Share

CHAPTER 1

Author: RaedPen
last update Last Updated: 2021-06-18 14:41:36

"Good morning ma'am may I have your order?"

Nag angat ako ng tingin sa waitress na bumalik na naman matapos ang ilang minuto.

"May hinihintay pa ako. Bigyan mo na lang ako ng tubig." Nalukot ang mukha niya at pilit na ngiti ang binigay sa akin.

"Right away ma'am."

"Tss. Napaka arte, hindi naman pantay ang kilay," Bulong bulong ko saka inayos ang coat.

Nasa loob ako ng isang exclusive restaurant dito sa Makati at naiinip na dahil sa tagal ng hinihintay ko.

"Sorry I'm late." May lumapag na bag sa harapan ko.

"Dumating ka pa? Ang sabi ko alas dos trenta, alas tres na Bingo. Alas tres na."

"Oh chill, wag ka ng ma high blood naka Balenciaga coat ka pa naman ngayon," He teased me.

"Nakakatawa? Nakakatawa? Kanina pa pabalik balik yung waiter kinukuha yung order ko."

"Dios ko naman Graciela, dala ko ba yung menu? Bakit hindi ka umorder?" Eksaheradong sabi niya.

Lalapitan ko na sana siya at sasakalin kung hindi ko lang naisip na nasa mamahaling lugar pala kami at bawal akong mag eskandalo. Kaya naman imbis na batukan ay inapakan ko na lang ang paa niya.

Lumobo ang pisngi niya, ininda ang biglaang sakit.

"May pera ako? Ha? May pera? Ipakain ko sayo itong kandila na'to eh."

Ngumiwi siya sa akin at tinanggal ang jacket niyang halatang bagong bili.

"May pa resto resto ka pa kasing nalalaman pwede naman sa karinderya ka kumain."

"Hindi nga ako kakain nasaan na ba yung pera?"

Lumapit ulit ang waitress na may dalang isang basong tubig. Plastic akong ngumiti sa kanya, bago binalik ng tingin kay Bingo.

"Eto na. Sabi nga pala ni Gabo dumaan ka raw sa kanya mamaya."

Inabot ko ang envelope na nilapag niya sa mesa at pasimpleng tiningnan ang laman.

"Ano namang gagawin ko sa kanya?"

"Hindi ko alam. Basta sabi niya dumaan ka raw eh, ilan ba nakuha mo kagabi?"

Ngumisi ako at binuklat na ang menu, at napangiwi ng makita ang mga presyo.

May ginto bang halo ang mga pagkain nila rito at ganito na lang ka mahal?

"Tatlo lang."

"Tatlo? Nasaan yung isa?"

"Wala kang pakialam pumili ka na lang ng kakainin mo."

"Babayaran mo?"

"May pera ka diba? Ikaw mag bayad."

"Bakit ako? Grace, mahiya ka naman. Hindi ko man lang natatandaan na nilibre mo ako sa buong buhay mo."

Umismid ako sa kanya. Kung titingnan mo siya hindi mo mahahalata na siya yung taong ipaglalaban ang isang libre.

Gwapo, may maganda at malalim na mga mata, may tamang kapal ng kilay at tangos ng ilong. Mukha nga siyang anak mayaman eh.

"Napakarami mo namang hinaing sa buhay pumili ka na lang pero wag lang yung kasing mahal ng bahay namin a’ dahil baka isangla kita sa bumbay."

He smiled at me while I rolled my eyes at him.

Nag order lang ako ng pasta habang steak naman ang sa kanya. Kahit kailan talaga napaka kapal ng mukha ng lalaking ito.

Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan tss.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami pauwi. Nanlalagkit na ako dahil sa init ng panahon.

Nakasuot na lang ako ng Maroon shirt at jeans, Samantalang si Bingo naman ay naka jacket pa rin at pormadong pormado pa.

"Akala ko may trabaho ka? Ano'ng nangyari?"

