After a week of knowing that she was indeed pregnant, and after several deep thinking, Ezaiyah finally made up her mind--- hahanapin niya si Chase.Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng paghahanap sa lalaki. Basta, gusto niya lang subukan. She's willing to give everything. Mangyari lang ang gusto niya na mahanap ang lalaki.Kaya naman kinaumagahan ay maaga siyang nagbihis at gumayak. Plano niyang umalis nang maaga nang sa ganoon ay maging mahaba rin ang oras ng paghahanap niya.Knowing that she is pregnant, hindi naging madali para sa kanya ang paggising maaga. She had to endure morning sickness."Come on, baby. Don't be hard on mommy. I have to find your dad. Don't be so rude, please. I need your cooperation right now. I badly do." pakiusap niya pa sa anak habang hinahaplos ang tiyan niya na nagsisimula nang umumbok.Mula nang malaman niya na nagdadalang tao siya ay naging maingat na siya sa lahat ng ikinikilos niya. Maging si Haydie ay naging extra caring at extra attentive r
Gaya ng ipinangako, ginawa ni Haydie ang lahat upang matagpuan lang ang lalaking gustong hanapin ng anak.She tried everything. From hiring high-profile private investigators and detectives to contacting everyone she knew, both powerful figures and not, hoping to get help or even a hint about the man named 'Chase' who fortunately or not, is the father of Ezaiyah's baby.Haydie is totally clueless about him. Ang tanging meron lang siya na may koneksyon dito ay ang mga salita at description na naikwento sa kanya ni Ezaiyah. And oh, the picture she has seen on Ezaiyah's belongings.Kaya sa umpisa pa lang ay inaasahan niya na talaga na magiging mahirap ang proseso ng paghahanap sa lalaki. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi pa natatapos ang araw ay nagawa niya nang magkaroon ng impormasyon--- hindi lang basta bastang katiting na impormasyon mula sa lalaki. She was even able to know several things about him. And she got that, with just a single phone call.Gaya kasi ng nabanggit ni
After that concert and the fainting incident, Chase found it more difficult to take Ezaiyah behind his mind.Mas lalo niya itong naisip. Mas madalas pang naaalala. Hanggang sa punto na makailang beses niya nang tinangka na gumawa ng paraan para makita ito ulit.Salamat na lang dahil kahit papaano ay may natitira pa rin siyang lakas ng loob na paglabanan ang mga pagnanais niyang iyon patungkol sa dalaga.As usual, pinapanatili niya ang sarili niya na subsob sa pagtatrabaho. He always made sure that he is the best. He does everything with the most effort. Sa ganoong paraan ay mas andi distract siya at kahit papaano ay nababawasang ang pangungulila niya sa dalaga.But despite everything he did in able to encounter countless distractions, at the end of the day, the thought of Ezaiyah is still haunting him. Lagi niyang naalala lahat ng pinagdaanan nila ng magkasama. Mula sa pangungulit nito sa kanya nang una silang magkita sa sakayan ng bangka, hanggang sa hindi nila inaasahang trahedya, h
Habang tinatahak ni Ezaiyah ang daan patungo sa pinagtatrabahuhan umano ni Chase ay hindi niya maiwasang balutin ng pagdududa.May kung ano sa kanya na nagsasabing mabibigo siya at hindi niya na makikita pang muli ang lalaki na minsan niyang nakasama sa Isla Amore.Pero ngayon na narinig niya na ang boses nito at nakikita niya na itong nakatayo sa harapan niya, she just know that it is indeed true. Nagkita na silang muli ni Chase!Agad siyang nakaramdam ng lubos na kasiyahan, iyon ay kahit pa gulat lang ang tanging nakikita niyang emosyon sa mukha ng lalaki."Ano'ng ginagawa mo rito?"Napalunok siya.Unti unti ring nawala ang matatamis at sabik na ngiti sa mga labi niya. Tama ba ang pagkakarinig niya sa mga sinabi ng lalaki? He's asking her what she's doing there? And his tone... It was cold. Parehong pareho sa walang emosyon at nakakapanginig na tinig nito noong una pa lang nilang pagkikita.And as expected, in an instant, she felt hurt.Pero ganoon pa man ay pinili pa rin niya na m
Just as when Ezaiyah thought that Chase would hit his head hard on a rock and suddenly felt even a bit of concern towards her once again, her expectations fell into nothingness. Again.Kaya matapos ang huling katagang binitiwan nito ay hindi na siya nagtangka na sumagot pa. Umalis na lang siya sa opisina ni Chase, mabigat ang loob.At hanggang ngayon na nagmamaneho na siya pabalik sa kanila ay halos paulit ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang lahat ng naganap kanina. At lahat ng salitang binitawan sa kanya ng lalaki... paulit ulit din na tila naririnig niya iyon at paulit ulit din na pakiramdam niya ay sinasaksak siya.She came to his place with a happy and hopeful heart. Pero ngayon, wala na iyon. Ang tanging nararamdaman niya na lang ang bigat ng loob. And that happy and hopeful heart of hers before? Ayun, halos mapulbos na sa sobrang pagkadurog bunga ng ginawa ni Chase.Napahinga siya ng malalim.Hindi niya lubos maisip na magiging ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Oo, alam
Upon thinking, everything he had said to Ezaiyah earlier came running back to his mind.At ngayon na nahismasmasan na siya kahit papaano, parang bigla ay pinagsisisihan niya na ang mga sinabi niya rito kanina. Pero para saan pa nga ba? Huli na ang lahat.And you should thank yourself, anyway. Binakuran mo lang ang sarili mo. By that, hindi ka na masasaktan ulit ng malala. And so is she.Tama.Napagpasyahan niya na kalimutan na lang pansamantala ang ukol sa bagay na iyon. Kahit anong tungkol kay Ezaiyah. He has his own life to live, anyway. Mas makabubuti kung iyon na lang ang asikasuhin niya kaysa ang kung anu ano pang bagay. Muli niyang ibinaling ang atensyon niya sa kung anong ginagawa niya. That was when he realized that everything is almost done. Napatingin siya sa orasan at doon niya lang din napagtanto na halos sampung minuto na lang pala at uwian na rin.He immediately thinks of abrupt plans to kill his remaining time in the office.Inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan
"We're very sorry to let you know that she's in the emergency room right now. She had a car accident and we need someone related to her to come immediately." It's been an hour since Chase got that call. At isang oras na rin halos mula nang makarating siya sa ospital na iyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung ano na ba ang lagay ni Ezaiyah. Nasa emergency room pa rin ito.Naiinis siya sa sarili niya na wala man lang siyang magawa para kahit papaano ay bumuti ang kalagayan nito. Nandoon lang siya, sa labas ng emergency room at naiinis sa sarili. Sinisisi niya ang sarili niya sa lahat ng nangyayari ngayon. Lalo na ang pagkasangkot ni Ezaiyah sa aksidente."Hello, excuse me. Do you know the woman inside by chance? Ikaw ba ang nagdala sa kanya rito sa ospital?"Napaangat ang tingin niya sa babaeng nagsalita. The woman even put her hand right on his shoulder.Maganda ang babae at halatang mayaman. Though she looks like in her late fourties. May kasama rin itong matangkad
Ezaiyah woke up from what seemed to be a very deep sleep.Nang imulat niya ang mga mata niya ay sinalubong siya ng napakagandang paligid. It was nature. Maraming malalagong puno sa paligid--- hitik sa bunga at mga bulaklak. Napakabango. Banayad din ang simoy ng hangin na tila ba ipinaghehele siya para makatulog ulit. Sobra rin ang liwanag doon, pero sa kabila noon ay hindi siya nasisilaw.Bunga ng kuryosidad ay nabangon siya. Tsaka niya lang napagtanto na nakaupo lang siyang nakatulog at ang tanging nagsilbing unan niya ay ang magkapatong niyang mga kamay na nasa ibabaw ng isang napakalinis at kumikinang pa na bato.Nasaan ba ako?Kung titingnan ang lugar, maihahalintulad niya iyon sa perpektong deskripsyon ng paraiso. Iyon nga lamang ay walang dagat. Ang meron lang doon ay batis na napakalinis kung saan matatagpuan ang ilang mumunting hayop na nagliliwaliw.Napangiti siya.Kung saan man siya naroroon ngayon ay isa lang ang tiyak niya--- masaya siya.Pero bakit ako napunta rito? What