BLYTHE JULIANNA (ACE)... Dumiretso s'ya sa kanilang hideout matapos s'yang sunduin ng isa sa kan'yang mga taohan. Ayaw n'yang umuwi sa kan'yang penthouse dahil alam ni Luke ang bahay n'ya. Ayaw n'ya itong makita dahil masakit pa rin sa kan'ya ang naging sagot nito sa kan'ya kanina. Hindi n'ya lubos maisip kung bakit s'ya pumasok sa ganitong sitwasyon. Ngunit bilib pa rin s'ya at proud sa kan'yang sarili na kahit ganito na katindi ang nararamdaman n'ya kay Luke ay nakuha n'ya pa ring makapag-isip ng maayos at mailayo ang kan'yang sarili sa bagay na hindi n'ya dapat ginagawa. Ngunit sa loob-loob n'ya ay masakit talaga. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam s'ya ng ganito at ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nasaktan s'ya dahil sa isang lalaki. Naisip n'ya tuloy ang sinabi sa kan'ya ng kapatid na si Dos. Na masakit ang magmahal at ngayon ay naintindihan n'ya na ang mga kapatid kung bakit nababaliw ang mga ito sa mga babaeng minahal. Talaga naman palang nakakabaliw a
BLYTHE JULIANNA (ACE)...After a few days na pagmumokmok sa hideout ay nagpasya s'yang bumalik sa kan'yang trabaho at sa pagkakataong ito ay ibinuhos n'ya ang lahat ng kan'yang atensyon sa trabaho.Kailangan n'ya ng tapusin ang kan'yang misyon sa La Car's para makapagpahinga na din s'ya kaagad. Balak n'yang huwag munang tumanggap ng trabaho pagkatapos nito at naisip n'yang magbakasyon muna sa kanilang hacienda para makapag relax.Hindi pa rin s'ya umuuwi sa kan'yang penthouse at sa hideout nanatili ng ilang araw. Kahit ngayon na gusto n'ya ng magtrabaho ay sa hideout n'ya pa rin pinili na manatili.Inilabas n'ya ang kan'yang laptop at binuksan iyon. Naghintay s'ya ng ilang segundo para tuloyang bumukas ang laptop. At ng sa wakas ay bumukas na iyon ay agad s'yang nag browse para sa trabaho na gagawin n'ya.Ngunit hindi pa s'ya nakapasok ng tuloyan ay bigla namang tumunog ang private line n'ya sa messenger at nakita n'ya ang pangalan ni Pickles.Nag-isip muna s'ya ng ilang segundo kung
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Ginawa n'ya ang lahat para makapag focus sa kan'yang trabaho. At nagpapasalamat s'ya na nagtagumpay naman s'ya sa kan'yang plano. Nagawa n'yang suriin ang kabuoan ng La Car's at na memorya n'ya ang pasikot-sikot ng loob nito. At ng araw ding iyon ay natapos n'ya ang lahat. Kasunod nito ay ang pagpasok n'ya sa loob ng La Car's para kumuha ng mga ebedensya. Madali lang sa kan'ya ang ganitong gawain ngunit kahit ganon ay kailangan n'ya pa ring mag-igat sa kan'yang mga kilos. Naghanda na s'ya sa kan'yang mga gamit. Lahat ng mga gagamitin n'ya ay inilagay n'ya sa isang duffel bag. Lumabas na s'ya ng hideout ng masiguro na kumpleto na ang kan'yang mga gamit. Dumiretso s'ya sa kan'yang sasakyan at inilagay sa likuran ang kan'yang duffel bag. Umalis din agad s'ya ng maayos na ang lahat. Binaybay n'ya ang daan patungo sa La Car's ngunit balak n'ya na sa kabilang building mananatili at hindi mismo sa building ng La Car's. Gabi na at madilim ngunit hindi pa ito an
