Share

CHAPTER 3

Author: RaedPen
last update Last Updated: 2021-06-18 14:46:13

Kagaya ng sinabi ni Abbi, sa condo niya ako umuwi at natulog.

Umaga na at katatapos ko pa lang mag luto ng agahan nilang mag kapatid dahil pati si Jonas ay dito rin natulog.

"Good morning Hope," Inaantok na bati ni Jonas na kalalabas lang galing sa kwarto.

"Magandang umaga rin."

"Ang bango niyan ah, mukhang masarap din."

"Mas masarap pa rin ako," pabirong sabi ko.

Na totoo naman charr lang.

"Oh? Patikim nga? Anong flavor?"

"Sokolet."

Sabay kaming natawa at binato niya pa sa akin ang kutsara.

"Puro ka kalokohan Hope, ang hilig hilig mong man trigger ng lalaki tapos hindi ka naman mag papahuli." He sipped on his glass of coffee.

Umiling ako sa kanya bago sumandal sa counter.

"Alam mo Jonas, hindi ako nan ti-trigger dahil ganyan talaga ako mag salita at makipag usap. Alam mo kung ano yung problema?"

"Ano?"

"Yung mga utak niyong marurumi."

"Teka, bakit naman pati ako nadamay? Para namang inalipusta kita ah."

"Oh bakit hindi ba?"

"Tsk. Tinanggap ko na nga na pinsan kita kahit na labag sa loob ko." Pag susungit niya pa.

"Aba bakit parang nanunumbat ka?"

"Sinong nanunumbat?" Lumabas na rin si Abbi at dumeretso sa amin.

"Good morning." I greeted.

"Good morning Hope, Kuya. Anong ginagawa niyo? Wait, don't tell me pinopormahan mo na naman siya Kuya?"

"Hindi ah! Naka move on na’ko sa kanya. Psh akala mo nama-”

"Oh sige bakit? Sabihin mong hindi ka nagandahan sa akin?" Hamon ko.

"Maganda nga brutal at wala namang puso."

"Puro Atay at balunbalunan kasi ang meron ako."

"Stop it you two. Kumain na lang tayo, food looks delicious."

Tuyo at itlog na may sawsawang toyo at kamatis lang naman ang ulam nila sa sinangag pero kung maka delicious silang dalawa daig pa ang mga kinakain nilang steak at soup.

Mabait ang magkapatid at masasabi kong pinalaki silang simple at hindi maarte. Pareho silang kumakain ng kinakain ng mahihirap, alam mo yung tuyo, itlog na nilaga, talbos ng kamote at iba pang inaayawan ng mayayaman.

Si Abbi ay kasing edad ko lang habang si Jonas naman ay matanda sa amin ng isang taon. Nursing student si Abbi habang nasa kompanya naman nagtatrabaho si Jonas.

"By the way Hope about sa sinabi ko sayo kagabi."

"Oh?"

"I was thinking why don't you work for me."

Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo.

"Ano namang trabaho?"

"Since ayaw mo naman sa office and hindi talaga pwede doon because they might recognize you as our cousin, I'm offering you to be my personal assistant."

"P.A? Bakit mo naman kailangan ng P.A eh ayaw mo nga no'n dati."

"My studies are getting heavier and I need someone to fix my schedule for my school work." Taas baba ang kilay niya habang sinasabi iyon sa akin.

"Hindi ako uuwi sa amin?"

"Pwede naman kapag day off and emergencies and ano ka ba, you're my friend naman so hindi ako magiging strict."

"Magkano ang sweldo?"

"20k a month."

Naubo ko ang iniinom kong juice at hinarap siya.

20k? Triple yun kumpara sa sweldo ko sa ospital at sa iba ko pang mga raket.

"All your needs are free including your shelter. Dito ka sa akin titira so hindi ako magiging alone yehey!" Pumalakpak siya at ngumiti.

"Come on Hope, tanggapin mo na it's for your own good naman and para hindi ka na mag bilad sa init. Hindi bagay sa'yo."

