Home / Romance / DARKER SHADES OF RAIN / Chapter 59: Avira

Share

Chapter 59: Avira

last update Last Updated: 2024-05-22 09:51:17

Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.

Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata.

"Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.

Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali.

"Sir Rain," mahina niyang anas.

Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 60: Weakness

    Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita

    Last Updated : 2024-05-22
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 61: Steer Clear

    Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa

    Last Updated : 2024-05-22
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 62: Cutting Down

    Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang

    Last Updated : 2024-05-22
  • DARKER SHADES OF RAIN   PROLOGUE

    WARNING: The following story has mature contents, sexual abuse, violence etc. that are not suitable for young and sensitive readers. Please be guided and read at your own risk.Year 2003—Dahan dahang naglakad paakyat ng hagdanan ang pitong taong gulang na si Rain. He was playing with his toy cars in the hall when he heard a commotion upstairs. Silang dalawa lang ng kanyang mommy ang naiwan sa mansion kasama ang ilang bodyguards.His dad was on a business trip while his twelve years old sister, Rianna was in her school. Tumayo siya sa tapat ng pintuan ng kanyang mga magulang kung saan nagmumula ang kakaibang tunog. Gamit ang kanyang maliliit na palad, itinulak niya ang nakaawang na pinto.Bumungad sa kanya ang dalawang pamilyar na mukha. It was his mother Rachel and she was on top of Marcello—their trusted bodyguard. Nagtatakang nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. Hindi niya alam kung anong ginagawa ng mga ito. Tumigil na rin ang kakaibang tunog na narinig niya."Are you playing

    Last Updated : 2022-09-12
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 1: Prisoner

    Narinig ni Nahara ang pagbukas ng pinto sa kanyang silid pero nanatili siyang nakapikit. Kung pwede lang sana na hindi na siya magising ay ginawa na niya subalit hanggang ngayon ay buhay pa rin siya. Ayaw man niya ay nananatili siyang humihinga. Nanigas siya sa kanyang higaan ng maramdaman ng kanyang maputlang balat ang magaspang na kamay na humihipo sa kanyang binti pataas. Dala ng bugso ng galit, pagkamuhi at awa sa sarili ay hindi niya napigilan ang umiyak ng lihim. "Alam kong gising ka Nahara, wag ka ng magkunwari, para naman tayong bago sa ganito." Tinig ni Fabian, ang kanyang stepfather. Hindi parin siya nagmulat ng mata dahil sa takot na baka kung anong kahayupan na naman ang maisipan nitong gagawin sa kanya. Marahil ay nainis na si Fabian sa inasal niya kaya walang sabi sabing hinila nito ang kanyang buhok. "Ahh!" "See? Gising ka diba? Alam mo naman ang pinakaayaw ko sa lahat diba? Yung hindi masunurin sa gusto ko!" Anito habang hawak pa rin ang kanyang buhok. "Tama na! M

    Last Updated : 2022-09-12
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 2: Auction

    Nagising ang diwa ni Nahara sa iba't ibang ingay ng paligid. Animo mga lalaking naghihiyawan ang kanyang naririnig. Nang magmulat siya ng mata, natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang parang malaking halwa ng ibon na nasa gitna ng entablado. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Ganun na lang ang pangingilabot niya nang makitang napakaraming kalalakihan ang naroon na animo naglalaway na leon habang nakatingin sa kinaroroonan niya. Hindi lang siya nag-iisa, marami sila at nasa kabilang hawla rin. Nangangatal ang kanyang mga labi at nagsimula ng umiyak. Pakiramdam niya ay panibagong impyerno na naman ang susuungin niya. Hinanap ng kanyang mga mata si Fabian at Vera subalit sa dami ng tao na naroon, hindi na niya nakita pa ang mga ito. Nagsimula ng ibidding ang mga kababaihang kasama niya. Mariin siyang napapikit. Ito pala ang ibig sabihin nina Vera at Fabian na paggagamitan nito sa kanya. Ibebenta siya ng mga ito sa mga lalaking hayok sa laman! "And now for the last and our star o

    Last Updated : 2022-09-12
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 3: No Safe Haven

    Malambot na higaan ang naramdaman ni Nahara nang inilapag siya ng sinumang kumarga sa kanya. Hindi lang iyon, mabango ang paligid, hindi gaya ng nakasusulasok na amoy ng basement na pinagkulungan ni Fabian sa kanya. Speaking of that evil Fabian, nasaan na kaya ang mga ito? Siguro ay nagpakasasa na silang dalawa ni Vera sa perang ipinambayad sa kanya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit. Labis labis na ang pang-aaping ginawa ng mga ito sa kanya. Naalala niyang matapos niyang makausap si Velasquez, bigla na lang siyang hinimatay nang may pinisil ito sa kanyang batok. Hindi niya mapigilang manlumo. Akala niya ay ligtas na siya. Hindi pala. Ano kaya ang plano nito sa kanya? Kung pahihirapan lang din siya nito, sana ay tapusin na lang nito ang buhay niya. Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanyang paningin pagkatapos tanggalin ang telang ibinalot nito sa kanyang ulo. Ilang beses siyang napakurap kurap bago luminaw ang kanyang paningin. Sinalubong siya ng isang kulay gintong kis

    Last Updated : 2022-09-12
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 4: Humanity

    Itinaas ni Nahara ang kanyang dalawang kamay at dahan dahang humarap sa lalaking nasa kanyang likuran. Hindi niya maiwasang mapasinghap nang ngayon ay kaharap na niya ang isang baril at nakatutok pa sa kanyang noo. "P—pasensya na po...G—gutom na gutom po kasi ako kaya...kaya pinakialaman ko na ang kusina ninyo," pikit mata niyang paliwanag. Napamulat siya ng mata nang marinig ang mahina subalit sarkastiko nitong pagtawa. "Are you expecting me to believe in those cliche reasons you're saying right now?" Tanong nito. Hindi parin nagbabago ang itsura ng lalaki. Malamig at parang galit. "T-totoo po ang sinasabi ko—" Hindi niya naituloy ang iba pa niyang sasabihin nang umalingawngaw ang putok ng baril na may kasama pagkabasag. "You're a spy aren't you? Who send you?" Sa muli ay tanong nito. Mula sa nabasag na braso, nanginginig siyang nag-angat ng tingin sa lalaki. Iniisip nitong espiya siya kaya ito galit? "H-hindi po ako espiya—" "You're not? Then just die!" "T—teka po!" Hindi ni

    Last Updated : 2022-10-19

Latest chapter

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 62: Cutting Down

    Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 61: Steer Clear

    Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 60: Weakness

    Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 59: Avira

    Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 58: Relationship

    "Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 57: Stolen Kiss

    Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 56: Inlove

    Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fúcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fúcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."Shít!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 55: Retribution

    Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 54: Emotional Torture

    "Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a

DMCA.com Protection Status