time Mirabella. It's late, go back to your room" malamig nitong turan na nagsimulang magkalikot sa mga papeles na nasa harapan nito. Humakbang ako papalapit dito, hindi ko pinansin ang kanyang sinabi."Why are you keep on insisting to everyone that I am your wife Miguel?" galit kong saad. Napatigil ito sa ginagawa, kapagkunwa'y tumingin ulit sa akin. Sumandig siya sa kanyang upuan at humalukipkip, still madilim ang mukha nito."Why Mirabella, are you scared that Struve would find out you're
Mirabella's POV"You're impossible Mr. Mijares. Pero kahit na anong sasabihin mo, hindi ako natatakot sa kahit ano pa mang gagawin mo!" matapang kong sagot at walang lingong likod akong lumakad patungo sa hagdanan. Nasa kalagitnaan na ako ng tumatakbong sumabay sa akin si Sam na umiiyak."Mommy, please, huwag ka ng umalis please." gusto kong maawa sa batang ito pero naging bato na yata ang puso ko. Napapagod na ako na magpahalaga sa tao na sa bandang huli ay lolokohin din parin ako."Samantha. listen. I am not your mom. Hayaan mong ang daddy mo ang pipili ng babaing magiging ina mo--at hindi ako iyon." malamig kong saad. Nang makababa ako ay tuloy tuloy ako sa labas papunta sa garahe, narito parin ang sasakyan ko ngunit hind na iyon ang mahalaga, gusto ko ng makalabas sa tahanan ni Miguel dahil naghihintay sa akin si Struve sa labas. Nasa gate na ako ng pigilan ako ng mga tauhan ni Miguel."Paraanin niyo ako. May karapatan akong umalis sa pamamahay na ito dahil hindi na ako nagtatraba
Mirabella's POV"Mr Schmid?! What do you want from me? Why am I here?" kahit may naramdaman akong takot para dito nagawa ko paring magsalita. Hindi ako makapaniwalang ang pinagkakatiwalaan ni Miguel na kasosyo niya sa business ang siyang dumukot sa akin? Pero bakit? Hindi ito nagsalita, bagkus ay sinenyasan ang kasama niya kanina na lumabas na. Umupo ito sa tabi ko ng makalabas na ang kasama. Napakunot noo ako ng haplusin niya ang pisngi ko."Bella..." halos hindi ko na marinig ang boses nito dahil ng tumingin ako sa kanyang mga mata, namumula na ito na parang pinipigilan lamang nito ang kanyang damdamin."Mr. Schmid--let me go, I don't know you---"I've been longing this to happen--my whole life had been praying that this day would come, having you here with me Bella" halata sa boses nito na hindi nito masiyado gamay ang mag English dahil sa accent nito na Swiss. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Napamulagat ako ng ipatong niya sa isang kamay ko ang isang pamilyar na kwintas. Nap
Mirabella's POV"Wie gaats dir? (how are you)?"" nakangiting mukha ni Struve ang sumalubong sa akin pagbukas ng pinto. Kunot noo akong napatitig dito, may tudyo ang kanyang mga ngiti sa akin. Napatayo ako dahil sa hindi ako makapaniwalang kapatid ko ito. Nang makalapit siya sa akin, ay agad niya akong hinila para mayakap ng mahigpit."lch vermisse dich, Schwester (i miss you sister)" bulong nito na hinagod pa ang aking likod. Kahit hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nito, hindi ko na pinigilan ang mga luhang gusto ng pumatak kanina pa. Umiling iling ako dahil sa mga sunod sunod na revelations tungkol sa akin, sa amin ni Struve. Kumalas siya sa akin at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Ngumiti ito."Crybaby, tsk!" tumatawang sabi nito. Sinuntok suntok ko ang kanyang dibdib habang umiiyak. Gusto kong magalit dito ng lubusan dahil sa pinaglihiman niya ako at ang hindi niya pagtupad sa kanyang pangako na babalikan niya ako noong umalis siya sa mansion."You deceived me." hum