Ngumiwi ako. Kailangan bang bumagay muna sa'kin bago gawin yun? Tssk.

Saglit akong nag isip tungkol sa offer niya. Hindi na rin naman masama ang sweldo at tama nga naman siya na hindi na ako mabibilad sa araw, at pwede na rin akong maka ipon para pambili ng maliit na lote at pag tayuan ng bahay kapag nag tagal ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago tumango, magandang offer na para iwan ang illegal kong trabaho.

"Sige tatanggapin ko. Kailan ba ako magsisimula?"

"Yes! Oh you can start tomorrow since start na rin ng class ko."

"Sige."

"So that means I can borrow your P.A Abbi?"

"You wish Kuya! May secretary ka na kaya and as if naman pwede mo siyang ligawan she's our 'cousin' right?" She mocked.

"Bakit ba kasi ako pumayag na maging pinsan kita," Jonas sighed.

"Kasi nga Kuya, may gusto ka sa kanya at gusto mo siyang mapalapit sa'yo but then nabasted ka and yeah end of story."

"Ewan sa inyo. Kumain na kayo pupunta na ako sa kompanya baka pagalitan ako ni Dad." Tumayo siya at pumasok ulit sa kwarto, malamang para mag bihis.

"Basta ah, tomorrow magsisimula ka na and oh! Before I forgot, no need to bring so much of your things because I already did shopping for you and bukas nasa kwarto mo na siya."

"Bakit ba ang bait mo sa akin?" Nasabi ko nalang sa kanya.

"Why are you asking that? Iniligtas mo kami ng kapatid ko and I will always be thankful for that."

"Bayad ka na sa utang na loob Abbi, kayong dalawa."

"This isn't about indulgence Hope, you're my friend. At ang mag kaibigan nag tutulungan, and to be honest I can't stand seeing you doing those jobs when I can do something to lessen your burden. Don't get me wrong ah, I'm not saying that you're a bad person nor degrading your life's status. Gusto lang naming maka tulong."

Nag iwas ako ng tingin ng maramdaman kong parang may humaplos sa puso ko.

Sa kabilang banda, hindi pa rin naman pala ako talo. At mukhang kailangan kong ipag pasalamat na naagaw yung pagkain na dala ko noong araw na iyon dahil kung hindi, siguro hindi ko nakilala ang mabait na babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Salamat sa tulong Abbi, ang laking tulong talaga nito para sa akin at sa pamilya ko," I said wholeheartedly.

She held my hand and smiled genuinely.

"I'm happy to know that Hope."

Minsan talaga kahit nakaka gago na yung mga taong pinapakilala ng mundo sa'yo, mag papasalamat ka pa rin kasi hindi lahat ng masama napunta sa'yo.

Kagaya ng merong mabuting tao ang napunta sa akin at tumutulong ngayon.

Tanghali na ng umuwi ako sa bahay para mag paalam kay Nanay tungkol sa bago kong trabaho.

"Saan ka naman titira? Hindi ka ba palaging uuwi?"

"Stay in po ako Nay, bale kasama ko yung boss ko sa iisang bahay."

"Mabait ba siya anak? Babae ba kamo?"

Hindi niya kasi kilala sila Abbi, at hindi ko na rin sinabi dahil kapag nalaman niyang nakipag away ako paniguradong sermon ang aabutin ko mamaya atakihin ulit siya sa puso.

"Opo mabait po siya at babae. Nag aaral kasi siya at kailangan daw ng mag aayos ng mga gagamitin niya sa pag aaral."

"Mga anak mayaman nga naman hindi maka pag-ayos ng sariling gamit."

Bumuntong hininga na lang ako.

Kung alam niyo lang Nay, kung paanong sinasadyang guluhin ng mag kapatid ang gamit nila para ipa ayos sa'kin at ng magkaroon sila ng rason para bigyan ako ng pera dahil alam nilang hindi ko naman tatangapin kapag walang kapalit na serbisyo.

Minsan nga nagugulat na lang ako na may laman ng pera ang bulsa ng pantalon ko.