"Olats, nag tanggalan sa kompanya e’ ako yung natanggal."

"Matagal ka na ro'n a’, bakit daw ikaw ang tinanggal?"

"Hanggang first year college lang naman kasi ang natapos ko e’ hindi tulad ng mga katrabaho kong merong diploma."

"Hindi naman yata patas ‘yan. Dapat nag rason kang hindi naman diploma mo ang magtatrabaho."

'Yan ang hirap sa mga kompanya ngayon e’, naghahanap sila ng mga qualified sa trabaho pero kapag walang diploma hindi tinatanggap.

Naglalagay sila ng mga qualifications na kayang gawin ng kahit na high school graduate lang pero nag iiba ang sinulat kapag tinanong na tungkol sa estado ng edukasyong natapos.

Tapos kapag nakakita ng mga tambay sa kanto sasabihin nilang mag banat ng buto at 'wag lang aasa sa tulong ng gobyerno. Kalokohan, paano magtatrabaho kung wala ngang gustong tumanggap?

Kaya hindi mo rin naman masisisi yung mga taong pinipiling wala na lang gawin.

Dahil minsan, ginawa mo na ang lahat pero hindi pa rin talaga sapat.

"Tingin mo hindi ko ginawa 'yon? Mag hahanap na lang ulit ako ng ibang trabaho. O isama mo na lang kaya ako sa mga raket mo."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Luluha ka ng dugo bago kita payagan."

Dahil mangyari na ang lahat ng mangyari pero hindi ko siya ipapasok sa klase ng trabahong meron ako.

"Ate Grace!"

Nilingon ko ang matinis na boses na'yon at nakita ang kapatid ko.

"Seb! Anong- Bumaba ka nga riyan! Baba dali!" Sigaw ko na may kasamang pagturo.

Nasa itaas na naman kasi ng puno ang kapatid kong ubod ng bait. Nagmamadali siyang bumaba na muntik pang mahulog sa lupa kung hindi ko lang nasalo.

"Ate!" Kinakabahan niyang sigaw bago ako niyakap.

"Sabi ko sa'yo ‘wag kang umakyat diba? Ano na naman ba ang ginagawa mo sa taas niyan?"

"E’ kasi yung tsinelas ko hindi ko pa rin nakukuha e’ ayun o’ nakasabit." Tinuro niya sa akin ang tsinelas niyang nasa mataas at maliit na sanga.

"Hayaan mo na yung tsinelas mo Seb, may bagong binili ang Ate mo."

"Talaga Kuya Bingo?"

Tumalon siya galing sa pag kakarga ko at agad na sinilip ang laman ng mga paper bag na bitbit ni Bingo.

I sighed and smiled.

"Hala Ate! Sa akin na po 'to? Ang ganda ganda po." Tumatalon talon pa niyang sabi.

"At hindi lang yan! May mga bagong damit pa at laruan. Kaya ikaw, wag ka na ulit aakyat diyan a’ baka mahulog ka pa."

"Opo Kuya Bingo!"

Inabot sa akin ni Bingo ang mga paper bags.

"Sibat na ako Grace, susunduin ko pa si Nanay sa divisoria e’."

I glanced at my wristwatch, Alas kwatro na pala.

"Ingat ka."

"Hmm."

Lumiko na siya sa may kanto at ako naman ay nilingon ang kapatid ko na ngayon ay suot suot na ang tsinelas.

"Nasaan si Nanay?"

"Nasa bahay nagluluto."

"Tara na uwi na tayo."

"Sige sige."

Kinarga ko siya pagdating namin sa tulay na konti na lang ay bibigay na. Ang sangsang ng amoy ng estero ay naging parte na ng pang araw-araw naming buhay dito sa tondo.

Ang maalinsangan at hindi kaaya- ayang hangin, dikit dikit na bahay, sigawan ng mga magkakapitbahay, mga kalderong nag liliparan dahil sa nag aaway at na biktima na naman ng tsismis ni Aling Bebang at ang mga tambay na duling na dahil kagabi pa nag iinuman ay ilan lang sa mga patunay na nasa eskwater kami at wala sa palasyo.

"Grace lalo kang gumaganda ah."

"Lalo ka rin gumagaling mambola Miko."

"Grace naman." Kamot ulong sabi niya.

Ngumisi na lang ako bago umakyat sa two storey apartment kung saan kami nakatira.

"Nay, nandito na po kami."

"Nanay may bago po akong tsinelas at damit. Binili ni ate tingnan mo po oh ang ganda!"

Umupo ako sa luma naming sofa at tinanggal ang sapatos ko.

"Ay oo nga, ang ganda ganda naman niyan pero saan ka muna galing aber?"

Natawa ako ng mapanis ang ngiti ni Seb. Nag madali pa siyang punasan ang dungis niya sa pisngi at itinago ang maalikabok na kamay sa likuran niya.

"Umakyat ‘yan sa puno Nay, muntik ng mahulog buti na lang nasalo ko."

"Sebiala? Diba sabi ko wag kang aakyat sa matataas na lugar, huwag bababa ng tulay a-

"Huwag mag lalaro ng apoy o kuryente. Sorry na po." Ngumuso siya kay Nanay.

Dinadaan na naman sa pag pa pa cute ang kasalanan niya. Hay naku.

Umiling iling ako.

Syempre dahil mabait si Nanay ayun at umubra na naman ang pagiging inosente ni Seb.

"Mag punas ka na ng pawis mo at maligo."

"Hmm! Ano pong ulam?"

"Pritong manok."

"Sa akin yung balat Ah! Maliligo na ako ng mabilis." Tumakbo siya papasok sa kwarto siguro para kumuha ng twalya.

"Dahan dahan sa banyo a' baka madulas ka." Pahabol kong sigaw.

Nang maka pasok na siya sa banyo ay lumapit ako kay Nanay para iabot ang pera.

"Nay, pang gastos po."

Tiningnan niya ang hawak ko ng may malambot na ekspresyon.

"Salamat Anak, Pero baka naman pinapagod mo na ng husto ang sarili mo? Bakit ba kasi hindi mo sinasabi sa akin kung saan ka nagtatrabaho at ng mapadalhan kita ng pagkain?"

Ngumiti ako at niyakap siya sa likuran.

"Ayos lang ako Nay, wag mo ng pagurin ang sarili mo."

Huminga siya ng malalim bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Basta lagi kang mang iingat at huwag magpalipas ng gutom."

"Opo."

"Kung sana ay kaya ko pang mag trabaho hindi kana mahihirapan ng ganito."

"Naku! ayan ka na naman Nay eh, hindi naman po ako nahihirapan. Ano naman ang gagawin ko dito kung hindi ako magtatrabaho diba?"

"O siya, mag bihis ka na rin dahil kakain na tayo."

Tumango ako at dinala na ang mga gamit sa kwarto kong tama lang ang laki para sa akin.

Isang medium size na kama na nababalutan ng kupas na bedsheet, isang bintana sa tapat ng study table kung saan nakalagay ang mga librong binabasa ko para sa mga raket ko, at ang pinaka magandang parte ng kwartong ito, ay ang ang dingding na may naka paskil na designs ng bahay at building.

Sketches that symbolize my dream. And that is to be an engineer someday.

"Hayy! Nakakapagod."

Humiga ako at nag inat ng katawan. Pinag masdan ko rin ang glowing stars na nakadikit sa kisame.

Kung malapit ba ang bituin sa lupa may pag asa bang marinig at matupad ang mga hiling?

Siguro oo, pero kaso malabo.

Nabura ang mga iniisip ko ng may tubig na pumatak sa pisngi ko at nakita ko ang nakatagilid na ulo ng kapatid ko.

"Ate tapos na akong maligo pwede ko na bang gamitin yung bago kong damit?"

Ngumiti ako at naupo.

Nakatapis siya ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig galing sa mahaba niyang itim na buhok.

"Saan ka naman pupunta at gagamitin mo ang bago mong damit? Pang simba mo yun eh."

"Hmp! Yung anak ni Aling Bebang sinabihan ako na pangit daw ang damit ko at paulit ulit."

"Ay talaga? Oh anong ginawa mo?" Pang uuto kong tanong sa kanya.

Umismid siya at nag cross arms.

"Sinabi ko sa kanya na bago nga ang damit niya hindi naman siya maganda. Buti pa ako, maganda kahit na paulit ulit ang damit."

Hindi ko na napigilan ang tawa ko ng marinig ang mga sinabi niya. Umikot pa ang mga mata at nag flip hair.

Malditang bata tss.

"Sige na sige na gamitin mo na yung bago mong damit."

Nanlaki ang mga mata niya at napahawak pa sa pisngi dahil sa gulat.

"Yes! Yes! Yes!" Pasigaw sigaw niyang sabi at nag madaling kunin ang damit niya.

I sighed and smiled as I watched her innocence.

Someday you'll experience the cruelty of the world and I will do my best to shelter you from it.

Related chapters

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 2

    "May I see your card madame?""Here." I handed out my card to the bouncer of the bar.He verified it first before nodding at me and returning my card."Enjoy Madame." I smiled and pushed aside my hair before walking inside.I'm wearing a fitted red dress that perfectly hugs onto my perfectly shaped body.Neon lights, smells of liquors and noises from stereos and people welcomed me inside.I'm carefully observing every movement of the people including their clothes and accessories.I took a glance sideways and I saw a real diamond necklace hanging on the faience neck of a lady wearing a short tulip skirt and bandage top."Hope!"Inalis ko ang tingin doon para lingunin ang tumawag sa akin."Abbi. I'm surprised you're here." I kissed her cheek."I think I should be the one telling that to you. Are you up to something again?"Ngumiwi siya sa akin habang ngumisi naman ako sa kanya."I just want to

    Last Updated : 2021-06-18
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 3

    Kagaya ng sinabi ni Abbi, sa condo niya ako umuwi at natulog.Umaga na at katatapos ko pa lang mag luto ng agahan nilang mag kapatid dahil pati si Jonas ay dito rin natulog."Good morning Hope," Inaantok na bati ni Jonas na kalalabas lang galing sa kwarto."Magandang umaga rin.""Ang bango niyan ah, mukhang masarap din.""Mas masarap pa rin ako," pabirong sabi ko.Na totoo naman charr lang."Oh? Patikim nga? Anong flavor?""Sokolet."Sabay kaming natawa at binato niya pa sa akin ang kutsara."Puro ka kalokohan Hope, ang hilig hilig mong man trigger ng lalaki tapos hindi ka naman mag papahuli." He sipped on his glass of coffee.Umiling ako sa kanya bago sumandal sa counter."Alam mo Jonas, hindi ako nan ti-trigger dahil ganyan talaga ako mag salita at makipag usap. Alam mo kung ano yung problema?""Ano?""Yung mga utak niyong marurumi.""Teka, bakit naman pati ako nadamay? Para na

    Last Updated : 2021-06-18
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 3.1

    Tiningnan ko si Seb na ngayon ay nag lalagay sa push cart ng mga gusto niyang school supplies. May pera akong nakuha kagabi kaya iyon ang ipambibili ko ng gamit niya para sa eskwela."Ate marami na po ba yan?" Nag aalala niyang tanong matapos mag lagay ng tatlong notebook at dalawang lapis na lahat ay may cover ng paborito niyang cartoon character na si SpongeBob.Umiling ako sa kanya at ngumiti."Kunin mo lang ang gusto mong kunin bibilhin natin lahat yan."Kumislap ang mga mata niya at umikot para puntahan ako."Talaga ate marami ka bang napasakay na pasahero kahapon?" Inosente niyang tanong."Hmm. Marami kaya marami rin tayong pang bili ngayon.""Ibig sabihin pwede rin akong kumuha ng sharpener at yung pencil case na may second floor?"Ano raw?"Second floor?" Kunot noo kong tanong."Oo Ate, yung pencil case na may lalagyan sa taas tapos kapag binuksan mo meron pa sa baba. Second floor po."Napasapo ako

    Last Updated : 2021-06-18
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 4

    Gabi na ng maka uwi kami ni Seb sa bahay at na abutan namin si Nanay na nag tutupi ng damit."Nay," nag mano ako sa kanya."Bakit ngayon lang kayo? Nauna pang umuwi yung isda at gulay na pinabili ko ah, at saka ano 'yang mga bitbit mo?"Binaba ko ang mga plastic na may lamang school supplies ni Seb at inayos siya sa balikat ko.Nakatulog na dahil sa sobrang pagod. Inisa isa ba naman kasing sinakyan yung carousel ede napagod talaga siya."Binili ko lang po ng gamit sa eskwela si Seb."Tinignan niya ang laman ng mga plastic bago nag salita."Anak, sobra sobra na ang binibigay mo sa amin ng kapatid mo. Pwede naman kahit dalawang pirasong notebook lang at sa susunod na bumili. Paano ka? Yung mga gusto mong bilhin hindi mo na nabibili dahil sa amin ng kapatid mo."Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto para ilapag sa kama si Seb.Pumasok din siya at inilagay sa lumang cabinet ang mga damit namin."Nay, kung may

    Last Updated : 2021-07-20
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 4.1

    Nakatunganga lang ako ng maka alis na siya. Bukod kasi sa pag aayos ng schedule niya na madali lang naman gawin, ano pa ba ang gagawin ko?Nag kamot na lang ako ng kilay bago kinuha ang Ipad at tingnan ang mga email sa kanya.Invitation para sa kasal, sa binyag, anniversary at birthdays.Iba rin talaga kapag mayaman, may pa invitation at motif pa eh sa amin nga kahit hindi invited nakikikain tapos galit pa kapag hindi nilabas ang salad.Kunwaring nasarapan sa luto pero pag uwi naman sa bahay nila sasabihing hindi masarap.Mga patay gutom na plastik psh!Ng mag tanghali na ay bugnot na bugnot na ako rito sa loob ng condo, nag linis nako't lahat hindi pa rin nawawala ang bagot ko.Nakatapos na rin ako ng isang series sa Netflix pero hindi pa rin talaga tumalab."Hindi ko na kaya to." Tumayo ako at kinuha ang cap bago lumabas sa condo.Lumabas ako ng building at pumunta sa isang ice cream parlor para bumili ng i

    Last Updated : 2021-07-20
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 5

    Pero akala ko tuluyan na akong makakalayo sa kanya ng namalayan ko na lang na nasa likuran ko na siya."Hey, Hope right?""Yes, You are?""Offensive." He hissed."I'm just kidding, you're Gideon.""Naka tsinelas ka," he said while looking at my feet."Ang baliw naman kung naka paa diba?" Patawa kong sagot bago sinubo ang kutsara ng ice cream.Nakita ko siyang ngumiwi.Naka white sneakers siya, khaki pants at white button down shirt."Hindi ka ba naiinitan? Wala ka man lang payong.""Naiinitan syempre, what do you think of me Elsa of Frozen?""Pedantic tss."Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya naman nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.Pedantic pedantic, pilosopo lang kaya yun sa amin masyado namang society ang mga terminologies nito.'Sosyal ang lolo niyo'Nasa loob ng bulsa ang kamay niya at ma awtoridad ang tindig pati na ang tangkad."Am I?" Painosenteng tanong ko.

    Last Updated : 2021-07-20
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 6

    "What happened to you lately?" Abbi asked me as soon as we arrived in the condo."Saan? Bakit?""Hello? Tumawa ka kaya kanina na para kang mamatay.""Over, mamatay agad? Di pwedeng kapusin muna ng hangin tapos mag 50/50 ?"She rolled her eyes."Tell me, nag kita kayo before you went in the resto no?"Nag kibit balikat ako sa kanya bago umupo sa sofa. Naka suot na kami ng pantulog, satin dress ang sa kanya habang pajama at white shirt lang ang sa akin."Sino ba?"Gideon duhh!"Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang libro niyang binili ko kanina."Oo sa bookstore." Sagot ko at inabot naman ang sticky note."Book..store?" She asked with a puzzled air."Hmm.""Ano namang gagawin niya sa bookstore?"Ngumiwi ako ng maalala ang nakita ko kanina sa bookstore.Yung caution talaga kasi yung pabalik balik sa isip ko eh! Sino ba naman kasing mag aakala na sa likod ng isang 'wet caution' a

    Last Updated : 2021-07-24
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 7

    Matapos ang seremonya ng kasal ay dumiretso na kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception.Nasa rooftop ang venue at kagaya ng inaasahan, marami ang mga pagkain, inumin at sagana sa mga palamuti ang lugar."Bukas wag mong kalimutan na may dinner kayo ng Daddy mo."Pag papaalala ko kay Abbi habang kumakain kami."Yes, sasamahan mo ako ah.""Ha? Kayo lang tatlo ang mag di-dinner ano namang gagawin ko do'n""Sinabi ko na kay Daddy na kasama ka sa dinner and he's expecting you there Hope.""Bakit mo naman sinabi? Para lang akong ewan doon Abbi. Saka ano namang pag ku-kwentuhan namin, tungkol sa pag nanakaw ko? Awkward friend."Tumawa siya at uminom ng tubig.Totoo naman ang sinabi ko. Kapag dinner malamang pag uusapan nila ang takbo ng kompanya at ganap sa buhay ng bawat isa at syempre dahil nga kasali ako hindi rin imposibleng tanungin ako sa mga ganap ko sa buhay at hindi ko naman pwedeng isalaysay ang mga k

    Last Updated : 2021-07-25

Latest chapter

  • DECEIVING LOOKS   SPECIAL CHAPTER

    "Babe?""Babe?"I groaned and shifted on my bed. I'm tired of what we did last night."Babe it's nine a.m hindi ka ba papasok?" I felt his kisses on my bare shoulder. But I'm too sleepy to mind him."Una ka na." Daing ko.I could smell his aftershave and his manly perfume."Pagod na pagod ka?" He chuckled on my ear."Just go!" Iritado kong utos.Humalakhak siya at inayos ang buhok ko bago hinalikan ang leeg ko. He also fixed the comforter on my body."I'll leave now, sabay tayong mag lunch mamaya pupuntahan kita sa office mo. I love you." He kissed my lips and my forehead."Nandito na ang breakfast mo kumain ka bago pumunta sa trabaho. Love you!"Umungol ulit ako at nagtalukbong na ng kumot matapos niya ulit akong halikan. Gustong gusto niya akong hinahalikan kapag bagong gising ako! Ni hindi pa nga ako naka pag toothbrush o mumog man lang nakakainis!"Just go!" Utos ko at bum

  • DECEIVING LOOKS   EPILOGUE

    "Kapag nahanap mo ang kapares nitong bracelet ibig sabihin kayo ang para sa isa't isa."I pout while looking on the bracelet in Gideon's palm."Soul mate gano'n?" I wrinkled my nose.The old woman nodded."Tsk. In this day of age who would believe that? Jonas sa'yo na'to." Gideon throw the bracelet to me. I stare at it and unconsciously put it on my wrist.I don't believe on what the old woman says, I just like the idea of having something in my wrist aside from a luxurious watch that's why I kept it to me.Not until I saw the same bracelet with the woman I love for years now. I caught her staring on my bracelet with her shocked reaction, and I know that she also know the theory about the bracelet.I was about to smile and be happy to that fucking prophesy but then I realized it was Gideon's bracelet and he just gave it to me. And technically speaking I'm not the man in that silly augury. Annoyed because of tha

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 59

    Napakaraming bagay sa mundo ang mag papalito sa'yo. Sa una akala mo ayos na pero hindi pa pala. Yung akala mong kontento ka na pero gusto mo pa pala, at yung akala mo hindi mo kailangan pero hinahanap hanap mo pala.Ngumiti ako habang tinatanaw ang bahay na matagal kong pinangarap. Ang isang malaki at magandang bahay na unang naging inspirasyon ko sa pag sisikap at pag ta-trabaho.Ang kulay dilaw at asul nitong pintura ay ang mga kulay na gusto ni Nanay at ni Seb. Samantalang ang mataas na bakod na may desenyong pa ikot ay siya namang gusto ni Tatay.Hindi ko maiwasang kilabutan habang pinagmamasdan ang isa sa mga katas ng pag susumikap ko. Huli ko man itong naibigay sa pamilya ko at alam kong hindi na nila mararanasan pang maramdaman ang manirahan dito alam kong masaya pa rin nila akong tinatanaw ngayon at nakangiting sinasaluhan ako sa pag lasap sa katuparan ng mga pangarap ko."Hindi ka ba papasok? Kanina pa nag sisimulang kumain sa loob."

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 58

    Matapos ang pag uusap namin ni Bingo, umuwi rin agad ako sa apartment para magpahinga. At kagaya nga ng sinabi ni Jonas, ilang messages at missed calls ang na received ko galing sa kaniya. Gabi na ng magising ako at bumangon sa higaan. Gumaan nga ang pakiramdam ko pagkatapos kong makausap si Bingo. Para bang may isang siwang sa loob ko na may sumisilip na kung anong bagay na dapat kong gawin.Nagugutom ako pero napahawak na lang ako sa tiyan ko ng makitang wala man lang laman ang fridge ko. At sa puntong ito, Si Lanna lang ang naiisip ko. Masasabunutan ko siya sabi ko ng mag grocery din para sa akin eh!Umirap ako at kinuha ang bag at susi. Saka ko siya tinawagan.["Hi pinsan!"]"Bruha ka, diba ang sabi ko mag grocery ka para sa akin? Oh ano na bakit walang laman yung fridge ko?"["Ay! sorry nakalimutan ko. Si Khio kasi yung inutusan kong mag grocery. Bakit wala ka na bang makain?"]"Wala na!"["Sorry na talaga

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 57

    Nasa paanan ko lang siya, ang isang kamay ay naka patong sa gilid ng hita ko habang ang isang kamay ay nasa bewang ko. Nanatili kaming nasa gano'ng posisyon sa loob ng ilang minuto kung hindi lang tumunog ang intercom. Bagay na hindi ko inaasahang ikakatuwa ko."Yes?" He answered while still looking at me."Uh..punta lang akong rest room." mahinang sabi ko.Tumango naman siya at mabilis na tumayo para makadaan ako. Mabilis naman akong naglakad papunta sa restroom at nag kulong.Grabe pulang pula yung pisnge ko! Daig ko pa yung nag pahid ng isang buong blush on sa pisnge ko. Nakakahiya!"Ano ba Graciela kung nakikita ka ng Nanay mo ngayon siguradong sasabunutan ka niya dahil sa kaharutan mo!" Pag kausap ko sa sarili ko. Kinailangan ko pang mag hilamos para mabawasan ang init ng pisnge ko. Nang makontento ay lumabas na ako. Bagay na hindi ko dapat ginawa...Because in front of Jonas' table is the arrogant man fr