Miguel's POVDear Diary,Last night was a nightmare! After my shift at the hotel, my sister Cleofe invited me to meet her at the hotel's bar. I was so happy because it was the very first time that my sister initiated the bonding between us. She was so sweet at me, telling me to relax while offering me a drink. Dahil sa kagustuhan kong maging ok kami, pinagbigyan ko siya. Hindi pa ako nakadalawang baso, nahilo na ako. Sabi ko sa aking isipan, this perhaps the result kapag first time mong uminom. Honestly, I never had alcohol in my whole life dahil mula pagkabata, nasa loob lang ako ng bahay. Nagpaalam siya sa akin na may kakausapin na kaibigan, then I was about to pass out after a while. I gathered myself para pumunta sa comfort room para mahimasmasan ako dahil init na init ang pakiramdam ko. Nang lumabas ako sa comfort room, may isang taong humawak sa aking kamay, blurry ang mukha nito dahil sa nahihilo na ako. Naramdaman ko nalang na inaalalayan niya ako hanggang marating namin ang p
Miguel's POVNang titigan ko ang kabuuan ni Mirabella na nakahilata sa kama, rumagasa ang pagnanasa kong maangkin siya ng lubusan. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ko ito ng masuyo. Narinig ko na naman ang ungol nito na mas lalong nagpa init sa aking katawan. Inilapit ko ang aking mukha dito para mahalikan ang kanyang labi pero hindi pa ako nakakalapit bigla nalang niya akong sinunggaban at hinalikan ako. Napamulagat ako sa kanyang ginawa pero napangiti ako sa loob loob ko dahil halatang hindi ito marunong humalik."Let me baby..." bulong ko dito nang humiwalay ang labi niya para lumanghap ng hangin. Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi kaya iyon na ang naging hudyat ko para kumusin ito ng halik. Para akong asong ulol na sabik na sabik dito. Sa dalawang araw lamang na nakita ko siya, parang hawak na niya ang buong pagkatao ko, ang temperatura ng katawan ko. Pinaglakbay ko ang aking mga kamay sa kanyang katawan kasabay ng paglakbay ng aking labi mula sa kanyang mukha p
Mirabella's POVLife must go on, and so I am—or am I convincing myself? I don't know, after my encounter again with Miguel and set things straight for us, noong una, there was still fear in me. Paano kung hindi pa tapos ang lahat? Paano kung may naghihintay na naman na life-threatening situation na kakaharapin niya dahil sa akin? Hindi kakayanin ng konsensiya ko because my heart ached for him and Sam. Ayaw ko ng makompromisiyo ang tahimik na nilang buhay. Hindi malayong mangyari ang mga kinatatakutan ko dahil sa kinabibilangan kong pamilya--hindi mo alam kung sino ang kaaway mo o di kaya magkakaroon at magkakaroon ka talaga ng mga kaaway. And I don't want to pull Miguel into this thing again. Ngunit, papaano pa ulit ako aalis sa tabi nito kung bumigay na ako ng lubusan sa kanyang mga yakap at halik? We made love again and again last night, at aaminin ko, in that moment, everything fell into place. The uncertainty, the years apart, the pain—all of it had led me back to him. What we had
Miguel's POVHabang pinagmamasadan ko ang kanyang maamong mukha sa aking bisig, I can't help but smile. Para akong nabunutan ng mabigat na semento na nakakabit sa aking dibdib habang nakayakap ako kay Mirabella. She's peacefully sleeping in my arms. Hindi ko na ito pinakawalan pa mula pa kagabi ng mag usap kami. I don't want to lose her again at gusto kong masiguro na malinaw sa amin ang lahat bago ko iuwi sa Pilipinas. I won't go back unless hindi siya kasama. Isa na lang ang problema ko, it's Mr. Schmid and that billion-dollar contract with him. Nang tumawag ito, he insisted that I will meet his daughter. I know those tricks from businessmen, it's the first step towards arranged marriage. Napailing ako, I can't afford to lose Mirabella again, at ayaw ko na siyang masaktan pa, she had gone through a lot and that idea of meeting Mr. Schmid's daughter will hurt her. But hell no! I won't give in to Mr. Schmid even if he pulls out all his shares again and terminate the contract. I am rea