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "L-Luke!" tawag n'ya sa pangalan nito. Hinablot naman s'ya ng binata at idinikit sa pader at kasabay na binaril ang kalaban na nasa likoran n'ya kanina at hindi n'ya napansin dahil nagulat s'ya ng makilala na si Luke ang lalaking humablot sa kan'ya. Hindi s'ya sinagot ni Luke bagkus ay hinila s'ya nito patungo sa isang maliit na pinto na isa palang lagusan patungo sa labas. Matagumpay silang nakaalis sa lugar dala-dala ang mga ebedensya. Sakay sila sa motor ng binata at nakaangkas s'ya rito habang mabilis ang pagpapatakbo ni Luke sa naturang motor. Mahigpit s'yang nakayakap sa bewang ni Luke and she feels secured. Pakiramdam n'ya ay ligtas s'ya sa mga kamay ng binata. Wala silang imikan at tahimik lamang sa byahe hanggang sa makarating sila sa isang bahay na sa hinuha n'ya ay isang rest house sa ibabaw ng burol. Iba ito sa bahay na pinagdalhan sa kan'ya noong nakaraan na nasa gitna ng gubat. Nauna s'yang bumaba at sumunod naman ang lalaki. Hinawakan s'ya n
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "I love you, my princess Blythe Julianna!" malambing na sabi nito sabay lapit sa kan'ya ng mukha at muli s'yang siniil ng isang mapusok na halik na agad n'ya namang tinanggap at ginantihan. Matagal na naghinang ang kanilang mga labi na dalawa ni Luke at naghiwalay lamang sila ng kapusin ng hininga. Puno ng kislap ang mga mata ng lalaki ng magtama ang kanilang mga tingin na dalawa. "L-Luke," nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng binata. "Hmmmm!" tanging sagot nito sa kan'ya at binigyan s'ya ng maliliit na halik mula sa kan'yang noo, sa ilong hanggang sa kan'yang labi. "T-Totoo ba na ikaw ang binatilyo na tumulong sa akin noon?" atubili na tanong n'ya sa lalaki. Parang hindi pa rin kasi s'ya makapaniwala na ang lalaking iyon ay si Luke at nasa harapan n'ya na ngayon. "Yes, I am, sweetheart. Ako yong binatilyon na nakasakay sa kabayo at nadaanan ang isang batang gusgusin na trespasser sa property ng iba. Yong batang babae na sa murang edad ay napakalaka
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Mahina s'yang natawa ng bumalik sa kan'yang isip ang nangyari noong bata pa lamang s'ya. At hindi n'ya inakala na totohanin ito ni Luke at hinanap pa s'ya at sinundan dito sa Pilipinas. "So? Do I still need to break up with my girlfriend?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang tanong ni Luke. Nabaling dito ang kan'yang tingin at pinaningkitan n'ya ito ng mga mata ng magtama ang mga tingin nilang dalawa. "No! Subukan mo lang at makikita mo!" banta n'ya sa lalaki. Malakas itong tumawa ng marinig ang kan'yang sinabi na animo'y tuwang-tuwa. "Stop laughing, Muller!" singhal n'ya rito na agad naman na ikinatigil ng lalaki ngunit makikita pa rin naman sa mukha nito ang pinipigilan na ngiti. "What? I thought you wanted me to break up with my girlfriend," dagdag pa nito na halata naman na tinutukso s'ya. "Noon yon! Noong hindi ko pa alam na ako pala yong girlfriend na tinutukoy mo pero ngayon na alam ko na, it's a no way, Luke. Hmmmm!" mataray na sa
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "Are you hungry? Magluluto ako, may gusto ka bang kainin?" malambing na tanong ni Luke sa kan'ya. Nasa kama pa rin sila at naglalambing pa rin ang binata sa kan'ya. S'ya naman ay halos hindi na makapag-isip ng tama dahil sa samo't-saring emosyon. Hindi n'ya ito napaghandaan at mas lalong hindi n'ya inaasahan na mangyayari. Ngunit kahit ganon pa man ay masaya s'ya na sa wakas ay natupad na ang kan'yang inaasam-asam. Malinaw na rin sa kan'ya na walang ibang babae sa buhay ni Luke kundi s'ya lamang. "Hmmmm! I want soup," sagot n'ya rito. "Soup is it but no seafood stuff," nakangiti na sagot nito sabay halik sa tungki ng kan'yang ilong. Nakadapa kasi ang lalaki sa kan'yang ibabaw ngunit hindi naman ito mabigat dahil itinukod nito ang isang kamay sa kama para suporta. "Hindi mo nakalimutan ang allergy ko sa seafoods, ha!" "Of course! Lahat ng bagay tungkol sayo, malaki man o maliit ay nakatatak dito at dito," nakangiti na sagot nito sa kan'ya at itinuro ang
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "Are you okay?" tanong n'ya sa lalaki ng mapansin na hindi ito gumagalaw. "Y-Yeah! I'm fine! Nagulat lang ako sa sinabi mo na ninakaw mo ang files ng La Car's. Sa anong dahilan?" sagot nito sa kan'ya habang nakangiti ngunit kita naman sa mukha ang pag-alinlangan ng lalaki. "Something is off with that company, Luke. Alam ko na nagtatrabaho ka sa La Car's ngunit hindi ako magtatanong sayo tungkol sa nalalaman mo dahil unfair yon para sayo. I have so many ways to find out. Sinasabi ko lang sayo ang lahat ng ito dahil nagtanong ka sa akin at ayokong magsinungaling sayo ngunit hanggang dito lang ang pwede kong sabihin sayo," mahabang paliwanag n'ya sa lalaki. "I know, Julianna and I am aware of that. Katunayan ay inaasahan ko na ikaw ang makikita ko kanina. Alam ko ang plano mo kung bakit ka pumasok sa La Car's at nagpagawa "kuno" ng sasakyan mo na wala namang sira," kung nagulat si Luke kanina sa sinabi n'yang ninakaw n'ya ang files ng La Car's ay mas nagulat s
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Hindi s'ya binigo ni Luke. Ibinigay nito ang kan'yang cravings at masasabi n'ya na busog na busog s'ya sa sarap at pagmamahal ng kasintahan.Her breath hitched as Luke pressed against the sheets, his body heat sending a shiver down her spine. Pareho sila na parang nilalagnat dahil sa sobrang init ng mga katawan nila.Luke's hands were firm pero puno ng respeto, tracing over her skin like she was something precious to be worshipped."You drive me insane, sweetheart. I can't get over you," Luke murmured in between their kisses. His voice is low and rough with something deeper than desire.She arched her body beneath him, her fingers gripping Luke's hair. "Then stop fighting it," pabulong na sabi n'ya sa tainga ng kasintahan. Her words challenge him and she knows na panggigilan na naman s'ya ni Luke pagkatapos nitong marinig ang kan'yang sinabi dito.At hindi nga s'ya nagkamali dahil agad na nag-angat ng ulo ang lalaki at sinalubong ang kan'yang mga mata. A musc
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Hindi n'ya na kaya pa ang panunukso at pambibitin na ginagawa ni Luke sa kan'ya kaya s'ya na mismo ang kumilos at humarap sa kasintahan. At nang makaharap n'ya na ito ay s'ya na mismo ang pumalibot ng kan'yang braso sa batok ng kasintahan at siniil ito ng halik sa labi. Isang linggo na mahigpit ng may nangyari sa kanilang dalawa at pagkatapos ng unang beses na may nangyari sa kanila ay hindi na ulit ito naulit dahil hindi pa s'ya pwede. Kaya ngayon ay para na naman s'yang baliw na sabik na sabik kay Luke. Aaminin n'ya na nagugustohan n'ya na ang bagay na ito at hinahanap-hanap na din ng kan'yang katawan. Mapusok na ginantihan ni Luke ang kan'yang mga halik hanggang sa mag espadahan ang kanilang mga dila. Puno ng panggigil at kasabikan ang kanilang mga galaw na dalawa ni Luke. Ang dalawang palad nito ay nalipat sa pisngi ng kan'yang puwet at mukhang alam n'ya na ang gagawin nito kaya naman ay inihanda n'ya na ang kan'yang sarili. At ng maramdaman ang gala
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatanaw sa malawak na tanawin sa kan'yang harapan. Hindi pa rin maalis sa isip n'ya ang kan'yang natuklasan tungkol sa dalawa. Ang inaalala n'ya lang ay kung ang kuya Uno n'ya ang makatuklas sa lihim ng kanilang kapatid na si Dos. Kung s'ya lang ay wala namang problema at nirerespeto n'ya ang desisyon nito. At lihim n'yang hiniling na sana ay maintindihan din ng kuya Uno n'ya kapag nalaman nito ang tungkol sa kambal nila. Ayaw n'yang mag-away ang dalawa dahil magkagalit na si Tres at Dos dahil din sa ginawa nito na ikinasira ng pamilya ng kapatid nilang si Tres. "What are you thinking, sweetheart?" ang malambing na boses ni Luke ang pumukaw sa kan'ya. Agad nitong ipinalibot ang dalawang braso sa kan'yang bewang at niyakap s'ya mula sa likod. "You're up," s'ya rito at inihilig ang ulo sa didbib ng kasintahan. Maaga s'yang nagising at agad na dumiretso sa balkonahe habang naiwan si Luke na mahimbing na natutulog sa kanilang si
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Narating nila ang bahay ni Luke ng hindi ito umiimik. Hindi na din s'ya nagsalita dahil napuno ng mga tanong ang isip n'ya. Hindi sinagot ni Luke ang mga tanong n'ya kanina ngunit nangako naman ito na sasagutin ang lahat pagdating nila sa bahay nito. Lumapag sa helipad ang helicopter na sinasakyan nila at agad s'yang bumaba. Si Luke naman ay kinuha ang kanilang mga gamit bago sumunod sa kan'ya. Tahimik nilang binabagtas ang hagdan pababa sa bahay nito at nagulat s'ya ng mabungaran ang kapatid na si Dos sa sala ng bahay ni Luke. Ngayon ay nasagot ang isang tanong n'ya kanina, na magkakilala ang dalawang lalaki. Patunay lang ang biglang pagsugod ni Dos sa bahay ni Luke at alam nito kung saan nakatirik ang bahay na ito ng kan'yang kasintahan. Malamig at blangko ang kan'yang reaction ng makita ang kapatid. Kung gaano ka blangko ang reaction sa mukha nito ay ganon din ang ipinakita n'ya sa kapatid. "Ace! Let's talk!" may diin na sabi ng kapatid sa kan'ya.
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Ace!" "Julianna!" magkasabay na sigaw ng dalawang lalaki sa kan'yang pangalan ng makita s'ya na bumulagta sa sahig dahil sa pagbaril sa kan'ya ni Raffish. At kasunod sa pagsigaw ng dalawang lalaki na kasama n'ya ay ang pagbulagta ng katawan ni Raffish sa sahig habang naliligo sa sariling dugo. "Sweetheart," nababahala at puno ng pag-alala na tawag sa kan'ya ni Luke ng lapitan s'ya nito. Nginitian n'ya ang kasintahan at itinaas ang kan'yang kamay para haplusin ang pisngi nito. "Thank you! Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbaril ni Raffish sa akin at kung hindi mo ako pinilit na magsuot ng bullet proof vest ay baka napurohan na ako," s'ya kay Luke. Nakita n'ya ang pagkawala ng pag-alala sa mukha nito ng marinig ang kan'yang sinabi. Nakalimutan din yata nito na pinilit s'ya nito kanina na isuot ang vest para extra protection. Ngayon n'ya napatunayan na tama ang lalaki sa pagpilit sa kan'ya kanina na magsuot. "Fvck! You scared me, sweetheart. Akala ko ay—
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "Kuya Dos," matigas na sambit n'ya sa pangalan ng kapatid na s'yang kausap ng mga taga La Car's. "Fvck! It's him!" dagdag n'ya pa habang nakatingin sa kapatid na walang ka emo-emosyon ang mukha. Nagharap na ang mga ito at ganon na lang ang kan'yang mura ng magsibunot ng mga baril ang mga kaharap ni Luke. "Luke, that's my brother! Let me handle him!" pagbibigay alam n'ya sa kasintahan. Alam n'ya na kailangan n'yang hulihin ang mga tao na nasa likod ng malaking sindikato ngunit kapatid n'ya pa rin si Dos at pareho ang dugo na nasa katawan nila. Ilang beses n'yang inulit ang kan'yang sinabi kay Luke ngunit wala s'yang tugon na narinig mula sa kasintahan na ikinataranta n'ya lalo na ng magsimula ng magpalitan ng putok ang grupo. "Damn it!" Mabilis n'yang inayos ang kan'yang position at nagsimula ng isa-isahin ang mga kalaban na nakikita mula sa kan'yang kinaroroonan. Hinanap n'ya si Dos ngunit hindi n'ya na ito namataan sa grupo ng mga kalalakihan, ganon din