"O siya sige, basta lagi mo akong tatawagan at ng hindi naman ako mag alala sa’yo. At huwag kang mag papalipas ng gutom."

Ngumiti ako sa kanya.

"Opo Nay, hayaan niyo ibibilin ko kayo kay Aling Jinky para may tumingin tingin sa inyo kapag wala ako."

"Anak naman, hindi na kailangan para namang nasa subdivision tayo eh magkakadikit lang naman ang bahay dito at isang sigaw ko lang maririnig na nila ako."

"Ah basta, ibibilin pa rin kita."

Napipilitan siyang sumang ayon sa akin.

"Hanapin mo na ang kapatid mo at isama mo na sa palengke."

"Ay oo nga pala anong bibil-”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil iniabot na niya sa akin ang listahan ng mga bibilhin ko sa palengke.

"Yung asukal na pula lang ang kunin mo para mas mura, at isang bugkos lang ng talbos dahil ang mahal na naman ng mga gulay ngayon puro lanta naman ang mga dahon at malapit ng matuyo. Dumaan na rin kayo sa may panaderya at ibili mo si Seb ng slice bread para pambaon niya bukas sa skwela."

"Hmm.. sige po aalis na ako, isasama ko si Seb ah."

"Mag iingat kayo."

"Opo."

Sinukbit ko na ang eco bag at lumabas. Pag ka baba ko ng apartment ay nakita ko na agad ang kapatid ko na naka yuko at gumagawa ng linya para sa lalaruin nilang piko.

Aish. Ang dumi dumi na naman niya.

"Seb!" Unang sigaw kong hindi niya narinig

"Seb, Seb!" Patuloy lang siya sa pag guhit ng mahabang linya at animo'y nag ko concentrate pa sa ginagawa.

"Sebiala Hope!"

Nang marinig niya ang buong pangalan ay inis niya akong nilingon, ang kilay ay salubong na naman pero nasa gano'ng posisyon pa rin siya.

"Ate naman eh! Ayan tuloy namali na yung linya, wala na hindi na maganda matataya agad ako niyan!" Pamaktol niyang sabi.

Nag kamot ako ng kilay at inilabas ang damit niyang kinuha ko sa itaas bago siya nilapitan.

Matataya siya dahil lumiko ang linyang ginagawa niya? Minsan talaga 'tong kapatid ko ang daming mga nalalaman eh.

Umayos siya ng tayo ng makita niya akong palapit.

"Pupunta tayo sa palengke."

"Ayaw nag lalaro ako eh." Humalukipkip siya.

"Sabi ni Nanay isama kita kasi mag tatahi siya hindi ka niya mababantayan."

"Ay hindi naman ako kailangan bantayan, dito lang naman ako sa tapat saka hindi na ako umaakyat ng kahoy ah!"

"Hindi yan totoo Ate Grace, kanina po umakyat siya sa may puno ng santol," sumbong sa akin ni Ava, isa sa mga kalaro niya.

"Ava! Ikaw napaka sumbungera mo talaga, nag pakuha ka rin naman ng santol kanina ah! Mag tae ka sana ng matigas!" Inis na sigaw ng kapatid ko.

Umatras si Ava at nag peace sign sa kanya.

Hay nako naman! Talaga bang six years old lang siya?

"Sumama ka na sa akin dahil bibili tayo ng gamit mo sa eskwela para bukas." Pag kombinsi ko habang pinupunasan ang mukha niyang puno ng alikabok.

"Sa palengke?"

"Saan mo ba gusto?"

"Gusto ko sa SM para may aircon! Tapos pwede pa akong sumakay sa kabayo." She giggled.

Hinubad ko na ang damit niya at pinasuot ang malinis na dala ko bago tinali ang buhok niya.

"Ede sa SM tayo pupunta. 'Yun lang pala eh." I winked at her.

Mabilis pa sa andar ng tren niyang binitawan ang batong ginamit niyang pang guhit bago kumapit sa kamay ko.