Mirabella's POV"Leave him and go back to me" halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang mga katagang binitiwan ni Miguel. Mataman niya akong tinititigan at iyon ang isa pang nakakapag palakas ng tibok ng aking puso. Mula pa kaninang makita kong kausap ni Struve, hindi na tumigil ang malakas na tambol ng dibdib ko. Seeing him in flesh after two years make me deeply grateful to God dahil sa nakaligtas ito sa bingit ng kamatayan ng iwanan ko siya. Alam ko sa kaibuturan ng aking puso, kahit gustong itakwil ng isip ko, mahal ko si Miguel at walang makapagpapabago iyon. Ngunit, hanggang doon na lamang, galit sa akin ang kanyang anak, at ayaw kung magkagulo silang mag ama dahil lang sa akin. Tama na ang mahalin ko siya ng ganito, walang ma compromise na mga damdamin."Mirabella---"Utang na loob Miguel, tumigil ka na. Iniwan na kita, please do me a favor--kalimutan na natin kung ano man ang mayroon tayo." mahina kong saad. Ngunit napamulagat ako ng hawakan niya ang pulsuhan k
Miguel's POV“Dad---when will you go home?” mukha ni Samantha na malungkot ang bumungad sa akin ng sagutin ko ang kanyang tawag via videocall. It’s been a week ng makarating ako dito sa Switzerland dahil sa pag aayos sa business ni Gayle na iniwan nito at ang expansion ng kompanya namin dito. Napatitig ako sa aking anak, two years ago, nagsimula na naman nitong i isolate ang kanyang sarili sa mga taong malapit dito, kahit sa mga kaibigan niya. Nang magising ako sa halos tatlong buwan na pagka comatose ko, she was on my side, hindi niya ako iniwan. Iyak ito ng iyak, she kept on saying sorry dahil sa nagawa niya kay Mirabella. Mag isang lingo na noon na nagising ako pero walang Mirabella na aking nakita whom I was expecting to be at my side. We were ok before na mangyari ang trahedyang iyon ngunit bigla na naman itong naglaho—bigla na namang malabo ang lahat sa amin and it really hurt me knowing na bumitaw na naman at tuluyan na akong iniwan.“I’ll be home after three days sweetheart. W
Mirabella's POVAfter two years..."Dad, this is ridiculous" nanggagalaiti akong pumasok sa opisina ni daddy habang hawak ko ang isang million-dollar project na pinirmahan nito with the Mijares Group of Companies. It's been two years when I cut my ties to them. Nang umalis kami ni Struve sa ospital kung saan galit na galit sa akin si Sam, we flew back here in Switzerland. Masakit man para sa akin na iwan si Miguel habang nasa bingit ng kamatayan, but it's the greatest thing I did, para sa peacefulness ng pamilya niya, para sa ikabubuti ng lahat. Tama lang na once and for all, kahit mahal na mahal ko siya, hindi ako ang para sa kanya. Life must go on to me, iyon naman ang gusto ko noon pa, ang mawala na ako sa buhay nila. My dad--I mean, ang amang kinalakhan ko, he died on that incident and his family was in run dahil sa dami ng mga kasong kanilang kinakaharap. Struve started to make things right sa mga iniwan sa akin ni Lolo Facundo, in fact, he's in and out of Switzerland para lang p