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 56

    Mainit na sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko. Nagmulat ako ng mata at nasisilaw itong tiningnan.Nakahiga pa rin ako ngayon sa kama, katabi ko si Abbigail na ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog. Last night is full of reminiscing and recollection of the past. Stories of my journey in Albay and theirs too. And I can't help but to be happy to know new things about them. And to be able to share all my achievements to them. "Good morning," The husky voice echoed on the room. I unconsciously smile and glance to Jonas who's now leaning on the wall near the side table. I didn't notice him."Good morning, ano'ng ginagawa mo diyan?"Umupo ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa kama."Hinihintay kong magising ka." His morning smile will give you reason to start a day with a good view."Bakit?" Bigla tuloy akong na conscious sa itsura ko. Bagong ligo kasi

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 55

    "Ang saya! Nandito ka ulit. I can't believe you're back."Pati yata ako hindi rin makapaniwala na nandito ako at makiki tulog pa dahil sa mga embentong kwento niya."Nabali kasi yung paa ng kama ko diba?" I mocked."Huwag mo na akong ilaglag Hope ako na nga ang gumagawa ng paraan para mag ka love life ka eh.""Wow thankyou ah! Panibagong utang na loob ko pa pala 'to sa- Ano ba 'to?"Inis kong kinapa kung ano ang natatapakan ko sa ilalim ng sofa niya."Combat boots? Nag mi-military training ba si Jonas?" Kunot noo kong tanong."Hindi! Sa akin yan!" Natataranta niya itong hinablot sa kamay ko."Sa'yo? Pauso ka Abbigail panlalaki kaya 'yang sapatos na iyan.""I u-used it to my thesis subject before." Nagmadali siyang pumasok sa kwarto at iniligay ito doon.Combat boots bilang isang thesis subject? Napaka special naman yata ng boots na'yon para maging subject sa thesis."I like y

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 54

    "Wow, you look..gorgeous." Jonas uttered with his amusing reaction.But I couldn't take his compliment because of annoyance inside me. He's annoying me bigtime!"Thanks." I shrugged my shoulders.After my haircut we went to a café and he keeps on staring at me for a minute now."Are you mad at me?" Masuyo niyang tanong na lalong nag pa irita sa akin.Umiling ako at patuloy lang sa pag-kain ng cake."Why are you acting mad?""I'm not mad and definitely not an actress.""Okay okay sorry. I'm sorry."I rolled my eyes.Babalatan ko 'to gamit ang cutter kapag hindi ako naka pag pigil. Kanina pa kami nandito pero hanggang ngayon hindi niya pa rin inaamin na sinabi niya yung narinig ko.Argh! Jonas kahit kelan!I was about to shout out my frustration when I heard a familiar voice from a far."I don't know, siguro nakuha ko sa isa sa mga kinain ko last time.""Abbi?"

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 53

    Kanina pa ako tulala at hindi makagalaw. Pakiramdam ko sobrang init ng pisnge ko ngayon pero ang lamig ng katawan ko.Gusto kong sapakin ang sarili ko kung bakit ako gumanti ng halik kay Jonas. "I lov-"Kuya yung- Jesus!"Jonas swiftly pull me close to him."What is it Kalvin?" Kalmado pero madiin niyang tanong sa kapatid."I w-was just saying na okay na yung meryenda niyo.""Susunod kami.""Okay. Sorry dude," Kalvin mockingly said.When I heard a noise from a closing door I composed myself."Istorbo tsk." Jonas held my cheek and lifted my face to meet his eyes.And I'm trying so hard to cool down my burning cheeks."Let's continue talking some other time. I'm sure you're hungry."Talking?! Gago talking ba yung ginawa namin eh nag halikan kami eh! Ano pa kaya para sa kaniya ang sigawan jusko baka ibang sigaw na ang mangyayari.Waaa maharot ako huhu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status