"Mamaya na ako sasali ah pupunta kami ni Ate sa SM eh." Nanunuya niyang sinabi ng makita si Bela, ang anak ni Aling Bebang na mortal niyang ka away.

Umiling ako. Nag yabang na naman ang bata.

"Sige dalhan mo kami ng pasalubong ah!"

"Oo kapag meron."

Tumingala siya sa akin at ngumiti.

"Tapos ka na?"

"Oo ate tara na."

Mga bata nga naman, nakakatuwa ang pagiging inosente at minsan nakakainggit din.

Yung masaya mo lang silang titingnan na parang walang nababakas na hirap maliban sa pag talon sa chinese garter na lagpas sa kanila. Yung kapag tinanong mo kung saan ang masakit, Ituturo lang nila yung nasugatang parte ng katawan nila.

Malambot pa nga ang tuhod at hindi pa sinasaktan ng reyalidad. Pero iba ang mga bata rito sa amin, limang taon gulang pa lang ayun at nakiki pag bardagulan na sa mga manggogoyo, tumatakbo at nag papahabol sa mga pulis, marunong ng manigarilyo at magbanat ng buto.

Mga nakakatakot na gawaing hindi dapat ginagawa at nakikita ng isang bata. Pero anong magagawa nila? Kung biktima lang din sila ng kalupitan ng sitwasyon. Anong magagawa ng mga magulang nila na mabuting asal at pag mamahal lang ang kayang ituro at ibigay dahil sa pagiging kapos sa buhay at hindi sila kayang ipasok sa paaralan?

May iba rin kasing hindi na ikinakampay ang braso para makausad, nag papatangay na lang sa agos ng kahirapan at kasamaan.

Related chapters

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 3.1

    Tiningnan ko si Seb na ngayon ay nag lalagay sa push cart ng mga gusto niyang school supplies. May pera akong nakuha kagabi kaya iyon ang ipambibili ko ng gamit niya para sa eskwela."Ate marami na po ba yan?" Nag aalala niyang tanong matapos mag lagay ng tatlong notebook at dalawang lapis na lahat ay may cover ng paborito niyang cartoon character na si SpongeBob.Umiling ako sa kanya at ngumiti."Kunin mo lang ang gusto mong kunin bibilhin natin lahat yan."Kumislap ang mga mata niya at umikot para puntahan ako."Talaga ate marami ka bang napasakay na pasahero kahapon?" Inosente niyang tanong."Hmm. Marami kaya marami rin tayong pang bili ngayon.""Ibig sabihin pwede rin akong kumuha ng sharpener at yung pencil case na may second floor?"Ano raw?"Second floor?" Kunot noo kong tanong."Oo Ate, yung pencil case na may lalagyan sa taas tapos kapag binuksan mo meron pa sa baba. Second floor po."Napasapo ako

    Last Updated : 2021-06-18
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 4

    Gabi na ng maka uwi kami ni Seb sa bahay at na abutan namin si Nanay na nag tutupi ng damit."Nay," nag mano ako sa kanya."Bakit ngayon lang kayo? Nauna pang umuwi yung isda at gulay na pinabili ko ah, at saka ano 'yang mga bitbit mo?"Binaba ko ang mga plastic na may lamang school supplies ni Seb at inayos siya sa balikat ko.Nakatulog na dahil sa sobrang pagod. Inisa isa ba naman kasing sinakyan yung carousel ede napagod talaga siya."Binili ko lang po ng gamit sa eskwela si Seb."Tinignan niya ang laman ng mga plastic bago nag salita."Anak, sobra sobra na ang binibigay mo sa amin ng kapatid mo. Pwede naman kahit dalawang pirasong notebook lang at sa susunod na bumili. Paano ka? Yung mga gusto mong bilhin hindi mo na nabibili dahil sa amin ng kapatid mo."Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto para ilapag sa kama si Seb.Pumasok din siya at inilagay sa lumang cabinet ang mga damit namin."Nay, kung may

    Last Updated : 2021-07-20
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 4.1