Mirabella's POV"Miguel, stay with me please, please..don't leave me please" halos hindi ko na alam kung nasaan ako sa mga oras na ito dahil nasa kay Miguel ang atensiyon mula pa kaninang binaril siya ni daddy hanggang sa dumating ang rescue, hindi ko alam kung sino ang tumawag. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan kanina, natulos ako, hindi dahil sa nakagapos ako kundi ng makita kong natumba ito at mas lalo akong napaiyak ng tumingin siya sa akin na parang may nais itong sabihin. My world shattered and slowed down, and all sound faded away as I saw him stumble, eyes wide with shock, and then—fall. In that moment, my heart seemed to shatter into a million pieces, each one echoing the sound of his body hitting the cold, unforgiving floor. A crimson stain began to spread across his shirt, dark and terrifyingly vivid, each second stretching out like an eternity as I watched. My breath hitched, paralyzed in disbelief, but my legs couldn't move before I could think. I tried to straggl
Miguel's POVHalos mawalan ulit ako ng ulirat ng may maramdaman akong tubig na sumaboy sa aking mukha. Nang imulat ko ang aking mga mata, dalawang lalaki na nakaitim ang nakaharap sa akin, hawak ang isang balde na siyang ginamit na lalagyan ng tubig na isinaboy sa akin. Nang tangkain kong gumalaw, na realized kong nakatali ang aking kamay at paa sa kinauupuan ko. Napapikit ako ng maalala ko ang nangyari, may pumalo sa likod ng ulo ko at si Mirabella--Mirabella?! nagpanic ang utak ko ng maalala kung kasama ko si Mirabella sa time na iyon. Nang iikot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko, nakita ko itong nasa sahig, wala paring malay, gaya ko, nakatali din ang mga kamay at paa habang nakabusal ang kanyang bibig. Damn! I felt like the world is spinning, yet I am rooted in place, unable to tear my eyes away from the person I loved so deeply, the one who is now running for her life. Every wince, every furrow of her brow while she's unconscious, made my chest tighten with an ache I could
Third POV"Mommy, I am scared....." ito ang saad ng batang paslit na si Mirabella habang yakap yakap ang ina sa loob ng isang madilim na silid. Agad hinaplos ni Tamara ang buhok ng anak habang pinupunasan niya ang luhang naglandas na sa sariling mukha. Hindi niya alam kung bakit napunta sila ng kanyang anak dito sa lugar na ito. Isang taon ang lumipas mula ng bumalik sila dito sa Pilipinas mula Switzerland kung saan naiwan ang isa pang anak niya at asawa sa kadahilanang hindi nila pagkakaintindihan. Nasa airport palang silang mag ina ng limang tao na ang sumundo sa kanila na nagpakilalang mga tauhan ng kanyang ama. Buong buhay ni Tamara, hindi niya nakilala ang ama dahil laging sinasabi noon ng kanyang ina na hindi na niya kailangang makilala ito dahil hindi siya nito kikilalanin, na magiging magulo lang ang buhay nila. Dahil doon, hindi na niya ipinilit ang kagustuhang kilala ang kanyang amang si Senior Fausto Castillo. Hindi dahil nawalan na siya ng pakialam dito, bagkus mas marami
Mirabella's POVHabang pababa ako sa eroplanong sinakyan ko mula Manila hanggang sa lugar kung saan ako lumaki, hindi ko mapigilang maramdaman ang takot at pangamba. Ngunit linakasan ko ang aking loob, ngayon ang araw ng pagkawala ng anak ko, kaya kailangan kong dalawin ito. Wala akong balak na magpakita sa kinalakhan kong pamilya, iisa lang ang pakay ko, ang libingan ng anak ko. Biglang sumikip ang dibdib ko, naalala ko ang huling pag uusap namin ni Miguel, pagkatapos niyang sabihin na kahit hindi ko na siya patawarin, ay lumabas na ako sa opisina nito. Hinayaan ko na ang aking mga abogado na makipag usap dito pero nanatiling matigas ito at hindi nakipag settle sa gusto kong mangyari. Tatlong araw na ang lumipas mula sa time na iyon bago ako nagpasyang dalawin ang anak ko bago ako babalik sa Switzerland."Are you sure, you will go there alone?" ito ang tanong sa akin ni Struve ng sabihin ko dito ang plano ko. Tumango ako habang nakaupo ako sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina.