Umangat ang isang kilay ni Rain habang nakatitig sa kanya. "Malia? Who was that?" Kunot noo nitong tanong sa tinawag nitong Lolo Herman."You might haven't seen her but she's Nicolo's friend and Terrence's wife's friend too. Believe me they really have a lot of similarities. I thought it's her when the two of you came in the front yard but then this woman was way smaller than Malia and she had pale blue eyes while this one got a black one," sagot naman ng matanda."What's her real name?" Muling tanong ni Rain kay Lolo Herman."Malia Rodriguez.""Where is she now? Can I see her?"Napatitig siya sa reaksyon ni Rain. Napansin niyang interesadong- interesado ito sa babaeng pinag-uusapan nilang dalawa ng matanda. Lihim siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil bigla na lamang iyong sumikip at sumama ang kanyang pakiramdam. Akala ba niya ayaw nito sa mga babae? Bakit ngayon bigla na lang itong naging interesado kay Malia?"You can't Rain. Malia has been missing for a while now. My apo is loo
Mabilis siyang tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Rain. "Ano pong nangyari?!" Natataranta niyang tanong.Kahit na nakita na niya ito sa mas malalang kondisyon, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng takot ngayong narito ang lalaki sa harapan niya at sugatan pa. At kahit ilang beses pang mangyayari ang bagay na katulad nito, hinding hindi siya masasanay."This is nothing. We had just a little discussion with my friends that turned into a shootout," kaswal nitong sagot bago naglakad patungo sa kama ng silid.Sinundan niya ito ng nag-aalalang tingin. "May mga kaibigan po ba at discussion na magbabarilan?" Hindi niya napigilang itanong.Pero imbes ba seryosohin ang reaksyon niya, tinawanan lang siya nito at saka tamad na humiga sa kanyang kama. "Just let me rest, Nahara and stop nagging like a worried girlfriend."Hindi niya mapigilang mapasimangot. Kita niyang pumikit na ito at mukhang wala talagang planong kausapin siya. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago inili
Sandali siyang napatulala kasunod ng ilang beses na pagkurap nang bigkasin ni Rain ang mga katagang iyon. Bakit pakiramdam niya alam niya ang ibig nitong sabihin? Pero sa kabilang banda, hindi siya sigurado kung totoo nga ba ang hinuha niya. Si Rain ang klase ng taong mahirap hulaan kung ano ang pakay at iniisip nito."Akala ko ba gagamutin mo yang sugat ko? O baka balak mong tumunganga sa harap ko?" Sarkastiko nitong turan.Napatikhim siya at umiwas ng tingin sa lalaki. Ibinaling na lang niya ang kanyang atensyon sa sugat nito at hindi na nagsalita pa ni magtanong sa tunay na kahulugan ng mga salitang binitawan nito kani-kanina lamang. Ramdam niyang nasa kanya nakatutok ang mga mata ni Rain pero pilit niyang ipinagsawalang bahala ang bagay na iyon lalo pa't natatakot siyang maramdaman nito ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.Matapos niyang malinisan ang sugat nito, nakita niya ng daplis lang ang sugat ni Rain. Maingat niyang nilagyan ng ointment ang mismong tama nito bago tinakpan
Agad siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Naglakad naman si Rain palapit sa mesa habang matamang nakatitig sa kanya. Napalingon siya kay Axel na nakatingin din kay Rain. Tutok na tutok ito sa boss niya na para bang pinag-aaralan nito ang lalaki.Napatikhim siya. "Sir Rain, nagugutom po ba kayo?" Mula sa kanya, inilipat nito ang atensyon sa pagkain sa lamesa bago tumango. "I suddenly feel hungry and my arm is aching. Subuan mo'ko," masungit nitong ani saka padaskol na naupo sa pwesto niya.Kumurap-kurap siya. "P— po?""Did you turn deaf again Nahara? I'm hungry at masakit ang braso ko. I happened to be right handed kaya hindi ako makakakain ng maayos so you have to feed me.""Uh, g— ganun ba?" Nauutal niyang ani bago humila ng upuan at ipinuwesto sa tabi nito.Napatingin siya kay Axel at tipid itong nginitian. Bahagya pa siyang nagulat nang mahuli si Rain na nakatitig din pala sa kanya. Inirapan siya nito bago nilingon si Axel. "Hindi ka ba aalis? We don't need you here. Nahara c
Nagising si Nahara dahil sa banayad na sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata. Bumungad sa kanya ang kisameng kinagisnan niya kahapon. Maya maya pa'y nangunot ang kanyang noo nang mapagtanto niyang nasa kama na siya nakahiga at wala na sofa. Nilingon niya ang kabilang bahagi ng kama subalit wala doon si Rain. Kunot noo siyang napabangon at naupo sa gitna ng kama. Wala siyang maalala kung bakit siya naroon. Napatingin siya sa pintuan ng banyo kung saan narinig niyang may nagsasalita sa loob."Bring our men Calder. Equilibrium's pawns are all around the corner of the Saavedra vicinity…"Kumunot ang kanyang noo. Bakit parang pamilyar sa kanya ang salitang iyon. Mariin siyang pumikit at pilit na inaalala kung saan niya nga ba narinig ang katagang iyon. Unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tama! Ilang beses niyang narinig si Fabian at Vera na nag-uusap tungkol doon. Hindi niya nga lang masyadong matandaan kung tungkol saan subalit tandang
"Kilala mo ba si Sir Nicolo?" Untag ni Axel sa pananahimik niya.Tipid siyang ngumiti at umiling. "Hindi. Hindi ko siya kilala," pagsisinungaling niya. "Nga pala, pasensya ka na sa inasta ng boss ko kagabi," pag-iiba niya ng usapan.Nagpakawala ng isang buntong hininga si Axel bago nag-angat ng tingin. "Ayos lang."Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. "Pasensya na talaga Axel. Mainit lang talaga ang ulo ni Sir Rain kagabi kaya parang ikaw yung napagbuntunan niya ng galit.""Ganyan ba talaga siya kapag galit?" Tanong nito.Huminga siya ng malalim. "H— hindi naman. Minsan lang. Baka kasi may problema siya kaya ganun ang naging reaksyon niya kagabi.""At natitiis mo yung magaspang na pag-uugali ng boss mo na yun?" Tila hindi makapaniwala nitong tanong.Hilaw siyang natawa. "Sanay na ako sa kasungitan niya Axel tsaka kahit na ganyan ang ugali ni Sir Rain, siya ang pinakamabait na lalaking nakilala ko."Napapitlag siya nang bigla na lang nitong idinampi ang sariling palad sa kanyang no
"I need to go," paalam niya sa kanyang mga kaibigan.Pinukol siya ni Isaac ng nagtatanong na titig. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga sa ikatlong pagkakataon. "The pawn has escaped and she's been wandering around the falls. Baka mamaya makita siya ng mga tauhan ng Equilibrium na nasa paligid at kung ano pang mangyari. I don't wanna gamble my cards without seeing it, Ice" nakasimangot niyang ani."Wow. She isn't afraid of you. She keeps disobeying you, dude. Alam mo kung anong gamot sa mga babaeng matitigas ang ulo? Parusahan mo," nakangisi namang ani Zeus.Napailing na lang siya. He's not that innocent not to know what he means. "Punish your ass. Mabuti pa tumulong ka sa paghahanap at wag puro kalibugan ang pinapairal mo," angil niya bago naglakad paalis ng lugar.He used one of Terrence's motorcycles and drove it towards the little forest where the falls was located. Iniwan niya ang motor sa may kalayuan sa talon para hindi siya mapansin ng dalawa. Kailangan niya
Abot langit ang kaba ni Nahara habang hinihintay si Rain na pumasok sa silid na inukopa nilang dalawa. Panay pa ang dikit ng tenga niya sa may pinto para pakinggan ang mga kaganapan sa labas lalo pa't alam niyang naroon pa si Axel kasama si Rain. Maya maya pa, kusang bumukas ang pinto dahilan mapaatras siya sa gulat. Tiim bagang na nakatitig si Rain sa kanya habang humahakbang ito paabante. Napalunok siya at napaatras na rin ang hanggang sa naramdaman na niyang nasa gilid na siya ng kama."S—sir Rain..." Kinakabahan niyang usal.Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. "You are really getting into my nerves do you know that?""Sorry..." Nakayuko niyang ani."Sorry, sorry, sorry! You're always saying sorry yet you don't mean it dahil kung totoo yang sorry mo, you wouldn't disobey me, Nahara," malamig nitong wika bago hinawakan ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha.Napatitig siya sa galit nitong mga mata. Dahan-dahan namang hinaplos ni Rain ang kanyang pisngi gami
Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang
Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa
Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita
Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita
"Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m
Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat
Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fúcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fúcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."Shít!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para
Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b
"Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a