    Nakatunganga lang ako ng maka alis na siya. Bukod kasi sa pag aayos ng schedule niya na madali lang naman gawin, ano pa ba ang gagawin ko?Nag kamot na lang ako ng kilay bago kinuha ang Ipad at tingnan ang mga email sa kanya.Invitation para sa kasal, sa binyag, anniversary at birthdays.Iba rin talaga kapag mayaman, may pa invitation at motif pa eh sa amin nga kahit hindi invited nakikikain tapos galit pa kapag hindi nilabas ang salad.Kunwaring nasarapan sa luto pero pag uwi naman sa bahay nila sasabihing hindi masarap.Mga patay gutom na plastik psh!Ng mag tanghali na ay bugnot na bugnot na ako rito sa loob ng condo, nag linis nako't lahat hindi pa rin nawawala ang bagot ko.Nakatapos na rin ako ng isang series sa Netflix pero hindi pa rin talaga tumalab."Hindi ko na kaya to." Tumayo ako at kinuha ang cap bago lumabas sa condo.Lumabas ako ng building at pumunta sa isang ice cream parlor para bumili ng i

    Last Updated : 2021-07-20
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 5

    Pero akala ko tuluyan na akong makakalayo sa kanya ng namalayan ko na lang na nasa likuran ko na siya."Hey, Hope right?""Yes, You are?""Offensive." He hissed."I'm just kidding, you're Gideon.""Naka tsinelas ka," he said while looking at my feet."Ang baliw naman kung naka paa diba?" Patawa kong sagot bago sinubo ang kutsara ng ice cream.Nakita ko siyang ngumiwi.Naka white sneakers siya, khaki pants at white button down shirt."Hindi ka ba naiinitan? Wala ka man lang payong.""Naiinitan syempre, what do you think of me Elsa of Frozen?""Pedantic tss."Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya naman nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.Pedantic pedantic, pilosopo lang kaya yun sa amin masyado namang society ang mga terminologies nito.'Sosyal ang lolo niyo'Nasa loob ng bulsa ang kamay niya at ma awtoridad ang tindig pati na ang tangkad."Am I?" Painosenteng tanong ko.

    Last Updated : 2021-07-20
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 6

    "What happened to you lately?" Abbi asked me as soon as we arrived in the condo."Saan? Bakit?""Hello? Tumawa ka kaya kanina na para kang mamatay.""Over, mamatay agad? Di pwedeng kapusin muna ng hangin tapos mag 50/50 ?"She rolled her eyes."Tell me, nag kita kayo before you went in the resto no?"Nag kibit balikat ako sa kanya bago umupo sa sofa. Naka suot na kami ng pantulog, satin dress ang sa kanya habang pajama at white shirt lang ang sa akin."Sino ba?"Gideon duhh!"Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang libro niyang binili ko kanina."Oo sa bookstore." Sagot ko at inabot naman ang sticky note."Book..store?" She asked with a puzzled air."Hmm.""Ano namang gagawin niya sa bookstore?"Ngumiwi ako ng maalala ang nakita ko kanina sa bookstore.Yung caution talaga kasi yung pabalik balik sa isip ko eh! Sino ba naman kasing mag aakala na sa likod ng isang 'wet caution' a

    Last Updated : 2021-07-24
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 7

    Matapos ang seremonya ng kasal ay dumiretso na kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception.Nasa rooftop ang venue at kagaya ng inaasahan, marami ang mga pagkain, inumin at sagana sa mga palamuti ang lugar."Bukas wag mong kalimutan na may dinner kayo ng Daddy mo."Pag papaalala ko kay Abbi habang kumakain kami."Yes, sasamahan mo ako ah.""Ha? Kayo lang tatlo ang mag di-dinner ano namang gagawin ko do'n""Sinabi ko na kay Daddy na kasama ka sa dinner and he's expecting you there Hope.""Bakit mo naman sinabi? Para lang akong ewan doon Abbi. Saka ano namang pag ku-kwentuhan namin, tungkol sa pag nanakaw ko? Awkward friend."Tumawa siya at uminom ng tubig.Totoo naman ang sinabi ko. Kapag dinner malamang pag uusapan nila ang takbo ng kompanya at ganap sa buhay ng bawat isa at syempre dahil nga kasali ako hindi rin imposibleng tanungin ako sa mga ganap ko sa buhay at hindi ko naman pwedeng isalaysay ang mga k