BLYTHE JULIANNA (ACE)...The time has come at iniwan na s'ya ni Luke sa kan'yang kinaroroonan para pumunta sa kabilang building. Nakasunod ang kan'yang sniper gun kung saan ay may nakakabit na scoop at nakikita n'ya mula rito ang lalaki.Ayaw n'yang maalis sa kan'yang paningin si Luke kaya hangga't maaari ay susundan n'ya ito ng kan'yang paningin. Hindi muna ito dumiretso sa La Car's. Tumigil ito sa tagong bahagi sa baba at nagmatyag sa paligid."Did you see something, sweetheart?" narinig n'yang tanong nito mula sa suot na earpiece."Yeah!" wala sa sarili na sagot n'ya rito."What is it?" tanong nito pabalik sa kan'ya."A handsome man!""Handsome man? What the fvck! Who is the handsome man na tinitingnan mo ngayon, Ace?" may diin na tanong nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa dahil kita mula sa kan'yang kinaroroonan ang paglabas ng mga ugat sa leeg ni Luke tanda na galit ito."The man I love the most. Hmmmmm," pilyang sagot n'ya rito. Tumingala sa kan'yang kinaroroonan ang binata at
BLYTHE JULIANNA (ACE)...She agreed to work with Luke and after a week of resting for Luke to fully recover they started their plan.Ngunit kahit nasa bahay lang sila nito ay nagtatrabaho silang dalawa. Since si Luke ang may alam ng pasikot-sikot sa La Car's ay madali para sa kanilang dalawa ang pagplano.At natutuwa s'ya sa ginagawa nilang dalawa ng kasintahan. Kakaiba magtrabaho si Luke at masasabi n'ya na napapahanga s'ya ng lalaki sa mga ideya at katalinuhan nito. Hindi lamang ito gwapo at maganda ang pangangatawan. Puno din ng talino si Luke at kakaiba kung mag plano.Pulido at pinag-aaralan ng mabuti. Matagal na s'ya sa ganitong trabaho ngunit ang ipinakita sa kan'ya ni Luke ay kakaiba."Are you ready?" tanong sa kan'ya ng kasintahan. Pareho silang nag-aayos ng kanilang mga kakailanganin sa paglusob sa La Car's mamayang gabi. May magaganap na transaction mamaya sa La Car's at darating ang big boss ng naturang sindikato at hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito.Nakaplano
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nasa bahay sila ni Luke sa Tagaytay at kasalukuyan s'yang nasa balkonahe at nililinis ang kan'yang mga baril.Nang masiguro na maayos na ang kalagayan ni Luke ay umuwi na sila at dito sila dumiretso sa bahay nito sa Tagaytay. Alam n'ya na may nakakaalam kung nasaan sila ngayon dahil sa parehong nangyaring ambush sa kanilang dalawa at sigurado s'ya na may nakasunod sa bawat galaw nila ni Luke.Ngunit hindi s'ya takot dahil alam n'ya na kayang-kaya nilang labanan ni Luke ang mga kalaban. At hindi na din s'ya nag protesta ng sinabi ng kasintahan kanina na dito sila uuwi na dalawa.Alam n'ya na may dahilan kung bakit dito sila dumiretso. At may tiwala s'ya sa lalaki at alam n'ya na ginagawa nito ang tama.Nasa mataas na bahagi sila ng lugar at mula sa kan'yang kinaroroonan ay kitang-kita ang baba. May mataas na bakod ang bahay ni Luke at ngayon n'ya lang napansin na kakaibang bakod ang mayroon sa bahay nito.Lihim s'yang napangisi dahil ngayon ay naintindihan n'y