    Last Updated : 2021-07-25
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 8

    Sa itsura ng mag kapatid ngayon, siguradong dito na kami matutulog.Si Jonas ay kanina pa kumakanta ng Banal na aso tapos sinasabayan naman ni Gideon kapag na sa part na na may tatawa.Mukha silang mga tanga!Habang enjoy na enjoy ang mga babae sa kaka record ng video sa kanilang dalawa, sila naman ay walang pakialam at kanta lang ng kanta na para bang wala ng umaga. Halos mapatid pa ang litid ni Jonas sa leeg."Hope, aren't you going to dance?" Isa pa 'tong si Abbi.Kung si Jonas ay kumakanta siya naman ay kanina pa nag tu-twerk. Ang huhusay! Mga talentadong bata."Umayos ka nga kanina pa pinag titinginan yung pwet mo.""Oh? My butt hayaan mo lang sila ganyan talaga kapag sexy."Minasahe ko na lang ang sintido ko at uminom ng tubig.Maaga yata akong tutubuan ng puting buhok. Mas malala pa sila kaysa kay Seb."Hope! Hope baby come here!" Sigaw ni Jonas."Gago ka ba?" Sinabi ko kahit alam kong hindi ni

    Last Updated : 2021-07-25
  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 9

    Kasalukuyan kaming na sa byahe papunta sa mansion nila Abbi, feel na feel ko pa ang moment habang nasa harap ako ng bintana ng sasakyan.Ini-imagine na nasa isa akong music video. CharrSinabi ko ng ayaw kong sumama pero mapilit pa rin si Abbi, kaya imbis na makipag talo at mag mukmok sa condo ay sumama na lang ako."Hello Kuya, Where are you?" Pakinig kong sabi niya sa cellphone."All right we're almost there."Nilingon ako ni Abbi.Nakasuot siya ng isang formal black dress, ang maiksing buhok ay maayos na naka ipit at bumabagay ang minimal make up sa maputi niyang mukha.Hindi katulad ko, Si Abbi ay may singkiting mga mata at mas maliit na hubog at tangos ng ilong."Nasa mansion na raw si Kuya.""Tanong lang, bakit ba may condo condo pa kayong nalalaman eh may bahay naman kayo?"Tanong ko ng umandar na naman ang kuryusidad ko."Malayo ang school and the house is so big for me."Wow ah a

    Last Updated : 2021-08-01

Latest chapter

  • DECEIVING LOOKS   SPECIAL CHAPTER

    "Babe?""Babe?"I groaned and shifted on my bed. I'm tired of what we did last night."Babe it's nine a.m hindi ka ba papasok?" I felt his kisses on my bare shoulder. But I'm too sleepy to mind him."Una ka na." Daing ko.I could smell his aftershave and his manly perfume."Pagod na pagod ka?" He chuckled on my ear."Just go!" Iritado kong utos.Humalakhak siya at inayos ang buhok ko bago hinalikan ang leeg ko. He also fixed the comforter on my body."I'll leave now, sabay tayong mag lunch mamaya pupuntahan kita sa office mo. I love you." He kissed my lips and my forehead."Nandito na ang breakfast mo kumain ka bago pumunta sa trabaho. Love you!"Umungol ulit ako at nagtalukbong na ng kumot matapos niya ulit akong halikan. Gustong gusto niya akong hinahalikan kapag bagong gising ako! Ni hindi pa nga ako naka pag toothbrush o mumog man lang nakakainis!"Just go!" Utos ko at bum

  • DECEIVING LOOKS   EPILOGUE

    "Kapag nahanap mo ang kapares nitong bracelet ibig sabihin kayo ang para sa isa't isa."I pout while looking on the bracelet in Gideon's palm."Soul mate gano'n?" I wrinkled my nose.The old woman nodded."Tsk. In this day of age who would believe that? Jonas sa'yo na'to." Gideon throw the bracelet to me. I stare at it and unconsciously put it on my wrist.I don't believe on what the old woman says, I just like the idea of having something in my wrist aside from a luxurious watch that's why I kept it to me.Not until I saw the same bracelet with the woman I love for years now. I caught her staring on my bracelet with her shocked reaction, and I know that she also know the theory about the bracelet.I was about to smile and be happy to that fucking prophesy but then I realized it was Gideon's bracelet and he just gave it to me. And technically speaking I'm not the man in that silly augury. Annoyed because of tha

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 59

    Napakaraming bagay sa mundo ang mag papalito sa'yo. Sa una akala mo ayos na pero hindi pa pala. Yung akala mong kontento ka na pero gusto mo pa pala, at yung akala mo hindi mo kailangan pero hinahanap hanap mo pala.Ngumiti ako habang tinatanaw ang bahay na matagal kong pinangarap. Ang isang malaki at magandang bahay na unang naging inspirasyon ko sa pag sisikap at pag ta-trabaho.Ang kulay dilaw at asul nitong pintura ay ang mga kulay na gusto ni Nanay at ni Seb. Samantalang ang mataas na bakod na may desenyong pa ikot ay siya namang gusto ni Tatay.Hindi ko maiwasang kilabutan habang pinagmamasdan ang isa sa mga katas ng pag susumikap ko. Huli ko man itong naibigay sa pamilya ko at alam kong hindi na nila mararanasan pang maramdaman ang manirahan dito alam kong masaya pa rin nila akong tinatanaw ngayon at nakangiting sinasaluhan ako sa pag lasap sa katuparan ng mga pangarap ko."Hindi ka ba papasok? Kanina pa nag sisimulang kumain sa loob."

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 58

    Matapos ang pag uusap namin ni Bingo, umuwi rin agad ako sa apartment para magpahinga. At kagaya nga ng sinabi ni Jonas, ilang messages at missed calls ang na received ko galing sa kaniya. Gabi na ng magising ako at bumangon sa higaan. Gumaan nga ang pakiramdam ko pagkatapos kong makausap si Bingo. Para bang may isang siwang sa loob ko na may sumisilip na kung anong bagay na dapat kong gawin.Nagugutom ako pero napahawak na lang ako sa tiyan ko ng makitang wala man lang laman ang fridge ko. At sa puntong ito, Si Lanna lang ang naiisip ko. Masasabunutan ko siya sabi ko ng mag grocery din para sa akin eh!Umirap ako at kinuha ang bag at susi. Saka ko siya tinawagan.["Hi pinsan!"]"Bruha ka, diba ang sabi ko mag grocery ka para sa akin? Oh ano na bakit walang laman yung fridge ko?"["Ay! sorry nakalimutan ko. Si Khio kasi yung inutusan kong mag grocery. Bakit wala ka na bang makain?"]"Wala na!"["Sorry na talaga

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 57

    Nasa paanan ko lang siya, ang isang kamay ay naka patong sa gilid ng hita ko habang ang isang kamay ay nasa bewang ko. Nanatili kaming nasa gano'ng posisyon sa loob ng ilang minuto kung hindi lang tumunog ang intercom. Bagay na hindi ko inaasahang ikakatuwa ko."Yes?" He answered while still looking at me."Uh..punta lang akong rest room." mahinang sabi ko.Tumango naman siya at mabilis na tumayo para makadaan ako. Mabilis naman akong naglakad papunta sa restroom at nag kulong.Grabe pulang pula yung pisnge ko! Daig ko pa yung nag pahid ng isang buong blush on sa pisnge ko. Nakakahiya!"Ano ba Graciela kung nakikita ka ng Nanay mo ngayon siguradong sasabunutan ka niya dahil sa kaharutan mo!" Pag kausap ko sa sarili ko. Kinailangan ko pang mag hilamos para mabawasan ang init ng pisnge ko. Nang makontento ay lumabas na ako. Bagay na hindi ko dapat ginawa...Because in front of Jonas' table is the arrogant man fr

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 56

    Mainit na sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko. Nagmulat ako ng mata at nasisilaw itong tiningnan.Nakahiga pa rin ako ngayon sa kama, katabi ko si Abbigail na ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog. Last night is full of reminiscing and recollection of the past. Stories of my journey in Albay and theirs too. And I can't help but to be happy to know new things about them. And to be able to share all my achievements to them. "Good morning," The husky voice echoed on the room. I unconsciously smile and glance to Jonas who's now leaning on the wall near the side table. I didn't notice him."Good morning, ano'ng ginagawa mo diyan?"Umupo ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa kama."Hinihintay kong magising ka." His morning smile will give you reason to start a day with a good view."Bakit?" Bigla tuloy akong na conscious sa itsura ko. Bagong ligo kasi

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 55

    "Ang saya! Nandito ka ulit. I can't believe you're back."Pati yata ako hindi rin makapaniwala na nandito ako at makiki tulog pa dahil sa mga embentong kwento niya."Nabali kasi yung paa ng kama ko diba?" I mocked."Huwag mo na akong ilaglag Hope ako na nga ang gumagawa ng paraan para mag ka love life ka eh.""Wow thankyou ah! Panibagong utang na loob ko pa pala 'to sa- Ano ba 'to?"Inis kong kinapa kung ano ang natatapakan ko sa ilalim ng sofa niya."Combat boots? Nag mi-military training ba si Jonas?" Kunot noo kong tanong."Hindi! Sa akin yan!" Natataranta niya itong hinablot sa kamay ko."Sa'yo? Pauso ka Abbigail panlalaki kaya 'yang sapatos na iyan.""I u-used it to my thesis subject before." Nagmadali siyang pumasok sa kwarto at iniligay ito doon.Combat boots bilang isang thesis subject? Napaka special naman yata ng boots na'yon para maging subject sa thesis."I like y

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 54

    "Wow, you look..gorgeous." Jonas uttered with his amusing reaction.But I couldn't take his compliment because of annoyance inside me. He's annoying me bigtime!"Thanks." I shrugged my shoulders.After my haircut we went to a café and he keeps on staring at me for a minute now."Are you mad at me?" Masuyo niyang tanong na lalong nag pa irita sa akin.Umiling ako at patuloy lang sa pag-kain ng cake."Why are you acting mad?""I'm not mad and definitely not an actress.""Okay okay sorry. I'm sorry."I rolled my eyes.Babalatan ko 'to gamit ang cutter kapag hindi ako naka pag pigil. Kanina pa kami nandito pero hanggang ngayon hindi niya pa rin inaamin na sinabi niya yung narinig ko.Argh! Jonas kahit kelan!I was about to shout out my frustration when I heard a familiar voice from a far."I don't know, siguro nakuha ko sa isa sa mga kinain ko last time.""Abbi?"

  • DECEIVING LOOKS   CHAPTER 53

    Kanina pa ako tulala at hindi makagalaw. Pakiramdam ko sobrang init ng pisnge ko ngayon pero ang lamig ng katawan ko.Gusto kong sapakin ang sarili ko kung bakit ako gumanti ng halik kay Jonas. "I lov-"Kuya yung- Jesus!"Jonas swiftly pull me close to him."What is it Kalvin?" Kalmado pero madiin niyang tanong sa kapatid."I w-was just saying na okay na yung meryenda niyo.""Susunod kami.""Okay. Sorry dude," Kalvin mockingly said.When I heard a noise from a closing door I composed myself."Istorbo tsk." Jonas held my cheek and lifted my face to meet his eyes.And I'm trying so hard to cool down my burning cheeks."Let's continue talking some other time. I'm sure you're hungry."Talking?! Gago talking ba yung ginawa namin eh nag halikan kami eh! Ano pa kaya para sa kaniya ang sigawan jusko baka ibang sigaw na ang mangyayari.Waaa maharot ako huhu

DMCA.com Protection Status